: : JAYROU FAJARDO TOLENTINO : : 16 years of living : : May 12 : : Pianist : : Classical Music : : Single : : Filipino : : BLUE ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ A simple gay living in an extraordinary life.I like flashing smiles to others, its my hobby. PS. I freely express my feelings/emotions in here. If you dont want the things I've been posting, feel free to unfollow.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ginagamitan ng utak ang bawat tibok ng puso.
163 notes
·
View notes
Text
Meron talagang mga tao na kailangan mo'ng palayain. Dahil kung wala sila, doon mas gagaan at gaganda ang buhay.
0 notes
Text
Bagong araw, bagong buhay. I had enough. Eto ang resulta kapag sinaktan, pinagsinungalingan, niloko at ginago mo ang isang tao. Pagbabago.
0 notes
Text
MERON PA BANG TTH.? I MEAN. BUHAY PA BA YUNG MGA DATING RITWAL SA TUMBLR. SAKA NASAN NA SI KUYA RHEAN.? MY GHAD. NAMISS KO TTH NUN. CHAROUGHT. XD
9 notes
·
View notes
Text
Bakit parang nawala yung ibang bloggers na hinahangaan ko.? :(
2 notes
·
View notes
Text
Dear Jaide, Natatandaan mo ba nung araw na sinabi ko sayo na mahal kita. Na mahalaga ka sakin. Na ikaw lang. Lahat yan totoo. Ewan. Ang tanga ko no.? Sa gago na katulad mo pa ko nagkagusto. Sayo pa ko "tinamaan". Yung ginawa mo sakin, hinding hindi ko yun makakalimutan. Napakasakit nun. Pinaglaruan mo ko. Inuto. Ginago. Ako naman to'ng tanga, nagpagago. Akala ko kasi totoo eh. Akala ko pwede. Pero kahibangan ko lang pala lahat. Masakit. Sobra. Parang binuhusan ng asido. Parang sinaksak ako ng 101 beses. Ok, Corny na. Pero masakit. Sobra. Pero still, salamat. Salamat sa pinagsamahan natin. Salamat sa pakikipag kaibigan. Salamat sa pag-gising sakin sa katotohanan. Salamat sa sakit na dinulot mo. Dahil kung wala to'ng sakit na to ngayon, di ako matututo. Salamat ng madami. Sa kabila ng ginawa mo sakin, I still wish the best for you two. Walang halong "bitterness" yan. Alagaan mo yung kaibigan ko ha. Wag mo syang sasaktan. Or pilitin mo naman na 'wag syang masaktan. Magingat kayo ha. Lalo ka pa. Mejo tanga ka panaman. Sana maging masaya kayo. Sana kayanin nyo lahat ng ibibigay na pagsubok ng dyos. Sa huling pagkakataon. Hayaan mo namang sabihin ko sayo kung gano kita kamahal. Mahal kita, Jaide. Mahal na mahal.
1 note
·
View note
Text
MINAHAL KA NAMAN NIYA EH
Pati yung kapitbahay mo, yung classmate mo, yung tindera sa kanto, yung teacher mo, yung guard, yung classmate nya, yung babae sa may balete at higit sa lahat YUNG KAIBIGAN MO.
0 notes
Quote
I try my best not to miss you, but I don’t try very hard.
- Paul Baribeau (via elbesoie)
13K notes
·
View notes
Text
Pano ka magmo-move on. Eh di ka naman nag eeffort para makalimot.
0 notes
Text
NAGPAKATANGA AKO.
Sabi nya "Special" daw ako para sakanya. Sabi nya "ayaw" niya na mawala kung anong meron kami. Sabi nya "tayo"/kami lang naman yung importante. Syempre. Mahal ko eh. Kaya masarap sa feeling. Mahal ko eh. Kaya pinaniwalaan ko. Pero tanga pala ako. Naniwala sa mga salitang di naman totoo. Salita na sinabi lamang para magpaasa ng isang tulad ko. Masakit. Sobra. Mahal ko yun eh. Lahat ng sakit na naramdaman ko, dinaan ko nalang sa iyak. Dahil di ko kayang gumanti. Di ko kayang mag move on. Mahal ko eh. Hihintayin ko na lang na isang araw, magising ako na yung "pagmamahal" na yun ay mawala nalang. Siguro, aasa padin ako na isang araw, masusuklian nya yung "pagmamahal" na yun. Ng buo. Ng tunay.
1 note
·
View note
Text
If our love is a tragedy, why are you my remedy?
They say loving you is a sin. And that loving you will only cause me pain. They we're always telling me to stop. Forget you and walk away. But how would I.? You're my happiness. You're the reason behind the smiles that I have. You complete me. And if they were right about me loving you will only cause me pain. It will only take "i love you" and "please forgive me" to take those pain away. Loving you may be tragic and painful. But you yourself can be the relief and remedy.
0 notes
Text
Namiss ko mag tumblr. Namimiss ko din sila. Namimiss ko yung mga inabutan ko na tao dito.....
0 notes
Text
Dear blog, Sorry if I dont have time to post things. But I promise to come back.
1 note
·
View note
Photo

I am finally breaking my silence…
My mom has been missing for more than 2 weeks now.. Her cellphone number is still unreacheable up to this very moment… She said that she was just going to Baclaran, but she never came back… =[[
Ana-Liza Hinahon Caballero 44 years old.
