sulatracky
sulatracky
Mabuti at nahanap mo ako rito.
420 posts
Lagusan ng isipan; ng mga totoo at hindi.
Don't wanna be here? Send us removal request.
sulatracky · 8 months ago
Text
Puwang sa Pagitan ng Tirahan at Tahanan
I. Alok ng Yungib ay Kaligtasan—Lamang
Paupahang kuwartong walang kasangkapan maliban sa isang lumang aparador; nakasiksik sa gilid ng kabuuan ng silid. Ito ang iyong tahanan. Tanaw sa durungawan ang lansangan ng walang-hanggang digmaan ng pang-aapi’t pakikibaka; pananamantala at protesta. At kahit ipinid ang bintana at magkulong sa paniniwalang ligtas sa loob ng aparador ay hindi maikakandado sa labas ang mga multo, o matatahimik ang sigaw ng mga naglaho, o mabubura ang mantsa ng mga dugong natuyo sa mga pader, o maiiwasang maamoy ang alingasaw ng kawalang-katarungan hangga’t may patuloy na humihinga.
Alok nitong yungib ay kaligtasan lamang; hindi kapayapaan. Ikaw rin ang magpapalaya sa sarili. Ipauubaya ang kaginhawaan upang magsilbing tahanan ng mga kaluluwang hindi matahimik sa gabi. Ipamamahagi ang kanlungan na gaya ng tinapay at isdang pinira-piraso upang busugin ang libu-libong bibig na naghahanap ng katarungan. At gayong palayasin ng kasero sa dami ng bisitang hindi deklarado ay pasan mo ang aparador sa pag-alis. Kasama ng mga pagong at kuhol, at iba pang mga nilalang na may pasanin ngunit ligtas— nagpapatuloy. Umuusad.
II. Resipe ng Paglakbay sa Oras
Tipunin ang mga sangkap na nakasulat sa nahalungkat mong listahan. Pakuluan ang karne ng baboy habang naghihiwa ng mga gulay. Alisin ang mga latak at taba sa tubig. Kapag handa na ay ilagay ang mga hiniwa; mula sa pinakamatigas hanggang sa pinakamalambot. Timplahan ng pampaasim, saka ng pampaalat. Pakuluing muli. Huling ilagay ang mga dahon ng kangkong. Sumandok ng kaunti. Hipan. Tikman at hayaang dalhin ka ng asim nitong sinigang sa luma ninyong tahanan noong ikaw ay paslit pa. Payak at payapa. Kumpletong nakapalibot ang pamilya sa mesa; nagtatawanan sa pagngiwi at nginig ng kung sinumang hihigop sa niluto ng iyong ina. Kapwa kinikilig sa bagama’t maasim na sabaw ay matamis na alaala.
Bumalik sa kasalukuyan. Magsandok ng ulam at kanin, saka ihain sa sarili mong pamilyang binubuo.         Magtawanan.
III. Mga Nakaabang na Bakal
Dalawang dekada’t dalawang taong debosyon sa distansyang tawid-dagat ng dito at doon. Dugo at pawis ang pundasyon, pulot sa dila ang delusyon.        Pangakong haligi ng tahanang may haligi naman noon.
Bawat baryang bumubuhos ay bumubuo sa bahay; bawat butil ng bigas ay bumubusog sa bangkay—búhay at bumabangon ngunit bulilit at walang malay. Bukás ang bintana’t buong gabing nagbabantay.
Biglaan at walang babalang nagbalik sa biniyudang bayan. Walang bagyo o buhawi ang nagbadya sa bulwagan, subalit ang balitang banayad sa bukana ng bibig ay bulkang bumubulwak sa bodega ng dibdib.
At ang bahay ay kumpleto; binuhusan ng semento. May kusina at kasilyas, at kaniya-kaniyang kuwarto. Ngunit sa ibabaw ng bubong ay may mga bakal na nakaabáng; tila mga brasong may kung anong hindi maabot sa kalangitan; naiilang. Patunay na sa paguwi pa lamang magsisimula ang tunay na pagyari sa iniwan mong tahanan.
