Tumgik
eridanai · 3 months
Text
Tumblr media
0 notes
eridanai · 6 months
Text
Oct 15 | 23:02
Ramdam ko pa rin JIL anniv fever. At sa mga puntong ito, I'm still scrolling all around social media about the celebration—from every post ng mga volunteers and ministers. Nakaka-bless makabasa ng mga posts about how God moved in their lives as they minister.
Gusto ko rin ng ganoon. Gusto ko ring magkaroon ng unforgettable testimony as a minister. Don't get me wrong but I had this desire since JIL37 mula nu'ng makita kong nagpa-practice sila ng prod before the anniv starts, may urge sa akin na gusto ko rin ng ganoon. Surprisingly, after that year when I told God, we were privileged to join and minister as one of 1k dancers sa JIL38.
And that urge, I know in my heart, that is the same urge I desired before. Kaya Niyang gawin ulit 'yun. I"ll update this post kapag niloob Niya na. #IgniteRevival
Tumblr media
0 notes
eridanai · 9 months
Text
finally, an assurance
Tumblr media
1 note · View note
eridanai · 9 months
Text
Huwag mo nang pagpalubagin pa ang loob ko. Sa kadahilanang hindi ito ang totoo—alam ko. At hangga't may pagkakataon pa'ng sa aki'y ikaw ay mahalaga.
Sa bawat panaka-nakang inuulit na hindi tayo magkaintindihan at mga panahong nakalulunod ang halos lahat ng sitwasyon, hindi ko makapa ang aking halaga.
Patunay lamang na hindi kakailanganing pagaanin pa ang simoy ng hangin. Sapagkat, kilala kitang lubusan at mukhang ito na ang nagbabadyang hutdyat ng aking pagpikit at muling pakiramdaman na ako rin na man ay mahalaga.
Tumblr media
0 notes
eridanai · 10 months
Text
yow, it's me
oo, ako ulit matapos ang halos isang taong lumipas nang ako'y magtapon ng mga toxic thoughte ko dito sa marami kong solitude at coping mechanism.
at oo, nagbabalik ako kahit na ang totoo ay kinain talaga ako ng reyalidad at mga priorities ko sa buhay; pero pinilit ko namang bumalik ngunit lugi kasi talaga ako kapag dating sa time management.
talagang napapaisip nga ako kung pa'no ko nagagawa dati nu'ng HS na pagsabay-sabayin ang kung anu-ano pero totoo 'yung saya ko; 'di tulad ngayon wala pang 1 oras nang pag-upo ko sa drawing table ay inaayawan ko na.
bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyong ito?
simple lang, kasi wala akong choice. at rin akong ganoon ka-grabeng confidence to take risk. play-safe kasi akong tao—kung ano 'yung nandiyan, aarte pa ba ako?
pero seriously, gusto ko lang ng kahit 2 buwan na pahinga at kapayapaan; baka last ko na 'to sa pagiging mediocre ko since 5th yr na ako this next A.Y.—thesis year tapos sunod apprenticeship pa. sinong hindi susulitin 'yung bakasyon kung may paparating na mas malalaki pang responsibilidad.
gusto ko lang sigurong maging handa mga posibleng mangyari. lahat naman tayo gusto ng maayos na buhay lalo na kapag sawa ka na sa kung ano ka ngayon. ito 'yung reyalidad.
ayun na lang muna. actually, I still have 1 week to comply and take all my final exams so onti na lang naman 'yun so gg na
0 notes
eridanai · 1 year
Text
tara, sumabay tayo sa buhos ng ulan. kung saan bitbit natin lahat. patuloy nating bigatan ang bawat pakiramdam habang sumusuong at hindi naghahanap ng masisilungan.
nang baka sakaling panandaliang mahimasmasan magmanhid at makalimutan ang konseptong nagbabalik sa atin sa pait ng mundo.
lagnatin man ay paniguradong hindi pagsisisihang sinamahan tayo ng bawat patak sa mga panahong hindi natin panahon.
3 notes · View notes
eridanai · 2 years
Text
Baka siguro traydor ang mga alaala—nang-iiwan, nag-iiwan ng mga bakas kung saan nagmula at natapos ang lahat. Sa mga lugar at panahong nagkaroon ng malalim na saysay. At kahit saan man lumingon ay mapapansin ang mga inukit na pinagsaluhang sandali.
