#hehehe hugy...
Explore tagged Tumblr posts
eyeballs-in-my-head · 2 months ago
Text
Mystic Monkey Mayhem
Tumblr media
If Macaque is plum and Wukong is peach, what is MK? Mango..?
Wukong and Macaque both look a bit off... But would it be egoistic to say that I really like how MK turned out? <:)
Tumblr media
Here's him only <3
73 notes · View notes
morxim · 3 years ago
Text
Akitin Para Ibigin
Tumblr media
PART 1 of 4
May panginginig sa katawan ni Jezrein habang naglalakad papunta sa isang pintuan. Sa likod ng pintuan na iyon ay nandoon ang isang lalaking hinahangaan, lihim na iniibig... lalaking gusto niyang umangkin sa kanyang pagkababae.
Malibog ba talaga siyang babae dahil sa pagtatangka niyang ito? Sa sarili niyang palagay ay hindi, sapagkat ang layunin naman talaga niya ay ang mapa-ibig itong kaibigan niyang si Oliver, na noon pa ma'y gusto na talaga niyang magiging syota.
Mali bang mangarap na magiging kasintahan niya ang lalaking matagal-tagal na rin niyang minamahal ng patago?
Dinaan na niya sa mabubuting istilo ang pang-aakit kay Oliver, ngunit hindi umi-epekto ang kanyang pagiging mabait. Naisip niya na kung hindi nakukuha ang binata sa santong dasalan, ay kukuhanin niya ito sa santong akitan... santong romansahan... at santong yarian... iyon ay kung matatawag bang "kasantohan" ang mga gawaing ganoon.
Hindi niya hiniling na mangyayari ngayong hapon ang pag-angking iyon, ngunit kung mangyayari man, ay nakahanda si Jezrein. Suot ang isang sleeveless shirt at skinny jeans ay iniisip ng dalaga na sana, magagandahan ang lalaking mahal sa kanya.Kung walang mangyayaring anumang kahalayan ngayon hapon, ay ayos lang naman iyon para kay Jezrein. Basta't mapapasa-kanya lang talaga si Oliver... sa kahit anong paraang pu-puwede.
Kumatok siya, may tao kaya sa loob? Medyo may katagalan ang pagbukas ng pintuan. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Oliver – ang lalaking nakatira dito, lalaking laman ng pantasya ni Jezrein. Wala itong suot na t-shirt, na naging dahilan upang halos tumulo ang laway ng dalaga. Kitang-kita niya ang napakagandang hugis ng upper body ni Oliver – sang katawan na hinubog ng disiplina at ehersisyo.  
Matagal nang alam ni Jezrein na ganun talaga ang binata, ngunit iba ang pakiramdam ng makita niya ito ng harapan, sa personal. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga."Rein! B-ba't ka nandito? A-anong ba'ng atin?," mautal-utal na tanong ni Oliver."Ahm, wala, pumapasyal lang. OK lang ba? Di ba ako nakaka-istorbo?" wika naman ni Jezrein.
"Ahm, di naman, hali ka, tuloy."Pumasok naman si Jezrein. Mabilis na nagt-shirt si Oliver, parang hindi mapalagay. Naging curious si Jezrein kung bakit ganun ang ini-asta ng binata. Para itong nahihiya, dahil kaya hindi nito nagawang maglinis ng kanyang silid at mayroon pa siyang babaing bisita? Oh di kaya'y dahil... nanunood ito ng porno at nabitin sa pagsa-salsal dahil dumating siya?
Maaring maling-mali si Jezrein, pero maaari rin namang tama siya. Isa lang ang paraan para malaman niya. "Pwede bang makigamit sa laptop mo Olie? May titingnan lang sana ako..." at binuksan ni Jezrein ang ilang nakaminimize na windows, at nakita ang isang nakaminimize na video – isang sex video.  
Nahiya si Oliver, hindi ito makatingin kay Jezrein."Ahhh, hehehe. OK lang ang ganyan. Syempre, ganyan naman talaga kayong mga lalaki," nakangiting wika ng dalaga. Sinundot ni Jezrein ang tagilirin ni Oliver upang tuksuhin pa ito. Ngunit sa isip ni Jezrein ay sana'y sundutin din siya ni Oliver... gamit ang sandata sa pagitan ng mga hita nito.
"So, patuloy kaya natin tong panoorin? Sige na, para di naman ma-istorbo ang leisure time mo habang nandito ako." Iyon ang mungkahi ni Jezrein na maghatid sa kanilang dalawa ni Oliver sa langit ngayong hapong ito. Nag-alinlangan si Oliver, ngunit pumayag naman. Pinanuod na nga nila ang video.  
Malakas ang pagbuga ng hangin mula sa ceiling fan ng kuwarto, ngunit pinagpawisan pa rin ng bahagya si Jezrein. Init na init na ang katawan niya dahil sa malaswang palabas na pinapanood nilang dalawa ni Oliver. Sa dulo ng kanyang mga mata ay bahagya niyang sinulyapan ang lalaking katabi. Asiwa ito ngunit napapahimas ito at napapakapa sa naninigas nitong sandata na nasa ilalim ng maluwang na basketball shorts nito.  