○○○ Ito ay lahok para sa Saranggola Awards 2024 ○○○
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
sulatracky · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
“Na kung minsan, may mga multo na nagtatago sa ngiti. Na ang katawan na suot ko sa maghapon sa labas ay gawa-gawang kasuotan na ako lamang din ang nagtahi.” - Multo sa Apartment, Racky
0 notes
sulatracky · 9 years ago
Photo
Tumblr media
"Gusto kong makilala ang mga demonyo mo; ipakilala sila sa mga demonyo ko, sa pag-asang matutunan nilang mahalin ang isa't isa para iwan na nila tayo. Baka sakaling sa gano'n, ikaw naman ang matutong mahalin ako." - Hindi Ako Sigarilyo
Hugot Out Loud - Champion! Woah! Thank you, Junior Chamber International - Daet Bulawan, Escape Bar, sa mga sumuporta, mga nag-push, nanuod, nakinig, Lord, mga ex, mga feeling ex, mga nanakit, mga naging inspirasyon, mga naging kunsomisyon. We deserve love and respect. Hindi tayo sigarilyo.
0 notes
sulatracky · 10 years ago
Text
LAST POST FOR 2015:
Ang 2015 ay para dito: Para sa masasayang araw na naging dahilan ng hindi natin pagsuko; Para sa mga kaibigang dumating at hindi na lumisan; sa matatagal nang kakilala’t hindi na nangiwan. Para sa mga biruan at tawanang hindi malilimutan, sa appreciation at achievements na hindi na bibitiwan. Para sa biglaang pagtaba at pagtubo ng bigote; at iba pang mga bagay na ngayon lang nadiskubre. Ang 2015… Para ito sa ngiti. Para ito sa malulungkot na gabi na mas nagpatatag pang lalo sa atin. Para sa mga taong umalis at hindi na babalik pa; sa mga gustong bumalik pero ayaw na nating pabalikin dahil pagod na tayong umasang magbabago pa sila. Para ito sa mga minahal na sumalangit na, at sa mga naiwang maglakad mag-isa. Para ito sa pagkabigo, pagkapahiya, break-ups at rejection; para sa pagkadapa, pag-aaway, pagkawasak at pagkasira. Ang 2015… Para ito sa katatagan. Para ito sa mga huling araw at buwan ng eskwela kasama ang mga kaklase; pumapasok nang walang tulog; maski kilay, sinusunog pero hindi naging madali. Para ito sa thesis, at lesson plans, at pagpapakain ng mga manok sa agriculture. Para ito sa namuong away, hidwaan o paglalandian. Para ito sa pagkapit, sandigan at pagtitiwala hanggang sa maabot ang pinakahuling araw. Ang 2015… Para ito sa diploma. Para ito sa mga unang araw ng trabaho kasama ang mga bagong mukha na kailangang kilalanin. Para sa wave 15.12.1. Para sa nakaka-inspire na trainer. Para sa libreng kape sa pantry, at unlimited tissue sa CR. Para ito sa sahod, at career, at pagtulong sa magulang. Para sa pag-unlad ng sarili, paglago ng talino at pagtanggap ng responsibilidad. Ang 2015… Para ito sa bagong landas. Para ito sa mga piyesang nabuo; sa mga tauhang nabuhay sa isip ko’t inilapat sa salita, sa papel, hanggang sa entablado. Para ito sa unang beses na pagbenta ng script sa hindi ko kakilala; at sa saya nang malaman kong kaya ko pala. Para ito sa re-run ng ''Ang Saging ni Lolo'' na hinarang ng admin dahil sa bastos na pamagat. Para ito sa ''Walang Hanggang Isa'' na sinulat ko sa probinsya habang palihim na naghihinanakit sa mga tao sa paligid ko; para sa pinaka-una kong stage play na hindi ko napanood. Para sa pagkakapanalo ng short story kong ''Bida Worst'' sa LPU. At sa pagkakabuo ng script ng ''Love Notes 5: CINCOmplicated'' na ipapalabas next year. Para din ito sa mga gumanap, gaganap at mga tao sa likod. Para ito sa mga patuloy na nagmamahal sa teatro, at talento, at pagbabasa. Nawa’y wala sa ating magsawa. Ang 2015… Para ito sa sining. Ngunit pinaka, para ito sa tunay na Manunulat, sa tunay na nagpapagalaw sa ating lahat. Para ito sa mga problemang ibinibigay N’ya na mas nagpapatatag sa atin; at sa mga solusyong nakalaan at kailangan lang hanapin. Para ito sa biyaya, sa saklolo at pagtitiwala; sa mga tanong, at sagot, at pananampalataya. Para ito sa lahat. Ang 2015… Para ito sa Diyos. Para ito sa’yo. Para ito sa akin. Para ito sa mga alaalang napagsamahan natin; gaano man karami o kaunti; kahaba o kaiksi. Ang 2015… Para ito sa noo’y umpisa na ngayo’y magwawakas. Para sa paghahanda sa kung ano’ng meron bukas. Para ito sa pasasalamat at pagpapatawad. Para sa bagong simula at mga bagong dahilan. Ang 2015… Para ito sa alaala. Magwawakas ngunit hindi mawawala. Manigong bagong taon! Handa na kami!
