Tumgik
#ano pa ba pwede ilagay rito
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
lokal bookstore
captured july 27, 2023 | written multiple dates | written multiple places
the moment i stepped in front of the gates of UP Manila’s College of Arts & Sciences building in faura, ate guard told me “ma’am suspended na po”.
i mean i was aware of the suspension, but my professor was notorious for expecting students to come to class. i was already barely passing! i can’t take chances.
so i opened up my phone, lo and behold, the kind sir suspended today’s class. so i thanked ate with a heavy sigh and headed out.
i was racking my brain with what i should do as i didn’t want to head home and face the wrath of my backlog readings (sad reality of being in college).
but then i remember seeing a large Solidaridad sign when I went home through a motorcycle booking system one time. i immediately saw that it was a bookstore. i was ecstatic when the display flew past my vision
i wasn’t really able to head out to it as it was always bad timing. but hey! now isn’t one— since i’m already here in faura.
it was quite a walk from CAS. i even went beyond Robinson’s Manila. welp, when you’re on a moving vehicle it’s hard to gauge distance.
it seems that i was the only (first of the day even) customer at that time. i usually hate it when this happens as staff often tail me while i’m doing my business. lucky for me they didn’t, but they asked me to deposit my bag, i assume so i won’t be able to shoplift.
fun fact: their sign and store name, Solidaridad, i’d assume is inspired from the propaganda newspaper known during the late spanish occupation in the Philippines. i think it fits the theme of the store.
despite having mostly books of white pages, the library had the scent of old books. i assume it’s because this store opened in 1965. the smell remained and never left.
i am not a person of small talk. i am often at loss with words, especially with strangers. with this and my ridiculous shyness, i wasn’t really able to interrogate about the shop but rather i delved into reading previews of some hardbacks.
the first thing I noticed was that they mostly carried Filipino books, which really excited me. i’ve been having a hard time locating Filipiniana sections in the bookstores i often go, and if there was one, they had limited titles.
no offense to wattpad books, they were my introduction to reading in the first place, however, they are simply shit. shallow plot, terrible writing, and everything in between.
so having a store carrying mostly Filipino books really sparked my interest. i think i took a long time in that store.
i’d say around 80% of their books were in the history genre. there were all sorts of books on a lot of aspects of the country. Indigenous, far off islands, you name it, most likely they have it.
one title caught my eye and that was A History of the University of the Philippines by Fajutagana, L.M., and Cruz-Lucero, Rosario. The reason why was obvious. It was rather expensive though, so I gently placed it back while taking down its name for future purchase.
anyways, after my long interrogation of the store, i decided to purchase two books: Rizal Without the Overcoat by Ambeth Ocampo and Noli Me Tangere by (of course, who else) Jose Rizal, translated by Virgilio S. Almario. i was debating whether to get the english or filipino version of the famous novel but since i haven’t been really reading in my mother tongue, i decided on the latter.
the reason of my choices was that i was taking Life and Works of Rizal, PI 100 for UP people, at the time. i really enjoyed the subject, so it piqued my interest for a couple weeks.
as i write this today, i realize that i want to live a long life— as i have a lot of books i have yet to read, so much knowledge yet to be learned. there’s something poetic in between those lines, maybe it’s truly the simple things that give meaning to our time here.
overall, i absolutely adored this bookstore. it’s just sad that the prevalence of local bookstores has been dwindling. i appreciate the convenience of the large bookstore chains as you could see even the most obscure titles, but i guess there’s some charm when it comes to these small nooks in a bustling city.
please pay Solidaridad a visit! it’s totally a walkable distance from taft (albeit, i am a UP student so I can’t vouch how far “walkable” is to a normal person).
patuloy na nagbabasa. anji.
1 note · View note
phoneutriafera · 4 years
Text
8 Paraan Para makapagsimulang mag-ipon
“Ilang taon na akong nagtatrabaho pero bakit hanggang ngayon wala pa rin akong naiipon?”
Sumagi na ba sa isip mo ang katanungang iyan?
Marahil ay hindi ka makapag-ipon sapagkat hindi mo alam kung paano ito sisimulan. Naiintindihan kong mahirap humagilap ng extrang pera na maaaring ilagay sa savings lalo na kung ikaw ay nasa “Paycheck to Paycheck cycle.”
Narito ang ilang mga paraan kung paano ka makakapagsimulang mag-ipon:
1. Isulat ang lahat ng iyong gastusin.
Isa sa pinaka-importanteng hakbang sa pag-iimpok ay ang malaman kung saan napupunta ang iyong kinikita. Pagkatanggap mo ng iyong sahod, ilista mo lahat ng iyong mga gastusin. Ito man ay para sa upa/utang, utility bills, groceries, pagkain sa mga restaurant, o panonood ng sine. Mahalagang malaman mo ang bawat sentimong iyong pinagkakagastusan. Kung gusto mong isulat ito sa papel, maaari mo itong gawin. Pwede ka ring gumamit ng excel sheet o isang budgeting software na maaari mong ilagay sa iyong cellphone.
Oras na malikom mo ang mga datos, kailangan mong i-categorize ang bawat items na pinagkagastusan mo (Halimbawa: Rent , Groceries, Utility Bills).
Tip:     Kung ikaw ay gagamit ng mga budgeting software, maaari kang makakuha ng ideya kung papaano mo i-cacategorize ang bawat gastusin.
2. Gumawa ng badyet.
Ngayong meron ka nang ideya kung anu-ano ang mga pinagkakagastusan mo sa isang buwan, maaari ka nang gumawa ng badyet para ma-kontrol mo ang iyong paggastos. Huwag na huwag mong kakalimutang isali sa iyong badyet ang emergency savings fund. Ito ay isa sa pinakaimportanteng kategorya sa iyong badyet. Tandaan, kailangan mong isama rito ang mga gastusing regular (pero hindi buwan buwan) kagaya ng maintenance ng bahay o ng sasakyan.
3. Planuhin ang pag-iipon o pag- iimpok.
Para makapag-ipon buwan buwan, kailangan mong gumawa ng savings category sa iyong badyet. Subukang magtabi ng 10% hanggang 15% ng iyong kita. Kailangan ng matinding disiplina para masunod ito. Kung kinakailangan, pag-aralan ang iyong gastusin kung saan ka maaaring makapagbawas katulad ng pagkain sa mga restaurant o panonood ng sine.
Tip: Para makasigurong may mailalagay ka sa iyong savings category kada buwan, sundin ang sumusunod ng formula:
Tumblr media
Sa ganitong paraan, naitabi mo na ang iyong savings bago mo bayaran ang ibang mga gastusin. Ito ay makakatulong para makapagsimula ka nang mag- impok. Kailangan mong isipin ang iyong kinabukasan.
4. Gumawa ng saving goals.
Alamin kung gaano katagal bago makamit ang bawat layunin. May mga short-term goals kung saan ito ay aabutin ng mga 12 hanggang 36 na buwan bago mo ito makamit at meron ding long-term goals kung saan aabutin ito ng mas mahabang panahon.
Halimbawa ng mga saving goals:
Emergency funds – Ang emergency funds ay 3 hanggang 6 na buwang gastusin na maaari mong gamitin kung sakaling ikaw ay mawalan ng trabaho. Pwede rin itong gamitin sa ibang klaseng emergency katulad ng medikal na pangangailangan.
Pagpondo sa edukasyon ng anak.
Pag-iipon ng pambayad ng inyong “dream house” o  kotse.