Kahit anong gawin ay hindi naman din maiiwasan bumalik at maglakad sa daang nagsilbing tulay upang makaabot tayo sa kung ano tayo ngayon. Halo-halong emosyon—ni hindi maipipinta o maisusulat kung ano ang tunay na pakiramdan.
Paano naging traydor ang mga alaala? Baka siguro hindi. Baka siguro ang traydor ay kung saan nananahan ang mga ito. Sa damdaming hindi alam kung ano ang tama, mali, totoo at huwad. Sa inaakalang hanggang doon na lang o baka mayroon pang puwang. Ang nagbibigay ng takot, pangamba at pwede ring nagbabaka-sakaling madagdagan pa ang mga alaala. Traydor ang damdaming walang kasiguraduhan.
Tumblr media
Walang nakakaalam. Dahil hindi ako ang may hawak sa'yo. Hindi kita gustong bitawan. Gusto pa kitang intindihin sa mga panahong nalalabuan ka na. Gusto ko pa sanang mag hatid ng mga nalalaman kong baka makatulong sa'yo at habaan pang lalo ang pasensiya ko hangga't kaya ko. Gustuhin ko man ay hindi ko gustong maging traydor sa harap mo at sa nakapaligid sa atin.
Gusto ko ulit makalaya—hindi sa ating dalawa; kung hindi sa mga maaaring magkulong sa akin, sa mga panandalian at hiniram na hindi naman talaga sa akin. Baka hindi ako muling makawala dahil nagsisimula na naman akong maghintay sa iyong presensya araw-araw at maaaring patuloy kong hanapin ang ganitong mga pagkakataon.
Maaaring maging traydor ang mga alaala't damdamin. Ngunit isa lang ang sigurado ako—na mismong sarili ko ay parating magiging totoo.
Pahabol: Wala kang dapat gawin, ipag-alala, sabihin at ihingi ng tawad. Sa halos dalawang buwan na muli kang ipinahiram ng tadhana'y inunahan ko na ang mga mangyayari. Dahil alam ko namang ito'y may katapusan. Hindi naman natatapos dito ang lahat, pero alam kong may mga magbabago. Uulitin ko, wala akong tinatapos sadyang natatakot lamang. Parati kong ipagpapasalamat na nariyan ka sa paligid gamit ang mga alaalang hindi magiging traydor sa akin kailanman.
Solomon - Munimuni [2:35-3:18]
0 notes
eridanai · 2 years
Text
Let it bury you away
In all your blame, in all your pain
I will carry you always
0 notes
eridanai · 2 years
Text
Tumblr media
ctto.
9 notes · View notes
eridanai · 2 years
Text
Bigyan mo naman ng kapayapaan 'yang sarili mo. Sa mga ingay na nakadantay sa iyong tainga. Sa mga sumisigaw na halimaw sa iyong isip. At sa mga pagkakataong hindi ka nito pinapatulog sa gabi.
Maawa ka naman sa sarili mo. Napapagod rin 'yan. Sa lahat ng mga sugat na hindi maghilom-hilom dahil pilit mong pinapagaling.
Ipahinga mo ang iyong sarili sa mundong sinubsob ka. Hindi mo kailangang parating lumuhod at magmakaawa dahil ikaw rin ang magtatayo sa iyong pinagsadlakan.
Mayroon pang puwang upang ika'y makalaya. Humakbang ka dahil ang mumunti mong mga paa ang magdadala sa'yo sa inaasam mong kaginhawahan.
Piliin, parating subukang piliin ang sarili.
1 note · View note
eridanai · 2 years
Text
An Open Letter To My Younger Self
Tumblr media
Kumusta? Kilala mo pa ba ako? Tayo?
Naaalala mo pa ba kung sino tayo?
Alam kong masaya ka. Alam ko kung gaano ka kasiyahin sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan mo. Bilib nga ako sa'yo dahil kinaya mo. Sa kabila ng kamusmusan ay napasan mo 'yung daigdig ng ikaw lang. Turuan mo naman ako. Turuan mo naman ulit tayo.
Tumblr media
Ayaw kong magsimula at matapos sa malulungkot sa balita. Sabagay, kota na tayo sa mga ganoong bagay. Sanay na tayo kaya siguro ganito 'yung kinahitnan ng kasalukuyan. Alam mo bang unti-unti na nating naaabot 'yung mumunti nating pangarap? Hindi man tiyak noon kung anong gusto natin pero sigurado akong abot-kamay na natin sila. Oo, alam ko namang mahina 'yung loob natin sa maraming bagay, wala rin tayo boses upang masabi 'yung totoong nararamdaman natin at pinagkaitan ng kumpyansya sa sarili. Pero, huwag kang mag-alala—ikakayod natin.