"Okey ka lang ba diyan Olie?," tanong ng dalaga sa binata."Okey lang, ayos lang ako," sagot naman nito.Ngunit kasinungalingan iyon, alam ito ni Jezrein. Muli niya itong sinulyapan, isinara nito ang dating nakabukakang mga hita, napapaliyad ng konti... iniipit nito ang naghuhumindig na titi. Napangiti na lang si Jezrein.  
Patuloy sila sa panunood. Typical na romansahan at kantutan ang makikita sa screen ng laptop. Alam ni Jezrein na nakita na ni Oliver ang ang palabas na ito, malamang ilang beses na rin. Ito kaya ang dahilan kung bakit sa kanyang katawan na ito nakatitig sa halip na sa screen ng computer? Iyon nga ang nangyayari.... sa cleavage na niya nakatingin ang lalaking katabi.  
Saglit na nahiya si Oliver at tuminging muli sa screen. Napangiti si Jezrein, at kinilig ng konti. Ilang minuto pa ay parang hindi na mapakali si Oliver kung kaya't nagmungkahi na lang si Jezrein: "Ahm Oliver, if you want... magmasturbate ka na lang diyan."  
Nang matapos iyong bigkasin ni Jezrein ay nabigla siya't nagtaka sa sarili, Bakit ko ba na-suggest yun? Yaks. But what's done is done, kaya't hinayaan na lang niya't pinanindigan ang sinabi. Itinaas niya ang kanyang kilay na animo'y hinahamon pa si Oliver na magjakol na nga sa tabi niya.
"Sure ka Rein? OK lang talaga sayo?," ang medyo nahihiyang pagkumpirma ng binata.
"Yea, okey lang no. Kesa naman magtitiis ka lang diyan, mahirap yang ganyan no." Medyo may pagka-concern ang tunog ni Jezrein. Ngunit ang totoo ay- Sige na, magjakol ka na diyan, pahiya-hiya kapa, hihilain ko yang titi mo pag di na ako nakapagpigil, tsu-tsupain ko pa yan, kung gusto mo. Napangiti pang lalo si Jezrein sa likot ng kanyang pag-iisip.  
Di niya inakalang makapag-isip siya ng ganoon sa kainitan ng kanyang kamunduhan. Gusto nga talaga siguro niyang makitang binabalot ng mga daliri ni Oliver ang sarili nitong tite, at magpapataas-baba ang kamay ng binata doon. In short, kumbaga, gusto niyang makitang magpaparaos ang kaibigan sa tabi niya ngayon.  
Wala pang nakita si Jezrein na ganun sa malapit o malayo man, pero heto siya't nagnanais na may isang lalaking magsa-salsal sa sarili nitong alaga. Kung magsa-salsal man itong crush niyang si Oliver sa tabi niya ay tutulong talaga yata siya, palagay niya. Gagawin niya ang kahit na ano, basta't masiyahan lang at makaraos ang lalaking ito na matagal na niyang ginugusto.
Part 2-4: https://noypilyo.site/akitin-para-ibigin-2-4/
3 notes · View notes
amimiyama · 3 years ago
Note
yayayaayyy ji hugis,,,,!!! :D an an an ki gotsa sensry toy,,,!!! s mad outa sof fbric n s gots a rattl n a side tha maks crinkl noiseis,,,,!!! hehehe,,,, s purbl n bloo!! -kira
"ji loves you very much hon!! <33" - ryuji
ooooo, i see!!! sounds like a super neat toy!! :DD - jonah
0 notes
misisdchinita · 4 years ago
Text
Borrowed Time Chapter 1
Farrah's POV
Limang taon na din pala ang nakalipas, sa limang taon na yon ang dami kong natutunan, ang dami kong aral sa buhay na kailangan kong tandaan araw araw noon hanggang sa nakasanayan ko nalang gawin at itatak sa isip at puso ko. Ang saya lang na pinaliligiran ako ng mga positibong tao. Na hindi lang si Jax ang naging kaibigan ko. Oo, totoo hindi lang isa ang nadagdag sa mga kaibigan ko kundi dalawa.
Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ni Jax saakin noon upang pakalmahin ang isip ko.
"Kaya mo 'tong laban na to Farrah, kaya mo! Kakayanin mo. Kasi nandito ako, ituloy mo ang laban mo. Life must go on! Keep going. Hindi kita iiwanan, anong gusto mo? San mo gustong pumunta? Pupunta tayo kahit saan pa yan, sasamahan kita kahit saan basta ipangako mo saakin na lalaban ka. Okay?? Nawala man ang Mommy mo, nawala man ang Daddy mo pero promise me ipagpapatuloy mo ang pangarap mo. Tuloy lang ang buhay. Kung hahayaan mo ako sasamahan kita sa bahay niyo, kahit isa o dalawang buwan lang ako o kahit kailan mo gusto. Hindi ako mawawala Farrah. Pangako! Hindi ba't marami tayong planong puntahan? Magtatapos pa tayo konti nalang hindi kita bibitawan" sabi ni Jax saakin na araw-araw kong iniisip, araw-araw kong gustong itatak mabuti sa isip ko na dapat eto yung ginagawa ko, dapat eto yung mas mabuting isipin ko.
