Tumgik
#sa iyong litrato
isyaelwrites · 8 months
Text
sa iyong litrato, mga istoryador humahango
iyong litrato (niya) parang imahinasyon kung saan— ang tawag ko sa'yo ay mahal ko
Mayari, para kang buwan na silaw sa mata, silong sa punding kandila— upos sa paulit-ulit na gabing walang kapalitan ng palaisipan (tuwing nagdidilim)
mapapaniwala mo akong isa kang reinkarnasyon ng enkantada; sa katawang tao ay higit na nakahahalina.
no'ng ako'y maliit pa lamang, sa mitolohiya ng Griyego at Romanya ko nalaman: Diyos at Diyosa ay hindi maaaring silayan kun'di ikaw ay mahahatulan—kung kaya't sa tuwinang ngalan mo'y banggitin ako'y sa lupa na agad ang tingin. ngunit siguro'y iba nga sa kultura natin— may minsang nagtama ang mga mata, kabod kabog ng dibdib at kabig ng bibig; kung mortal man akong maituturing, bakit hindi nagliyab at naging abo sa paanan mo? sa halip, abot-kamay, kausap na parang tao sa tao.
alam mo bang parating sumasagi sa isip ko ang taglay mong bait at talino— si athena? diana? wala sila sa'yo. nais ko tuloy alamin ang ating sariling mga alamat at mito, baka sakaling may makapagpaliwanag nitong pagkahagas ko sa'yo; at bakit, kung ikaw ay kawangis ng lambana, diwata, at iba pa - mga pigurang engrande, sinasamba at inaalayan ng mga bulaklak at kanta— ay tila walang katakot-takot sa'yo— ang ibig ko lamang sabihin ay dahil ang gaan ng presensiya mo.
sa oras na ito, pitong minuto bago mag-alas otso, naalala ko na naman ang imahe mo— paanong hindi mapapaisip kung ang kasalukuyang katotohanan ay malayo sa gusto ko. siguro kagaya na lang nitong mga kwentong kinalakhan ko, hindi man maaari sa buhay na ito— karamihan sa romantiko, ang dulo'y tagos sa puso— gayunpaman ay patuloy ang paghanga sa'yo.
1 note · View note
mikidoink · 7 months
Text
Ako si Anneza, ang hilig ko ay mag document ng maraming karanasan gamit ang litrato. Mahilig ako maglibot at sumubok ng maraming bagong karanasan.
Kada taon, ang aking pamilya ay nagbabakasyon sa ibat ibang parte ng mundo. Noong Hulyo 2023, nagtungo ako sa Korea para sa aking kaarawan. Malaki ang aking pasasalamat sa aking pamilya dahil nadala nila ako sa lugar na hindi ko akalain na aking mapupuntahan. Sa airport palamang ay hindi ko na mapigilan ang mga ngiti sa aking mga labi.
Tumblr media Tumblr media
Paglapag ko sa aiport ng Korea, ako agad ay tumikim ng kanilang donut. Ang korea ay kilala sa makukulay at madisenyo na pagkain, kaya ako ay hindi na nagdalawang isip na bumili. Sumunod ay kumain naman ako ng “Samgyupsal”, kakaiba ang pagtimpla nila ng pagkain dito na kung saan ako ay nagkaroon ng isang masayang karanasan sa Korean cuisine.
Tumblr media Tumblr media
Upang hindi masayang ang aking araw, ako ay naglibot sa Myeongdong. Malapit lang dito ang aming tinutuluyan kaya sinadya na namin na puntahan agad. Ito ay isang lugar na kung saan punong puno ng maraming tindahan at streetfoods naman kapag kinagabihan. Sa bawat sulok ay maraming kainan ang nagaalok ng ibat-ibang uri ng pagkain. Tampok dito ang pagkain ng keso na mayroong condensed milk, lobster o ulang na mayroong ibat-ibang keso, at marami pang iba. Bilang isang bata na mahilig sa keso, ako ay nag enjoy ng sobra. Hindi ko mapigilang maglakad dahil sa nakakamangha nilang estraktura at paligid.
Tumblr media
Kinabukasan, ako naman ay bumisita sa Gyeongbokgung Palace upang masubukan ang kanilang “Hanbok” sa isang rental place kung saan ikaw ay maaari mamili ng iyong kulay ng damit, haba, at ibat-ibang mga accesories. Habang naglalakad ako sa malawak na hardin, nadama ko angpagpapahalaga sa kultura ng iba. Tila ba na ako’y isang prinsesa sa loob ng isang malaking kaharian. Isa ito sa experience na hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Ang renta sa hanbok ay nagdedepende sa iyong oras ng pagbalik. Ang pagsuot ng “Hanbok” ay hindi lamang karanasan, ito rin ay simbolo ng pagtangkilik ng kultura ng iba.
Tumblr media
Sumunod sa aming ginawa ay pumunta sa taas ng N Seoul Tower. Mula doon, tanaw ko ang buong lugar, sumakay rin kami ng malaking cable car papunta. Sa itaas ay maaari mong bisitahin ang love lock place na kung saan punong puno ng kadena o lock ang isang buong lugar. Ipinapakita dito ang pagmamahalan at isinusulat ang pangalan ng mahal natin sa buhay. Kinagabihan ay kumain kami sa tanyag na kainan, pinilahan namin ito sa loob ng 45 na minuto upang matikman. Sa murang presyo, ang lasa nito ay kalidad at masarap. Ito ang inirerekomenda ko pag ikaw ay pupunta sa Korea.
Tumblr media
Kinabukasan, ako naman ay tumungo sa Fortress Wall of Seoul. Ito ay ang mga bahay na nakikita o napapanood sa isang Korean na movie. Napakaganda ng mga bahay dito pero ang pagbista ay nililimitahan lamang dahil bawal magingay. Ako ay nabawalan dahil sa aking malakas na tawa, ako ay agad humingi ng paumahnhin. Sumunod ay pumunta ako sa Gangnam kung saan nakita ko ang statwa na sumisimbulo sa kanta na “Gangnam Style”, isa sa aking paborito noong ako ay bata pa lamang. Sinubukan ko rin ang mga pagkain sa kanilang 7/11 dahil ito at araw araw ginagawa at marami dito ang gusto kong masubukan. Isa sa tumatak sa aking isip ay ang kanilang cake. Pumunta rin ako isang malaking library, na itinawag na “Starfield Library”. Ito ay puno ng ibat-ibang libro at nasa gitna ito ng isang magarbong mall. Napakasaya sa pakiramdam ng makaranas ng maraming bagong experiences sa loob ng isang araw.
Tumblr media
Ika huli ay ang aking pagpunta sa Alpaca World. Ipinilit ko talaga ang aking pamilya na pumunta rito kahit ang byahe ay umaabot sa higit na 2 oras. Ang pagpapakain ng Alpaca ay isa sa aking bucket-list na hiling matupad. Ang pagpunta ko rito ay mas napadali sa pagbook ng tourguide sa klook, hindi kami nahirapan at mas napadali ang pagpunta rito. Liblib ang lugar at ito ay nasa lokasyon na kung saan ito ay nasa bundok. Mahirap makapunta dito kapag ikaw ay magisa lamang kaya mararapat na maghanap tayo ng tourguide. Pagtapos nito ay dumeretso kami sa Nami Island na kung saan makikita ang mararaming mga puno. Sumakay ako ng zipline papunta at ferry naman pabalik. Pagkayari ay sinubukan namin gumamit ng 4x4 bike train upang bumalik sa aming kinaroroonan ulit. Isa itong karanasan na gusto ko pang maulit sa aking buhay. Marami akong nakilala na ibat-ibang lahi, naging masaya ako ng lubos dahil dito.