Narito akong muli sa kabila ng matagal kong paglisan at hindi pagbalik. Siguro dahil gusto kong makita mo ako na matatag. Sa totoo lang at hinihingi ko ng pasensiya dahil hindi pa rin tayo ganap. Mga sugat na akala natin naghilom ay sariwa pa pala. Na parang kahapon lang ang ating pagkakadapa. Alam kong pinatawad mo na sila pero alam kong ring hindi ka nakakalimot. Dahil kahit ako, ramdam ko pa rin 'yung sakit. Ang hirap pala.
Tumblr media
Hindi ko maipangako na hindi tayo muling masasaktan ng mga taong naging sanhi na mga peklat sa ating puso't isipan. Dahil ngayong pinapanday pa rin tayo ng mga pagsubok, natutuhan ko nang ihanda tayo sa mas malalaki pang dalahin.
Kaya naisipan kong sumulat sa'yo dahil hindi ko na alam kung kanino at saan pa ba mailalabas ang mga emosyong ito. Lagi kasi tayong nadedehado ng mga sugat na ito. Nanghihina kapag may nakakasagi. Pero ngayon, lumalaban tayo. Mas alam na natin ang laro. Hinding-hindi ako mangangakong parati tayong panalo. Ngunit ang sigurado ako ay may Diyos pa rin tayo. Tama, mula sa lahat ng pagod natin noon kahit hindi naman natin naiintidihan ay nagsusukli na ngayon.
Tumblr media
Salamat. Salamat dahil nagbubunga 'yung mga pinagpaguran mo noon. Gusto kong sabihin na napakalakas mo. Saludo ako dahil tumatakbo pa rin tayo. Sana masaya ka rin kung ano tayo ngayon.
Dahil ang maipapangako ko lang sa atin, aking munti ay hinding-hindi tayo susuko.
Nga pala, maligayang kaawaran :)
21st
Tumblr media
[The Adam Project, 2022]
0 notes
eridanai · 2 years
Text
You never know if you're fight or flight until you're forced to find out.
3 notes · View notes
eridanai · 2 years
Text
Manalakáran
"Ang takot ang pumapatay sa pag-ibig ngunit ang pag-ibig ay paglaban."
Ilan lang 'yan sa libu-libong narinig ko nang dumayo pa kami sa Pampanga upang um-attend ng rally ni VP Leni. Isang araw na puno ng karanasan na mas lalong nagpatindig sa akin para ipaglaban kung ano ang tama para sa bayan.
Tumblr media
Tanghali pa lang ay mahaba na ang pila papunta sa venue. Lahat ay nakasuot ng iba't-ibang shade ng pink at dala ang kani-kanilang expression through placards—maraming satirical at mayroon rin namang talagang may ipinaglalaban.
Bubungaran ka ng isang arch design na alam mong pinaghandaan nila. Bilang isang alagad ng sining, mas na-appreciate ko kung paano nila i-welcome ang lahat. Ang sabi nga ni VP Leni na kung siya ay mauupo, magiging presidente siya ng lahat ng kulay. Na-realize ko sa puntong iyon na 'yon ang totoong ibig sabihin ng 'radikal na pagmamahal'—walang iiwanan sa laban dahil sama-samang aangat ang buhay ng LAHAT.
Tumblr media
Mula sa mga libreng pagkain na hindi ka talaga mahihiyang kumuha dahil sila mismo ang nagbibigay (dahil sa Gobyernong Tapat, MABUBUSOG ANG LAHAT!) hanggang sa mga biglaan sigaw ng "Leni-Kiko!" chant sa iba't-ibang parte ng Robinson Starmills ay mararamdaman mo ang espiritu na nagkakaisa at sabik sa totoong pagbabago ng bansa.
1PM pa lang ay nakisiksik na kami sa 'di mahulugang karayom na tao para naman may mas maganda kaming pwesto. Buti na lang ay napunta kami sa saktong tanaw ang stage. Hindi mapagkakailang mainit dahil wala kang natatanaw sa mga nagsasalita sa stage kung hindi ang mga payong. Pero kapag may interesting part, marami ang sumisigaw ng "payong! payong!" o kaya naman "ibaba ang payong!" para lamang matanaw kung ano na ang nangyayari pero kahit ang totoo na wala ka pa rin namang makikita.
