Tumgik
Text
Bakit Single Ka Pa?
Single ako by choice. Dahil hinde madali makipagrelasyon kapag may mapait kang nakaraan, at hinde madaling mag commit sa taong hinde pa din ready. Maaring mahirap akong mahalin, isang special na tao lang siguro ang makakatanggap sakin. Unang una, Single mom ako. Yes I am a Proud Mom of a 5 year old baby girl. So basically, kailangan kapag minahal mo ko dapat mahalin mo din ang unica ija ko. Sabi ng iba package deal na yan. Buy one take one no bargaining. So bago mo ko lapitan make sure alam mo kung anong meron ako. Wag mo kong papiliin dahil hinding hinde ko ipagpapalit ang anak ko.
1 note · View note
Text
Keep going
Dear me, Laban lang! Kahit pagod na pagod ka na wag kang susuko,kaya mo yan madami kanang napagdaanan, maniwala ka lang na kaya mo at malalagpasan mo din lahat. Kung ano man mga nakikita mo sa paligid mo,hayaan mo lang wag mong pansinin lalo pa kung di naman makakatulong sayo. Tingin ka lang lagi sa itaas at manalangin na bigyan ka ng sapat na lakas para harapin ang mga pagsubok na darating. Maniwala kang controlado nya Lahat,hinde nya ibibigay ang bagay kung alam nyang hinde mo kakayanin Lagi kang magpasalamat sa kanya na siyang tagapagligtas at taga kinig sa lahat ng nararamdaman mo. Alam mong mahal na mahal ka nya at hinding hinde ka nya kayang sukuan dahil siya lang ang tunay na nagiisang Diyos. Salamat po ama sa lahat ng biyayang binibigay mo sa akin araw araw at sa pagbabantay mo sa lahat ng mahal ko sa buhay.
1 note · View note
Photo
Tumblr media
Ang Dagat at Ulap na nagpapakalma sa aking pagkatao.... Sa daming pagbabago na nangyayare minsan gusto mo nalang tumingala sa Langit at magtanong kung bakit may mga bagay na kailangan natin pagdaaanan... haaay...buhay talaga nga naman bilog na bilog ang mundo na patuloy umiikot na minsan sa ikot nito hinde nagiging maganda pero alam kong babalik din ang lahat sa ayos...kapit lang talaga at dasal sa maykapal na patuloy kang hinde pinapabayaan. Salamat Panginoon na laging taga Ligtas.
0 notes
Text
Pagod lang ako, pahinga lang kailangan
Nakakapagod man araw araw pero pilit kong nilalabanan. Pagod sa madaming bagay, pagod sa mga nangyayare, pagod sa mga negatibong tao sa paligid, pagod sa pagbibigay ng sobra sobra, pagod umasa, pagod masaktan, pagod magmahal… kailangan ko ng ipahinga ang puso’t isipan ko. Hinde ako sanay, hinde ako sanay na makita ang sarili kong nahihirapan at tahimik na nasasaktan. Magpahinga kana ng mabawasan ang bigat ng iyong nararamdaman, magdasal ka at ipanalangin ang mga taong patuloy na nanakit at nagpapasaya sayo. Magpasalamat ka sa lahat ng pagkakataon na hinde ka pinabayaan ng Diyos, tumingin ka sa paligid mo madaming problema sa mundo na mas mabigat at mas malala pa sa nararanasan mo ngayon, napakasimple lang yan at alam kong alam mong kaya mo yan malagpasan, pahinga lang katapat nyan dahil bukas panibagong araw at panibagong simula ang kakaharapin mo. Bumangon ka para sa sarili mo at para sa mga taong patuloy na umaasa at naniniwala sayo na kaya mo. Kayang kaya mo yan, hala sige punusan mo na ang luha mo at itigil ang pagiyak wala naman magagawa yan. Laban para sa pamilya, ipanalangin mo nalang na darating yung araw na ibibigay sa iyo ng Diyos ang taong tatanggap at mamahalin ka ng buong buo na hinde nya hahayaan masaktan ka. Maniwala ka. Laban para sa pagmamahal. ☺ tigilan mo na ang mga taong nagpapanggap lang para sa ikabubuti nila, magingat ka sa mga nakakasama mong inaantay ka lang bumagsak at patunayan mo sa kanila na kayang kaya mo yan basta kasama si Lord. Ikaw na po ang bahala sa laban ko. #hugotsatagulan #pusongnasaktan
#08092016
0 notes
Text
Hugot
Oo Tama, usong uso ngayon yang mga HUGOT lines na yan, sa bawat salitang binibitawan mo damang dama ko tagos hanggang buto. Dati PICK UP LINES lang eh.. Ngayon daming HUGOT na npakalalim as in baon na baon, haha.dami kasi talagang pinaghuhugutan yung tipong lahat nalang ng nangyare sa buhay mo bibigyan ng HUGOT... Yung bawat salitang naririnig mo pakiramdam mo parang ikaw ang pinaparinggan... katulad kanina, biglang may sumabit ss JEEP... OO sabit lang ako , alam ko naman kung san ako pwepwesto... haha To be continued...
