Tumgik
#bakit ang sensitive ko
Note
Let’s talk about Love. 💕
1. How do you know when you love someone?
2. What are the things someone can do that will surely make you fall in love?
3. Do you think once you love someone, you will always love them? If not always, in what instances you don’t love someone?
4. What do you think is the secret to a happy and healthy relationship?
5. How much do you love yourself? And what are the things you do to practice self-love.
1. When you no longer do things for yourself, but for them. When you prioritize their needs before you without even thinking about it, that’s how you know you love someone.
2. What keeps me perpetually falling in love with Ez is that she always shows how much she cares for me.
3. Always.
4. Reveal ko na secret namin ni Ez kung bakit happy and healthy ang relationship namin:
Proper communication. We don’t just say things we want to say but we are careful on how we say it, parehas kasi kami sensitive with words, hence, we consider not saying something if it’s not needed to say. Kasali rin sa proper communication yung knowing and finding the right time to talk about sensitive issues, we consider our moods if its okay to talk, magulo mag usap kapag ang isa o pareho ay mainit ang ulo.
Respect. Kahit mundo namin ang isa’t isa, we still respect each other’s individuality. This includes career, money, even small things like what to wear, something like those.
Openness. We are not afraid to show each other our vulnerabilities because we trust each other we know that we can help each other.
We choose to be kind to each other. Always. Kahit kapag hindi kami bati. We don’t say hurtful words, we don’t belittle and insult each other kahit pabiro.
And one of the most important aspects in our relationship is sex. Ewan ko, libog na libog lang kami sa isa’t isa. Hehe
Also, we make each other laugh. That’s important.
5. Not very much. Inaabuso ko kasi minsan ang katawan ko sa pagpupuyat. Pero I practice self-love naman like hindi ko tinitipid ang sarili ko sa mga bagay na gusto ko.
5 notes · View notes
iamnotaxl · 2 years
Text
Umiiwas
I feel like I am always in a rush. Laging nagmamadali sa lahat. Yung nagmamadali na wala naman nangyayari. Kaya nagmamadali kasi gustong bumalik agad sa comfort. Which is hindi naman healthy.
Comfort zone ko maging mapag isa. Nag start ito after kong mag graduate ng high school. Well, kahit naman noong high school gusto ko na laging mag isa. Hindi lang halata kasi maingay ako nun. At bukod dun, napapalibutan ako ng circle of friends.
Totoo na ugali ko na talagang umiwas at tumakas. Hindi ako sociable na tao. Anxious ako pag nasa isang lugar ako na maraming tao. Gusto ko lang nagkukulong sa kwarto. Nagsusulat. Nanunuod. Nagbabasa.
Kaya siguro parang ilang ako pag may kasama akong tao. Ewan ko ba bakit hindi ko ma overcome itong ponyetang anxiety na ito?
Gusto ko laging umiwas. Gusto kong mapansin pero madalas pag mag isa na lang ako, pag iwas pa rin sa mga kung anu-ano ang gusto kong gawin.
Again hindi siya healthy dahil sabi nga nila mas sociable ang tao mas hindi tinatamaan ng depression.
Kaya nga I am always trying to create an outlet wherein being alone and feeling lonely will make me feel good. Kahit takot ang nananaig madalas.
Supress ako ng childhood fears ko. Hanggang ngayon. Kaya siguro ang sensitive ko.
The reason why I avoid things is because ayaw kong masaktan. Ayaw kong masugatan. Ayaw kong makaranas ng sakit. Physically kasi ang hina ng tolerance ko. Pati na rin emotionally. Buti na lang talaga nagagamot ko siya through writing. Ewan ko huh? Effective ba talaga sa akin ang writing?
Maybe yes. Kasi years ko na itong ginagawa. Hanggang ngayon dito pa rin bumabagsak ang nararamdaman ko.
Sentimental talaga akong tao. Sensitive. May nakakainis at nakakatawang sense of humor at awkward.
Kaya siguro sa tagal ng panahon, alam mo iyon konti lang iyong naging kaibigan ko. As in bilang sa daliri. At halos iisang tao lang talaga iyong napagsasabihan ko ng mga personal na bagay. Madalas pang busy.
Ayaw ko rin naman mag share sa iba...kasi ang hassle pag inisip ka pa ng ibang tao. It is your problem. Solve it your own.
Saka mahirap kasi akong ma attach. Dahil sobrang possessive ko. Lalo na sa kaibigan. Toxic traits ko na iyon eh. I was trying to change it but I guess, things are better to accept than change. Well opinion ko lang naman ito huh.
Yun nga sa dami ng iniwasan ko, hindi nangyari sa akin iyong mga pangarap ko sa buhay. Hindi ko nagawang maging masaya. Lagi kong malungkot at nasasaktan.
Ang arte pero yun ang totoo.
Hanggang dito na lang muna. Matutulog na ako.
#writing
#umiiwas
5 notes · View notes
suziethesheep · 2 months
Text
ang bigat ng pakiramdam ko... kanina pa. HAHAHAHAHA
sinabi sakin ni ash na parang mali ko na iblock sila agad nang hindi ko man lang naiintay na mag-reply sila sakin. tas naisip ko, "oo nga no?" tas inalala ko agad bakit ko nga ba nagawa... tas ayon sinabi ko
tas sabi nya dapat daw inintay ko, tqs kung iba man magibg response nya, sakanya na yun. sya naman daw magdadala nun araw araw... tas naisip ko bigla bgayon, [ kaya ko pala sila binlock kasi sila na rin nagsabi sa gc na bibitawan nila yung 7 years na samahan. kaya ako na gumawa, para sa peace of mind ko at peace of mind na rin nila, para hindi sila ma-trigger tuwinv makikita nila ako, or like di na nila ako need mastalk pa. ako kasi, once na there's no business between us anymore, i'll delete you forever in my life. we all have sensitivity and stuff, and that is how i deal with mine.
ayoko nang ma-update sayo, at ayoko nang ma-update ka pa sakin. mabilis lang bitawan para sayo, edi tatanggapin ko.
hindi mo man lang sinabi directly sakin. bakit kailangan sa gc pa?
aminado akong mali ko, pero sana man lang sakin mo dineretso, para mas naintindihan mo at naintindihan ko.
masakit din para sakin, tin. :) ]
tas ayon, bumigat lang din pakiramdam ko kasi may gusto ako sabihin sakanila pero hindi ko masabi kasi andun si ruel...
gusto ko sana magreply sa sinabi ni ash na "baka na manipula si tintin na gustuhin yung ganon... "na oo, ako naiintindihan ko. na alam ko na ganun talaga. na ive been there..." kaso hindi ko masabi.
tas ngayon, parang gets ko na. gets ko na feeling ni tin. pero hindi ko siya kayang harapin. pero ewan ko
pakiramdam ko nainvalidate ako. like, hindj man lang pinakibggan side ko kasi nag-ibang topic na sila.
tas tuwing may sasabihin naman ako, nakakaligtaan. tas nung tumahimik na ako, tsaka ako pinipiga.
i mean, okay labg naman. sanay ako na "listener" around them, pero parang iba lang yunh sakit ngayon. lalo na, akala ko masa-sad sila about sa sinabi saakin ni maam mitch, since balak ko sana isunod na "si maam rena lang yung naniwala sakin nung panahon na kahit ako hindi na naniniwala sa sarili ko..", tumawa sila.
siguro wronf timing lanv yung pagsabi ko, since theyre laughing that time, pero ewan. nasaktan ako HAHAHAHAGAHHAHA
tas binulungan pa ako ni ruel na "ang bobo mo" HQHQHQHQHHQHQHAHAHHAHAHAHAHAHAH
😋 hehe ewan, hindj ko keri yung jokes na ganon. 🤷🏻‍♀️
but yeah, tgats life. sana lang gumaan agad loob ko then i forget about this.
