Tumgik
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
FERDINAND MARCOS, Sumunod sa UNANG UTOS. Dahil hanggang ngayon, hindi pa niya inaaming patay na siya. </3
3 notes · View notes
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
UTOS DAY OF OBLIGATION Kahapon po ay Utos Day of Obligation bilang pagsamba sa diyosang ito. Ngunit para sa holiday economics, ngayon ipagdiriwang ang araw ng pagwawagi ng Miss International na si Bb. Kylie Versoza. Mabuhay ka. Humayo ka at Magparami!
2 notes · View notes
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
Sumunod o Lumabag? Sinunod ni PDuts ang #IkalawangUtos. Ngunit sinunod ba niya ang ikatlo? Nagtanim ba siya bago bumunot? Ano sa tingin nyo mga kapanalig? "Ayon sa ikalawang utos: Kapag masyado nang malalim, kailangan namg bunutin."
3 notes · View notes
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
Isa sa mga unang sipi ng pagtatangka ng mga monghe na ipaliwanag ang unang utos. Natagpuan ang pilas na ito sa koleksiyon ng mga lumang manuskrito ni Apostol Monsieur Apokalipto.
#UnangUtos
1 note · View note
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
Mula sa "Sining ng Dila"
2 notes · View notes
tatlongutos · 8 years
Note
nais ko lamang magtanong, pagkatapos po ng limang taon, magkakaroon po ba ng utos con 2016? lalo na po at mas marami na pong mga tao ang napapariwara at nawawala ng landas,mainam ho ata na ibalik ang salita ng tatlong utos.
Kapanalig,Salamat sa iyong pananampalataya kahit nawala ang inyong propeta makalipas ang matagal na panahon.Muli muna nating itaguyod ang ating Pananampalataya. At sa pagsasama-sama nating mga nananalig, sa tamang panahon, magpapatawag ang ating mga Apostoles ng UTOS CON.Humayo ka at Magparami.
0 notes
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
0 notes
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
1 note · View note
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
Abangan ang pagbabalik ng Propeta ng Tatlong Utos. #AngPagbabalik #AngTatlongUtos
0 notes
tatlongutos · 8 years
Photo
Tumblr media
0 notes
tatlongutos · 9 years
Text
FLASHBACK: Tatlong Utos Dictionary
Tatlong Utos Dictionary
Infinite loop (noun/pangalan)
1. tinatawag ring perpetual loop. Ito ang tawag sa sitwasyon kung ang dalawang nag-iibigan ay parehong kapanalig ng tatlong utos. dahil pareho silang matapat sa unang utos, pareho silang hindi aamin at naghihintay na maunang umamin ang isa, na magreresulta sa isang infinite loop.
Kaingin (verb/pandiwa)
1. Paraan ng pagpupuputol ng puno at pagsunog dito upang muling mataniman ang lupang balak sakahan. Kadalasan itong ginagawa kung nalabag na ang unang utos o di kaya'y may naunang nagtanim na kailangan nang limutin. 
Lolita (noun/pangalan)
1. Kung ang lupang sasakahan ay hindi pa of legal age.
Pataba (noun/pangalan)
1. Mga nuggets of wisdom na makatutulong sa pagpapayaman ng lupang sinasaka.
2. Mga kakaiba o creative na istilo ng pagsasaka (sa konteksto ng tatlong utos)
3. Mga dagdag na paliwanag at paglilinaw ng tatlong utos.
Viscoduck fineprint (noun/pangalan)