0 notes
sulatracky · 10 years ago
Text
I was on the bed with my eyes closed; trying to sleep with all the laughter, smoke and noises that were illogically mixing inside the whole room. It was almost midnight but everyone seemed so alive; except me. Then a song started playing. All the noises went out; all the laughter disappeared. There was a quick flashback; pain, my ex, a CD, a video, a gift, just before we broke up. This is THAT song; this is the song in the CD I received as a gift for our second month. This is the song I don’t want to hear anymore. I was about to cover my ears… But then the lines started spilling out; a voice sang along. ‘’There are times that I just want to look at your face with the stars in the night…’’ I don’t know why but I decided to open my eyes; maybe to check who was singing. And there was you… Looking at me… Just like how the lyrics stated. Your head was tilted to match the tilt of my face resting on the bed. You were wearing a hidden smile, like a secret message that only you and I can decode. Everyone else in the room was there. But for me, there’s only me and you. But I didn’t smile back. I just covered my face with the blanket and faced the wall. You might’ve thought that I didn’t care; or your smile doesn’t affect me in any way. But believe me, that moment, I knew to myself, that I’m going to remember that song differently; that that song won’t remind me of the pain anymore. That moment, I knew, it will remind me of you.
And under the blanket, I smiled.
1 note · View note
sulatracky · 10 years ago
Text
I typed everything but I ended up deleting it. I typed it back but my fingertips keep on returning to backspace; erasing every letter, every word that I want to tell you. It’s funny how people always think that the war is between their hearts and their minds. But for me, it’s between my thoughts and my second thoughts; my wants and my other wants. And yes, I think about you; I think about your smile, and your stares and all the emotions they give me. I think about the way you talk, the way you laugh (and make me laugh), I think about how you’re actually funny and serious at the same time. But I also think about you having someone to think about; having someone to want. Not me, but someone special, and closer and acceptable. I also think about your possible reaction if I tell you I like you; I think about my possible rejection if you tell me you don’t. I also think about me… And pain… And fear… And yes, that makes me think not to want you; that makes me want not to think of you. I just want to be at a certain point, make a decision, and skip the consequences if they wouldn’t turn out the way I want them to be. I want to finish this phase and forget you, but I also want to keep things the way they are; I want to keep your sweetest hello, your funniest joke, your precious memories. I want to keep you here, written on these pages inside my soul; creating a permanent bookmark that would remind me that on one chapter in my life, I used to think about you. But don’t take this seriously. This is normal for me. This is how I survive living with others; writing the things I’m afraid to say directly; typing everything and letting it drift somewhere, hoping it would cross some eyes in any possible way. I typed everything but this time, I’m not going to delete it. My fingertips won’t find their way back to backspace. There’s nothing left to delete... But you.
