Tumgik
#lasislasfilipinas
metronomad · 6 years
Video
#Balabac #DownSouth #Palawan #Adventure #IslandLife #Philippines #BackdoorOfThePhilippined #Travel #Adventure #RemotePlaces #Pilipinas #LasIslasFilipinas (at Balabac, Palawan, Philippines) https://www.instagram.com/p/BnZC5MEHHMI/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1st6iott4w9bs
1 note · View note
moonstarsolar96 · 6 years
Text
1889 {ONGOING STORY}
Tumblr media
CHAPTER  1
{uno}
My name is Lara and I'm 21 years old. Fresh graduate ako ng BS Computer Science sa isang university dito sa Bataan.
Nandito ako ngayon sa bahay namin maghapon. Hindi pa kasi ako tinatawagan doon sa inaplayan kong trabaho sa isang national high school bilang computer teacher. Si Mama naman ay nasa palengke at nagtitinda ng mga branded overruns na mga damit galing pa sa Bangladesh. Kami ang may-ari sa dalawang stall ng boutique doon sa harap ng palengke.
Si Kuya Leo- short for Leandro, naman ay nasa trabaho pa. Isa siyang computer teacher sa university na pinanggalingan ko at sya namang pinapasukan ngayon ng bunsong kapatid namin na si Lucas. Dalawang taon ang pagitan namin niKuya samantalang isang taon naman ang tanda ko kay Lucas.
Wala na si Papa. Namatay sya noong 2010 due to myocardial infraction. He was 55 back then.
"Lara, nandito na ko. Wala pa ba si Kuya? Tara punta na tayo kay Mama." Yaya ni Lucas sa akin. Wala talagang galang ang isang to.
Tinutulungan kasi naming si Mama sa pagtitinda ng mga damit sa palengke. Hinihintay ko munang umuwi si Kuya o si Lucas bago ako pumunta doon dahil iyon ang bilin sakin ni Mama. Araw-araw kasing dumadaan yung nagdedeliver ng itlog at gatas ng kalabaw sa bahay kaya araw-araw ko ring hinihintay yung anak ni Aling Josie na si Gino para bayaran ang itlog at gatas na dina-dala nya.
"Hindi mo ba kasabay si Kuya? I-text mo. Sabihin mo mauuna na tayo sa palengke, sumunod na lang sya. Magbibihis lang ako." Bilin ko kay Lucas habang umaakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto naming magkakapatid.
"Hindi ko nakita sa school eh. Sige, text ko na lang. Dalian mo." sabi ni Lucas habang naupo sa sofa at ibinaba ang bag na dala nya.
Nagbihis ako at bumaba na. Naabutan ko si Lucas na nag-se-selfie at in-upload ang picture nya sa Facebook.
"Lucas tara na." yaya ko sa kanya at tumayo na sya mula sa pagkaka-upo at ibinulsa ang cellphone.
"Patayin ko lang yung wifi, mahirap na, baka may makisagap na naman." Sabi ni Lucas at naglakad palapit sa router at pinatay ang internet.
"Siraulo ka talaga. Pag ikaw narinig ka na naman ni Julia, sasabunutan ka na naman non." Si Julia kasi ang anak ni Aling Lota na kapitbahay namin. Banas na banas silang dalawa ni Lucas sa isa't isa dahil nahuli kasi ni Lucas na naka-connect ang iPad ni Julia sa wifi namin. Iyon pala ay nakiusap si Julia kay Kuya na maki-connect muna sa wifi namin dahil biglang nawala ang internet connection sa bahay nila at under maintenance pa.
"Pabayaan mo nga sya. Mamaya, pag-alis pala natin eh hina-hack na ng bruhang yon yung atin." Inis na sabi ni Lucas.
Pumunta na kami sa palengke at tinulungan namin si Mama sa pagtitinda. Walang masyadong customer ngayon kaya nakatambay lang kami ni Lucas, kasama yung mga tindera ni Mama na mga fangirls ni Kuya at Lucas, nakaupo kami sa isang mahabang plastic bench sa labas at nagce-cellphone.