Tumblr media
Sa huli, kami ay bumalik ng Myeongdong upang magpahinga. Sa bawat hakbang, napuno ako ng ibat-ibang karanasan. At ito ang bumubuo sa ibat-ibang parte ng aking sarili. Mula sa paglipad sa paliparan hanggang sa pabalik, naging buo ang aking kasiyahan. Sa pagtatapos ng aking lakbay, ako ay umaasa na muling makabalik sa isang lugar na kung saan natutunan kong sumubok ng maraming pagkain at activity. Hanggang sa muli.
4 notes · View notes
Text
Nakalimutan ko na ang 'yong tinig.
Ngunit hindi ang tunog ng' yong mga labi sa tuwing ikaw sa aki'y hahalik.
Ang 'yong amoy na kasing bango ng banilya ay paunti-unti ring nawala.
Hindi na ako bumabangon sa umaga upang gisingin ka sa pagdalaw ng panaginip na masasama.
Ngunit hindi na rin ako nakakatulog...
Masaya na rin akong mag-isa, ngunit hindi ko maiwasang hindi malungkot sa tuwing naaalala kita.
Minsan akong tinanong ng "kumusta" ngunit ikaw pa rin ang sagot sa tanong na wala ka.
Nakalimutan ko na ang ating anibersaryo.
Hindi ko na rin natatawag na "mahal" ang ibang tao.
Naitapon ko na lahat ng litrato pati ang mga sulat na ibinigay sayo.
Wala na.
Walang itinira——
—naaalala ko pa rin ang mga ngiti mo noong huli nating pagkikita; magmula sa haba ng iyong buhok hanggang sa kulay ng iyong mga mata.
Kilala kita kahit sa talikod,
kilala kita kahit nakapikit,
kilala kita kahit sa panaginip.
Nakalimot ako...
Ngunit pati ang kalimutan ka.
-Mga Letra ni Hudas para kay Maria
Tumblr media
7 notes · View notes
Text
ANG MAHIWAGANG PARAISO NG MARIVELES
Tumblr media
Noong ika-24 ng Pebrero, ako at ang aking pamilya ay nagdesisyon na libutin ang bawat sulok ng lungsod ng Bataan. Mula Dinalupihan, kami ay bumiyahe patungong Hermosa, Orani, hanggang sa dulo ng Mariveles, Bataan. Sa lahat ng lugar na pinuntahan namin, sa Mariveles ako tunay na nabighani. Tingin ko’y kukulangin ang mga salitang kasingkahulugan ng “maganda” upang mailarawan ang bayan na ito. Nakakapigil-hininga ang mga tanawin at nakakagaan sa pakiramdam ang sariwang hangin na iyong malalanghap. Ikaw ay tunay na mahiwaga, Mariveles!
Tumblr media
Ang Mariveles ay isang isla na matatagpuan sa makasaysayang lalawigan ng Bataan. Hitik na hitik ang lungsod na ito sa kasaysayan, kultura, magagandang tanawin, nakakatakam na mga pagkain tulad ng dilis, at syempre ang asul na asul nitong karagatan. Hindi lamang iyan ngunit kilala rin ang bayan ng Mariveles bilang isa sa mga lungsod na nangunguna pagdating sa produksyon at industriyalisasyon. Higit pa riyan, dahil sa mayaman na karagatan ng Mariveles, pangingisda rin ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayang nakatira dito.
Tumblr media
Balik tayo sa istorya kung paano ako tuluyang napa-ibig ng isla ng Mariveles. Noong kami ay papunta pa lamang sa Mariveles, hindi naman ako masyadong nasasabik na makita ang lungsod na ito. Marahil ay dala ito ng init ng panahon at pagod sa pagbiyahe sapagkat napakalayo ng Mariveles mula sa Dinalupihan na aking bayan. Gayunpaman, nanatili akong gising sa biyahe upang panoorin ang tanawin mula sa labas ng kotse. Ngunit lahat ng alinsangan at pagod sa aking katawan ay nabalewala bigla nang aking matanaw ang naggagandahang isla ng Mariveles at ang mayamang karagatan nito. Hindi ko na matandaan kung ano ang eksaktong nangyari ngunit akin pa ring naaalala kung paanong napanganga na lang ako sa aking mga nakikita at napasabi na lang ng “wow”. Pinaghalong mangha at kapayapaan ang aking nadama. Unang apak ko pa lang paglabas ng aming sasakyan, pakiramdam ko ay bigla akong napadpad sa tagpuan ng mga librong nababasa ko. Grabe! Buong akala ko ay probinsyang-probinsya nang maituturing ang Dinalupihan ngunit hindi pala. Sa Mariveles ko pala makikita at mararamdaman ang simpleng pamumuhay sa probinsya. Kahit pa punong-puno ng mga barko at pabrika ang lungsod na ito, iba pa rin talaga ang pakiramdam! Natatandaan kong pumasok pa sa isip ko na “Paano kaya kung sa pagtanda ko ay dito na lang ako tumira?” Sobra-sobra na siguro ‘tong aking mga nababahagi at OA na kung tutuusin pero masisisi mo ba talaga ako? Sinong hindi mabibighani sa hiwagang taglay ng Mariveles? Ah basta– para sa akin, maituturing na itong paraiso.
Sa huli, akin lang masasabi na grabe, ‘no? Ang galing talaga ng Panginoon. S’ya talaga ang idolo ko pagdating sa sining. Tignan n’yo naman yung bayan ng Mariveles– perpekto na perpekto ang bawat hagod ng kulay ng kapaligiran. Kitang-kita naman sa litrato ko kung gaano ako katuwa pag-apak ko sa lungsod na ito. Tunay ngang ika’y mahiwaga, Mariveles. Hanggang sa muli nating pagkikita!
2 notes · View notes
blognirain · 1 year
Text
Umali kayo sa Baguio!
Tumblr media
Baguio, ito ang lugar na madalas na puntahan ng mga tao sa bakasyon. Ang Baguio City ay kilala bilang “Summer Capital of the Philippines” ng dahil sa malamig na klima nito. Ito rin ang tinagurian na “City of Pines” dahil ito ang lugar ng tropikal na kagubatan. Kayo ay aking ililibot sa mga larawan na aking nakuha at magbibigay ng depinisyon sa bawat litrato na aking ilalagay. Halina sa Baguio! Umali kayo!
Tumblr media
Lion’s Head. Madadaanan mo ito kung ang iyong piniling daan ay ang Kennon Road. Sa gilid naman nito ay mayroong mga nagtitinda ng mga souvenirs kagaya ng tshirt, keychain, sumbrelo, tsinelas, walis, at marami pang iba! Mayroon din nagtitinda ng napakasarap na strawberry taho at ice cream. Kung nahihirapan kang kumuha ng litrato kasama ang Lion’s Head ay ‘wag kang mag-alala dahil mayroon dito na mga tao na kukuhanan ka ngunit maging alerto at maingat dahil hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan.
Tumblr media Tumblr media
Vista De Pino. Ito ang aking napiling lugar upang matuluyan. Malapit ito sa Burnham Park upang mas madali akong makapunta sa mga lugar na nais kong puntahan. Maayos ito dahil hindi ka lamang makakapag pahinga ng maayos, kumpleto na rin ang kagamitan na iyong posibleng gamitin, maganda rin ang tanawin kapag ikaw ay lumabas.
Tumblr media
Burnham Park. Ito ang madalas na puntahan ng mga tao sa Baguio. Hindi ka lamang makakasakay sa mga bangka at mga bisikleta, mayroon din mga mascot ng mga cartoon character at siyempre, hindi mawawala ang mga sariwang mga prutas at strawberry taho.
