Tumgik
#dami ko time lately hehehehe
grvntld 9 months
Text
ang cute nung mga clips na nagshshow ng difference on how a person acts when they are on their mother's side of the fambam and when they are on their father's side of the fambam kasi im just gagabells on all sides for real nyahahahahaha like basta isa ako sa parang nagdadala ng ingay and ka-ewan-an talaga
p.s. sasabihin ko sana gagabells ako on both sides but then i hv more than just one mother so all sides na lang iykyk bwahahaha
14 notes View notes
issafterglow 1 year
Text
tranquil - 19th of march
hi !! ummmm okay so to start i only made this blog because
my friends don't use tumblr
i'm trying to avoid bombarding my friends with my pointless ramblings and
someone close to my heart said that if i'm having trouble being vocal about my feelings to other people, either a journal or a blog would be a good tool to utilize so that i don't feel suffocated by my own mind.
ewan ko if i expressed all of that correctly pero that's what i'm here for. to learn how to express my emotions well using a language our colonizers forced upon us :/ kimi! anyway ang dami kong kwento for todays videow since ang dami ring ganap sa life ko lately. i had to enroll for 2nd semester, i started writing again, i went to a beach, and i'm recently trying to get into another book universe.
very hassle ang 2nd semester enrollment namin, i had to wait for weeks para lang makapag enroll because of our stupid school portal. i worried a lot pa na i would spent my whole getaway sa beach worrying about the enrollment kasi yung alis namin for quezon is march 18 then yung last days of enrollment namin is scheduled on march 17-18. march 17 nang tanghali wala parin yung link !!! unfuckingbelievable so nagwoworry na ako kasi, sa 18 aalis kami nang super aga tapos idk how much time it would take pa to arrive at the resort so i was getting anxious but !!!! thankfully nag open yung link around 4 something in the afternoon. i enrolled, finally have a copy of the cor na din BAD NEWS IS: terror profs namin this sem. and this is like legit kasi kinekwentuhan na ako nung kaklase ko from another course about it kaya i had a mental breakdown that same night of march 17. i sort of relapsed, again !!! grabe i was crying my ass off talaga kasi i was thinking the whole time na, uy i have just adjusted from my 1st sem profs, alam ko na galaw nila and then this happened and it looks like this time i have to face scenarios i was trying so hard to avoid for 1st sem. although i am there naman, i am at that part of my life where i want to come out of my comfort zone, hindi ko alam if kaya kong mag commit fully since i'm not exactly at peace with myself just yet. i can already anticipate the amount of relapses i would get. pretty sure mapapahiya ako. and i dont know if i have friends who would still treat me equally if i fuck up over acads so ayun hehehehe uni's so hard. probably new adjustment nanaman for 2nd sem. finals pa namin is birthday ko huhu so ayun. at this point i guess the only thing that i can really do is take the advice of the former students ng prof ko and really devote my life to studying starting now. that's just that. i have to survive and conquer this time.
anyway acads aside,,, life at the beach was fun !!! although we only spent a day and a night out there, it was everything i needed. i forgot my problems for a short while, tapos i made new friends too!! people who are older than me pa ^^ idk if i can still call myself an extrovert pero i swear i love meeting new ppl !!!!! i think i have established a connection with them naman so ayun happy heart nanaman and also new memories agaiiiin :)
very very helpful din yung beach getaway namin for my writer self (wow??? ansaveh) kasi while nasa byahe kami i had time to think about the next step for my story ^^ haddd so much fun with that talaga i love it when i can rack my brain for angsty shit hehehe i have always been anxious about readers' thoughts sa gawa ko when it hasn't even been executed yet. kaya lagi akong nags-stall sa pagsusulat pero ngayon i think i'm gonna push through with this one. it might take a while for me to finish it pero i will get through it. i will. kasi this time i'm only giving a fuck about my opinions alone mwehehehehhehehe. i'm not exactly writing a book but i have been wanting to prove to myself that i can write kahit papano and that i can also touch people's hearts with my words.
speaking of books !!! waaaaah I'M DONE WITH FOLK OF AIR SERIES naiiyak ako why is it so bitin :( i miss jude and cardan fr. di ko muna babasahin yung kay oak kasi wala pa yung 2nd book and i hate cliffhangers !!! so next time !!!! BUT YOU KNOW WHAT I READ NEXT?? i was contemplating between a tjr book or another fantasy book but of course i chose the latter and girllllll I AM LOVING THIS. i'm currently reading shadow and bone tapos grabe akala ko it would be all about fae's lang din and shit so i was hesitant diba pero naurrrr it's like medieval with sci-fi stuff in it grabe i love it !! i love grisha people even though i know so little about it palang pero i am already drawn to the universe !!! saya so much i'm gonna read it tonighttt hehehehhehhe ayun lng !!!!
for the life update, ito lang handog ko for now. mom's going to use the pc na !! wish me luck i hope things work out well in the end.
may the stars align.