Dahil dumating ako sa puntong down na down na ako, dumating ako sa puntong hindi ko alam pano sisimulan ang buhay ko, dumating ako sa puntong susuko na dapat ako. Pero dahil kay Jax napigilan ang binabalak kong gawin sa sarili ko. I'm proud of myself, kasi nakayanan ko, nalagpasan ko yung pagsubok ng buhay na ganon. Dahil din sa mga taong nakapaligid saakin. Silang tatlo yung masasabi kong gugustuhin kong makasama dahil sakanila nagkaroon ako ng dahilan para makapagpatapos at makapag simula ng panibagong buhay.
Nang huling gabi na ng burol ni Mommy, kinamusta ni Jax si Rhett, naalala kasi ni Jax na may inabot sakaniya si Rhett na business card at nagulat nalang ako ng dumating siya kasama ang isang napakagandang babae, ang puti puti niya ang haba ng buhok siguro magkasing haba kami ng buhok at kulay brown ito, natural ang pagkapula ng kaniyang labi halatang halata ang mahaba niyang pilik mata at ang hugis ng katawan niya?? Ay bongga!! Para siyang model, ang sexy niya. Hayy ano ba 'tong iniisip ko. Hahaha naalala ko nanaman kasi ang unang beses ko siyang nakita. Siya si Amara, bestfriend ni Rhett. Nang makita ko naman si Rhett, noon ko lang narealize na ang gwapo gwapo pala niya hindi ko kasi siya napagtuunan ng pansin ng magkita kami sa Cafe Adelina, unang beses ko siyang natitigan nung nakikipag usap siya sakin huling gabi ng burol ni Mommy, kinukwentuhan niya ako ng kinukwentuhan hanggang sa nalaman kong kilala na pala niya ako sa mukha dahil sa parehas kaming tatlo nila Jax ng paaralan noong kolehiyo kami. Natitigan ko siya, ang ganda ng mata niya may pagka chinito, ang puti, matangkad at ang katawan?? Grabe halatang halata mong mamuscle mukhang suki sa gym!!
"Cass?? Hello?? Are you with me??"  Sabi ni Amara sakin na nakapagpabalik ng ulirat ko. Hahaha oo nga pala nasa pang apat na kaming cake shop wala padin kasi swak sa panlasa niya para sa nalalapit niyang kasal isang buwan nalang.
"HAHAHAHAHA Yes!!! Yes, sorry Lianne para kasi akong nabusog kakatikim ng cakes, hello? Pang apat na natin tong cake shop. Natutulala na ako sa kabusugan wala ka padin ba naiisip na cake shop or do you want us to explore more tomorrow? Sa ngayon pahinga muna tayo after this, if you want sasamahan talaga kita ulit tom. Super excited kana talaga para sa kasal niyo no? ano pakiramdam mo? Ready kana talaga para sa September? Wala na bang kulang? if ever don't hesitate to ask my help, so aside from looking for a better cake shop do you need anything else?? Please I really wanna help you guys para din nalilibang ako maliban sa subsob kami sa trabaho nina Jax" sabi ko kasi lagi nalang nila ako hindi binibigyan ng gagawin na di ako gaanong mabibigatan hindi ko alam kung sadya ba yon o hindi kasi lagi ko nalang napapansin pag merong mga celebration lagi nalang ako yung walang participation masyado. HAHAHAHAHAHA
"You know what Cass? I don't want to give you so much work especially in our wedding ayokong isa ka sa mga stress. Okay na yung kaming tatlo lang yung namomroblema masyado sa wedding na 'to. Gusto ko mas fresh ka pa sakin pag kinasal ako HAHAHAHAHAHA. Anyways imma say yes!! I'm super ready na Cass kasi iba yung feeling ng excited ka talaga like this hindi na matanggal sa isip ko yung magiging itsura ng kasal namin like gusto kong maging maayos, maging mas organize kasi gusto ko yung mga bisita namin masasatisfy they will enjoy and iniiwasan ko din na yung mga guests namin mabored. And you know what is the most exciting part?? I'll be marrying my bestfriend the fact na kilala na namin ang isa't isa since we were a kids like kabisado ko na siya likewise saakin, alam mo yung sa tagal naming magkakilala minsan pumasok sa isip kong solid 'tong tao na to hindi niya ako iniwan sa downs ko even in my ups lagi siyang nandoon walang palya. That's why ganito nalang ako ka excited" sagot ni Amara saakin ng hindi na matanggal sakaniyang labi ang ngiti, miski ako na eexcite na din ako sa kasal nila. Minsan pumasok din sa isip ko yung sinabi ni Amara kanina about sa bestfriend, dumating na din ako sa puntong umamin ako kay Jax na crush ko siya siguro nasa 2nd year HS palang kami non, pero deadma lang hanggang sa nakalimutan na at di na naungkat pa kaya simula non hindi na ako nag hangad ng iba pa maliban sa friendship namin, hahahahahha pag naiisip ko yun nahihiya nalang talaga ako, parang ayaw niya sakin kaya minsan napapaisip ako kung panget ba ako. Sabi naman niya hindi, maganda daw mata ko, bagay daw yung morenang balat ko sa itsura ko. Ewan ko ba, pang friendship relationship lang talaga kaya namin ioffer sa isa't isa.
