Tumgik
#mahalin naten ang sarili
Text
This wasn't for the best. This was only for yourself. Pero sana nga worth it, wala naman din akong hiling dati pa kundi kasiyahan mo ngayon.
2 notes · View notes
Note
why do i keep attracting the wrong guys.
And so is me? Hahha Siguro kasi di tayo natututo from our past, or may dapat pa tayong mayutunan pero pucha naman! Di naman sinabe ng tadhana na ang haba pala ng teaching lessons ng love nato, always trauma. Pero ayun nga wala tayong magagawa if di pa binibigay satin yung para satin e, mahalin nalang muna naten sarili natin hanggang sa tumaas standard naten at di na ma reach ng mga tao.
5 notes · View notes
cakeflakesxii · 3 years
Text
Sa buhay, pag may pipiliin ka impossibleng wala kang dapat na bitawan. Sa pagpili mo, may bibitawan at may kailangan kang bitawan. At dapat sigurado ka. Kung hindi ka sigurado sa pinili mo, mananatili kang hawak hawak pa din ang dapat mong bitawan na. Minsan may mga hawak hawak tayo na nagiging sanhi ng kabigatn na nararamdaman naten. Isa lang naman ang dahilan kung bakit naten hindi mabitawan yung mabigat sa atin.. Maaaring mahalaga ito, o di kaya, ito mismo ang isa sa mga nagpapasaya sa atin. Minsan sa buhay marami talagang tao ang magbibigay sa atin ng aral. Pero may mga tao din na magtuturo sa atin kung paano mabuhay sa buhay. At sila yung piliin mong manatili sayo at maging parte ng buhay at pagkatao mo. Paulit ulit akong nagdaan sa ilang mga pagsubok, sa ilang mga aral, sa magkakaibang tao, pero pare parehas na aral ang iniiwan at ipinapatuto dahil hindi ko natututunang lubusan kung paano pumili ng tama; kung paano piliin at mas mahalin ang sarili ko. Kahit mahirap, kahit mabagal, kahit hindi ganoon kaalwan ang magiging proseso ng lahat, piliin mo sana umusad, magpatuloy. Piliin mo ang mga tao na pinipili ka din manatili sa kanila. Ang mga tao na pinaparamdam na ayaw kang mawala. Ang mga tao na naniniwala sayo, kahit minsan hindi mo magawang maniwala sa sarili mo. At ang mga tao na pinaparamdam sayo na gusto kang maging parte ng panghabambuhay nila. Magawa mo sanang i-balanse ang lahat lahat sayo! Pagkatapos nito, magiging magaan na lahat, dahil alam mo kung paano piliin ang tama... At yun ay ang piliin ang sarili mo araw araw.
3 notes · View notes
127neos · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
✧・゚: *✧・゚:*  03  ✧・゚: *✧・゚:* 
JAEMIN SHORT FIC
kakatapos lang ng aking shift sa coffee shop na aking pinagtatrabahuhan at napagdesisyonan kong magpahinga muna ng saglit, hapon na nun mga bandang alas tres na kaya lumabas muna ako para makapagmeryenda. pumasok ako sa 7/11 upang bumili ng pagkain, biglang nagvibrate yung phone ko at nakita ko yung pangalan ni jaemin.
“hello? jae?!”
“uy y/n, tapos na ba shift mo?!”
“ah oo, nasa 7/11 ako ngayon nagmemeryenda baket?!”
“ah eh ano, pupunta sana ako dyan kase kailangan kita makausap”
“ah sige sige, dun nalang tayo sa may park malapit sa coffee shop magkita”
“sige”
at bigla na niyang binaba ang telepono, ramdam ko sa boses niya na para bang may gumugulo sa isipan niya at tila ba ninenerbyos siya, nanginginig ang boses niya na at parang may gusto siyang aminin sa akin, ngunit di ko na lamang masyadong pinansin at inisip yun dahil sa wakas magkikita na ullit kami. matagal tagal na rin simula nung huli kaming nagkita ni jaemin dahil na rin sa busy siya masyado sa kanyang pagaaral dahil ilang buwan na lamang ay gagraduate na siya mula sa kursong engineering, sobrang suportado ako sakanya at sobrang saya ko dahil unti-unti niya nang makakamit yung mga pangarap niya, dati-rati naalala ko nung nililigawan pa lamang niya ako sinabe niya sa sa akin na pangarap niyang makapagpatayo ng bahay para sa pamilya niya at para na rin sa taong papakasalan niya sa tamang panahon. 
pinangako namin sa isa’t isa na sabay naming aabutin ang mga pangarap namin ng magkasama, siya bilang isang matagumpay na inhenyero at ako bilang isang doktor, sa kasalukuyan ay nagpapart-time job ako upang matustusan ko ang sarili ko dahil gustong gusto ko talagang pumasok sa med school dahil di na rin nakakaya ng magulang ko ang pagpapaaral sa akin kaya humanap ako ng paraan upang suportahan ang sarili ko, sa ngayon nagaaral pa rin naman ako 4th year na ako sa kolehiyo at dalawang taon nalang makakagraduate na ako at balak ko pumasok sa med school. 
limang taon na kami ni jaemin, nagkakilala kame nung senior high school palang kame miyembro siya ng student council at ako naman ay miyembro ng journalism club. umamin ako sakanya na may gusto ako sakanya at buti nalang ay ganun rin ang naramdaman niya para sa akin. sobrang mahal na mahal ko si jaemin to the point na na-miss ko pa yung isang sub namin nung college para lamang alagaan siya dahil nagkasakit siya nun. masasabi kong nakay jaemin na ang lahat at wala na akong hihingilin pang iba kundi siya lamang. 
kakatapos ko lang magmeryenda at papunta na ako sa may park kung saan makikipagkita sa akin si jaemin, medyo makulimlim yung langit habang naglalakad ako at naalala ko wala pala akong nadalang payong, kung sakaling umulan man, wag naman sana.
“hello jae?! andito na ako, asan kana?”
“wait, palakad na ako papunta diyan”
“sige sige, ingat ka!”
wala pang limang minuto nakita ko na siya palakad papunta sa direksyon na kinaroroonan ko, nakaupo ako sa isang maliit na bench dito sa park. pagkarating na pagkarating niya ay hindi ko mapigilang yakapin siya dahil sobrang namiss ko siya, bakas sa mukha ko ang saya dahil nagkita na ulit kame, sobrang higpit ng yakap ko sakanya pero siya hindi ko nadama yung yakap niya pabalik. dahan dahan akong humiwalay sa pagkakayakap ko sakanya at kitang kita ko ang bakas sa mga mukha niya na tila ba parang problemado siya.
