#uzzap
Explore tagged Tumblr posts
noproblem16 · 10 months ago
Text
“ONEWAY” Once you read this you're saved 😅
All are made on his image” -JUANWAY
ONEWAY is the 1st User ID of JUANWAY who joined wwJd (what would JESUS do) clan A uzzap community the first Filipino chat community programmed under Smart Communication
ONEWAY is Filipino 😁 he is “JUAN” if you read it on English it is “ONE” 
“ang bayan Kong si JUAN” -Pres. NoyNoy Aquino
Oneway one of the famous wap site on wap world programmed by JUANWAY that hacked By PD admin AED Aka Handl
Juanway
0 notes
tricksyheart · 3 years ago
Photo
Tumblr media
E.B. (on Wattpad) https://www.wattpad.com/story/319212114-e-b?utm_source=web&utm_medium=tumblr&utm_content=share_myworks&wp_uname=Puro_Uno3x&wp_originator=zXoHiytT8dwl%2FoaYT6orARonii3LzvPkKfNnDvfQFhFDik497f5XVlMsBBe2CcbM09ws1mItxrQ6VF0rZGNorInHCOyPWGiu5%2FL8011eethda6T4dZ8bHNRMookpT5id "Eyeball tayo?" Balikan ang emosyon na naramdaman sa kauna-unahang pagkikita.
10 notes · View notes
risque102 · 4 years ago
Text
Her name is Jennifer. She’s from Benguet. She is 4 years older than me. Nagkakilala kami sa uzzap. Username ko don coke_17, siya naman jhEnn. Haha. Bwiset ang jeje. 15 years old ako non, tapos siya 19. Nag-aaral siya ng nursing sa Baguio that time tas ako highschool pa lang. Siya yung first love kong babae. Tipong araw araw ako nagloload para magkatext kami. Tas minsan niloloadan niya ko. Naramdaman kong sobrang hooked kami sa isa’t isa. Iba sa pakiramdam yung first love no? Haha. Pag naaalala ko hindi ko maiwasang mapangiti. Hanggang ngayon kilala ko pa rin yung kapatid niya. Si Jerson, Jherlyn, at Christine. Pangatlo siya. Yung tatay niya minero sa benguet. Pangarap niyang makatapos ng nursing tapos pumunta ng canada. Sinabi niya sakin baka ‘di siya makapasa ng ielts. Sabe ko ano ka ba kaya mo yon. Tas eto nasa canada na nga siya. I stalked her on facebook last week. I had a hard time finding her account, sinearch ko lang kapatid niya tas hinanap ko siya. Haha. Hanggang ngayon mahilig pa rin siya sa sapatos na vans old skool. Mahilig pa rin siya sa black. Siya yung astig na nurse na nakilala ko. Haha. She looks so good in a leather jacket. Nakakatuwa kasi nalilibot na niya yung mga lugar na gusto niyang puntahan. Parang nagagawa niya lahat mag isa. That’s what I liked about her. She is a strong-willed woman. Family-oriented pa. Mabait. Malambing. Mahal na mahal niya yung pamangkin niya kay ate jherlyn. Haha.
I really don’t know what the hell happened to us. All I know is that I ghosted her. Hindi ko na matandaan yung reason, basta magcollege na ko non. Text text lang kami for almost 2 years. Haha. Ayun, nagsayang lang kami ng load. Plano plano pa kami na magkita sa burnham park. Jusko tas ang ending hindi man lang kami nagkita. Hahahaha. Saka mashado pa kong bata non, ano bang alam ko non sa love? Hindi ko alam kung love yon pero sobrang nagustuhan ko yung pakiramdam.
Thank you, Jen, for making me feel loved and wanted at the age of fifteen.
I’m so proud of you. I always believed in you. Gusto kitang kamustahin minsan pero huwag na. Pero curious lang ako, bat parang wala kang girlfriend o boyfriend? Haha.