At sinubukan ko rin palang i-message 'yung mga kakilala kong um-attend rin ng rally ngunit mukhang hanggang "see you!" na lang sa messenger ang magagawa ako (nawalan pa ng signal). Actually, totoo nga. Natapos ang rally nang hindi ko sila nakikita.
Tumblr media
*1PM nang makarating kami sa venue
Tumblr media
*Almost 1 hour after, ganito na kapuno
Masasabi mong hindi talaga papatalo ang mga kapampangan, dahil hindi lamang drone ang mayroon sila kung hindi helicopter pa! Medyo flop nga lang kasi buo-buo 'yung mga confetti (na-manage naman nu'ng kalaunan) lol. Mayroon din palang pa-saranggola na sa lahat ng grand rallies ay Pampanga lang raw ang mero'n.
Hindi rin mawawala ang famous chant ng mga kakampinks sa lahat ng rallies, ang "MEDIC! MEDIC!". Kada may bagong aakyat sa stage ay mayroon rin kalakip ng pagsigaw nito. Mas marami pa ata akong nasigaw na ganoon kay sa Leni-Kiko chant. But on a serious note, masasabi mo talagang mayroong pagkakaisa at pagtutulungan.
At syempre, ang mga celebrities at OPM Bands (nakaka-disappoint 'yung ibang fave ko ay nasa kabila hehe) na mas pumiling tumindig kaysa pansinin ang mga bashers na dapat ay huwag na raw silang maki-alam. 'Yung narrative naman ng iba ay dahil para lang raw sa franchise renewal ng ABS-CBN. Nakakatawa lang isipin at sa isang banda ay nakabilib na alam mong mas progresibo na ang mga tao dahil everything is political.
*as much as I want to post a video clip, I don't know what is happening but it's having an error posting it so I'll just serve you a sunset view from the rally :>
Tumblr media
Isa rin sa mga highlights ng event ay ang senatoriables. Sadly, Atty. Neri Colmenares was not part of it. But salamat rin dahil nabigyan siya ng pagpakakataon upang makapagsalita sa pre-program. #WeWantNeri
Furthermore, present ang lahat ng senatorial slate ng Leni-Kiko Tandem! At syempre ang pinakahihintay ng lahat si Atty. "Lolo" Chel Diokno.
Narito ang list ng piniling suportahang senatorial slate ng Leni-Kiko Tandem (in no particular order):
De Lima, Leila
Baguilat, Teddy
Diokno, Chel
Gordon, Dick
Lascon, Kuya Alex
Hontiveros, Risa
Trillianes, Antonio
Matula, Sonny
Binay, Jojo
Escudero, Chiz
Villanueva, Joel
Zubiri, Migz
The names that were mentioned above were the tandem chose to be their senatoriable slate. Note that we have the freedom to choose who are we going to vote. We should not vote straight but wisely.
Tumblr media Tumblr media
*Atty. Chel Diokno expressed his gratitude to his 'CHELdren' [left], re-electionist Sen. Risa Hontiveros campaigned her platforms while the crowd clamored 'rISA pa!' [right]
At syempre hindi mawawala ang grand entrance ng mga rallies ni VP Leni. Nakakatuwang isipin na naipapakita ang mga kultura ng bawat probinsya sa mga rally na ito. May mga nabasa rin ako na hindi katulad sa iba na sa Pampanga ay sabay na nag-entrance si VP Leni at Sen. Kiko—isang simbolo na dapat ay sabay natin silang suportahan. #ShabayShabay
Sabi nga ng iba na hindi na ito ang typical na political rally katulad ng dati. Dahil ngayon, mas bukas na ang isip ng tao hindi dahil sa perang kanilang maaaring matanggap. Lumalabas ang kagandahan ng bawat probinsyang binibista nila. Mas nakakadagdag ng saya at espiritu ng bayanihan.
Tumblr media Tumblr media
*Cultural Dance performed as the grand entrance of Leni-Kiko tandem [left], VP Leni & Sen. Kiko on th stage after the performance [right]
Hindi ko makakalimutan ang part ng event na ito. Ang mga magsasaka ng Pampanga ay sinorpresa si Sen. Kiko upang suportahan sila. It was eye-tearing para sa lahat ng naka-witness. Sobrang saya sa puso na makita na tumitindig ang mga ito para sa kanilang mga karapatan.