“jae? anong nangyari?!”
“ah wala wala”
“eh bat ganyan itsura mo?! mukha kang nalugi sa lotto”
“hindi baliw! may iniisip lang”
“ah kung ano man yang iniisip mo sana mawala na yan, sobrang namiss kita!”
“miss din kita”
hindi ko ramdam yung sinabi niyang iyon ang cold ng pagkakasabi niya, siguro nga baka pagod lang siya sa pagaaral at maraming iniisip na mga deadlines. umupo kami sa bench at dun kami nagusap.
“kumain kana ba? lika magkape muna tayo dun sa shop alam ko gustong gusto mo magkape lalo na kapag sobrang stressed ka sa pagaaral”
“kilalang kilala mo talaga ako haha pero wag na di rin naman ako magtatagal dito”
“huh? kakarating mo lang aalis kana agad, ano ba kase yung sasabihin mo? mukhang sobrang importante niyan at talagang nakipagkita kapa sakin kahit alam kong tambak ka sa schoolworks” 
hindi man halata sa pagsasalita ko pero sobrang ninenerbyos na ako dahil sa pag asta ni jaemin, habang kinakausap ko siya ay nakatungo lamang siya at mukhang ang bigat ng nararamdaman niya, kinakabahan rin ako sa mga posibilidad at sa mga salitang kanyang bibitawan, bawat segundo lumalakas ang tibok ng dibdib ko at parang kinukutuban ako na may masamang mangyayari, isabay mo pa ang aura ng kapaligiran sobrang kulimlim at parang uulan. 
“itigil na natin toh, sorry napagod ako” 
nung una hindi ko naintindihan ang gusto niyang sabihin, hanggang sa nag sink-in sa akin. 
“ano? b-baket? jae naman hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo?, lahat naman napapagod eh, pls wag muna ngayon hindi ko kaya”
“sorry y/n! believe me i tried to push our relationship through you know naman that diba? sobra kang napamahal sa akin but i can’t bear to see you hurting because of me”
“then bakit gusto mo na i-end toh? if you said na you can’t see me hurting because of you?”
“alam ko pagod kana rin, i can see it in your eyes y/n!, eyes don’t lie and i think hindi ko na rin natututukan yung relationship naten since sobrang babad ako sa school and  i think i’m slowly drifitng away from you, even though i tried to fight it, i just can’t plus kinukuha na rin ako ng tita ko abroad para dun pag aralin after ko grumaduate ay magsesettle na kami ng family ko sa states, i can’t leave you but you said na you want to see me achieve my dreams diba alam ko mahirap but i need to do this”
“yes i do, i do want to see you achieve your dreams jae! pero diba nangako rin tayo sa isa’t isa na sabay nating tutuparin yung mga pangarap natin sa isa’t isa pero anong na nangyari dun sa pangakong iyon? napako na?! sabi na nga bat hindi lahat ng pangako natutupad, god! i was too foolish to believe that promise”
“Magbabalik ang nakaraan Ibabalik ang pinagmulan”
sobrang lakas na ng ulan nung mga oras na iyon at hindi rin mahahalata na umiiyak ako dahil  sumasabay yung tulo ng mga luha ko sa bawat patak ng ulan, parehas kaming basang basa sa ulan at yung mga alaala ay bumabalik sa akin.
“Isayaw mo ako Sa gitna ng ulan, mahal ko Kapalit man nito'y buhay ko”
 naalala ko dati isinayaw niya pa ako sa gitna ng ulan dahil sobrang saya niya dahil sinagot ko na siya nun sa loob ng walong buwang pangliligaw niya sa akin. bakas sa mga mukha niya yung saya at umabot hanggang tenga ang kanyang mga ngiti pero ngayon bakas sa mukha niya ang lungkot at panghihinayang. 
“Hinanap ko ang dating Kasiyahan, kalungkutan Aking iaalay ang himig na gawa sa pagmamahalan”
“i’m so sorry y/n! i have to leave now, i love you so much i hope you know that, maybe in another lifetime, i hope you will reach for your dreams even without me kase alam ko sobrang gustong gusto mong maging doktor, please don’t give up even if i’m not there by your side”
and with that he hugged me tight like it was the last time na mararamdaman ko ang mga yakap niya na iyon, he also planted a kiss on my forehead and then left. funny how i was so inlove with the rain since sobrang saya ng naging memory ko sakanya dahil dito pero ngayon napalitan na ng pighati at lungkot. 
“Sa nanonood sa'kin, ayaw mo ba? Pero ang yakap ngayo'y kakaiba Hindi ka ba nalilito?”
kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng aking mga luha, sobrang sakit para bang kakapusin ako ng hininga kakahikbi dito, dagdag pa ang paghaplos  sa akin ng malamig na hangin dahilan upang ako’y ginawin at mangatog sa aking kinapepwestuhan. 
jae mahal kita at kailan man hindi ako mapapagod na mahalin ka, i hope makamit mo ang pangarap mo kahit wala na ako sa tabi mo, proud ako sayo kahit ano man ang mangyari siguro nga kapag sobrang pagod kana kailangan mo na bumitaw, pero lagi mong tatandaan jae, kung sakaling papapiliin man nila ako kung magmamahal ba ulit ako, ikaw parin ang pipiliin ko dahil sayo ko naramdaman ang totoong kahulugan ng salitang “pagmamahal”. 
---
inspired by the song/s: ✧ binibini by zack tabudlo ✧ umaasa by calein 
3 notes · View notes
jaredd · 4 years
Text
Tumblr media
mahal kita, higit pa sa alam mo, higit pa sa lahat ng iba, higit pa sa alam ko. may mga pagkakataong kahit ako sobrang naaamazed sa kung gano kalaki o katindi yung pagmamahal ko. kahit sarili ko hindi makapaniwala na kaya kong mag mahal ng higit pa sa inaakala ko. mahal kita ng higit pa lahat ng meron ako. kasi walang sense yung mga bagay na meron ako kung ikaw yung mawawala. mahal na mahal kita at hindi sapat yung kahit anong salita para maintindihan mo or mapicture out mo yung nararamdaman ko para sayo. hayaan mo nalang ako na mahalin ka sa paraan na alam ko. sana patuloy mo paren ng pagkatiwalaan yung pagmamahal na meron ako sayo. mahal na mahal kita at araw araw kitang mamahalin pa.
