earlyysabelle-blog
earlyysabelle-blog
insert code
23 posts
scribbles of a young lost soul
Don't wanna be here? Send us removal request.
earlyysabelle-blog · 12 years ago
Text
05.11.2013
Dear Maia,
I know that I'm not the best, actually not even a good for you my daughter. Immature and daddy eh. Pagpasensyahan mo na kung laging umiiyak si mommy mo dahil sa akin, may mga bagay talaga na di ko maipapaliwanag.
Sana kapag nabasa mo ito, sana medyo nakakaintindi ka na, I mean sana mature enough ka na para di mo kami i-judge ni mommy mo sa kung anong naging desisyon namin. Kahit sabihin mo ramdam o naramdaman, gusto kong sabihin sayong mahal na mahal kita. I can always feel you, actually kung anong nararamdaman mo, doble ng nararamdaman ko. Gustuhin ko mang tabihan ka sa kahit saan lugar ka magpunta, I can't since meron kaming di pagkakaunawaan ng mommy.
Gusto kong sabihin na proud na proud ako sa mga naging achievements mo at lagi mong tatandaan na I'm always here for you kapag kelangan mo ako. I will die for you my Ysa. I miss you so much.
Love,
Daddy
0 notes
earlyysabelle-blog · 13 years ago
Text
girls nowadays...
can’t cook like mom but can drink like dad.
Tumblr media
true that!
2 notes · View notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
12.09.2011
Hapon na naman, going to grocery para sa milk at diapers ni Ysabelle. Writing this one while waiting for charmako na matapos maligo. Weird kasi si Ysabelle, nanonood ng startalk. Mukha namang maayos ang lahat, for now. *sigh*
Da Who na..
It's my turn na para maligo. Naniniwala ako na meron ngang rainbow pagkatapos umulan.
Lord, Help us.
0 notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
sigh.com
Sa panaho na ito, wala ng nangyaring tama. Kahit hetong utak ko di na gumagana ng matino, madami pa naman sana akong gustong ilathala. Bibili sana ng dalawang bote ng serbesa ngunit napigilan ng napagtantong nagtitipid pala ako. Oo, nagtitipid po ako kahit na yung sweldo ko eh dapat sobra pa sa pang-araw-araw na pangangailangan, sobra-sobra pa para matustusan ang pangangailangan ng aking mag-ina.
Mahirap talaga kapag may inutil sa pamilya nyo, tapos ung tipong sya pa ung nagmamagaling. Siguro nga at may malawak akong pangunawa dahil di ko na siya masyadong binabara, at ayoko ding maging masamang anak sa kanya. Kung sa bagay, mas maituturing na inutil ung isa kong kapatid na nagta-trabaho. Biruin mo, siya itong single, at siya pa ang may ganang magmatigas para makatulong sana na pinansyal na pangangailangan ng pamilya. Madalas maririnig na bukambibig sa kanya ang mga katagang "Kay kuya kayo humingi.. wala na akong pera" kapag hinihingian siya ng aking ina.
Galit ako sa kanya, at di pa din ito nawawala. nagmana nga ata siya ng katigasan ng ulo ng erpats ko. Antigas ng mukhang bumili ng bagong damit, pantalon at pabango kahit alam niyang di pa siya nagbibigay sa parents ko. Nanlilibre ng mga co-teachers habang sila mommy at daddy ay nagaalala dahil madaling araw na eh wala pa din siya.
Brod, guro ka pa naman. Imbers na mag set ka as example, ikaw pa ung lumalabas na immature. Puro ka naman ata yabang, wala ka pa din namang napapatunayan.
Di nagkakalayo ang cost ng sweldo namaing magkapatid, (mas masipag lang siguro ako kaya malaki bonus ko) pero magkaiba naman kami ng pananaw sa buhay. DI ko alam magagawa ko sa kanya kapag di ko siya natantsa.. kilala naman siguro nya akong magalit. Minsan di ko maiwasang magbalak ng masama sa kanya. Minsan dinadalangin ko na lang kay Lord na matauha siya.
Ag hirap kapag ganito | Nakaka-buryong | Sigh.