5. Alamin ang prayoridad sa buhay.
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang prayoridad sa buhay. Kung ikaw ay may sariling pamilya, maaari na ang mga prayoridad mo ay ang iyong asawa’t mga anak. Kung ikaw naman ay single, maaaring ito ay ang iyong magulang o mga kapatid. Alamin kung ano ang pinaka-importanteng goal na gusto mong makamit. Kasama sa hakbang na ito ay ang pagpapasya kung gaano ka kahandang maghintay para makamit ang iyong layunin at kung magkano ang kaya mong itabi para rito. Kung ikaw ay maraming layunin sa buhay, mabuhay ka! Kailangan mo lamang alamin kung ano ang gusto mong unahing makamit at huwag kakalimutang isama ito sa iyong buwanang badyet. Tandaan na kailangan mong magdesisyon kung ano ang iyong prayoridad sa buhay. Kung gusto mong mag-ipon ng emergency funds, kailangan mong isantabi ang ibang layunin mo sa buhay pansamantala para mas mabilis mong makamit ang iyong gusto.
6. Gumamit ng iba’t-ibang investment vehicle para makamit ang bawat layunin sa buhay.
Kung ang iyong layunin ay short-term (12 hanggang 36 na buwan), maaari mong ilagay ang iyong ipon sa isang savings account sa banko.
Kung ang goal mo naman ay long-term (mas mahaba sa 36 na buwan), maaari mong i-invest ang iyong pera sa mga Mutual Funds o UITF na produkto ng mga bangko. Ang investment vehicle na ito ang magbibigay sa iyo ng mas mataas na return kumpara sa savings account ng mga bangko.
Tip: Pag-aralang mabuti ang isang investment vehicle bago ito pasukin.
7. Padaliin ang pag-iipon o pag iimpok sa pamamagitan ng automatic transfer.
Ang “pagse-setup” ng automatic transfer papunta sa iyong savings account ay isa sa pinakamabilis na paraan ng pag-iimpok. Sa ganitong paraan, mas mapapadali ang iyong pag-iipon at mas makasisigurong hindi ito madaling i-withdraw sa mga ATM maliban na lamang sa oras ng emergency.
Tip: Isipin na isang regular na gastusin ang savings. Maaari mo itong idagdag sa mga kategorya ng iyong badyet.
8. Pagmasdan ang paglago ng iyong ipon
Alamin ang pag-unlad ng iyong pag-iipon buwan-buwan. Sa ganitong paraan, mas madali kang makapag-aadjust sa iyong badyet at ito rin ay makakatulong para makapag-focus ka sa iyong layunin.
Ang mga nabanggit ay ang 8 paraan para makapagsimula nang mag-ipon. Kung sa iyong palagay ay may nakaligtaan akong paraan o hakbang, maaari kang maglagay ng komento sa blog post na ito.
sauce
1 note · View note
renuelfallore · 2 years
Text
Sowsyals [FIL/ENG]
I think I kinda miss scribbling thoughts without thinking so much about word count, character limit, important elements, restrictions, names, and style guides. Right now, I just kinda wanna free my mind the old-fashioned way. So kumusta naman kayo? Aba, medyo nakakamiss rin pala ang ganito. Ating ipagpalagay na lang na mga pahina ito ng luma kong notebook noong estudyante pa ako. Kuwaderno na mauuna mong sulatan sa likuran. Sa mga huling pages, kasi nga, tamang scratch paper at pang drafts lang ang feeling mo.
So ano ba ang magandang topic na ilagay rito? Bigla akong napaisip ha. Teka, dapat wala nga palang rules at kahit sabog-sabog na thoughts okay lang. Teka magplay lang ako ng background music while writing. Uhm, ah alam ko na, siguro about our social media usage na lang. Masyadong malawak? Oh sige, edi talakayin na lang natin ‘yung akin. How do I use/consume social media nowadays? Aba pwede. Pang “article” sa site tulad ng Tumblr. Game.
Well, it’s not a secret na until now Twitter pa rin naman ang app na una at lagi kong binubuksan. Araw-araw halos ‘yan. Kahit siguro ‘di mo trip or wala ka sa mood magbubukas ka pa rin, except na lang siguro kung gusto ko mag “detox” kahit papaano. Sa Twitter kasi madaling kumuha ng balita, tsismis, trends, at kung anu-ano pang kailangan at ‘di mo kailangan. Kapansin-pansin na rin ang pagbabago ng algorithm ng Twitter ngayong 2022. You like to see more of that? You liked that stuff? Twitter will give you more of that stuff.
Speaking of ‘di kailangan, hindi ko masyado binubuksan ngayon ‘yung Instagram ko. As in madalang. Aba sa mga ilang kakilala at friends ko na magkaka chance basahin ‘to, pasensya na kayo. If in case buksan ko man ‘yung Instagram, via my desktop pa and hind sa App na nasa phones natin. So ayun, ‘pag nagkakatime, magbubukas ng mga IG story na nasa pinakaunahan. Tapos na. Browsing the app? Nah, not really. Last post? 2020 pa. Sa ngayon, nagiging mahalaga lang ang IG for me sa tuwing nagpopost ng update si IU. Syempre matik Like naman ‘yan. O sige, pati na rin ang Red Velvet. Ganun lang. Natalo ko na nga si Irene ng RV sa patagalan hindi magpost ng kahit ano sa IG. Oha.
Itong topic natin about socmed wouldn’t be complete kung ‘di natin pag-uusapan ang Facebook. Langya men, binubuksan ko lang Facebook ko para sa memes. Yun lang talaga. Tapos matatawa ka syempre, magsasabi ka “ang dami talagang time ng mga tao, ano?” Pero syempre, for news updates rin at kung anu-ano pa. FB’s advantage? Everyone’s there. Its ridiculous disadvantage? Everyone’s there. Hindi ko na siguro kailangan pang ipaliwanag masyado ‘yan. Most of the time, it’s a dumpster fire of an app. Pero it’s there to stay. Aminin natin maraming industries, businesses, at brands ang nakaasa sa Facebook. Tsaka dahil halos lahat nga gumagamit nito, madali rin magpakalat ng information… and misinformation. Tapos pala share ko na rin, minsan I stream games sa FB, pero ‘di naka public hahaha! Most of the time, kapag gusto ko lang mag trip at maitest at the same time upload speed ng Internet connection ko.
Ay, nakakatawa nga pala ‘yung account ko and kung paano nagwowork ‘yung feed nito. Sobrang wasak ng feed ko at loko-loko ang algorithm nito. There are times na makikita ko ang isang post for the first time after two to three days. Ang galing din, e. Tapos ‘yung ibang posts, never talaga lalabas sa feed ko, making me completely unaware of it. Sabog nga ih, ‘di ba? May pros and cons din ‘yan syempre on my part. Minsan din naman ‘yung mga content na palagi kong naila-Like, mas maraming katulad nun ‘yung lalabas sa feed. Grabe p’re, palagi nang may lumalabas na posts or photos ni Momo (TWICE) sa feed ko magsimula kong maglike ng photos niya last year and to be completely honest, I am not complaining. Siya ang gusto ko sa girl group na ‘yan at syempre si Nayeon. So there, you get the bigger picture na? Malamang, tsaka baka nararanasan mo rin ‘yan sa sarili mong Facebook account. *coughs* sarap i-deactivate *coughs* Pero grabe lang talaga kawasak ‘yung sa akin at nalalabuan na talaga ako. 
It is what it is. I am guilty of doomscrolling on social networking sites but I use FB less and less. Obvious ba? Mukha lang akong babad d’yan tohl pero not really. Baka nga ‘di ko pa alam na nagpost ka na pala days ago e lol. Pero aaminin ko rin na masarap mag maramihan na shitpost doon paminsan-minsan. Let’s see if nasa mood ako. Pero nah.
At ayun pa pala, sobrang trip ko ngayon ang site at app na Letterboxd. Bilang isang dakilang low-key creature, enjoy e. Fun fact, dapat 2018 pa ako gagawa ng account para doon. Kaso wala e, busy raw ako noon at focused sa ibang mga bagay, ‘yung tipong kulang 24 hours sa isang araw. Nakakagana na manood ng mga pelikula on a daily basis  o hangga’t kaya mo.