0 notes
ailartsyside · 8 years ago
Text
random;
Hello there, tumblr! Kanina pa ako nag- iisip ng magandang topic na pwede i- discuss dito pero wala talaga akong maisip. Pero kating kati ako mag sulat. So I decided to post new entry here. Yung nangyari na lang sakin today ang ikukwento ko. Hahaha. So umaga pa lang, badtrip na ako kasi na- late ako ng gising. Hindi na ako nagmadali kasi para saan pa eh late na din naman ako. Pag pasok ko sa school, lab works agad. Tinamaan ng lintek, nagkamali pa ako. Naisip ko agad, lagot ako. Yari. Pero naging positive padin ako at inisip na "ayos lang magkamali, nobody's perfect" 😂 Wait. Ang labo ko talaga mag kwento pag tagalog. Hindi ako makapag construct ng maayos na sentence kapag tagalog so pag tyagaan nyo na lang readers! (kung meron man) 😂 Balik tayo sa kwento. Isa pang nakakabadtrip, gumising ako na maga yung isang mata ko. Kuliti pa more. Hindi ako nanilip, swear. Ewan ko ba kung saan galing tong tumubo sa mata ko, nakakapunyeta. Pero keri lang, maganda ako kahit puro asar inabot ko sa school. Pag nawala to, aalagaan ko mata ko. Ang sakit nya mga bes. Mas masakit pa sa pag iwan sakin ni Kevin. Speaking of Kevin. Wait. Pasensya na talaga sa sentence. Ang hirap talaga humugot ng malalim na tagalog. Ito pa lang kaya ko, pag- aaralan ko sa susunod. Anyway, nakita ko na binigay na ni Kevin sa bestfriend nya yung book na binili nya para sakin. Ouch dapat yun diba? Kasi akin yun. Hindi nya na pinahahalagahan yung mga bagay na para dapat sakin. Pero weird, hindi ako nasaktan. So proud of myself. Ganda ko eh. Kidding aside, wala talaga eh. Inaantay ko mag react yung puso't isipan ko, pero pati ata internal organs ko no comment. So hinayaan ko na lang. Aba si kuya kevs, nag text pa. Sabi ba naman "yung favorite mong baymax nasa akin pa" Hahaha! Natawa ako sa text nya. Gusto ko syang replyan ng "sige salamat" kaso wala na pala akong load. Hahaha. So hinayaan ko na lang. Wala na din naman akong pake, sa totoo lang. Nga pala, ang aga ko umuwi. 4pm nasa bahay na ako nakakainis. Pero masarap din pala tumambay sa bahay lalo na pag madaming pagkain. Food is life. Food is love. Food will never leave you, unless ubusin mo. So as usual, uzzap uzzap twitter twitter. Then boom! May nabasa ako sa uzzap na dumurog ng puso ko, langya bes. Affected yung lola nyo. TANGINA. Hahaha. Natawa ako sa sarili ko kasi kay kevin hindi na ako apektado, tapos eto yung dudurog ng puso ko? Brokenhearted na naman, langya! Pero mabilis din naman ako naka get over. Mabuti siguro na nabasa ko yun para hindi na talaga ako umasa. Tanga tanga kasi ng puso ko, sayo pa tumibok. Charot. Wag ka mag alala, kakalimutan na kitang hayop ka wait ka lang. Who you ka saken, for real. Tama na, mag- aaral pa ako. 😂
2 notes · View notes
the-st0ry-0f-my-lyfe-blog · 6 years ago
Text
Uzzap Amino for Pinoy Chat for PC – Windows 7,8,10 & Mac OS
Uzzap Amino for Pinoy Chat for PC – Windows 7,8,10 & Mac OS
New Post has been published on https://www.todaysmartphone.com/uzzap-amino-for-pinoy-chat-for-pc-windows-7810-mac-os.html
0 notes
luciaaguilar04-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Shared from Uzzap The land of what's this place????? #Country
0 notes
dareviemmy2 · 8 years ago
Text
I made this ❤
Hi :) its viem again . I made this blog to express my feeling happy or unhappy daily ❤ hope i can really do it ( sometimes i just feel like hmmm not now maybe tomorrow 😂✌) some kind of a Lazy kid . But yeah . Ill try to convimce myself to update this blog each and everydah😂 bytheway ... heres what happen this day :) 🙈 i woke up 12:00 noon . I moss half of mylife again for waking up very late . But i used to it since i got here in Salalah 😬😬😬 thats the main thing i wanna CHANGE! 😕 I becoming nocturnal here😢 . Then i plan to make a MEAL MAP haha ( my own version ) soo i can guide my self in losing weight ✌ darn ! Ill start it tomorrow PRAMIS . And soooo . Just same happening everyday just making fond in UZZAP and IMO found this online friends and its kinda fun 😘 Thats all its 3:09 here and i should sleep now even if i dont feel like sleeping yet . Yeah i should 😢😢😢 '--------viemmy ----------
0 notes
jirikow27 · 13 years ago
Text
Uzzap.
