Text
(one-shot)
where osamu miya is a menace and a temptation.




14 notes
·
View notes
Text



squad 🧡🖤
all credits to the original artist @hq_yunak on X & ig
10K notes
·
View notes
Text
the moment she had known miya atsumu, she knew she'd never read him.
"saan ka?"
napatingala na lamang siya nang magsimula nang bumuhos ang ulan. kagagaling niya lamang sa mall, at nandito siya sa sakayan para makauwi. umaasa na lang siya sa maliit na waiting shed kasama ang ibang pasahero.
"pauwi na." bumuntong hininga siya at tumingin sa paligid. "matagal lang yung jeep."
"sabi sa'yo samahan na kita eh." dinig ang pag-aalala sa boses ni atsumu lalo nang halos matakpan ng ingay ng buhos ng ulan ang boses niya.
"it's okay. malapit na rin naman siguro 'yon."
hindi naman nagtagal ang usapan nila dahil agad din itong ibinaba ng binata. muli, bumuntong hininga siya dahil kahit alam niyang darating din ang jeep, hindi niya mapigilang mainip dahil halos isang oras na siyang naghihintay.
saglit na grocery lang naman ang pakay niya, pero mas matagal pa ang naging paghihintay niya ng masasakyan pauwi.
tulala siyang nakatitig sa panggalingan ng jeep nang may bumusina sa harap niya. nanlaki ang mata niya nang makilala kung kanino ang itim na kotseng huminto.
"sakay na."
para hindi na makagawa ng eksena, agad siyang pumasok nang buksan nito ang pinto para sa kaniya. nang makapasok sa sasakyan nito, saka lamang siya nakahinga nang maluwang kahit paano.
after breathing, she faced him. "salamat, pero sabi sa'yo okay lang eh." ngumuso siya.
atsumu raised his left brow at her before started driving. "kung hindi ako sumunod, baka ginabi ka na. ang layo mo pa sa unahan tapos walang jeep."
hindi na lang siya sumagot dahil tama naman ang binata. instead, she rested her head on the window and watched atsumu drive. the man was flashing poker face, nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"pogi ba?" biglang tanong nito at ngumisi, bahagyang lumingon sa direksyon niya.
umirap siya. "si osamu crush ko," biro mo.
doon sumimangot si atsumu, mata ay nanatili sa daan. "aray ko."
nangingiti siyang nailing pero hindi na sumagot. maging si atsumu ay nakangiti na lang at hindi na nagsalita kaya naman namutawi na lang ang chase atlantic sa paligid.
hindi niya talaga mabasa si miya atsumu.
she knew he's... a social butterfly you could say. close sa lahat. funny sa lahat. she could never deny his closeness to other people kaya naman kapag may ganitong ginagawa si atsumu, hindi niya mapigilan tanungin ang sarili kung anong pinagkaiba niya sa kanila.
she could remember one time atsumu giving her breakfast because he knew hindi pa siya kumakain. she felt vulnerable because of that, only to overhear his classmate getting the same treatment from him. sometimes, he would do some dumb things to make her laugh whenever she's upset over something, but she'd eventually find out he's also making others laugh for the same reason she has.
hindi siya special.
"nagmamadali ka ba umuwi?"
"hindi naman," sagot niya nang magsalita ito.
atsumu grinned. "nood muna tayo movie, may gusto akong panoorin."
bumilis ang tibok ng puso niya roon. "ba't hindi sila mina ayain mo," biro niya.
natatawang tumingin sa kaniya si atsumu. "selos ka ba?" umiling ito. "ikaw lang naman niyayaya ko manood."
or maybe she is?
ang gulo-gulo ni miya atsumu.
hindi niya pinansin ang sinabi nito at sumang-ayon na lang dahil wala na rin naman talaga siyang gagawin. nang makarating sila sa condo nito, agad siyang naupo sa sofa at hinayaan itong ayusin ang panonoorin nila.
"hayaan na natin si 'samu, nasa kwarto niya lang 'yon."
habang nanonood, pasimple niyang muling tiningnan si atsumu. her thoughts began wild again, because why can't she watch movie with him without thinking maybe there's something more with his actions? asang-asa siya palagi, at palagi lang din naman siyang disappointed.