Ang haba na ata nito. Game, ganitong shitty galawan ulit sa susunod kong entry. Malay mo mamaya ulit. So there, binubuhay ko lang din pala itong Tumblr na ‘to.
1 note · View note
1accountancy25 · 6 years
Text
Kalikasan: Nasaan na ang Karikitan, Pinagkait na ba ang Kagandahan?
Tumblr media
Nagsimulang maganda ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang katubigan, maayos ang daloy ng panahon, may disiplina ang mamamayan, walang basura na nakakalat kung saan-saan at higit sa lahat, walang mga punong pinuputol. Ngunit pagmasdan natin ang paligid ngayon na punong-puno nang nagkalat ng mga basura na nanggaling din sa ating lugar. Bakit nga ba nagkaganito ang ating inang bayan? Anong ginawa natin upang ito ay maging isang lugar na pawang hindi na inalagaan?
Tumblr media
Napapabayaan na ang ating kapaligiran at ito ay nagiging dahilan na tuluyang pagkasira hindi lamang sa ating bansa bagkus ay sa buong daigdig din. Polusyon ang dapat pagtuunan ng pansin ng lipunan na ito sapagkat ito ay nagdudulot malaking epekto sa kalagayan na ating nararanasan. Mayroon tayong responsibilidad na alamin kung ano nga ba ng polusyon, ano ang sanhi at ano ang pwede maging epekto nito. At mula rito, magkakaroon tayo ng pang-unawa ukol dito at makagawa ng solusyon upang tuluyan nang mabawasan ang polusyon. Una sa lahat, ano nga ba ang polusyon? Nakasaad sa isang environmental campaign na ito ay isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa, tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga delikado at nakasisirang sangkap o maling pamamaraan. May tatlong uri ng polusyon. Maari itong maging sa lupa, tubig, at hangin. Ngunit ang pagtutuunan natin ng pansin ay ang polusyon sa lupa. Ito ay ang pagkalat ng mga solidong basura sa lupa. Karaniwang sanhi nito ay ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar. Bukod dito, ang isa pa sa nagiging sanhi ay ang isang lugar o “dumpsite” na itinatalaga ng lokal na pamahalaan bilang imbakan ng basura na isa ring malaking ebidensiya ng polusyon sa lupa dahil sa naghalo at patong-patong na basura na hindi maitatangging nakakalat din naman sa isang malawak na lugar. Ang kalagayan ng ating kapaligiran ngayon ay dapat nating bigyang pansin dahil puwede rin ito makaapekto sa atin sa mga susunod pang panahon. Marahil sa iba ay maliit na bagay lamang ito pero kung iisipin na ang bawat indibidwal ay magkukusang tumulong upang mapangalagaan ang ating mundo ay magkakaroon na rin ng malaking epekto ito. Maaaring ito ay nakakaapekto na sa atin ngayon ngunit paano pa kaya sa mga susunod na henerasyon? Kung hindi ito bibigyang askyon agad, ito ay magiging malala hangga’t hindi na ito kayang masolusyonan.
Tumblr media
Marahil ikaw ay nagtatanong. Ano ang kinalaman ng kapaligiran sa aming napiling disiplina? Ito ay tinatawag na Environmental and Natural Resources Accounting na tinatawag ding “Green Accounting” at “Resource Accounting”. Ito ay umiikot sa mga paksang pang-kalikasan at tradisyunal na pagsukat ng pang-ekonomiyang pang-kaunlaran na pinagsama sa iisang sistema. Sa mata ng isang eksperto sa Environmental Accounting, ang lupa, tubig at hangin daw ay nagsisilbing puhunan sa proseso ng produksyon at serbisyo. Dahil sa lumalaking problema sa kalikasan, nagbigay daan ito upang suriin ang ugnayan ng kalikasan at ekonomiya. Upang magkaroon ang mga awtoridad ng maayos at komprehinsibong pagtataya ng kalagayan ng ating ekonomiya, nararapat lamang na isama sa pagtataya ang kalikasan ng bansa lalo na ang tungkol sa pagkasira nito. Bilang halimbawa, ang “waste management” sa Pilipinas noon ay masasabing kaaya-aya kaysa ngayon. Mas may disiplina ang mga mamamayan noon kung kaya’t malinis ang kapaligiran nila. Ngunit dahil sa kawalan ng pakialam at pagiging mangmang sa karamihan ng mga Pilipino, ang inilalarawan na malinis na kapaligiran ay napalitan ng kasulasulasok na imahe ng ating bansa. Sa pamamagitan ng Environmental Accounting, nalalaman nating ang kalagayang pisikal ng ating kalikasan. Kaya kung susuriin gamit ang ideya ng Environmental Accounting, maikukubli na tayo ay malayo pa upang maging progresibo patungkol sa mga tradisyunal na pagsukat ng pang-ekonomiyang kaunlaran. Ang nagpapatunay nito ang walang pakundangan na basura mapa anyong lupa man o anyong tubig. Nagpapatunay din ang polusyon na makikita saan man mapunta sa Pilipinas.
Tumblr media
Bagamat ang karamihan sa ating mga Filipino ay may pagmamahal at pag-aalala sa ating kapaligiran, marami pa din ang mga hindi disiplinadong mamamayan. Ang unang solusyong aming nakikita bagamat simple ay hindi napagtutuunan ng pansin ng mga Pilipino ang pagtatapon sa tamang tapunan ng basura. Mapa bata man o matanda, makikita ang kawalan ng pakialam ng karamihan sa tamang pangangasiwa nito. Ang kulang ay ang disiplina. Disiplina na huwag ikalat kung saan saan ang ating mga basura at bagkus ilagay ito sa mga angkop na basurahan na nakapaligid sa atin. Dapat din marunong tayo maghiwalay ng mga klase ng basura sa “biodegradable” at “non-biodegradable” upang mas madali at maayos ang pagkuha nito ng mga lokal na awtoridad. Ang isa pa naming nakikitang solusyon ay ang pagreresiklo ng mga pwede pang magamit na basura. Madami ng mga programa ang mga lokal na pamahalaan patungkol sa pagreresiklo ng mga basura na maaari pang magamit at pakinabangan. Ito ay makakatulong ng higit upang mabawasan ang mga kalat sa ating kapaligiran. Hindi lamang ito nakatulong sa kapaligiran, ito din ay may halaga sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay. Isa pang nakikita naming paraan ay ang pagbawas o hindi paggamit ng mga plastik sa anumang gawain. Makikita naman na ang pangunahing basura sa ating kapaligiran ay ang mga plastik. Ito ay matagal bago mawala at isa ito sa mga dahilan kung bakit nagbabara ang ating mga kanal na nagsasanhi ng mga pagbaha. Ang simpleng paggamit lang ng eco bags sa pagbili sa palengke ay malaking tulong na upang mabawasan ang mga plastik sa ating lansangan. Ito ay ilan lamang sa mga solusyon bagamat simple ay higit na makatutulong sa ating kalikasan. Sa pamamagitan ng pagiging disiplinado sa ating mga sarili ay maipakikita natin ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran.
