Tumgik
#kubyertos
santosgayoalbert · 3 days
Video
youtube
Cover with Albert Santos Gayo @El Kubyertos At Friday Treats
0 notes
kodigonikreshu · 5 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
314 | ISANG MATA SA ISANG LIBONG PANGAMBA
Alas dos pa lamang ay mulat na ang mga mata kong malabo. Tumingin ako sa aking katabi, "Maaga pa, mamaya na" ang tangi kong naisip nang makita kong yapos nito ang kaniyang kasintahan. Napatawa na lamang ako nang maalalang kay tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito, kinailangan pa naming sumabak sa ilang aktibidad at iraos ang aming pagsusulit. Ipinikit ang aking mga mata, na hindi rin nag-tagal sapagkat nagising ako sa ingay ng mga kubyertos, "Late na pala" bulong ko sa aking isip. Pinilit kong ibangon ang aking sarili upang dumeretsyo sa banyo, ginising ko ang aking kaluluwa nang maramdaman ko ang malamig na tubig na bumabalot sa aking katawan. Mabilis at malinis kong isinuot ang bagong plantya kong uniporme, tiniyak kong baunin ang sweater na aking magiging kaantabay sa lamig ng sasakyan naming bus. Nang makarating sa eskwelahan, nakita ko ang mga puyat at antok pang itsura ng aking mga kabata, sa kabila nito, nangingibabaw pa rin at ingay sa kanila, sa bawat boses ay maririnig mo ang kwento mula sa gabi bago ang araw na iyon, na ayon sa tala nila, ay pinalubutan ng eksaytment at sari-saring pangyayari.
Tahimik ang byahe at ang bawat isa ay nasa isang mahimbing na tulog, tila ba ihinahanda ang sarili sa lakbay na aming tatalakayin sa araw na itinakda. Nasilaw ako sa maliwanag at napakagandang tanawin ng unang destinasyon, naroon ang simbahang kasalukuyang naglalahad ng misa. Maraming balakid ang pag tahak namin sa daan, marami rin kaming pinuntahan kagaya ng; munumento ni rizal, museyo ng koleksyon, at ang hindi kapani-paniwalang pabrika ng tinapay, na ang gumagawa ay ang mga awtomating makina. Ngunit ang hinihintay ng lahat, ang huling destinasyon sa ika-apatnapu't araw ng marso, ang Enchanted Kingdom sa Laguna. Dito, puno ng hiyawan at kasiyahan, mula sa rides at ilan pang maaring aktibidad, hanggang sa mga nagsasarapang pagkain nito. Bago ang lahat, una akong dumayo sa food court, upang libangin ang akin tiyan sa matagal na byaheng nakakagutom ng sikmura. Ang malinis kong uniporme at sweater ay madumihan mula sa sauce ng burger na aking binili, kasabay din nito ang ice cream na aking nabili sa Dairy Queen, natapon pa ito sa dulo ng aking sapatos. Ngunit 'di ko mapigilang tumawa sapagkat ito ay dahilan ng aking pagmamadali, upang subukan ang mga "nakakatakot" na rides ng lugar na ito.
Alas singko nang hapon, marami na akong nasakyan, at ang bawat isa dito, ay kaabibat ang aking mga kaibigan. Ngunit, aking itatala ang tatlo sa hindi ko malilimutang ekspiryens. Huli ko mang sinubok ang Alcatraz, ay masasabi kong kaunahan ito sa aking itatala hindi lamang sa'yo, kundi pati na rin sa mga taong magtatanong kung naranasan ko na ba ang bagsik ng lugar na ito. Kasama ang ilang guro at ang mga minimahal kong kabata, nag simula ang kaba namin sa pag bili ng tikets, "Oh kay dami namin, malaki siguro ang sahod ng mga mananakot na ito" nakatutuwang salita sa isip ko. Nang pumasok kami, nababalot ang lugar ng usok, madilim dito, ngunit hindi iyon nagging dahilan upang mawalay kami sa isa't-isa. Base sa bilis ng paglalakad ng tatlong guro sa aking harapan, ay mukhang nagagalak na silang matapos ito at makalabas. Sa mga pagkakataon iyon, may mga naganap na takbuhan, tulakan, sigawan, at takutan, naipit pa nga ako sa isang sulok dahil sa gulat ng mga nauuna sa akin, ngunit sa kabila ng lahat na ito, nagkaroon ako ng 'di malilimutang halakhakan kaakibat ang mga taong hindi ko inaakalang makakasama ko.
Habang ako ay nasa pila ng Vikings, ang aking puso ay nagugulumihanan sa kaba. Ngunit sa sandaling ito ay hindi ko napigilang hindi magtungo sa aming patutunguhan. Sa aking pag-upo dito, ang kaba ay unti-unting napalitan ng kasiyahan. Sa isang arko, pumatak ang kalembang at dumaus-os ang aking katawan nang mag simulang umandar ang makinang kay kalawang. Karamiha'y kinabahan, nagsimulang sumigaw at kumapit sa bisig ng mga taong hindi pamilyar sa sinasakyan. Ako'y nasa dulo ng barko, at sa bawat pag-hagis nito sa ere, tila bumabalik ako sa aking kabataan. Ang bawat sigaw at hiyaw ay nagpaparamdam ng kasiyahan at ligaya. Hindi maikakailang nagkaroon ako ng hindi malilimutang ala-ala, lalo na't ang karanasang ito ay tumatak sa'kin nang kasama ang aking mga minamahal na kaibigan at guro.
Hindi nagtagal, sinubukan din namin ang Drop Tower, ang kaba sa aking sistema ay hindi mawari. Tila lumilipad ang aking puso, sa pagpatak ng bawat segundo ay para bang bumibilis ang pag-akyat nito sa pinaka taas. Nang makarating kami sa tuktok, aking nakita ang kay gandang tanawin. Ang araw na kay pula, ay umaaktong dilim sa pag-bulag nito sa akin. Kinuha ko ang huling hininga bago pag handaan ang pag-patak nito, nadama ko ang lamig ng aking mga kamay at ng nanginginig kong mga paa. Ang aking puso ay nanlalamig sa takot nang biglang bumagsak ito, pinakawalan ko ang sigaw na matagal ko nang tinatago mula sa linya, hanggang sa pag upo ko sa aking kinalagyan. Sa muli kong pag tapak sa maduming sahig, at sa pg alis ko sa aming sinasakyan, ang kaba ay naglaho na, at ang kaisipang ako'y lumilipad sa mga segundong iyon ay nananatili sa aking puso hanggang sa pagkakataong ito.