"hana, would you do it?"
at ayan na nga. sa tuwing manonood silang dalawa, palaging may hana na nababanggit ang binata. he had only mentioned it thrice, but it's weird he mentioned it at all. ang masama pa, mukhang natural na lamang ang nagiging pagrolyo ng pangalang iyona dila nito.
hindi siya si hana. walang hana sa pangalan niya.
kaya lang, natatakot siyang malaman kung ano iyon. natatakot siyang may magbago kapag sinubukan niyang linawin. hindi niya alam kung bakit, pero kuntento siya sa sitwasyong ganito kay atsumu.
sumagot siya, "maybe if i'm too hurt to even function, i will." sumeryoso ang mukha niya, nakatitig kay atsumu. "i'd rather forget the thing that hurt me that badly and move forward, rather than trying to live with it."
dito na lumingon si atsumu sa kaniya. "ako siguro hindi," sagot naman nito. "gusto kong maalala lahat, kasi alam ko namang hindi lang puro sakit 'yung nangyari."
ano bang pinararating nito? may ibig sabihin ba 'yon? anong dapat niyang isipin?
kumuyom ang kamao niya nang magsimula na namang magtanong ang isip niya. masayang kasama si atsumu. maalaga ito, at safe ang pakiramdam niya rito. pero madalas... tinatanong niya ang sarili kung ano ba talaga sila.
"sabi ko sa'yo maganda rito eh!"
kulang na lamang ay tumalon sa tuwa si atsumu nang makarating kayo sa tuktok kung saan halos kita niyo ang buong antipolo. matagal ka na rin niyang inaaya rito ngunit ngayon ka lang nagkaroon ng libreng oras dahil tapos na ang finals. medyo hesitant pa siyang sumama pero wala pa rin siyang nagawa dahil sarili rin niya ang kalaban niya.
ikaw lang inaya niya rito, baka naman... baka naman may chance.
"'wag kang tumalon, matatapon ice cream mo," suway niya.
nakangiti siyang nilingon ni atsumu, dahilan para mapaatras siyang bahagya. lumapit ito sa kaniya, at ngumuso. "ikaw nga may ice cream pa sa baba."
kung kanino ay mabilis pa ang tibok ng puso niya, ngayon ay halos hindi na siya makahinga nang ilapit nito ang mukha sa kaniya, at punasan ang ice cream na tinutukoy nito. all throughout, nakatitig lang siya sa mata habang ito ay diretso ang tingin sa baba niya.
nang matapos ito sa ginagawa, agad siyang umiwas ng tingin at tumalikod. bago pa man siya tuluyang makalayo, narinig na naman ang pangalang nagdudulot ng kalituhan sa kaniya.
"hay nako, hana."
"sino—"
kinagat niya ang labi upang pigilan ang sarili. tumalikod siya at dire-diretsong nagtungo sa banyo para kalmahin ang sarili. she could feel herself breathing heavily.
ang bigat-bigat.
as she rummaged in her bag, she touched atsumu's cellphone which she never did. oo nga, 'no. kahit kailan ay hindi niya pa nahawakan o natingnan man lang ang cellphone ng binata, idagdag pang hindi niya rin naman kasi ugaling mangielam ng hindi niya gamit.
but this time, hindi niya napagilan, not that she's confident she would see anything dahil inaasahan niyang may password naman ito. however, she was still shaking as she clicked the power button, hindi niya nga maintindihan kung bakit siya nanginginig pero nang makita ang lockscreen ng binata, hindi niya mapigilang hawakan ang dibdib.
a woman, siguro ay kaedad nila, ang nasa lockscreen nito. she was smiling as if something's funny dahil bakas pa ang tawa sa mukha niya.
however, that's not the reason her heart was aching this badly.
kung hindi niya siguro kilala ang sarili, mapagkakamalan niyang siya ang lockscreen ni atsumu.
mas bumigat ang paghinga niya, napatulala na lamang siya sa salamin nang ilang segundo bago sinubukang kalmahin ang sarili. when she successfully did so, she immediately rushed towards atsumu who had his back on her.
at lintik, muntik na siyang umatras.
but no, she has to at least ask.
"atsumu, sino 'to?"
"hey—hana..." nawala ang ngiti sa mukha ni atsumu ang makitang hawak niya ang cellphone nito. umangat ang tingin nito sa kaniya, bago muling ibinalik sa cellphone kung saan nandoon ang mukha ng babae.
"tama na atsumu, hindi ako si hana—ito ba?" pilit niyang pinakalma ang boses. "ito ba si hana?"
hindi nakasagot si atsumu. tanging pagyuko lang nito ang naging kumpirmasyon ng tanong niya.
"tell me, atsumu. what are we?"
"we're friends."
nanlaki ang mata niya, at hindi siya makapaniwala sa tawang nailabas niya. mangiyak-ngiyak siyang natatawa dahil sa sagot nito. nanginginig ang kamay niya habang naalala ang mga bagay na ginawa nilang dalawa, na kahit na may iba ito sa isip, naging masaya siya.