Tumblr media
Mga Sanggunian:
Avensblog. December 22, 2015. Land Pollution: An Introduction to Effects and Solution. Avens Publishing Group. Retrieved from http://www.avensonline.org/blog/land-pollution-an-introduction-to-causes-effects-and-solution.html
Anton Pascual. Nobyembre 25, 2016. Polusyon sa Hangin, Tubig at Lupa. Veritas The Word, The Truth. Retrieved from https://www.veritas846.ph/polusyon-sa-hangin-tubig-lupa/
Penelope. Mayo 26, 2018. Ano ang Polusyon sa Lupa? WordPress. Retrieved from http://buster.zabdielvaldez.com/2018/05/16/ano-ang-polusyon-sa-lupa/
Nicx's Blog. Pebrero 4, 2018. Polusyon. WordPress. Retrieved from https://nicx726199603.wordpress.com/tag/solusyon-sa-polusyon/
Philippine Statistics Authority. Philippine Economic-Environmental and Natural Resources Accounting (PEENRA). PSA CVEA Bldg., East Avenue Diliman, Quezon City, Philippines. Retrieved from http://nap.psa.gov.ph/peenra/default.asp
The ADVOCACY GROUP Philippine Economic-Environmental and natural Resources Accounting (PEENRA)PAMBANSANG LUPON SA UGNAYANG PANG-ESTADIST. Ang Ekonomiya Ang Kalikasan at Ang Likas Kayang Kaunlaran. 403 2/F Midland Buendia Bldg.Sen Gil. Puyat Ave, Makati City 1200. Retrieved from https://psa.gov.ph/sites/default/files/PamphletFilipinoVersion.PDF
Environmental Management Accounting Education in the Philippines- Accountancy Profession as a Medium for Change; The Asia Pacific Interdisciplinary Research in Accounting (APIRA) 2001 Emerging Scholars Colloquim: Positive Signs for Environmental Accounting Research. Chartered Accountants Journal. Retrieved from http://www.unisa.edu.au/Global/business/centres/cags/docs/apcea/APCEA_2001_7(3)_Reyes.pdf
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
Text
jfr: chapter 3
Huminto ang sasakyan ni Andre sa tapat ng gate namin. Nagkatinginan kami sandali ng lumingon siya sakin. Kakajoke niya lang at tawang-tawa ako. I never knew he has this side in him.
Dalawang lingo na nang simula niya akong ihatid pauwi sa amin. May mga araw na sasabay si Lance sa amin at parang gustong gusto pa talaga ng kapatid ko ang free ride niya. Sa amin na rin nagdidinner si Andre kasi inaya na siya nina mama nung nalaman nitong hinahatid niya ako pauwi. Nagiging mas close na sila ni papa at paminsan minsan naman ay nagpapadala si mama ng cupcakes sa kanya pag uwi. Mabuti na lang at hindi ako tinatanong ng mga magulang ko kung nanliligaw bas i Andre dahil wala naman talaga akong maisasagot. Ang alam ko lang e gusto niya lang akong maka uwi ng safe, gaya ng sinabi niya nang una niya akong inaya.
“Dito kana kumain. Gusto ni mama ipatikim sayo yung bagong cupcake niya na bukas niya unang i-didisplay sa shop.” Umiling siya.
“I’m sorry Roan, pakisabi kay Tita may family dinner kami ngayon dahil darating yung pamilya ng kapatid ni mommy galing sa Manila.”
“Okay lang.” Yumuko ako. Why am I even sad? Hindi naman siya entitled na kumain talaga samin kada gabi kasi may sarili siyang pamilya at bahay.
“Cheer up.” Itinaas niya ang mukha ko at inilagay ang dalawng kamay sa pisngi ko. “Babawi ako bukas. Pupunta ako sa shop at bibili ako ng bagong cupcake ni Tita.” He smiled. Ang mga ngiting anghel niyang nakakatunaw.
“Roan,” he paused for a while at parang nagdadalawang isip siya sa sasabihin kaya’y itinuon ko ang atensyon ko sa kanya. “Can we have dinner tomorrow, just the two of us?”
My heart was beating so loud na naririnig ko. Napapaisip na talaga ako kung naririnig din ba niya ito? He was waiting for my answer. I smile at tumango. Feel ko hindi ako makakapagsalit ng maayos dahil sa kilig kaya’y tumango nalang ako.
“That’s great! So itetext nalang kita bukas?” He offered me his phone para narin ilagay ko ang numero ko at yun nga ang ginawa ko. Bumaba na ako sa sasakyan at kumaway na sa kanya.
Saktong pagpasok ko ng gate ay may narecieve akong text galing sa numerong hindi naka phone book sa cellphone ko.
“I can’t wait for tomorrow. –Andre”
Napahawak ako sa cellphone ko at itinapat ito sa dibdib ko. Bakit ang swerte ko lately? Bakit parang pinapaboran ako ng nasa itaas ngayon? Kung ano mang rason pa yan, salamat po!
“Ano? Hindi ka man lang uuwi sa bahay niyo para makapag handa? Di ka man lang magbibihis ng mejo revealing?!” I glared at Pauline ang ingay at nagawang pang itaas ang boses.
“Pau, hinaan mo nga boses mo. May ibang tao rito loka ka.”
Napagkasunduan namin ni Andre na sabay nalang kaming pumunta sa dinner namin galing school. May one game pa din daw silang laro pagkatapos ng klase aniya e. Ako naman, napagpasyahan kong samahan muna si Pauline sa club activity nito sa Art club kung saan nag de-decorate sila ng bulletin board para sa buwan na ito.
Naglalakad na kami ni Pauline papuntang room namin at habang dumaraan ang oras sa araw na ito’y ipinagdarasal ko na maging 6 pm na ngayon agad-agad. Kinakabahan ako syempre pero at the same time kinikilig.
“Hey gusto mong pumunta sa bahay naming this weekend? Nasa business trip ang parents ko ngayon.” Napalingon kami ni Pau sa malanding boses ng babaeng nagsabi nun.
There I saw Xander and a girl na siguro’y ka batch niya na sobrang lapit ng mukha at parang di talaga kailangan ang salitang ‘space’ between them. What the hell is my younger brother’s so called best friend doing here?! Pwede bang magbulungan sila kung ganyan din naman paguusapan nila? Baka ano na ang tinuturo ng lalaking ito sa kapatid ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ngunit inalis din naman niya agad agad ang mga mata sakin. “Well I like that Ashley.” Anito in a flirting manner. Gosh I hate that guy!
Dumiretso na kami sa paglalakad ni Pauline.
“Good morning class.I have both good and bad news para sa inyo.” Pamula ni Ms. Reyes, ang homeroom teacher naming, pagpasok niya. “Ano gusto niyong unahin?” Lumingon lingon ito sa buong klase and majority ay gustong mauna ang bad news.
“Okay so here’s the bad news. You will have to write an essay. Dapat ay 3 short bond paper ang mapuno niyo sa reflection paper ninyo ng article na ito.” Isinulat niya sa board ang “Love by M. Scott Peck”
Nagtaas naman ng kamay ang class president namin na si Gino. “Yes Gino?” aniya ni Ms. Reyes
“Para saan po ito? Wala naman ata itong connection sa subject natin Miss.” Napakamot naman sa ulo niya si Gino.
“Well, I just want you to have something na pagkakaabalahan this weekend dahil ang goodnews ay half day lang tayo ngayon. Dumating ang Chairman ng school at magkakaroon ng emergency meeting ang lahat ng faculty kasama siya.”
Naghiyawan ang buong klase at napa-yes ang mga kaklase ko. Napalingon naman ako kay Pauline na nakangiting maloko ngayon sakin.
“Uuwi tayo sa bahay mo at aayusan kita.” Aniti sabay taas pa ng dalawang kilay nito sakin. Napansin ko namang nag vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko kaya ay tiningnan koi to.
“Half day lang daw ngayon. Gusto mo ihatid na kita sa inyo tapos sundunin nalang kita around 6?:)”
“Oh my gosh! He’s using smileys on you!” Napatakip naman ako sa bibg ng maingay kong kaibigan at baka marinig ito ng mga kaklase namin.
Nagreply na ako kay Andre na wag na dahil gusting sumama muna ni Pauline sa akin sa bahay.