2 notes · View notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
De-motivated.
Haist. Di ko na lama kung saan ako magsisimula. Di ko nga alam kung bakit gising pa ako ngayon. May pasok mamaya pero wala, wala akong gana. Wala sa hulog ung pagkakagising ko kanina. Akala ko dati, I'm always okay, di din pala. I'm so fuckin' demotivated today.. o ngayon ko lang narealize na nararamdaman ko ito dati pa. Haist.
Anong sense ng mga pinaggagawa ko ngayon. Non-sense na nga talaga ako habambuhay. Para akong kalasada na never endin, pero wala namang patutunguhan. Haist. Bakit naman kasi sa tagal-tagal ng panahon, sa akin pa din sila nakaasa, di tuloy kami makapag-move forward.. Nakakahiya na sa asawa ko, pati siya nagiging unstable na pagdating sa emotions nya, feeling ko ako din. Pero malamang di ako dapat nagkakaganito, walang puwang para sa mga katulad ko ang mag reklamo, wala akong karapatan. Haist.
0 notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
..on the rocks,.
Kahit obserbahan mo na lang kaming mag-asawa, masasabi mo na na may problema kaming dalawa. Halos tatlong araw na kaming di masyadong nagpapansinan, sobrang lungkot ko talaga ngayon, SOBRA. Akala ko maida-divert ko sa ibang bagay ung atensyon ko para man lang maibsan ung pangungulila ko sa kanya. Kahit sa mga text messages nya, mararamdaman mo na cold sya. Hindi na siya masaya, hindi na. Kung ako nga nalulungkot, siya pa kaya na hindi sa ganitong kahirap na buhay. Kung tutuusin, di naman kami naghihirap, di lang din kami sunod sa mga luho namin, at sa tingin ko isa un sa mga dahilan kung bakit tila nagsasawa na siya, di lang sa akin pati na din sa relasyong ito.
Tulad ng mga nasabi ko sa iba kong entry, sira talaga tuktok ako. Ako ung definition ng isang lalaki na gago, tanga, malibog, sinungaling, manhid at mayabang. Lahat na ng kapintasang masasabi mo, ako na yun. Minsan ko ng nasaktan si sharm, pinaiyak at sinaktan ang damdamin. Alam kong matagal maghilom ang sugatang puso, at alam ko ding di pa din magaling ung sugat na sanhi ng pambababae ko dati.
Di lingid sa aking kaalaman na napipilitan lang siya, sa lahat ng mga ginagawa niya ngayon. Minsan iniisip ko na sana di na lang ako ung napangasawa niya, siguro di hamak na mas maganda ung buhay niya ngayon. Di din siguro siya umiiyak gani-gabi at di din siya naglilitanya sa mga text message niya. Siguro ay mas inspired siya sa pagpasok tuwing umaga dahil siya mapupuyat kakaalaga ng bata. Siguro ay may sapat siyang pera para pumunta sa kung saan siya gusto, may pera din siguro siya para mabili ung mga gusto niya. Siguro sexy pa din siya kasi di siya mabubuntis ng isang walang kwentang tao.
Masaya sana siya kung di niya ako pinilit balikan, maayos sana siya kung di niya ako minahal muli. BAKIT? bakit ka pa bumalik? di ka sana naghihirap ngayon.. Di sana nasasayang ung luha mo sa wala. Kung pwede lang sana kitang ipagtabuyan para maging masaya ka pero huli na ang lahat.. HAY!!
Di ako nagsisising pinakasalan kita, alam ko na pagsubok lang ito. Sanay na ako na maging malungkot, di na bago sa akin un. Gusto ko sanang maging masaya ka, kaso gago nga ako di ba? hay.. 
Mahal kita, di na din bago un. Ramdam mo man o hindi nandyan lang ung love ko sayo. Sabihin ko man na ikaw lang, di ka din naniniwala. Flirt nga siguro ako, at alam ni Lord na pinipilit kong baguhin ang nakasanayan ko na. Wala akong pruweba, at lalong wala akong maipagmamalaki. Di ko nga alam kung bakit ka nga ba bumalik pa.. sana pinili mo nalang maging masaya, dahil wala ng sasakit pa sa feeling na nakikita kang ganyan, confused at walang tiwala sa sarili.