Kung inyong tutuklasin, maaring makita ninyo ang ilang letrato na mukhang pitik mula sa digital na kamera. Ito, ay ang mga bakas na naroroon ako, na kabilang din ako sa mga nag hintay upang humantong kami sa huling destinasyon ng edukasyonal na paglalakbay, at higit sa lahat, na ako ang kanilang pang-samantalang retratista sa mga momentong sila ay nakangiti. Sa mga letratong iyon, nabubuhay kong muli ang mga ala-alang tatatag hindi lamang sa kanila at sa'king isip, kundi pati na rin sa iyo, na aking mambabasa. Pinag sisisihan kong hindi ako nahagip sa mga letratong nakakagalak na balikan, upang mahinuha ang panahon, oras, at pangyayari sa mga sandaling iyon. Ngunit, hindi ko kailanmang ikakaila na ipinagmamalaki ko ang aking sarili sa pagkuha ng ilang letratong tiyak na nakapag pasaya sa mga grupo at tao na aking pinitikan.
Alas otso na, lumipas na ang oras mula nang ang araw ay mamahinga, sumapit ang gabing napupuno ng malamig na simoy ng hangin. Narinig ko ang mga tawang nanggagaling sa aking mga kaklase habang naglalakad kami palabas; kwento mula sa mga unang rides na kanilang sinakyan at kung paano sila nagkaron ng tila masaya sabay ang nakakatakot na eskpiryens na mga sandali sa katirikan ng araw. Sa huli kong pag sulyap sa lugar na iyon, naalala ko ang hindi lamang kami nag-saya, bumalik din sa aking sistema ang pagod, init, at inip na niranas ko sa paglalakad, pag-hahanap sa aking mga kaibigan at kaklase, pati na rin ang paghihintay sa linya ng bawat rides sinakyan namin, na para bang walang katapusan ang haba. Ngunit sa kabila ng lahat ng nito, ang aking puso ay napuno ng kasiyahan at pasasalamat, nagbukas para sa akin ang pinto patungo sa isang kakaibang karanasan,at ang karanasang iyon ay hindi lamang simpleng paglibot sa isang pook libangan, kundi isang paglalakbay sa mga ala-alang mabaon man sa nakaraan, ay hinding hindi malilimutan ng aking isipan.
 
Aking mga kabata, at ikaw, na patuloy ang pag-basa sa sanaysay ng aking lakbay, nais kong malaman mo na babalik at babalikan ko ito. Kahit ilang beses pa, sa iba’t ibang oras, pahanon, o sa susunod na habang buhay, hihilingin ko na muling maranasan ang pinaka unang pagkakataon na tumapak ako sa lugar na iyon. Ito ay isa pa lamang, isang mata pa lamang na nagtatala ng kuwento tungkol sa mga pangyayari na sila naman ang nakaranas. Maaaring sa kanilang sanaysay, iba naman, iba namang pangyayari at emosyon ang naisulat sa takdang ito. Ngunit hanggang dito na lamang tayo, dito na magtatapos ang tala ng aking mga munting pangamba at karanasan.
 
Ako muli, ang inyong pang-samantalang retratista.
3 notes · View notes
ronalarcio · 5 months
Text
Ang Pamana
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at Sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alamin Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.” Subject of the Poem: "Ang Pamana" (The Inheritance) explores the theme of familial legacy and the passing down of values from one generation to the next.
Message of the Poem: In "Ang Pamana," Jose Corazon De Jesus emphasizes the importance of the inheritance passed down by parents to their children, particularly in relation to national identity and values. The poem underscores the enduring significance of the lessons and traditions imparted by previous generations, urging readers to honor and preserve this inheritance. Through vivid imagery and emotive language, De Jesus conveys a message of gratitude and responsibility towards the legacy left by our ancestors. The poem serves as a reminder of the sacrifices made by those who came before us and the duty we have to uphold and build upon their contributions. Overall, "Ang Pamana" carries a message of reverence for the past and a call to action for the future, encouraging readers to cherish and protect the inheritance passed down to them for the betterment of society and the nation as a whole.
0 notes
hyakkismet · 5 months
Text
Tumblr media
this reminds me of march 27. i can't believe it's almost been a month already since it's happened.
i don't think i'll ever get over dieter — my boyfriend — having lunch with my whole family. i remember him asking where the kubyertos are, when our ulam is ginataang hipon at alimango, and usual filipino viands. kutsara and tinidor was nowhere to be found. he finally opened up to pagkakamay.
i didn't peel his shrimps, or pinagbiak ko ng mga alimango, pero tinuruan ko sya magkamay. i taught him how to take confidence in his hands to taste savory in food. i taught him how to do a simple task he'll completely carry onto his adulthood. i taught him something significant, and i lent him a lesson my family lent me. i gave him love from decades ago, and yet, it's still brand new.
i think i'll be in love with this guy until everything rots 🫶 until eternity turns to measured time, with no hesitation, only certainty. i love you, dieter. you have my whole heart.
0 notes
meccaela · 6 months
Text
Paano pumatay nang hindi makukulong?
(Naranasan mo na bang pumatay? Osige, iibahin ko ang tanong. Gusto mo bang pumatay? Gusto mo bang pumatay nang hindi makukulong? Makinig ka Dahil may ikukuwento ako sayo Minsan kasi, may nakilala ako. Hindi naman siya kriminal. Pero eksperto siya sa usaping ito. At oo, sa katunayan nga, sa kanya ko natutunan ang teknik na 'to)
Paano pumatay nang hindi makukulong?
Ganito, humanap ka ng biktima
Yung inosente at walang muwang
Yung sa tingin mong hindi manlalaban
Pag nahanap mo na siya,
Kilalanin mo siya
Alamin mo ang lahat lahat ng tungkol sa kanya
Hindi lang yung pangalan o kaarawan niya
Puntiryahin mo rin yung mga bagay na hindi alam ng iba
Lahat ng pinakatatagong lihim niya
Mga bagay bagay na hindi mabababakas pero tinataglay niya
Pasukin mo!
Ang buhay niya
Ang mundo niya
Alamin mo lahat ng ayaw at gusto niya
Tanungin mo kung bakit puti at itim ang paboritong kulay niya
Kung bakit ayaw niya sa suka at bakit mahilig siya sa pusa
Hayaan mo siya
Na isalaysay ang taglay niyang hiwaga
Makinig ka habang iniisa-isa niya ang mga weirdong pangyayari sa buhay niya
At dahil minsan ka na lang papatay nang hindi makukulong, magpapakasadista ka na!
Galingan mo sa pagpapanggap, na kunwari nakikinig ka talaga
Hayaan mo siyang magkwento
Hayaan mo siyang masanay sa kompanya mo
Hayaan mo siyang gisnan ang pagkakaroon ng kaibigan na tulad mo
Hayaan mo siya na ibahagi sa'yo yung mga bagay na takot na takot siyang masialyan man lang ng ibang tao
Hayaan mong gumaan ang loob niya sa iyo
Hanggang sa mahulog siya sa bitag na inihanda mo
At kapag nahulog na siya sayo
Saluhin mo
Kasi nga minsan ka na lang papatay nang hindi makukulong, magpapakasadista ka na!