“Daan muna tayo kay mama. Kunin natin susi sa shop.” Tumango na si Pauline at napansin kong handa na pala siya. Ang excited siya ba may lakad ngayon?
“Roan, ba’t ka andito?” Nagaalalang mukha ni mama ang bumati samin sa pagpunta ko sa Pastry shop niya.
“Walang klase tita. Uuwi sana kami sa inyo para makapaghanda si Roan sa date niya mamaya.” Agad ko namang siniko ang madaldal na kaibigan ko. She groaned in pain silently.
“Oh my gosh! Really honey? Is that with Xander?” Napataas ang isang kilay ko sa sinabi ni mama
“Ma, hindi si Xander. Si Andre.” Nahiya pa akong sabihin sa mama ko na may lakad ako mamaya. I’m not used to this. Telling them I’m going out with a boy.
“Oh! That nice guy who joins us for dinner?” Ngumiti naman si mama at tumango ako. Pumunta siya sa office niya at pagbalik ay maydala ng susi.
“Ito yung susi ng bahay.” She’s showing us a silver key na mejo may kalakihan at agad na binaba yun. Kinuha naman niya ang isa pang susi, “and this one is for my walk in. May mga make up ako dun use it.” She winked at me and natulala ako. My mom is not usually like this.
“Tita, I’ll take good care of her.” Ani Pauline at kinuha ang susi sa kamay ni mama.
Pagdating ng bahay ay agad kaming pumili ng damit galing sa closet ko. May ibang nilatag si Pauline sa kama at sinuri ito ng mabuti.
“There aren’t any date clothes here, Roan! Ugh!” She has her eyebrow up at nakapamaywang pa ito.
“Hey, these dresses were bought para suotin ko sa simabahan hindi para makipagdate. Ako na lang nga pipili.” Akmang ibabalik ko na sana ang mga damit sa closet ko ng pinigilan niya ako.
“No. You stay there, ako ang maghahanap ng damit.” Anito at bumalik sa closet ko.
“Oh my gosh! This is it!”
Lumaki ang mata ko ng nakita niya ito. It’s a simple flowy sleeveless dress that mom bought for me at isang beses ko lang ito naisuot. I swear I hated that day so much that I had to keep the dress deep in my closet.
“I am not going to wear that cursed dress!”
“Yes you are. Look at it, it’s amazing! You’ll look like kind of a woman in this dress.” Ngumiti naman ng malapad si Pauline.
“The last time I wore that dress natagosan ako. You really believe I’d wear that?” Tumawa ng malakas si Pau as a response.
“Then, this time even if hindi mo time of the month magsusot ka ng pads.” Then she continued laughing.
“Just wear this okay? Let’s try. Maganda naman yung damit. I swear it isn’t cursed hindi mo lang talaga inexpect na magkakaroon ka noong araw an yun.” Pauline smiled. Sumuko na ako at tumangong yun ang susuotin ko.
Naglaro muna kami sa kwarto ni Lance ng PS4 and then I started to get ready by 4:00 pm. Naligo ako at nagblowdry sa loob ng cr ng paglabas ko sa kwarto ko at hinanda na pala niya ang mga gamit sa kwarto ko. I swear I don’t really understand kung bakit sobra 2 hours pa bago darating si Andre pero pinilit na ako ni Pau maligo at maghanda.
“Hey, I got these make up from your mom’s room. Paki sabi kay tita they are amazing brands!” I just rolled my eyes on her. “You sit there at aayusan kita.” Sabay turo niya sa harap ng salamin ko. Hindi ako yung tipong mahilig mag ayos. I find it hard waking up in the morning to do my usual routine of ligo-kain-bihis-punta school at sa tingin ko’y hindi ko na masisingit sa ritual ko ang pagaayos araw-araw kasi mas pipiliin kopa ang matulog. Don’t get me wrong I’m not like those hypocrites who think their better because they don’t put make up on. I actually look up on girls who wear makeup. Iniisip ko lagi ay kung anong oras kaya sila gumigising ng maago lalo na’t 7:30 am ang klase naming araw-araw. I hate compromising my sleep and that’s why I think they are making a huge sacrifice.
Kasalukyang inaayos ni Pauline ang buhok ko. Natural na wavy ito kaya ay mejo maypagkabuhaghag ito pag hindi na susuklayan aniyay aayusin daw dapat upang magmuhkang presentable at hindi aswang. I looked at myself in the mirror at parang nanibago ako, this is not the usual me dahil hindi naman ako marunon magayos pero mukha yata akong tao ngayon?
“There!” Saktong pagkatapos ni Pauline sa pagaayos sa akin ay narinig ko ang tunog ng sasakyan naming. Akmang baba pa sana ako para pagbuksan ng gate sina mama pero pinigilan ako ni Pau. Magbihis daw muna ako at siya na ang lalabas para pagbukasan sina mama. Paaakyatin nalang daw niya sila rito mamaya.
Tumunog naman ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag galing kay Andre. Lumabas ako papuntang balcony ng kwarto ko at tumingin sa buwang nagbibigay ng liwanag sa gabi.
“Are you ready?” Pangbungad ni Andre ng masagot ko ang tawag nito.
“Yeah, kakatapos ko lang.” tipid kong asagot dahil hindi ko alam ano pa ang dapat kong sabihin. I am completely lost for words. Pakiramdam ko parang panaginip lamang ang lahat ng ito para saakin. Napasandal ako sa railings.
“That’s good. I’m on my way there. Umuwi lang ako sa bahay pagkatapos ng practice para hindi naman ako amoy pawis pagkasama kita.” Tumawa ito ng konti matapos ang sinabi at parang natutunaw ako habang iniimagine ang ngiti nito. “I’ll be there in 10 minutes, nanjan na ba parents mo? Gusto ko sanang formal na magpaalam sa kanila bago tayo tuluyang umalis.” He continued which made me blush. He’s such a gentleman.
I told him my parents just arrived at binaba na naming ang tawag nag green light na daw kasi at napatawag lang siya habang stop pa to inform me na papunta na siya. Binaba ko ang telepono at hindi ako mapakali, that was my first ever phonecall with him.
“May date ka?” Napatalon naman ako sa gulat ng narinig ang boses ni Xander magkapitbahay kami at magkalapit  lang ang balcony ng mga kwarto namin. Gustong gusting nga actually ni Lance na magpalit kami ng kwarto dahil mas madala niyang makakausap ang bestfriend niya. My mom did not agree baka kasi in the middle of the night tumalon si Lance para lang makapunta kanila Xander para tumamabay. It’s not impossible thinking that Lance is somewhat the risk taker type.
“Chismos ka din ano?” Pagtataray ko. Wala naman dapat siyang pakialam ah. All these years all he ever did was make fun of me. Inaaway ako at pinagtatawanan, we were never really that close pero lagi niyang sinasabi sa mga kalaro naming dati na siya lang ang may right na umaway at magpaiyak saakin. Sigurado akong mangiinis lang ito this time.
“You know you don’t really have to fix yourself that much, specially alam kong hindi ka sanay sa ganyan.” Napalingon siya saakin. He was actually reading a book this whole time na ngayon ay isinara na niya. “I think girls look best when they dress as who they really are. You were actually the last person I have ever imagined dolling up.” Ngumiti ito saakin, it was an innocent smile and slowly looked my way. Yung ngiting alam mong seryoso talaga siya sa sinasabi niya. I never knew he could smile like that.
Napalingon naman ako sa baba ng napansin kong dumating ang sasakyan ni Andre. “Nakukuha niya talaga ang atensyon mo ano? Remember what I said last year? I still think it will happen. More like I’ll-“v hindi ko na narinig ang susunod na sinabi ni Xander ng pumasok ito sa loob ng bahay nila at sinara and pinto ng balcony niya. Tinawag naman ako ni Andre galing sa baba ng gate namin dahil nakita niya yata ako sa balcony. Narinig ko na man ding tinatawag na ako ni mama kay ay bumaba na rin ako. So much for Xander bahala siya sa buhay niya.
