Tumgik
shenpao · 1 year
Text
Hindi naman lahat ng biro nakakatuwa eh sadyang hindi lang talaga nila alam minsan na nakakasakit na pala sila, nahihiya kang sabihin sa kanila kasi baka masira yung closeness mo sa kanila kaya minsan pasikreto ka nalang umiiyak para mabawasan man lang ang sakit..
1 note · View note
shenpao · 2 years
Text
Tumblr media
Mahal mo siya pero hindi ka sigurado?
Sa tingin ko hindi lang ako mag isa na nakakaranas nito, diba?
Yung alam mo siya na yung the one pero nagdududa ka pa rin at hindi mo alam ang dahilan, siguro dahil hindi ka financially stable o kaya'y dahil sa nakaraan mo at takot ka ng maulit yun kaya hindi mo mapigilan tanungin ang sarili mo na: "Bakit ba ang hirap magtiwala ulit? ".
Marami tayong dahilan pero sa tingin ko, hindi naman masama magtiwala ulit, hindi ba? Para sa iba ang pagtitiwala ay mahirap ibigay lalo na kung sa nakaraan nila ay nakaranas na silang traydurin..
Paano nga ba magtiwala ulit?
Maraming mga tao ang hirap sagutin ang tanong na ito, to the point na kailangan silang intindihin ng mga taong nasa paligid nila. Pero paano nga ba magtiwala ulit? Siguro ikaw lang din ang makakasagot sa tanong ito.Pero ibibigay ko pa rin ang point of view ko, siguro para magtiwala ulit kailangan mo lang siguro maramdaman ang magkahalong loyalty at caring mula sa isang tao, na tipong kahit hindi ka magtanong bigla nalang maguupdated yung bigla nalang may magcha-chat sayo para sabihin na pumunta siya rito/kakauwi ko lang galing dito, yung kahit nakatalikod ka tapat pa rin siya sayo.Pagdating naman sa pagiging caring yung tipong ginagawa kang bata dahil sobra siya mag alaga sayo yung minsan naiinis ka na kasi hindi ka naman bata para kailanganin ng aruga diba? Pero marerealize mo nalang na minsan masarap palang tratuhin na parang bata, kasi eh para kang bumalik sa pagiging bata.
So balik tayo sa pinakamahalagang tanong, mahal mo siya pero hindi ka sigurado? Ang sagot lang ay ito: Kung alam mong mahal mo siya dapat handa mo siyang ipaglaban kahit alam mong nahihirapan kang magtiwala ulit.
1 note · View note