Walang binayaran upang gawin ang sinasabing drama-drama raw ang nangyaring ito. Patunay na matagal nang ipinaglalaban ni Sen. Kiko ang mga magsasaka at mangingisda mula sa tunay na resibo.
Para sa kanila, hindi important ang pagtaas ng kamay ng mga nakaluklok sa bawat probinsya kung hindi mas mahalaga ang suporta ng mga ordinaryong tao na mas makikinabang sa maayos na pamamahala.
Tumblr media
*Photo grabbed from Rappler
Katulad ni Sen. Kiko, sila ang dahilan kung bakit mas namulat ang aking isipan upang maging mapanuri sa mga ginagawa ng mga public servants. Kung bakit maraming naiinis sa akin sa twitter. At kung bakit pinili kong suportahan ang Leni-Kiko Tandem dahil tunay na tao ang kanilang ipinaglalaban mula nang simula silang magserbisyo sa tao.
Para sa mga magsasaka, mangingisda, marginalized people, Indigenous People at Lumad ang aking boto. Ang boto na pinipili ang Pilipinas. Piliin natin kung sino ang karapatdapat mula sa tamang pamamahala at kung ano ba talaga ang kanilang nai-ambag mula noon.
Isa ako sa 220,000 na taong tumindig at patuloy na tumitindig para sa totoong pagbabago. Sa atin magsimula ang paglinis na politikang rinungisan ng mga trapo noon pa man.
Sama-sama tayong kumalap ng suporta para sa iba. Tandaan natin na hindi lamang para sa atin ito. Para rin sa iba—sa ating minamahal. Sa hindi natin katulad ng prinsipyo. Sa ating minsang nakaaway dahil disinformation. Para sa kanila ito.
Dahil mas radikal ang magmahal.
2 notes · View notes
eridanai · 2 years
Text
Mahirap ang reyalidad—lalo na kung hindi ito ang gusto mong makita; kung pasalungat ang agos sa ilog na iyong tinatahak. Pipigilan ka nitong sumulong upang makarating sa iyong paroroonan. Ni hindi ka man lang makakaapak sa ipininta mong lupang pangako. Na kahit tanawin mo sa malayo'y walang hanggan. Dahil para kang lumalangoy sa batuhan; tumatakbo sa kawalan. Walang kapupuntahan kung hanggang ngayon ay isinisiksik mo ang reyalidad na binuo mo sa iyong isipan.
Masakit ang reyalidad—isang punyal na tumatarak sa iyong kaloob-looban. Sumusugat sa laman patungong buto. Hindi ka man maniwala'y ikaw ang may hawak nito. Ikaw ang tumatapyas sa kahihilom lamang na sugat. Dahil sinusubukan mong tignan kung ang noong hapdi ay kaparehas ng kasalukuyan. Sugat na hindi gumagaling dahil hanggang ngayo'y hindi mo alam kung anong ang lunas. O baka hindi ka pa handa sa totoong sakit na mas malubha pa sa reyalidad na binuo mo sa iyong isipan.
Malabo ang reyalidad—parang mga ulap sa madaling araw. Madalas ay hindi mo maaninag ang mga bituin at kahit pa ang buwan. Wala kang matanaw na pag-asa; walang kang magpagsabihan ng problema. Ang hiling mo lang nama'y masilayan ang mga ito. Kahit pa'y abutin ay hinding-hindi mo magagawa. Mapagkait ang kalangitan ngunit mas lalong mapagkait ang reyalidad na binuo mo sa iyong isipan.
Mabigat ang reyalidad—habang kasabay mong pinapasan ang lahat ng pantasya't pangarap mo sa buhay. Darating ang mga pagkakataong ikakayod mong karera upang makatayo at ipagpatuloy ang laban. Mangangalay ka at mawawalan ng lakas, mapapagod, bibigay, at muntik nang susuko. Ang lahat ng ito'y nasa iyong likuran sa reyalidad na binuo mo sa iyong isipan.
At sa pagdating ng panahon na kaya mo nang harapin ang reyalidad ay huwag mo sanang kalimutan ang hirap, sakit, bigat at kalabuan.
Ito ang nagpatibay sa'yo upang ang reyalidad na iyong binuo sa iyong isipan ay isang maging katotohanan.
0 notes
eridanai · 2 years
Text
For some instances, we tend to find a new home that will make ourselves feel better. Maybe also because we want to be out of our old boxes. We do not want to be much complacent to our present situations. Being risky and wild is a game-changer to produce adrenaline out of us, that will put a new flavor to our so-so acclaimed boring life.