masaya ako, walang araw na hindi ko naramdamang masaya ako. simula nung bumalik ka saken, wala ng pumantay sa saya na nararamdaman ko. masayang masaya ako sa bawat oras na kausap ka. sobrang the best. iba yung impact nung gigising ka sa umaga ng masaya kasi ikaw yung unang nakikita ko. kahit ganto pa kapagod, katrashy, kabullshit ng buong araw, nawawala yun lahat kasi at the end of the day anjan ka. meron akong alliza, meron akong ikaw. may rason ako para maging masaya araw araw kasi asa akin ka. hanggat nasakin ka mahal ko, tandaan mo na palagi akong masaya. tandaan mo rin na wala ng hihigit pa sa kasiyahan na binibigay mo sakin. ikaw lang at ikaw ang magiging saya ko. ano man yung pagdaanan naten, i will always choose to treasure the happiness that you brought to my life mahal. palagi akong masaya sayo. palaging ikaw ang saya ko.
walang iba, wala kang kaagaw, sayo lang ako. ni hindi na nga ako nagbalak na magmahal ng iba. sumubok man na maghanap ng kapalit mo hindi ko na nagawa. alam kong hindi ko ren kakayanin eh na palitan ka. it won’t feel right kung hindi ikaw ang mamahalin ko, alam ko yun sa sarili ko. for a year, kinaya kong mag isa. kasi whats the sense of being in a relationship kung hindi ikaw. by then, i know i can find someone better than you but that’s not the case. ang nag stop saken to find someone to save my heart is sarili ko den. kasi alam nya kung para kanino sya. kilala nya kung sino yung dapat yung mag aalaga sakanya. alam nya kung kanino sya dapat pupunta. i can imagine how foolish and stupid i am that time. trying to stay faithful with someone who isn’t mine but who cares? wala namang nakakaalam ng katangahan ko, ako lang. i chose not to love anyone else just because they ain’t better than you. i chose not to love any other girl simply because im still inlove with you. kaya ngayon mahal na asaken ka, sisiguraduhin kong no one will ever come in our way. kung meron man alam kong hindi ako papayag. ill make you feel na ikaw lang sa lahat ng oras. sabi ko nga sayo, hiningi kita sa Kanya, pinagdarasal kita. you are my answered prayer mahal at hindi ko kayang mawala ka saken dahil lang sa ipagpapalit kita. 3 years ago until now, sayo ako. never akong nawala. never akong naging pag mamay ari ng iba. ikaw lang ang gusto kong mag may ari saken. sayo ko lang gustong isurrender yung buong sarili ko mahal. kaya you can trust me with all your heart na sayong sayo ako. walang magiging kahati kahit na sino. yung puso ko, fully occupied mo. masyado kitang mahal para may humati pa sa puso ko. you’re the only girl i want to love, i choose to love, i stay inlove with for the rest of my life and everyday i will prove it baby.
kaya lagi mong tatandaan na mahal kita, masaya ako sayo at sayo lang lang ako. i love you, my alliza.
2 notes · View notes
pinaibiig · 4 years
Text
in another life i would be your girl ...
Di ko alam paano sisimulan, kung saan ba dapat. Diba sinabi ko naman sayo? Kung sakali na may problema paguusapan? Kung sakali na may gusto ka gawin sasabihin, di naman ako magagalit iintindihin ko kung magselos man ako normal naman siguro yon at mahal kita. Nakakasakal na siguro ako, sakal na sakal ka na siguro talaga sakin. Alam mo tama sila. Ang lalaki di mo kailangan turuan yan ng dapatnya gawin kase kung mahal ka talaga nyan alam nya na kung pano ka itatrato. Kaya naman di na ko nagtataka bat ganto trato mo sakin. Baka nagexpect lang ako ng sobra sayo, baka kase masyado kita mahal na akala ko masusuklian mo ng same amount. Bok wala ako nilihim sayo maski isa. Maski isa!!!! Gaano ba kahirap sayo na sabihin sakin yung mga dapat ko malaman? Nakakaiyak kase almost 3 lang yung last txt naten na sabi mo hayaan kita na tapusin yung ginagawa mo, bok naghintay ako! Sabi mo 4pm ka nakatulog, bok pwede mo naman itext na tutulog ka kung totoo talaga. Alam mo naman gaano ko kapraning pag nandyan ka napapagod nako paliwanag kung bakit pero dapat ba ulitin mo to sakin lagi? ikaw ba e seryoso talaga??? sa akin??? sobra mong sarap mangako! sobrang sarap pakinggan lahat pero pag dating na nung oras na ginaganto mo ko nanghihina ako kase diko makita yung bok na nangangako sakin. Dami kong tanong, asan ka ba, ano ginagawa mo, sino kasama mo, sino kakwentuhan mo, bok di naman ako immature pero deserve ko naman malaman kase nga pilit ko sinusurvive relasyon naten! Ako lng magisa! ramdam ko na ako lang magisa sa laban na to! 4,5,6,7,8,9,10 -7hrs kita inantay tapos sasabihin mo sakin na tulog ka lang??? sino maniniwala e late ka na nagising nyan almost 10 am na tapos tulog ka 4pm onwards??? tapos sabi mo 7pm ka wala ng load?? bok tanga ba ako sa isip mo??? di ko mahahalata na wala nangyayare?? napakatanga ko na nga siguro sa isip mo kaya mo ko ginaganto. tapos diba sinisingit ko sa convo naten ano gagawin ko pag dika nagpramdam uli , ang sabi mo ichat ko sina ewon kulitin ko at ivc ka.. dimo napansin ako lang nagiisp ng ganon kase ako lang naman worried na dika paparamdam kase ako Never ko yun gagwin sayo! pero napapaisip nako. Ganto nalng ba lgi sitwasyon?? ako lagi takot mawala ka?? ako lagi mas nagmamahal?? sana maranasan ko rin naman na ako mawawal tapos ikaw maghahanap sakin. Ako nalng nagwa paraan para makausap ka sa totoo lang. Load sagot ko tapos paraan para makatxt kq sagot ko parin lahat AKO! bakit????? bakit di ikaw? kung tutuusin una mo ko minahal! tinutuan mo ko mahalin ka! pero bakit ako ang ganto???? Kase di mo na ako mahal gaya ng dati. Nawala na. Alam mo naiisip ko na gusto ko mawala para hanapin mo naman ako, pero alam ko di mo naman yon gagawin. Wala na ako masabi, wala na ako gusto o gawin paraan para matigil yung sakit yung problema, di nako gagawa paraan para umokay ako, hahayaan ko nalang siguro na saktan mo ko lagi ng ganto para mapagod ako para soon di na ako masasaktan at manhid na. ayan tapos na nasabi ko na gusto ko sabhin. Di ko na alam paano pa uli magsisimula sayo, inuulit mo naman lahat e ano pa ba dapat ko gawin at planuhi e ako lang naman MAGISA natupad, syempre support nalang sa sarili, kaya mo pa rin to valerie, papasayahin nalang kita magisa valerie lika dito avz yakapin kitaaaa😭putanginaaaaa
#g
3 notes · View notes
imp-robb-abilities · 4 years
Text
Sampung beses ko siguro sinabi sa sarili ko na wag ka nang mahalin. Kalimutan ka na at wag na rin bigkasin, ang mga pangalan mo na habambuhay na naka-ukit sa puso ko. Pero ang kabalintunaan dito ay kahit anong tahimik at pagpigil ng bibig ko, sinasambit pa din ng nasa dibdib ko ang bawat letra ng pangalan mo. Hanggang ngayon. Kulang pala ang sampung beses.
