mrratskii-blog
mrratskii-blog
HAO
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
mrratskii-blog · 7 years ago
Text
Pagsusuri Philippine Contemporary Aesthetics
Ni: Alice G. Guillermo
Sa textong aking nabasa, pinapatungkol dito ang kung ano ba ang mabuting ehemplo ng aesthetics sa bansa pilang kabilang tayo sa third world country o umuunlad/pag-unlad ng bansa at kung saan ba ito nagsimula. Ang aesthetic ay may tatlong saligan. Una, ito sanghay ng pilosopiya na kung saan pinapakita o pinapahalagahan nito ang kagandahan ng bagay, pormal at maaaring makaimpluwensya sa kultura. Pangalawa, may kaugnayan sa kasaysayan at lipunan na mayroong makabuluhang mensahe sa likod nito at panghuli, pinapahiwatig na ang bawat lipunan ay nagbabago ng sarili nitong aesthetics mula sa makasaysayang karanasan nito. Sinasabi rin dito na ang pilipinas ay pluralista at mayroong ibat ibang katangian dahil sa mayroon ibat ibang relihiyon ang bansa tulad ng kristiyano na mas marami kaysa sa islam na kung saan kinakailangang igalang at pahalagahan ang mga magkakaibang kontribusyon na ito sa ating pambansang kultura at hindi sumusukat sa pagkakaiba nito. Nang masakop ang pilipinas mula sa kanluran, espanya at amerika, nagkaroon ng iba't ibang ideolohiya at pananaw sa kultura ng sining. Ang mga maranaws at tausogs na parte ng islam na grupo dahil sa mataas ang kanilang political na organisasiyon, matagumpay na nilabanan ang pagsisikap ng espanya na sakupin ito. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakaiba at pagtanggap nito sa ating tradisyon upang makilala ang may likha nito.
Noon, pinaniniwalaan nila na ang lahat ng bagay ay may buhay o tinatawag na animism. Mayroong din malaking pagkahilig sa kurba o curvilinear lines na kadalasan makikita sa wood carvings, drawings at paintings na pagpapakita ng pagpapala at katamisan. Sa kanilang pag-gawa, gumagamit sila ng iba't ibang materyal. Naging kapansin-pansin din ang gawa ng wood carves na gawa sa abaca fiber at Ifugao naman ay mantel na kaibahan ng itim at pula.
Sa kaso sa pilipinas, isang talakayan ng katutubo ang aesthetics ay nagbibigay ng diin sa mga katangian nito sa tradisyonal na sining ng pilipinas hindi katulad ng ibang bansa sa asya ay may katutubong pag-ukit ng istilo. Para sa akin, dahil nasakop tayo ng mga dayuhan, nagkaroon tayo ng iba't ibang pananaw patungkol sa sining na mayroon tayo. Naghahalo-halo ang mga ideya at pagturo sa atin nito. Huwag balewalain ang naituro sa atin ng mga ninuno natin dahil para sa akin, malaki ang naging impluwensya nila para imulat satin na mayroon at di pa rin nawawala ang sarili nating sining. 'wag din sana dumating sa puntong ang pinaghirapan at pinagsumikapan ay isa na lamang basura sa ating bayan.
2 notes · View notes