Sinong nakagamit nito? yung libreng chat sa Smart dati? namimiss ko to, grabe, yung 3am na ako matutulog kasi ka-chat ko yung mga kaibigan ko, yung tatawa ako mag-isa dahil sa mga nababasa ko, yung mga palaro nilang text twist with matching load na prize, yung flood sa room, yung pangiinvade sa room, yung mga pangtatrash talk sa mga invaders, yung mga manyakol sa room. basta andami kong namimiss diyan. medyo naging anti-social pa ako nung 4th yr HS dahil diyan, di ako kakain magchachat lang ako, nakakamiss talaga. :(
5 notes · View notes
perrovbeth · 12 years ago
Text
♥ ♥ ♥ Evolution of my phones ♥ ♥ ♥
Na-miss ko bigla ang mga cellphones ko dati.. :p kaya naisipan kong gawan ng blog.. I'm not sure kung ito na lahat basta alam ko nagkaroon ako nitong mga 'to.. 
Nag-start ako magka-cellphone nung Grade 6 ako. Pero hindi pa uso ang text text nun saka load load kaya parang pamorma lang sya dati.. Naging active ako sa text world nung maging 2nd year High school ako.. :)
So here it goes...
Tumblr media
Sony Ericsson SH888
Pinaglumaan ni Mama 'to kaya napunta samin ni Mina.. Tanda ko pa na violet ang housing namin nito. Haha. Sobrang bigat mind you.. 
Tumblr media
Nokia 5165
Ang ganda no? haha. Matibay yan sinasabi ko sayo.. Kahit ipangbato namin yan dati gumagana pa din.. yun nga lang masakit sa mata yung LED screen nya kasi ang backlight nyan e dilaw. lol.. :)
Tumblr media
Nokia 3210
The wonderful phone! Nung ito ang phone ko pa-text text na din ako.. Pero di araw-araw.. Gusto ko lang 'tong phone na 'to kasi napapalitan yung backlight! Pati nalalagyan ng Background (picture o kahit anung gusto mo) yung Led screen at keypad (lights). Hanep diba! Pa-bonggahan ng Screen dati.. Tanda ko pa ang ipinalagay ni Mama dito eh pic nila ni Papa.. Tapos multi-color ang Keypad tapos ang screen Blue! ahahahaha.. As usual pinagsawaan muna ni Mama 'to bago napunta samin.. :)
(halata bang mahilig si Mama sa phone? haha. Nung sa Manila pa kami nakatira, mahilig sya mag-swap ng phone sa ever reliable na Grand Central na ngayon eh wala na dahil na tupok ng apoy :p)
Tumblr media
Nokia 2100
Tanda ko ito ang phone ko nung 3rd year ata ako.. Kasi Ka-text ko yung  ex-jowa ko na si Pikon dito.. hahaha.. Tapos ang picture na nilalagay ko sa likod nito eh picture ni Harry Potter! hahaha.. Pa-bonggahan naman dito ng Picture Messages at mga composed na Ringtones galing sa mga song hits.. Nakakatuwa din 'tong phone na 'to kasi nagbi-blink ang ilaw. At nag-improve na 'to kasi maliwanag na ang screen at puti na ang backlight.. Ang tagal ko din ginamit 'to hanggang 4th year High School ata.. Masarap kasi mag-text dito eh.. :) Tanda ko din sinusulat ko pa yung mga text ni Arby dito hahaha.. Mga quotes pati..