Siyamnapung porsyento ng litrato naten sa telepono ko ay puro mukha mo. Yung iba nakatago, yung iba tila bang kumakaway agad kapag binuksan mo ang telepono ko. Yung iba matagal na, yung iba baguhan palang. Napagtanto ko, hindi nga talaga ako mahilig kumuha ng sariling litrato ko simula nung naging tayo. Puro ikaw, puro sayo. Madalas ang sayo kesa sa tayo. Kaya siguro tayo nawarak, dahil mas pinaglaanan ko ng pansin ang ikaw, kesa sa tayo
Walong araw sa isang linggo ang pakiramdam ko kapag kasama kita. Kulang ang lunes hanggang linggo. Kulang ang pito. Sa sobrang saya ko nadadagdagan ng isang araw ang buhay ko. Sobra mokong pinasaya, mahal ko.
Pitongdaan at pitumputpitong beses kita minahal. Alam mo ba na ang numerong pito ay numero din ng panghabang buhay. Hindi man literal, pero minahal kita at mamahalin kita habambuhay.
Anim na taon na ko sa kolehiyo. Ibawas naten yung dalawang taong tumigil ako. Noong una Hindi ko alam kung pano ako nabuhay sa putanginang kursong ito. Pero alam ko na, kung hindi dahil sayo matagal ko nang sinukuan to. Binigyan moko ng lakas at pagasa na tahakin ang masalimuot na daanang ito.
Limang patak ng luha ang tumulo sa bawat mata ko. Sanay naman nako sa limang patak ng luha, nahuhulog sila kapag sobrang saya ko kapiling ang mga yakap mo. Habang pinagmamasdan kang natutulog. Hinahalikan para lang mabwisit ka kase antok na antok ka. Limang patak ng luha ang dumadaloy palagi sa mga nakangiti kong labi. Iniisip na napakaswerte ko na nasa akin ka ngayong gabi. Pero isang gabi bigla nalang sila pumatak ng walang sinasagasaang ngiti. Tanging mga luha lang.
Apat na taon tayong magkasama. Kabisado ko ang mga ayaw at gusto mo, kabisado ang mga galaw ng mga daliri mo. Ang pagpinta sa mga labi mo. Kabisado kung para saan ang mga kinang sa mata mo. Ngayon kaya? Kabisado ko pa kaya? Gusto ko ulit kabisaduhin simula umpisa. Bigyan mo naman ako ng isa pang pagasa.
Tatlong salita ang paborito kong sinasabi sayo nung umpisa. "masaya ka ba?". Naaalala ko madalas ko sinasambit ang mga salitang yan pagkatapos naten lumabas. Habang nakahiga sa kani-kaniyang kama. Tinatanong ko kung masaya ka ba. Pero nung mga huli na hindi na... Hindi ko na naitanong. Hindi ko na naitatanong. Siguro kung naitatanong ko pa din, maisasalba ko kung anong meron tayo.
Dalawang bundok ang naakyat nating dalawa noong opisyal na tayo na. Isang kasama ang tropa at pamilya, isang tayong dalawa lang magisa. Dalawang beses tayo nakarating sa dulo ng mundo. Dalawang beses tiningala ng mga normal na tao. Dalawang beses naabot ang mga ulap sa himpapawid ng pangarap na tila ba lumilipad tayo sa alapaap.
Isang bagay lang ang pinakaka pinagsisisihan ko. Na tumigil ako. Tumigil sa pagbibigay ng tsokolate sayo. Tuwing lalabas tayo at magkikita palaging may nakaabang na tsokolate sa kamay ko. Piso man o isang daan. Nagbibigay ako ng walang palya. Pero pumalya. Siguro kung hindi pumalya naiparamdam ko sayo na ako ay masaya. Na mahal na mahal kita. Pero putangina pumalya. Pasensya na.
Sampu, siyam, walo.
Mahal pa din kita kahit alam ko nang talo
Pito, anim, lima
Gusto kitang hagkan, yakapin, at sabihing bumalik ka na.
Apat, tatlo, dalawa
Talo na, pero kung bibigyan ng pagkakataon ako'y susugal pa
Isa.
Isang salita mo lang lilipad ako pabalik sayo, sinta.
Tumblr media
2 notes · View notes
Text
Masaya ba sa pakiramdam? Masaya ba sabihin nalang sa sarili mo o kumbinsihin sarili mo na "it was for the best"? maybe sayo dahil kinaya mo ko bitawan at kumilos na itapon akong parang basura mo.
3 notes · View notes
Text
PAALAM, SALAMAT
To my friends,
Sorry sa lahat ha? Sorry kung hindi ako makagawa ng time para sa inyo. Sorry kung hindi ako nagpaparamdam sa inyo. Sorry kung nadisappoint ko kayong lahat. Pero gusto kong malaman nyo na masaya akong lahat para sa inyo. Kasi nakikita ko sa social medias na masaya kayo, na nagagawa nyo lahat ng gusto nyo. Sobrang saya ko para sa inyo. Gusto ko mag tuloy tuloy yan! Mahal ko kasi kayong lahat na mga kaibigan ko. Kahit na hindi tayo naguusap, sobrang miss na miss ko na kayo. Sobra sobra sobra sobrang miss ko na kayo. Sana miss nyo din ako.
