Tumgik
sevenpom · 5 years
Text
“anong gagawin mo kapag wala kang magawa?”
I remember looking for online forums about possible essay questions for an exam that I took years ago. One entry that I’ve found was this funny question- “Anong gagawin mo kapag wala kang magawa?” It seemed somewhat weird and funny upon reading it at first, but I was daunted by that. Just what would I write if I was asked the same question?
A failed college entrance exam, a somewhat pointless degree, another failed law school admission exam, and countless of rejected/pending job applications later, I am faced by the same odd and horrifying question. This time it is not just failing the exam that I am worried about, but my entire future, my career, heck, my whole life.
Back then, I’d often have mental conversations with myself trying to construct a possible answer to the question. I remember joking, “Anong gagawin ko kapag wala akong magawa? Eh di gagawa pa rin ako- gagawa ako ng kahit anong bagay o kilos, dahil kapag ginawa ko yun, may nagagawa na ako. With that, wala na ako sa estado ng ‘walang magawa,’ gaya ng nakasaad sa tanong.” I know it sounds like a sarcastic answer as if I am a contestant in the pageant-like contests in showtime, but had I been asked that question during That exam, I’d probably answer the same.
Now, I feel like I am in that state. Wala akong magawa- I didn’t enroll after failing one law admission exam; I am still very unemployed as none of the offices where I applied called me back (yet); and I have no strength to even finish the same book that I have been reading since last year. But then again, no matter how helpless and hopeless I may feel, I feel like I have no choice but to just keep on doing whatever there is to do, just so I would have something to do. Does that even make sense? IDK.
“Anong gagawin mo kapag wala kang magawa?”
It’s a tricky question, but it is not one to make you think of an impossible answer. Upon writing this, I jut realized that maybe it just wanted me to think of things that I can still do to get away with whatever hell hole there is in my life right now.
Kapag wala kang magawa, may choice pa rin naman pala na gumawa ng kahit ano – maybe something productive, healthy, good, silly, or whatever that one can do. May magagawa pa pala ako dahil ang tanong ay “anong gagawin mo kapag wala kang magawa,” hindi pa “anong gagawin kapag wala ka nang magawa.”
5 notes · View notes
sevenpom · 5 years
Photo
Tumblr media
This is fine….
I’m trying to cope with Gravity Falls being done forever…. I’ll be fine…
16K notes · View notes
sevenpom · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
The best uncle ever
12K notes · View notes
sevenpom · 5 years
Text
My babies are 20 now
Tumblr media
19K notes · View notes
sevenpom · 5 years
Text
indigenous religions need to be acknowledged and treated with respect and so do indigenous sacred lands.
150K notes · View notes
sevenpom · 5 years
Text
this
Tumblr media
this is quality
119 notes · View notes
sevenpom · 5 years
Text
Tumblr media
4K notes · View notes
sevenpom · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
you kissed me and i felt the opposite of shame. i felt like i– i existed and everything fell in place.
3K notes · View notes
sevenpom · 5 years
Text
Hindi ko na mabili-bili ang mga inuming gustong-gusto ko, o 'di kaya' y maisuot ang iilang mga damit na komportable akong isuot. Maging ang hapon at ang pagsapit ng gabi sa loob ng pamantasan ay hindi ko na mapalipas nang hindi ka naaalala. Napakaraming bagay na kinaya at kayang-kaya ko namang gawin noon ang hindi ko na magawa ngayon. Napakaraming bagay sa buhay ko, lalo na bilang estudyante, ang hindi ko dapat binuksan para sa mga taong tulad mo, dahil ngayon, hindi ko na alam kung paano ulit magsisimula.
0 notes
sevenpom · 6 years
Text
Lagi’t lagi kong ipinapaalala sa sarili ko na ayaw ko nang magsulat ng tungkol sa iyo o ng para sa iyo. Ayaw ko na, ngunit sa tuwing bubuksan ko ang aking journal o di kaya’y ang aking laptop, ikaw at ikaw pa rin ang unang paksang pumapasok sa isip ko. Tungkol sa iyo at para sa iyo pa rin kaya gusto kong magsulat, kahit ni minsan hindi mo nagawa para sa akin iyon at lalong kahit alam kong hinding hindi mo na ito gagawin kailan man.