Tumblr media
Diplomat Hotel. Ang Diplomat Hotel ay isang hotel na kinakatakutan ng karamihan. Ito ay natapos na gawin sa taong 1915 at itinato ito upang gawing bahay bakasyunan o retreat house ng mga Dominican. Ito ay ginawang hotel ngunit sa mga umusbong na mga kwentong katatakutan, inabandona ito dahil sa mga sabi-sabi na marami ang nagpaparamdam na ligaw na espirito.
Tumblr media
Botanical Garden. Ito ay ang Imelda Park at itinaguriang zoo sa taong 1970. Ngunit ito ay nag sarado sa nangyaring pandemya at habang sarado ito ay inaayos na ito pinangalanang “Botanical Garden”. Isa rin ito sa pina-pasyalan ng mga tao ng dahil sa tanawin nito. Sa loob nito ay may mga nagtitinda rin ng mga pagkain tulad ng burger, kape, at mga souvenirs.
https://google.com/2728826359907/62i4926/baguio-botanical-garden=736926
2 notes · View notes
zup-its-elle · 1 year
Text
060223 // Hi, there. It's me. I'm writing a letter for you, about you. It's been three weeks? Parang kahapon lang kasi iyong sakit, iyong guilt, iyong hirap na nakita ko sa iyo. I wish I had the courage to tell all these thoughts, all these na maiisip ko pa dahil wala ka na. Wala na tayo. Wala nang ako. Dito ko na lang masasabi lahat. Kasi it's hard to tell anyone, lalo naman sa iyo. So I'm thinking if ever na makalimutan ko lahat, makalimutan mo ako, iyong tayo, I still have something to look back to. Bakit naman hindi? You made me the happiest. May mga hirap, may mga lungkot, but I know deepest of my heart, you are the only person who made me the happiest. Sa loob ng limang taon.
Iyong mga taong nakakakilala sa atin will never get the answer on why we broke up. Kahit nga ikaw, hindi ko masagot. Maybe, sa mga isusulat ko, baka mahanap natin iyong sagot. But one thing is for sure, I didn't love you enough. Enough to fight for what we have, enough to choose you everyday, enough to stay commited, enough not to look for what was missing. I realized, mahal na mahal naman talaga kita. It's just that, within me, laging may kulang. Gasgas na nga 'ata iyong linyang "it's not you, it's me." Pero totoo, it's not you. It's always me.
It's always me na lagi mong inaalagaan, na lagi mong pinoprotektahan, na lagi mong inuuna higit pa sa kanino man, higit pa sa lahat. I know. I know kasi nakasama na kita, sa iisang bubong, kasama ng mga tropa, kasama ng pamilya natin, kasama ko, kahit mag-isa ako. You were there, with me, embracing who I am and what I am. Sanay na sanay na akong kasama ka. Sa lahat ng bagay at pagkakataon. You were my home. My only home.
And it hurts. Ngayon, umiiyak ako. Habang sinusulat ko ito, umiiyak ako. Kasi sinaktan kita. Intentionally. Sinaktan kita. Iyong huling taong iniisip kong sasaktan ko, turned out to be na bibiglain ko one day. And it hurts to hurt you. Hindi ko alam kung paano ka ngayon, kung ano iyong mga iniisip mo ngayon pero alam ko naman, na you are still hurting. I don't know what is your way of coping up, I know for sure you're talking to girls already, and that's okay. I just can't help to think pa rin na you can't find someone like me although it's better to find someone NOT me. But BETTER than me.
I can't still erase you. Iniisip pa rin kita araw-araw. Iniiyakan pa rin kita. Hindi ko pa magawang tanggalin ka sa buhay ko. Hindi ko pa nga nabubura iyong mga pictures natin, ikaw pa rin iyong nag-iisang laman ng phone contacts ko na may pangalan mo. Iyong mga pictures natin sa facebook, hindi ko pa rin magawang tanggalin. And even our conversation from the very first day that we talked, nandito pa rin. Habang ako, unti-unti mo nang binubura. Sa buhay mo. Sa alaala mo.
Kapag tinitignan ko or binabalikan ko lahat, wala akong maramdamang kahit anong pagsisisi. Ang tangi kong nararamdaman, lungkot. Sakit. Galit sa sarili. Na why do I have to do that instead of just leaving you? Na bakit kailangan kong gawin iyon instead of ipamukha sa iyo na ayoko na.
Minsan, napapangiti ako kapag nakikita ko iyong mga litrato natin. I wonder, may tao pa kayang magiging masaya sa akin katulad ng pinaranas ko sa iyo? Or may tao pa kayang magpaparanas ng ganoong happiness sa akin? We're so comfortable to each other na tayo na iyong naging pahinga ng isa't-isa. I love doing things with you. You were my bestfriend. Yeah, bestfriend. To find a friend and a lover in someone feels different. Hits different.
Hirap na hirap na akong isipin ka. Minsan, ayoko nang isipin ka. Gusto ko na lang kalimutan mo ako. Gusto ko na ring kalimutan ka. Para wala na iyong sakit na dulot ng pag-iwan ko sa iyo. Para ako na lang magdadala lahat ng ito. Kasi, ang hirap na. Gusto kitang hanapin pero hindi na kita makita pa, gusto kong piliin ulit pikit-mata na magmakaawang patawarin ako ulit pero hindi na pala ganoon kadali iyon. Hindi dahil, hindi ko kayang ayusin. Kung hindi dahil mahal kita. Kailangan kitang palayain para mapalaya ko na rin iyong sarili ko. Hindi ko magagawang ayusin ang sarili ko para sa iyo, pasensya ka na. At ayoko nang masaktan ka pa. Nang paulit-ulit.
At sana, kapag nagkita na tayo, katulad nga ng sabi mo, sana wala nang sakit. Sana mas maging masaya ka. Ako, magiging okay ako. Nasanay lang akong nandiyan ka, masasanay din akong wala ka.
3 notes · View notes
Note
hola mami aha 🫦
ang ganda mo. maaari bang makahingi ng matamis na pagmamahal galing sa iyong mga labi? (ᵖˡᵉᵃˢᵉ ᵗᵉˡˡ ᵐᵉ ᶦᵐ ᵈᵒᶦⁿᵍ ᵗʰᶦˢ ʳᶦᵍʰᵗ ᵃⁿᵈ ᵗʰᵃᵗ ᵐʸ ᶠʳᶦᵉⁿᵈ ᵈᶦᵈⁿᵗ ᵐᵃᵏᵉ ᵐᵉ ᶠᵘᶜᵏ ᵘᵖ ᵐʸ ʳᶦᶻᶻ 😩)
Tumblr media Tumblr media
NOT THE HOLA 😭😭😭😭 NOT THE AHA💀💀💀💀💀. HOLA MI AMOR. CÓMO ESTÁS? WASSAP SPANISH COLONIALISM REPRESENT HAHAHHAAHHAHAHAH
paano mo naman nasabi na maganda ako? di mo naman siguro nakita yung minsan na nagbahagi ako ng litrato ko rito sa tumblr. pero, tama ka riyan, maganda ako HAHAHAHAHAH. Yung kaibigan mo ba na yan fluent sa Filipino kasi gusto ko sana gumamit ng balbal, pero baka hindi niya maintindihan at baka di niyo masalin. Palagay ko mala pang pananaliksik tunog ko sa Filipino ngayon kasi HAHAHAH di ako ganito magsalita sa totoong buhay LOLOLOL
ANYWAY this made me WHEEEEZE its so funny and endearing and im ???? honestly unsure as to why youre doing this????? are you my kissy anon btw???
also your friend didn't fuck up your rizz baby loves (you did that by yourself HAHAHAHAH)
Tumblr media Tumblr media
ate/kuya buti hindi mo siya niloko no? HAHHAHAAHAH Respect.
it does feel rather rigid, or no, old fashioned cos no one really speaks like that. I'd have said: pwede bang humingi ng matamis na pagmamahal galing sa'yong labi? means the same thing but its more casual. unless the point was to sound like, idk Ibarra HAHAHAH in which case
Tumblr media
Take all my loves, my love, yea, take them all: What hast thou then more than thou hadst before? Sonnet 40 Shakespeare
2 notes · View notes
r-thxaa · 2 years
Text
Halina't sa Baguio!