Kung pwde nga lang na isalin mo na lang sa akin ang hirap. Kasalanan ko naman lahat ito.
Patawad. :-(
0 notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
Luau fuckin' themed dress up..
Di ko talaga alam kung matatawa na lang ako o magngingitngit sa galit sa nangyari kanina sa opisina. Usually 10pm ang pasok ko, pero dahil di ako naka-attend sa 'meeting' noong sunday sa office about our pod decoration or what not, inutusan kami ng aming embedded senior agent na pumasok ng two hours before ng time ng aming totoong shift. Nagulat naman ako kasi pagdating ko sa office eh 4 na teammate ko pa lang ung nandun, so technically pang lima ako. Agad ko naman silang tinanong kung what's up and what happened last sunday. Guilty naman ko sa di ko pag-attend, family day kasi un at ayokong may masabi na naman ang misis ko patungkol sa 'nakaririmarim' kong pag-uugali.
15 kami sa team, 5 lang ung dumating. Ung supposedly leader namin, nagtampo daw kasi di daw kami marunong tumupad sa usapan. Agad naman pumasok sa isip ko ung mga rason nung iba kong teammate na di nakarating, sa tingin ko kasi, valid naman ung reason ko kung bakit di ako nakapunta, eh ung iba kaya? valid kaya ung reason nila?
Nakakaasar lang ung ibang tao na porke di sila masasaway ng teammate nila, ang kapal ng mukha na basta na lang di sumunod. May officemate kasi ako na sinabihan na ngang 8pm ang calltime, quarter to 10pm pa din dumating, at nakuha pang mag reklamo.. tsk tsk.. Kuya, di porke't magaling kang ahente di ka na susunod sa napagkasunduan ng team, attitude mo lang eh noh, mas masama pa sa mukha mo. Nakakaasar pa ung tipong bawat team may representative for Mr. Ms. Luau, pero akalain mong binalewala ung 2 team na nasa dulo na ng floor (at kasama kami dun). Paano naman ung effort nung mga taong inumbliga nyong sumali sa letseng pakulo nyong yan? Sorry na lang, ganun?
Ang pagpapasimuno ng isang event eh hindi parang birthday party mo na ikaw ang bida. Lagpas trenta ka na isip grade one ka pa din. tsk tsk..
8 notes · View notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
Kahit anong mangyari, ikaw pa din ang ama ko..
Ang init. tumatagos sa aking kaluluwa ang init galing sa kisame ng bahay namin. Tulog na naman siya, at kahit aam kong dapat ko na ding ipahinga ulit ang aking mga mata, nawalan ako ng gana dahil sa totoo lang ayoko siya katabi sa pagtulog. Iba na nga, ibang-iba.. iba na ang tingin ko sa kanya.. pati na din siguro ung aking nadarama toward him. Ama ko pa din siya no matter what pero nakaka-inis na siya talaga.
Masasabi nating epekto na nga siguro ung ng hemorrhagic stroke nya 2 months ago. Buti na nga lang at mabilis ang recovery nya at nakakapagsalita naman siya kahit papaano. Sabi ng mga doctor, normally paralyzed or death na lang ang pwedeng mangyari kapag ganun ang case. Well, dapat talaga nagpapasalamat si daddy sa 2nd chance na pinagkaloob sa kanya ng Diyos. Pero kabaliktaran ata ung mga bagay na ginagawa niya ngayon.
Wala pa halos 2 months noong na-hospitalized siya pero ung mga activity na ginagawa niya, haay!! ewan ko ba. Ego na rin siguro nya ung gumagana ngayon. Gustung-gusto niya na siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay kahit di naman namin siya inuubliga. Ang masakit pa dun, ung mga kaso niya against sa former landlady namin, inaasikaso pa din nya hanggang ngayon. Alam naman nating lahat na napaka-stressful ng ganun, mentally and physically, pero heto pa din sya at active na active sa pagaayos ng mga papeles.
Gusto ko na siyang murahin to tell honestly, pero nandun pa din ung pagtitimpi na baka masaktan ko siya emotionally at mag cause pa ng isa pang stroke.