“Dear you look lovely! Magaling pala magayos itong si Pauline!” Mama praised me at tumango naman is papa. Napangiti nalang ako dito sa dalawa at nakitang binuksan ni Lance ng pinto si Andre.
Nagmano si Andre sa parents ko katulad ng lagi niyang ginagawa at nagpaalam na aalis at kakain lang daw kaming dalawa sa labas. My parents approved of it at pinaalala ni papa na dapat ay before 10 pm nakauwi na ako rito saamin. He nodded at inaya na akong umalis. Nagpaalam na ako kina mama, papa, Pau at Lance at lumabas na kami ng bahay ni Andre.
This was just a dream for me, and now I think I’m living my dream.
0 notes
lvnsntsnodustollens · 7 years
Text
Tara, Bundok!
Tama nga sila na ang nakakapagpapukaw ng damdamin ay ang mismong paglalakbay, dahil mas marami kang matutuklasan na iba’t ibang bagay tungkol sa sarili mo, sa kaligiran mo, o sa kung ano man ang mga bagay na naglalaro sa isip mo habang naglalakad ka. Bonus na lamang ang magandang tanawin na makikita at daratnan mo sa tuktok ng bundok na aakyatin.
Alas dose ng hatinggabi ang kitaan ng grupo namin sa Jollibee Cubao, Araneta. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung makakasama ako dahil wala akong pera noong araw na iyon. Sapagkat walang pasok at wala akong nailaan na badyet para paghandaan ang bakasyon.  Mabuti na lamang ay bukod sa nakautang ako sa kaibigan kong nag-aya sa pag-akyat ng bundok, binigyan pa ako ng mga kapatid ko ng pera. Nakabuo ako ng 500 pesos na damage (terminolohiyang ginagamit ng mga mountaineers kung magkano ang maaaring magastos sa pag-akyat) ng ‘budget climb’ namin, bukod pa ito sa ekstrang pera na natira sa wallet ko para sa ekstrang bilihin sa lugar.
Sampung minuto bago mag-alas onse, laking gulat ko nang sunduin ako sa bahay ng tatlong kamag-aral ko noong hayskul na kasama rin sa pag-akyat. Nagulat ako hindi dahil hindi ko alam na kasama sila kundi hindi ko alam na susunduin nila ako. At dahil nga alas diyes na noon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon kung sasama, hindi pa nakagayak ang mga dadalhin at isusuot ko. Kaya nang dumating ang mga kaibigan ko, hinugot ko na sa damitan ang itim na polong t-shirt na dry fit na madalas kong ginagamit talaga sa pag-akyat ng bundok, ang itim na leggings at short na binili pa ng nanay ko sa ukay-ukay, medyas (na may mga daliri) na kabibili ko pa lang noong tanghali sa Japan Home, at ang bandanas/headband. Sabay suot ng hiking sandals. Ganito talaga sa ang pag-akyat ng bundok, kundi kailangan balot ka para hindi mangitim, kailangan mo lang magsuot ng mga damit kung saan kumportable ka. Maaari ka ring magdala nang kung ano-anong gamit pamproteksyon sa araw, kanya-kanya nang diskarte. Karaniwwan naman kapag major climb, dapat expedition pack at balot na balot ang suot mo dahil may mga kailangang iwasan tulad na lamang ng mga limatik o leech – mga uod na tinatawag na Hematophagous o blood suckers. Kaya dapat ay manamit ka sa naaayon at hindi para magpa-impress.
Minor Climb lang naman ang aakyatin namin kaya lightpack lang ang dapat dalhin; tulad ng dalawang underwear, ekstrang T-shirt at shorts, pocket knife, sunglasses, payong, notebook at ballpen, scarf, toiletry kit (kasama rito ang toothpaste, toothbrush, alcohol, pabango, pulbos, salamin, at iba pang personal na medikasyon), cellphone at siyempre mawawala ba ang kamera, pang-selfie o pang-dokumento patunay na nakaakyat ka at para na rin maipakita o maipamahagi sa marami ang magandang tanawin na naranasan mong makita. Hindi mo na kailangan magdala ng gamit na hindi mo naman kakailanganin, ikaw, mga friends mo, tubig, ekstrang damit, sapat na. Maganda rin sana kung mayroon kang maliit na bag para doon mo maaaring ilagay ang mga importanteng bagay tulad ng wallet, cellphone, at kamera, para hindi nakakapagod magkuha nang magkuha mula sa likod ng bag, dagdag pa na  napakarami nitong laman, hassle talaga.
Nagmadali kaagad ako sapagkat nahiya naman akong paghintayin nang pagkatagal-tagal sa labas ng gate namin ang mga kaibigan ko. Huwag niyo akong gayahin dahil binasag ko agad ang una sa “7 Principles of Leave No Trace” (upang maunawaan nang mas maigi ang The Leave No Trace for Outdoor Ethics maaari niyong bisitahin ang link na ito: https://lnt.org/learn/7-principles), ang ‘Plan Ahead and Prepare’. Habang bitbit ang aking bag, ramdam ko sa likod kung gaano hindi ka-organisa ang mga gamit ko sa loob. Habang nagkukuwentuhan ay iniisip ko kung may nakalimutan ba ako dahil sa pagmamadali.
Habang nasa bus na kami patungo sa kitaan, napasigaw ako sa mga kaibigan ko, “Hala tama! Wala akong dalang tubig.” Kung ano pa ang pinaka-importanteng dalhin iyon pa ang nakalimutan ko. Kasalanan ito nang paghahanap ko ng 1.5 na litrong bote ng Coca-Cola. Mas marami kasi ang malalagay na tubig dito at ganito rin talaga ang karaniwang ginagawa ng mga hikers. Kaya bumili na lamang ako sa 7/11 ng tubig at pagkain sa Jollibee para pananghalian ko mamaya.
Sa Jollibee, nagkita-kita na kaming grupo na aakyat. Anim lang ang kilala ko rito, iyong tatlo ay sumabit lang, nakita sa Facebook ang budget climb. Ganito ang karaniwang ginagawa nang marami, humahanap o nagse-search sa Facebook ng bundok na nais nilang akyatin, kaya marami ka talagang makikilala.  Sampu kaming lahat na dapat talaga ay kinse, kaso nabawasan ng lima dahil nag-backout kalahating araw bago ang akyat. Medyo nainis at nagalit si Bryle, ang kaibigan ko na siyang organizer ng event, dahil inaakala niyang sigurado at okey na ang lahat ng sasama, iyon pala hindi. Mahirap kasi maghanap ng pamalit para sa mga nag-backout na nagsabi ng “G!” tapos biglang sasabihin na hindi sila pwede, e labing dalawang oras na lang noon bago ang pag-akyat. Isa rin ito sa mga dapat tandaan mo na katangian ng isang hiker, dapat magkaroon ka ng isang salita. Bawal na mag-backout tatlo o dalawang araw bago ang aktuwal na event ng pag-akyat, sapagkat nauunsiyami ang badyet. Dapat alalahanin din na ito ay isang “budget climb” lamang.
Nang makumpleto na kaming lahat dumiretso na kami sa nirentahan na van ng organizer. Dalawa sa harap, dalawang tao sa unang hilera, tatlo sa pangalawa at tatlo sa likod. Maluwag ang sasakyan kaya nang tuluyang umalis na ito, kanya-kanya na kaming pwesto para matulog dahil halos hindi kumulang isa’t kalahating oras ang biyahe namin para makarating sa Tanay, Rizal.