🫶🏻
i love you, ae.c
0 notes
lovenojudgement · 3 months
Text
June 29, 2024 5:55PM
Siopao.
“Alam mo yung pakiramdam minsan ng nabanggit mo na yung mga gusto mong kainin ng paulit ulit pero hindi mo na nga lang din maiprepare dahil sa pagod sa trabaho. Minsan nageexpect ka na magigising ka na maya maya andiyan nalang para sayo dahil may paraan naman. At alam naman niyang mapapasaya ka nun kahit papano.
Mag 2 linggo ko nang gusto ng pancakes at donuts. Pero wala talaga. Ang hirap pumiga ng effort at sweetness sa taong hindi ata talagang pinanganak ng meron nun. Bakit ba ako nagtataka e mismong pamilya niya naman na nagsabi sakin dati diba. Ang bigat pa naman ng effort para sakin. Actually, hindi na nga effort yun masyado e kasi oorderin at babayaran mo nalang naman diba? Pero malaking bagay sakin yun kung sakali. Yung pag gising mo maya maya may dadating na pagkain para sayo para di ka na bumangon at magluto kasi galing ka sa mahabang duty.
Parang kanina pag gising ko. Naglambing ako para mag me time sana ako. Nakailan na actually pero di talaga. Naisip ko kanina subukan since pag siya naman palagi akong pumapayag. Pero wala parin. Tapos nagtanong anong kakainin. Nagsabi siya ng alam kong gusto niya kahit na kahapon ko pa nasabi anong gusto kong kainin sa mga araw ng off ko.
Mali ko lang din talagang masyado kong dinedepende lahat. Pag di to nagtuloy ako rin naman mahihirapan kaya baka sakaling kailangan ko nang baguhin habang may oras pa.
Ako lang din naman talaga gumagawa ng sariling ikalulungkot ko palagi. Kasi umaasa ako na kahit papano makakaramdam naman siguro pag ako naman ang may gusto at ako naman ang may kailangan.
Isa lang masasabi ko. Ang hirap hirap magturo ng tao kung papano magmahal. Papano mo maipaparamdam yung kahit konting serbisyo dahil malayo kayo. Hindi na nga siya pag tuturo kung papano ako mahalin at maging masaya e. Kasi normal to dapat. Normal pero hindi ko talaga maramdaman. Lahat nalang ng bagay kailangan hingiin ng direkta. Parang kailangan mong mamalimos at magsabing maging normal na boyfriend ka naman. Kahit konting effort lang. Di yung para akong siopao na umaasa nalang palagi.
Isang lesson narin sakin to na palagi ko dapat maalala na hindi lahat ng ginagawa mo para sa ibang tao ay gagawin rin nila sayo pabalik. Alam ko rin na hindi lahat pareho ng love language. Pero sana kung ilan lang naman ang pwede dahil malayo kayo sa isat isa, mageffort naman din at maging sensitive sa kailangan ng partner mo minsan.
Kaya minsan naiinggit ako sa boyfriend ng ate ko. Yung acts of service and pagiging loud and proud niya sa ate ko sa social media niya kahit paminsan minsan nakakainggit.
Nakakamiss maging babae.”
DGPS
0 notes
benefits1986 · 3 months
Text
Doc Arangkada
Doc A: 2 years na po ma'am last visit n'yo. Me: Magaling kasi doc ni Vici e. Saka busy lang. Doc A: Ganun po ba? 'Yung mga shots po ni Vici, two years ago na rin. Me: Lels. Sorry na agad, doc. Pero so far naman, all goods siya. Ikaw doc e. Kaya nga ako andito ngayon 'di ba? Doc A: Ano pong concern nila? Namiss ko po si Vici. Me: Doc, grabe lang kasi 'yung pagkakamot niya. Ako ang naa-anxiety tapos malala kapag may important akong tinatawid. Paki check bakit kasi nakaka-agit na. Bloodwork at iba pa. Ikaw na bahala. Doc A: Okay po. Me: Thanks, doc. Doc A: May onting findings lang po pero 'yung kati niya is probably due to old age. Matanda na po kasi siya. Me: Sabi sa'yo e. Magaling kasi doc niya. Haha. 'Yun lang findings niya? Doc A: 'Yung kidney stones po na from 2019, need pa rin i-address. 'Di naman po lumaki ng sobra. May meds na ngayon na nagpapababa ng kidney stones. Me: May stock pa ako Doc ng Urajiron. Doc A: Okay. Good po 'yun. Me: Doc, wala na ba talagang way para ma-operate 'yung kidney stones? Doc A: 'Di po kasi kami nagooperate ng stones dito saka naggawa na po natin 'yung isang operation. May edad na ma'am si Vici kaya alam mo naman na sasabihin ko. Me: Curious question lang naman since 2019, baka may other way na. Doc A: Happy dog naman si Vici e saka generally okay results niya. Pero ma'am, need na po natin mag-management mode on. Me: Meaning? Doc A: Mas mahirap mag-manage ma'am. Me: Alam ko naman, pero ikaw na bahala. Tanggalin natin itchiness niya. Paki add na rin anxiety meds niya though lagi naman kaming magkatabi matulog. 'Di ko nga lang masyadong napapansin. LOL. Doc A: Sige po. Saka ma'am, need n'yo po bumalik ng mas madalas para ma-monitor natin. Heart is okay. No enlargement. Poop puno po here sa x-ray. Me: Doc, mawawala ba 'yung kati niya ASAP? Doc A: Dapat po kasi mahal 'yung turok na binigay natin. Me: E di tambay bahay na naman ako dahil sa laki ng bill. Hahaha. Pero oks lang. For Vici. Doc A: Yes, ma'am. Kaya ni Vici 'yan. Me: Kaya pa ba ng 10 more years? LOL. Doc A: Ma'am... Me: Doc... Doc A: Balik na lang po kaya sa date na 'to. 'Wag n'yo po i-miss ha. Me: Yes, doc. Hahaha. Mag-set akong appointment sa secretary mo bago kami mag-bounce. Doc A has been an angel pero apaka hilig manaway saka bumirada. Pero, sure akong super goods niya kasi sobrang bait niya kay Vici. Malimit lang talagang masungit kasi ang hihirap ng cases niya. Na-save niya life ni Vici nung 2019 and since then, 'yung dynamics talaga namin is vibin'. 'Di siya 'yung vet na "pera-pera" lang kasi talagang kita mo na may concern lalo sa blood extraction and turoks ni Vici as a sensitive pero apaka pasuyong dog. By that I mean, mahirap makita veins niya saka minsan two assistants nakahawak sa kanya plus si Doc A. LOL. I know 10 years is crazy pero sana we have more time. All lab tests naman and vitals are green even after the second round of super checking as Doc A is ganun talaga. May sense naman din. So, eto na nga tayo sa management era. Sabi nga ni Doc A, mas mahirap kasi minsan may mga signs na baka 'di mapansin because Vici is usually sedated and does not bark 99.9% of the time. Sa dreams lang niya saka pag sinususot siya ni KD.
In fairness, 'yung itchiness niya, almost wala na. Good sign. All meds are meds naman niya pag-flaring up ang kati. Partida, naka-aircon pa 'yan. So, malamang anxiety ang next need i-manage. Lels. May alarm na ako para may 10-minute bonding sessions kami all throughout the day and night. LOL. Akala mo naman inaapi siya e. Pagkagising ko nga, siya una kumakain, inom, poop, and wiwi. Siya rin may say sa space sa higaan ko. LOL. Pero oks lang naman. Worth it. Mahal lang talaga pero push.