Nakakalungkot isipin na di na naman nya naiisip ung pwedeng mangyari sa mga pinaggagagawa niya. Nakakaiyak kung minsan kasi alam kong di lang ako ung nahihirapan kapag ganito ung pag-uugali niya.
Haist. Sana matauhan na siya. Kahit papaano, ama ko pa din siya.
1 note · View note
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
Cheers for a strong tomorrow..
Linggo na naman, its like the usual sunday evening for me. Walang lalabas since I am a 'family guy'. Makikipag inuman na naman ako sayo tumblr. madami-dami na din tayong sessions together. Mas okay na ung ganito kesa sa makarinig ka ng sumbat. Tatay na kasi ako, at asawa ng isang ulirang misis.
Mahirap magreklamo kung alam mong sa huli ituturing ka nilang walang kwentang tao. Kahit ang minsang pagtakas sa responsibilidad ay di sumagi sa aking balintataw. Bagay na di ko maiisip kailan pa man. Umiyak ako kanina, masarap na masakit.
Masarap dahil gumagaan kahit papaano ang bolang bakal sa dibdib ko, dahil alam naman nating lahat na mabigat sa dibdib ang magkimkim ng nararamdaman. Hindi ako ang tipo ng tao na 'showy' sa aking nararamdaman. Isa akong 'pleaser', at alam ng madami kong kakilala yan.
Masakit kasi ayoko sa lahat ung nakikita ng ibang tao na umiiyak ako. Ayokong makita nila na di ko kaya. Kaya ko lahat. Walang makakapigil sa kung ano ang gusto ko. Ay, mali pala.. Ang Diyos lang ang kayang makapagpigil ng aking mga binabalak. Kelangan kong maging mukhang malakas dahil ako ang pinaghuhugutan ng lakas ng aking mga kapamilya. Isang moral na obligasyon ang maging mukhang malakas sa harap nila kahit gusto ko na lang huminto at umiyak pansumandali.
Lahat tayo isinilang ng madamot, ako lang siguro ung defective kapag dating sa ganyang ugali. Di naman sa pagmamayabang pero most of time, di ako nagdadamot sa kapwa ko, lalo na sa kadugo ko. Di ko talaga matitiis ang isang kamag-anak na humihingi ng tulong LALO na kapag meron naman talaga akong pantulog. Mahirap din pala ang may ganung ugali, may mga taong namimihasa dahil mabait ka.
Minsan, kailangan mo na ding limitahan ang iyong pagtulong. Di panghabambuhay ikaw ung nasa taas, minsan dapat mong paghandaan ung future mo as a n individual, minsan kailangan mo ding maging madamot.
Dalawang bote pa bago ako tumigil sa pag pindot. Sana di pa tulog ang misis ko, gusto ko pa kasing makipagkwentuhan sa kanya. Na-miss ko ung mga oras na hawak pa namin ung mga oras namin, nakaka-miss talaga. Pero we must move forward, because that is inevitable. 
1 note · View note
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
User Friendly
Ngayon ko lang napansin sa tagal tagal ko sa aking trabaho na karamihan ng tao sa opisina namin eh puro 'user friendly'. Akala mo sasama sayo through ups and downs mo, yun pala pedeng kumunoy na hihila sayo pababa patungo sa dungis ng pagkabigo.
Di ko lubos maisip na may mga tao na sisira at manlalaglag ng kapwa nila empleyado para lang tumaas. Talagang mararamdaman mo ang mga taong talangka, kahit saan naglipana. Talagang matututunan mo ang huwag magtiwala sa kahit kanino, kahit sa mga taong tinuturing mong kaibigan.
Ang pagka-promote sa opisina namin ay hindi sa kung ano ang kaya mong gawin o kung anong experience na ang na-attain mo na related sa kinukuha mong posisyon. Ang pagkuha ng tao na para sa isang posisyon ay parang pagpili kung sino ang pinaka close ng boss sa friendlist nya sa facebook. Yung tipong pipili siya kung sino ung pinakamatagal nya ng kasama, yung lagi nyang kasama sa mga team buildings at inuman sessions, ung mga kasama nyang mag yosi kapag breaks.