1 note · View note
sulatracky · 10 years ago
Text
Alam mong may pasok ka sa trabaho bukas pero pinili mo pa ring uminom. H’wag ka nang sumagot o magpaliwanag. Hindi mo alam ang ginagawa mo. Dahil kahit noon pa, kahit sa ibang mga bagay, alam mo namang hindi p’wede, ipagpipilitan mo pa.
2 notes · View notes
sulatracky · 10 years ago
Text
Bata pa lang ako, naririnig ko nang malas daw ang Friday the 13th. Hindi naman Friday the 13th nu’ng nakilala kita, pero bakit sobra tayong minalas?
2 notes · View notes
sulatracky · 10 years ago
Text
Iniibig kita
Iniibig kita
Mula ulo hanggang paa;
Na kung kaya lang sana
Na ikaw ay magkasya
sa aking puso’t isipan
Ay hindi ko na kailangang
Pakawalan ka pa.
Iniibig kita
Mula pa pagkabata;
Ikatlong baitang sa elementarya,
Naramdaman ko na
Na ikaw ang gusto ko
At ikaw ang nais ko
Na makatabi sa upuan,
Kasabay tuwing uwian
Palaging tatawagan
Kahit ‘di naman kailangan
Dahil ikaw
Ang may-ari ng ngiting kinatutunawan ko
Na hanggang makauwi ay baon-baon ko
Sa pagkain ng meryenda hanggang sa maghapunan
Maski sa oras ng pagtulog ay yakap ko ang unan
habang iniisip na sana’y ikaw ‘yun
Sana’y ikaw ‘yun
Sana’y
Ikaw
Ang nagpadala sa’kin ng liham
Noong huling araw ng klase’t kailangan nang magpaalam
Dahil hindi ko alam
pero wala man lang pangalan
At ayaw ko nang hulaan
Dahil mas gusto kong paniwalaang
Ikaw nga
‘Pagkat ikaw
Ang may-ari ng labing una kong natikman
Na kahit aksidente lang ay hindi ko pa malimutan
Ikaw
Ang bago kong pangalan
Suki ng isipan
Na mula pa pagkabata
Ay hindi na mabitiwan.
Oo, ikaw,
Iniibig kita.
At iinibig kita
Hanggang maging binata
Pag-ibig na nga yata
Ngunit ‘di mo pa rin makita
Ang damdamin kong ito.
Para sa’yo.
Pero ‘di ko sigurado
Kung ‘di mo halatado
O baka naman alam mo na
Pero ‘di mo lang gusto.
Pero ayos lang ako;
Sana lang ay alam mo
Na maging hanggang ngayon
Ikaw pa rin ang gusto ko.
Ikaw pa rin
Ang gusto ko.
Dahil iniibig kita
Hanggang dito;
Hanggang dito sa mismong oras na ito.
Iniibig kita
Kahit ayaw ko na
At alam kong kailangang bitiwan na kita;
Limutin na kita
Alam kong kailangang magparaya na ako
Tanggapin ang totoo;
Itapon ang labing-isang taon nang pag-asa ko sa’yo
Alam ko
Kailangan ko nang tapusin ‘to
Itapon ‘to
Kailangan ko nang lumayo sa’yo
At sa presensya’t alaala mo
Para iwan ‘to…
Pero ewan ko
Bakit iniibig pa rin kita.
At kahit siguro
Ilang taon pa ang dumaan
Ikaw pa rin ang laman
Ng puso kong nakalaan
Lang para sa’yo.
Iniibig kita.
At iibigin
At iibigin
At iniibig pa rin kita.
Kahit nagmumukha akong tanga.