1 note View note
dwtwn-rndabt-ride15 6 months
Text
Hello Beibu,
Happy Anniversary to us. 馃挅
Ayan nakita mo na tuloy tong original blog para sana satin. Di ko na naupdate kasi sa dami ng picture tapos madalas naman rin tayo magkasama. Dont worry, iupdate ko ito soon para pag nagpunta ka na Canada. Para, may shared blog tayo. Tapos, pag may di magandang mangyare, may mababalikan kang ganto. Ganun. 馃檪
Anyways, medyo nasad naman ako kasi nag expect ako na babatiin mo ko ng midnight ng anniversary natin kasi nga madalas ka rin naman na magpuyat tapos baka kako may paganun ka. Pero hamuna, siguro ganun talaga.
Wish ko sa anniversary natin, na sana naging masaya ka kapag kasama mo ako. Alam ko, may mga pagkakataon na hindi maganda. May mga away na akala ko hanggang doon na lang tayo. Minsan naiisip ko, di talaga ako deserving kasi parang di ko alam kung may nagmamahal ba talaga sakin. May mga panahon na pinanghihinaan ako, kasi pakiramdam ko hindi ko kaya makipagsabayan. Na kapag dumating ung araw na ako na lang, walang maghahanap sa akin. Di naman sa umaasa ako na maging ganun ako sa maraming tao. Pero ung naramdaman kong importante ako para sa isang tao, masaya na ako dun.
Ngayong anniversary natin, tatanungin ulit kita at bibigyan ng huling pagkakataon. Kung ayaw mo na po sa akin, sabihin mo na po. No hard feelings. Magpapasalamat ako kasi naka isang taon tayo. Na sana sa panahon na un, napasaya naman kita kahit paano. Kahit ganto ako.
Pasensya ka na kung ganto bungad ko sayo sa anniversary natin. Lately ang dami ko naiisip. Alam ko marami akong issues na kailangan pa ayusin. Pero kung pakiramdam mo po na gusto mo pa tumagal kasama ako, lagi naman po akong nandito. Masaya ako pag ganun, kasi alam ko may makaksama ako sa mga pagkakataong di ko alam ang gagawin ko. May mga oras na naiisip ko, gusto ko na lang mawala. Kaso minsan naiisip ko, may kasama ako pag ganto, kailangan mag reach out ako.
Sabi ko dati, baka di na ako mag asawa. Kasi pakiramdam ko di naman ako pang ganun. Sino ba may gusto na ung nanay ng anak nila ganto? Lagi kong nararamdaman na di ako deserving sa mga ganun kasi kulang ako ng emotional capacity para gawin un. Pero ewan, sabi mo wife material nga po Beibu. Sobra siguro kong nakundisyon sa ganoong mindset, na tipong lahat nalang ng negatibong bagay lang ang nakikita ko. Salamat kasi pag may mga pagkakataong ganun, nakikita ko na di naman pala ako ganoong klase ng tao. Kasi pinaparamdam mo sakin at hinahayaan mo na marealize ko na ganun pala ako. Na di lang ako basta ganto. Salamat po kasi di ka nagsasawa sa akin. salamat palagi. sa mga pagkakataon na masaya tayo, hanggang sa pinakalowest natin, di mo pa rin po ako iniwan.
Ang saya balikan nung mga ala ala natin sa nakalipas na isang taon. Nung pumunta tayo ng MOA, tamang trip lang ng lasing pero natuloy pa rin. 馃槄 hehehehe. Tapos late night nating uwi galing Baliuag food park. Mga time na OT kami tapos magpapang abot naman tayo. Binigyan mo pa ko ng yumyum. Late nights na punta mo dito sa bahay, yung unang sama ko sa QA. Dyan pa ko sa inyo nagpasko tapos bago pa umalis sila lola and tita mo,pinakilala mo na rin ako. Late november to December pa lang na happenings yun, lalo na nung nag january and so on. Sa dami ng naging lakad natin, nasanay na ko na lagi ka kasama. Na kapag lumakad ako minsan mag isa, pakiramdam ko may kulang. Salamat, kasi lagi mo ako sinasamahan kahit sa mga maliliit na bagay. Sa pagtulong mo kapag magpapalaba ako tas sasama ka. Dati, ako lang mag isa gumagawa nun, tas aaminin ko medyo nagtatampo ako kay dadi pag ganun kasi ako di tinutulungan tapos si ate rose nakaabang na sya. Sa simpleng bagay na yun, nararamdaman ko na talaga sigurong mag isa ko bubunuin to. Pero nung nakilala kita, nakahanap ako ng katuwang. Na kapag nagkasakit ako, may tutulong sakin tas mag aalaga. Overall na pakiramdam, di na kagaya dati na ako lang mag isa.