"ang bilis ng sagot mo ah," natatawa niyang sabi. "ayon lang pala tayo, napakumplikado ko pa."
"i'm sorry..." kita ang guilt sa mata ni atsumu, as if he too, was confuse with what's happening. dahil dito, tila naintindihan niya ang nangyari sa binata, pero hindi sapat ang pagg-intinding iyon para hindi siya masaktan.
"bakit..." nanindig ang balahibo niya nang marinig ang panginginig ng sariling boses. "bakit ka ba talaga pumasok sa buhay ko?"
maging si atsumu ay nagulat sa panginginig ng boses niya. she never cries in front of him. kahit sa panonood ng movie ay hindi siya umiyak, mas iyakin pa ito kumpara sa kaniya, kaya ang makita siyang ganito ay unexpectedly masakit pala.
"i just... something drew me to you, and it just happened."
"atsumu naman, there's no such thing as it just happened!"
"but it did-"
"you deliberately entered my life, and i let you in, tapos ganito... you know what." she pushed his phone to his chest. "nevermind. ayusin mo sarili mo."
and when she turned her back, her tears started flowing. she kept wiping her cheeks dahil nakakahiya sa mga nakakasalubong niya, pero hindi humihinto ang pagtulo. she wanted to paused from her tracks pero she was desperate to get away from atsumu as soon as possible.
"sabi ko sa'yo nandito lang kami eh."
before she could see the woman who spoke, she felt a man's arm over her shoulders. she looked beside her only to see yukie giving her a wink.
"that man has the decency to call us, baka raw mapa'no ka."
hindi siya sumagot at tiningnan ang lalaking umakbay sa kaniya. madilim ang tingin nito sa nilalakaran nila.
"keiji..." her voice broke.
and that's when akaashi put his cap over her head. hinila pa nitong bahagya ang ulo niya patungo sa dibdib nito. "iyak ka lang," bulong nito sa ulo niya.
#haikyuu x reader#haikyuu angst#fanfic#filo fic#filipino#haikyuu#haikyuu fanfic#hq filo#miya atsumu#miya atsumu x reader#akaashi keiji#yuki shirofuku#hq atsumu
14 notes
·
View notes
Text
Kagehina 🫐🍊
For 3k subscribles and in twitter (@yuliapavlovskyy if you interested 👀)
1K notes
·
View notes
Text
hinata shoyo is one heck of a hunk in college. kada lakad niya, hindi talaga mapipigilan ng mga tao kung hindi sundan siya ng tingin. the way his eyes form crescent whenever he smiles, and it is all the time. he smiles all the time, at parang biniyayaan ang lahat ng nakakakita noon.
he was almost literally shining so bright kahit nakatayo lamang siya at naghihintay ng aya kung saan man sila pupunta ng teammates niya.
yet, this comes with disadvantage. kahit na sanay siyang makipag-usap sa tao, he could not help but feel discomfort whenever people would just barge in their classroom para magbigay ng kung ano. he likes the attention, and he understands, grateful even. pero minsan ay naiilang siya.
it's just... he doesn't have the heart to reject everyone, especially as most of them are literally handmade. he could not break their hearts like that.
so his answer? fake dating.
and that's what yn's here for. katulad na lang ngayon. kanina pa siya nakatago sa likod ng pader, pinagmamasdan si hinata na mukhang hinihintay siya para sa usapan nilang kain mamaya. she was just about to go to him when a group of friend went to him first.
"hinata, pwedeng pa-picture!"
she watched as hinata pushed himself from the wall, smiling at them, his typical business smile. "sure," simpleng sagot ng binata.
a sigh escaped her lips. hindi talaga marunong humindi ito. instead of waiting for them to finish, she walked towards the group. hindi pa man siya nakalalapit ay namataan na siya ng boyfriend, well, fake boyfriend. she could see relief through his eyes, making her think that her decision's just correct.
"love, hi! kanina ka pa?" bungad niya nang makalapit.
"sorry, excuse me." hindi na nito hinintay ang sasabihin ng mga babae. instead, he immediately went to her. tila ba automatic ang paghila nito sa kamay niya, at automatic na rin sa kaniyang ibigyay kamay.
"nagp-picture pa kayo," malumanay niyang sabi para hindi mainis sa kaniya ang mga fangirls nito.
hinata shook his head. "i think we've taken enough. and no, halos kadarating ko lang din."
with that, she nodded her head to the girls direction. kita ang inggit, at the same time admiration sa mga mata nito. "una na kami."
the girls could only nod and smile as they left.