Mukhang mas madalas kaming magkikita ni Doc A dahil totoo naman na Vici is not young anymore, and so am I. Let's go!
0 notes
hindiakotanga · 5 months
Text
Hindi ko alam kung bakit ganun. Hindi naman nya ko kailangang ipagtabuyan or iparamdam na ayaw na nya talaga. Kasi alam ko naman. Kasi from the start, He never loved me naman. Haha. Ang funny lang parang ako pa din ung laging may kasalanan. There are things na thankful ako na nagteach ng lessons sa kin, pero ung pain hindi naman biglang mawawala sa isang araw lang. Hindi ba pwedeng maging sensitive sa feelings ko kahit konti.
0 notes
ourkeepsake · 5 months
Text
april 25, 2024
it's 4 am, i just got up from bed haha magang-mata 'yung mata ko. tangina i really feel like i'm losing her, again. hindi nagbabago kung gaano kasakit.
last monday, that's when i noticed how she changed. and yesterday, we talked.
napagod siya. napagod 'yung taong mahal ko sa akin. and i truly get it. ever since nagkabalikan kami, sobrang aware ko na sa lahat ng ginagawa ko. kaya masasabi ko rin na understandable if napagod siya, ang tagal kong magbago. here are just some things na pwedeng reason bakit siya napagod:
competitive ako sa acads. i couldn't be there for her nung times na need niya magcelebrate. she deserved it. pero naging selfish ako at alam ko iyon.
ang hilig ko mangcorrect, and in the end, maga-agree nalang siya. and i know how annoyed she is.
nung time na i went out with rose to go sa inuman. mika was so disappointed. sa mga paalam kong hindi ko nasusunod. sa mga sinasabi kong hindi sigurado. for all the times na magdedecide ako pero hindi pa ako decided. nadidisappoint ko siya
the way na i changed din after our breakup last 2022. na i have trouble opening up. it's really hard kasi nung 2022. imagine moving on from someone you really love na walang ginawa sa'yo. like i really tried forgetting her na labag sa akin. i tried detaching sa mga taong mahal ko kasi i know how painful it is to lose them. does that make sense? sana maantay pa ako ni mika, kahit onti lang. i know i'm trying naman ngayon, siguro kulang na rin 'yung progress ko.
lagi niya akong iniintindi sa times na ang hirap kong intindihin. she was always there. nagtatry siya for so many months, na i thought hindi siya mapapagod. pero i can't blame her kasi instead na mag-improve ako, i got worse. siguro nattake advantage ko siya.
sa mga times na sobrang daldal ko and nasasabi ko sa iba yung mga things na sensitive for mika.
for the times na naiisip ko na i want her na hindi umikot yung mundo niya sa amin and i always tell her "mauna na ako" instead of asking her "tara uwi" kasi kasama niya friends niya and i don't want her na umuwi dahil gusto ko. ayokong hawak siya sa leeg. pero when she told me na gusto niya akong kasama and hindi ko siya inaaya, nagregret ako nang sobra.
for ALL the times na ang unfair ko sa kanya.
the time i cheated. i know sobrang hirap na hirap siya dito. sa mga insecurities niya na nagresurface. sa mga bagay na napafeel ko sa kanya. kung paano bumaba yung self worth and confidence niya. it fucking sucks. every now and then, lagi ko pa rin siyang inaask kung naiisip niya pa ba or okay na siya. hindi ko kaya yung guilt that eats me up lalo na kung naaalala ko and everytime nakikita ko si mika. it took a lot of courage for her para makipagbalikan sa akin. and i realized how much she loves me. pero hindi ko na yon mabubura. if only sa akin nalang lahat ng sakit na naffeel niya.
sa mga times na ako lagi yung nasusunod even though she wanted to do the same for me. na gusto niya akong ihatid pero in the end, ako yung naghahatid. or anything na acts of service.
nakakapagod ako. would it be so selfish of me to ask her na maging patient pa? or be selfless nalang to let my greatest love go para mahanap niya yung sa kanya?
hindi ko siya kayang mawala ulit pero tangina kung nakikita ko siyang hindi na masaya, kakalimutan ko muna yung sarili ko and let her be happy without me.
ang hirap kong antayin. ang tagal kong magbago. ang tagal ng progress ko. napapagod na rin ako sa sarili ko.
0 notes
Text
The Worst Night (Christmas Day)
Maybe it was really my fault, kasi ang arte ko. Kasi napaka arte ko.
We had fair share of fights simula nung umuwi ako last January but last night was different. I cant even close my eyes without seeing her angry face, her hand that wanted to hit or punch me.
How did it happen? Was it really my fault because I was so sensitive, and I took her jokes seriously? I told her before, I dont like when she do it, bakit nya palagi inuulit? I hope she can hear herself how she makes jokes out of something that is offensive to me lalo na di ko naman ginagawa. I was minding my own business, nanonood lang ako and she makes a joke about me na madaming nakakachat at nagagalit ako bec totoo? Am I not allowed to get mad sa jokes nya bec I feel offended. I reacted the way I would usually react, siguro nga maarte na kung maarte but I cant filter my emotions. I told her tigilan nya muna ko, pero hindi nya binigay kahit ilang minutes lang it would subside my inis. Pero pinilit nya pa rin gusto nya. Hanggang sa tumaas na ng tumaas inis ko sa kanya. If she just gave me kahit 10 minutes space it wouldnt lead to this. But the problem is pag gusto nya gusto nya, she dont listen to me. And the fact na may lagnat ako, all my emotions are piling up. She wont even take it in consideration.
I guess im really at fault bec I let my emotions get to me. Nakapag mura ako but it was only “Putang-in” hindi kumpleto at hindi directed sa kanya. I was so frustrated. And I think it really frustrates her kasi hinampas nya bibig ko. I would understand yung unang beses pero she did it multiple times na masakit, na namanhid na labi ko. I cried, kasi nasaktan ako physically. I was trying so hard na hindi umiyak sa inis sa kanya pero her hands are big and heavy, her slaps on my mouth hurt me.
I was already on top of my emotions, gusto ko ng umuwi. She was trying na suyuin ako and Idk bakit ayoko. Siguro kasi, im in this scenario na naman. Masasaktan ako, magsosorry sya and then okay na. Its a tiring cycle.
Alam ko may mga nasabi din ako, intentional or not, meant it or not but nothing hurts more than sa rebat nya palagi. Parang shes that kind of partner to me na pag may sinabi ako, she will get back to me that will hurt me x2. Na hindi sya mag papatalo sakin. She even said na masama na ugali ko, na lumalabas na ugali ko. I hope she can see that this attitude and emotion of mine comes out bec of her. That maybe, shes bringing out the worst in me.
Dati palagi sya nagagalit sakin for no reason, I dont fight back. I kept quite pero ngayon na nag rereact na ako at lumalaban na ko sa kanya biglang ang sama na ng ugali ko??? And nanunumbat na ako? Kilala ko sarili ko, marami din tao na mag jujustify na hindi ako ma pag sumbat. Sila ni mommy parehas ng sinabi sakin kaya hindi na yan mawawala sa isip ko.
And the worst happened…
Ramdam ko na mataas na lagnat ko. Nararamdam ko na sa isip at katawan ko. I keep crying, my emotions are keep on getting worse. Naghahalo halo na. But here she is, saying “iyak iyak ka pa” “napakaarte mo” “ayoko sa maarte jusko ka”. Then why pursue me? Bakit ako? We could have go on with our lives na wala connections sa isat isa simula noon, but she pursued me. And now she would treat me this way? On Christmas day?
She was angry. She wanted to punch me. I know if wala kami sa kanila, her hands will land on my face. Iintayin ko pa ba umabot don? She then started hitting herself. I stopped her and pull away. Bakit ganon, I was the one na dapat galit, pero it will always end up na sya ung mas galit at ako ung masama? Bakit ganun? She always have her ways of reversing things kapag nagaaway kami.