Nakakapanlumo at nakakatamad. Yan ang mararamdaman mo kapag nakikita ko ung mga ulopong na nagle-lead pa, kapal muks talaga. Ang bata-bata ko pa, naha-highblood ako sa mga pinag gagagawa nila.
0 notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
Good Friday
Walang tao masyado sa labas, kahit sasakyan ay parang ambon lang kung dumaan. Pwede kang magpatintero sa kalsada. Ganito ung mga panahong ansarap magnilay-nilay sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay mo. Nakakabit pa din ang itouch sa tenga ko. Iniisip ko kasi kung magsusulat ba ulit ako o buburuhin ko ang sarili ko kakalaro ng PSP. Sinabi ko kasi sa wifey ko na di na ulit ako magiinternet ever para lang maipakita lang sa kanya na seryoso ako sa pagbabago ko. Well, seryoso naman talaga ako, bullshit lang talaga ung fact na di ako mago-online para lang mapatunayan na di na ako magloloko.
Andami kong narealize nitong mga nakaraang araw. Isa na dito ang sanhi kung bakit di kami nagkakaintindihan ng misis ko. Tama siya, kung ako ang lalagay sa posisyon nya, malamang maiinis din ako sa inaasal ng partner ko (which is me, logically). Tulad nung nasa una kong katha, nasa proseso pa nga talaga siguro ako ng pagiging mature when it comes to handling relationship. Siguro nga ay di pa ako hinog bilang asawa at bilang isang ama. Andami kong frustrations kaya naaapektuhan nito ung mga responsibilidad at obligasyon na dapat ay nagagawa ko na ng matino. 
Di na bata kung tutuusin ang edad ko noong nagpakasal kami ng misis ko. Noong araw, ang 23 years old ay ang tamang edad ng lalaki para pakasalan ang babaeng minamahal niya. Noon yun, at di ako naniniwala dun. Walang tama o maling edad ng pag-aasawa. Depende ito kung talagang depdent ka na talaga, psychologically, physically, emotionally at financially. Sa lahat ng nabangit ko, kahit isa dun di pa ako ready.. hehe..
Andami ko pang gustong gawin, na sa tingin ko eh di ko na magagawa kasi may asawa na ako. Hindi sa dahilang imoral o di posible ang mga bagay na sinasabi ko, kelangan ko lang talaga isaalang-alang kung ano ang gusto at sasabihin ng better half ko. 
Heto ang listahan ng mga gusto ko sanang gawin at sa tingin ko'y magagawa ko kung saka-sakaling binata pa ako ngayon:
Magpalagay ng tattoo (ayaw kasi ni kumander, basta.. ayaw lang talaga nya)
Magpunta sa iba't-ibang lugar (to travel, outdoor person kasi ako).
Maglasing tapos magising na di alam kung nasaan ako (lagi 'tong nangyayari sa akin dati noong binata pa ako).
Makipagkwentuhan sa kaibigang babae na walang mabubuong isyu (well, may mga friend naman talaga akong babae na pedeng kausapin ng masinsinan, kaso di na pede lahat.. landi ko lang dun).
Gumastos ng drastic.. as in sobrang drastic (parang redundant na)
Umalis ng biglaan.
Sabi ko nga sa wifey ko, di ko naman pinagsisisihan ang pag-aasawa ng maaga (sabi na ngang di maaga eh. Tsk!). Siguro dadating din ang oras na mare-realize ko na immature talaga ako at kelangan ko ng magbago. As of now, since gradual ung change, im just diverting mga activities ko sa mga 'mature' activities. Kaso syempre, ung ibang hobbies ko eh expensive so tiis-tiis muna (outdoor recreational at photography).
Well, di pa naman tapos ang araw. Tanghali pa lang. Sabi nga nila.. wag kang mag conclude hangga't di pa tapos ang game. BILOG ANG BOLA. Boring naman siguro ang buhay kung puro naman saya, dun tayo lalakas sa mga problemang nasosulusyunan natin. Siguro nga di pa ako mature, siguro nga at di ako masaya sa fact na un.  