0 notes
Text
TimeHop
Minsan gusto na kitang burahin kasi patuloy mong ipinapaalala ang Nakaraan .. haha 😊 yung masasaya at malulungkot na pangyayare sa buhay ko. Minsan nasasabe ko sa sarili ko, napaka gaga mo talaga kahit kelan haha 😂😃😄madaming bagay yung mga ginagawa ko na hinde ko naisip na gagawin ko pala. Isa kang Malaking ***ga haha 😂 Pero sa isang banda nakakatulong ka din lalo na kung may same scenerio na naman alam mo na yumg mga galawang breezy...haha gaga tigilan mo na yan kalandian mo, magfocus ka sa mga pangarap mo.
0 notes
Photo
Tumblr media
#pushnatinyan
0 notes
Photo
Tumblr media
Yes Lord I know You have better plans for me.. di ko man maintindihan ngayon pero im sure later on mas maiintindihan ko na ang mga bagay bagay. Nasasaktan lang ako ngayon kaya sobrang dami kong tanong… Alam ko po na mas maganda ang nakalaan sakin, yung taong mamahalin ako ng totoo walang pagpapanggap ay makikilala ko din sa tamang panahon. Ayoko sumuko sa pagibig naniniwala pa din ako na may dahilan lahat ng nangyayare sa buhay ko. Kayo na po bahala sa akin. Gabayan at patnubayan nyo po ako sa lahat ng mga desisyon kong gagawin. Napapagod din po ako kailangan ko po kayo para bumalik ung lakas ko. Salamat Panginoon #02012016 #💔
0 notes
Photo
Tumblr media
Move on... yan nalang masasabi ko. Madaming tanong na mahirap mahanapan ng sagot, masakit maiwanan ng taong binigyan mo ng halaga. Masakit ang mawalan pero mas masakit kung pagpapatuloy mo ang relasyong wala namang patutunguhan. Madaming magpapanggap, magkukunwari para makuha lang ang loob mo. Madadala ka sa mga pinpakita nya, hinde mo alam isa lang iyon sa mga plano nya. Magaling sila lalo na kung sanay sila gumawa ng plano, puro drawing at kung ano ano pa. Masyadong malawak ang imahinasyon nila sa pagpapanggap sana nga nagartista nalang sila. Pero syempre hinde ko naman nilalahat kaya lang karamihan sa nakilala ko ganon na nga sagana lang sa simula hinde marunong magtapos. Haay...buhay nga naman minsan ka na nga lang magtiwala sa taong mali pa..yan na nga ba sinasabe ko dapat maging mapangmasid hinde lahat ng pinapakita nila ay totoo..nega na kung nega pero mabuti na ung nagiingat. Matuto ka naman wag puro puso..kaya ka nga may utak para gamitin mo ng tama...tama na yan drama mo magmove on kana tapos na ang palabas. Walang forever makakaya mo di tong lagpasan. Cheer up..😊 #first💔
0 notes
Photo
Tumblr media
Maybe Yes…tapos na ang love story namin.. natapos ng ganon ganon lang.. hinde pa nga kami bigla nalang nawala. Masakit pero kailangan tanggapin na may mga bagay na hinde para sa isat isa. Matuto nalang sa bawat pagkabigo, dahiil lagi may magandang dahilan kung bakit nangyayare ang mga bagay bagay. Magpasalamat na lang sa Diyos sa pagkakataon nakakilala tayo ng mabuting tao. Dont be sad everything will be alright ☺
#1stoffeb
0 notes
Text
Unang buwan