"Alam mo ang saya ko para sayo, mararamdaman ko din yan siguro pag malapit na din akong ikasal, pero sa ngayon enjoy enjoy ko muna yung buhay ko, enjoyin ko muna trabaho ko. Ngayon palang din kasi ako nagsisimula ulit ibalik yung dating ako, naiba kasi pananaw ko sa buhay simula ng mawala ang Daddy ko hindi ko alam kung paano ako magsisimula kasi Daddy's girl ako sobrang open ko sakanya alam ni Jax yun hanggang sa eto 5 years ago nawala naman ang Mommy ko hanggang ngayon parang gusto ko nalang muna ienjoy yung buhay ko. Hanggang ngayon kasi bumubwelo pa ako" sabi ko sakaniya na parang hindi ko pa kayang pantayan yung excitement niya sa kasal niya. Hehehe siguro kasi talaga wala pa ako sa stage na ganon.
"Alam mo Cass isa ka sa mga taong sobrang tatag, parehas kayo ni Rhett, actually everytime na may heart to heart convo tayong ganito hindi ko maalis sa isip ko si Rhett. Kasi parehas kayo alam ko yung pinagdaanan ni Rhett when her Mom died like Jax hindi din ako nawala sa tabi ni Rhett hindi ko man alam yung pakiramdam ng mawalan ng Parents pero alam mo yun? Yung matic na saakin yung kailangan ko siyang damayan, kailangan ko siyang samahan, kailangan ko siyang intindihin kasi kami lang din yun nagkakaintindihan. Kaya ang saya ko lang kasi bestfriend ko siya. Nandito lang din kami/ako may girl bestfriend kana. Smileee kana jan!!! Tara na tom nalang tayo ulit maghanap. Hehehe sorry Cass babawi talaga ako sayo." Kaya thankful talaga akong meron akong katulad nila eh, kasi everytime na magkakasama kami na lalo akong sinisipag na ibalik yung dating sigla and saya ko.
"No worries, eto na nga lang maitutulong ko tapos babawi kapa" sagot ko sakaniya. Narinig kong tumunog ang aking tiyan, hudyat na gutom padin ako. Seriously?! Ang daming cakes na tinikman namin tapos gutom padin ako?! Whaaaaaaat theee!!!
"See gutom kapa? Akala ko ba busog kana?? Hahahahaha let's go siguro nababagot na si Jax kakahintay satin sa parking lot" sabi ni Amara na nakipag usap pa sa Manager ata yonng cake shop kaya nauna na ako maglakad.
Nang makarating na akong parking lot nakita ko si Jax na may kausap sa cellphone. Mukhang hindi pa niya ako napapansin hanggang sa nakalapit na ako sakaniya.
"Jax??" Tawag ko sakaniya kahit alam kong may katawagan pa siya. Sinensyasan niya akong wait lang.
Nakita ko na si Amara na papalapit na saamin, nginunguso niya sakin kung sino kausap ni Jax nagkibit balikat nalang ako. Nang tuluyan ng makalapit saamin si Amara binaba na ni Jax ang cellphone niya at nagsalita
"Kain tayo sa Mandaluyong, ang sarap ng pares don lalo yung honey garlic chicken diba favorite mo dun Cass?" Sabi ni Jax ng maibaba na niya ang katawagan niya. Konti nalang talaga iisipin ko talagang may gusto sakin 'tong si Jax lagi nalang akong inaalala. Hahahahahaha
"Hayyy nako Jax ayan tuloy lalo akong nagutom!!! Tara na nga masarap don Lianne pero wag kang mag expect na resto yun ah, kasi hindi siya pang sosyal na kainan parang karinderya lang na pinasosyal. Hahahaha" tawa kong sabi kay Amara kasi ang alam lang nito puro resto.
"Yeah sure, no worries guys mas gusto kong kumain sa ganon ngayon. Let's gooooo?? Uhmm sa passenger seat kana Cass, I'm okay at the backseat" Halatang gusto din namin talaga ni Amara. Hayy buti nalang hindi siya maarte katulad ng iba jan. 🙄
Pinagbuksan ako ni Jax ng pinto sa passenger seat at ng makasakay na ako, pinagbuksan naman niya si Amara sa backseat. Hayyy talaga 'tong bestfriend ko napaka gentleman kuno. Hahahahaha nang makasakay na din si Jax umarangkada na kami, as in ang bilis namin. Goooosh sis ang tahimik nila kaya ako na ang nagbasag ng katahimikan.