"Mga anak, papabili ako kay Allysa ng merienda natin. Anong gusto nyo?" tanong ni Mama.
"Sakin po siomai, Ma. Tsaka hamburger at coke." Sabi ni Lucas habang naglalaro ng Mobile Legends sa cellphone nya.
"Ang dami mong pinapabili ah. May patago ka?" biro ko kay Lucas. Nagkibit-balikat lamang ito habang hindi inaalis ang tingin sa laro. "Ma, sa akin waffle, yung cheese hotdog tsaka coke na rin po." Ngiti ko kay Mama.
"O sige, bantayan nyo yung tindahan kasi pupunta ako saglit sa bahay nila Cory d'yan sa likod ng palengke." Paalam ni Mama.
"Opo." Sabay naming sabi ni Lucas.
Nakalipas ang 30 minutes at nagdagsaan ang customer sa kabilang stall ng tindahan ni Mama. Lahat ng tindera ni Mama ay nasa kabilang stall at si Lucas ang nasa cash register. Halos lahat ng customer ay mga babae at bawat babaeng papasok sa tindahan ay lumalabas ng may ngiti sa labi o di kaya ay nag-b-blush. Kagagawan na naman ni Lucas yan malamang.
Natawa na lang ako habang itinuloy ang pag-ce-cellphone. "Hintayin nyong dumating si Kuya." sabi ko sa sarili ko. Isa pa kasing malandi yun eh.
Nakapagtataka naman yata na walang katao-tao dito sa stall na binabantayan ko? Hindi man lang sila tumitingin dito? Pero okay lang, at least 'di ako pagod at haggard, hindi katulad ni Lucas at nung mga babes nya. Mga Haggardo Versoza ang peg! Haha
Nagulat na lang ako nang biglang may lumabas na lalaki sa dressing room ng stall na binabantayan ko. Wala namang tao dun kanina ah. Isang makapal na kurtina lang ang nagsisilbing takip doon at medyo nakaangat iyon sa semento kaya talagang makikita mo kung may mga paa ng tao sa loob.
Literal na nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking titig na titig sa akin. Nakasuot sya ng mahabang white long sleeves at itim na slacks yata yon at boots na parang isinusuot lamang noong panahon ng mga kastila sa Pilipinas. May hawak rin syang cap na hindi ko mawari kung anong style ba ng sombrero yon at brown na bag sa kanang kamay. Hindi kaya galing ng costume party tong si kuya?
Halatang may lahi itong espanyol dahil sa facial features nito. Lilinga-linga ito sa paligid habang ibinabalik ang tingin sa akin. Bibili kaya sya ng damit?
Ayos naman pala. Magkaka-benta rin ako sa wakas! Thank you, Lord!
"Uhm... excuse me, kuya. Bibili ka ba ng damit? Eto, bagay sayo." Sabi ko habang inaabot sa kanya ang isang t-shirt na basta ko na lang kinuha sa rack na nasa tabi ko.
Nakatitig lang ito sa akin ng matagal kaya pumalakpak ako malapit sa mukha nya at iwinasiwas ang kamay ko sa tapat nya. "Okay ka lang?"
"Dónde estoy, y por qué estoy aquí?" ano daw mga bes?
Pinagtitripan ba ko nito? "Ano?...I mean, what?" Spanish naman pala to. Pano ko naman kakausapin to, eh hindi naman ako marunong magsalita ng espanyol? Ang alam ko lang eh Si, No, at cuchara't tinidor.
"Sabes hablar español?" sabi pa ulit nya.
Pinisil ko ang sentido ko at tumalikod sa kanya. Mag-no-nosebleed ako sa lalaking to beshy. Hindi ko keri makipag-usap sa ganito. "Hintayin...mo ako...dito." Sabi ko habang sumesenyas sa kanya na maghintay sya doon dahil tatawagin ko yung kapatid ko na nasa kabilang tindahan. Baka sakaling magkaintindihan sila nitong lalaking to.