4 notes · View notes
sulatracky · 10 years ago
Text
Once
Once, there was a tree;
Proudly rooted at the midst of the woods;
Showing the pride of surviving tragedies;
Wearing its scars as if they were medals to boast
But then a man with a chainsaw came
And proved it wasn’t strong enough
 Once, there was a star;
Shining at the peak of the darkest hour;
Generously sharing its gift of light
As the children sleep for the rest of the night
But then the sun woke up
And the star wasn’t thanked
 Once, there was a girl;
Standing at a certain spot in her life;
Holding her heart for something foreign
And new; and magical… And real;
But then someone took it
And she found it broken
 Yet
The tree regenerated
The star waited for the night
The girl put her pieces back together
And now, whatever
Happened to them
They know what to do.
They moved on…
They are wiser…
They are stronger…
And they are ready.
5 notes · View notes
sulatracky · 10 years ago
Text
Walong Basong Tubig
               Uminom ka ng tubig, dalawang baso sa umaga; pagkamulat pa lang at pagkabangon mo sa kama. Isa para mapalitan ang mga luhang inilabas mo kagabi at sa hindi mo pagtahan hanggang makatulog ka; para sa natutuyo mong lalamunan sa ilang oras mong pananahimik at hindi pagsasalita. Ang isa naman ay para sa nakaraang nakaimbak pa sa kaloob-looban ng iyong sikmura; para sa pagsisimula ng isang bagong umaga ay hindi mo na ito kasama.
               Uminom ka ng tubig, isang baso pagkatapos ng almusal. Itulak mo papasok ang mga bagay na magbibigay-lakas sa’yo para simulan ang panibagong araw nang wala s’ya.
               Uminom ka ng tubig, isang baso bago mananghalian. Hayaan mo itong dumaloy at ihanda ang iyong lalamunan sa mga panibagong bagay na papasok. H’wag kang mag-alinlangan. Kailangan mong kumain para ipagpatuloy ang mga sinimulan mo; wala ka pa sa kalagitnaan.
               Uminom ka rin ng tubig, isang baso pagkatapos, para masiguro mong walang babara at makakapagpatuloy ka nang maayos.
               Uminom ka ng tubig, isang baso sa meryenda. Masyadong mainit ang hapon at mas malaki ang posibilidad na makulangan ng tubig ang katawan mo. Unahan mo. H’wag kang masanay na makuntento kapag kulang. H’wag kang masanay sa paniniwalang makukuntento ka sa kung hanggang saan lang ang kaya n’yang ibigay. Dahil hindi s’ya masasanay. Unahan mo. Dahil noon, inunahan ka na n’ya.
               Uminom ka ng tubig, isang baso sa hapunan. Pagod ka na, at alam kong kailangan mo ng hahagod sa mga bahagi ng iyong katawang hindi naaarok ng mga kamay. Tubig ang gamitin mo. Pakalmahin mo ang sunog sa loob na dulot ng galit bago ka man lang magpahinga.
               At uminom ka ng tubig, isang baso bago matulog. Ihanda mo ang sarili mo dahil kahit ilang beses mong sabihing okay ka na, o kalmado ka na, iiyak at iiyak ka pa ring mag-isa. Kapag wala nang ibang taong nakakakita. Uminom ka ng tubig para hindi maubusan ng reserba ang iyong mga mata, at matakot ka na baka dugo na ang lumabas kapag wala nang natira. Uminom ka ng tubig lalo’t mahina ka pa. Iyakan mo s’ya. Iyakan mo lahat ng masasakit na ginawa n’ya, maski na ‘yung masasaya. Uminom ka ng tubig para mapuno ka kahit ilang beses kang nauubos. Uminom ka hanggang matapos ang pagdurusa at maubos ang mga galos na dinulot n’ya. Uminom ka. Dahil alam mong uhaw na uhaw ka sa pagmamahal na pinapainom n’ya sa iba.