Noong Pebrero 22, 2017, naglakbay kami mula Bataan patungong Baguio, isang paglalakbay na sa una ay patag ngunit kalaunan ay nagsimulang tumaas nang tumaas habang paakyat sa kalsada. Nag-iba ang tanawin sa daan habang kami ay nasa itaas, habang ang mga puno ay tumataas at ang hangin ay lumalamig. Pagdating ko sa aming destinasyon, nagising ako mula sa aking pagkakahimbing at naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking balat.
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://4.bp.blogspot.com/-PgXMWhtEXFs/WN3TCOlgJVI/AAAAAAAAABI/tLlme033l7oY6qbdXF6VNmtP1yAAPCFnACLcB/s320/baguio2.jpg
Sa pagsisimula ng aming paglalakbay, ang una naming pinuntahan ay ang Burnham Park, Sa Burnham Park, magkakaroon ka ng maraming pagkakataon upang tamasahin ang mga pasyalan at tunog ng tubig at mga bike trail kasama ang mga kaibigan at pamilya. Magiging maayos ang pakiramdam mo sa mapayapang parke na ito. - - -
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://th.bing.com/th/id/R.7368b0bec6f000bd14ea529633fb87f2?rik=MoEEYdB4LF3PRA&riu=http%3a%2f%2fxtremelyxpresso.com%2foakandstone%2fwp-content%2fuploads%2fsites%2f4%2f2020%2f06%2fMines-View-Park2-xtremelyxpresso.com_.jpg&ehk=v7qe%2fchVUR2uk86QElyFnkxyeEjXxlLPiqLy0Slo64Q%3d&risl=&pid=ImgRaw&r=0 Sa patuloy naming paglalakbay, Ang Mines View Park ang pangalawa naming napasyalan. Sinasabing ang Mines View Park ay isang magandang lugar sa Baguio na nag-aalok ng mga kahanga-hangang tanawin ng minahan ng ginto at tanso ng Benguet at ng mga nakapalibot na bundok. Maaari ka ring umarkila ng binocular dito para mas makita ang mga pasyalan. Maganda ang mga tanawin rito sapagkat ito ay nakakatanggal ng ano mang iyong hinanakit sa buhay, dahil sa isang tingin mo lamang rito, tiyak! makukuha na nito ang iyong loob.
- - -
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://bluedreamer27.com/wp-content/uploads/2017/03/32037682782_708021f5d1_z-640x445.jpg
Pagkatapos ng park na iyon, pumunta kami sa Botanical Garden. Dito, makikita mo ang matatayog na bundok at kamangha-manghang mga minahan, magagandang bulaklak at mga taong masayang nagkukwentuhan, karamihan ay mga pamilya at kaibigan na namamasyal. Maaari ka ring kumuha ng litrato kasama ang mga aso at kabayo doon. Marami ring mga souvenir na mabibili dito na karamihan ay gawa sa kahoy at mga palamuti sa katawan. Kung bigla kang nagutom, huwag kang mag-alala dahil marami ring mga tindahan dito kung saan makakabili ka ng masasarap na pagkain.
- - -
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://th.bing.com/th/id/OIP.IjMXDbM6_MkZP_TrqrjF8AHaE9?pid=ImgDet&rs=1
Matapos ang mahabang paglalakbay, pagkuha ng mga magagandang litrato, at pagkain na masasarap. Kami ay pansamantalang nanirahan at nagpalipas ng ilang gabi sa isang hotel na nagngangalang Hotel Elizabeth Baguio.
- - -
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://live.staticflickr.com/5043/5289938473_b24c1afdc5.jpg
Bumisita din kami sa "The Mansion" which is the "Summer Palace of the Philippine President" dito sa lugar na ito napakahamog ng mga araw na iyon, kaya hindi namin ito makita sa labas ng Gate.
---
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://i.pinimg.com/originals/f2/b2/84/f2b284e62853a4e4582538332c98493d.jpg
Dito rin ako nakatikim ng taho na may halong Strawberry o Ube na sobrang sarap dahil akala ko lang na pareho lang sa Probinsya ng Bataan pero may twist ang taho nila.
***
Bago kami umuwi, pinasyalan namin ang SM BAGUIO kung saang hindi ito pangkaraniwang SM na may mga airconditioner, sapagkat, ang mga bintana nito ay sagrado dahil sa sobrang lamig sa Baguio.
Maraming dapat gawin at makita dito, hindi ko lamang nabanggit ang iba't-ibang klima rito. Kaya, halina't magpunta at makisaya sa Baguio City!
2 notes · View notes
makauwi · 2 months
Text
Wala man ako sa kinaupuan natin noon, sa aking isip ay di ako umalis sa masukal na nayon. Sariwa pa sa tinta ang aking mga sumpa, maging ang puso't luhang nahuhulog sa lupa.
Kay tayog man ng dingding ng aking pagliyab, paanong ang iyong mga mata'y hinihila ako pabalik sa peligroso nitong lagablab?
Ang liwanag ng mundo noo'y iyong ngiti, naging dalampasigan, ulan, at pagdadalamhati. Ang kahel at dilaw, sabay inaawit ng mga mata, ay itim, at lila nang ika'y nawala.
Mananatili na lamang sa litrato ang ganda ng iyong galak, ang pagsilay sa 'yong liwanag, at ritmo ng yong halakhak. Atin mang mga sumpa ay siya nang nakatatak, litrato ng iyong ngiti ay siya pa ring hawak-hawak.
0 notes
peryodismo2324 · 4 months
Text
Bandang Hey June! at HSK!, nagtanghal sa BOTB 2024
Justice Aguinaldo at Maya Ozo Mayo 30, 2024
Lumahok bilang guest bands ang mga bandang Hey June! at HSK! sa “APLAYA﹕Battle of the Bands 7-12” noong Mayo 22 sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) Gymnasium.  Taun-taon, nag-iimbita ang UPIS ng mga guest band para magtanghal sa kapana-panabik na Battle of the Bands (BOTB), isang kompetisyon sa pagitan ng mga banda ng mga mag-aaral mula Grado 7 hanggang 12. Ngayong taon, nasilayan ng UPIS ang galing at talento ng bandang Hey June!, na binubuo nina Jim Mase, Coey Ballesteros, at Aci Forda. Kilala bilang isa sa mga nagtanghal sa UP Fair noong Pebrero, itinugtog nila ang kanilang mga sikat na kanta﹕ang “Panahon” at “LASIK.”
Tumblr media
Litrato ng Hey June! kasama ang ilang miyembro ng PKA (Kuha ni Abby Cuaresma)
Ayon kay Raya Sison, ang tagapamahayag ng UPIS Pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) at ang nanguna sa APLAYA, nagsilbing “highlight” ng gabi ang pagbisita ng Hey June! sapagkat maraming kabataan, lalo na sa UPIS, ang kasalukuyang nakikinig sa kanilang musika. Kakaiba rin daw kasi ang karanasan na mapakinggan at makita sa personal ang iyong paboritong banda. “Sa tingin ko naman ay nagulat at nagustuhan ng mga manonood na ang bandang napapakinggan lang nila sa mga streaming platforms ay nag-perform na sa Battle of the Bands,” sabi niya. Hindi naman nagpahuli ang bandang HSK!, na nagwagi ng kampeonato sa BOTB 2023 noong nakaraang taon. Bilang pinakahuling banda na nagtanghal, nagpakitang-gilas sila sa pagtugtog ng mga kantang “Beggin’” ng Måneskin, “Bring Me to Life” ng Evanescence, at “Runaway Baby” ni Bruno Mars. 