"Huwag mo akong iwan dito, Binibining Laura." Nag...nag-tatagalog? Siya?At ano daw? Binibining Laura? Aba't medyo ginalit ako nito ah. Nagtatagalog naman pala tapos kung sinu-sino pang Laura ang sinasabi.
"Laura? Lara ang pangalan ko. At nakakaloka ka naman pala kuya, may pa espa-espanyol ka pa dyan kanina eh marunong ka naman palang magtagalog!" Natatawang sabi ko.
"Nasaan ako? Bakit ganito ang paligid? At ano itong mga kasuotang ito?" Nakakunot ang mga noo nya habang iginagala ang paningin sa loob ng tindahan.
Natawa naman ako dito kay kuya. Parang akala mo eh galing sya sa ibang panahon at nag-time travel sya from the past to the future! Sa libro at movies lang yan, hoy!
"Ayan ang kalendaryo oh. January 18 pa lang ngayon pero nakapang-costume party ka na. Kaloka ka." In fairness dito kay kuya ha, ang pogi! At matipuno ang pangangatawan. Nag-g-gym kaya sya?
Nang mapatingin sya sa kalendaryo ng isang kompanya ng mga alak ay nanlaki ang mga mata nya, na akala mo'y gulat na gulat. Napatakip pa sya sa mukha nya at umiwas ng tingin. Na-shock kaya sya sa sexyng katawan ni Ellen Adarna na naka two-piece habang nasa boxing ring?
"T-Taong dalawang libo't labing walo na ngayon?" Gulat na tanong nya.
"Oo naman. Ano ba sa tingin mo? Bibili ka ba o hindi? Sinasayang mo lang ang oras ko." Magtataray na sana ako nang biglang magsalita ulit ang lalaki.
"Totoo nga ang sinabi ng matanda! Na mapupunta ako sa panahon kung saan muli kong makikita ang iniibig ko." Sabi nya habang nakangiti sa akin na animo'y tuwang tuwa.
"Ano? Sinong matanda? At anong pinagsasasabi mo? Ang lalim mo naman mag-tagalog, magdudugo ang ilong ko sayo eh. Bibili ka ba o bibili ka?" tanong ko sa kanya.
"Ako ito, si Sebastian Alonso. Hindi mo ba ako nakikilala, Binibining Laura?"
Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasasabi nitong lalaking to? Hindi kaya, takas sa mental 'to?!
"No puedo creer que esté aquí." (I can't believe that I'm here.) sabi na naman nya habang nakatingin sa akin. "Galing ako sa panahong isang libo, walong daan, walompu't siyam. Nandito ako upang makita kang muli, aking sinta."
Ano daw?! 1889?
"1889? Ibig sabihin nag-time travel ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Weh? Di nga?"
May kinuha syang papel na nasa bag nya, "Ito ang makapagpapatunay na ako ay nagsasabi ng totoo, Binibini." may inabot siyang parang lumang papel na parang dyaryo. Nakasulat sa malalaking font nito sa itaas ang "La Solidaridad" ito yung lumang pahayagan noon ah! So ibig sabihin ba nito, nagsasabi siya ng totoo?! O baka naman jino-joke time lang ako nito at replica lang pala to?
"Ang sinabi mo sa akin noon bago ka umalis ay ipakita ko lamang sa iyo ang pahayagan na ito sa sandaling magkita tayong muli." sabi nya saka may kinuha na naman syang papel sa bag nya. Ano ba to? Bag ni Doraemon? Kung anu-ano ang lumalabas eh.
"Ito pa." inabot nya sakin yung isa pang brown na papel na nakatupi. "Iyan ang ipinadala mo sa aking sulat noon bago ka mawala sa inyong mansyon." Ano daw? Mansyon? Siraulo yata to wala naman kaming mansyon eh.
"Mansyon? Wala naman kaming mansyon." binasa ko ang laman ng sulat na sinasabi nya.
Dear Sebastian,
Ako to, si Laura or Lara na nakilala mo sa isang pagdiriwang sa mansyon ng mga Romero.
Naalala mo pa ba ang una nating pagkikita?