Madilim pa nang makarating kami sa destinasyon. Tumungo na kaagad kami sa barangay kung saan kinakailangan naming mag-register. Pagkatapos, kumain muna kami sa karinderya na tatlong bahay lang ang layo mula sa barangay. Lugaw na may itlog (maganda ring magbaon ng itlog pampalakas). Pagkatapos kumain ay nagdasal at sinimulan na namin ang paglalakad. At dahil si Bryle ang oraganizer, siya ang magmimistulang sweeper (sila iyong karaniwang nahuhuli para siguraduhing walang maiiwan na tao at walang maiiwan na kalat) sa pag-akyat, at siya na rin ang TL (team leader) tutal isang grupo lang naman kami. Madilim at literal na wala ka pang makikita sa daan na kung saan sa maynila mistulang nag-blackout sa barangay niyo, kaya kinakailangan talaga ng flashlight (mabuti na lamang may flashlight ang cellphone na dala ko).
Lakad. Kuwentuhan. Tawanan.
Lakad. Kuwentuhan. Tawanan.
Sa una, ganito lagi ang senaryo; lakad, kuwentuhan, tawanan, na parang naglalakad lang kayo ng mga tropa mo sa mol o sa park.
Hanggang sa paglipas ng ilang minuto, bumungad na kaagad sa amin ang maliit na sapa. Hakbang sa maliit na bato. Sa malaki. Sa maliit ulit. Sa malaki. Sa maliit. Habang hawak-hawak ang flashlight na nagmimistulang gabay para maiwasang malubog sa tubig. Tinanggal ko muna ang medyas ko para hindi mabasa kung sakaling malubog sa tubig o malubog sa lupang basa dahil katatapos lang ata ng ambon doon. Natukoy lang namin dahil kumikislap ang dulo ng mga dahon sa tuwing natatamaan ng ilaw.
Kumukutikutitap. “Wow, shems ang ganda!” para akong bata na ngayon lang nakakita ng alitaptap. Nakakakita na ako nito pero hindi sa sobrang dilim na lugar tulad ng bundok kung saan buhay na buhay ang liwanag nila. Nag-take 3 (take ‘x’ ang tawag kung ilang minuto kayong magpapahinga) muna kami dahil pagod na ang iba sa akiki na trail (akiki ang tawag kapag matarik at pataas ang trail). Matagal bago makaakyat ang isa sa mga kasama namin kasama ang sweeper/TL dahil pahinto-hinto siya. Pagod na pagod naman ang isa sa miyembro ng kabilang grupo dahil sa totoo lang malaking babae siya, mataba sa madaling sabi. Karaniwan ang ginagawa naming mga hikers sa tuwing makakakasalubong kami ng mga taong pasuko, pagod na pagod, at umaayaw na, pinapabaunan namin ng mga salitang magpapalakas ng loob nila sa pag-akyat at magbibigay ng pag-asa. At siyempre wala na rin naman silang magagawa dahil bukod sa nasimulan mo na, malapit na rin siya sa unang jump off (tawag sa lugar kung saan pwede kami manatili muna nang matagal para damhin lang ang hangin at tanawin, at mag-take nothing but pitcures) namin.
Marahil sa tingin ng iba maliit na bagay lang ang mga salita sa pagpapalakas ng loob, ngunit hindi nila alam na malaking tulong naman ito para sa isang taong pagod at nawawalan na ng pag-asa sa pagtuloy. Sadyang marami kang makakasalamuhang mabubuting tao sa katunayan isa pa nga sa paborito kong natutunan ay ang pagbati sa mga taong makakasalubong mo sa trail, hindi mo man kilala o hindi. Sabayan pa ng mga matatamis nilang ngiti na akala mo ay hindi pagod sa pag-akyat. Para kasi sa akin, nakadadagdag ito ng pampalakas ng loob na magpatuloy at nakakapagpabawas ng sakit ng katawan at pagod. Ang mga kaibigan mo mismo ang nagpapahalaga sa pag-akyat mo, sabi nga nila hindi lahat ng bagay kaya mong gawin sa sarili mo kailangan din nating tanggaping kung minsan na kailangan natin ang ibang tao. Ang pagtulong sa iyo ng ibang tao ay hindi nangangahulugang mahina ka, kailangan mo lang tanggapin na may limitasyon ka rin bilang tao, at hindi ka isang superhero.
Take nothing but pictures, isa rin sa katangian ng mga hikers; una, wala kang kukunin na kung anong bagay sa bundok kahit bato para sa remembrance o souvenir mo, kapag ginawa mo ito isa kang iresponsable; pangalawa, iiwan mo ang lahat ng wirdo o kakaibang bagay na makikita mo sa bundok, iwan mo na rin ang feelings na nakakapagpabigat sa iyo at iwan na rin ang mga nararamdaman mo sa kanya o iyong mga sakit na binigay ng taong mahal mo. Ito kung minsan ang rason ng mga hikers o ibang tao kung bakit sila umaakyat ng bundok, para makalimot sa mga bagay na nakakapagpabigat sa kanilang puso o damdamin. Talagang puro hugot kami habang naglalakad, isang magandang dahilan din para makapag-usap kayo ng mga hindi mo kakilala kasi sakayan lang kayo sa kakulitan ng isa’t isa. Kung gusto mo ipakita sa iba pwede mo namang kuhanan na lang ng larawan ang mga bagay na nakita mo; pangatlo, bawal ka rin mag-ukit sa puno o mangielam basta-basta; at gayundin ang pinakaimportante, siyempre bawal kang mag-iwan ng basura o kung ano mang kalat, kung makakita ka man pulutin mo at ilagay sa ziplock o garbage bag na dala mo (dapat lagi kang may dala nang lalagyanan ng basura, h’wag akong tularan na hindi rin nakapagdala kaya nilalagay ko na lang sa kaibigan ko). Ang pag-akyat sa bundok ay usapin lang ng disiplina at respeto, disiplina sa sarili at sa pakikitungo sa ibang taon at respeto sa kalikasan, mga lokal nito, at gayundin sa ibang tao.
Sa pag-akyat hindi mo kailangan magmadali, hindi ito usapin kung sino ang nauna o nahuli. Pagkatapos nang lahat, kung minsan mas mapagtatanto mo pa nga na mas importante at masaya pala talaga ang karanasan mo habang umaakyat, dahil dito mismo ipaiintindi at ipagtatanto ang mga bagay na kailangan mong tandaan, sa pagsabak sa buhay. Iba’t ibang realisasyon ang ipaiintindi sa iyo habang nasa kondisyon kang pagod na pagod, pawis na pawis, at pakiramdam na nais mo nang sumuko. At masilayan at marating ang tuktok ng tagumpay (bundok) ay isang bonus lang, sabi nga nila ito lang ay ang magmimistulang icing sa ibabaw ng keyk.
Dumating kami sa jump off, na isa sa pinakamagandang lugar para makita ang mgandang tanawin. Halos mapapamura sa ganda ng ‘sea of clouds’, sabayan pa ito nang paguhit ng kono ng bundok habang papataas ang araw. Napakagandang tanawin, wala akong masabi. Sa unti-unting pagtaas at pagpapakita ng araw, unti-unti rin nitong ginagamot ang pagod ko hindi lang sa pag-akyat kundi pagod ko sa mga nakaraang araw at nakaraang semestre, unti-unti nitong pinapadama ang bagong simula ng araw, ng mga susunod na buwan, na taon. Napakasaya lang pagmasdan ng dagat ng ulap na nagtutukso sa akin na tumalon, baka sakaling saluhin at yakapin ako ng mga ulap.
