Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Musings
Akala ko yung pinakamalungkot na mangyayari sa isang tao ay kapag nasaktan ka. Hindi pala. Ang pinakamalungkot pala na mangyayari sayo ay yung pakiramdam na nabubuhay ka na lang. Yung hindi ka masaya, hindi ka rin naman malungkot. Yung parang wala lang. Sobrang empty ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging masaya ng 100%. Masaya ako dahil sa trabaho ko nakikita nila na nagsisipag ako at naapreciate nila ako doon. Pero sa totoong buhay hindi ko na alam. Sana may reset button. Sana pwede akong maging infant ulit tapos uulitin ko yung buhay ko. Or sana mapadpad ako sa isang bansa na walang nakakakilala sakin tapos mabubuhay ako ulit. Sana ganon lang kadali yung buhay. Ginawa ko tong account na to para maging totoo sa sarili ko at sabihin ko lahat ng mga nararamdaman ko ng walang makakahusga sakin kasi wala namang may alam ng account na to at wala rin namang pangalan ko. Pero kahit ako takot na iput into words yung totong feelings ko kasi pakiramdam ko ang sama kong tao. Na ang ungrateful ko. Pero hindi eh. Hindi ako ungrateful. Naapreciate ko lahat ng magagandang nangyayari sakin. Pero may kulang. Bakit may kulang. Ano yung kulang. Hindi ko alam. 
0 notes
Text
Love, Rosie
Totoo pala yung sinabi ni Rose sa Titanic.. na “a woman’s heart is a deep ocean of secrets”. Na kahit pala gaano ka-open ng isang tao (o babae in this case), madami pa din pala syang mga secrets na kahit kailan hindi niya masasabi sa kahit kanino. Pero hindi talaga Titanic ang topic ko dito kundi Love, Rosie haha. Kakatapos ko lang kasing panuorin yung movie na yun. Imagine, 2019 na, ngayon ko lang siya pinanood. Wala lang trip ko lang. Akala ko kasi walang magiging epekto sakin. Siyempre mali ako kasi napagawa ako ng anon na Tumblr account ng wala sa oras.
2012 when I met him. Kung alam niyo lang, habang sinusulat ko to sobrang na-awkwardan ako. Ang tagal ko na kasing hindi nagsusulat ng kahit ano tungkol sa kanya. But anyway, eto na nga. Nagmeet kami noong 2012. Nung nakilala ko siya wala naman akong naramdaman. Actually, kaya ko pa nga siya nakilala kasi crush siya ng kaibigan ko. So ako push na push naman sa kaibigan ko sa kanya. Hanggang sa ewan ko ba kami tong nag-date. Kaso eto na nga yung catch. Ayaw ni Kuya mag-commit. Kakabreak lang kasi niya sa girlfriend niya non. Bale dakilang rebound talaga ang beshie niyo. Araw araw dinasal ko talaga na sana maging handa na siya para sugalan kami. Mahal na mahal ko yun grabe give na give talaga ang ate girl niyo. Ang dami na ngang nagalit sakin kasi nga ayaw ko pang tigilin. Ako naman during that time ang mantra ko talaga basta mahal ko ipaglalaban ko. Siyempre ending hindi naman kami nagkatuluyan. Ni hindi ko nga nalaman yung totoong feelings niya sa akin eh. Nung naghiwalay kami sobrang nasaktan talaga ako. May mga kaibigan akong tinatanong ako na bakit daw ako nasasaktan eh hindi naman naging kami. Parang hello naman diba? Pag di ba naging kayo, hindi ka na pwede masaktan? Tsaka hindi naman yun basta bastang landi lang. Nagdedate kami, naguusap kami ng madalas, nagtatawagan kami, I saw him at his worst talaga at andun ako nung sobrang vulnerable siya. So para sabihin niyo na wala akong karapatang masaktan is bullshit. 
Kahit nagkahiwalay na kami ng landas at kahit na may nararamdaman na akong may iba na sya hindi pa din kasi natigil yung communication namin. So asang asa naman ako syempre ang talino eh haha. Naalala ko pa, nagkita kami sa isang mall non. Bago pa ako makipagkita sinabi ko pa sa sarili ko na handa na akong magpakatanga ulit. Kaso ang galing na kuya mo inamin niya na may iba na sya pero wala na daw sila. Ang tagal ko ng tinanong sa kanya kung may iba na sya kasi para sakin kung meron na hindi ko na talaga siya kakausapin. Kaso lagi sabi sakin friends lang daw sila. Ayun, inamin niya din naman na nagka-feelings siya sakin pero nung mga panahong to, wala na. Special na lang daw ako sa kanya kasi naging parte ako ng buhay niya. So in short, naki-kita kita ko na. Magiging rebound na naman ako. So, this time pinili kong maging legit na matalino at sinabi kong tama na magumpisa na lang kami with a clean slate. Bale siya, magmove on na siya sa lahat ng sakit na nararamdaman niya at yung sa amin, maganda na siguro na hindi na kami maguusap. Nalungkot siya. Pero ano na lang ako diba, ako yung may feelings diba? Haha. 
In short, hindi talaga naging kami. Dalawang taon halos malabo kung ano yung meron samin pero after all hindi pa din pala naging kami. At ilang buwan lang after naming magkita may iba na siya, this time official na sila. Grabe pala talaga no, you can never be enough sa isang taong hindi ka talaga totoong mahal. Siguro may feelings siya kung sa may feelings, or nagkafeelings siya, pero hindi yun sapat para ipaglaban ako. Ang tagal tagal ko siyang inantay maging ready pero sa iba handa agad siya. Sinabi niya sakin na mali lang talaga ang timing namin. Siguro in a way, totoo. Kung ako siguro yung babae na nakilala niya after niya mafigure out at masolve lahat ng baggage niya, who knows, we could have been good together. Pero in a way, alam ko din na he’s just not that into me. 
Fast forward to today, may kanya kanya na kaming mga buhay. Sila pa din nung girlfriend niya at ako naman, may asawa na. Nakahanap ako ng lalaki na hindi lang ako pinanindigan pero isang lalaki na mahal na mahal ako. Mahal na mahal ko din ang asawa ko. Handa akong ipaglaban yung kasal namin at handa akong mabuhay ng kasama siya hanggang kamatayan. Pero kung paguusapan natin ang aspeto ng great love, alam ko na yung taong nanakit sakin ng sobra, siya talaga ang great love ko. Na kahit na hindi na kami naguusap, na kahit ilang taon na ang lumipas, lagi siyang nasa puso ko. Ginawa ko tong Tumblr account na to kasi for once, gusto kong maging tapat sa sarili ko. Kasi diba, kung maririnig niyo to, tapos kilala niyo to, iisipin niyo ang sama kong asawa. Na parang ginagamit ko lang siya. Pero hindi. Totoong mahal ko ang asawa ko at pipiliin ko siya over anything. Pero yung kind of love na binigay ko kay kuya 2012, hindi ko na yun maibibigay sa iba, kahit pa sa asawa ko. Yun ang pinaka-puro, pinaka-selfless at pinaka-intense na pagmamahal na maibibigay ko sa isang tao.  
1 note · View note