Kaya oo, saluhin mo muna
Paniwalain mo siya na parehas kayo ng nadarama
Tandaan mong inosente siya sa mundong sinusubukan mong ipakilala sa kanya
Kaya't dalhin mo siya sa lugar na hindi niya pa napupuntahan
Iparamdam mo sa kanya ang mga hindi niya pa nararanasan
At sa sandaling maghangad siya ng isang simpleng harana, alayan mo siya ng engrandeng banda
Sa sandaling maghangad siya ng plastik na kubyertos at plato, alayan mo siya ng mga yari sa ginto
Sa sandali na maghangad siya na mahawakan man lamang ang buwan, alayan mo siya ng isang buong kalawakan
Dahil 'ika nga nila
Hindi alam ng tao ang kailangan niya
Hangga't hindi ito direktang inihahain sa kanya
Kaya wag mo lang siya basta pakainin
Palamunin mo siya
Hayaan mong mabuo ang tiwala niya
Hayaan mong matunaw ang takot niya na baka bigla kang mawala
Hayaan mong tignan niya ang bukas na kasama ka
Hayaan mong maging ikaw ang sentro ng buhay niya
Hayaan mong maging ikaw ang buhay niya
Hanggang sa hindi niya na makita ang sarili na nabubuhay nang wala ka
Samahan mo siya
Na magpakalunod sa ligaya na hatid ng iyong presensya
Manatili ka sa tabi niya habang unti-unti siyang natututo na kumatha ng tula
Tula, na tungkol sa'yo at kung gaano ka niya sinasamba
Tula, na tungkol sa labis na tuwa dulot ng unang tao na nagparamdam ng ganoong klaseng pagmamahal sa kanya
Kung gaano siya kaswerte dahil dumating ka sa buhay niya At kung gaano kalakas ang paniniwala niya, na ikaw na nga ang una't huling tao na mamahalin niya at magmamahal sa kanya
Tula na tungkol sa kung gaano ka niya kamahal na umaabot sa punto na kung mali ang mahalin ka hindi niya gugustuhin maging tama
Tula na nagsasabing mahal na mahal na mahal ka niya
Makiramdam ka!
Kapag alam mo na masyado na siyang nalilibang sa hatid mong saya
at masyadong na siyang nalulunod sa samahan ninyong dalawa, tipong ikaw na yung palaging hanap hanap niya at ramdam mo na mahal na mahal ka na niya talaga
Saka ka unti-unting magbago
Saka ka unti-unting manlamig
Saka mo unti-unting ilayo ang sarili mo sa kanya
Saka mo unti-unting bawiin lahat ng inaalay mo sa kanya
Saka mo unti-unting dalangan ang pagsasabi sa kanya ng mga salitang na nagdudulot sa kanya ng kakaibang ligaya
Unti unti, oo
Kasi nga minsan ka na lang papatay nang hindi makukulong, magpapakasadista ka na!
Kaya oo, unti unti
Dahil wala nang mas sasakit pa sa pamamaalam na hindi mo pa naririnig ngunit nadarama mo na
Na alam mong hindi pa nangyayari pero paparating na
At kapag pagod ka nang makipaglaro sa kanya
Kapag sawa ka nang umisip ng panibagong kasinungalingan pa
Kapag naubusan ka na ng dahilan para manatili pa
Iwan mo na siya
Bitawan mo siya
Nang walang paliwanag at kahit na ano
Sa isang iglap, ituring mo siya estranghetro o kahit na anong walang kwenta para sayo
Sa isang iglap, bigla kang magbago,
Maging ikaw yung tao na hindi interesado sa mga kwento niya
Yung tao, na hindi nasasabik sa mga tula niya
Yung tao, na hindi iniisip ang nararamdaman niya
Yung tao, na hindi alam kung paano mahalin ang tulad niya
Hayaan mo siyang tanungin ang sarili niya kung anong maling nagawa niya Hayaan mo siyang mabaliw kaiisip kung ano pa ang kulang niya
Hayaan mo siyang manatiling gising hanggang umaga na luha lamang ang tanging kasama
Hayaan mo siyang magsulat ng tula na masakit at malungkot ang tema, Hayaan mo siya na maging mapagpanggap, ipakita sa madla na masaya kahit sa totoo lang ang sakit sakit na
Ituturing niya ang bawat araw bilang isang tanikala
Na nakatakda niyang dalhin ang sakit dulot ng iyong pagkawala
Pipiliting tanggapin ang katotohanang wala na, wala nang kayo at wala na yung dating siya kasi wala ka na
Pero mananatili siya sa pagkapit sa pag-asa na babalik ka pa
At walang gabi na nindi siya hihiling na sana paggising niya nandyan ka na
Pero kakainin ng liwanag ang dilim at darating ang umaaga
Magigising siya na tanging malamig na hangin ang sasalubong sa kanya At hindi siya tanga, alam niya, alam niya na isa itong paalala na wala nang babalik pa
Kahit na ilang balde pa ng luha ang iiyak niya
Mapuno man ang bawat sulok ng mundo ng mga tulang isusulat niya
Alam niya
Na hindi na mauuulit ang lahat pero umaasa siya
At babangon siya
Magpapatuloy siya
Kahit na alam niya
Na isa ang mga araw na iyon sa itinakda
Upang isampal sa kanya ang katotohanan na wala ka na
Upang muli na naming maramdaman ang pagkadurog sa tuwing sasagi sa isip niya na umalis ka na
At maya’t mayang sisikip ang dibdib dahil sa pagpipigil ng luha
Dahil bawal malaman ng iba na nasasaktan siya
Pero babangon siya
Magpapatuloy siya
Nang
Buhay pero patay
Patay pero buhay
Buhay na pinatay pero nanatiling buhay
kahit ayaw na niya, ayaw na niyang mabuhay
pero ayaw niya pang mamatay kasi hinihintay ka niya
Buhay pero patay
Patay pero buhay
Buhay na pinatay pero nanatiling buhay
kahit ayaw ko na, ayaw ko nang mabuhay
pero ayaw ko pang mamatay kasi hinihintay kita
Oo ikaw
Ikaw na nagturo sa akin ng taktikang ito
Kung paano pumatay nang hindi nakukulong
Ang galling ‘di ba? Ikaw yung pumatay sa akin pero ako yung nakakulong
Nakakakulong sa nakaraan
Kaya hanggang ngayon hindi pa rin kita nakakalimutan
Kasi naman ba’t ‘di mo pa ako tinuluyan?