Our very own-built homes. Designed by our desires to be comfortable, to be ourselves again without any hesitations of being judged by this cruel world. Planned intricately in every sides and curves, to be accepted again in despite our fatal flaws.
Is this kind of home even real?
2 notes · View notes
eridanai · 2 years
Text
Tumblr media
2 notes · View notes
eridanai · 2 years
Text
Rarities & Rendezvous
Tumblr media
Every rarity is a quality,
No matter what or how.
Incomprehensible,
Incomparable.
And will always be at its finest.
rar·i·ty
/ˈrerədē/
The state or quality of being rare.
Thank you to the stars, to the beach, to the park, to the roads, to everything that will come into your mind.
It is the stars. Which made the vast universe rare.
And it is the stars, which made me realize how possible things are.
Being fond of celestial bodies, nebulas, and voids, to being one of the frustrated astronaut NASA has ever recruited, I found out that you can name one of those billion stars in the universe. That was the time why I always look up every night praying to every saint and gods having no telescope and just from a naked eye, that one day I would have my own star to give to someone.
Having thorough research, investigating the brightest among of them. I found that the night has a thousand eyes, but a day has one. Waiting for the sun to set, and for the dawn to come. Every blink of its thousand eyes discovering different colors. I do not really know if it has a bunch of contact lens, or it is an innate retina. New day, new star. But I swear to myself, there is a one day that I find my own.
Going home as I look up to them, telling my worst scenarios every day, they are the one who makes my day. But wait, there is something that caught my eye, a single star I think the brightest that night. "This is the one." From the northern sky, finally, I found it.
When I discovered this star, no words can describe how beautiful it is. I just know two words, incomprehensible and incomparable.
I do not believe at blackholes. Resurrection, that is the word. I do not need any scientific explanation. Even there is no such thing as resurrect in the universe's dictionary, I will write a theory the makes every star immortal. Even if it takes a thousand light of years, I will still find that star who made my night glow. No matter what or how.
A morning star glows to my starry night and will always be at its finest.
Look at the stars, remember that I once named one of those million by your name to the northern stars. Just own it. A love language that I will never repeat to anyone else.
Our rendezvous still on its remains,
From its bones to the ligaments.
Buried to every soil and sands.
And will resurrect whenever it wants.
ren·dez·vous
/ˈrändəˌvo͞ o,ˈrändāˌvo͞ o/
A meeting at an agreed time and place.
Spontaneity.
Oh, what a perfect word. Describing every memento, we had with each other. Unplanned places that turned into a safe haven where everything special happened. Every sweep of the wind is a tranquility of music. Listening to your voice is my genre. And where every constellation is our witness, your eyes are the judgement. I will choose to be persecuted by those eyes, for I feel being appreciated. In all the millions of people I have already met I know that this understands me from my nonsensical to out of this world brain while seating in the bench of our favorite rendezvous.
As they say, you will know that that this person is special to you when you remember them even in their own little things. Suddenly I just thought, if a person becomes special in tiny ways, then, so much more if you remember them in bigger stuffs? To the extent that it began to be one your parts. Up to the spine I feel the crawling of my skin, electrifying my heart to beat fast. No anatomical explanation can transcribe with what I felt. One thing is for sure: that it is like a painless double-edged sword stabbing me. From my bones to my ligaments.
I do not know but how could I have forgot anything? Wherever I turn my head to the place we have been, I still see you. I still smell the nostalgia of the moments that will never come back. I still hear the soundtrack of our mouth uttering our unending stories. Still fresh in my mind --- every detail of its curves, everything.
I try to kill my senses so that it will not hurt if it's beginning to remember something, but I was wrong, it's hitting two birds in one stone.
I try to bury my senses so that it will not hurt if it's beginning to remember something but then again, I was wrong. I believed that it still the best of both worlds.
We tend to throw anything that hurt us in our graves, but I chose to plant all of them to the garden. Buried to every soil and sands.
Whenever I missed you, so much, I will not be tired to shovel where I buried every memory we made, every long road we walked, and the love we shared together. I will shovel how deep it is, I will.
Lastly, I know this is not a farewell nor an ode. I do not know what to feel, it is just that I am grateful to your rarities and to all the rendezvous we have been.
Thank you to the stars, to the beach, to the park, to the roads, to everything that will come into your mind.
1 note · View note