Text
HAYAAN MO LANG AKO.
Oo, walang kasiguraduhan ang mga ito.
Hindi ko alam ang kahihinatnan ng Lahat ng ito.
Hindi ko din alam kung sa Dulo ako ang Pipiliin mo.
Pero bago dumating ang panahon na'yon..
Hayaan mo muna iparamdam ko sayo ito.
Hindi ako magsasawa na suyuin ka araw-araw.
Hindi ako mapapagod makinig sa mga kwento mong dinadamdam.
Hindi ako manghihinayang sa mga nasayang na oras.
At huli, Hindi ako titigil iparamdam sayo kung gaano kita ka-mahal.

Oo, alam ko! Hindi ako nag-iisa sa Puso mo.
Oo, alam ko! Na wala ako sa Pagpipilian mo.
At oo, alam ko, na Hanggang Dito lang tayo.
Pero, te'ka sandali... Hayaan mo lang ako. Wala naman na'ko sa pagpilit sa Tadhana na ibigay ka sakin!
Hindi ko na iniisip kung anong mangyayari sa Susunod.
Basta hayaan mo lang ako na iparamdam sayo na Mahal kita araw-araw....
Hayaan mo lang ako na mahalin ka sa Malayo.
0 notes
Text

Bakit ba napaka magpaglaro ng tadhana?
Bakit may mga taong pinagtagpo pero hindi tinadhana?
Bakit ipapadama sayo ang ibang klaseng saya pero panandalian lang?
Bakit ibibigay sayo pero hanggang kalahati ka lang?
Bakit ba pinaabot pa ng taon kung wala lang din naman.
Kaya Sana,.. Kung ipapanganak tayong muli sana andun na tayo sa tamang panahon. Yung siyam na taon nating magkasama ngayon sana maging totoo na. Sana wala ng eeksena, yung Tayo lang. Yung walang kahati. At sana yung Totoo lang.
Kung dumating man ang araw na yun sana ako na ang piliin mo. Yung Ikaw at Ako na talaga.
Pero sa ngayon, dapat ng putilin ang tali namamagitan sating dalawa. Isang tali na pilit kung kinakapitan kahit nasasaktan, huwag ka lang bumitaw sa akin.
Isang tali na ako lang pala ang mahigpit na kumakapit. Kase ikaw nakakapit na sa iba.
Ilang taon umikot mundo ko kahit walang Tayo,kase masaya pa ko.
Masaya pa ko. Ok pa ko sa set up na ganito.
Ngayon, napaka daming tanong sa aking isipan.
Paano kaya kung una palang tinigil ko na?
Paano kaya kung una palang nilayuan na kita?
Baka siguro, nakaka pag celebrate na ko ng Anniversary kasama ang taong Hindi ko napansin noon.
At nakabuo na ko ng mga bagong alaala ngayon.
Totoo nga talaga yung may mga tao lang na pinagtagpo pero hindi tinadhana. Yung kapag kayo lang magkasama sobrang saya na.Yung genuine happiness, kahit walang label. Yung kontento ka pa sa kung ano lang kaya nyang ibigay at ipadama.
Pero isang araw magigising ka nalang na TAMA NA pala.
Tama na, Tigil na. Pagod na pagod ka na.
1 note
·
View note