Kasi kung alam ko lang na magkakaganito
Hihiling ako sa’yo
Sana pinatay mo na lang talaga ako
Kasi mas mahirap palang mabuhay araw-araw
Habang unti-unti akong pinapatay ng mga ala-ala mo…
1 note · View note
patsdin · 11 months
Text
Ang Pamana
Tumblr media
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?” ”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.” ***********
I. PAMAGAT NG TULA Ang Pamana II. PAKSA NG TULA Ang tula ay nilalarawan ang kalungkutan at nararamdamang pangungulila ng anak sa kanyang inang nagbibilin na sa pamamagitan ng paguusap ng dalawa. III. MENSAHE NG TULA
Walang permanente sa mundo. ---Hindi pa man dumrating ang kanyang oras ay hinahanda na ng ina ang kanyang anak na harapin ang katotohanan ng buhay na ito ay may hangganan. Hindi matutumbasan ng anumang bagay ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina. ---Kahit gaano karami ang maiiwang pamana ng ina sa kanyang anak, hindi ito sapat upang punan ang kawalan na mabubuo sa puso ng kanyang anak. Higit sa anumang materyal na bagay, ang pag-gabay at ang mga pangaral na iniwan ng ating mga ina ay mas mahalaga.
Source: https://www.tagaloglang.com/ang-pamana/ Image source: https://epa.culturalcenter.gov.ph/3/82/2281/
0 notes
handrixpogi · 1 year
Text
ANG AKING PAGLALAKBAY SA BAGUIO CITY
Tumblr media
Noong disyembre 2022 ay naglakbay kami ng aking buong pamilya at mga pinsan sa Baguio City upang gumala at doon ganapin ang kaarawan ang aking lola. Naging memorable ito sa akin at tumatak sa aking isipan sapagkat napakaraming nangyari noong pumunta kami rito. Dito ko naranasan ang masasayang ala-ala na kasama sila dahil napakarami naming pinuntahan upang maglaro at nakakita rin ako ng magagandang tanawin at marami rin akong natikman na masasarao na pagkain. Nakakita rin ako dito ng mga sikat na artista at mga blogger na lalong nagpasaya sa akin. Nalaman ko rin napakalamig ng klima rito at napakasarap gumala dahil sa malamig na at napakagaganda pa ng mga maaari mong puntahan.
Tumblr media
Sa aking paglalakbay, nalaman ko rin ang napakagandang kasaysayan na kwento ng Baguio City. Baguio City, ang tinaguriang "Summer Capital of the Philippines." Nasa puso ng kabundukan ng Cordillera, ang Baguio ay may mayamang kasaysayan at kultura na nagsilbing tanawin ng pag-usbong ng turismo sa bansa. Noong 1900s, itinatag ang Baguio bilang isang panandaliang kampo militar ng mga Amerikano habang kanilang ginagampanan ang papel ng mga kolonyalista. Ang malamig na klima at kagandahan ng kalikasan ng Baguio ay naging mahalaga sa mga Amerikano, at ito ang naging sanhi kung bakit itinayo ang mga unang bahay at gusali sa lungsod. Sa mga dekada na sumunod, naging popular ang Baguio bilang isang lugar para sa bakasyon, at naging destinasyon ito para sa mga naghahanap ng sariwang hangin at magandang tanawin. Ang sikat na Burnham Park ay itinayo noong dekada 1930, at hanggang ngayon, ito pa rin ang paboritong puntahan ng mga turista para sa bike rides at boat paddling. Hindi matatawaran ang papel ng Baguio sa kasaysayan ng Pilipinas, mula sa pagtutulungan ng mga lumad na Cordillera at mga dayuhang Amerikano, hanggang sa pagiging sentro ng kultura at sining sa rehiyon. Sa kabila ng pagbabago at modernisasyon, nananatili ang Baguio bilang isang lugar ng kakaibang ganda at kasaysayan. Isa itong paalaala na ang mga alaala ng nakaraan ay mahalaga sa pag-unlad ng ating bansa at kultura. Ang Baguio ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat isa na masuri ang kahalagahan ng kalikasan at kasaysayan sa ating buhay.
Tumblr media
Napag-alaman ko rin sa aking paglalakbay ang heograpiya ng Baguio City.  Ito ay tanyag sa kanyang malamig na klima at makasaysayang kaharian ng mga Igorot. Ang lugar ay matatagpuan sa taas na 1,540 metro mula sa antas ng dagat, kaya't ito ay kilala rin bilang "Summer Capital of the Philippines." Sa Baguio, maaari mong maranasan ang malamig na klima na karaniwang hindi nararanasan sa iba't ibang mga bahagi ng Pilipinas. Ang temperatura dito ay bumababa hanggang sa 15-23 degrees Celsius kadalasan, na kumportable para sa mga taong gusto ng malamig na panahon. Ito rin ang dahilan kung bakit ito'y paboritong destinasyon ng mga taong naghahanap ng pahingahan mula sa mainit na klima ng Metro Manila at iba pang mga lugar sa Pilipinas. Sa heograpiya, makikita mo ang lungsod na hugis kubyertos sa gitna ng mga mataas na bundok at kabundukan. Ang kanyang kagubatan, tulad ng kabundukan ng Baguio, ay mayaman sa iba't ibang uri ng halaman at hayop. Isa itong paraiso para sa mga mahilig sa trekking, hiking, at iba pang mga outdoor na aktibidad. Isa pang natatanging bahagi ng Baguio ay ang Burnham Park, isang malawak na pook na puno ng mga halaman, bulaklak, at mga pasilidad para sa pamilya tulad ng mga bicycle rental, boat rides, at playgrounds. Ito rin ay isa sa mga paboritong destinasyon ng mga turista at mga lokal. Sa madaling salita, ang Baguio ay isang magandang halimbawa ng kung paano ang heograpiya ay maaaring magkaruon ng malalim na impluwensiya sa kultura at karanasan ng isang lugar. Ito ay patuloy na nag-aalok ng mga kakaibang karanasan para sa mga taong nagnanais na makilala ang kanyang natatanging heograpiya at kultura.