1. Ang fineprint ng utos kung saan maaari kang umamin kung nauna na siyang umamin. Use with discretion.
10 notes · View notes
tatlongutos · 9 years
Text
Throwback: Ang Pagbunot sa Friendzone part 2
Ang Pagbunot sa Friend Zone (Part 2)
ANG SINING NG PAGBUNOT SA FRIEND ZONE (Ikalawang Kabanata)
Ilang mga tala mula sa aklat ni Propetang Ekis…
“Kapag natanto mo nang ika’y nakulong sa “friend zone,” may mga ilang paraan upang makatakas dito. Ngunit iyong tandaan, na higit na epektibo ang pag-iwas. Ang ilang paraan ng pagbunot na nakalahad sa ibaba ay magiging epektibo lang depende sa kalupitan ng magsasaka sa pagsasagawa ng mga tutukuying hakbang: (V.10)
6. Landian ang Dila. Huwag puro emosyon at transcendental na bagay ang pag-usapan ninyo. Baka naman laging problema niya sa buhay at lovelife ang pinag-uusapan ninyo. Baka naman puro tungkol sa philosophy, art, at buhay ang laman ng tsismisan ninyo. Bagamat mahalagang pag-usapan ang mga ito, tandaan na kailangan kilitiin mo ang kanyang isipan para maipasok niya sa kukote niya ang posibilidad na isa kang mahusay na magsasaka. Gamitin ang iyong dila upang basain ang kanyang…imahinasyon. Makipagbiruan nang may landi. Birong maaarin mong bawiin ngunit may sindak na katuwang upang ipakita sa kanya na ika'y isa ring senswal na nilalang at paminsan-minsan, pinagnanasaan mo rin siya.
7. Manatili lagi sa KANAN NIYA. Kung uupo kayo habang kumakain, sa kanan ka umupo. Pag maglalakad kayo, sa kanan ka tumayo. Lagi ka dapat nasa kanan niya. Upang tuwing may sasabihin ka sa kanya, sa kanang tainga niya ito maririnig. Ilapit sa tainga niya ang iyong sasabihin tuwing may kailangang sabihin. Mas madali mo siyang mapaniniwala at mapasusunod sa mga “subliminal” na mensahe mong binubulong kung sa kanan niya ito naririnig. Maniwala ka sa akin. I-google mo na lang ang scientific explanation. Mahirap tagalugin eh.
8. Makinig. Kung lalaki ka, tama na ang maraming satsat at tigilan mo na pagyayabang sa masels mo, sa trabaho mo, sa iba mong chiks at kung anu-anu pang kayabangan. Sa sobrang daldal mo, pinalalampas mo ang mga pagkakataon. Tip sa mga kalalakihan: MAKINIG! Ang lahat ng babae ay may quota na words per day. Pag napaquota mo siya, bubuka ang kanyang…sarili. Tandaan, mas pinabuka mo ang kanyang bibig, mas bubuka ang kanyang…sarili. Sa pagbukas niya ng kanyang sarili, subliminally niyang ibibigay sa iyo ang mga clue kung paano ang dapat mong gawin. Matutong magbasa ng subtext. Wag kang tatanga-tanga.
9. Manood. Tip sa mga kababaihan: MANOOD! Sa sobrang ingay mo at puro sapatos at bag na lang ang pinag-uusapan mo bukod sa iba mong mga lalaki, panoorin mo ang body language ng lalake. Give away ang kanilang body language at doon mo malalaman kung ano ang mga dapat gawin. Kung nakatupi ang kanyang mga braso, hindi gaanong nakaharap sa iyo, hindi nakatingin sa iyong mata habang nag-uusap, sarado siya o kaya'y bored. Hawakan mo at paluin habang nagkukuwentuhan. Paminsan-minsan, ibaba mo ang kanyang tingin, okay lang na hindi nakatingin sa mata mo, basta sayo pa rin nakatingin at hindi sa iba.
10. Magkaingin. Sunugin ang bukirin at biglang mawala. Ang pagkakaingin ay isang uri ng malupitang pagbunot. Kapag ginawa mo ito, ipaalam sa kanya na nais mong baguhin ang inyong relasyon. Tiyak na sasabihin niyang “but I dont want to lose you as a friend…” Eksakto! Mawala ka. Take it or leave it. Kung friends lang ang habol niya sa iyo, manigas siya. At kung importante talaga para sa kanyang lagi kang kasama, kailangan mo talagang mawala para malaman niya kung gaano ka kaimportante. Mamimiss ka niya tiyak. Huwag kang magpapakita agad. Huwag kang magpapaamo. Bumalik ka kapag tiyak mo uhaw na uhaw na siyang makita ka. Sinasabi ko sa iyo, kapag nawala ka nang sobrang tagal, yayapusin ka niya at hahalikan sa muli ninyong pagkikita. 