0 notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
Natural Flirt daw ako
Madaming nagsasabing babaero daw ako, at di ko naman itinatangi. Naging 'babaero' nga ako, pero noon pa yun. Ang kapal naman talaga siguro ng mukha ko at inaamin ko pang isang pag-uugali na di dapt tinutularan ng isang matinong lalake. Well, sabi nga nila.. past is past.
Pero di un ganun kadaling sabihin kapag asawa ko na ang kaharap mo. Di niya siguro talaga makakalimutan ang ginawa kong 'panloloko' ko sa kanya dati. At di naman ako makakapagreklamo, kasalanan ko naman lahat. Walang ibang dapat sisihin, wala akong dapat irason. Siguro nga sira ulo talaga ako dati, siguro nga siraulo pa din ako hanggang ngayon.
Natural flirt nga siguro ako. Walang effort sa akin ang panlalandi ng babae. Kusang bumubulalas sa aking bibig ang salitang nambobola. Kusang gumagalaw ang aking mga kamay patungo sa kiliti ng aking nilalandi. Pero sa totoo lang, di ko siya namamalayan, kusa siyang lumalabas sa aking pagkatao.
Proven na nga na ganito ako. Hindi lang isa kundi madami ng beses na muntik na muntik ng may mahulog sa akin dahil sa mga katarantaduhang ginagawa ko. Minsan nga di lang nahuhulog, bumibigay na talaga sila sa akin. Para sa akin, nakukutuwa ang ganitong 'talent' pero nung tumagal na, heto ang ugaling sumira ng pagkatao ko.
Hanggang ngayon, parang isang malalang sakit ang attitude kong ito. Heto ngang isang gabi, nag-away na naman kami ng misis ko dahil sa pangpi-flirt ko sa isang officemate ko dati. Kahit magpaliwanag ako, sa tingin nya at ng ibang tao, proven na pangpi-flirt nga yon. Napaka-careless ko talaga, at take note.. ako pa ung may ganang magalit. Haist. Medyo nagkakahalu-halo lang siguro ang isipin sa isip ko.
Sana mapatawad na ako ng misis ko, sana maramdaman nya na siya lang naman talaga ang tinitibok ng puso ko. Dapat talaga di na ako nagi-internet kasi pangako ko sa sarili ko na di na ako magba-blog. Heto lang ang outlet ko, pero kung heto lang ang paraan para medyo umayos ang tingin sa akin ng misis ko, gagawin ko.
Masasabi kong di pa din namin kilala ang ugali ng bawat isa. Pero alam ko naman na process talaga ang isang relationship ng mag-asawa. Kelangan lang ng pagkaka-unawaan at tiwala sa isa't-isa (well, siguro wala na nga ung tiwala niya sa akin as a whole). Kelangan din ng communication, kelangan din na maging open kayo sa isa't-isa para alam nyo kung ano ang nararamdaman ng bawat isa.
Natural flirt daw ako. Totoo naman, bakit nga ba? haist.
1 note · View note
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
The Early Dad Syndrome
At age 23, naging ama na ako. Kasabay pa nito ang napakaraming responsibilidad sa aking pamilya. I was so young and so lost that time. Dati rati pinoproblema ko lang kung paan pagkakasyahin ang oras ko sa napakaraming gimik na aking pupuntahan. Ngayon, di ko alam kung paano pupunan ang mga responsibilidad ng pagiging isang ama. Kung tutuusin, di na din bata ang magkaanak ka sa edad na tulad ng sa akin. Noong araw nga, 18 years old pa lang nagaasawa na ang isang lalaki. Pero di mo din maaalis na masyado pang maaga considering ang mahirap na panahon ngayon (economic wise), at ang sinabi kong responsibilidad pa na naiatang sa akin (na di ko alam kung paanong sa akin naipasa)
Tatlo kaming magkakapatid, ako ang panganay. Mataas ang expectation sa akin ng aking ama (porke academic achiever at UPCAT passer DAW ako). Nakakairitang isipin na dapat di ka gagawa ng mali or else. Di ako dapat nagkakamali, feeling nila perpekto ako. Kung alam lang nila ginagawa ko sa Los Baños dati, nabibilang lang sa daliri kung ilang araw ako pumapasok sa isang sem (pero himalang nakakapasa ako).