Tapos sasabihin nila na nasa mali tayo? Di ko alam ah, pero sa tingin ko nasa tamang tao ako. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman ko na ayaw kong mawala ung taong importante sakin. Sana maintindihan mo, sabihin na nating selos kahit minsan wala sa lugar, na ikaw lang rin ang mayroon ako. Sila dadi may kanya kanya na. Nagkanya kanya na sila lahat sa bahay na to. Gusto ko rin maramdaman na may katuwang. 9 years old pa lang ako ganun na. Naisip ko na panahon na rin para isipin ko ung sarili ko. Ung kinabukasan ko. Kasi ako nalang ang walang kasama. Kaya ngayon alam mo na ibig ko sabihin pag sinasabi kong oag nawala ako, wala naman mag eexpect sa akin. Kasi nga, ayun...
Hinihiling ko sa atin na sa bawat araw, lalo pa nating mahalin ang isat isa. Pero syempre, yun ay kung gusto mo pa ako diba. Part one palang to ng mga pagdadaanan natin. Marami pa to.
Alam kong hindi madali, pero alam kong kakayanin natin kasi ikaw ang kasama ko. Ikaw ang John David Camua De Leon na nakilala kong lagi kong makakasama sa hirap at ginhawa. Sa saya at lungkot, magkalayo man tayo sa magkabilang panig ng mundo. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at hahanapin ko palagi.
Happy Anniversary. I Love You 馃挅
-sai
0 notes
shrclyd-blog 6 years
Text
2
Friday nanaman!!!
Aga ko pumasok ez di ako late hehehehe btw 6:10 ako nagising. Dito na ko mag-aalmusal sa school. Onti lang namin wala pang 10 ngayong 7am :(
SAraperz ng almusal ko hehehe healthy living na ata ako nagpapataba na HAHAHAHA payat ko raw kasi pero totoo nga naman haha. Monggo, 1 and a half rice, egg, saging agahan ko par HAHAHA SARAPERZ.
Sipag ko magrecite ngayon ah :)))
Di na ko nakapaglunch :((
Sinamahan ko si Javier tumae nung lunch time HAHAHAHAHAHHA SARAPERZ.
Ay kumain pala ko nung lunch time hahaha yung cake na bigay niya sakin hihi
So walang klase BaCal kaya free time na naman hehehw tapos nagutom ako HAHAHAHA kumain ako sa baba sinamahan ako ni silao. Dami kong kinain HAHAHA 2 1/2 rice tas afritada ata yun basta red sauced chicken. SARAPERZ.
Uwian na tapos parang ang ingay onti tas biglang sumigaw si silao "wag nga kayo maingay" tapos lahat nag-ingay HAHAHAHHA kung ano-ano pinagsasabi HAHAHAHA BASTA MAKAPAG-INGAY LANG. Tapos kinakanta yung mga cheers nung intrams tas ingay ulet hahahahha
Friday ngayon and U-turn day na par. Tara makati Hope u-turn tayo hehehe kilalanin natin and magkaroon tayo ng relationship kay Christ wiee. Tinuruan ako magtech ngayon hehehe
Dami kong kinain. Nakadalawang kain ako sa u-turn. Btw libre foods and service pauwi dun kaya ano pa hinihintay mo? Tara naaa hinihintay ka na namin. Opx wordplay.
Gaya ng sinabi ko kahapon nakaantok pag maraming kinain so yun bagsak pag-uwi diretso tulog HAHAHAHA
end
xi-xxiii-xviii
1 note View note
babaengmadaldal 6 years
Text
032118
Hello! :)
Alam niyo ba sobrang saya ko lang ngayong araw kasi NAKAPAGPASA NA KAMI NG PROJECT FEASIBILITY STUDY NAMIN SA RESEARCH DEPARTMENT! YEHEY!!!