14 notes · View notes
tatlongutos · 9 years
Text
Throwback: Ang pagbunot sa Friendzone
Ang Pagbunot sa Friend Zone
ANG SINING NG PAGBUNOT MULA SA FRIEND ZONE
Ilang mga tala mula sa aklat ni Propetang Ekis…
“Walang magsasaka ang nasa tamang pag-iisip na magtatangkang magtanim sa lupaing tigang at hindi mataba. Ngunit sa dakong ito, marapat na linawin natin ang ibig sabihin ng salitang tigang. Bagamat ang tigang na lupa ay nangangailangan ng pagdidilig, may uri ng katigangan na iniiwasan ng mga magsasaka. Ang lupaing ito, sa inggles, ay tinatawag na "friend zone” o lupang matabang (hindi mataba).
“Kapag pinasukan mo ang lupang ito at sinumulang sakahin, mahirap na ang makaalis at makalabas. Una, lahat ng itinanim mo dito ay hindi magbubunga. Pangalawa, hindi mo mahuhugot ang iyong kamay kapag ibinaon mo na ito sa lupa. Pangatlo, mapipilitan kang labagin ang tatlong utos para lamang makaalis sa lupaing ito sa pagpipilit na gawin itong isang matabang lupa (lupang nararapat sakahin). Kapag ika'y nasadlak sa lupang ito, halos imposible ang pagtakas.” (V.1)
“Maraming palatandaan kung ang lupang iyong napiling sakahan ay matabang. Hanggat sa maaari, ito ay iwasan. Tulad ng kasabihan sa medisina, mas mainam na lunas ang pag-iwas.” (V.8)
“Kapag natanto mo nang ika'y nakulong sa "friend zone,” may mga ilang paraan upang makatakas dito. Ngunit iyong tandaan, na higit na epektibo ang pag-iwas. Ang ilang paraan ng pagbunot na nakalahad sa ibaba ay magiging epektibo lang depende sa kalupitan ng magsasaka sa pagsasagawa ng mga tutukuying hakbang:
1. Sundin ang UNANG UTOS. Tandaan na ang Unang Utos ay isa sa tatlong “cardinal rules” na mabisang unang hakbang sa pagbunot mula sa lupang matabang. Kadalasang nilalabag ng mga nakukulong sa “friend zone” ang unang utos dahil sa tingin nila'y ito na lamang ang paraan. Sa pelikulang filipino lamang nangyayari na pareho siya ng nararamdaman para sa iyo kung nasa “Friend zone” ka na. Sundin ang Unang Utos. Sa gayon, hindi mo nilalagyan ng kategorya ang sarili mo, hindi mo binabansagang friend ang iyong sarili, at malilito siya sa iyong binabalak.
2. Sundin ang IKALAWANG UTOS. Mas mahirap ang aplikasyon ng ikalawang utos sa sitwasyong ito. Sa pagkakataong ito, ang pagbunot ay pagsiguradong alam niya na HINDI MO SIYA KAILANGAN. Maging abala sa pagpapakadalubhasa ng sarili. Taasan mo ang sariling value. At maging MAHIRAP HAGILAPIN. Huwag maging laging available. Huwag sagutin ang mga text at tawag niya. Ipaalam mo sa kanyang marami kang MAS IMPORTANTENG GINAGAWA kaysa kausapin siya o makipagharutan sa kanya.
3. Magsaka sa ibang bukirin. Ipakita mo sa kanya na marami kang sinasakang bukid nang SABAY-SABAY. Ipaunawa mo sa kanya na hindi ka basta-basta namimili ng BUKIRIN. Mataas ang standards mo. At ipadama mo sa kanya na hindi ka sigurado kung pasok ba siya sa standards mo o hindi. Kung wala siyang alam sa music, sabihin mo sa kanyang mas malakas ang appeal sa iyo ng babae/lalakeng musically inclined. Kung hindi siya sporty, sabihin mo sa kanyang mahilig ka sa fit at aktibo. Itaas ang standards, siya ang hahabol sa standards mo.