Tumblr media
Litrato ng pagtatanghal ng HSK! sa BOTB 2024 (Kuha ni Maya Ozo)
Hindi makapaniwala si Bianca Baguio, isa sa mga miyembro ng HSK!, na naranasan na nilang magtanghal sa BOTB bilang guest band, sa halip na bilang kalahok. Nasiyahan din siya sa muling pagbisita sa kanilang inang diwa, o alma mater. “Hindi rin kami binigo ng UPIS dahil ramdam ko ang mainit na pagtanggap ng mga manonood noong kami’y nasa entablado. Dagdag pa rito, masarap sa pakiramdam na makakita ng mga dating guro at kaklase na halos isang taon ko nang hindi nakapiling,” sabi niya. Talagang nadama ng bawat banda at manonood ng BOTB sa gabing iyon ang umaapaw na pagmamahal sa musika ng mga mag-aaral ng UPIS. Kaya, nagpahayag ng kagustuhang magtanghal muli bilang guest band ang parehong Hey June! at HSK!. 
1 note · View note
kristelespano0826 · 5 months
Text
“NG MAKITA KA ULIT SA NAKARAAN”
 “Nasaan ako?”
Humakbang ako papunta sa lamesa dahil may nakita akong nakahandang pagkain, pandesal at kape na mainit init pa. Tila ako ay mistulang natunganga dahil ultimo ang mga gamit ay luma rin. Inikot ko ang buong silid at nasilayan ko ang isang kahon na malapit sa aking hinigaan, binuksan ko ito at laking gulat ko at mayroon akong nakitang mga larawan na tila ay nagkaroon ng kasiyahan sa aking puso. Isang larawan ng isang buong pamilya, May dalawang bata at mag asawa, napapaisip ako dahil sobrang pamilyar ng mga ito. Kinuha ko pa ang isang larawan, isang babae at isang lalaki mistulang paunti unting bumagsak ang aking luha dahil nakita ko ang mukha ng isang maamo at matipunong lalaki at laking gulat ko na ang kasama niya sa larawan ay ako.
 “Bakit ako nasa larawan?”
Iyan na lamang ang mga lumabas sa bibig ko ng nakita ko ang  larawan. Nakita kong ako ay nakasuot ng lumang kasuotan at nakaayos ng mala buhok ni Clara. Dali dali kong kinuha ang larawan at itinago ito sa aking bulsa at  nagmadali akong lumabas ng silid. Nakakita ako ng mga dalagang nag aayos Sa bahay. Tilay may magaganap na selebrasyon.
“Tama ka binibini”, sagot ng isang babae. Hindi ka pa po ba mag aayos? Parating na raw po ang inyong mga bisita. Dagdag pa nito
Inikot ko ang buong salas at laking gulat ko dahil nakakita akong muli ng mga litrato na nakasabit sa dingding at sobrang dami ng aking mukha.
“Sabayan ko na lamang ang ikot ng mundo, Lord. Kung ano man po ang nangyayari Kayo na po ang bahala saakin” Iyan na lamang ang mga nabanggit ko sa mga sandaling iyun.
Dumako na ako sa silid na itinuro saakin ng babae at doon naghihintay ang mga iba pang dalaga na tutulong magpalit at magsuot saakin ng damit na aking isusuot. Mayroong nagsuot saakin ng aking damit, may nag-aayos ng aking buhok at naglalagay na  kolorete sa aking mukha. Ng matapos na ang mga ginagawa nila humarap ako sa salamin, nakikita ko ang mukha ng nasa larawan at ang nasa harapan na nakikita ko ngayon. Hindi ko namalayan tumutulo na ang aking luha.
“Maaari napo kayong lumabas binibini sapagkat nasa ibaba na po ang inyong mga panauhin” Ika ng isang babae
Unti unti kong binuksan ang pintuan ng silid at ako ay dumako sa salas. Pagkarating ko sa sala tilay bumagal ang ikot ng aking mundo sa isang matipunong lalaki na may maamong mukha ang sumalubong saakin at hinalikan ang aking kamay sabay sabing, “Magandang umaga Binibini, Hindi pa rin nagbabago ang kaamuhan ng iyong mukha gaya ng pag-ibig ko sayo”
Tila ay nawala ako sa wisyo nang muling tumulo ang aking luha dahil ang lalaking nasa aking harapan ngayon ay ang lalaking kasama ko sa larawan.
Pinunasan ko ang aking mga luha at umupo sa silya.
“Kumusta ka na, Mahal ko” Sabi Niya.
“Mabuti naman ang aking kalagayan………..” Hindi ko alam kung ano ang aking itatawag ni hindi ko alam kung ano ang pangalan ng aking nasa harapan ngunit isa lang aking nasisiguro sobrang lambot at sobrang gaan ng loob ko sa lalaking ito. Na tilay kami ay magkakilala ng matagal na panahon at parang kilala na naming ang isat isa.
“Hijo, Hija. Paumanhin at ngayon lamang ako nakarating” “Hijo, Lucio kanina ka pa ba dumating?” Sabi ng isang magandang ginang na pmailyar rin at tila kami ay nagkita na rin sa kung saan.
At ng narinig ko ang pangalan na iyon biglang sumakit ang aking ulo at ang daming nagpakita sa aking isipan na mga ganap sa aming dalawa.
“Ayos ka lang ba, mahal ko?” – Lucio
Bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ko namalayan ang mga sumunod na nangyari. Kinabukasan nagising ako at nakita kong natutulog sa upuan si lucio, Nilapitan ko siya at tinitigan ang kaniyang mukha.
*/ Pagbabalik ala-ala
Nakaupo kami sa harap ng dalampasigan at pinagmamasdan ang napakagandang tanawin, habang tumatawa kasama ang aking mahal na si Lucio. Bigla siyang huminto at tumingin saakin.
“Mahal ko, Hindi ko mawari kung ano ang mangyayari saakin kapag ikaw ay nawala saakin, natatakot ako kung ano ang pwedeng mangyari. Mahal kong Maria, maaari moba akong samahan aking habang buhay at sa susunod pang kabilang buhay?” –Lucio
Tumutulo ang aking luha at sabay yakap sa kaniya, humahagulgul na parang bata na hindi alam kung ano ang gagawin. Tinitigan ko ang mukha ni Lucio na parang ayoko siyang mawala na gusto ko nasa tabi ko lang siya habang buhay.
“Mahal ko, Sasamahan kita habang buhay kahit ano man ang mangyari, at kung mawala man tayo sa mundong ito hahanapin pa rin kita sa kabilang buhay alam kong kahit nong mangyari pagtatagpuin pa rin tayo dahil naniniwala ako sa kapangyarihan ng pagmamahal.
*/Unang  Kasalukuyan
Tumutulo ang aking luha habang hindi namamalayang hawak ang kamay ni Lucio. Nagising siya sa aking hikbi.
“Bakit mahal ko?”-Lucio
“Naguguluhan man ako sa nangyayari, pero nararamdaman ko sa aking puso na mahal na mahal kita. Patawarin mo ako Lucio” wika ko sa kaniya.
“Anong pinagsasabi mo mahal ko?”-Lucio
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari basta ang alam ko lang matagal ng panahon kung nasaan man ako ngayon. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng lahat pinagdasal ko na lang sa Maykapal na kung matatapos man ito ngayon, pagkitain kami nawa sa kung saan ang aking kasalukuyan.
“Mahal kong Lucio sa pangalawang pagkakataon patawarin mo ako, Mahal na mahal kita”
*/ Kasalukuyang nagaganap
Nagising ako na may luha sa aking mata at mayroong panyo saaking kamay at may nakaburdang pangalang Lucio kasama nito ang larawan sa aking panaginip.