Hinde man naging maganda ang bentahan ngayong buwan, masasabi ko pa din na naging masaya ako kung anong mga nangyare. Unang linggo nabigyan ko ng panahon ang sarili ko magpakalayo layo at makapagisip isip ng mga bagay bagay.. salamat sa makabuluhang bakasyon. Thank you Lord at hinayaan nyo po ako na magkaron ng pagkakataon para sa sarili ko. Salamat din sa taong nakasama ko, mula sa Manaog, Pangasinan hanggang Baguio sinamahan mo ko... Ikaw na kaibigan ko na hinde ko inaasahang magiging close tayo. Roadtrip to happiness ang peg natin. Ung nakilala nyo isat isa at yung nabuong respeto di matatawaran. Tinaas mo ang pagtingin ko sa sarili ko. Salamat isa kang tunay na kaibigan... Pangalawang Linggo..lalo pang lumalim ang pagkakakilala nyo sa isat isa nandyan na yung madalas kayo magkatext, chat, usap at halos madalas n kayo lumabas, hanggang sa dumating yung time na umamin na sya ng nararamdaman nya para sayo. Un eksenang patay malisya ka lang kasi ayaw mo masira ung samahan pero sabe ko nga wala naman mawawala kung bibigyan ko sya ng pagkakataon, unang una mabait naman siya, single naman kami parehas kaya nagpatuloy lang sya sa pagsusuyo. Ikatlong linggo unti unti ng nahuhulog loob ko sakanya, dahan dahan nya nakukuha yung tiwala ko dahil sa respeto na npakita nya sakin, na sa kanya ko lang nakita.. hinde ko alam kung ano na nga ba ang nararamdaman ko. In denial or baka nadadala lang talaga ko. Huling linggo ng buwan tuluyan na talaga kong nahulog..halos araw araw na kami magkasama at panatag na loob ko sakanya...gulong gulo ako kung bakit bigla nalang sya magpapaalam kung kelan ok na kami, bigla naman nagkaproblema sa negosyo..naiintindihan ko na sobrang time consuming ang trabaho nya kaya nga naappreciate ko sa tuwing nabibigyan nya pa din ako ng oras... nagdarasal nalang ako na sana maging ok ang lahat sa kung ano man ung pinagdaanan nya. Alam kong alam nya na parehas kaming masaya sa tuwing magkasama kami. Umaasa pa din ako na may susunod pang kabanata para samin. Masyado pang maaga para sa mga bagay bagay pero kung hinde man kami nagpapasalamat pa din ako sa kanya at kay Lord na bingyan nya ko ng pagkakataon na maging masaya sa buhay pagibig. #jan312016 #akotohindemadali
0 notes
Photo
Tumblr media
A very relaxing place... missing Baguio City 😍
0 notes
Photo
Tumblr media
0 notes
Text
Laban
Laban salitang lagi kong sinasabe sa sarili ko araw araw… Laban para mabuhay Laban para sa mga mahal sa buhay Laban para sa mga pangarap Laban para sa mga taong naniniwala sayo Nakakapagod man pero kailangan lumaban,manalo man o matalo basta nandyan si Lord sa buhay ko hinding hinde ako susuko…
Ilang beses na kong natalo, nabigo at nasaktan pero patuloy pa din akong lumalaban sa tuwing mapanghihinaan ako ng loob titingin nalang ako sa taas at sa kanya ko lahat binubuhos kung ano man pinagdadaanan ko. Mahirap maging ako. Hinde madali pero hanggat di nya ko pinapabayaan lalaban pa din ako. 😮
#jan312016
2 notes · View notes