Tumblr media
Nokia 6020
Phone ko 'to mula 4th year ata hanggang unang mga buwan ko ng college.. Kasi tanda ko yung scroller nito na masakit sa kamay.. ahaha.. Ang tigas pa ng keypad nito kaya pag bumibili ako ng new housing yung  orig na keypad pa din ginagamit ko kahit bakbak na ang sulat.. hahaha memorable sakin tong phone na 'to.. (sabagay lahat naman ng phones ko.. hihi)
Tumblr media
Nokia 7260
Hindi ako sure kung kailan ko naging cellphone 'to pero alam ko nagkaroon ako nito.. O si Mama? hahaha Assumera!
Tumblr media
Sony Ericsson T230
Alam ko regalo 'to ni Mama at Papa samin ni Mina eh.. Pareho kami ng ganito magkaiba lang ang kulay.. Isa pa 'to sa matigas ang keypad na cellphone na nagamit ko.. at ang mga ringing tone.. Eskandalosa! ahahaha.. Wala 'tong memory card dahil walang camera.. Haha. 
Tumblr media
Nokia 3660
Ang laki diba? Maganda sana 'to kasi malaki ang screen.. kaso.. Walang Memory Card! Nung mai-swap namin 'to dati, di kasama ang Memory Card.. First Smartphone ko to.. Nakakaurat kasi lagi sya nasisira. Pag napuno yung phone memory namamatay tas ayaw na mag-open.. ako pa naman mahilig mag-ipon ng text.. MU na kasi kami nyan ni Arby eh (=^_^=)> 
Ayun lagi need ipa-reprogram kaya galit na galit si Mama.. Kaya minsan wala ako pang text kasi lagi ngang sira yang phone na yan.. hahaha. Yung mga kaklase ko pa naman ang hihilig manghihiram ng phone tas pag binalik puno na nang litrato nila.. eh yown, sira dahil wala ngang memory card hahaha.
Tumblr media
Nokia 7270
Sa wakas napalitan din ang Boga 'kong 3660.. Kaso hindi naman nagtagal sa kamay ko 'tong phone na 'to.. (T_T) Kasi nadukot sa bag ko 'to nung college.. Tandang tanda ko pa yun eh. Naglalakad ako papuntang Araneta Square kasi pupunta kami ng Cubao ng mga classmate ko (ang ACSAT kasi kung saan saan dinadala ang students nila haha) Ayun, habang naglalakad nasa likod ko yung backpack ko.. andun yung phone.. As usual siksikan sa harap ng ola mall sa Monumento di ko na tanda name basta nagsisimula sa 'W' haha.. yun, tapos hanggang sa harap ng A-Square siksikan. Nung i-check ko yung phone ko, Voila! wala na.. hahaha.  Tanda ko pa nun si Joey Magnao na classmate ko ang kasama ko nun.. :p Haist.. Iyak ako ng iyak nun. Bukod sa papagalitan ako, Di ko na mate-text ang Love of my life ko.. :p
Tumblr media
Nokia 7610
Ang pinakamatagal kong cellphone I think. At ang pinakamahal ko.. Hanggang ngayon nasa sakin pa din 'to kasi nakapa-memorable sakin nitong phone na 'to.. marami akong memories dito.. Bukod sa masarap sya gamitin, maganda din ang cam nito.. yun nga lang kitain ng virus.. haha. pero dito ako unang natuto mag-Uzzap year 2007 (Smart Chatting app).. Umaga, Tanghali, hapon, gabi online ako sa Uzzap. Naadik ako dun. hanggang last year (2012) Kasi ang dami ko nakikilala.. Pero hinding hindi ko makakalimutan yung una kong nakilala at naging bff sa Uzzap. Si Carl.. :) 2007 din yun, trial pa lang siguro yung Uzzap kaya nawala then nung 2008 bumalik sya hanggang 2012 na yun.. Ang Dami ko ding naging kaibigan, clan at kaaway sa Uzzap.. Chini-cherish ko lahat ng naging kaibigan ko dun.. Lalo na si Juvz :p
Kaya lang di ko na ginagamit 'tong phone na 'to kasi lumobo yung baterya, at tuwing bibilhan ko ganun at ganun ang nangyayari kaya yun binilhan na lang ako ng china phone :)
Tumblr media
Nokia 7210 Supernova
ito yung first ever China phone ko. Nakakawarla mag-text dito at mag picture pero keri na lang kasi wa choice haha.. Kailangang may pang text kay Mahal kasi lumipat na kami ng bahay nung mga panahong gamit ko 'to.. LDR.. nakakabaliw haha.. Hindi rin tumagal 'tong phone na 'to kasi alam nyu naman kung anung sakit ng mga Made in China diba? ahahaha.. 