"Jax sino kausap mo kanina?" Tanong ko kay Jax ng bigla naman siyang napangiti "Si Rhett yun miss na daw niya kayo, inaasikaso niya din ang kasal. Eh tumatawag daw siya sayo ilang beses na hindi ka daw sumasagot pati sayo Amara wala daw sumasagot sainyo kaya sakin na siya tumawag sabi ko nga baka natabunan kayo ng iba't ibang flavor ng cakes kaya nagstay nalang ako sa parking lot" sabi ni Jax samin na napangiti naman ako.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng pouch ko at nagsimula na akong magcheck ng chats and calls niya. Talagang napakadami 61 missed calls tapos yung chats niya umabot ng 142 CHATS???!!!! Talagang napakanganga ako ano kaya nangyari dito. Nagsimula na akong magbasa ng mga chats niya saakin ng bigla naman siyang tumawag.
"Why didn't you pick up all my calls?! I've been trying to call you so many damn times!! and you're not even replying all my chats, kahit isang chat wala kang sineen!!!" eto na agad bungad ni Rhett sakin ng masagot ko ang tawag niya. hello?? wala manlang kamusta jan?? hayy galit nanaman si Boss Rhett!! HAHAHAHA
"Hehehe hiiii? how are you there? kailan ka uuwi?? sorry?? hehe we're on our way to Manda yung malapit sa cityhall remember that place? kakain kami nila Jax" tumingin naman ako sa orasan ko ang aga niyang magising o baka hindi pa siya nakakatulog?? 4:28AM palang don ah? hmm
"Anong hi? hindi ako makatulog kasi hindi kayo sumasagot ni Lianne tapos hi lang? kung hindi pa ako tumawag kay Jax wala akong idea kung ano nangyayari na jan!! btw, I'm gonna go home tomorrow hindi natuloy meeting namin ng developer tomo minove nalang they will just call me when is the next meeting nalang but for now i'll go back there muna. Ano do you have plans na para sa wedding? and please tell Amara na may kasama ako bukas. Actually that's why I can't sleep yet kasi kakaisip para bukas ako yung parang excited. HAHAHAHA naiinggit naman ako parang last time lang kumain tayo jan sa Manda, bukas we need to talk about the wedding" sagot ni Rhett saakin. Ahh, kaya pala siya tawag ng tawag at umabot pa ng 142 chats niya para lang sabihin na uuwi siya bukas, luh ang saya niya ah ano kaya surprise niya. Gustuhin ko mang tanungin pero kilala ko siya basta sa mga ganyan gusto niya yung surprise na makakapagpaiyak ng tao. HAHAHAHAHA
"Okay, okay I get it. I'll tell her sigurado akong iiyak nanaman yang si Amara sa mga ganyan mo Mister Santiago!! Nasa Boni Ave na kami, I'll chat you nalang. Okay??" Wala akong marinig sa kabilang linya pero hindi pa naman namamatay yung call. hayy nako siguro nakatulog nanaman yon!!! Hindi na ako naghintay pa ng sagot inend ko na ang call para din makapagpahinga siya. Chat ko nalang siya siguro para sa plans ko sa wedding.
"It's Rhett, right? What did he say? Is he going home tomorrow?" Tanong ni Amara saakin, minsan gusto ko nalang silang pagbuhulin na dalawa.
"Bukas daw siya uuwi, then sabi niya sabihin ko daw sayo na may kasama daw siya bukas. I don't know who is it kaya wag mo akong tignan ng ganyan na parang gusto mo akong pilitin kung sino yon!! HAHAHAHAHA" inunahan ko na siya kasi yung mga ganyang tingin niya sakin ganyan si Amara pag may gusto siyang paaminin.
"Yeah yeah sure, alam na alam ni Rhett kung paano ako bibitin and I know myself hindi ako mapapalagay kakaisip kung sino ba kasama niya!! Wala akong idea, I mean meron akong kilala pero I don't know kasi I know busy yun super lalo na kailangan niyang ayusin muna yung business nila ni Dad bago lahat" sabi ni Amara, hayy nako Rhett!! Miski ako napapaisip tuloy.
Nandito na pala kami sa gilid ng City Hall ng Mandaluyong dito kasi banda yung kakainan namin na masarap na pares, actually hindi lang pares ang menu nila dito. Meron ding Honey Garlic Chicken, Sisig Tofu, Pakbet, Crispy Pata at marami pang iba. solid dito!!!
Nang makahanap na kami ng pupwestuhan lumapit na samin ang waiter kilala na namin siya dito, siya si Zoe isa siyang beks super bait niya kaya hindi naging mahirap samin ni Jax na maging kaibigan siya.