4 notes · View notes
sulatracky · 10 years ago
Text
BAHAGHARI
Kasing-init ng pula ang bawat simula. Mula sa unang beses na pagkikita hanggang lubusang magkakilala. Itatago-tago mo ang mga unang bagay na ibibigay n’ya; at iingatan mo ang mga unang yakap, unang halik at ligaya nitong kasama.
Magiging kasing-kahel ito ng papalubog na araw. Nakaupo kayo sa tabing-dagat habang pinagmamasdan ang kalangitan. Matututo kang sumandal sa kanya nang hindi kinakabahan. Masasanay kang nariyan s’ya at magiging komportable kayo sa isa’t isa.
Magliliwanag ang lahat kagaya ng dilaw. Mas mamahalin mo pa s’ya lalo na’t nakalimutan mo na ang hitsura ng dilim. S’ya na ang magbibigay sa’yo ng mga emosyong hindi mo pa nararanasan noon. S’ya ang magiging lakas mo sa pagtahak sa madidilim na bahagi ng buhay mo ngayon. Mas hihigpit pa ang mga kapit mo sa kanya.
Kaya’t dahan-dahang magiging berde ang lahat. Sa higpit ng kapit mo’y madadala ka sa tawag ng laman. Mag-iisip ka ng mahahalay na bagay at unti-unti mo s’yang pagnanasaan. Ni hindi mo na ito maiiwasan, hanggang sa malaman mong ganu’n na rin s’ya mag-isip. Susubukan n’yo. Hanggang sa lamunin na kayo ng sarili n’yong katawan.
At manlalamig ka kagaya ng asul. Mamamatay ang apoy na noo’y nagbibigay ng init sa pagtingin n’yo sa isa’t isa. Mawawala sa balanse ang lahat. Mauubos ang respeto at paghanga mo sa kanya. Hanggang sa mas lumamig at mas lumamig ka pa; hanggang sa hindi mo na kaya.
Manginginig ka na parang indigo. Isa kang mabigat na ulap sa papadilim na gabi, na tila magwawala sa pagnanais na palayain ka na n’ya.  Mag-aaway kayo. Magsisigawan, magsusumbatan, magkakasakitan. Ilalabas mo ang inipon mong mga buhawi at ulan. Hahanapin mo ang init ng pag-ibig ngunit ang tangi mong mahahanap ay init ng ulo at kumukulong dugo.
At magwawakas ang lahat sa lila; mas mabigat na bagyo, mas malalim na gabi. Lalamunin ka ng pangungulila at pagsisisi na sana’y hindi kayo nagmadali. Sana’y pinanatili ninyo ang balanse at tamang timpla ng mga kulay at panlasa. Dahil namamanhid na ang iyong dila sa kapaitan ng buhay mong ikaw rin pala ang kawawa. Maghihintay ka na lang ulit ng isang taong magbabalik sa’yo sa mainit na simula, at susubukang gawin ang alam mong tama.
2 notes · View notes
sulatracky · 10 years ago
Text
Itong Mga Paano Ko
Paano kung ang ulan ay pinagsama-samang luha ng malulungkot na bituin
Na kahit kumpol na nakikita ay magkakalayo pa rin?
At ang buhawi’y hininga ng nagdaramdam na hangin?
O ang alon ay pagsamo ng pag-ibig na nabitin?
 Paano kung ang puno’y dalagang naghihintay sa isang binata
Na sa sobrang tagal ay inugatan sa pagtanda?
O ang buwan ay nagmamasid sa kilos ng kanyang sinisinta
Upang ipadama rito na hindi ito nag-iisa.
 Paano kung ang pag-ibig ay isang gamot sa kahit anong karamdaman?
Ipauubaya mo ba ito sa nangangailangan kahit may iba kang pinaglalaanan?
At paano kung ako ay ang sira-sira mong tahanan?
Makakaasa ba akong babalik ka sa akin at hindi mo lilimutan?