At saka natigil ako sa uzzap dahil walang uzzap to eh.. :p
Tumblr media
Nokia 2730 Classic
And then comes.. THIS! my 21st birthday gift galing kina mama at papa.. Maganda din 'tong phone na 'to kaso di ko pa din maiwasang i-compare sya sa 7610 ko.. Kasi dun pwede multi tasking, saka kahit open ang Uzzap ko nakakapagtext pa din ako.. saka madali magcopy/paste.. Pati yung messages pwede bukod bukod ng folder.. eh dito, walang multi-tasking. pero ang pinakamahal ko sa phone na 'to.. EBOOKS! Yes. Maganda magbasa ng ebooks dito.. Si Carl ang nag-introduce sakin ng ebooks. Saka nakakapaug uzzap na din uli ako kasi pag OL ako di ako makapag text.. saka sa Phone na 'to ko nakilala si Juvz :) Marami ding memories 'tong phone na 'to.. Ilang away namin ang naka-save dito.. kaya til now nasa sakin pa din 'to.. Ginagamit ko pang basa ng ebooks.. and thanks sa Albite reader, di na ko stuck sa Jar ebooks. nakakabasa na din ako ng Epubs.. Wiiiiii! :)
Tumblr media
Nokia X2 Express Music
And last but not the least... Tsaran! X2! Bigay ng galante kong kakambal na si Mina.. hahaha.. Ang gusto ko dito maganda magpatugtog at malakas ang radio.. Kasi adik ako kay Papa Jack (jowa ko yun eh). Saka maganda sya kumuha ng pic kasi 5 mega pixel sya.. Ang ayoko lang dito halo halo ang saved messages sa Archives (-_-)> 
So that's it! Yan ang mga cellphones ko mula 2000 up to present.. Sa tagal kong di nakapag post sa Tumblr humaba naman tuloy.. ang sakit na ng ulo ko. I guess need ko na kumain ng lunch kasi past 3pm na.. 
Thanks sa mga babasa nito.. Mwa mwa tsup tsup.
3 notes · View notes
thingamajigs-blog · 17 years ago
Text
How I spent the weekend without internet
I was looking forward to the long weekend because it would be my time to go ahead, be online and do more surfing of different sort of stuff, check friendster, upload my multiply pics etc etc... apparently it wasn't... Our landline and internet line is busted...since Thursday! I called the tech support of PLDT Thursday evening... they didn't arrive till Saturday...and come Saturday they did check to just inform us that the problem is from the main site and have to wait till Monday!!! Waaaaaaah! No internet for us then
So what can I do...wait till Monday! (Now is Monday so I now got all the pleasure to blog about it. haha) Okay so how's life without internet on a weekend...not bad I guess. Here are the stuff I did to survive the non-internet weekend:
1. A weekend dose of karaoke - yeap! we sang our hearts out all Saturday afternoon. Thanks to our trusty Magic Sing...although mejo nakakasawa na ang mga kanta...still it was fun! We are a bunch of song loving freaks, so kahit ano, kanta lang ng kanta!!!
2. Go online thru Uzzap - not everyone know about this I guess, but I being a SMART pre-paid user knows...I am still online on the weee hours of the night because of this service from SMART and thankful the service is still free until 31st of August. Haha!
3. Read a Novel - I started reading 'Twilight' on Wednesday I think, but due to some reasons I have decided to continue on a weekend para tuloy tuloy ang pag babasa...so now, I am on Chapter 13 na! Weeehehe! The story is getting better and makes me kilig everytime I imagine the two characters...Wahaha! Ang gwapo gwapo siguro ni Edward!