She even mumbled “mas okay pa si shei kesa sayo” her ex??? I have so many reason to argue at kontrahin yung sinabi nya pero siguro nga tama sya. There will always be someone out there who is better than me. Even her ex.
I never compared her to anyone kahit ano nangyayari samin. Kaya I know sa sarili ko I dont deserve those comparison lalo na sa ex nya. But Ill accept it, im not as innocent naman. Alam ko rin may kasalanan ako pero kung nakakasakit man ako mag salita minsan, wala na mas lalala sa mga pinipili nyang sabihin.
I hope she just hit me straight in my face kanina. So I will not have any reason to stay. So I will not have reason to still love her. I will leave in few hours, nag wewait lang ako ng araw She has a mouth as sharp as knife and maybe she will hit me someday, I will leave before we ruin each other. I will leave so we can save ourselves from each other. And this will be more in favor with her.
1 note · View note
half-wingedbutterfly · 10 months
Text
Gan'to ba talaga ang feeling ng ikakasal. Konting kibot lang, grabe na ang iyak ko. O tama ba ang sinasabi ng partner ko na sobrang sensitive ko? Hindi nga siguro valid yung feelings ko. OA ang response ko sa mga bagay bagay.
Nakikisama ako sa lakat ng events ng family and relatives niya. Ang iniisip ko, soon, magiging kapamilya ko na rin naman sila. Pero ba't ganon?
Parang kulang pa rin. Yung mga araw na 3hrs na lang itutulog ko kasi kaylangan makisama sa nanay at tatay niya kahit weekdays at may pasok pa ako sa gabi. Kesyo rest day niya at maaga ang uwi ng nanay niya. Ako ang laging nag aadjust. Pero bakit ganon?
Yung kasal. Lahat ng lapses sa pagpaplano, sakin ang sisi. Lahat kasi ng tao kaylangan i-please, except sa'kin. Gusto ko ng intimate wedding pero dahil gusto ng reunion ng nanay at tatay niya, nauwi kami sa 100 guests. Ngayon parang aabot pa kami sa 150 guests.
Nasabihan din ako na kesyo hindi raw ako makapag decide kung ano ang motif. Pero ang totoo, lagi kasing may comment ang nanay niya. At ang number one consideration ay wala kaming gagastusin. Ni ultimo infinity dress na less than 400 each sa shopee para sa limang babae sa entourage, ayaw niyang gastusan.
Tapos ngayon, nagkamali ako sa pangalan ng ISANG ninong sa printout. Parang pinagsakluban ng langit at lupa yung partner ko at may mali raw. To think ha na 15 pesos lang ang paprint. Walking distance sa bahay nila. Effort daw kasi puntahan. 😅
Ito na nga lang yung maiDDIY ko. Na ayaw pa niyang iconsider na DIY, at hindi naman daw from scratch lahat. Kundi, customized daw ang tamang term at magastos din daw.
Medyo nakakafrustrate na. Tama pa ba 'tong desisyon ko na magpakasal?
Hinihila na lang ako ng kahihiyan. Kasi nakapagsabi na sa mga magiging ninong at kamag anak. Pero sobra na yung stress. Parang hindi ko na rin nagugustuhan yung ugali na pinapakita ng partner ko. Sabi nila magiging 10x daw 'to kapag kinasal na kami.
Parang hindi ko ata kakayanin.
Nasa tamang landas ba ako?
Habang nakaupo ako ngayon dito sa sala. Napapaisip ako.
Mahal, ikaw lang ang dahilan bakit tinitiis ko na mag-isa dito sa bahay. Isa ka sa dahilan kung bakit hindi ako umaalis sa work. Kailangan kong magbayad ng monthly amortization para sa kinuha kong bahay para sa'tin. Kung tutuusin pepwede akong umuwi ng probinsya kanila mama at magsimula doon. Hindi ako papabayaan ni papa. Tutulungan niya ako makapaghanap ng trabaho. Pero hindi e. Nag-decide akong bumalik para sa'yo.
Tama nga ba ang desisyon ko?
0 notes
Text
eh bakit ba kantoi ng kantoi yung computer?
visayan
ay, joke lang!
sensitive!
ang hirap naman mag-computer!
eh mas mahirap umilad sa bahay ng ibang tao!
eh chismis ko!!! malungkot ako!!!!
eh saan ba yung asawa mo???
wala yung asawa ko!!!!
ano gagawin mo nga?????
edi umilad!
bakit mo sinabi sa akin yan????!!!!!
ewww!!! nakakadiri naman!!!!!
eh ang hirap mag-computer!
hala! nag-malfunction ka na!!!!!
0 notes
ttshncl · 1 year
Text
09.21
Hindi ko naiintindihan bakit ka nagkakaganyan. Sinabi ko yung where i did go wrong, i told you na I'm kinda hurt or i felt less nung sinabi mo yung "gumagawa ka lang naman ng mga bagay bagay without knowing the science behind it" I was kinda hurt by ur words kaya naging defensive ako, i was upset (naupset ako kasi sakit naman) but satingin ko for you pov, u jan want to give me some tip but since I'm sensitive to things, naging defensive mode ako. I was wrong to take ur words seriously, im apologizing for it, it doesn't mean hindi ako nahurt. The way you approach things, it's kinda hard and sometimes i can't take it, for you okay lang yon, sakin minsan nahuhurt pa ako. Hindi mo pwede sakin sabihin na "dahil lang sa ganon, nahurt ka" or "bakit mo nafeel yan eh I'm just giving you a tip" the tip were okay, thanks but hindi sya dahil don kundi dahil sya sa sinabi mong im just doing things without knowledge. I was hurt by ur words, tao lang. Kaya rin ako nagsososrry coz tinake ko sya seriously or na misinterpret ko yung gusto mo mangyare.
U said you're not upset nor mad, idk bakit lumaki sya ng ganto? Umabot ka sa point na u were just ignoring me, idk whats the problem, u were ignoring me for almost a day without regarding the problem. Called u so many times to asked what seems to be the problem and ikaw pala is nag iisip ng itigil ang mga bagay bagay. Idk ano pa kailangan kong gawin? Kasi sinabi ko naman na lahat, and parang ayaw mo na ideal lahat ng bagay bagay sa mundo. Idk ano ang nangyare sayo kasi mas parang mahirap ka intindihin ngayon. Parang nakasara ang lahat ng bagay sayo and wala kang naririnig. If hindi ka okay, u can tell me "I'm not okay sa ngyare kagabi, can i hv some time to process things" okay na yon maiintindihan ko na yon. Or hindi kaya ask mo sakij na "I'm not okaay with your actions, may i know bakit ka naging defensive coz im just merely giving u some tip" and ayon pwede ko ieexplain na iwas defensive coz ganto ganyan magkakaintindihan na tayo non. Kasi minsan Namimisinterpret natin mga bagay bagay ket hindi naman pala dapat ganon, edi mareregaed ko na bakit, and malalamab mo na kung bakit. Edi if ganon ngyare, im gonna tske accountability w my actions and u, ur gonna make a better approach nextime. Ganon lang. Hindi yung wala akong naririnig from you and makukulitan ka sakin and maiistress tayong dalawa,
lets be better shall we? Kasi mahirap yung ganyang actions mo, ginagawa moko manghuhula. Kasi Ik na ayaw mo ginaganyan ka so sana i workout mo rin yan, kasi hindi ko deserve yung ganyang treatment.