"Hello guys! mukhang kulang kayo ah nasan si Sir Rhett? Siya ba si Amara?? ang ganda ganda mo naman po Ma'am Amara" ngiting sabi ni Zoe kay Amara, sabi ko na nga ba eh I feel you Zoe nung unang beses kong makita si Amara ganyan din reaksyon ko. HAHAHAHHA
"Aww thank you po, hindi kasi ako nakakasama sakanila because of our preparation para sa wedding ko. You should be there!! for real! I don't have a lots of friends kasi kaya if ever na free ka that day, you can come!" Pag aaya ni Amara kay Zoe, kaya maraming nagmamahal kay Amara eh dahil sa personality niya.
"Naku!! Ma'am Amara wag na po nakakahiya naman po ngayon mo lang po ako nakilala atsaka po araw araw ang pasok ko dito sa Paresan kaya hindi din po ako makakapunta, sobrang na appreciate ko po ang invite niyo. Thank you po" sagot naman ni Zoe kay Amara.
"You sure? But still if you're free, you come okay?" Hindi talaga siya titigilan ni Amara hangga't hindi niya napapa oo ang kausap niya. Hahahaha siya talaga si Amara, napangiti naman ako kasi narealize kong ang swerte ko lang din talaga sakanila ni Rhett dahil hindi lumiit mundo ko kundi mas naging makulay ito buhat ng magkasama sama kami.
"Sorry to interupt you guys but we need to order na, Beef Brocolli for me, Cass do you want HGC again?? Lianne try this Crispy Pata super lit nito!" putol ni Jax halatang gutom na gutom na talaga ang bestfriend ko.
"Yes Zoe, make it 2 order na sakin ng HGC tapos Sisig Tofu. Anong gusto mo Lianne??" tanong ko kay Lianne, kahit ano naman ang orderin niya sulit lahat sa murang halaga lang masasatisfy kana.
"Uhm, Crispy Pata nalang so that we can share. Zoe? may comfort room ba dito? wait lang guys ah" ani ni Amara at tumayo na sa kinauupuan niya
"Ay opo Ma'am Amara samahan ko po kayo. Excuse me po, serve ko nalang po. thank you!" nakangiting sabi ni Zoe saamin, binalikan din namin siya ng ngiti at sinamahan na niya si Amara sa CR.
Napatingin naman ako kay Jax hayy napakapogi talaga nitong bestfriend ko ang tangos ng ilong niya may pagkalight brown ang kaniyang buhok at bumagay sakaniya ang bilugang mata niya ang haba haba ng pilik mata niya hindi siya nakakasawang titigan. hayy nako talaga pag ganitong tinititigan ko siya naiisip ko yung umamin ako sakaniyang crush ko siya!! HAHAHAHAHA
"Woy FARRAH!! ano na?? nakatitig ka nanaman sakin! baka isipin ng iba jan may gusto ka sakin! nako patay pa tayo kay Lianne at Rhett niyan! ngingiti ngiti ka pa jan! seryoso na Cass ano? anong balak mo na sa kasal?" ani ni Jax, ang dami nanaman niyang sinasabi atsaka bestfriend ko naman siya eh ano naman kung titigan ko siya. duh!!
"Actually, kaya tumawag sakin si Rhett dahil jan wala padin kasi ako naiisip ano ba pwede? mag Guest Guess who kaya tayo? isa sa mga indoor wedding games exciting yun tatanungin kung sino yung unang nag first move sino yung ganito ganyan. HAHAHA naiimagine ko palang naeexcite nako" sabi ko sakaniya na may pagkalawak lawak na ngiti sa labi ko na tinataas baba ko pa ang kilay ko. HAHAHAHAH
"Sige dagdag natin yan sa program exciting yan! HAHAHA ako na gagawa ng mga questions!" sabi ni Jax na parang magkadugtong ang isip namin. tawa kami ng tawa ng biglang dumating si Amara kaya nabaling na din namin atensyon namin kay Amara, nagkatinginan kami ni Jax napansin kasi namin na parang namumugto ang mata ni Amara.
"What happen?? bakit??" sabi ko at agad akong tumayo para pakalmahin siya.
"Guys I---I miss him so much!! hindi ko din alam kung ba--bakit ako ganito ka emotional guys I really miss him!! si---guro mag red days na ako" humihikbing sabi ni Amara. Akala naman namin kung napaano na pero hindi lang siya ngayon naging ganyan halos lagi nalang every month na magkakared days siya ganyan siya laging umiiyak o dikaya laging masungit. HAHAAHHA buti nalang hindi ako ganyan. charot :D
"Magkikita na din kayo, don't worry!! Wag kana umiyak kakain na tayo" sabi ko na siguro mababaling na yung attention niya dahil palapit na saamin si Zoe dala dala ang mga inorder namin.
Nagsimula na din kaming kumain at nagpasya akong umuwi muna sa condo ko sa Chino Roces Ave. Inaya ko pa silang dalawa kung gusto ba nilang tumambay muna sa condo ko kaso nireject nila offer ko pagod na daw sila at gusto muna din nila magpahinga muna. Hinatid kami ni Jax inuna namin si Lianne dahil bungad lang din ang condo niya dito sa Makati at kahit kasunod na nito ang condo ni Jax hinatid padin niya ako at saka siya umuwi sakaniya.