4. Sleep as usual - when can we get all the time to sleep but on a lazy and boring weekend?!@
So now, the internet is finally back! I am glad I can view multiply, check my mails, update myself with the happening in Beijing, check how many golds Phelps had, check celebrity pictures and a whole lot more! Yehey!
0 notes
kemoymoy · 13 years ago
Text
Nang Dahil sa Uzzap :)
Nang Dahil sa Uzzap :)
I was being a part of uzzap for almost 4 years. it has all begun October of 2008 when my brother introduce and installed the application on my phone. And now that its service will be closing down , for the last time . I just wanna share those happy moments i ahve been with uzzap and to realise those things make up almost my life and how i meet my friends today.
ADIK LANG! ika nga :DD
Nang dahil kasi sa uzzap, nagkarun ako nang maraming kaibigan
mapa luzon, visayas at mindanao man, Hindi ko man sila nakikilala at nakakasama nang personalan
ramdam ko naman ang kasiyahan pag sila ang aking kakwentuhan.
Dahil sa uzzap naman may pagsasamahang nabuo
Mga grupo at Barkadang sa uzzap nasimulan
Kaya salamat uzzap nang dahil sayu
Nakilala ko ang mga tunay at totoo kung mga kaibigan
Dahil hindi rin maiiwasang sa uzzap ako ay makatagpo ng kaaway
Kaya minsan sa buhay ko, akoy naging matapang
Kung akoy  makapag mura at lait sa kaaway  ay wagas
Sa totoo lang Waley namantalaga ako pag siyay akin ng kaharap :p
Naranasan ko ring may mga close akong kachat
Puro Tawanan at Ang kukulit kung kami ay magkachat
Nung magkasundong kami na ay magkikita
Anung nangyare, at Nagkailangan bigla :P
Nang dahil din sa uzzap, binigyan kulay nito ang buhay pag-ibig ko,
May bagong nakilala, nagpalitan nang number, nagtawagan
nakipagkita, nagligawan, naging mag-on, nagselosan, may unting problema
Nagkahiwalayan hanggang tuluyan nang nakalimutan
Hindi man siguro ako pinalad sa buhay pag-ibig ko ditu
May mga kakilala naman akong ang buhay mag-asawa ay ditu nabuo
at mayrun ding iba, ang uzzap ang naging daan sa relasyun nila
At hanggang ngayun ay going strong pa rin sila.
Mamimis ko naman ang textwist, quiz, trivia at rebus
Buongbuhay ko sa uzzap ay naging adik ako jan,
Mano-mano man ang game at may gamebot man
pagpupuyatan ko yan maka top score lamang
Hindi ko na maalala kung ilang mms na ang aking napasa.
Tp ritu tp ruun, fansign ditu fansign ruun..
Mga pr at pm, naghahatakan sa ibang room
Makapagusap lang nang maayos pag ma hang, may flood at mga bot sa reg kung room.
Nang dahil sa uzzap ang mga binigyan mu nang ngiti ang aking mga labi
Mga ngiti tuwing hawak ko ang cp at ako lang ang nakakarelate nang tangi
nagmumukha man akong baliw sa kanilang paningin
Masaya naman ako bahala na sila kung anu ang kanilang iisipin…(lol)
walang tulugan buong magdaqmagan,
Mga eyebags na malalaki nagsilitiwan,
uzzap sa higaan, palikuran, kalsada, classroom kahit saan,
Wag lang ako mawawala sa uzzapan
hindi ko akalaing ang laki nang naidulot mung influensiya sakin
Nakatagpo ako nang mga kaibigan magiging close ko, hindi ko akalain.
Ngayong mawawala ka na sa mga cp at pc namin
Ang mga alaalang naibahagi mo’y mananatili pa rin
Mga barkadahan at pagkakaibigang sa uzzap nabuo at nasimulan
Magpapatuloy  pa rin ang samahan, forever na yan…
Maraming Salamat Uzzap at ikaw ang naging daan para makilala ko ang NGAYU'Y AKING MGA KAIBIGAN..
0 notes
xhiinchuzyuu-blog · 14 years ago
Conversation
UZZAP^^
Pwede ka bang makausap?
0 notes