chatchooy-blog
chatchooy-blog
True Blue
136 posts
Chatch Calderon-16 Enlightened Student Activist YFC - Isko
Don't wanna be here? Send us removal request.
chatchooy-blog · 12 years ago
Text
Abolish Pork Barrel Now
Ang PDAF o Priority Development Assistance Fund ay isang pondong nakalaan para sa mga pangangailangan na hindi natutugon ng mga departamento. Ito ay ginagamit base sa desisyon ng mga kongresista. Sinasabi nilang ito ay isang pondo na ang layunin ay para sa specific projects o mga proyekto na hindi natutugunan ng mga departamento na ang lokal na pamahalaan lang ang nakakapansin. Ang pork barrel naman ay ang paraan sa pag distribute ng PDAF.
Maganda ang layunin ng PDAF, inaamin ko iyon. Pero ano ba ang problema ng ganitong sistema? Ang hindi pag au-audit ng pera na kung saan ito nagagamit ang isa sa dahilan kung bakit naging kwestyonable ang ganitong pondo dahil may malaking posibilidad na magagamit ito sa korapsyon. Saan ba talaga napupunta ang mga pondong ito? Di natin eto matrace dahil wala namang nag-aaudit ng mga trans-aksyon sa kung saan napupunta ang mga binigay na na pera, at kung meroon man, maliit na porsyento lang ang gumagawa nito.
Malaking pera rin ang nakalaan sa PDAF o Pork Barrel. Sa ganito kalaking halaga, marami nang magagawa ito para mapagaan ang ating mga buhay, marami na itong magagawa para ma improve ang ibang mga sektor ng lipunan. Maari na itong makapag improve sa kalidad ng edukasyon sa ating bansa o kahit ma improve man lang ang healthcare ng Pilipinas.
Bilang isang kabataang Pilipino, hindi pa man ako nagbabayad ng buwanang tax sa BIR, ay ipinapahayag ko ang aking saloobin ukol sa ganitong sistema. I-abolish ang PDAF at irealign eto sa social services ng Pilipinas upang mas marami ang makakabenefit at para makatulong sa lahat. 
HIndi lang ang pag-abolish at pagrealign ng PDAF ang gusto kong magyari. Ipasa na natin ang FOI para sa transparency at para matrace natin ang pinupuntahan ng ating pera. Sa gayon, magiging kampante tayo na mababawasan ang korapsyon sa bansa.
Abolish PORK BARREL now! Realign PDAF to Basic Social Services! PASS FOI BILL NOW!
2 notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Noong una pa lang, pumasok ako dito para lang makapagsilbi sa iba, upang makapagsilbi sa bayan. Di ko inakala na sa aking hangad na pagbibigay ng serbisyo at ang tunay na progreso sa bayan ay makakakita ako ng isang pamilya. Di lamang sa kasayahan kundi sa hangarin na makatulong sa iba. :)
1 note · View note
chatchooy-blog · 12 years ago
Text
Paghubog ng Kabataan
Hulyo 28 ng ako'y unang pumunta sa Comelec upang magparehistro sa darating na eleksyon para sa Sangguniang Kabataan. Excited ako. Alas syete ng umaga ay nandoon na ako para pumila. Di ko pinansin ang haba ng pila dahil pursigido akong makaboto.
Naghintay ako hanggang alas 4 ng hapon nung araw na iyon upang makapagrehistro lamang ngunit nadismaya ako sa aking mga nakita. Maaga pa kami doon upang makapagparehistro lamang ngunit marami kaming nakitang mga taong dinadala lamang sa harapan, pinapa-insert. Ang sabi nila, meron daw kasi silang kilala. Ah ganun na pala ang usad ng pagparehistro ngayun? Dapat may kilala?
