Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo



To my 15 year old self... Looking at you right now, I can see how happy and strong you are as a person. I just want you to know that I admire you. Dati naiinis ako sayo kasi akala ko ang hina mo pero kapag naiisip ko kung papano mo nilampasan lahat, I salute you. You will experience a lot of failure, heart breaks and mistakes along the way but always remember that it's okay. It's okay not to be okay. It's okay to fail. It's okay to get your heart broken and it's okay to commit mistakes. Ang importante, matuto ka at magpatuloy sa buhay. Don't let your imperfections stop you from living. Don't be afraid to start something new. Magkamali ka man, itama mo. Enjoy your teenage life because you will definitely miss it when you're already an adult. Maging masaya ka lang at tumawa ng tumawa. Huwag mong pakinggan yung mga nagsasabing kapag tawa ng tawa gusto ng mag asawa. Kahit ang pangit ng tawa mo, tumawa ka lang. Enjoy your life Don't rush into falling in love. Kapag sinabi ng parents mo na bata ka pa at marami pa jan, maniwala ka. Totoo yon. Crush lang muna. Okay? Always remember that when it comes to friends, quality is always better than quantity. Yung mga umaalis, hayaan mo sila. Yung mga nag-i-stay, ingatan mo. Sila yung totoo at magiging kaagapay mo at karamay mo hanggang dulo. A lot of people will judge you for having a strong personality. Akala nila maldita ka. They will misinterpret your friendly attitude, iisipin malandi ka, but it's okay. As long as wala kang tinatapakan at sinasaktan na tao, okay lang yun. Hangga't nasa tama ka, okay lang. Sa mundo kasi maraming judgemental. Mga feeling judge sa korte at huhusgahan ka. Pero okay lang yun kasi wala namang perpekto. Lahat nagkakamali. Basta huwag mo ng uulitin at matuto ka sa bawat pagkakamali. Please be happy always. You deserve it. Huwag mong alisin yung pagiging palangiti mo. Yung pagiging inosente mo sa lahat ng bagay at kahit 'di mo kilala, nginingitian mo, isa yan sa namimiss ko sayo. And one more thing, don't let your depression ruin you. Don't cut your wrist anymore. Don't try to hang yourself anymore. Laban lang self. Wag kang susuko. Kaya mo yan! Love, Your 25 year old self Patuloy na lumalaban at lalaban sa life
0 notes
Text
Dalawang klase ng lalake sa mundo.
(June 18, 2011)
Dalawang magkaibigan, nag iinuman.
B1: Bakit ka nga pala nag ayang uminom?
B2: Break na kami ng girlfriend ko.
B1: Ahh. So broken ka? Kaya gusto mong magpakalasing?
B2: Sino namang nagsabing broken ako? Nagsecelebrate tayo pare.
B1: Celebrate? Masaya ka pang nagbreak na kayo?
B2: Oo naman. Walang dapat ipagmukmok. Marami pang iba dyan.
B1: Bakit naman kayo naghiwalay?
B2: Ayoko na. Nagsawa na ko.
B1: Nagsawa ka na? Bakit naman?
B2: Kilala mo naman yun pare eh. Napakaselosa. May kausapin lang akong iba, selos na selos na.
B1: Nakipaghiwalay ka sakanya dahil selosa siya? Pare, natural lang sa nagmamahal ang nagseselos.
B2: Pero sobra na pare eh. Lahat na lang pinagseselosan.
B1: Iniwan mo siya dahil sobrang selosa niya? Kasalanan ba niyang sa sobrang pagmamahal niya sayo eh takot siyang mapunta ka sa iba?
B2: (Buntong hininga) Kung alam mo lang pare. Napakaparanoid nun.
B1: Paranoid?
B2: Oo. Napakaiyakin. Nakakainis nga eh. Wala ng ibang ginawa kundi umiyak.
B1: Naiinis ka? Dahil iyakin siya?
B2: Oo. Hindi mo lang mapansin. May makita lang mali. Iiyak na. Ang hirap pa patahanin. Gusto sinusuyo siya. Ano ko? Under sakanya?
B1: Iniwan mo siya dahil iyakin siya? Ano pang magagawa niya pare? Umiyak na lang diba? Nasaktan siya eh. Natural lang na umiyak siya. Tsaka pare, kung naaalala mo. Ikaw ang nanligaw sakanya. Ikaw ang kusang pumasok sa buhay niya. Natural lang sayo na suyuin siya dahil obligasyon mo yun. Ikaw ang nanligaw. Kung hindi ka nanligaw, hindi magiging kayo at kung hindi naging kayo, hindi sana siya ganyan. Hindi sana siya nasasaktan.
B2: Minsan nga nag away kami eh. Iniwanan ko. Nagwalk out ako. Alam mo ginawa? Hinabol ako. Parang tanga na siya minsan. Hindi niya nararamdamang pawala na yung pagmamahal ko sakanya.
B1: Nawala ang pagmamahal mo sakanya dahil hinahabol ka niya? Pinagmumukha niyang tanga sarili niya? Hindi ba't dapat siya ang mawalan ng pagmamahal sayo dahil sa ginagawa mo sakanya? Hindi ba dapat siya ang magsawa?
B2: Teka nga pare, kanino ka ba talaga kampi?
B1: Asan na yung Ex-girlfriend mo?
B2: Malamang nandun sa bahay nila. Nakakulong sa kwarto, nagmumukmok at umiiyak.
B1: (Tumayo at kinuha ang dalawang bote ng redhorse na hindi pa bukas)
B2: San ka pupunta?
B1: Sa Ex-girlfriend mo.
B2: Bakit?
B1: Aayain ko siyang magcelebrate.
B2: (Nagtataka)
B1: Siya ang dapat na nagsecelebrate ngayon. Siya ang dapat na masaya. Magpakasaya ka kung kaya ng konsensya mo Pare. Pero hindi ako kagaya mo na manhid at tanga.
B2: Ano bang sinasabi mo pare?
B1: Ikaw ang nawalan. Hindi siya. Ikaw ang dapat na nakakulong sa kwarto, nagmumukmok at umiiyak. Ang pagiging selosa, paranoid, tanga at lahat ng sinabi mo ay dahilan lang ng pagmamahal niya sayo. Karapatan niyang irespeto. Karapatan niyang pahalagahan. Kaya ngayong wala ka na sa buhay niya, malaya na siyang makahanap ng taong magmamahal at magbibigay sakanya ng mga hindi mo naibigay. Balang araw, masasabi mo sa sarili mong ikaw ang tanga dahil pinakawalan mo ang gaya niya. Ang babae pare minamahal yan. Hindi sinasaktan. Kung napapagod ka ng suyuin siya at mahalin siya, maraming iba diyan na nag aantay lang ng pagkakataon na sila naman ang mapunta sa kalagayan mo. Mga taong tapat na nagmamahal sakanya na hindi niya nakikita ng dahil sayo lang siya nakatingin. Mga taong hindi niya binigyan ng halaga dahil ikaw lang ang mahalaga sakanya at wala ng iba. Kung ang dahilan ng pag iwan mo sakanya ay ang pagmamahal niya sayo ng sobra. Ikaw ang tanga pare. Hindi siya. (Umalis)
B2: (Natulala)
#writing#love#allaboutlove#heart#self love#self care#respect#choosewisely#tagalog#filipino#blogger#aspiring blogger
0 notes