Pagkatapos ay kumuha na kami ng larawan na malamang, ang natatanging patunay ng ganda at ng pinagpaguran mo. Ito ang magmimistulang premyo sa paglalakbay at magiging pintuan sa paglalarawan ng memorya. At kapag tapos ka na at nakuha mo na ang magandang anggulo sa mga larawan, umalis ka na sa pwesto kung saan maganda ang tanawin. Ipaubaya naman sa iba para sila naman ang magkaroon ng pagkakataon na masilayan ang ganda, dahil tulad mo o ko, pinagpaguran din nila ang pag-akyat kaya kailangan din nila ng premyo – give chance to others.
Ipinagpatuloy na namin ang lakad para makarating nangg maaga sa peak at makaligo pa kami sa falls. Habang naglalakad patuloy pa rin ang pagbati sa mga nakakasalubong, sa mga nakikitang nag-base camp at iyong iba naman nagbe-break camp na (break camp ‘yung mga nagtatanggal na ng mga tent, sila iyong nag-overnight sa bundok).
Sa tuktok, makikita ang unti-unting pagkawala ng mga ulap. Makikita na ang magandang taanwin at iba-ibang bundok sa Tanay, Rizal. Ang sarap sa pakiramdam marating ang tuktok, may mahika na kung saan magpapalimot sa iyo na pagod ka. Hindi kami masyado nagtagal dahil may mga iilang grupo na rin na naroon, kaya dumiresto na kami sa falls.
Alas onse ng tanghali nang makarating kami sa falls, nakakapagod dahil assault ang trail. Pagdating sa falls, wala muna kaming usap-usap, diretso ligo at pagdating ng alas dose ay kumain na kami ng tanghalian. Tawanan, kuwentuhan, hugutan. Kung kanina hindi namin kakilala ang iba pa naming kasama, ngayon lubos na kaming magkakakilala. Na sigurado ako, dagdag na naman sa Facebook friends ko. At natulog ako saglit para maghanda sa pagbaba ng bundok. Pagkatapos nito, ibang senaryo na naman sa pagbaba. Hakbang, lakad, talon, tawanan, tuksuhan, hugutan. Pero sa pagbaba mas kumportable na kami sa isa’t iba, at pagod ngunit masaya.
Pagdating sa van, matapos makapag-washup nang lahat, nagpaalam na kami sa Mt. Batolusong. At sabay pumasok at umikot na naman sa utak ko ang karaniwang tanong sa mga namumundok.
Ano ba ang nakukuha mo sa pagbubundok?
1 note · View note
honoredsage · 5 years
Text
Enchanted Kingdom Review
Highlight ng Christmas “break” ko ang pagpunta sa Enchanted Kingdom nung December 22 kasama ang mga high school friends ko na si Edward, Daj, Elijah, at Ian. Dapat talaga buong klase namin to pero lima lang kaming natuloy. Bukod sa medyo nawala pa kami ni Daj papunta sa EK, masaya naman ang buong experience. Medyo masakit lang din sa lalamunan pagkatapos kasi sigaw ka nang sigaw sa rides.
Kaya rereviewhin ko lahat ng pinuntahan namin.
Flying Fiesta Overall rating: 3.5/5 Eto ang una naming sinakyan. OK naman tong pampahype. Saktong thrill din lang. Tanda ko nung bata ako, dito kami nagpatuyo ng mga pinsan ko nung nabasa kami sa Rio Grande. Eto ang best para sa akin na pampa-start up. Pwede ka lang mahilo though kung mahina tolerance mo sa paikot-ikot kasi matagal-tagal din kayong iikot in one direction.
Rialto Overall rating: 3/5 Ang Rialto ay isang 4D (afaik) na cinema. Kukunan kayo ng picture bago kayo pumasok, kaya maghanda na agad kayo ng pose na gusto nyo. May pinanuod kaming mini-movie na pumupunta sa iba’t ibang dimension yung mga hayop. Walang plot yung papanuorin nyo at yung sensation lang na parang bumabanga yung mga hayop sa screen ang ipupunta mo dun. May sprinkler din sila sa harap mo at may kung anong effect sa may paanan mo so maging handa na mabasa at magulat.
Ferris Wheel Overall rating: 4/5 Na-enjoy ko yung Ferris Wheel kasi saktong bilis sya, di masyadong mabilis at di masyadong mabagal. Marami-rami din yung pwedeng i-accomodate sa isang seat. Bonus din na pwede mo ikutin yung parang stall nyo. Perfect 5 sana to kung mas mataas lang ng konti pa yung ferris wheel nila or mas maganda yung view.
Anchors Away Overall rating: 5/5 Isa sa paborito kong rides kasi talagang nakikiliti yung tyan ko kapag andito. Syempre preferred spot ang dulo para sa maximum effect. Solid na sa kilig feels sa tyan, matagal-tagal pa yung ride. Di rin masyado restricted movements mo rito kaya pwede ka actually tumayo at ilagay yung mga kamay mo sa ere. Solid ride.
Space Shuttle Overall rating: 4.5/5 Hindi ko nasakyan to nung huling punta ko nung bata ako kaya ni-look forward ko to na sakyan. Solid naman sya at kahit na may nasakyan na akong mas malaking mga roller coaster dati, di naman disappointing yung ride. Perfect 5 sana kung mas mahaba pa yung time, or 2 sets yung ride. Isang set lang kasi yung Space Shuttle, isang forward at isang pabalik.
Agila Overall rating: 3/5 Sa EK na namin na-search kung ano ba tong Agila na to. Flight motion simulation attraction sya. Pinakamababa score nya sa lahat ng andito kasi sya para sa akin ang pinaka-fail sa expectations. Medyo mataas expectation ko kasi hiwalay pa sya ng building. May parang weird pa na “adventure” kayo kasi papahanapin kayo ng 3 elements daw. Tapos pagkatapos nyo panuorin yun sa isang room, lalabas kayo at sa loob ng 5 minuto, parang tatambay lang kayo at di nyo alam kung anong nangyair. Kukunan kayo ng group photo pagkatapos. Ang main event pala rito ay parang yung sa Rialto, pero mas mahaba at mas malaki yung screen. 6K resolution ang sabi nila pero parang hindi kasi kahit sobrang laki nung screen, parang blurred pa rin sya. May pa-basa effects din parang sa Rialto. Yung papanuorin nyo ay mga tourist spots sa Pilipinas “sakay” sa isang Philippine Eagle. Underwhelming overall.
Dodgem (bumpcar) Overall rating: 4/5 Ang ayaw ko lang dito ay mahaba yung pila at maikli yung oras. Pero natuwa naman ako kasi nai-drive ko nang maayos yung bumpcar ko at nabangga ko yung mga gusto kong banggain. Maida-drive mo naman yung bumpcar mo nang maayos kaya mataas rating ko rito.
EKstreme Tower Ride Overall rating: 4/5 Eto yung ride na bigla ka na lang ihuhulog pagkatapos kayong iakyat sa mataas na lugar. Di problema yung mahabang pila kasi sobrang bilis lang nung ride. Para sa akin, eto rin yung may pinakamataas na kilig sa tyan kahit di ko alam kung may 5 seconds yung mismong ride. Kaya sa thrill factor, solid to. Perfect 5 sana kung di lang sumakit yung pwet ko pagkatapos ng ride, di ko alam kung bakit sumakit.
Disk-o-Magic Overall rating: 5/5 Huli namin tong sinakyan at swerte naman kasi para sa akin eto ang best ride overall sa sinakyan namin. Ok lang na mahaba yung pila kasi para sa akin eto ang tamang combination ng comfort, thrill at haba ng ride. Comportable kasi yung safety gear nya ay hindi yung usual na over the shoulder kundi parang back supporter kaya libre yung mga braso mo. Matagal-tagal din yung ride. Para syang Anchors Away pero umiikot din yung disc kaya may variation yung movements. Sobrang enjoy ng ride na to.
Masaya kaming umuwi pagkatapos kahit pagod kami. Sa uulitin.
0 notes