"so, kumusta araw mo?"
nakangiti siyang nag-angat ng tingin kay shoyo. she couldn't help but find him cute as he tilted his head while looking at her. nakatalikod pa itong naglalakad para lamang nakaharap sa kaniya.
"masaya naman. kahit pumasok si de mesa." she sighed. "alam ko kasi gusto kong magdoktor, bakit parang audition ng pbb kapag nagtuturo siya?"
shoyo's hearty laugh echoed. "naging prof ko rin yan last year, minsan gusto ko na lang siyang tulugan."
"i know. kung hindi lang malikot mata niya," she replied with a laugh.
their conversation went on as they got out of the campus. dahil late na ang naging labas niya ngayon, halos iilan na lang ang estudyante sa labas. madilim na rin at tanging liwanag na lang ng buwan at street light ang nagbibigay ilaw.
as they talked, her eyes remained on shoyo. it's almost always like this, lalo kung wala itong practice. silang dalawa, kwentuhan hanggang maihatid siya nito sa dorm niya o minsan kapag may oras pa, kakain sila. palagi silang may topic dahil na rin kay shoyo. his days are always interesting.
"nga pala, nag-aaya sila yamaguchi sa linggo. reunion daw lalo kasi aalis na pa-italy si kageyama next week." umpisa nito.
"really? akala ko next year pa siya?"
nagkibit balikat ito. "i guess sa linggo pa namin malalaman." saka ito sumulyap sa kaniya. "well, kung papayag ka."
dito umangat ang kilay niya. "i always tell you na huwag ka nang magpaalam, ayan ka na naman."
"eh..." shoyo frowned. she sighed at the thought of wanting to keep her to herslef as he looked adorable doing so. "gusto ko lang magsabi."
nanlaki ang mata niya nang kumapit ito sa braso niya, at habang naglalakad sila ay idinantay nito ang baba sa balikat niya. unti-unti siyang huminga upang hindi mahalata nito na nahirapan siya.
hinata shoyo, pwede ba kasing totoong akin ka na lang?
she clenched her fist at the thought. "edi magsabi ka. magsabi ka lang para hindi ako mag-alala, pero hindi mo na kailangan ng permission ko." then that's when she remembered. "at isa pa, linggo na 'yon, shoyo."
"noted, madam!" sagot nito, at umalis na lamang bigla mula sa pagkakadantay sa kaniya.
naiwan siyang pinanood ang likod nitong maglakad papasok sa paborito nilang kinakainan. her eyes melted at the sight of his arms pushing the door, waiting for her kahit na nahinto siya sa paglalakad.
sa linggo ang lakad nito.
sabado, tapos na sila.
fake lang naman kasi dapat eh. nagkataon lang na magkaibigan sila ni yachi at siya ang naisip nitong ipakilala kay shoyo. she could not blame the woman kasi she's known not to fall for anyone that easy. bato siya dapat eh.
sa dami ng nagco-commit sa paligid niya, hindi siya nadala. sa ilang bulaklak na naitabi niya, wala namang feelings na namuo.
pero hindi niya inasahang masyadong mainit si shoyo.
of course, she didn't fall easily. she had done her role very well the very first month, even on the second month as his fake girlfriend. pero lintik, mapaglaro talaga si universe.
who would've thought that shoyo can penetrate the walls she built around herself by being her fake boyfriend?
he was bright enough to lighten up her dull world. his smiles could unite the heaven and hell, and whenever he smiles at her, something snaps. his shoulders were strong enough for her to depend on, at hindi niya alam na kailangan niya pala iyon dahi sanay naman siyang dumipende sa sarili niya.
"dalawang sisig po."
her attention went to him when he guided her towards their spot. mabuti na lang at walang masyadong tao dahil kapag tanghali ay hindi bakante ang pwestong ito.
"wait here. bili lang ako lemonade." lord, ngumiti na naman siya.
naglakad muli palabas si shoyo at wala siyang ginawa kundi panoorin na lamang hanginin ang puting t-shirt nito. mukhang uulan pa yata base na rin sa paglipad ng buhok nito.
simula nang marealize niya sa sarili niyang hindi niya yata kayang makitang ganito sa iba ang binata, alam niyang tinamaan na siya. she could not accept the fact that someday he'd hold another's hand. someone's gonna run their hands on his hair, and they would feel the joy of it.
hindi niya pala kaya.
suminghap siya nang bumalik ito at ibinaba ang inumin nila. "sho," she started.
marahan itong ngumiti sa kaniya. "bakit?"