Sira ulo ako. Di lang noon, hanggang ngayon. Per di yulad dati na sobra na talaga ang kasiraan ng ulo ko. Masasabi kong nakaka-stun talaga ang mga mabibigat na problema (financially, acads, babae, pamilya.. LAHAT), pero di mo kelangang rason un para sumuko. Di maitutuwid ang isang mali ng isa pang pagkakamali. Siguro nga karma lang ako ngayon ng dating ako.. labo eh no? Ayoko ng maapektuhan ng mga bagay bagay na nagpapaalala sakin na sana naging matinong tao na lang ako dati.
Di mo na maiiwasang marinig o maungkat ang nakaraan. Kasalanan ko din talaga. Ang kawalan nila ng tiwala sa akin ngayon, malamang pang habambuhay na. Wala akong karapatang magreklamo, consequence naman lahat ito ng mga ginawa ko kahapon.
Mahirap. Kelangan mong magbago, para daw sa ikabubuti ng lahat. Kung anong character o pagkatao meron ka, kelangan mo itong baguhin para sa kanila. Mahirap, sobra. Siguro nga immature pa din ako hanggang ngayon dahil sa tingin ko subjective ang pagiging matute. Or should I say, ayoko ng mga eksenang kadramahan at tapos mapupunta sa mga banat na "Magbago ka na nga dahil ama ka na".
Don't talk to me about what type of father I am. Alam ko kung paano maging ama, by instinct ang\d by faith. Sabihin na nating may pagkukulang ako, pero di basehan yun para baguhin ko kung SINO talaga ako. Ayokong mamatay ng di masaya, kaya siguro ako ganito. Since childhood, di ko naranasang may inaalalang tao. Ngayong nagka-anak ako, it's a brand new feeling. nagkaroon ako ng rason sa lahat ng bagay na gagawin ko, at sa mga bagay na di ko na dapat gawin. Ibig sabihin ba nun eh di ko na dapat gawin lahat? Im so damn limited, hindered. Siguro nga unfair lang ako. SOBRAng unfair..
0 notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
Di mo maiintindihan kasi single ka..
Oo, inaamin ko, ang hirap tumangi kapag minsan ka lang mayaya ng kaibigan mo. Mahirap tumangi kapag ang taong nagyaya sayo eh ung taong may utang na loob ka pa. Mahirap tumangi sa taong sa tagal-tagal ng panahon eh di kailan man tumangi kapag may pabor ka na hinihingi.
Torned. The best word to describe what I'm feeling right now. It is a hard to be a father and a husband, well.. siguro hanggat nasa adjustment period lang siguro. Siguro nga naiwan pa din sakin ang pagkakaroon ng isang 'buhay binata'. Lagi na lang nagrereklamo sakin si charmako dahil lagi ko daw siyang ginagawang dahilan para tumangi sa mga officemates, brods, sissed, classmates, friends at barkada ko kapag niyaya nila ako. Eh ano bang tamang gawin di ba? Di din naman siya papayag kahit gusto ko. Yung mga desisyon ko ngayon, di na lang naka-base sa kung ano ang magiging consequence ng desisyon ko sa AKIN, kundi pati na din ang epekto nito sa AMING PAMILYA.
Nakakbadtrip na minsan, di makaintindi ung mga taong tinatangihan ko. Di talaga kasi nila maiintindihan kasi SINGLE sila. Ano bang iisipin nila if ever inumaga na sila? or ung tipong walang masakyan pauwi galing gimikan? Ako kasi kumplikado eh. May naghahantay sa pag-uwi ko, may nag-aalala sakin at higit sa lahat, walang kasama ung mag-ina ko dito sa bahay in case umalis ako.