Nung tuesday, i thought kaya mo makipagusap sakin coz off ka ng wed, i didn't know kaya kinukulit kita, i didn't know na nag aaaway kayo ng mom mo. Nung oag uwi ko doon ko nalaman na u said "im sorry i can't talk now" and i asked u y? and sabi mo na nag away kayo ganto ganyan and tumawag dad mo. I understood things easy as that hindi ko na ipipilit yon kasi ik na things are hard na rin sayo. Easy as that jacob, jf ayaw mo makipag usap just tell. If ayaw mo makipag engaged w me, just tell. If you're not okay with things or to my actions, just tell.
I can be ur someone to lean on kapag mabigat na yung mga bagay bagay. Lets improve shall we? let's meet half way sa rel natin. Kasi if hindi, we'll end up sa break up.
1 note · View note
gelley-thoughts · 1 year
Text
Minsan nasisi ko na rin sarili kong kakanood ng mga kdrama and romcom movies pati pagbabasa ng novel kasi I would associate everything na nangyayari sa buhay ko like it in was a movie or a series.
Like tonight, what are the odds na pinag-uusapan lang namin kanina ni David na magkita kami ni Yuan para makapag-usap kami and makapag sorry na rin ako sa kung ano man nasabi ko that time na I was drunk.
So, yeah. Nagkita kami right after ko mahatid si David. I saw him walking pababa ng street ng condo niya so sumigaw ako. And yup I attempted to talk to him but I was dismissed din kaagad saying na gabi na and may pupuntahan siya.
It was awkward for me. I was stuttering pa nga explaining kung bakit ako nasa labas ng magmi-midnight na. And also, I feel sad kasi we were not like that. We were never like a stranger sa isa't-isa even before we bacame close (pandemic) up until the first time I actually met him in person or the last time na nagkatampuhan kami.
I guess this is also the reason bakit di ako makatulog ng maayos the past week. Kasi I was so bothered. I don't have feelings for him naman na. That, I can assure. May mga times na I was being delulu because I admire how he treats people close to him or just people around him. I also want that sa magiging partner ko. Pero hanggang dun nalang yun.
I actually miss eating dinner with him, sharing my thoughts. Kasi siya na naging isa sa mga close companion ko eversince umakyat ako ng Baguio. I miss the chikas.
And if ever man na mag FO kami dahil lang sa nasabi ko (na nalaman ko kay David, about personal development niya daw) Siguro sasama talaga loob ko. Because I'll think that it was a petty reason to throw away the bond we have for something I didn't even mean to tell him in a negative way. I am so sure it wasn't my intention na ang labas sa kanya ng nasabi ko is negatively because he, himself, I admire him for who he is.
Pero kung gagawin niya man yun, na i-cut off ako. Then, I would not stop him. It's just not in my nature to beg for someone. Not in my nature to ask sorry over and over to something I don't even understand the reason why I am saying sorry to him. Kasi what's the point of saying aorry if you don't even mean it right? Mawawalan ng sense yung word na sorry.
I would be sad, yes. Kasi it would crash the perception I have with him the moment I started to admire who he is. Magbabago tingin ko sa kanya. Magbabago perspective ko towards him. Magbabago lahat yun. And there would be a part of me na ija-judge siya for making that decision. Kasi I would not be willing to blame myself to something I'm not even sure na ginawa ko nga. I will not put myself in the darker light just to blame myself over something na never kong magagawa. Kasi among all of the people in my life, ako parin naman mas nakakakilala sa sarili ko.
I don't even want to blame him too kasi I know who he is. I know he is a sensitive person. I know that those small things na nasabi ko made a big impact on himself. I would understand.
This were the times talaga na naaalala ko that we promised na if ever a time like this happen we would settle it sooner. He'll say his sorry, I would also say my sorry. He'll listen to me as well as I. I remember this pinky promise just a year ago.
Kaya feel ko parang gusto ko umiyak. Kasi I feel betrayed. Haha. Bukas ko sana siya balak kausapin. But by what happened today, parang ayoko muna. Parang super nakakahiya naman na ata. I feel so estranged. But I hope maayos namin to. Kasi I miss my friend. I have so many things to share that happened to me for the past weeks. I also want to know how is his experience with the internship.
0 notes
heavymetalzen · 1 year
Text
how to read my own clock??
i think i have to report to the ordinary time in our lady of aranzazu%
the calendar is on the website of assumption san lorenzo%
japan tokyo time%
bakit nga pala ako ang pinaka-katawan na tao talaga??%
sacristan ako pero ando rin ako%@
dapat sunrise oras ko talaga....mas high tide/low tide sinusunod ko%@
TAKEHIRO: sinusunod mong oras ay high tide and low tide nga, sakura. @ SUKI: ahh ooo nga dahil beach folk ako. @ TAKEHIRO: tayong dalawa ay beach folk @ SUKI: ando ako eh sarat talaga ako %@ para lang maging taong taga-sunrise o kaya moon phase% ang totoo, sila ay light sensitive. moon phase people like miss adel and ate patch like beats@%. but sun people like ate andrea like full-view nga%@ for example, sarili ko bilang tide levels talaga% i really like atmosphere and weights%@ TAKEHIRO: that's right%@ PAPA70: kaya nga???? % SUKI: papa70, they don't know about us. they don't know about our culture and our way of living %@ PAPA70: napaiyak ako T.T %
0 notes
Text
Kahit isa.
We have our youth camp tomorrow. Pero I'm not really interested to join. Feeling ko kase I'm too old to join. Tsaka wala naman na din akong ganap. I'm actually detaching myself from them. Mabilis kase akong masaktan. I'm too sensitive. Mabilis akong mainis. Mairita. When things don't go my way, I get irritated. Also, bakit pa ko sasama? Parang wala namang may gusto na nandun ako. The friends I consider na iinvite did not invite me. Friends whom I thought would try to tell me na sumama, did not ask me.
Like, Lord, kahit isa na magchat sakin. Kuya Jeff, I need you there. Siguro I'll try my best to join. For that person who needs me. Kahit isa lang na magsabi na, mas masaya kung nandun ka. Kahit kunyari lang. Para lang maiparamdam sakin na mahalaga pa din ako.
I feel so worthless and useless na kase lately. Irrelevant. Yung pagiging open ko sa friends ako about what I feel, tinigil ko na rin. Cause they don't want to hear anymore BS I have. Nagrarant ako kase comfortable ako sa kanila. No judgement. No condemnation. Pero ayaw na nila. And I understand. Who wants a friend na walang alam kundi mangbash. .
But, I'm trying to change it. I'm trying to shift my mind to be better. To see things the way Jesus see things. Mahirap lang sa umpisa. Pero I'm trying. Masyado lang mataas yung expectations ko. Kaya ang bilis kong masaktan.
So anong dapat kong gawin?
First, I think, dapat kong isaisip na hindi sakin umiikot ang mundo. Na hindi ako importante sa kanila. Kung nandun ako oks lang. Kung wala ako. Oks lang din. Ganun. Pero it doesn't mean na useless and worthless na ko. Siguro sa kanila. Pero kay Lord naman, mananatili akong mahalaga sa Kanya.
Second, wag masyado mag expect. Ang dami ko kaseng expectations sa mga kaibigan ko or pwedeng that's how I see friendship. Pero iba kase sa kanila. Kaya instead of expecting too much. I should be more compassionate to them. Kase umalis man lahat. May matitira palaging Isa para sakin.
Third, iwasan ang pag iisip ng di maganda sa iba. Since mataas nga expectations ko sa ibang tao. Pag di nila na meet expectations ko, nag iisip ako ng hindi maganda sa kanila. Need kong isa isip at puso na lahat iiwan ako maliban kay Lord.
Fourth, iwasan ang pagrrant sa ibang tao. Yep. You get it right. Magrant na lang ako kay Lord. Si Lord lang makakaalam ng lahat. Tsaka kaya ni Lord lahat dalhin. Kasalanan nga natin nakaya Niya. Yung mga rants pa kaya natin.
