Mga Kwento at Sulatin ukol sa isang bagay na tinatawag na pagibig! :)
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pananaw ko sa Romantic Love (shit)
Pagibig sa konseptong pang romantiko? HAHAHAHAHA eto, para saken, ay isa sa mga salitang kinokonsidera ko bilang isang biro. Oo naniniwala ako sa salitang pagibig kung sa general na aspeto mo ilalarawan o ipapaliwanag. Pero hindi sa romantikong paraan. Merong tatlong klase ng pagibig.
Una, Pagibig ng magulang, eto ung klase ng pagibig na madarama mo sa magulang mo syempre, madarama mo rin ito sa mga tito at tita mo. Eto ung klase ng pagibig na may dominion pero mararamdaman mo ung PAG IBIG o pagmamahal nila sayo.
Pangalawa, pagibig ng kaibigan, dito mo mararamdaman na kaibigan mo ang isang tao kapag andyan sya palagi, through thick and thin kumbaga, madalas kang payuhan ng kagaguhan pero kapag seryoso na ang problema dyan mo maaasahan yan. Ganyan umibig ang isang kaibigan (sa konsepto ng pagkakaibigan, walang halong romantic shit ‘to).
Pangatlo, ang klase ng pagibig na kung saan hindi ako naniniwala, Pagibig na romantiko o romantic love naalala ko noong bata ako kapag nakakapanood ako ng pelikula o animated series na tungkol sa pagibig lagi kong ninanais o ginugusto na magkatuluyan yung bidang lalake at babae, nakakakilig kasi at ang saya lang kapag ganon ung nangyayare. Pero nung lumaki laki ako unti unting nagiba ang tingin ko sa romantic love na yan. Bakit kamo? Naalala ko pa nun nung highschool ako nagtanong tanong ako sa mga pinsan ko na mas matanda saken kung ano ang pakiramdam kapag umiibig o nagmamahal ka, tandang tanda ko ang mga sinabi nila saken non, ibat’ibang salita man iyon pero iisa ang ibig sabihin: “Pag umiibig ka, nagkakagusto ka, nagmamahal ka ng isang tao, dito mo mararamdaman ung kilig, pag-asa, saya, lungkot, pait at syempre SAKIT.”
Nung narinig ko yon, naisip ko na iba pala talaga ang dulot ng pagibig na iyan sari saring emotions ang pwedeng maramdaman, marami rin ang pwedeng gawen sayo, at magawa mo sa isang tao pwede ka nilang/mo silang gustuhin, ayawan, mahalin, saktan, paasahin, gaguhin, lahat na. pero syempre ganoon talaga ang pagmamahal eh, masasaktan ka, makakasakit ka. paiiyakin ka, may paiiyakin ka,. May mang gagago, may magagago. May magpapaasa, may aasa. Kumbaga sa sandata eh. Ito ung tinatawag na double edged sword, na pwede ring makaapekto sa gumagamit ng partikyular na sandata
Pero eto ang tanong bakit nga ba hindi na ko naniniwala sa romantic love na yan? Bakit nga ba? Hahaha meron tayong mga factors to consider sa bagay na to. Una, maraming tao ang nabubulag sa mga salita. Madalas kasi sa ibang tao ngayon, they fall for words rather than actions, iyong tipo na sabihan ka lang ng “Ikaw lang wala ng iba” at marami pang ibang mga salita, nahuhulog na agad sila. Oo aaminin ko isa ako sa mga nabiktima ng mga ganitong klaseng tao. Naalala ko nun (mga dalawang taon na ang nakararaan) sinabe nya saken na may feelings na daw sya saken, akala ko totoong feelings. Feeling ko lang pala. Gago.