“Anak, gising kana ba? May naghihintay sayo sa labas” wika ng aking nanay
Lumabas ako sa aking silid at gaya sa aking panaginip bumagal ang ikot ng mundo ko ng aking Makita ang isang lalaking nakatalikod at nakatayo at bigla siyang humarap at nakita ko ang lalaki na minsan ko ng minahal sa aking nakaraan.
Si Lucio.
1 note · View note
residentpatriot · 6 months
Text
Summer 2024: 5 Tips para Ma-Achieve ang Inaasam na Beach Body
Ramdam na ang tag-init ngayong nagsimula na ang buwan ng Abril. Samu’t saring beach inspo na ang lumalabas sa iyong social media feed. Mga aesthetic na litrato ng puting buhangin, asul na dagat, puno ng niyog na pinapasayaw ng hangin, makapigil hiningang takip silim, at syempre mga makukulay na summer outfits at swimwear. Photo by Steven Wilcox on Unsplash Ready na ba ang iyong summer beach…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
anji-uramiga · 7 months
Text
TAHANAN
Kasabay ng pagsalubong namin sa bagong taon ay sinalubong din kami ng mga nakakapagod na problema. Kaya naman ako at ang aking pamilya ay naglakbay patungo sa lugar kung saan ang mga problemang iyon ay mabubura. 
Kami ay nagpunta sa Atimonan Quezon, ang lugar na isa sa pinaka malapit sa aming puso. Bukod sa taglay nitong ganda ay mayaman din ito sa kasaysayan at kultura. 
Tumblr media
Saan matatagpuan ang Atimonan?
Ang Atimonan ay isang bayan sa lalawigan ng Quezon sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng lalawigan, malapit sa baybayin ng Dagat Timog Tsina. Ang Atimonan ay unang nabuo bilang isang bayan noong ika-12 ng Agosto, 1608, kung saan ito ay itinatag ng mga prayle ng Orden ng mga Agustino. Ang pangalan ng bayan ay mula sa salitang "ati" na nangangahulugang “malaking puno” at “buwan” na nangangahulugang “panahon,” na nagpapahiwatig sa pagiging mayaman ng lugar sa mga puno at pagmamahal sa kalikasan.
Destinasyon
Bituka ng Manok: Sa mga dinaanan namin patungo sa Atimonan, Quezon hindi ko nakakalimutan ang tinatawag nilang "Bituka ng Manok" dahil sa kurbadang hugis bituka ng manok na nakikita sa kalsada. Ito ay isang kilalang ruta na may maraming matalim na mga kurba at zigzag, na nagbigay ng siksik na pakiramdam ng paglalakbay.
Tumblr media
Litrato mula sa internet.
Our Lady of Angels Parish Church: Linggo ang unang araw namin sa Atimonan kaya naman kami ay nagsimba sa Our Lady of Angels Parish Church na kilala sa kanyang arkitektural na ganda at makabuluhang bahagi ng kasaysayan at kultura ng lugar.
Tumblr media Tumblr media
Bundok: Sa hapon naman ay umakyat sa bundok na mayroong rebulto ng mga Santo. Napakaganda ng tanawin sa bundok na ito, makikita mo ang pagsasama ng mga bundok at karagatan. Napakalakas ng hampas ng hangin sa lugar na ito, siguro dahil sa kapangyarihan ng aking kapatid. Biro lamang.
Tumblr media Tumblr media
Playa De Lucia Bayview: Ang mga dalampasigan ng Atimonan ay maganda para sa paglangoy, pagsisid, at iba pang mga aktibidad sa tubig. Sa ikalawang araw namin sa Atimonan kami ay pumunta sa Playa De Lucia Bayview. Ito ay isang kilala na destinasyon sa rehiyon dahil sa magandang tanawin ng dagat, pati na rin sa mga pasilidad at serbisyong inaalok nito para sa mga bisita tulad ng mga kuwarto, swimming pool, at iba pang mga aktibidad sa outdoor. Ang Playa De Lucia Bayview ay isa sa mga atraksyon ng Atimonan na hinahanap ng mga turista at bakasyonista para sa kanilang pahingahan at paglibang.
Tumblr media Tumblr media
Tagultol Fishing Festival: Sa pang huling araw namin Atimonan ay aming nasaksihan ang Tagultol Fishing Festival. Ang Atimonan ay may mga tradisyunal na pista at pagdiriwang, kung saan maaari mong masaksihan ang mga pambansang sayaw, musika, at iba pang mga gawain na nagpapakita ng kultura ng Quezon. Sa pagdiriwang na ito, ang mga tao ay sumasayaw na may suot na makukulay may mga disenyo na nag papakita ng ganda ng karagatan. Sabi ng aking ama, ito raw ay paraan para ipakita ang kasaysayan at kultura ng pangingisda sa lugar, pati na rin ang kahalagahan ng pagpapalaganap at pangangalaga sa likas na yaman ng karagatan.
Tumblr media
Bantalakay falls: Sa hapon naman ay dumaan kami sa sinasabi nilang Bantalakay falls. Ito ay pinalilibutan ng kulay Verde na kung saan nakaramdam ako ng pagkamangha sa lugar na ito sapagkat ito ay mayroong kakayahang pagaanin ang iyong pakiramdam.
Tumblr media
Repleksyon
Ako ay namangha sa ganda ng mga tanawin, sarap ng mga pagkain, at ang mga pasyalan na mukhang mamahalin. Ngunit hindi ba ninyo napansin ang nawawalang parte sa aking sanaysay? Iyon ay ang lugar sa Atimonan kung saan mas pinatibay ang samahan ng aking pamilya, lugar na punong puno ng kasiyahan, tawanan, at kwentuhan, na isa sa aming kayamanan. Ang lugar na iyon ay ang aming tahanan sa Atimonan.
Higit sa mga pasyalan, ang pinaka mahalagang bahagi ng aming paglalakbay ay ang mga simpleng sandaling nagkasama-sama kami ng pamilya. Mga masasayang kwentuhan habang nagluluto, pagtulong-tulong sa paghahanda ng mga gamit para sa mga pupuntahan, at mga gabing puno ng tawanan at kwentuhan sa ilalim ng mga bituin.
Kaya naman, ang bakas ng aming mga paa sa bawat lugar na aming pinuntahan ay nakaukit na, katulad ng mga bakas ng mga masasayang alaala na nakaukit na sa aking puso't isipan.
Masayang mag lakbay kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.
MGA SANGGUNIAN:
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Atimonan
https://www.google.com/travel/hotels/Playa
https://www.tripadvisor.com.ph/Attractions-g7982140-Activities-Atimonan_Quezon_Province_Calabarzon_Region_Luzon.html
1 note · View note
rievibez · 7 months
Text
Sariwang hangin, Sari-saring tanawin: Baguio City
Tumblr media
Ang Baguio City ay isa sa dinadayuhan na siyudad na matatagpuan sa probinsya ng Benguet, Cordillera Administrative Region. "Summer Capital of the Philippines" nagbibigay ito ng malamig na klima, magagandang tanawin, pasyalan, at taniman. Bukod sa lugar na nagbibigay ng akit sa ating paningin ay maroon ding mga pagkain na tiyak na patok sa ating panlasa. Kahit na ilang oras ang paglalakbay patungo rito, hindi dahilan sa aming pamilya ang layo nito, kaaya-aya at sulit naman ang pagod kapag nakatungtong na kami sa aming paboritong lugar. Simula bata pa lamang ako ay madalas na naming dinadayo ang lugar na ito, dahil nagdudulot ito ng kaligayahan sa amin at mababang temperatura na nagbibigay sa aming enerhiya at nagsisilbi na rin ito na aming pahinga. Malaking tulong sa aming pamilya ang pagkakargoon ng SCTEX at TPLEX, ito ang mga daan kung saan ay mapapabilis ang iyong paglalakbay patungo sa Baguio City. Dati ay umaabot ng walo hanggang siyam na oras dahil hanggang Bulacan exit pa lamang ng NLEX ang abot ng expressway at doon na matatagpuan ang Manila Road North na inyong susunod na tatahakin. Ngayon ay mas maikli na lamang ang biyahe sa tulong ng mga daan na nagbibigay ng makiling oras para sa ating biyahe at isa na rito ang TPLEX expressway.