Sumakay na akong elevator at pinindot ko ang floor ng condo ko, sobrang lungkot ang nararamdaman ko, hayy ganito na ako pag naghihiwa-hiwalay kami, iniisip ko kung ano ba pwedeng gawin, ituloy ko nalang kaya yung powerpoint para sa presentation namin sa Monday para sa proposal ng bagong ads na ginagawa namin ni Jax? hayyy hindi ko alam kasi tinatamad pa ako Thursday palang naman kaya pwede ko pa gawin bukas or next day.
Nang makarating na ako sa loob ng condo ko laking gulat ko ng makita kong ang daming bulaklak ang dami dami at puro white roses ito, may isang malaking bouquet ng white roses ang nakalagay sa couch ko katabi ng book shelves ko nilapitan ko ito. Sa paglapit ko napansin kong may nakasingit na envelope. Agad ko itong kinuha at binasa ko ang nilalaman.
"Follow the petals on the floor :)" Basa ko sa nakasulat sa papel sa loob ng envelope isa lang ang naiisip kong gagawa saakin nito, paano nangyari yon??
At sinundan ko na nga ang mga petals, nagsimula ito sa tapat ng kitchen ko papunta sa kwarto?? Nang hindi na ako makapaghintay tinakbo ko na ang kwarto ko kung saan nakita kong may mga petals pa. At nang tuluyan ko ng buksan ang aking kwarto nagulat ako sa sobrang daming bulaklak sobrang punong puno ng white roses ang buong kwarto ko at nang makita ko ang may kagagawan nito. Tinakbo ko ang distansya namin atsaka siya sinunggaban ng mahigpit na yakap.
Wala akong maramdaman kundi saya, napakasaya ko kasi sa wakas nandito na siya. Nakayap lang ako sakaniya. At naramdaman kong nilapit niya ang kaniyang labi sa gilid ng aking tainga at bumulong siya sakin.
"I missed you! I really missed you!! I love you so much!!" Sabi niya saakin ng nakapagpaluha sakin, hindi ko mabitawan ang yakap ko sakaniya kasi hindi ako makapagsalita, gusto ko yung nararamdaman ko ngayong saya kasi kasama ko na siya ulit.
~*~
Yeyy!!! sobra akong kinikilig sa tuwing nakikita kong nadadagdagan ang readers ko, THANK YOU SO MUCH PO!! sana magustuhan niyo po ang chapter 1. kitakits ulit tayo sa next update ko po♥️♥️���️
0 notes
lonely-homo-sapien · 7 years ago
Text
Paraiso
Nakamamangha, nakakalula, at nakakatuwa. Iyan ang mga salitang aking masasabi patungkol sa lugar na aming napuntahan noong nakaraang Hulyo 2017. Kung gusto mong malaman kung ano ang lugar na aking tinutukoy, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa.
Hindi madali ang pagpunta sa lugar na ito dahil una, wala itong konkoretong lokasyon kung nais niyong pumunta rito na walang tulong mula sa teknolohiya. Pangalawa, wala itong tanda para malaman mong nandoon ka na sa iyong paroroonan. Panghuli, ang daan papunta ay matarik para sa mga kotseng mahihina na ang makina.
Nagtataka ka na ba kung anong lugar ito? Hindi ito sa Baguio, at hindi rin sa Tagaytay! Ang tinutukoy kong lugar ay nasa probinsya ng Rizal na kung tawagin ay ‘Masungi Georeserve’. Ang pangalang ‘masungi’ ay hinango mula sa salitang ‘sungki’ dahil sa mga batong mistulang sungki-sungki ang itsura sa lugar na ito. Oo, mga bato ang iyong masisilayan dito ngunit hindi lamang mga pangkaraniwan, kundi mga ‘limestone’ kung tawagin ang iyong makakasalamuha sa lugar na ito. Kung iyong iniisip na iyon lang ang maaaring gawin sa lugar na ito, nagkakamali ka.
Ang Masungi Georeserve ay may mga ‘courses’ na kung saan kailangan mong daanan upang malibot ang buong lugar. Oo nga pala, ito ay nakapaloob sa isang rainforest na pinamamahayan ng mga hayop na ngayon ay nanganganib nang maubos. Sa kasalukuyan, unti-unting bumabalik ang mga hayop na ito dahil sa pangangalaga ng mga taong nagbalik ng mga puno rito na karaniwang tirahan nila. Balik tayo sa mga maaring gawin dito.
