Mabuhay! Hindi ako Hapon, para kasing Jap yung salitang “nakitako” gaya ng ajinomoto, seiko, hitachi atbp . Pero dalawang word talaga yan, “nakita” at “ko”, “nakita ko”. Kaya pasyal kayo lagi dito ng makita nyo ang mga nakita ko. (click follow me button na nasa upper right ng page) pm at [email protected]
Ang mga ganitong pusa daw kadalasan ay bingi. Pero itong si Puting ay hindi bingi, katunayan ang tukso namin sa kanya ay si "kalatog pinggan". Sugod agad basta marinig ang ingay ng kainan.
Ang cute! ang ganda! pero sa kanyang mga mata iyong makikita ang lungkot. Ikaw ba naman ang sakyan ng iba't-ibang tao araw-araw ewan ko lang kung di ka mabugnot. At marahil isa ka na sa sumakay sa kanya para magpapicture. Katabi ng kabayong ito ang isang napakalalim na bangin, what if dumating ang time na sumabog na siya sa inis at ihulog ka sa bangin?
Pangasinan Governor Amado Espino involved daw sa “jueteng"?. (see Inquirer News) Kung ikaw ay isang mahilig tumaya sa Jueteng anong numero ang tatayaan mo base sa balita at base sa picture? Singko sais! bilang ng letra sa pangalan ni Gov at Uno katorse naman ang nasa picture (isang kubrador at #14 sa jogging pants).
Ang Jueteng ay paboritong larong numero ng mga mahihirap na nagbabakasakaling makaswerte. Pero iba ang kwento ng aking kapitbahay, sinuwerte sya pero minalas din. Ganito ang kwento, tumama sya sa Jueteng ng Php9,000 kaya nag-inuman sila. Nang siya ay malasing, naaksidente sya sa motor at gumastos sya ng halos Php100,000. Kaya sa halip na magkapera nag negative pa at di lang yon, natigil pa sya sa trabaho dahil sa natamong injury sa paa.
Sa P2.5 million every week daw na tinatanggap ni gob, ang mayaman lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong naghihirap. O ano tataya ka pa ba?
May sniffing deterrent na pala ang Rugby ngayon at ito daw ay magreresulta ng pagkahilo at hirap sa paghinga. So pwede itong magdulot ng mas mabilis na pagka-HI or mabilis mamatay . Malalaman natin ang resulta kapag nadagdagan o nabawasan na ang mga rugby adik sa Pinas.