Tumblr media
Bukod sa malamig na klima at magagandang tanawin, mayroong mga lugar pang turista na tiyak na magugustuhan ng mga dayuhan, Una ang Botanical Garden, ito ang isa sa magandang pinatutunguhan ng mga dayuhan sa Baguio City. Mayroong mararaming puno at matitingkad na kulay ng mga bulaklak, kultura na nagpapakita ng iba’t ibang ritwal ng mga tribo ng Cordillera at mga Igorot na iyong makakasalamuha at makakasama sa pagkuha ng litrato kapalit ng maliit na halaga ng pera.
Tumblr media
Ang susunod naman na destinasyon ay ang Burnham Park, ito ay isang parke na mayroong lawa na gawa ng tao at pwede ka sumakay sa bangka na may disenyo at matami pang iba. Isa itong paikot na lugar kung saan marami ka rin makikitang iba’t ibang uri ng tanim ng halaman at mga naggagandahang ilaw sa gabi. Tila mapapahanga ka sa ganda ng iyong tanawin dito na may kasabay na malamig na hangin.
Tumblr media
At ang huli, ay ang Mines View Park. Sa Mines View Park sa Baguio, makikita mo ang magandang tanawin ng mga minahan at bukirin. May mga mababang halaga na suvenir shops na nag-aalok ng mga tradisyunal na produkto. Ang lugar ay puno ng kultura ng mga Igorot, at naging paboritong destinasyon para sa mga turista. Madalas din dito ang mga mahilig sa pagkuha ng litrato dahil sa magandang kabundukan at kalikasan. Masusumpungan mo ang pagbisita sa Mines View na isang kahanga-hangang karanasan.
Marami na akong napuntahan na magagandang lugar sa Pilipinas pero nangingibabaw pa rin ako Baguio City. Ito ay tunay na kakaiba at dito ko nararanasan na magsaya at matuto tungkol sa mga iba’t ibang istorya ng mga buhay ng tao noon. Dito ko rin madalas makasama ang lahat ng pamilya ko na bihira lang makasama dahil sa kanya-kanyang responsibilidad sa buhay. Ito ay kapayapaan at pahinga na lugar.
0 notes
ellyviews · 7 months
Text
BAGUIO: Mainit na Yakap sa Likod ng Malamig na Klima
Malamig at sariwa ang simoy ng hangin sa labas, at natatanaw ko ang bakas ng aking hininga na umuukit sa salamin ng bintana habang aking dinudungaw ang malamig na umaga. Patuloy pa rin ang kasagsagan ng malamig na temperatura sa bansa na dala ng pag-ihip ng hanging amihan sa direksyon ng Pilipinas. Isa itong pamilyar na pakiramdam, ngunit ang lamig na dala ng hangin ngayon ay hindi pangkaraniwan. Ngayon, ibinabalik ako nito sa aking naging karanasan ilang taon na ang nakalipas, sa  isang lugar kung saan ang lamig ay higit pa sa temperatura.
Baguio. Mabanggit pa lamang ang pangalan ng tinaguriang "Summer Capital of the Philippines" ay sasalubong na sa iyo ang larawan ng mahamog na umaga, malamig na gabi, at mabulaklak na kapaligiran. Ito ay isang lugar kung saan ang malamig na klima ay bahagi ng kaniyang kaakit-akit na ganda. Isa rin ito sa mga pangunahing destinasyon na parte ng aking bucket list dahil sa katangi-tanging kariktan o kagandahan na maihahatid nito. Ang aking naging karanasan noong ako ay nanatili rito ay talaga namang hindi ako binigo dahil hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala ko pa rin ang masarap na memorya na aking nabuo sa pook na ito.
Tumblr media
Ika-24 ng Disyembre ng taong 2018 noong napagdesisyunan ng aking pamilya na dumayo mula Bataan hanggang Baguio upang doon ipagdiwang ang araw ng pasko. Maaga kaming bumiyahe upang kahit mahirap ay makaiwas kami sa bugso ng trapiko. Gayunman ay hindi pa rin namin ito natakasan, ngunit imbis na makaapekto sa aming pamamasyal ay nakadagdag lamang ito sa aming pagkasabik na agad malibot ang nasabing lugar. Sa unang destinasyon pa lamang ay hindi na namin napigilang mamangha dahil sa lamig ng klima at sa dami ng mga taong dumayo rin upang masilayan ang gandang hatid ng Baguio.
Tumblr media
Una naming binisita ang Mines View Observation Deck at katulad ng aming inaasahan, punong-puno ito ng mga turistang nagnanais ding masilayan ang mga tanawing nakapaligid sa Baguio. Isa ito sa mga popular na destinasyon sa pook dahil matatanaw mula rito ang mga minahan ng ginto at tanso sa Benguet, pati na rin ang mga nakapaligid na matatayog na bundok ng Cordillera. Naging kapana-panabik ang aming karanasan dito dahil nasilayan namin ang mga makukulay na tradisyunal na kasuotang Igorot, katulad ng bahag, sibat, kalasag, at iba pa. Nagpakuha rin kami ng mga litrato sa tabi ng mga kabayo at kahit unang destinasyon pa lamang ay napabili na kami agad ng mga pasalubong at souvenir sa mga tiyanggeng nakapalibot dito. Higit sa lahat, nasaksihan ko ang nakabibighaning mga tanawin habang damang-dama ng aking balat ang malamig na simoy ng hangin na pinatamis ng mga puno ng pino na nakalantad sa paligid nito.
Tumblr media
Tila walang kapaguran ang aming mga paa dahil matapos naming mag-iwan ng bakas sa Mines View Observation Deck ay dumako na kami sa aming pangalawang destinasyon. Sabi nga ng marami, hindi makukumpleto ang iyong pamamasyal kung hindi ka bibisita sa Baguio para sa kanilang mapupula at masasarap na strawberries. Dumako ang aming pamilya sa La Trinidad upang bisitahin ang sikat na Baguio Strawberry Farm, kung saan kami ay sinalubong ng mga mayayamang taniman ng iba’t ibang uri ng mga sariwang gulay at prutas. Malugod kaming inanyayahan ng mga lokal na magsasaka at maiging pinayuhan ukol sa tamang pagpili at pagpitas ng mga halaman. Natagpuan din namin ang aming mga sarili na bumibili ng iba’t ibang mga produktong batay sa strawberry, katulad na lamang ng strawberry jams, strawberry ice cream, at strawberry taho. Isa ito sa mga nakaeengganyong karanasan na pumukaw sa aming mga damdamin dahil sa simpleng interaksyon na ito ay nakilala namin ang mga puso at diwa ng komunidad. Tunay na ikinaligaya ng aming mga puso ang likas na kagandahan ng paligid at ang masiglang kultura ng rehiyon. Lumisan kami sa aming destinasyon na hindi lamang may dalang basket ng sariwang strawberries at lettuce sa aming mga kamay, kundi may mas malalim din na pagpapahalaga sa mga taong bumubuo sa kalikasan ng Baguio.