Tumblr media
Sa paglalakbay ko sa Baguio City, napakarami kong natikman na masasarap na pagkain gaya ng strawberries delight, ukoy na labong, good shepherd ube jam, at strawberry taho. Ang Baguio ay tanyag sa mga sariwang strawberries. Hindi mo maaaring pumunta rito nang hindi natutuklasan ang mga strawberry delights. Maaari kang pumunta sa mga strawberry farm at mamitas ng iyong sariling mga strawberries o subukan ang mga strawberry taho, ice cream, at jam na may tunay na lasa ng kalikasan. Pangalawa ay ukoy na labong, isa itong pampatunay sa likas na yaman ng Baguio. Ang ukoy na labong ay isang uri ng okoy o fried vegetable fritter na gawa sa labong ng bamboo shoots na mabibili sa mga lokal na tindahan. Ito ay isinasama sa mga malasakit na handaan at masarap ihain kasama ang sawsawan. Pangatlo ay ang goo shepherd ube jam, hindi mo dapat kalimutan ang Good Shepherd Convent na kilala sa kanilang ube jam. Ang ube jam na ito ay isang matamis at malinamnam na kakanin na hindi mo matatagpuan sa ibang lugar. Ito ay magandang souvenir mula sa iyong paglalakbay. Panghuli ay ang strawberry taho, hindi mawawala ang pag-try ng strawberry taho sa Baguio. Ang tamang timpladong matamis at asim ng mga strawberry ay kumakain sa kaakit-akit na malamig na klima ng lugar. Napag-alaman ko na ang mga ito ay napakasasarap at masusustansya sa ating katawan. Ang mga apat na pagkain na ito ay hindi lamang makakapagpa-lasa sa iyong panlasa, kundi magbibigay-daan din sa iyo na mas malalim na maunawaan ang puso ng Baguio.
Tumblr media
Napakarami rin naming napuntahan na magagandang lugar sa Baguio City. Sa unang araw ng aming paglalakbay sa Baguio, puno ng kakaibang halina ang aming puso. Hindi maipagkakaila ang kaharian ng mga bulaklak sa Botanical Garden. Naglakad kami sa mga makukulay na halaman, at nadama ang sariwang simoy ng hangin. Doon, natutunan naming mas lalim pa ang kahulugan ng kagandahan. Sa pangalawang araw, tinahak namin ang maligaya at masalimuot na daan patungo sa Mines View Park. Dahil dito, naranasan naming magpapicture kasama ang mga pumapaligid na pusa, at makita ang magandang tanawin ng mga minahan. Hindi rin kami pinalampas na bumili ng mga souvenir na hatid buhat ng kabundukan. Sa ikatlong araw, tinungo namin ang BenCab Museum. Sa loob ng museo, kami'y nawili sa mga obra ni BenCab at iba pang Filipino artists. Ito ay isang pagninilayan sa kahalagahan ng sining sa kultura ng bansa. Pagkatapos, nagtungo kami sa Tam-awan Village, kung saan kami'y nadala sa nakaraan at natutunan ang tradisyon ng mga katutubong Igorot. Ang aming huling araw ay puno ng kakaibang karanasan sa Tam-awan Village. Dito, kami'y nakibahagi sa mga gawaing tradisyunal, tulad ng pag-gawa ng mga handicrafts at pagsusumikap sa pagsasaka. Ito'y nagbigay sa amin ng mas malalim na pag-unawa sa buhay probinsya. Napakasaya ko sa mga araw na ito dahil sa mga magaganda at memorableng karanasan na aking naranasan sa mga lugar sa Baguio City. Sa bawat araw ng aming paglalakbay sa Baguio, kami'y nagtamo ng mga bagong kaalaman at karanasan. Ito ay hindi lamang isang simpleng paglalakbay, ito'y isang paglalakbay tungo sa mas malalim na pag-unawa sa kagandahan ng Baguio.a
Tumblr media
Sa paglalakbay ko sa magandang lungsod ng Baguio, natagpuan ko ang apat na pasalubong na hindi ko dapat palampasin upang ibigay sa aking mga kamag-ank sa Bataan. Ang unang pasalubong ay ang mga sariwang Baguio strawberries. Ang tamang pag-aalaga ng mga magsasaka ng strawberries sa La Trinidad ay nagbibigay buhay sa mga maliliit na berdeng ito na puno ng lasa at kaharian ng kalikasan. Ang pangalawang pasalubong ay ang Baguio peanut brittle. Ang bawat subo ay puno ng tamang kasamahan ng matamis at maalat, na nagbibigay ng kakaibang kasiyahan sa bawat kagat. Sa ika-tatlong pasalubong, ang Baguio walis tambo ay hindi lang pang-dekorasyon. Ito'y nagreresulta rin sa malinis na paligid ng bahay at mabisang pangtanggal ng alikabok. At huli, ngunit hindi ang pinakaimportante, ay ang pasalubong na souvineers. Ito ay hindi lang kagamitan, kundi simbolo ng kasipagan at kakayahan ng mga taong nasa likod ng mga produktong gawa sa Baguio. Sa bawat pasalubong na ito, ang Baguio ay hindi lang nagbibigay sa iyo ng kakaibang karanasan kundi pati na rin ng mga pagnanasa para bumalik ka at dalhin ang mga ito sa iyong mga kaibigan at pamilya. Ang Baguio ay tunay na paraiso ng mga pasalubong na may halaga at kahulugan.
Tumblr media
Sa aking paglalakbay sa Baguio City, napag-alaman ko na sila at tanyag sa kanilang mayaman at makulay na kultura. Sa pagdating ko sa Baguio, agad kong napansin ang malalamig na klima nito, na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga tradisyonal na Baguio na damit tulad ng "bahag," isang uri ng traditional na Bahag. Isinusuot ito ng mga katutubong Igorot bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na kasuotan. Sa Baguio, makikita rin ang mga kahoy na krusipikasyon na itinatampok ang mga kababaihan ng Cordillera na nakasuot ng kanilang makukulay at magagandang traje. Isa itong pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa kultura at tradisyon. Bukod dito, ang Baguio ay tanyag din sa kanilang mga maliliit na tindahan na nag-aalok ng mga lokal na produkto tulad ng mga sapatos at tasang gawa sa bulaklak. Ang mga ito ay sumasalamin sa husay at kasanayan ng mga lokal na artisan sa paggawa ng kanilang mga produkto. Hindi rin mawawala ang pagtangkilik sa musika at sayaw sa Baguio. Araw-araw, maaaring mong mapanood ang mga street performers na nagsasalaysay ng mga tradisyonal na sayaw ng Cordillera. Nagdadala ito ng kasiyahan at kulay sa mga kalsada ng lungsod. Sa huli, ang Baguio ay hindi lamang kilala sa kanyang magandang tanawin, kundi pati na rin sa yaman ng kultura at tradisyon nito. Sa aking paglalakbay, naranasan ko ang kasaysayan at buhay ng mga tao sa lugar na ito, na nagpapahayag ng kanilang pagmamahal at pag-aalaga sa kanilang kultura. Ito ay isang paglalakbay na nag-iiwan ng malalim na marka sa puso at isipan ng sinumang dumadaan sa magandang lungsod ng Baguio.