Lastly, masyado akong nassway ng kaaway. Naffocus ako sa condition ko. Na dapat intindihin niyo ko. Pero wag niyo kong kaawaan. Ganun ba. I need to shift my mind na my condition is not who I am. I am whom God told me. I am a royal Son of God.
1 note · View note
deymitstrueyn-blog · 1 year
Text
END THOUGHTS
Continue..
9pm
hope your doing wel!.. may balak ka pa kausapin ako?
Nagiisip talaga ako kung mag memessage pa ba ako kasi pwedeng di mo na to pansinin o pwedeng mukhang hindi ndi mo naman na hinihintay O nasa isip ko lang na hinihintay mo pa ba O kung may hinihintay pa ba ako.. hinayaan mo na ko since di kana nag pm pasensya kana kasi nagassume nalang ako na ayaw mo na.. na naghihintay ka nalang magsabi ako na ayawko na..
So incase naman na ganon na nga its up to you kung ano gusto mo sabhn.
paanong ikaw nagiinitiate? eh ikaw nawawala pag may issue.. ako laging nag mmsg kahit seen ka lang
..oo i understand na you need time kaya nawawala ka pag may issue, kaya nagmmsg p din ako
nagmemesasage ka nga pero asan dun ung pwede mag simula ng bakit may problema? one word? dko nga maramdaman asan dun ung hinahanap mo ba ako...parang nag update ka lang para isipin ko na nag update naman ako okay nayan ..
nitong mga nakaraan nagtatanong ako kung magkano at kung may marerentahan na bahay para sten
wag kana bumanat nang ganto kung..
pero nung napansin ko na parang wala na sayo napapaisip ako kung dapat pa ba
susundan mo nito..
napapaisip din ako na bakit hinayaan mo na nga lang ako dba? imagine boyfriend mo natiis ka ng di kausapin imbes begging na maus .. pero kung ibang tao yan yung concern mo halos puntahan mo na..
ako lang ba talaga ung parang wala lang e ang tagal ko nga isinantabi yang mga hinaing ko tapos nung dko na kaya..
napapaisip ako na baka magiba takbo ng relasyon naten or baka maging worst at di ko makayanan kung paano ka makipag communicate
..na parang kasalanan ko bakit di ako nakikipag communicate ng maayos as I said simula nung time na hindi na madli saken magopen up saken sayo kasi akala mo lagi ako akong naghahanap away.. sana naging sensitive ka kahit konte..
knina pang 11 ung message online ka naman pero almost 5am kana sumagot imbis na makipag communicate ka dn may ibang bagay ka pang inuna..
Thinking until now How come na dahil yan ung nakikita mong perspective ko e sasabhn mo na hindi pa ako nakaka move on sa past ko? Syempre hind ko tanggap na sasabhan mo ako ng ganyan .. Ang dating e pumasok ako sa relationship na to ng di kita mahal?? Ganon ba??
Correct ko lang hindi naman porket ganyan ung perspective ko sayo hindi kita minahal hindi mo ako masisisi kung ganyan ung trato ko sayo dahil may mga issue tau before pa na as jowa ayukong ganon ka.. hindi mo ako nagets? Hindi mo ako masisi kasi iba ang panahon ngyaon sayo na din nagmula yan.. dati naman goods ako na lumabas ka pero simula nung mga nagyare pati sayo nagkatrauma na ko baka gawin mo din to ganyan.. kaya sana wag mo ko sisihin baka limot mo na question ang gusto mo ba wag na ako maworried sayo/saten na kahit ano gawin no kahit di okay saken? Wala na tayo sa mundo ng single hood tho may times na nagagawa mo pa ginagawa mo noon siguro.. Kung gusto mo humanap ka nalang ng taong hindi worried sayo.. ung walang pakelam sa takbo ng relationship.. this will be may last rant na..
12:29
9/6/2022
Babyyy hindi ko alam anong dahilan mo bakit di ka na nag seen or kung ano mang reason mo bakit wala kang response.. Kung mas need mo yan at yan ang peace of mind na gusto mo then sige po Take your time. Just take care na din lagi.. I'm sorry sa lahat.. just to let you know na Kung dumating man ung time na maisip mo na ko kausapin din andito lang ako mahal kita at hintayin kita. kung may iba ka na naman well Yes maskit pero wala na akong magagawa dun kung san ka mas sasaya. Take care and Have a great day at work always!
9/26/2022
Nung una hindi okay pero okay na din since business purposes wag mo ko sisihin na magalit out of nowhere kasi sabi mo business pero dahil nag post ka nga ng tiktok mo na galing dun aa luma mo nainis ako like business purposes o reason mo lang yan para magawa mo gusto mong gawin nag sorry ako dahil baka mali ako o sabhn na mali ako pero pls lang makaramdam ka naman. Nagpalamig ako to say sorry manlang baka maging okay agad tayo but not 7pm senend ko ung chat ko pero idk why si seen wala pero pagka check ko ng gabi na naka seen na pala ng 7pm din tapps qala ka response so inisip ko okay lang yan baka busy lang pero time fast 24hrs na ung last message ko and still walang response pero nag try ako mag visit sa tiktok na bago andun ka tho wala na dun ung syaw mo andun nalang ung kay nano meaning to say wala kang pakelam talaga kasi mas inuna mo yang tiktok followers mo then naka followback kana din pati ung mg di mo mafollow sa main mo nafollowback mo na dn jan sa bago saya ba?? For business purposes.. kahit pag may pasok ka di na din tayo magusap kasi sabi mo busy ka okay sige lang tapps pumasok yang wala kang pasok busy ka pa dn?? Di ko na alam san ako lugar sayo. Binalik mo lang ung cause ng pagaawag natin dati.. ni hindi mo nga ako matanong kung kumaen na? Or kung kamusta? Edi binalik ko dn di ako magtatanong.. matagal ko ng nararamdaman na hindi ako nag eexist sa mundo mo..
Dun palang sa pag topic mo ng ML mas aggressive ka kpag ganyan pero kpag future natin paguusapan hindi na natin magawa.. feeling ko un nlang taoaga ang habol mo.. one time may nkita nga ako sa twitter mo na may nilike ka na babae bago palang tayu dun perod mawala sa isip ko isang beses mo lang ginagaw un pero parang iba na ung dating saken like bat mo nilike? Anong nakita mo?? May senend ba sayong porn kaya dkonna maiwasan na baka isa ka dn sa nagbabayad para lang makapag paraos.. dko na din alam anong patutunguhan nito.. mas mabuti nadin siguro to.. no wonder nagawa mo kong tiisin dati what more ngayon?? Iisipin mo babalik din naman ako no bahala ka sa buhay mo
#lgmo 9/26
one thing about this relationship don't forget na mahalaga ka.
don't beg time
you can't force something or your partner na hindi gawin ang gusto it's up to him kung anong gagawin nya
learn to say no
learn your value na hindi ka dapat binabastos..
disrespectful un nalang hindi ko itatanong kung ayaw na nya well kahit naman itanongko alam ko na ung sagot mejo hirap lang ako accept ung katotohanan.. nakakatawa lang na nagstay ako ng ganto kahit alam kong may redflag na no assurance at all.. mas active pa ung tanong na sexy time kesa kumain kana ba? how funny self🤪
i know may mali at pagkukulang din ako pero siguro naman hindi ako nagkulamg nag pagmamahal sayo~ salamat sa 3years friendship at the same time and almost 2 years relationship. seee you around! mahal naman kita kaya lang hndi na tayo magkasundo. feeling ko magisa lang ako..
