Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo

(BlueRose) turned 5 today!
2 notes
·
View notes
Text
Sonnet
Pag-ibig ni Ina
Ni S.L
Sa istorya ng buhay ng isang ina
Tunay na pagibig ay makikita
Di man ito sabihin nila
Ipinadarama namang kakaiba
Sakripisyo sa gabi’t umaga
Ay sapat ng alaala
Na lahat ng ina ay nag-aalala
Sa tuwing anak ay nababahala
Kapag mga mata’y may bahid ng luha
Nandyan sila handang maging bandana
Na papawi sa luhang nagbabadya
At babalot sa malamig na mukha
Kasama ang mga kataga
“Bilang ina hangad ko ay sumaya ka”
2 notes
·
View notes
Text
Minsan ang sagot sa tanong ay yung nagtatanong.
Magulong Hiwaga ng Tao
ni Sharon Lotino
Sa tulang aking nilikha
Lahat ay matalinhaga
Tao ang paksa ng katha
At ang tema ay sa paksa
Sa nilikha ni Bathala,
Kasama raw ba ang wala?
At kung paano nagawa,
Likha'y hinayaang sala?
Hiwaga'y di naiwasan,
Ng paksang naguguluhan
Tugo'y inantabayanan,
Pag-asa sa kabatiran
Pagsikat ni gandang araw
Hatid ay 'sang simbolo raw,
Na pag-asa'y matatanaw
At ang hapdi'y malulusaw
Munting saya'y natamasa
Ilang problema'y nawala
Ang sandali'y may halaga
Araw nawa'y tumila na
Ngunit saya'y tila kidlat,
May kislap pero masaklap
Ang konting sayang nalasap,
malabagyo ang katapat
Tuloy tao'y natuliro
sisisihin ba ay sino?
bakit ganitong delubyo,
dumarating sa mga ito?
Bakit sa dakong ligaya,
ang dulo ay lungkot pala?
Litong siklong nadarama,
magagawa pa bang linya?
Problemang nararanasan,
Tunay bang may katapusan?
At kung totoong meron man?
San' darating ang kailan?
Sa dulo ng katapusan,
mainam na masilayan-
Hibla ng katotohanan
Sa lahat ng naguluhan
ang bawat dagok sa buhay
Kaantaba'y sayang tunay
Kung ang maitim na bagay
Ay pipintahan ng kulay
Liwanag ay makakamtan
Basta't pinaghihirapan
Ang madilim na daanan
gawing mailaw na hagdan
At ang komplikadong tanong,
Saguting tila marunong
Sapagkat kapag umurong
Tuloy lamang sa pag-usbong
Sa bawat katanungan ko
Reaksyon sana'y seryoso
Upang sana'y may matuto
Sa kapwa'y maging panuto
Marami pang katanungan
Ang maaaring bitawan
nating nahihiwagaan
Para lang maintindihan
Na ang lahat may hiwaga,
Mapatunay man o katha
At ang tanging magagawa,
Sarili'y dapat may lagda
Ang landas ay di diretso
Na tila ba isang metro,
Minsa'y dapat ding lumiko
Dahil ito'y gusto’t wasto.
1 note
·
View note
Photo

I don’t need to have a pretty face to be called beautiful, I am beautiful enough with the things I learned and are still learning.
0 notes
Photo
Past should never be forgotten, let it remains a story to be told in the future...

follow for daily quotes
142 notes
·
View notes
Photo

(BlueRose) turned 2 today!
It’s been two years...this site has been my friend for two years now...I really love visiting my tumblr account, it makes me relax and express all the things I wanted to say and let out.
0 notes
Text
Unique me
Time will come that you will be looking for a person who is like me but let me tell you, “stop looking, for you will never find a person who is definitely like me for I am me and no one will be me except me.”
0 notes
Photo
We are just human just like you...we experience pain too...
0 notes
Text
Si Asa
Minsan ka na rin bang umasa?
Umasa dahil akala mong ikaw ay may pag asa.
Gaya ng sabi nila na huwag kang mawalan ng pag-asa
Pero dahil sa salitang asa,
‘yong saya ay wala ng lasa
sing pait na panlasa,
‘yong natamasa......
Minsang gusto mo ng isuka
dahil di na kaya ni sikmura
pero itong si puso ay go pa
dahil siya ay lasap pa rin si asa
kahit hirap na ,
bakit nga ba di pa isuka?
Ng pait na lasa ay malusaw na
at ng si saya ay lumawak pa....
0 notes
Text
Sometimes you have to understand and realize that the hardest thing to keep is the people you truly love.....
0 notes
Quote
I’ve had enough hurt already in my life. More than enough. Now I want to be happy.
Haruki Murakami (via quotemadness)
14K notes
·
View notes