 At paano kung maligaw ka at makahanap ng iba?
Ipapaalam mo ba sa akin o hahayaan mo akong umasa?
Paano kung mahal pa kita?
Hanggang paano na lang ba?
3 notes · View notes
sulatracky · 10 years ago
Text
Napapaklaan ka sa mga matatamis na bagay na iyong nakikita. 'Pagkat ang dila ng iyong mga mata ay paatras na umiikot; Dinidilaan ang mapait mong utak.
1 note · View note
sulatracky · 10 years ago
Text
Limang Hakbang sa Muling  Pagbuo ng Puso
Una, tandaan mo na ang puso ay hindi jigsaw puzzle na kapag hawak mo na ang isang piraso ay maaari mo na lang itapal sa kung nasaan ang butas at sa kung saan ito kakasya. Hindi ito butas sa ‘yong bubong na tatapalan mo lang ng epoxy ay mapipigilan na ang pagpatak ng mga luha sa’yong pisngi. Ang puso ay tila rubiks cube, at ikaw ay isang baguhan. Iikot ka nang iikot bago mo malaman kung paano iipunin ang mga dapat na magkakasama at mga dapat isama sa iba. Walang short cut, walang tapal-tapal. Kailangan mong hanapin ang mga tamang daan; ang mga tamang hakbang para sa muli nitong pagkabuo.
Pangalawa, palagi mong iisipin na hindi lang sa dalawa nahahati ang puso. Nahahati ito sa tatlo o sa apat, hindi pa kasama ang libu-libong butil na mahuhulog sa sahig mo. Pero hayaan mo; kunin mo ang mga piraso ng sarili mo na hindi gaanong apektado; ‘yung mga bahaging hindi gaanong nasugatan na kahit may konting galos ay kaya mong punasan. Hayaan mo; ipunin mo ang mga magagandang bagay na maidudulot sa’yo ng nararamdaman mo. Na sa wakas ay nagising ka na sa bangungot na naranasanan mo sa kanya, o sa trahedyang naghihintay sa’yo sa dulo ng kalsada. Matuwa ka. Dahil sa wakas, hindi ka na tanga.
Pangatlo, sunod mong ipunin ang mga pirasong tinutukoy ko sa sahig. H’wag kang matakot na mabubog kahit na masakit. H’wag kang tamarin at isiping wala nang silbi ang mga ito dahil mga butil lang sila’t maliliit. Dahil sa katunayan,  kapag inipon mo ang mga ito’y baka mas malaking bahagi pa pala ng puso mo ang narito; mas malaking bahagi pala ang nadurog sa’yo at balak mong iwang abandunado. Dahil sa katunayan, ito ang mas masakit; ang pulutin ang mga butil na kahit sa maliliit na mga bagay ay naaalala mo s’ya. Na kahit sa maliliit na pag-asang baka pwede pa ay umaasa ka. Ngunit h’wag mong itatapon ang mga bubog, maski ang mga alaala. Hindi ka kumpleto kapag nawala ang mga ito kaya’t isama mo sila. Hindi mo kailangang tumakas, kailangan mong harapin ang sakit. Dahil dito ka mamamanhid.
Pang-apat, walisin mo ang sahig. Linisin mong mabuti at siguraduhing wala nang ni isang butil na nakakalat dito. Siguraduhin mong wala kang naiwan ni isa, dahil baka sa oras na muli mo s’yang makita ay matapakan mo ito’t bumalik ang sakit na akala mo’y wala na. H’wag kang magtira kahit isa, dahil baka kapag may bago kang pinatapak sa’yong sahig ay s’ya naman ang makatapak nito’t s’ya naman ang masaktan. Ang nakaraan ay nakaraan ngunit bumabalik ito upang saksakin ka mula sa likuran, at hindi mo ito mapipigilan.