SANGGUNIAN:
(www.crownasia.com.ph/lifestyle-blog/baguio-city-treats-to-warm-up-the-yuletide-season/
https://thefoodietakesflight.com/mixed-vegetable-okoy-filipino-fritters/
https://mycupoftin.com/2016/04/09/strawberry-taho-in-baguio-city/
https://lakwatserangtunay.wordpress.com/2011/04/09/tam-awan-village-a-taste-of-ifugao-arts-and-culture/
https://baguio.ph/things-to-do/rain-or-shine/bencab-museum/
https://m.facebook.com/BaguioBrooms/
https://327471306460665032.weebly.com/home/baguioang-ipinagmamalaking-kultura-ng-lungsod)
1 note · View note
foodhubstarosa · 2 years
Photo
Tumblr media
Usapang kubyertos: spork o spoon and fork #supportlocal #supportlocalph #1Bataan #Bataan #fooddelivery #foodhubstarosa #ordermo #ordermoPH #mangan #manganph #PapaPH #ShortOrders #madetoorder #wheninBataan #foodislife #foodislifeph #silog #SilogMeals #Silogan #goto #gotospecial #lomi #mami #pancitcanton #pancit #pancitbihon #PancitBilao #spaghetti #carbonara #pancitmix https://www.facebook.com/photo.php?fbid=168710702419182&set=a.160946306528955&type=3
0 notes
nice2meetyouu · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"Convenience" Store
Two days ago, while waiting at 7/11, andami kong nakitang pagkain at mga gamit sa branch na 'to. Parang nandito na lahat: pasta, tinapay, kanin, arroz caldo, champorado, sinigang, at mga prutas. I used to buy some of these budget meals before (gawa ng goal ko dati na ₱100 a day lang ang maximum na gastos sa pagkain; at pag nagluluto ako, nauumay ako kasi antagal kong kumakain ng same food), pero ngayon, parang dumami na lalo 'yung choices, at sa tindi ng gastusin ngayon, parang reasonable naman 'yung presyo niya (pantay lang sila ng karinderya, pero 'yon pwedeng bagong luto depende sa timing ko ng pagbili).
Sa isip ko, bakit ako matatakot na mag-move out sa bahay? Tignan mo 'to ('yung mga tinda sa 7/11), basta may pambili, mabubuhay naman ako. Nagulat nga ako na 'yung sodium content ng karamihan sa mga nakita ko eh hindi naman ganu'n kataas kung ikukumpara sa instant noodles. Pera na lang talaga at income ang kulang pero kakayanin ko naman yatang mag-isa. Lahat ng ibang issue, masosolusyonan.
Binalak ko ngang mag-abroad eh. Dito pa kaya na nasa Metro Manila lang? Dito pa ba ako matatakot? Kahit malungkot nang kaunti, baka maging productive naman ako nang sobra-sobra. Mahirap lang pag nagkasakit, walang mag-aasikaso. Pero 'di pa rin end of the world.
Sana makahanap ako ng mura at magandang apartment. Sana naman walang curfew doon (dormer yarn?) at sana may magandang sidewalk...
Marami pa akong nakitang kakaiba (in my eyes) sa loob ng convenience store tulad ng pang-spray sa loob ng helmet (parang pang-sanitize), at small party packages (set of 5 na plato, baso, at kubyertos). Napaka-convenient nga naman ng mga tinda nila. Habang nakatingin ako sa mga chocolate, iniisip ko, ano kayang feeling kung kaya ko 'tong bilhin nang 'di nagdadalawang-isip kung kailangan ko ba talaga 'to at magkano?
5 notes · View notes
ano-po · 4 years
Text
People abroad be laughing on how we use utensils differently. Nobody else in the world uses Fork to push the viand (ulam) and the rice together towards the Spoon.
What I find fascinating is how Filipinos could have just used chopsticks like the rest of the South East Asians with the same culinaries. But no. We don't use bowls. We use European Style plates usually used for steaks and mashed potato. Then we adapted and used it for 'Kanin at Ulam'. We were introduced with a wide set of kubyertos and we chose the two utensils that are most familiar to our ancient consumption: Spoon and Fork.
And people won't find it sophisticated just because it's a hand-me-down culture? Because we don't use Fork and Knife? Because according to the French ettiquette classes it's just plain wrong?
Let me tell you, I will never find another culture turning a spoon into a little plate that could fit the mouth so naturally. I will never find another culture expertly de-bone a Bangus without the aid of hands. And I will never find another culture that wets their carbs (rice, corn, mashed potatoes) with soup during meal, because cooking the rice with the soup is called porridge and porridge is strictly not a meal.
And I find that sophisticated.
85 notes · View notes
widdlefangs · 4 years
Note
I would like to see the filipino MC headcanons 👀
@radiantdae and I were just talking about this last night and we we came up with so much shit so its so GOOD to finally put it here. I just put Bobby for now because he’s demanding to be written down and just wont shut up in my head but i have some for Lucas and Noah too so like if y’all are still interested im here
Bobby 
Was practically jumping all over the place when he heard that MC was introducing him to her extended family 
He had this huge grin on his face the entire time he was there at her family reunion in the Philippines
This first thing she taught him was mano po (a practice of putting an elder persons’ hand to your forehead as a sign of respect)
For someone who barely understood jackshit of what was happening, he was getting along with everyone (???) 
He was even talking to her grandma’s 2nd cousin like they’ve known each other for ages? 
“Ay! Kapogi naman!” (Oh! He’s so handsome!) They lap him up in compliments and wow does he l o v e the affection he gets
“Tita!” he yelled, “how’d you make this? You gotta teach me your recipe!” 
Did he just call her aunt, Tita (Tagalog for aunt) for godsake
“Of course! Lika dito! (come here) You’re practically family already! You should know all of our recipes!” 
Bobby then discovered the world of Filipino pastries. 
He BUYS every single local pastry he finds. Visits her local bakery. Asks everyone how they make it. MC was just going to buy her morning pandesal when he’s suddenly GONE??? and she realizes that he was let in by the panadero to WATCH THE PROCESS?? 
He emerges from the bakery with a newfound sense of joy. The baker calls him “Anak” (son) and MCi is no longer shocked of course
He had this almost mad flurry to learn every pastry he can get his hands on. He knows how to make pandesal, puto, bibingka, ensaymada, and even some pastries she’s never heard of??? 
He hugs her from behind and feeds her a fresh pandesal he just baked and she nearly tears up from the nostalgia. It almost feels like she’s 5 years old again and her homesickness is gone. 
“It tastes just like home, Bobby.” He smiles at this. “Exactly. That’s why I learned it.” 
She learned Bobby is a scary quick learner. He points to random things around the house in Tagalog. 
Points to utensils, “Kubyertos.” and he has this smug ass look on his face and she rolls her eyes playfully “Yes, Bobby.” Points to a window “Bintana.” Points to plants, “Halaman” 
Points to her “Maganda (beautiful)” Points to himself, “Pogi! (handsome)” 
When she asked him, she learned that he was talking to her 12-year-old niece who was all too eager to teach him in exchange for baked goods 
Speaking of little ones, they practically FLOCK to him
“Did you know that Junjun just called me the best tito (uncle) ever?!” 