Ayaw ko nang magsulat ng tungkol sa iyo o ng para sa iyo, pero hindi ba isang kabalintunaan iyon dahil mismong ang sinusulat ko ngayon ay tungkol pa rin sa’yo?
0 notes
sevenpom · 6 years
Text
043018
And for the last time last night, I felt that I was home again. I missed you, I always do.
0 notes
sevenpom · 6 years
Text
041218
They asked me how my heart is doing and I decided to remain silent. I think silence is a better answer than saying that my heart is not in peace
0 notes
sevenpom · 6 years
Text
Ayoko nang magsulat ng tungkol sa'yo
Umaapaw ang damdamin ko at binibigyan ako nito ng kagustuhang magsulat- tungkol sa kung paano nagsimula at natapos ang araw ko, tungkol sa mga taong nakasalamuha ko, tungkol sa bayan, ngunit higit sa lahat ng ito, nananatiling ikaw pa rin ang pinakamalaking dahilan ng kagustuhan kong makagawa ng mga tula at sanaysay. Naaalala ko pa ang isang entry ko noon, ang sabi ko, "maniniwala ka ba kapag sinabi kong ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong magsulat ulit?"
Maniniwala ka bang bumili pa ako ng isang journal kung saan ko isinusulat ang mga bagay na hindi ko masabi sa iyo nang personal. May iilan na akong naisulat patungkol sa iyo, sa atin, ngunit hindi ko inakalang aabot ako sa puntong kailangan ko nang paalalahanan ang sarili ko, na hindi na ako maaaring magsulat tungkol sa iyo, kahit gaano ko man ito gustuhin.
Ayoko nang magsulat ng tungkol sa iyo dahil sa tuwing gagawin ko iyon ay maaalala ko ang lahat ng gusto ko nang makalimutan. Mula sa kung paano tayo nagkakilala at nagtagpong muli matapos ang isang taon. Ang mga kwentuhan, tawanan, at pagkaing ating pinagsaluhan. Ang mga bagay na sa isa't isa lamang natin ibinahagi.
Ayoko nang magsulat ng tungkol sa iyo dahil kahit gaano ko mang naisin na alalahanin lamang ang mga magagandang bagay at alaala, higit na naipapaalala sa akin ang kabaliktaran ng mga ito.
Ayoko nang magsulat ng tungkol sa iyo dahil mistulang nararamdaman ko ulit lahat ng sakit- na naidulot ko sa iyo at naidulot mo sa akin.
Ayoko nang magsulat ng tungkol sa iyo- iyon ang inaaakala ko, ngunit habang sinusulat ko ito, ikaw pa rin ang tumatakbo sa isip ko.
Paano ko kaya magagawa, ang hindi na magsulat para sa iyo?
0 notes
sevenpom · 6 years
Text
i stan
Tumblr media
우주를 줄게
5 notes · View notes
sevenpom · 6 years
Text
02282018
Madilim na at pagod na ako, para bang aabutan na ako ng pagkahimbing sa loob ng jeepney. Hindi ko makita ang daan at nawala na rin ang atensiyon ko dito, ngunit nagawa kong pumara sa tamang kantong binababaan ko araw araw, at nagawa kong lakarin ang mga eskinitang tinatahak ko sa loob ng ilang taon na, kahit gaano kadilim ang daan, kahit gaano ako ka-pagod. Tunay ngang, walang ibang lugar o tao na makakapantay sa tahanan. Kahit gaano kadilim ang paligid, kahit gaano ka ka-pagod, uuwi at uuwi pa rin.
0 notes
sevenpom · 6 years
Text
bimb, im tiredt na
0 notes
sevenpom · 6 years
Text
It is not just physical attraction, Guia. Or intellectual compatibility. There has to be something stronger than these. Deep emotional bonds. You will know it when it happens to you. When you feel that you can sacrifice for someone- when you know that you will do it willingly, gladly even. Ask yourself that. Then you know it is love- complete, unquestioning. That is the moment of truth."
-PG, from F. Sionil José's "Sherds"
0 notes