4. Tulinan ang iyong kamay. Lagi mo na lamang siyang hinahawakan pero tuwing tumatawid lang kayo ng kalsada o kaya'y pag magsisimba kayo at kakanta ng “Ama namin.” Aba'y bilis-bilisan mo naman ang iyong mga kamay. Hinulma ng Diyos ang braso ng lalake sa balikat ng babae. Tandaan iyan. Sa mga pagkakataong nasa madidilim na sulok kayo, ipaalam mo sa kanyang katawan na nariyan ang iyong mga bisig upang maging…proteksiyon sa mga kampon ng dilim. Dakmain mo agad, bago makalipad. Ngunit tandaan ang babala: HUWAG MAGING MANYAKIS. May tamang paraan ng paghawak nang hindi manyak ang dating. Dapat ay marahan at banayad, tulad ng isang ekspertong magsasaka na nagtatanim ng punla sa lupa.
5. Huwag maging “Harmless.” Ang mga taong nakakulong sa “friend zone” ay mga “harmless” na tao. Hindi sila “threatening” dahil wala silang motibong ipinapakita. Bagamat dapat mong sundin ang UNANG UTOS upang hindi ipaalam ang iyong motibo, dapat mo pa rin siyang lituhin at ipaisip sa kanya na malaki ang posibilidad na mayroon kang maitim na balak. Tandaan ang paalala sa naunang payo: HUWAG MAGING MANYAKIS. Ang maitim na balak ay hindi kamanyakan kundi ang potensiyal lamang na ipakita na isa kang mapusok na mandirigma at makisig na magsasaka. Ilantad ang iyong kapusukan at taglay na sensualidad. Higit sa lahat, ipakita mo sa kanyang hindi niya ito basta-basta makukuha. (V.10)
itutuloy…
19 notes · View notes
tatlongutos · 9 years
Note
Propeta, Hinggil po sa “may gusto ka ba sa akin?” kailangan ko pa ba syang hintaying sumagot sya sa tanong na “bakit, ikaw, may gusto ka ba sa akin?” bago ko sya hagkan kaagad…????
Kapanalig,
Wag ka nang mag-isip. Halikan mo na lang.
Humayo ka at magparami.
1 note · View note
tatlongutos · 9 years
Note
Panno mo malalaman kung pinagaantay ka lang niya(tinetest ng girl if your patient enough to wait for her) or sadyang wala siyang gusto sayo at pinapaasa ka lang? Sana magets niyo po ang tanong ko :)
Kapanalig,
Halikan mo bigla.
Tapos balitaan mo ako kung ano’ng nangyari.
Humayo ka at magparami.
1 note · View note
tatlongutos · 9 years
Note
Kataas-taasan, nagkaroon ng infinite loop. Well, parang hindi rin pala - kasi sa sitwasyon na walang parehong umamin, at sya ay nagtanim ng masamang binhi sa bukid ko. Kilala ko naman ang aking sarili at alam ko sa sarili ko na hindi naman dapat taniman ang bukid ko ng ganun. Handa kong bunutin yun para manahimik ang buhay naming dalawa. Ngunit sa kaso nang pangatlong utos, ano po ang nararapat gawin? Ano ang dapat itanim sa lupang may lason? Dapat pa po ba itong taniman?
Kapanalig,
Tataniman mo lamang ang lupang gusto mong tubuan ng iyong pananim. Ito’y isang paglilinaw na aral patungkol sa Ikatlong Utos. Kung ang lupain ay may lason, hindi lalago ang iyong itatanim. 
Sayang ang binhi.
Itanim mo na lang sa iba.
Humayo ka at magparami.
0 notes
tatlongutos · 9 years
Note
why are you not updaaaaaaaating?! gahd. anyare na? :(
Kapanalig,
Humihingi ako ng paumanhin sa pansamantalang pagkawala ko sa kabihasnan. Tulad ng kahit na sinong propeta, kinailangan kong mamundok muli nang matagal upang magmuni-muni at magnilay-nilay upang makatanggap ng mga bagong kaalaman at aral.
Nawa’y hindi ka magsawa sa pagsubaybay at pagsuporta.
Humayo ka at magparami.
1 note · View note