Text
kung ganito ang pagmamahal mula sa'yo, pipiliin ko pa rin 'to. bukod sa dahilan na nakasanayan na ito ng sistema ko kundi dahil magaan ang pagmamahal na binibigay mo.
hindi ko kailangan mag-isip ng kung ano-ano; hindi na tinatanong ang sarili kong halaga sapagkat naipadama mo na sa'kin kung gaano ako kahalaga sa pamamagitan ng iyong pagmamahal, sinta.
kaya kung tatanungin ako kung kaninong pagmamahal ang gusto kong maranasan ulit sa pangalawang pagkakataon ay ang isasagot ko ang pagmamahal mo.
dahil pagmamahal mo ang masarap ulit-ulitin sa lahat.
2 notes
·
View notes