Tumgik
pighati · 11 months
Text
Damdaming  matagal nang naghihikahos pero di kayang patayin.
1 note · View note
pighati · 1 year
Text
Siguro lahat tayo may mga kwentong nakaimbak sa isipan. Mga kwentong di natin alam kung paano sisimulan o kung paano bubuohin. 
0 notes
pighati · 2 years
Text
Kung Paano Hindi Naging Tayo
Sampong taon.
Ganyan katagal tayong magkakila.
Minsan naiisip ko kilala nga ba talaga kita?
Oo, kilala kita.
Mula sa kung paano kumunot ang noo mo kapag may napansin kang hindi mo gusto. Kung paano mawala ang mga mata mo sa tuwing ngingiti ka.
Alam ko rin ang paboritong mong kulay, ang mga kantang laging mong pinapakinggan, mga pelikulang ilang beses mo ng pinanood pati na rin ang mga linyang kinabisado mo.
Sinumulan kong pakinggan ang mga bandang gusto mo, panoorin ang mga paborito mong pelikula, bilhin halos lahat na libro ng paborito mong manunulat.
Para saan? Para may pag-usapan tayong dalawa. Yun lang yun.
Magdamag tayong magkausap sa chat tungkol sa mga bagay sa skwelahan, mga assignment, project, reaction paper.
Humihingi ka ng recommendation ng magagandang kanta o magaling na banda. Na sa totoo lang ay pinagdadamot ko talaga, pero ibibigay ko pa din.
Para saan? Para may pag-usapan tayo. Yun lang yun.
Sabay tayong tumatawa sa mga inside joke na tayo dalawa lamang ang nakakaintindi. Kakanta ng mga tugtogin na tayong dalawa lang sa buong klase ang may alam.
"Oy! baka madevelop kayo." Biro ng isang kaklase natin.
Tumawa lang tayong dalawa at sabay sumagot na "Wala kang pake." At saka muling tumawa.
Tumawa ako. Oo. Tumawa ako.
Dahil akala ko kasi dun ang punta natig dalawa.
Hanggang isang araw. Isang araw na sana hindi na dumating.
Pinakilala mo ako sa babaeng kasama mo bilang "Bestfriend"
Ngumiti ako. Oo, Ngumiti na lang ako.
6 notes · View notes
pighati · 2 years
Text
Lipas na damdamin
Baka pwedeng mo akong ibalik sa panahon noong meron pa akong nararamdaman para sa’yo. 
0 notes
pighati · 2 years
Text
Ang bawat sandali na mararansan natin ngayon ang magiging alaala na lang bukas. Alaala na baka hindi tumatak sa isipan natin.
1 note · View note
pighati · 3 years
Text
Yung biglaang pag transition mula sa pagiging (angsty) teenager to tax payer. Nakakabigla talaga.
Isipin mo dati, puro barkada at crush lang inaatupag mo tapos biglang pag lipas nang ilang araw, mapapawow ka na lang dahil ganun-ganun lang isa ka na palang "adult".
0 notes
pighati · 4 years
Text
Minsan napapatanong sila kung bakit hindi sila ang pinili?
Baka naman kasi hindi sila kasali sa choices.
5 notes · View notes
pighati · 4 years
Text
Ang mas mahalaga ay ang damdamin mo. Hindi na bale kung hindi masuklian ang lihim mong pagtingin, ang importante ay alam mo sa sarili mo na totoo ang naramdaman/nararamdaman mo.
2 notes · View notes
pighati · 4 years
Text
Umiwas akong magsulat dahil baka sa oras na magsimula muli ako ay tungkol na naman sa'yo ang magawa ko. Ayokong patayin ang kagustohan kong magsulat, dahil lang sa takot na baka maisip na naman kita, na baka magbalik na naman ang mga damdamin na alam kong lipas na.
4 notes · View notes
pighati · 4 years
Text
May isang laban na kung saan ay tayo rin ang magwawagi.
2 notes · View notes
pighati · 4 years
Text
Nakaupo, Nakatulala, at Iniisip ang mga damdaming lipas na.
1 note · View note
pighati · 4 years
Text
Tumblr media
Nakakamiss din tumambay sa seaside ng MOA habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Tapos mag muni-muni tungkol sa mga desisyon sa buhay. "Tama ba ang landas na tinatahak ko?", "Hanggang dito na lang ba ako?".
8 notes · View notes
pighati · 4 years
Text
Isa kang awitin na hindi ko kayang pakinggan ng buo.
2 notes · View notes
pighati · 4 years
Text
Tumblr media
2 notes · View notes
pighati · 4 years
Text
Gusto kita, pero hindi ibig sabihin noon ay gusto kitang maging akin.
1 note · View note
pighati · 4 years
Text
Sana malaman nila na hindi laging pag-ibig ang problema natin.
2 notes · View notes
pighati · 4 years
Text
Lumilipad na naman ang isipan. Naghahanap ng mga maling nagawa at muling sisihin ang sarili.
2 notes · View notes