Nakaka-irita lang kasi ambilis nilang magtampo considering na alam naman nila kung gaano kabigat ung responsibilidad ngpagiging isang ama. Di ko sila masisisi, andun sila nung mga oras na sobrang down ako. Di ko sila masisisi dahil alam ko na kapag may problema ako, handa silang dumamay kahit anong oras. kasi nga, SINGLE sila, at hawak nila ang oras nila. Eh ako? Loser?? Hindi din. Nagkataon lang na napa-aga ang pagdating ng responsibility sakin, at kelangan ko ung panindigan. Ayokong pagdating ng araw, sisisihin ako ng pamilya ko dahil sa kapabayaan ko. Ayokong may pagsisihan ako dahil di naman natin masasabi kung anong pedeng mangyari lalo na ngayon at napaka unpredictable ng mundo
Hindo ako 'Under the Saya', Family oriented lang talaga ako.
3 notes · View notes
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
Bitin na weekend..
Hindi kasya ang dalawang araw to spend precious time with my family. Tapos ang mahirap pa dito, sasabayan ka pa ng BV galing sa mga parents mo. Haist. Hirap mag-palaki ng magulang, lalo na ung mga tipong feeling nila alam nila ang lahat. Mahal ko parents ko pero sorry for the lack of term, matigas talaga ang ulo nila. Buhay mayaman pa din sila kahit alam naman nilang under crisis na sila financially. Hinihiling ko nga na sana ung life style nila, lexible sa kung ano ung status nila financially.
Bitin nga talaga ang weekend, parang pasensya ko ngayon. hehe
1 note · View note
earlyysabelle-blog · 14 years ago
Text
01.19.11
ansarap talagang pasalubong ang masasakit na salita. wala ng mas tatamis pa sa mga mura na iyong panimula. pinilit kong magpigil pero di na raw dapat, sabi ng utak ko. ang pusong may pighati, ayun, di alam kung ano ang gagawin. 
hindi porke ama kita eh alam mo na kung ano ang dapat at di dapt kong gawin. nasa tamang edad na apo ako para gumawa ng desisyon, at nasa tamang edad ka na din para wag makialam. wag kang mag-alala, wala namang ibang makakabasa nito, at minsan di ko pinangarap na ipahiya sa ibang tao gaya ng pagpapahiya mo sa aming magi-ina. 
sorry pero gusto ko lang sabihin na akala mo kungsino ka. di sa pagmamayabang pero kung kasing edad kita ngayon, hinding-hindi tayo magka lebel. hinding hindi ako pakialamero at higit sa lahat, marunong akong makinig at makiramdam. 
mahiya ka naman. kahit mag survey ka pa sa lahat ng taong kakiklala tayo pareho, sa akin at sa akin lamang sila kakampi. ultimo ina mo, awang-awa na sa pagtrato mo sa akin simula pa bata ako.
hindi ako nag blog sa dahilang galit ako sayo daddy, nag blog ako dahil sinabi mo. nag blog ako kasi sabi mo wala akong kwentang tao. nag blog ako kasi sinabi mo, walang kwenta ang henerasyon ng kinabibilangan ko.
pwes, kung wala akong kwenta, ikaw na siguro ang pinakamalaking pagkakamali ng ni mama at papa. siguro poot at galit ang nararamdaman ni lola noong ipinagbubuntis ka. kung utang na loob ang pag gawa mo sa akin. sana di ka na lang naging malibog dati para di ako nabuo.
I never hated my life, paminsan minsan lang kapag naaalala kong erpat kita at ganyan ang ugali mo. 
0 notes
earlyysabelle-blog · 15 years ago
Text
(bells ringing)
Nice title for a blog, indeed. Actually, I spent ten minutes thinking of a better title for this blog entry. Well, considering the fact that I'm the only person awake here, I keep on thinking our plans for the said event next year. I really don't want to sounds like I’m the too-excited one, but as of the moment, I assume that I am much nervous compared to my wife.
Yes, we’re planning to have our church wedding next year and that is for good. No ums and buts.
I’m expecting it to be a turning point in my life. We’re planning to migrate to Australia after that said event. I am now expecting for a tons of planning and cramming. For me, a year of planning is not enough. I really want that day to be the most memorable day of my life (aside from that day when Ysabelle was given to us).
I can Ysabelle, walking with a bouquet of flower. I think I’ll going to cry as early as know. Darn. 
1 note · View note