Kahit nalate ako kasi dapat 1pm kami magkikitang tatlo para magbayad at mag-submit nga, pero nawili ako kakalaro ayun, hahahaha nalate ako. Kung sino pa nag-set ng time, siya pa ang late. Kay galing na leader. Woooo!!! Set na kasi talagang 1pm yun, kaso pina-adjust ni bessy at late na siya nakatulog gawa antagal/late magpasa nung isa naming ka-thesis, eh buong chapter yung nabago. Kaya ayun! Basta ayun. Nakapagpasa naman kami around 3pm. :) sabi pa nung kaklase namin na nakakita samin, alamat daw kami. Sabi naman nung prof namin na isa, ang competitive raw namin. Nagsabi na rin kami sa adviser namin sabi niya, ang galing naman talaga. Hindi ko alam pero nakakataba ng puso. God bless na lang sa Final Oral Defense. NO TO REDEFENSE!
Tapos wala pa kaming FinMan na subject, 'di ko alam kung bakit wala pero nagchat lang yung classmate ko sa groupchat, um-oo na lang kami. So, 1 or 2pm nandun na kaming tatlo tapos 7pm pa yung next class namin. Oh ayos diba? Tambay lang kami dun sa may nursing lobby at naglaro lang ako ng halos dalawang oras, si bessy nanuod lang ng vlogs. Tapos dumating na si Kimmy. Ayun. Hahahahahaha
Nagka-quiz din sa Tax. Tapos nakapag-picture pa kaming apat habang nagku-quiz, eh kasi dictation na true or false saka mabait si sir. Wala, funny lang. Share ko lang din. HAHAHAHAHAHAHA perfect naman namin ung quiz. Hihihi
Ngayon, mag-aaral naman ako ng Law at ang dami daming pinadagdag na sections, jusko. Feeling ko pa, sabay sabay yung exam namin next week. Sana i-move yung Law or Prodman after holy week pero mas better na Prodman ang i-move para 'di ako magrereview sa birthday ko. Hehehehe
Kayo, kamusta araw niyo?
4 notes View notes
themakatiscandal 7 years
Text
Today
So maaga naman akong nagising today pero na-late p rin ako. Marami kasi akong nagawa bago pumasok. Nakapagworkout ako at as usual, nahihirapan ako sa planking. Nakapagluto din ako ng breakfast. Then nakapag linis ako nang konti. So ayun, late ako. Buti na lang, late din ang boss hehehehe. Okay naman ang meeting namin. Mahaba. Natapos kani ng 7pm. Tahimik lang ako all day dahil andami kong ginagawa. In fairness, productive talaga ako today. Hopefully, productive din ako tomorrow. Didiretso na ako sa hotel bukas para sa seminar. Dun sa meeting, nung maggagabi na, medyo ginanahan na akong magsalita sa meeting. Actually, hindi kasi ako masyadong nakikinig sa dami ng work. So far, okay naman. Medyo nagtampo lang ang isang boss dahil hindi ako sumama sa kany sa group. Napansin lahat yun ng mga tao pero sobrang ganda ng araw ko kanina para masira ng kanyang panunumbat sa pagpili ko ng group na sasamahan ko sa travels. Bahala sya sa buhay nya. Basta ako, okay ako today. Nagkita kami ni Jo ng 730pm. Nakapagpdinner kami ng mga 8pm siguro. Libre lang ang dinner. Pumunta kami dun para makahanap ng mga connections. Dahil late kamo dumating, nawalan na kami ng chance na makipagmingle sa iba. Andami pa namang employees ng ibat ibang embassy. Okay sana yun sa travel agency namin. Naabutan namin ang performers. Okay naman. Kumain na lang kami since wala na kaming time na makipaghalubilo. Natapos ng 9pm at dumiretso kami sa bahay ko pero tumambay pa kami sa convenience store til 12 midnight. Nagyosi at nangkape sya habang nagkukuwentuhan kami. So ayun, productive ako today except sa dinner. Wala kaming nakausap na prospects. Okay lang, libre wine naman hahaha.
1 note View note
shrclyd-blog 5 years
Text
2
Friday grrr late na naman ako zz 1/5 lang yung di ako late zz sorry unproductive ng week na to hays pero okay lang hehehe so nagklase kami tas nag-usap usap tungkol sa ibat ibang kailangan gawin聽 maraming free time? i guess聽 hehehe nasulit ko naman ata wiee u-tuuuurnn!! angas boi di kami na-late kahit lagpas 20 mins na hehehe God鈥檚 plan angas isa pa sobrang dami namin ngayon!! saya hehehehe聽 inaantok na ko agad zzz kauuwi ko pa lang e di bale, bawi bukas end,, 022219
0 notes