To my parents,
Me, De, sorry ha? Alam kong lagi ko kayong nadidisappoint simula ng nawala ako sa maayos na landas. Oo, nakalimutan ko alagaan sarili ko dahil busy ako sa pagaalaga kay Bea. Pero huwag nyong isisi kay Bea yung mga nangyari saken. Oo, nabaon ako sa mga utang dahil kailangan ko talaga ng pera para matulungan ko si Bea. Alam kong hindi ko responsibilidad pag-aralin si Bea pero kasi nung mga panahon na yon, walang tumutulong sa kanya.Sarili kong desisyon na tulungan si Bea sa pag-aaral nya, even if it means that I have to put a hold in achieving my dreams. Malayo pa kasi yung saken talaga eh pero yung pangarap ni Bea, abot-kamay na nya. Konting tulak lang kaialangan. Totoo, hindi ako marunong mag-budget ng pera ko maski nung wala pa si Bea saken, lagi ako kinakapos sa budget eh haha. Pero eto gusto ko marealize nyo, Me, De, mahal ko kayo at mahal ko din si Bea. Sobra sobra sobraaaa. Tinutulungan ko si Bea kasi alam ko sa sarili ko na habang nandito ako at nakikita ng pamilya nya na maayos sya sa school, unti unti nila makikita yung importansya na makapagtapos si Bea sa pag-aaral. Sobrang sarap kasi sa pakiramdam ang makapagtapos eh. Naramdaman ko yun. Sobrang sarap. Hindi naman sa binabalewala ko yung hirap nyo saken nung pinag-aral nyo ako pero alam ko kasi magiging worth it ang lahat ng 'to, hindi lang para kay Bea kundi para na rin saken. Kasi simula ng matutunan kong mahalin si Bea, lagi ko ng nakikita sarili ko na kasama sya hanggang pagtanda ko. Huwag sana kayo magalit kay Bea. Huwag niyo sana siyang husgahan. Kasi sobrang sakit din para saken ng mga sinasabi niyo sa kanya eh. Hirap na hirap na ko sa sitwasyon naten. Isa pa ha, hindi ako pineperahan ni Bea. Oo, inuutusan nya ko pumunta kay Ate para humingin ng pera pero para sa kanya yun. Hindi ko utang yon. Pero naalala ko may utang ako kay Ate na 500 haha. At tsaka, nung mga panahon na wala akong trabaho, kaya lang ako nakakaalis ng bahay para puntahan si Bea kasi yung baon nya binibigay nya saken para pamasahe at hindi nya ko inaaway kapag wala akong dalang pagkain. Anuba. Ayokong bitawan sa buhay ko si Bea. Nagkaroon kami ng malalaking away, oo, pero kahit kelan hindi ko naramdaman na pinahirapan nya ko. Mahal na mahal namin isa't isa eh. Ayun lang.
To my baby brother,
Mahal kita kapatid. Sorry kung hindi na kita nasusuportahan ha? Sorry kung hindi ako makapag allot ng oras para makapag bonding tayo. Sorry kung hindi kita mailabas para makapamili ng mga gamit mo. Gustong gusto kita makalaro ng Dota tsaka CS:GO kaso libre na yun eh dami na cheater don haha. Mahal na mahal kita, bins. Ikaw pinakamahal kong tao sa mundo. Ikaw pinakapaborito kong tao sa mundo. Ikaw ang pinakamabait na kapatid sa buong mundo. Hindi ko deserve na magkaroon ng kapatid na katulad mo. Sobrang thankful ako na dumating ka sa buhay namen. Tamad ka lang pero the best ka. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Magpapakabait ka lagi. Huwag mo muna buntisin jowa mo. Graduate ka muna ng college at tulungan mo sila mame. Ikaw bahala sa kanila kasi wala na ko. Mahal na mahal kita.
To the family of my beloved woman,
Ma, Lo, thank you sa pagaalaga saken nung mga panahon na kailangan ko ng tulong at matutuluyan. Thank you kasi lagi po kayong nagaalala samen kahit na madalas ka nakasigaw. Haha. Pero kahit ganon, ramdam na ramdam ko yung pagaalala nyo po samen ni Bea. Ramdam ko yung pagmamahal nyo samen.
Ate Mabs, thank you ate ha? Hindi naman talaga tayo close pero thankful pa din ako kasi tinutulungan mo si Bea sa pagaaral nya ngayon. Pangako ko sayo na hindi ka magsisisi na pinag-aral mo si Bea. Sobrang magiging proud ka kay Bea!
Tita Melody, Tita Majo, Tita Meann, thank you po sa inyo. Salamat po sa pag-tanggap saken sa pamilya nyo. Sobrang saya ko na naging parte kayo ng buhay ko kahit na wala naman tayong bonding na tayo tayo lang hehe.
Tito Ante, Tito Raul, thank you sa inyo mga tito! Kayo mga the best na tito na nagkaroon ako haha! Pasensya na hindi ako masyado nakakasama sa mga inuman nyo. Mahal ko kayo!
Thank you po sa inyong lahat. Sana huwag kayong magbabago at huwag sana kayong mag-aaway lalo na pag mga lasing kayo. Lol. Patuloy nyo pong alagaan si Bea para saken. Mahal ko kayong lahat!