Pangalawa, may mga tao na madaling mahulog, medyo self-explanatory na ‘to kaya hindi ko na masyado ieelaborate .Pero eto na may mga tao na madaling mahulog sa isang tao kapag madalas na laging andyan ang isang tao para sa sa’yo comfort here, comfort there. Kapag may pinakitang magandang quality ang isang tao sa’yo kahit hindi naman ganon ung gusto nyang ipakita, talagang mabait lang sya. maffall ka, kasi un ung hinahanap mo sa isang tao. Kahit na anong qualities pa yan basta hinahanap at hinahanap mo mahuhulog ka talaga. Tanga ka eh, hindi rin naman bago saken tong factor na to, sa katunayan nga dahil sa pagkadali kong mahulog noon. Nahulog nga ako sa isang tao na mananakit lang pala saken, wala eh, tanga eh
Pangatlo, Maraming paasa. Sila ung mga taong pakikiligin ka lang sa una tapos kapag nahuhulog ka na, saka ka naman iiwan. Eto ung mga taong karapat dapat tawaging gago. alam nyo. Self-explanatory na ren to kaya hindi ko na masyadong i-elaborate. Basta eto ung mga taong kunwari andyan para sayo, sasabihin nila na walang magagalit tapos mayroon na lang lalakeng mag chachat sayo sasabihin “ang tikas mo pre ah” o kaya naman “bakit mo nilalandi BF ko”. Sila ren ung mga taong kunwari special ka tapos hindi naman pala. Ang panlaban lang nila ditto is ung katagang “bakit ka umasa” o kaya naman “walang paasa kung hindi magaassume”. Isang rebelasyon ulit, isa rin ako sa mga nabiktima neto, 2 years ago din ibang babae naman HAHAHAHA. Kaya pala di na ko kinakausap kasi may BF na sya. Lagi kong inaalala ung sweet messages namin together, phone talks mula gabe hanggang madaling araw. Tapos malalaman ko ganon kupal amp.
Napakaraming mga dapat ikonsidera para hindi na ako maniwala sa romantic love shit na ‘yan pero hindi ko na masasabe lahat yon haha. Hindi na ko naniniwala dyan kasi halos lahat naman ng gawen ko or namin (kasi hindi naman ako nagiisa) hindi nasusuklian. Minsan natanong na nga naming sa sarili namin na “bakit ung mga minamahal naming hindi kame minamahal pabalik?” hanggang ngayon hindi na ren namin alam ang sagot, nakakasawa na rin maghanap ng sagot at nakakpagod na rin magantay. Kaya ayon eto ako kuntento na sa panonood ng….. Series saka Anime, paglalaro ng computer games at syempre KUMAIN.
0 notes
Text
Paano mag move-on
Pag ibig. Isang bagay na may mangilan ngilang kahahantungan, pwede kang mahalin, saktan, iwanan, gaguhin, paasahin, at maging masaya. pero kung sasabihin naten sa madaling paraan. Merong dalawang pinaka patutunguhan etong pagibig na to ang happy ending at syempre ung sad ending. na maging ako man ay hindi nakaligtas sa isa sa mga pwedeng kahantungan nito, Naaalala ko noon nung unang beses akong NAGMAHAL. Oo marami akong crush noong ako ay nasa highschool pa lamang pero lahat naman yun eh hanggang doon na lang haha, balik tayo sa unang beses akong nagmahal. Nakilala ko sya noong first year college ako sa isang magandang school sa Antipolo nung una hindi ko sya gaanong natatanaw o napapansin dahil na rin siguro subsob ako sa pagaaral (weh) hahaha. Days have passed medyo naging close na kame netong babaeng to and that’s when i started noticing her, talaga namang mapapansin mo tong babaeng to eh kalog, mapang asar, simple, maganda boses, maganda rin ung brown eyes nya, sya yung babaeng simple pero rak? Haha ung kadalasang hinahanap ng goodboy na lalake sa isang babae. Napadalas na rin ung pag chachat namin ng babae na to hanggang sa dumating ung finals ng first sem kinailangan nyang umalis dahil lilipat na sya. Actually naging manliligaw nya ko and i was ready to present my self sa family nya until one day nalaman ko na mas gusto nya bestfriend ko. So ano nga bang pinaglalaban ko dito, dito ko na ipapasok yung tanong na Pano nga ba mag move on? Syempre, sa una masakit talaga yan. Its just that you need time to accept everything pero hindi naman lahat madali kagaya nga ng sabe nila TRUST THE PROCESS sa pag momove on merong limang stages,
Una, Denial/Relapse. Dito sa stage na ito bumababalik lahat, memories, mga sinabe nya sayo, binigay nya sayo, and such. Dito din yung naaalala mo lahat, sa lugar na pinuntahan nyo, mga kinain nyo and such. May ibang cases pa nga na yung iba is meron mga “sana”, sana pala.. sana ganto.. sana lahat..