He knows every single one of them by name (tf even she couldn’t exactly recall her grand uncle’s third grandson but Bobby can??) 
I have tons more but I feel embarrassed now so like hit me up so we can go ballistic over this. And if you guys wanna see Lucas and Noah just tell me hehe
95 notes · View notes
kurtclarencegozum · 3 years
Text
Tagaytay, ang tunay na TAHANan
Dalawang taon na ang lumipas, Oktubre 7, 2019 ng ako at ang aking mga kaklase ay nag-retreat sa Betania Retreat House sa Tagaytay. Napakasaya kami noon dahil kami ang pinakaunang batch na nag-retreat at syempre sama-sama kaming magka-kaklase at ang aming butihing adviser na si Sir Paul. Alas singko pa lang ng umaga ay nasa bus na kami sa tapat ng iskwelahan. Sa daan papuntang Tagaytay, kami muna ay nagrosaryo para sa ligtas naming paglalakbay.
Mag-a-alas dose na ng tanghali ng kami ay nakarating sa Tagaytay. Kami ay nabighani sa tanawin ng Taal Lake at ng Binintiang Malaki o yung maliit na bulkan na parte ng Taal Volcano. Pagkatapos noon ay kumain muna kami at tumulak na papuntang Betania Retreat House.
Pagdating sa Betania, sinalubong kami ng ating mga butihing madre. Kami ay nagdasal ng pasasalamat sa ligtas naming biyahe. Pagkatapos kami ay pinalabas muna upang mamasyal sa hardin ng Betania Retreat House. Napakalinis ng paligid!malamig at presko ang hangin at ang aking pinakagusto, ang katahimikan ng paligid. Doon wala kang maririnig na busina ng sasakyan, ingay ng siyudad, at chismisan! Hahaha biro lang po. Pero iyon ang aking pinakahanap-hanap, ang katahimikan at oras na ikaw ay makapagmuni-muni at magnilay at parang sumasabay pa ang panahon sa iyong pagninilay.
Pagkatapos noon kami na ay pumasok at nag-umpisa na ang dahilan ng pagpunta namin doon. Ang retreat. Kinuha lahat ang aming mga cellphone, kami ay nagnilay sa buhay na aming tinatahak sa kasalukuyan at isa-isa kaming pinagsalita kung ano ang aming pananaw tungkol sa buhay. Noong ako na ang pinagsalita, nag-pokus ako sa aking personalidad. Ang aking pagka-masayahin at palaging positibo sa buhay at pati na rin ang aking bad side na gusto kong baguhin at alisin.
Pagkatapos noon pinatay nila ang lahat ng ilaw at kami ay nagnilay sa pamamagitan ng boses ng isang magulang. Lahat kami ay umiyak isa isa dahil sa boses na iyon na punong puno ng pagmamahal at hindi dapat natin pinababayaan ang ating mga magulang. Pagkatapos noon kami na ay pinatulog para sa kinabukasang aktibidad.
Kinabukasan, alas sais pa lang ng umaga ay gising na kami para sa isang banal na misa. Kami ay nagsimba kasama ang mga madre na noo'y may isang buwang retreat doon. Pagkatapos, kami ay nag-almusal kasama ang mga madre. Napakatahimik, kahit tunog ng mga kubyertos ay wala kang maririnig. Pagkatapos kami ay nakinig sa madre para sa panghuling mensahe. Umalis siya pagkatapos at iniwanan niya kami na kami naman daw ang dapat na magsalita kasama ang aming adviser. Doon kami nagkwentuhan at nagbahagi sa isa't isa, kung paano kami makitungo at hindi lang maging isang kaklase kundi isang kapatid para sa isa't isa.
Pagkatapos kami na ay lumabas para sa picture taking naming lahat kasama ang ibang mga madre. Kami ay nagpapasalamat sa biyaya ng Diyos na kami ay nakapag-aral sa institusyong ito na hinubog kami hindi lang bilang isang mag-aaral kundi bilang isang tao at tunay na Anak ng Diyos.
#LAKBAY-SANAYSAY
#MARIAN
#SMAGUAGUA
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
sheblogstoo · 3 years
Text
Para sa mga namahay ng mga multo ng nakaraan
Hindi ako sanay matulog nang may ilaw. Nasisilaw ako sa liwanag. Nakakapaso at nakakabahala. Pakiramadam ko'y kasunod ng unang kislap ng ilaw ay s'ya namang lingon ng mga matang mapanghusga. Nakikita nila ang kahubdan ng kaluluwa ko.
Pagkauwi ko kanina, tinanggal ko lahat ng saplot kong tanging karamay ko sa paglalaboy. Oo, pinipilit ko pa ring takasan ang mga anino ng mga kahapon na kasama ka.
Labing-siyam na buwan at anim na araw na ang nakalipas. Itong klase ng pag-iisa ay wala pa ring senyales ng katahimikan.
Naaamoy ko pa rin ang gatas na tinitimpla mo sa tuwing hindi ka makatulog. Naririnig ko ang mga yabag ng paa mo mula sa banyo kada gabi dahil sabi m'oy kasalanan ang pagtulog nang hindi naghihilamos. Nalalasahan ko pa rin ang tamis ng mga hagikhik mo mula sa mga hilig mong panoorin. Dama ko pa rin ang init ng hininga mo sa tuwing maglalapit ang mga mukha natin sa pagtulog. Wala kang kaalam-alam kung ilang beses ko nang tinakasan ang antok dahil mas ginusto kong tignan ang mukha mo.
Pagkatapos kong magbihis ay ibinaba ko ang kapeng dala ko mula sa labas at saka tinignan ang relo. Nagsimula akong iligpit ang bawat gamit na nagpapaalala sa akin ng mga multo ng nga alaala mo. Isa na lang ulit ang tuwalya sa banyo. Nasa basurahan na ang sabon at koloreteng gamit mo sa tuwing maghihilamos ka. Hindi na rin sobra ng isa ang bilang ng mga kubyertos ko. Nagpalit na ako sa kutson at tinapon ang puting damit ko na huli mong hiniram.
Ngayong gabi, pinili kong hindi patayin ang ilaw. Hahayaan kong usisain ako ng mga multong ilang ulit kong ibinahay dito. Napaghandaan ko na ang mga pagpaparamdam mo. Hindi na ako magugulat sa mga kalabog, sitsit, at bulong ng pangalan ko.
Hindi ko papatayin ang ilaw pero huwag mo sanang ikagalit kung sa pagpikit ko ay siya namang pagkalunod ko sa kinang ng mga mata mo.Pangako, araw-araw naman akong aahon.