If you have any information about her whereabouts, please, kindly notify us thru these contact numbers: (046) 412-1488, (046) 412-2455, 09155193542, 09278092202, 09266528166…
Tumblr friends, I am humbly asking for your cooperation in sharing this post on your blog… I will forever be grateful and indebted to you…
Maraming salamat talaga.. Kayo ang pag-asa ko at ng pamilya namin… Love you all…
15K notes
·
View notes
Text
Mukha ng Pag-Ibig: "One sided love"
Naranasan mo na bang magmahal.? Magmahal ng isang tao na alam mo na hinding hindi mapapasayo.? Magmahal kahit alam mo na isang suntok sa buwan ang pansinin ka nito.? "One sided love" kung tawagin ngayon.
One sided love. Yan ang isa sa mga trending ngayon pag dating sa pag-ibig. One sided kasi tanging ikaw lang ang nakakaramdam ng "love". Ikaw lang nakakakita ng "spark". Sariling sikap ika nga. Pero bakit nga ba nag kakaroon ng "One sided love" na yan?
Marahil isa sa dahilan ay ang hiya. Oo, hiya. Nahihiya ka na ipaalam sa minmahal mo yung nararamdaman mo. Siguro kasama nadin dito yung takot. Takot sa "Rejection". Takot makarinig ng mga masasakit na salita mula dun sa taong minamahal nito. Pwede rin naman na masyadong mababa lamang ang confidence mo kaya di mo masabi.
Pero para sakin, hindi ka dapat magpadala sa takot. Wag ka magpaubaya nang dahil lamang sa hiya. Kung ako yung nasa ganyang sitwasyon, kukuha ako ng tamang oras para sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Higit na mas ayos para sakin ang malaman kung ano yung magiging sagot niya. Kung ayaw niya ay wala akong magagawa kung di tumigil at lumayo. Mahirap pero dapat kayanin ko. Isa pa, hindi lamag dahil sa isang tao ay hihinto na yung mundo ko. Tigilan nyo ko sa ka-cornihan niyo. Basta ako, mas ayos na may nagawa ako. Mas ayos na nasabi ko. Kesa naman ipagpatuloy ko ang pagtanaw sa kanya mula sa malayo. Mas ayos nang sabihin at malaman ang sagot niya kesa maghintay ako sa wala at magmukang tanga nalang.
2 notes
·
View notes
Text
Kolehiyo: Pag babago at Kaibigan.
Sa paglipas ng panahon, masasabi ko na marami na ang nag bago. Hindi lamang sa aking paligid kung di ako sa sarili ko mismo. Nag umpisa ang lahat sa pagpasok ko sa kolehiyo na kung saan nakakilala ako ng madaming uri ng tao. Andyan yung mga sikat, sumikat, pasikat at feeling sikat. Hindi ito rant or hate post. Nagkekwento lang ako. Andyan din naman yung mga simpleng estudyante na kala mo mamatay na dahil sa sobrang seryoso mag-aral. Andyan din yung mga kaklase na kala mo may pyesta at sandamukal na kolorete ang makikita mo sa mukha nila.
Nakaka apekto pala talaga ang mga tao na nakakasalumuha natin no? Maaring sa panglabas, sa pagiisip o di kaya naman ay sa pananalita. At lahat nangyan nagbago sakin. Mas naging maalaga ako sa pang labas na itsura ko. At dahil sa magandang resulta, mas naging confident ako sa pag harap sa ibat ibang tao. Nagbago din aking tono at paraan ng pananalita. Ngayon, binabatay ko ang aking magiging tugon base sa kausap ko. Kung siya ay gumagamit ng pabalbal, ganun din ang isasagot ko. Kung pormal edi pormal.! Di tulad noon na parati akong seryoso at pormal magsalita. Sa madalng salita, mas kumapal ang mukha ko.
Marami din naman akong naging kaibigan. Pero tulad nga ng sabi ng ilan patungkol sa kaibigan sa kolehiyo na "There is no permanent friend/s" -ay mejo totoo nga. Mahirap kasing humanap ng kapereha mo ng trip. Yung magkakasundo talaga kayo. Yung iba kasi sa mga nakilala ko eh mejo malayo sa naka sanayan ko. Ewan ko ba. Siguro di lang ako sanay at mejo culture shocked pa. Pero magkagayun man eh, wala naman akong nakikitang mali sa kanila. Kung meron man ay kokonti lang. Wala namang taong perpekto diba.?
Pero kung kaibigan lang din ang usapan, may dalawang uri yan: Merong mga kaibigan na itutulak ka pababa.. Hindi naman sa paninira pero meron naman talagang ganyan.Yun bang bulakbol-muna-bago-aral system ang gamit nila. Meron din namang hahatakin ka pataas. Sila naman yung mga parating naka aral mode on. Handa pag may seatwork, quiz, o kahit suprise recitation. Nandyan din naman yung mga bahala-na-si-batman buddies na nasa gitna lang. Sila yung mejo matinong abnormal.Yung mag-aaral lang pag lubos na kailangan. Minsan nga wala pa eh.
Ganyan naman sa kolehiyo. Madaming pagbabago. Madaming makikilala. Madaming mangyayari. Nasa iyo na yun kung pano mo hahawakan ang oras. Kung pano mo ititmbang ang lahat. Kung sino ang iyong sasamahan. Yun nga lang, sa bawat desisyon na gagawin mo, isipin mo din ang mga tao sa paligid mo. Lalong lalo na ang mga magulang mo nagkakandahirap kung papano at kung saan makakakuha ng pangmatrikula mo. Alalahanin mo, hindi lamang ikaw ang maapektuhan sa bawat hakbang na gagawin mo.
2 notes
·
View notes