11/7 Untold~
after nung malalang away natin last month
Ginawa ko ung sa tingin ko makakaya ko pinuntahan kita kahit parang feeling ko 50/50 na tayo.. I thought uuwe na talaga din ako kasi hindi tayo maayos pero mas pinili ko pa din na puntahan ka atleast kahit papano kung talagang ayaw mo na alam ko na at nasaksihan ko .. pero I was wrong na uuwe ako agad tama lang desisyon ko na mag dala nakaplanong gamit pag luwas .. sa pag kakataong yun masaya ako na kahit papano pinatuloy mo ako naging maayos tayo nagusap hanggang dumating na yung nakaplan na aattend tau sa bday ng bff mo.. Ung thoughts ko bago ak lumuwas baka hindi na ko kasama dun pro hindi belong pa din ako kahit hmhindi saken ang focus mo.. nagusap naman tayo pero sa mga binitawan mong salita na hanggang ngayon naka mark pa din "okay lang kung di ako natuloy kung umalis kung mag stay ako" "ako lang naman tutulong sa sarili ko" "tutulongan ko muna si bro" " sorry hindi ako ung boyfriend material na hinahanap mo" that di ako makapag salita kung ano ang sasabhn ko kasi masakit na marinig from na kapag pala nag decide akong umalis doesn't matter it's no big deal. i told u bat parang iba sabi mo " na parang Wlang love? ang love naman it's a process nawawala its a commitment " pano mo nasbi ang commitment e hindi mo nga mabigay ng tama ung love language ko? kahit sinabi mo yan I stay pa rin for 1 week kung ano ba tlaga seems good until mainis ka samga aso at sabihb mo saken na dba stress tapos sasabay ka pa?" tiniis ko yan. Sana naririnig mo sinasabi mo.. Until now I wish we could go back to the time na mas mahal mo ako... Di na kita pinakikilaman and I'm slowly accepting na hindi na ggwing big deal ang di naman ganon kahalaga.. as long as we do have connections im fine .. dko alam kelan to mag lalast pero sana kapag pwede na pwede pa.. Mahal namahal kita ai wish God heal you heal us and go back to old us! I want this relationship level up na i want to create family with you.. 🥲 pero how if you continue acting na parang wala lang ako sayo .. 😭 still appreciated those update nakakadagdag ng positive side..
129mid
11•19
until when?
nakakamiss ung old us..
ngayon hindi ko na din alam pano bumalik sa msasayang alaala.
parang anytime na bumigay ako hindi mo ako sasambutin ..
Bothered, hopeless and worried Kahit akoy magtanong I doubt Nagawa ko na ba lahat? o may kulang pa? o talagang gusto mo ng sumuko? o are you still trying to bring back? o ako nalang ung umaasa? o naghihintay ka nalang na mapagod.. It's our 21st Month and not looking forward to see you this month and not looking forward na babatiin mo ako.. I mean not hoping para less ung sakit. Mahal kita palagi.. I don't like my hormones today kasi puro negats ung thought.. kaya what flows flows nasasanya na ako kaya less na din ung pain. 😅🥲😊
1237am 12/16
holding this feelings again
something in me na dko mabitawan
Balik na tayo sa dati!😭
ayuko na ng ganto.. Dami kong natutunang aral ngayon. I hope it's never too late for the both of us.. im not mad im kinda hurt and confuse anyway..
12/23/2022
2:12pm
things I hate you the most.. matinding recall to for me para lang macchieve ko unh detachment since kahit sabhn ko na ung mga concern ko deadma ka feels like a okay nagpapakita ka na talaga ng hindi ka na interested saken hindi ko na uulitin pa ung initiate ng Iloveyou at I missyou basta here in my heart mahal kita ganon nalang.. I'm totally drain na it's been 3months na tapos ganyan pa din tingin mo saken.. nagawa ko na naman siguro lahat kaya wala na din akomg dapat pagsisihan.. remembering all those words na nakakasakit saken para lang makaya ko na din na wala ka.. Alam mo ung kahit kasama kita pero pakiramdam ko wala akomg kasama.. khit sabhn mong nagstay ka namam hindi ka naman umaalis hindi ka naman nkikipag hiwalay pero hindi mo naman sinasabi na mahal mo ako mas masaya ka na sa iba mas may time kana sa iba kaya dedma nalang ako sayo ang sakit lang din na di mo na mkita saken ung future mo kapag may plano ka laging feeling ko hindi ako involve in short Di na talaga ako belomg sa plano mo sa buhay. Hindi ko nga alam baka may iba kana e. kung ganon lang sana kadali para saken ang kalimutan ka October palang ginawako na. Still looking for a sign na bumalik tayo sa dati pero andun na din ung part na ayaw mo ba . parng naghihintay ka nalamg na bumitaw ako ..
~ una palang mas priority na ang ibang tao nagbago nga pero ngayon binalik na ulit..
~ mas concern pa sa ibang tao kesa sa sken
~ okay lang sabihan ng Iloveyou sl sa opposite sex di inisip ano pd ko maramdaman
~ effort sa rabbit
~ nasigawan iniwan laging galit
~ nakipag bati lang daw ako kasi may need ng pera for investment:(
~ pagiisipan ung relasyon
~ tinatamad na sa relasyon
~ walang pagbabago
12/27/2022
It's been 5 days since nung nagstop ako mag initiate ng Iloveyou at I miss you dedma nalang ako e ano kung wala? pero may kirot within me na wala na ba talga?😔 They say ganyan lang talaga yan bumati ng Merry Christmas pero walang I love you? To think kinda hoping na meron kaso nga expectedko na wala na nga .. Di ko na din alam e haaay ang tagal na din.. pero mukhang wala na talaga .. :((
1/2/2023 10pm
New year ended 2022 na hindi okay at pumasok ang 2023 na hindi pa din okay still thankful kasi nakkaya ko pa ngumiti pero deep within me parang ayaw na mag function:((((
Giving him space doesn't mean na sumusuko na ko nwkakalungkot na taoaga bang titiisin mo na ko 😭😭😭
misssss na misssss na kita baby!
sana maging okay kana maging okay na tayo! wala akomg magawa kundi idaan nalamg sa notes Balik ka na! ayusin natin.. Sana gaya ko nilolook forward mo pa din at iniisip mo pa din pano tayo nagsimula! at sana kapag pwede na pwede pa.. 🥺🥺🥺 Saaaad trying to hide the pain.. 😔
1/3/2023 11pm
not the same day but same feeling since nung di mo na ko pinapansin. ang bigat araw araw sa pakiramdam na hindi kita nakkausap manlang then seeing you posting on your fb it's like nothing happened between us.. ano ba to plano mo talaga na umabot dito para sa YEP at meet up sa mga bff mo di kita hadlangan? ganyan mo nalamg ba talaga ako kadali di pansinin? Sana nararamdaman mo dn unh nararamdaman ko.
missss na kitaaa baby :(( balik ka na poo but this let's start again! nasa pagitan ako ng umaasa talaga ako na magiging okay pa tayo. at dapat na ba kitang palayain I don't! mahal kkita e kahit nasasaktan ako ngauon I know God has better plan kaya ganto tayo! 😌
1/7/2023
Day 10 and mas lalo kita namimiss :(((😭
day 11 and still namimis na kita...
day 12 still wondering kung sumagi ba manlang ako sa isip mo. still can't hold myself na di iiyak everytime they asking me kamusta kana.. 😭🥲
1/11/2023
Di ko na nagawang magsulat pero after 2weeks nag decide ka na talaga :( mas pinili mong sumuko.. lahat ng pwede ko ikasakit ginagawa at binalik mo na.. mas maskit lang yung nagsabi ako ng delay same pa din sagot mo paternity test at kung sayo edi support mo nalang whattt? parang sinuka mo talaga ako.. nagmamadali kang tapusin na parang may nakaabang sayo agad
mahal pa kita miss na kita.. gustong gusto ko na alisin yang pagmamahal na yan para di nako nasasaktan ng ganto.. 😔 sana all madaling naka move on, sana all!