Nakita ko rin kung gaano naimpluwensiyahan ang iba kong mga kakilala sa takbo ng pulitika. Ang dati kong kakilala na nahalal na SK Councilor noon ay present sa registration. Isa pala sila sa nagpapainsert ng mga taga barangay namin sa pila. At ang kapalit? Ipapakilala ka nila sa kanilang pinapatakbo para sa SK. Hindi lang 'yan, may libreng snacks pa. Morning at afternoon snacks, kumpleto. May libreng lunch pa. At alam niyo na kung ano ang kapalit. Pakilala na naman sa kanilang kandidato.
Ganito na lang ang pagkadismaya ko sa ibang kabataan ngayon. Ano ba talaga ang layunin ninyo sa pagtakbo sa SK? At kung tayo ang pag-asa ng bayan, bakit natin sinusunod ang gawain ng mga pulitko? Ng mga tradisyonal na pulitiko. Itaguyod natin ang ating dignidad. Iwasan nating matulad tayo sa mga taong gahaman sa posisyon. Wastuhin ang kalabisan. Umpisahan ang pagbabago ng pulitika ngayon. Baguhin ang iyong pananaw at dapat nating isipin na mas makakatulong tayo kung hindi natin iniisip ang ating sarili at hindi tayo magpapadikta sa tradisyonal na pulitika.
2 notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Text
Iba-iba lang ang babaeng kasama chickboy agad, di ba pwedeng friendly sa mga babae muna?
lol true story ;)
2 notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Text
Pangarap
Noon, pinangarap kong maging isang model, kahit isang simpleng model lang ng damit, o kaya ng magagarang gamit. Akala ko imposible ko yung marating. Wala pala talagang imposible sa mundo. Hindi nabalewala ang aking paghihirap. Naging isang bench model ako (kahit sa edit lang ng mga lower years namin) hahaha at least narealize ko na wag nalang. Ang sagwa tignan hahaha :D
Tumblr media
1 note · View note
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
772K notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
297 notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Text
Hindi lang pula ang kulay ng aktibismo
Tumblr media
0 notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Text
Ang serbisyo ay hindi pang isang tao o organisasyon lamang
Nag-aaral ako sa Unibersidad ng Pilipinas dito sa Cebu. Isa akong aktibong aktibista dito sa aming paaralan. Oo, masasabi kong isa akong aktibista hindi dahil pumupunta ako sa kalsada at tumutuligsa sa mga lider ng ating nayon, kundi dahil alam ko, sa aking sariling paraan, nakakatulong ako sa pagbabago ng ating bayan. Ang pagiging aktibista at lider-estudyante ay hindi lamang nasusukat sa kung ilang rallies na ang nadaluhan mo, sa ilang mga polisiya ang naipaglaban and nalabanan mo. Para sa akin, ang pagiging aktibista ay higit pa sa paglalatag ng ating hinanaing sa kalsada, kundi sa pag gawa ng kung ano ang nalalaman mong makakatulong sa iba, at sa kung ano ang para sa iyo ang makakasagot sa problema. Ang serbisyo ay hindi lamang sa iisang organisasyon. May iba-iba tayong paraan sa pakikibaka para sa tunay na serbisyo. Hindi lang isa ang paraan  ng pagseserbisyo. Hindi ako makakapayag na may sumira ng pangalan ng isang organisasyon na ang layon ay ang makatulong sa kapwa dahil hindi ito katulad ng paraan na nais niyo, na nakagisnan niyo. Ang serbisyo ay hindi lamang para sa isang tao. Taas kamao akong nagpupugay sa kagaya ko, isang lider-estudyante na hindi lamang naglilimita sa sarili sa militanteng pakikibaka kung hindi naghahanap rin ng ibang paraan upang makatulong sa kapwa. 
7 notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Text
Should I make a new blog or not?
3 notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Note
warning, i reblog a lot in this blog. hahaha! HI CHAAATCH <3
hahaha is okay. mine's is empty. :D
0 notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
10K notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
Meanwhile somewhere in India. Stark Industry’s India headquarters. :P (pic found on Facebook)
3 notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
MyFunnyCollection
1 note · View note
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
6 notes · View notes
chatchooy-blog · 12 years ago
Photo
Tumblr media
169K notes · View notes