Naalala mo pa ba noong bigla na lamang akong sumulpot sa harapan mo habang ikaw ay nasa balkonahe ng mansyon ng iyong tiyuhin at tulala sa isang tabi?
Hindi ba't gulat na gulat ka at muntik ka nang mahulog noon, buti na lamang at nahatak kita.
Napaka-conservative mo pa nga noon kasi bigla mong inalis yung kamay ko sa braso mo.
Ang sungit-sungit mo pa sa akin noon.
Naalala mo rin ba noong umakyat tayo sa puno ng mangga?
Doon mo pa nga inamin sa akin noon na mahal mo ako.
Kinilig ako ng bongga noon, Basti.
Tinuruan mo pa nga akong sumakay sa kabayo hindi ba?
Naalala mo rin ba noong tinuruan kitang magsalita ng Ingles?
Itinuro ko sa iyo ang salitang time travel hindi ba?
Iyon ay ang paglalakbay sa ibang dimension o panahon.
At naalala mo rin ba iyong sinabi ko sa iyo na nag-time travel ako mula sa panahon ko papunta sa panahon mo?
Sana ay makapunta ka rin sa panahon ko.
At maaari bang huwag mong sabihin kina ina at ama na hindi ako galing sa panahong ito?
Ayoko silang iwan nang malungkot.
Pakisabi na lamang na totoong ako ay kinuha na ng totoo kong ina. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka naman mahihirapan magpaliwanag dahil nakapag-paalam na ako sa kanila ni ama.
Pakisabi na lang na mami-miss ko sila. At parati silang nasa puso ko.
Hindi na ako nagsulat ng liham sa kanila dahil alam kong mahina ang puso ni ina.
Ayaw ko mang umalis ngunit ito'y kailangan.
Nagulo ko na ang buhay ninyo simula pa lamang nang magpakita ako sa iyo at sa kanila.
At Basti, ikaw lamang ang lalaking nakapagpatibok ng puso ko.
Ikaw lamang rin ang lalaking magpapatibok at mamahalin ng puso ko kahit saan dako man ako mapadpad at sa kahit anong panahon.
Sana nga lamang ay magkita muli tayo.
Alam kong napaka-makasarili ng hiling kong ito sa iyo pero...
Sana ay puntahan mo ako.
Huwag kang mag-aasawa ng iba ha.
Alam kong ipagkakasundo ka ng iyong ama sa anak ni Don Martin na si Margarita.
Huwag kang magpapakasal sa kanya ha.
Alam kong ipinangako mo sa akin noon na hindi ka magpapakasal sa iba.
Pero alam ko naman na hindi mo kayang suwayin ang iyong ama.
Pasensiya ka na Sebastian dahil ako'y makasarili pagdating sa pag-ibig.
Hanggang dito na lamang ang sulat kong ito, Basti.
Sana ay makarating ka rin sa panahon ko at pag nangyari iyon,
Ipakita mo lamang sa akin ang pahayagang nakalakip sa sulat na ito at pati na rin ang sulat ko na ito.
Alam kong hindi ko na matatandaan ang mga pangyayari sa panahong ito kaya't sana'y ipaalala mo sa akin ang mga ito ng paunti-unti kapag nagkita tayo.
Ayokong umasa pero alam ko na matutupad ang hiling ko na ito.
Iyon lamang, Basti.
I love you.
Mahal kita.
-Lara
~~~~~~~~~
CHAPTER 2 will be posted soon.