To my one and only woman,
Hi mal! Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita! Despite everything that they say about us, sobrang solid pa din ng pagmamahal ko sayo. Pero aminin ko sayo na humina yung loob ko pero kahit kelan hindi humina pagmamahal ko para sayo. Sobrang saya ko na naging parte tayo ng buhay ng isa't isa. Masayang masaya ko sayo. Sobra. Madami tayong pag-aaway, pero kahit na ganon, sobrang mahal pa din naten ang isa't isa. Pero ngayon, hindi ko na alam kung maisasalba ko pa yung relasyon nating dalawa. Oo, sobrang mahal pa din kita. Sobrang mahal kita. Gusto kong humingi ng tawad sayo sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sayo. Sorry sa lahat ng mga pangako ko sayo na napako. Sorry sa mga pagkakataon na napagtaasan kita ng boses. Oo, sobrang igsi ng pisi ko nung mga nakaraang buwan pero everytime na napagtataasan kita ng boses, sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi everytime na sinasabi kong hindi ko na uulitin, nagagawa ko pa din. Kaya sorry. Sorry din sa mga pagkakataon na nabigo at nadisappoint kita. Sorry kasi nawala ako ng tatlong linggo. Sobrang bullshit lang ng reason ko pero hindi ko magawang kausapin ka kasi sobrang takot ako na magkamali. Kasi lahat ng 'to nangyayari ng dahil sa mga pagkakamali ko. Alam ko nasaktan ka ng parents ko sa mga sinabi nila sayo, pero gusto ko malaman mo na tayong dalawa lang ang lubos na nakakakilala sayo, hindi totoo yung mga yon. Maayos at mabuti kang tao. Napakabuti mo sa mga kapaitd mo, napakabuti mo sa pamilya mo, napakabuti mo sa mga kaibigan mo, napakabuti mo saken. Oo, madalas nasasaktan ako sa mga kaprangkahan mo pero thankful pa din ako kasi hindi ka nagsisinungaling saken. Sobrang thankful ako na ang isang Denzel, minahal ng isang Beatrice na gaya mo. Huwag mo sanang maliitin yung kakayahan mo kasi matalino ka. Sobrang matalino ka. Mawala ka man sa DL, hindi ibig sabihin non, tanga ka, mali yon. Kahit na anong mangyari kailangan mong malaman na matalino ka. Isa ka sa pinakamatalinong tao na nakilala ko. Huwag na huwag mong ineneglect studies mo ha? Kasi gustong gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral mo. Gustong gusto ko. After one year, aakyat ka sa stage at kukuhanin mo yung diploma mo. Lagi kong naiisip yung magiging reaksyon mo pag dumating yung araw na yon. Sobrang proud ako sa kung ano na yung narating mo at kung ano yung mararating at makakamit mo. Gusto ko lang din malaman mo na kahit kelan hindi ka naging pabigat saken. Tinulungan kita at patuloy kitang tutulungan dahil yun yung gusto ko. Sobrang mahalaga ka saken. Hindi ko kayang mawala ka saken. Pero gaya nga ng sabi ko kanina hindi ko na alam kung masasalba ko pa 'tong relasyon naten. Kung mawawala ka saken, mas gugustuhin ko pang ako na lang yung mawala. Hindi ko kayang paulit ulit nadidisappoint parents ko saken lalo kapatid ko and at the same time hindi ko na kayang paulit ulit kitang nasasaktan at nadidisappoint. Sorry mal. Sorry kung gagawin ko 'to. Mahal na mahal na mahal kita.
1 note · View note
untitledpoetries · 2 years
Text
April 7, 2022.
Hi, again. Just let me write this piece.
Love is patient.. Love is when you choose to stay, and learn to accept the things that your partner good or even bad sides. Sa loob ng almost 4 years na nakilala kita, almost 3 years as my boyfriend; i learned to be patient, understand more, rest kung pagod na but never surrender this relationship. You found me when I was in the dark, looking for myself and questioning everything na nangyayare sakin way back 2018. Sinamahan mo ko simula non, hanggang sa naging okay tayo. Gaya nung sinabi ko sayo last time, natuto akong unawain ka parati, piliing ayusin tayo kahit na madalas noon ayaw mo and madami pang ibang moments kung bakit natest yung patience ko sayo, sa atin. Napapagod ako pero di ako umalis, hanggang salita lang talaga. Alam mong inopen ko lahat sayo, lahat ng feels ko sa relationship naten last time dibaa? Dun ako nagkaroon ng lakas ng loob kasi gaya nga ng sinabi ko, Im starting to value and love myself more na this year kasi nicclaim ko na, akin tong year na to. Ikaw rin nagturo nung sakin, ang mas mahalin at pahalagahan ang sarili ko, "Ako naman" ika nga. Nasabi ko na rin to, pero di ako magsasawang sabihin to na; nakita ko kung pano ka nagbago at mas pinaramdam na karapat dapat ka sakin na dapat di ako aalis, mas pinaramdam mo sakin araw araw na mas mahal mo ko kesa sa mas mahal kita. Mas humahaba na yung pasensya mo, kesa sa pasensya ko sayo. Mas lalo kong nararamdaman na mahal na mahal na mahal mo talaga ako. Masaya ako palagii kasi di mo nakakalimutan yun, tanda ko pa yung sinabi mo sakin nung isang araw na "Kahit tampo ka o hindi lalambingin pa din kitaa; hayaan mong maging pahinga natin ang isa't isa" Thank you so much for everyday & everything, babe. Mahal na mahal kitaa, mahal koo. ❤️ cheers to a years with youuu, mahabang pasensya pa for both of us. Cant wait na dumating yung time na, tayo na lagi yung magkasama. 🥺 Cant wait to wake up next to you everyday as your wife. I love youuuu so much! ❤️🤗 i know busy ka now sa review, di mo to mababasa. pero sana mabasa moo na rin agad. Rooting for you, my Engineer Enrico. 🤗❤️ I love you! ❤️❤️❤️
1 note · View note
carmaracs · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media
I appreciate this person a lot 💛
To my habibi
Thankyou for supporting me the love & care asaran moments with you!! Pag punta bahay after work. Thank u pag hatid din sa company pinag interview ko. Salamat bi!! Revealing my flaws to you para makita mo i’m not perfect girlfriend/person. But i will be better for myself because i love myself i cant love you if di ko alam paano mahalin ang sarili ko at alagaan sarili ko diba? On process ang lahat. Ayokonag tatampo ka saken for real it really make me sad kaya i always doing things para suyuin ka hahaha. Mas mahalin naten ang sarili naten ha para mas alam naten mahalin ang isat isa. Habibi, hawakan naten ang isat isa lalo mag tatagumpay tayo together support kita sa lahat ng bagay as long as good for u. Lets achieve our goals together. I cant wait makita ka pumasa sa board, mabigay mo ung pangarap mo sa parents mo, naalala ko pa umiyak ka about dun sobra nalungkot ako magka call lang tayo nun ang layo sa isat isa. Wala pang “Us” pero gusto nakita mayakap non just to comfort you. Sa flowers na ito sunflower 🥺 sobra ko na appreciate habibi grabeee gulat ako pag sakay ko kotse may pa ganyan ka!!! Humanda ka saken haaa!!! I love you. Habibi asahan mo i will choose you no matter what. Kaluguran daka 💛
Ps. Thank u 1week magkasama hahahaha
-carmaracs
0 notes
chieched-blog · 6 years
Text
The Mistress
Tumblr media
May mga tao talaga na pinipiling maging affair . nakakalungkot mang isipin na mas ginugusto nilang maging pangalawa mas pinipili nilang maging masaya kahit na hindi buo ang magiging atensyon sakanila.
Why do people choose to cheat ? why some people choose to be mistress rather than to be the true love ? Bakit naatim nila na manakit ng kapwa nila ? tapos pag sila niloko masasaktan din naman sila ? paano nakakaya ng konsensya nila na may natatapakan sila ?? mga katanungan na sumasagi sa isip ko.