Tumblr media
Matapos ang aming maikling pahinga ay tinahak ng aming pamilya ang landas patungo sa Botanical Garden. Maliban sa malamig na klima ay tahanan din ang Baguio ng magagandang hardin at parke. Ang Botanical Garden ay itinuturing isa sa mga kamangha-mangha at kilalang-kilala na tourist spots na mayroon ang lungsod. Maraming turista ang aming nakasalamuha sa lugar ngunit halos nakabibinging katahimikan din ang bumungad sa amin. Hindi alintana ng bawat isa ang presensya ng ibang tao lalo na’t napaliligiran ang pook ng maraming uri ng halaman, makukulay na bulaklak, at mga nagtataasang puno ng pino na tunay nga namang nakamamangha sa mata. Ang mga ingay na pumupuno sa paligid ay nagmumula lamang sa mga huni ng mga ibon na nag-iikot sa itaas na nakadaragdag sa payapang pakiramdam na hatid ng malamig na lugar. Kahit ang sandamakmak na litratong nakuhanan namin sa hardin ay hindi makapagbibigay-katarungan sa kaaya-ayang ganda na aming natunghayan.
Tumblr media
Papalapit na ang hapon ngunit damang-dama pa rin ng aming mga balat ang ginaw na dala ng klima sa lugar. Napagdesisyunan ng aming pamilya na tapusin ang araw na ang Burnham Park ang huling destinasyon.  Ito ang pinakakinasasabikang pasyalan ng marami sa amin bilang ito ang itinuturing na "Mother of All Parks" sa Baguio City. Walang makikitang bahid ng panghihina o kapaguran sa aming mga katawan kahit ilang destinasyon na ang aming nabaybay dahil ang pasyalang ito ang pinakahinihintay ng lahat. Kilala ang Burnham Park bilang isa sa mga paboritong pasyalan hindi lamang ng mga katulad naming turista kundi pati na rin ng mga lokal na mamamayan ng Baguio dahil sa bilang ng mga libangan at pasyalan na makikita rito. Nalibang ang aming pamilya sa iba’t ibang uri ng mga aktibidad na dala ng pasyalang ito, mula sa pagsakay sa mga bisikleta hanggang sa pamamangka sa malaking man-made lake na makikita sa gitna ng nasabing parke. Tila napagmasdan ko ang pagbalik ng aking mga tiyahin sa kanilang pagkabata habang nililibang nila ang kanilang mga sarili. Malamig ang simoy ng hangin ngunit binabalot ng mga maiinit na ngiti at tawanan ang buong paligid.
Sumapit na ang dapit-hapon nang magpasya ang aming pamilya na magpahinga mula sa aming paglalakbay. Dumayo na kami papunta sa aming napiling rest house upang salubungin ang pagpitik ng alas-dose sa orasan. Unti-unti nang pumapasok sa aming sistema ang antok at pagod na dala ng buong araw naming paglilibot sa mga pasyalan sa Baguio. Ramdam man namin ang panghihina ng aming mga katawan ay patuloy pa rin kaming niyayakap ng masasayang alaala na binuo namin sa araw na iyon. Maligalig naming sinalubong ang araw ng pasko at lahat kami ay natulog nang mahimbing na may malalawak na ngiti sa aming mga labi.
Tumblr media
Sa aking pagninilay-nilay habang ang malamig na hangin ay humahampas sa aking bintana, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding pangungulila para sa espesyal na uri ng lamig na tanging ang Baguio lamang ang makapagbibigay. Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon ay nanaisin kong bumalik dito at lumikha ng mga bagong memorya na tatatak sa aking puso at isipan. Tunay na hindi pangkaraniwan ang lamig ng panahon sa Baguio, gayundin ang mga nag-aalab na karanasan na maihahatid nito.
Inaasam-asam ng aking katawan na maranasang muli ang pakiramdam na idinulot ng paraisong iyon. Ngunit sa ngayon, dadamhin ko muna ang bawat piraso ng mga nabuo kong alaala, at yayakapin ang init na dala nila.
MGA SANGGUNIAN: Baguio City weather: The best time to visit | El Retiro. (n.d.). El Retiro. https://elretirobaguio.com/baguio-city-weather-the-best-time-to-visit/ Mines View Park | Discover the Philippines. (n.d.). Guide to the Philippines. https://discoverthephilippines.ph/destinations-and-attractions/mines-view-park Parkeng Mines View. (n.d.). CulturEd: Philippine Cultural Education Online. https://philippineculturaleducation.com.ph/parkeng-mines-view/ Tripadvisor. (n.d.). Burnham Park - All You Need to Know. https://www.tripadvisor.com/Attraction_Review-g298445-d1822706-Reviews-Burnham_Park-Baguio.html Vacationhive. (2022). Botanical Garden | Destinations in Baguio. https://www.vacationhive.com/Baguio-attractions-top-destinations-review-botanical-garden/
1 note · View note
justmarga15 · 7 months
Text
KAGANDAHAN NG INFLATABLE ISLAND NA BABALIK-BALIKAN
Ang Inflatable Island ay itinuturing na pinakamalaking floating water park sa Asya, na may sukat na 4,200 square meters, katumbas ng 8 basketball courts na magkakasunod.
Tumblr media
Credits to Pinterest
Ang Inflatable Island ay nag-aalok din ng mga package kasama ang kanilang partner hotel na Subic Bay Peninsular Hotel para sa mga gustong mag-stay overnight. Ang lugar ay bukas mula 8:00 AM hanggang 6:00 PM. Libre ang parking subalit batay ito sa unang dating
Saan matatagpuan ang inflatable Island?
-Ang Inflatable Island ay matatagpuan sa Subic Bay, Lower Kalaklan, National Highway, Olongapo City, Zambales, Philippines.
Paano makarating sa Inflatable Island?
-Para makarating dito, maaari kang sumakay ng bus papuntang Olongapo City mula sa Victory Liner Terminal at mag-jeep papunta sa Inflatable Island Beach Club. Kung magdadala ka ng sariling sasakyan mula Manila, maaari kang dumaan sa NLEX-SCTEX patungo sa Subic Bay Freeport Zone at sundan ang mga direksyon patungo sa Inflatable Island
Ano ang layunin ng Inflatable Island?
-Ang layunin ng Inflatable Island sa Subic Bay, Zambales, Philippines ay magbigay ng isang malaking floating water park na puno ng mga inflatable slides, towers, bridges, human launchers, swings, at iba pang mga obstacle. Ito ay itinuturing na pinakamalaking floating water park sa Asya na may sukat na 4,200 square meters, katumbas ng 8 basketball courts na magkakasunod. Bukod dito, ang lugar ay mayroon ding mga Instagrammable lounges kung saan maaari kang mag-picture-taking. Ang Inflatable Island ay naglalayong magbigay ng kakaibang karanasan at saya sa mga bisita nito.
Tumblr media
Credits to Pinterest
Kapag pasok mo sa Inflatable Island, ang unang bubungad sa iyo ay ang malaking floating playground na may lawak na 4,500 sqm. Makakaranas ka ng mga inflatable slides, towers, bridges, human launchers, swings, at iba pang mga pasilidad na magbibigay ng bagong anyo sa iyong beach play experience.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Bukod dito, maaari kang mag-relax at maglaro sa mga Instagrammable lounges at magkuha ng mga litrato para sa iyong mga alaala. Ang Inflatable Island ay isang destinasyon kung saan maaari kang magsaya at magkaroon ng kakaibang beach adventure na puno ng pagsubok at saya para sa iyo at sa iyong mga kasama.
Pangkalahatang karanasan
Masaya ang aking naging karanasan sapagkat kahit papaano ay nagawa ko ang mga gusto kong gawin kasama ang aking mahal sa buhay. Nagsilbi din itong daan upang makalimutan panandalian ang iyong mga problema. Maganda ang tanawin at ang lugar kaya naman tiyak na babalik-balikan talaga.
Sanggunian:
1 note · View note