This is a story about time travel so please give it a chance. I'll appreciate it and I'll be glad if you do! Thank you, thank you! 😊 💕 Language: Filipino/ Tagalog (and a bit of Spanish with the help of Google hehe) Ginanap sa: Pilipinas (1889 at 2018)
1 note · View note
k-c-amador · 4 years
Photo
Tumblr media
How's everyone doing? I learned how to brew coffee using french press. Trying my best to keep a daily routine and constantly failing to do so. However, I managed to binge watch 10 seasons of Grey's Anatomy. Also, forced myself to read books whilst dealing with my daily existential crisis. In facing the reality of this pandemic, here I am reminiscing the life I had in las islas filipinas. @k.amdr #london #isolation #quarantinelife #lasislasfilipinas #philosophy (at London, United Kingdom) https://www.instagram.com/p/B-uJ459pSNn/?igshid=17v3np1t7r9z8
0 notes
terrebattu · 5 years
Photo
Tumblr media
Just going thru thousands of travel photos. #memorylane #tbt #travel #lasislasfilipinas #viajero #calaguas #calaguasisland #philippines (at Calaguas, Camarines Norte, Philippines) https://www.instagram.com/pandakaze/p/BvQiWMhFeGL/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=19sez08z9il0q
0 notes
Video
Visually climactic hue. 😍 Tag the one you would take here!🌴 📍Boracay Island, Philippines #tropicallife #tropical #tropicalwayoflife #LasIslasFilipinas (at Republica de Filipinas) https://www.instagram.com/p/B0ui3Pagf4N/?igshid=yra7ptnv0o5n
0 notes
fillthymudblood · 7 years
Photo
Tumblr media
Happy Independence Day! #philippines #lasislasfilipinas #independence #peace #june12
0 notes
axlpowerhouse · 7 years
Photo
Tumblr media
The Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception ( Filipino : Kalakhang Katedral Basílika ng Maynilà ; Spanish: Catedral Basílica Metropolitana de Manila), informally known as Manila Cathedral , is a Roman Catholic basilica located in Manila , Philippines , dedicated to the Blessed Virgin Mary as Our Lady of the Immaculate Conception, the Principal Patroness of the Philippines. . The cathedral serves as the Episcopal. . Located at Plaza de Roma in the Intramuros district of the City of Manila , the cathedral was originally a parish church owned and governed by the Archdiocese of Mexico in 1571, until it became a separate diocese on 6 February 1579 upon the issuance of the papal bull , illius Fulti Præsido by Pope Gregory XIII . (Wikipedia) . . . . #manila #lasislasfilipinas #manilacathedral #manilacathedralchurch #wheretonext #wheninintramuros #intramuros #eyeemoninstagram #EyeemPinas #eyeemphoto #mindsofhipster #grammerworld #shuttersrepublic #igersmanila #Travel #minorbasilica
0 notes
strongarcher · 7 years
Photo
Tumblr media
Trees in my country. #lasislasfilipinas (at Philippines)
0 notes
dashielcolarina · 8 years
Quote
You are the bullet that killed Dr. Jose Rizal, the ashes of his burnt poetry, and the ‘Adios’ in his 'Mi Ultimo Adios’
Dashiel Colarina
0 notes
k-c-amador · 4 years
Text
How's everyone doing? I learned how to brew coffee using french press. Trying my best to keep a daily routine and constantly failing to do so. However, I managed to binge watch 10 seasons of Grey's Anatomy. Also, forced myself to read books whilst dealing with my daily existential crisis. In facing the reality of this pandemic, here I am reminiscing the life I had in las islas filipinas. @k.amdr (ig)
#london
#isolation
#quarantinelife
#lasislasfilipinas
#philosophy
#coffee
#fashionstyle
#uniqlo
#athome
@uniqlo_uk
@nextofficial
0 notes
fillthymudblood · 7 years
Photo
Tumblr media
Magayunon.... 😁... #vsco #lalala #baguio #cityofpines #요자 #photos #lasislasfilipinas #hiho (at Wright Park Baguio City)
0 notes
fillthymudblood · 7 years
Photo
Tumblr media
Collection of the nation's gems. #nationalmuseumofthephilippines #artifacts #pinoys #lasislasfilipinas #old #comebacksoon (at National Museum of the Philippines)
0 notes
terrebattu · 6 years
Photo
Tumblr media
Fiesta de San Bartolomé. #provincia #lalaguna #nagcarleños #eastindies #lasislasfilipinas #travel #philippines https://www.instagram.com/p/BnMjqVglt7u/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=13kk8cahu20vk
0 notes