Masarap mahalin ng sobra yung wala kang kahati , pero bakit ginusto mong hindi maging first priority . siguro for me lalo na sa part ng girls we deserve to be love not be the tawag ng kalamanan thingy . deserve naten mahalin ng sobra , desrve naten bigyan ng respeto . pero how come na ikaw mismo di mo mabigyan ng respeto ang sarili mo hinahayaan mong maging madumi ang pagkatao mo nagpapakasaya ka habang may nasasaktan ka.
Pero I decided to respect the reason why they choose to be mistress. Siguro dun nila nakukuha gusto nila , siguro masaya talaga sila or siguro mahal lang talaga nila. Iba iba man pero sana dumating yung time na magmahal sila ng wala ng matatapakan pang iba.
Love yourself so that others love you more than you deserve.
1 note · View note
elektraspice · 5 years
Text
Love,
Pitong buwan na ang lumipas, pero malinaw na malinaw pa rin sa isip ko yung unang beses na nakita ko ang ngiti mo. Ramdam ko pa rin kung gaano kabilis yung kabog ng dibdib ko habang papalapit sa'yo nung unang beses kita makita. Bago lahat yun, palagi naman tayong mag kausap sa chat pero hindi ko inasahan na magiging ganun kalakas yung kaba at tibok ng puso ko nung unang pagkikita. Araw-araw ko binabalikan yung moment na yun. Yung moment na nalusaw ako sa ngiti mo...
Mula non, hindi ka na naalis sa isip ko.
Mabait ang tadhana... June 29, 2019. Papasok na ko sa work nun, mag ka chat tayo (araw araw pala tayong magkausap at sa totoo lang hindi na tayo halos maubusan ng pag uusapan. Walang may gustong huminto sa pag uusap...), ito yung araw na umaapaw yung nararamdaman naten sa isa't isa na walang paglagyan yung saya, yung ligaya, yung emosyon at yung kagustuhang umamin na ng tuluyan. Eto yung araw na tinanong mo ko ng mga tanong na to...
1. Ano isasagot ko kapag sinabi kong I love you?
2. What is the craziest thing that you want to do right now?
Nasa locker ako ng moment na yan, abot langit ngiti ko at sinagot kita ng ganito...
1. Kapag sinabi mong I love you, sasabihin kong I love you too
2. I will get out of this building to see you...
Message sent. Lakas ng tibok ng dibdib ko. Sa isip ko, bahala na kung ano isipin mo pero yan ang sagot ko sa mga tanong mo. Halos gusto ko na nga sumabog ng dibdib ko nun sa sobrang kaba, kilig at umaapaw na emotions.
Nag reply ka.
Parang ayaw ko basahin. Gusto ko lamunin ng locker. Yung ngiti ko abot langit. Sa reply mo ang sabi mo muna..."Pwede bang mag walk out?" "Hindi ko alam sasabihin ko". Ayan mga una mong sinabi. Na parang hindi ka makapaniwala. Sa reaksyon mo nung time na yun, halos hindi mo alam ano ang sasabihin. Hanggang sinabi mo na ganyan din ang gagawin mo eksakto sa sagot ko...pero bukod sa makita ako, you want to kiss me.
Yung ngiti ko na abot langit napalitan ng parang maiiyak na ko. Speechless ako. Hanggang inamin mo na nga, sinabi mo...
"I love you"
8am, last break ko. Dumating ka. Pinuntahan mo ko sa office. After ng conversation naten mahirap itago yung facial reactions kapag nakita kita. This time, sabi ko, ano ulit yung sinabi mo kanina sa chat? Syempre, kunwari hindi mo alam alin dun. Pero tinignan kita...tinitigan. Tapos sabi mo, "aaahhhhh, sabi ko love you". Hanggang napunta tayo sa usapan ng kiss. Sabi mo, okay na bayad sa mga cakes kiss na lang. Nakatingin lang ako sayo, tumitig ka na. Yung umaapaw na pakiramdam sa puso ko na gusto sumabog hindi ko na napigilan. Kahit andun tayo sa labas ng G5. May mga tao sa napakaliwanag na araw. I kissed you. Literal na nag slow motion mundo ko. Parang huminto yung sandali na tayo lang dalawa ang tao sa mundo. Hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam na ngayon sa buong buhay ko lang naramdaman.
Ikaw lang ang bukod tangi nagbigay ng lakas ng loob saken na gawin yun. Wala yung katulad. Hanggang araw araw...lumalalim. Wala akong mahanap na saktong salita para i-describe yung nararamdaman ko. Hindi ko na nga akalain na mararamdaman ko pa to. Nakatanim na sa utak ko na hindi na ko magmamahal pa kase pakiramdam ko manhid na ko. At wala na kong magagawa pa para mabago yun. Pero dumating ka. Binago mo lahat. Binigyan mo ko ng pagkakataon magmahal ng ganito. Makaramdam ng ganitong saya na hindi kayang pantayan. Masyadong mataas yung mga pader na ginawa ko sa sarili ko, sa puso ko. Pero nagawa mong lagpasan yun. Totoo pala na laging may sorpresa ang tadhana sa panahon na di mo inaasahan.
Love, sa lahat ng panahon na kasama kita, na pagmulat ng mata ko nasa tabi kita, ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Totoo yan. Kapag hawak mo kamay ko, pakiramdam ko lahat kaya kong gawin...kaya naten. Mabilis ang oras pag kasama kita. Siguro kase ayaw ko na nagkakalayo tayo. Lahat gagawin ko para ipaglaban lahat ng to. Sa pangako ko sayo na hinding hindi ako bibitaw, buong puso ko ibubuhos lahat para hindi tayo masira.
Marami man tayong pagsubok, alam ko walang di kayang gawin hangga't parehas naten mahal ang isa't isa. Hindi mo alam kung paano mo binago lahat. At nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko at mahal mo ko. I always pray na lagi tayo tulungan ni Lord na maging matatag. Na tulungan tayo to make it hanggang sa huli.