3 notes · View notes
reinnotrain · 4 years
Text
Hindi ko pa rin alam kung paano ko sisimulan. Pero sige. Kailangan kong ilabas ito para makahinga naman ako.
August 1- Naunang nilagnat si Papa, pabalik balik kasi sya sa medical and nag cocommute pa sya or taxi. Napaka risky. Kaya sya nagpapa medical kasi need nya for his employment.
August 3- Nilagnat ako, from here on and off na up to Aug 14, 2020. Nawalan ako ng pang amoy at pang lasa.
August 4- Pinapunta ko na sila Mama at Papa sa hospital para mag pacheck up, nirerecommenc for swab si Papa kaso nga lang sobrang mahal ng 10,000. Ayaw rin namin mag risk for rapid na worth 2,000 kasi walang kasiguraduhan. Ending nag reseta ng gamot sakanya for allergy. Same day nilagnat si Mama.
Aug 5- nag pasundo kami ng ambulance ni Mama papunta Government Hospital ng Valenzuela para mag pacheck up kami. Ni laboratory test lang ako and nag reseta ng for allergy rin. Si Mama naman pinag Vitamins lang. Hindi ko rin alam bat ba kami nagpunta dito. Pero nakampante ako na wala akong infection.
Aug 6- nakikipag coordinate na ako sa Valenzuela CESU for dree Swab program ng Valenzuela. Araw araw ko sila tinatawagan para ma follow up na at nag tweet na rin ako kay Mayor Rex para ma sched kami agad.
Aug 11- na swab na kaming 3 nila Mama. Si Papa kasi unalis para kuhanin ang hearing aid nya.
Aug 13- nagpunta na ako ng Bernardino General Hospital kasi hirap na ako huminga. As in yung hingal ko kakaiba na. Nag Xray and nalaman na may Pnuemonia ako. Waiting pa rin kami sa results namin sa swab pero handa na ako tanggapin noon na positive ako. Under medications na ako for Pnuemonia, ang daming antibiotics. Sleepless nights dahil pag nag pawis tuloy tuloy walang tigil.
Aug 14- 1am nakatanggap na ako ng tawag from CESU, lumabas na ang result ni Mama. Positive si Mama for COVID-19. Natunaw yung mundo ko. Nanghina ako lalo. Hindi ko alam anong gagawin ko. Gising si Mama at naririnig nya usapan namin. Same day kukunin sya for isolation. 8am that day, iyak ng iyak si Mama dahil lumabas na resulta namin ni Kuya at Negative kami ni Kuya. So saan ko nakuha ang Pneumonia? Kinausap ko yung nagsabi sakin na Negative ako eh may Pneumonia na ako paano yun, pinasa ako sa Doctor ng CESU and tinanong kung from then ba na nag swab hiwalay ba tulogan at kubyertos namin sa isat isa. Which is OO, ako nag huhugas ng plates ko kahit hingal na ako. Sabi ng Doctor, nasunod ang protocol ng social distancing, bumalik ako after a week sa Doctor ko sa Bernardino para sa follow up check up. So balikan ko lang kung saan ko nakuha ang Pneumonia, mahilig ako mag laro, madalas ang ligo ko after shift, basa ang buhok tututok sa aircon ang likod at maglalaro, maaaring doon ko ito nakuha. Maintain Social Distancing kay Papa kasi di pa na swab. Same day ng 4pm, namatay yung pinsan kong Nurse, sobrang sakit na. Hindi na namin alam saan lulugar o kanino lalapit. Sobrang lungkot na ng Papa ko. Sobra na yung bigat ng problema sa pamilya namin. Sobra na. Pero hindi kami bumitaw sa dasal.
Aug 17- Na isolate rin ang Tita (mom ng pinsan ko na Nurse) at Ate (kapatid nya) since nag positive rin sila.
Ngayong araw na ito, na swab na father ko, dasal pa rin namin na negative sya, hindi na ako nilalagnat at umo-okay si Mama at sila Tita. Kaya sobra pasasalamat ko sa lahat ng taong nag dasal para sa pamilya ko at sa mga tao na handang tumulong kahit financially saamin. Wala akong ibang hiling kundi maging ligtas ang buong family ninyo sa COVID-19 at sa kahit anong sakit ngayon. Kaya kahit sinong masamang tao ka pa, hindi ko talaga kaya mag biro about the Virus kasi maski kaaway o may galit sakin hindi ko hihilingin na magkaroon ng ganong Virus.
Hiling ko lang na maging maingat kayo. Palakasin ang resistensya at wag itake for granted ang health.
Lalaban ang family namin at babangon kaming sabay sabay.
30 notes · View notes
tobinheath · 4 years
Note
anon from 🇵🇭 here👋- I saw someone here mention the something between Philippines & Spain. I'd like to point out the 🇵🇭 were under Spain for 333 years. So our culture is heavily influenced by Spain rlly & a lot of us are more likely of spanish decent+ we still use some Spanish words in our day to day lives too like bintana, kubyertos (<< hope I spelled that right 😂), to name a few. And I think our ability to roll the R's can help when trying to learn the Spanish language too.
Very interesting. Maybe after i learn the languages i can learn the history
3 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
elehiya para sa nagdaang dekada
          sinilaban ang paputok           sabay sa pagkalabit ng gatilyo           upang tapalan ng mga tunog ng pagkamangha           ang mga tinig na gustong sumabog at magpakawala           "maligayang bagong taon!", pahayag ng mga bituin
          saksi ka sa maraming bisita           tulad ng paminsan-minsang suwerte           at napapadalas na kamalasan           gaya ng isang balang tumatagos           sa sarili mong mga pangamba
          sa mga nagdaang handaan na iyong nadaluhan,           opresyon ang isa sa mga pangunahing sangkap           ng progresong pinagsasaluhan ng mga naghaharing-uri;           tiyak kong hindi masarap ang mga tira sa hapag           na pilit isinaksak sa'yong bibig           gaano pa man kakinang ang kubyertos na gamit
          ngunit hindi ko ibubunton sa'yo ang lahat ng sisi           kung 'di mo pa napagtanto ang pagkabahaw ng isang bahaw           dahil parehas lang tayong biktima           ng mga ideya't kumbensyon           kung saan tayo ay iminulat;
          ika'y yumao man,           nagbabadya pa ring maulit ang kasaysayan           kung parehas ang pagtrato sa nakaraan at ngayon;           ngunit hindi namin hahayaang           kalawangin ang kamay ng orasan           na parang tanikalang ibinabad sa siklong di mabuwag
          sinilaban ang paputok           sabay sa'yong pagkamatay           walang tunog ng torotot o kaldero           tanging ang nangangalampag na ingay lamang ng masa           na umaalsa patungo sa himpapawid           na kumolekta sa pulbura
          — isinulat noong ika-8 ng Enero 2020
3 notes · View notes