At panglima, lumabas ka. Pagkatapos mong pagdikit-dikitin ang mga piraso at butil ay lumabas ka’t gumawa ng mga bagong alaala. Pagkatapos mong damhin ang pait at luha na nagpamanhid sa’yong panlasa ay kumain ka at magsaya. Dalhin mo ang puso mo at h’wag mong iiwan nang mag-isa. H’wag kang magkulong sa kwarto mo’t hintayin itong gumaling gamit ang sarili mong luha. Lumabas ka dahil ang mga bagong alaala ang papasok sa mga bakas ng pagkawakasak nito at magpupunan sa mga espasyong nasa pagitan ng mga pirsao. Lumabas ka hindi upang maghanap ng iba; lumabas ka upang hanapin ang mga bagay na hindi mo nakita noon dahil nakatuon ka lang sa kanya. Lumabas ka, hindi dahil natatakot kang matuklasang baka nga may bubog pa sa’yong sahig at hindi pa pala s’ya nawawala; lumabas ka dahil sa pagkakataong ito, malaya ka na.
At hindi mo na itatanong, pero meron pa sanang pang-anim. Pero kung maayos ka na, o ‘di kaya’y tinatamad nang magbasa, maiintindihan ko kung hihinto ka na sa panglima. Gusto ko lang sana sabihing kung kailangan mo ng isang taong aalalay sa’yo sa muli mong pagtapak sa labas, kung kailangan mo ng taong tutulong sa’yo sa paglikha ng mga bagong alaala, narito lang ako. Sinusulat ko ang lahat ng ito para ipaalam na maghihintay ako na muli mong mabuo ang puso mo at matutunan itong ipahiram sa akin. Kahit sandali lang, kahit subukan mo lang. Wala akong pakialam kung nasa dulo ako ng pila o baka naman nalagpasan na. Babalik at babalik ako at hindi ako magsasawa. Kahit matapakan ko pa ang naiwan mong bubog, bubunutin ko ito, huhugasan saka iaabot sa’yo nang may tsokolate pang kasama. H’wag kang matakot na subukan akong mahalin. H’wag kang matakot na baka masaktan mo lang ako sa huli. Sanay na rin naman ako. Kabisado ko na ang limang hakbang na tinuro ko sa’yo.
5 notes · View notes
sulatracky · 10 years ago
Text
BAKIT KA NAGREREKLAMO SA SAKIT
Ng pag-ibig
Na nabitin na sa init
At sa puso mong napunit
Dahil natuto kang umasa?
Ngunit hindi ka nagreklamo sa pait
ng alak
na sa bibig
Mo pa mismo nangulit
Magdamag
Dahil lang nasaktan ka.
 Bakit ka nagrereklamo sa hapdi
At kirot at dugo
Na kumalat sa’yong manggas;
At pumuno
Sa kabuuan ng iyong pagkatao?
Ngunit hindi ka nagreklamo
Sa pait
ng kape at sa init
nito nang dumikit
sa’yong labi
dahil lang nagising ka na.
 Bakit nagrereklamo ka ngayon
sa malamig na hangin
Ngunit hindi pa noong
Mayroon ka pang kapiling?
Bakit ka nagrereklamo
sa init ng umaga
o lamig ng gabi
o haba ng oras sa pagitan
ngunit hindi naman
noong
lagi mo pa s’yang kasama?
Bakit ka nagrereklamo?
Bakit mo sinisisi ang pagbabago
Sa sistema o takbo ng araw mo?
Bakit mo pagmumukhaing masama ang pagibig?
Sino ba ang lumapit
At piniling mas kumapit
Sa pag-asang araw ay sasapit
Na may kakapit
Rin sa’yo?
Sagutin mo ako.
Bakit ka nagrereklamo?
0 notes
sulatracky · 10 years ago
Text
I used to be optimistic; I used to see the goodness in every bad situation. But I’ve changed. I don’t know myself anymore. Because every time people ask me if I see the glass half-full or half-empty, I can see the glass breaking. And now it’s broken. Everything is.
6 notes · View notes