Pangalawa, Borderline mania, dito sa stage na ito, dito mo na naiisip na maghanap ng bagong gagawen, bagong pagkakaabalahan. At kapag nahanap mo na ung mga bagay na magpapabusy na sayo ituloy tuloy mo na yan its a step para makausad ka na rin
Pangatlo, Anger, isa sa pinakapanget na phase sa pag momove on, kumbaga dito mo na nilalabas ung galit mo sa kanya, sa taong nagustuhan nya nung naghiwalay kayo, mga nakausap nya, hindi ko na ieelaborate to kasi medyo self-explanatory na ren sya. Basta dito sa stage na ito. Nailalabas mo ung galit mo sa kanya parang ganto “Minahal mo ba talaga ko? O ginawa mo lang akong panakip butas?”, “ if you really loved me, you’re not gonna hurt me like this!”
Pang-apat, Sadness, kung may pinaka panget na phase o stage sa pagmomove on, eh eto na siguro ung pinaka malungkot at pinaka masakit from the word itself SADness. Pero isa ito sa signs na malapit ka ng gumaling o mag heal. You’re ready to move on. Importante rin yung pagiging honest mo sa feelings mo, if you’re sad, then you’re sad, hindi uso ang mag tigas-tigasan, kunwari okay ka pero hindi. Edi lumalabas na niloloko mo lang sarili mo. You should allow you’re self to feel sad that things did not work out the way you want to be, normal yan. Ang disadvantage lang kapag naglinger ka sa stage na to for too long, may possibility na tumagal yung process ng pagmo-move forward mo. Accept offers from the people in your life na nagmamahal sayo, lean on them and keep them close para may masandalan ka. Lumabas ka, Gumawa ka ng mga bagay na ikasasaya mo, make yourself busy and mas maganda sumubok ng mga bagong bagay! dont wallow 24/7 *thumbs up*
At syempre! Panglima, and LAST BUT NOT THE FUCKING LEAST!! Acceptance! It will probably happen one day when you least expect it. Dito na gagaan ung pakiramdam mo ng hindi mo napapansin, hindi mo na kailangan magaalangan o magpapilit na lumabas or gumawa ng mga bagay na masasaya kasama mga kaibigan mo. Kapag nakikita mo ung pictures nya, or mga lugar na pinuntahan nyo, wala na lang sayo yun, kasi nga you accepted the fact that you’re never meant to be and natapos na yung KAYO. Sa point na to you may even find your self restored than your old self. After ng napagdaanan mo, mas better ka na, emotionally matured and ready ka na sa anumang bagay ang pwedeng ibato ni life
Tandaan nyo guys ang pagmomove-on ay hindi minamadali. Ako it took me 3 years before i can move on ang gaan sa feeling lalo na’t nasettle mo na ung score sa pagitan nyong dalawa. Well, what’s better is that naka move on ka, naka survive ka during those dark times in terms of love diba kahit gano pa katagal yan, ayon nga sa isang paborito kong youtuber na si roger raker “Walang gamot sa pusong nagsurusa kundi panahon” at ayon rin sa isang anime character na si Erza Scarlet: “Moving on doesn't mean you forget about things. It just means you have to accept what's happened and continue living.”
1 note
·
View note