"sa linggo ka aalis. wala na tayo sa sabado." she decided not to beat around the bush.
katahimikan ang naging dulot nito sa kanilang dalawa. tanging hangin paggalaw lamang ng mga nagtitinda ang tanging maririnig habang nakatitig sila sa mata ng isa't isa.
nang hindi niya kayanin ang tingin ni shoyo. bumaba ang mata niya sa lamesa. "anong plano natin?"
"may nagawa ba ako?" finally, nagsalita ang binata.
sa gulat sa sinabi nito, muli siyang nag-angat ng tingin. "wala. what made you say that?"
mukhang nakahinga ito nang maluwag. "ah." he smiled sheepishly, scratching his brows. "i just thought... i did something."
"wala naman. iyon lang kasi 'yung napag-usapan."
"i figured." tumango ito. "actually, salamat pala sa pagpayag. bago ka pa kasi maipakilala ni yachi, kilala na kita kasi madalas ka niyang kasama last year-orgmates pala kayo."
doon siya nagulat. well, of course she knew him dahil player ito, pero hindi niya inasahang kilala rin siya nito noon pa.
"no'ng sinabi ni yachi na ikaw raw yung ipapakilala niya, natakot ako. you looked intimidating dati, like someone who wouldn't even dare to look at me." natawa ito, parang maraming naalala. "si hirugami nga, binasted mo, ako pa kaya? though fake, boyfriend pa rin para sa paningin ng iba."
"pa'no mo nalaman?" hindi niya inaasahang magugulat siya sa mga sinasabi nito ngayon. not that she's mad. pero hindi niya talaga alam na marami itong alam tungkol sa kaniya. sikat ito, gwapo, mabait-he's a literal star, someone to challenge celestial beings, so paano dadapo ang tingin nito sa kaniya?
"hindi naman pinublicize ni hirugami, huwag ka mag-alala. kaibigan ko lang si hoshiumi, so i heard it from him when she found out girlfriend kita." uminom ito. "but, going back, hesitant talaga ako sa pag-alok sa'yo. ikaw na 'yan, ito lang ako-"
"what do you mean iyan ka lang?" she cut him. hindi niya mapigilang magsalubong ang kilay dahil sa narinig.
mukha namang nagulat ito sa naging reaksyon niya. amusement dance in his eyes as he leaned closer. "ang cute mo." natawa ito, at iniunat ang kilay niya. "relax, i'm confident with my skills. with myself, pero sa'yo, noon hindi. pakiramdam ko may kailangan akong i-prove para matanggap sa tabi mo."
"what are you saying hinata shoyo, have you seen yourself?"
shoyo didn't let go of her cheeks. "have you seen yourself?" he retorted.
natahimik siya. una hindi siya makahinga sa mga sinasabi nito, pangalawa, she likes the feeling of his hands on her cheeks too much.
hindi nawala ang ngiti sa labi nito. "pero sabi ko, bahala na. naging selfish din ako eh, kailangan ko talaga."
natawa silang dalawa sa sinabi nito. give it to shoyo to lighten up everything.
"and everything went smooth. hindi ko inexpect na ganito ka pala. ang sarap palang magpaalaga sa'yo, at ang sarap na alagaan ka." marahan itong ngumiti. "pwede ko bang sabihin sa'yo ngayon ang plano ko?"
tumango siya, hindi makapagsalita.
"can i be selfish once again? pwede bang this time, totoo na? can i prove myself to you? pursue you in a way na malinaw sa'yo kung ano ba talagang habol ko?"
she was left dumbfounded for a few seconds. kanina lang hinihilang niyang sana totoo lahat. sana shoyo was also looking at her the way she looks at him. at ngayon, ito ang sinasabi niya.
is she dreaming? is this okay?
"kung ayos lang sa'yo..." ang tanging nasabi niya.
muli, natawa ito. "no, it's your call. everything, basta nandito lang ako."
"do it." pumikit siya. huminga nang malalim, bago muling tumingin dito. "iextend natin. without holding back. this time, no one will hold back."
#hinata shoyo#haikyuu fluff#fanfic#filipino#haikyuu#filo fic#haikyuu fanfic#fake dating#hinata shoyo x reader#hq filo
15 notes
·
View notes
Text
my classic piece for @kagehinabigbang in collaboration with @confuzzledsani, @morgendaemmerung89, and @/ermdelconcrete on twitter!
you can read the fic by confuzzledsani here
and more art by morgendaemmerung89 here!
8K notes
·
View notes