Mahal na mahal kita Yugie Cruz. Gusto ko alagaan ka...mahalin ka sa bawat sandali ng buhay mo. Hindi man ako yung nauna, pero ako naman yung last. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa araw na mamatay ako. Wala na kong ibang mahihiling pa bukod sa maging buo tayong dalawa. Kahit minsan nagtatalo tayo, you always know the right words to say para mapadama saken how much you care. Sobrang saya ko na gusto mo ko alagaan. Lagi ko binubuo sa isip ko yung future kasama ka. Kasama ka sa mga pangarap ko. Gusto ko na hawak ko kamay mo habang tinutupad naten mga pangarap naten. Na andun ako sa lahat lahat ng masasaya, malulungkot, mahihirap, masasama at mabubuting pangyayari sa buhay mo. Gaya ng sabi ko, bukod sa mga bata, ikaw na ang buhay ko.
Mahal na mahal kita...higit pa sa kanilang lahat. Higit pa sa buhay ko. Ikaw lang minahal ko ng ganito. Ikaw lang. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na magmamahal ako ng ganito pero dumating ka. Binago mo lahat. Pinadama mo saken to. Wag ka sana magbabago. Wag ka sana mawawala sa buhay ko. Alam ko palagi mo sinasabi na laging pain lang binibigay mo saken pero hindi mo lang siguro alam na kaya nagagawa kong malabanan yung pain, dahil mas matindi yung pagmamahal na nararamdaman ko para sayo at mas matindi yung binibigay mong saya sa puso ko. Ikaw lang nagbigay saken ng ganitong saya love. At napatunayan ko na posible pala. Totoo pala na ang pagmamahal, kaya ma overcome lahat. Kaya maka survive. Kaya palitan lahat ng pain, takot, lungkot at kung ano ano pa...basta pure ang pagmamahal na yun. Lahat kayang malagpasan. Salamat sa Diyos at binigay ka nya saken.
Yours Forever
1 note · View note
Text
Mga panahong kailangan mo ko at sobrang toxic mo di kita iniwan bagkus hinawakan pa kamay mo dahil yun pangako ko sayo. Masaya ba? Masaya ba na yung tinatawag mo dating Mahal, reduced na sa taong kakilala mo na lang?
3 notes · View notes
jrhlnpags-blog · 5 years
Text
Tumblr media
Seven billion people in the world
Finding you is like a miracle
Only this wonder remains 💓
Time check it's already 1:11am and im still awake, done doing my homeworks and I dont know how can I sleep?. Marky Golveo I just really want to say im so proud of you all your hard works, and sacrifices that u had. Im so lucky to found you even we're not yet to see eachother. I hope both of us mas maging matatag and you know how i really sincere to you. Love if u read this im overthinking right now halo halo ang nararamdaman ko and now im just crying you know why? Im so happy kase nakilala kita but i doubt and asking myself? Until when ang magkakaroon ng IKAW AT AKO? Im so much scared coz ayako na maiwanan ako :( thats why i dont want to express all feelings that I have kahit ang bigat bigat. Natatakot ako baka di ikaw ang makasama ko, natatakot ako na baka maiwanan ako, natatakot ako na baka magbago isip mo, at natatakot ako pag dating ng panahon pag pinapili ka AY HINDI AKO YUNG PILIIN MO 💔 I know im not the only one na pwedeng magpasaya sayo, hindi lang ako yung pinaka sa lahat, at hindi lang ako yung babaeng nasa mundong ito. Sa panahong lumilipas sana ako parin :( ako parin piliin mo kahit mahirap na kahit malabo na kahit masakit na kahit nagsawa kana :( sana maisip mo na andito parin ako mamahal at mamahalin ka. Alam mo love its hard to back for who am I as in blanko nanaman ako aayawan ko nanaman sarili ko magiging miserable nanaman akong tao dahil sa sakit na naidulot saken. Tumatanda na tayo gusto ko mag settle magsesettle kasama ka yun na yung pangarap ko ngayun yun na yung pinagdarasal ko ngayun na sana ikaw na ikaw na ang ibigay saken ni lord ikaw na sana yung makasama ko near in the future sana IBIGAY KA NIYA SAKEN I CAN HANDLE ALL PAIN BASTA IKAW PARIN YUNG IBIBIGAY NIYA wala nakong ibang hihilingin kundi makasama ka hanggang dulo tuparin mga dreams naten mahalin yung taong nasa palagid mo at pahalagahan din sila tulad ng pagpapahalaga mo. You know na tanggap na tanggap kita kahit isa kanang ama at tanggap na tanggap ko si baby lily sana wag niyoko iwan :( tulad ng pagiwan saken ni mommy ang hirap mag adjust :( sobra. And now i cant sleep parin ang hirap nang ganto :( i hope u dont misinterpret sa mga sinabe ko dit I TRUST YOU LOVE sobrang special mo saken. Iloveyou so much love. Ikaw parin pipiliin ko sa panahong magulo na. 💋😘
0 notes
Photo
Tumblr media Tumblr media
Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung flaws mo, lahat ng ayaw mo sa sarili mo. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung buong pagkatao mo. Mahal na mahal kita. Ikaw. Kung paano mo ako titigan tuwing magkasama tayo. Kung paano mo ako kayang pasayahin sa mga simpleng bagay. Mahal na mahal kita. Ikaw. Ang sarap sarap titigan ng ilong mong matangos. Ang sarap pisilin ng pisngi mong mataba. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung labi mong mapula. Yung katawan mong payat. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung yakap mong mahigpit. Yung kamay mong ayaw ko nang bitawan. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung mga halik mong nakakalasing. Yung mga salita mong nakakakilig. Mahala na mahal kita. Ikaw. Kung paano tayo magplano ng future naten. Kung paano ka kadesididong makasama ako habang buhay. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung taong never akong iniwan. Yung taong never akong tinalikuran. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung taong nandyan pag may problema ako. Yung taong minsang sakit sa ulo ko. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung taong napakalakas mangasar. Yung taong napakasarap manlambing. Mahal na mahal kita. Ikaw. Ang sarap sarap mong magmahal. Ang sarap sarap mong mahalin. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung taong kahit gaano ko pa siya masaktan handang sumugal para sa relasyon namin. Yung taong hinding hindi katulad ng ibang lalake. Mahal na mahal kita. Ikaw. Nagbigay ng saya sa mundo ko. Nagturo sakin ng tunay na pagmamahal. Mahal na mahal kita. Ikaw. Ang gusto kong makasama habang buhay. Ang gusto kong katabi sa paggising ko sa umaga. Mahal na mahal kita. Ikaw. Yung taong minahal ko ng ganito. Ikaw lang. Mahal na mahal kita. Ikaw. Salamat sa huling pagkakataon. Hinding hindi ko na sasayangin ito. Mahal na mahal kita. Ikaw. Marvin Louie Pangilinan. Walang iba, ikaw lang.
1 note · View note