Ang tanawing ito ay para sa mga taong malulusog ang pangangatawan dahil puro ito lakad, akyat at baba. Lakad sa mga batong manipis at makipot, akyat baba sa mga lambat na nakasabit sa mga batong nagsisitaasan at ang makikita mo sa ilalim ay walang iba kundi mga punong berde, rumaragasang tubig, at mga patusok-tusok na bato. Nakakatakot man pakinggan pero masarap sa pakiramdam kapag ito’y iyong nagawa. Kung iyong iniisip na ito’y isang ‘normal’ na tanawin, nagkakamali ka. Ang tanging ibibigay lamang sayo bago ka pumunta sa mga lugar na inyong pupuntahan ay isang helmet, lalagyanan ng tubig, at waiver na kailangang pirmahan ng bawat isang taong tutuloy sa courses. Nahulaan mo ba kung ano ang isang importanteng bagay na dapat mayroon sila? Wala silang lubid o ‘harness’ para ikaw ay suportahan sa iyong mga pagakyat baba sa mga lubid at batong kailangang daanan! Kahit kami noong mismong araw na iyon ay nagulat dahil wala kaming ideya sa kung ano ang dapat naming asahan sa lugar na iyon. Kahit na ganoon ang sitwasyon, hindi kami natakot harapin ang mga pagsubok na ito. Lahat kami ay hindi nagtiwala sa aming mga sarili ngunit sa huli ay nalampasan namin ito at ang premyo ay mga magagandang tanawin na hindi mo makikita rito sa siyudad.
Mayroong isang tour guide na gumagabay sa amin patungo sa mga lugar na kung saan maari naming masilayan ang mga nakakamanghang gawa ng ating Maykapal. Aking napansin na sa aming buong paglalakbay, wala siyang sinabing lugar na nakakatakot o mahirap lampasan at ito ay aking ikinatuwa dahil hindi nila pinapangunahan ang kanilang mga bisita. Naging ‘highlight’ para sa akin ang isang lugar na kung kanilang tawagin ay ‘sapot’ dahil ito ay hugis sapot na nakasabit sa mga batong matataas. Ito ay gawa sa mga kable na pinulupulupot para maging matibay at makayanan ang bigat ng mga dadaan dito. Sa una ay natakot akong tumayo dito, ngunit ako’y nagkaroon ng lakas loob nang makita ko ang aking mga kamag-anak na tumatayo na rin. Isang ‘highlight’ din para sa akin ay ang huling ‘course’ na kanilang pinangalanang ‘buwaya’. Ito ay isang daanang lubid na kailangan mong tahakin gamit ang iyong buong katawan. Hindi ka gagapang, ngunit bababa ka mula sa tuktok ng bato pababa sa lupa. Ito ang huling pagsubok sa buong halos tatlong oras naming paglalakbay na sinuklian naman ng malamig calamansi juice at tinapay na may palamang tuna spread na gawang-bahay.
Habang nagpapahinga, aming nakausap ang isa sa mga manager ng lugar na ito. Nagkaroon kami ng pagkakataong magtanong sakanya ng mga bagay-bagay na nais naming malaman upang masagot ang mga kwestyon sa aming mga ulo.
Una naming naitanong kung bakit parang hindi nakikita sa Waze ang kanilang lugar at bakit tagong tago ito sa kabihasnan. Ayon sa kaniya, ito ay dahil ayaw nilang sumikat ang lugar na ito at puntahan ng maraming tao. Malimit silang nagpapapasok ng mga bisita rito dahil ayon sa kanya, ang mga hayop sa Masungi Georeserve ay mga sensitibo sa ingay. Ang pagpunta sa lugar na ito ay nangangailangan ng maagang reserbasyon at ito ay magagawa mo lamang sa kanilang site. Isa ring dahilan ang kalinisan sa kapaligiran. Walang mga basurahan sa paligid dahil gusto nilang walang maiwan na bakas ang mga bumibisita rito. ‘Leave nothing but footprints’ ika nga niya. Ang kanilang detirmensyong pagandahin muli ang lugar na ito ay nag-uumapaw. Ayon sa kaniya, ang  gubat daw na ito ay kinalbo noong 1994 at ngayo’y kanilang pinanumbalik ang mga puno sa ilalim ng isang pribadong korporasyon. Hindi raw sila umaasa sa DENR dahil alam naman nilang wala raw silang mapapala kung sakanila sila hihingi ng mga pang pondo upang patuloy na pangalagaan ang lugar na ito.
Alam kong hindi sapat para mapadama sainyo ang aming karanasan sa lugar na ito. Marami man akong nakalimutang ikwento pati na rin sa mga larawang aking ipapakita, hahayaan ko na lamang na ang mga ito ang mismong magkuwento sa kung ano ang aking ibig sabihin sa mga salitang nakakamangha, nakakalula, at nakakatuwa.
Tumblr media
Pagkababa namin sa aming sasakyan, kinailangan pa namin maglakad ng ganito kahaba upang makarating sa bukana ng mismong lugar. (Tito at tita ko po yan hehehe)
Tumblr media
Eto yung sapot na aking nakabnggit kanina.
Tumblr media
Ito ay noong kami ay nagaabang na bumaba sa mga lambat na nakasabit sa mga bato. Napakatarik ng pagkakalagay ng mga lambat sa totoong buhay!!!!
Tumblr media
Ito ang tinatawag nilang buwaya dahil sa pagkakahugis ng lambat nito.
Ano pang hinihintay niyo? Tara na sa Masungi Georeserve!!!!
0 notes