1/23/2023
Day 14/45
minsan iniiisip ko pa din minahal mo ba talaga ako??
like bat ang bilis sayo na wala na tau?
nakakalungkot lang na binigay ko lahat
I start questioning you sa isip ko ..
na baka dahil parausan mo lang ako kaya so easy for you na kalimutan ako nakakalungkot isipin na ako binigay ko lahat tiwala pagmamahal sayo tas yan ikaw ganyan tingin mo aken..
ayuko mainis o magalit sayo pero mas okay na siguro to para less yung sakit na nararamdaman ko yes deep inside me mahal pa kita miss na kita kung owede lang... pero di na ko gagawa ng way to fixed us kung talagang wlaa ka ng ggwn at hahayaan mo na ko then ganon talga. basta malinis ako na mahal at miss pa din kita or maybe its just 2weeks lang sana tulad tayong okay na lang... unfair kasi ikaw happy go lucky samantalang ako ito nahihirapan pa din pero kinakaya...:)
12:10mid
2/9/2023
I always Ask God na kung talagang wala na tayong pag asa or meron man pagalingin nya na tong puso ko 4weeks na nakakalipas nakakausad na naman ako pero still andun pa din ung bigla akong aatkihin ng mental breakdown. I always ask God din na bakit need mo pang pumasok sa panaginip ko? napapaisip ako anong sign ba to?
everytime na mag stalk ako sayo at makikita ko mga ginagawa mo you look so fine na parang wala kang sinaktan na tao. I ask God din na kelan mo kaya pagsisihan ung sinabi mo at mga gingawa mo? I admit my mistakes at pinag sisihan ko na un.. Ikaw talaga bang minahal mo ako? bakit ang dali nalang sayo na tapusin di mo na talaga nilaban. after those conversations Good thing wala sa isip ko na ichat ka manlang ikaw lahat nilinis mo. sx lang ba talaga habol mo saken? Hindi to panunumbat kasi thankful pa din naman ako na dumating ka. naisip ko lang Everytime kasi mas aggressive ka lang kapag gusto mo ng ganon pero after nun dedma na wala ngayon ko lang naisip dahil siguro bulag at di ko oa masort things out sa 4years na un kasma na ung frienship at bilang lover tinapon mo nalang yun?? I feel sad madalas nilalaban ko lang . ikaw you look really happy na ba ayaw mo na ba talaga?? 🥲
11:12pm
march14,
I always Ask God ano bang plano talagasaken ni Lord?
bakit lahat ng minahal ko ended up nothing? this time akala ko sya na ang dami ng plano pero nung natapos parang wala lang sa knya. Lord san ba ako dapat? kung kelan nag adjust ako saka umalis dati nahirapan ako ipakkita ung ako iniwan din ako? Talagan bang wala na syang planong kausapin ako? Ni sorry after ng mga sinabi nya saken ganon ganon na na nga lang talaga? gusto ko na magheal not for him but for myself sobrang pagod na ko kakaisip pero ended sya pa din tumatakbonsa isip ko. ano bang ggwin ko anong ggwin ko sa buhay ko tumatanda na ko pati magulang ko ㅠㅠ
THE STORY OF US ENDED TOO EARLY..
1 note · View note
rahfia · 1 year
Text
Possesive's Own Tragedy by thexwhys
First of all, ang ganda. So much emotion, very roller-coaster ang ma-fefeel mo sa story na to. This is my second story sa Infliction na natapos ko actually. Una kay Hell. Hahaha. Diba naka-warm up na ko. 🤣
My thoughts about everything:
Characters:
Felix Arkon Gulmatico-Laurent. Gosh, speechless ako sayo boy. Hahaha. Hindi ko naman maitatanggi na kinilig ako sa kanya talaga kasi the assurance grabe umaapaw and the honesty top- tier plus kapag magmahal siya center of the world na. The way he would move heaven and earth for his loved ones 100/100 talaga. Pero siyempre hindi siya perfect. Ang pinaka-problem siguro kay Arkon is sinasarili niya lahat na kahit sobrang bigat na hanggang pwede pa, kanya lang. He knows na marami siyang support system pero he chose to keep it kasi nasa isip niya it will burden the people around him. Overall, mamahalin. 🤣
Olivia Maravilla-Laurent. You'll love her. Period. She's a softy but at the same time tough, yan ang nakikitang pag-potray sa kanya. Sa mga napagdaanan niya na hindi niya deserve and to fight it, tama lang ang word na survivor sa kanya. Wala lang ako mapintas kay Livi kasi pati si Helena na maldita love siya. Hahaha. Ang grabe lang siguro kay Liv ay yung overthinking and self pity niya dito malala pero ayaw ko naman invalidate yun kasi gets naman kung saan niya hinuhugot yon. Overall, mas mamahalin.
Story (scenes etc)
Eto yung story na akala mo puro nalang tragedy. Kasi naman hanggang dulo pagsubok malala tong peg ni te Cams. Hahahaha. Pero bumawi naman. 🤣
Ang galing netong story. Hindi mabigat pero hindi rin magaan. The only time na sinipon ako yung na-deds si Kim, after nun na-sad lang nang konti sa ibang scene pero the rest happy/kilig na. Hindi ko sure kung bakit. 😁
I always admire when te Cams brought two people together and etong dalawang tao broken na akalain mo beyond repair. Let's face it before meeting each other Arkon and Livi, they're not living. They are surviving nalang. Kung oras mo na, oras mo na. Parang ganun eh. Kaya as the story progressed nakikita mo yung glow-up between the characters ang laki. They started seeing life differently and i love how they became each other's strength na yung broken pieces naging whole. Destiny talaga sila. 😭❤️
Sobrang ganda rin ng mga topics dito sa stories na to. First,moving on. That is not easy to move forward dahil masakit, kahit hindi kaya pero I salute how the story shows that they do it for themselves na walang tutulong sayo kundi sarili mo na okay rin ang may inspiration pero kung gusto mo talaga, magagawa mo. Kaya let that sink in. Second, being a mother. For some importante ang magka-baby. In this story you provided adoption, surrogacy and pregancy-- different ways, same outcome and that's amazing. Third, awareness. Down-syndrome, Parkinson's and trauma other sensitive topics na alam na-tackle sa stories na to, thank you for that kasi eye-opening yon. Lastly, relationships. Bet ko yung hierarchy ni Arkon pag dating sa relationship nila ni Livi. Noted po.
The wedding scene po. For a person na dagat is life, nag-imagine ako dun talaga. Yung venue, yung suot ni Livi lahat. Sobrang magical. Deserve ni Livi yon.
Also yung heart kineme part. Remember when Arkon is begging Kim's heart to beat vs. Livi letting him know na her heart will beat and Arkon can listen to it everytime. Glow - up din.
Ano ba pa?? Ah yung Erwin scene. Deserve talaga. Sarap mag-cheer habang nagbabasa. Kasi like everyone else kung pwede lang pugutan si Erwin ginawa na. Hahahaha.
Lines:
Inipon ko to talaga. Hahaha.
Eto yung lines ni Arkon na alam mong para kay Livi lahat gagawin niya:
Tumblr media
Also love this line.
Tumblr media
And this:
Tumblr media
Masyado na ko nag-enjoy. Nakaka-inlove kasi silang dalawa. Worth it lahat. Hahaha. Anyway, excited na ko sa mga susunod. Alam ko naman ginawa lang tong appetizer kasi baka madugo na yung mga susunod. 😂
#TPOT #Arkon #Livi #thexwhys
1 note · View note