Do not read my blog. It will waste your time. Go and Exit.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Happy 2020!
Gracefully exiting 2019 and welcoming 2020 with a stronger and grateful heart.
Peace ☮️, love ❤️ and happiness 😊 for 2020. More cash 💵 na rin syempre para makagala ako somewhere pag may time! 😁
I honestly don’t know what to feel or expect for 2020. Maybe, I’m just gonna wing it. No expectations from people, no pressure to myself. Just living and feeling every moment.
My 2019 was really different from any other year I had. Hmm. ‘Twas tough (but I think, it was also my fault why it was tough for me. I’m always in a hurry to accomplish things that usually takes time and I worry about “almost” everything esp. about the future.) Sa sobrang hirap, I decided to cut my hair super short which was really not me cause tbh, I don’t like having short hair. But, I realized that it helped me to change because as my hair grows through time, I noticed that I also grow as a person. Wala lang, gusto ko lang talaga ng “change.”
I initially had 3 big goals planned for 2019 but I only fulfilled one. It’s okay, I’m still super happy and proud of myself. I don’t want to force anything that is not meant to happen yet.
I learned so much from doing 2 (almost 3) things at the same time. To others, it wasn’t a big deal since they’ve been doing a lot of things altogether at once but for someone like me who used to take “one step a time,” it was really challenging, it was something new. Scary but I was able to do it. Yay!
Only few people knew about it. I pretend that everything is okay and fine and I have a lot of extra time but honestly, I feel like I don’t. I became so busy and really occupied which is good (for me) because I became less dramatic compared before. I was able to established my routine, became a morning person and productive everyday. I managed my time well and cut all the unnecessary habits I used to have. Also, I always feel good and fulfilled whenever I am able to make time for every people I love.
I want to share to you these 3 important things I’ve learned this year. You probably already knew about these but as you continue to read, just let these be a reminder to you.
1. Beginnings are always the hardest. Everything I expected was harder than I thought. I wanted to give up but I chose to keep going and be stronger.
Everyone starts with something, right? So allow yourself to be a beginner because no one starts as an expert. Just keep going because eventually things will be okay. It will always be okay.
2. Embrace your mistakes. I used to hate making mistakes. I always feel bad every time I make mistakes but I chose to learn from it, make it right and be better next time.
It’s okay to make mistakes to see what doesn’t work. It makes us a little wiser and careful as well. And admit it or not, it is easier to remember how to do things right when you did it wrong for the first time.
3. Enjoy the process because everything takes time. I used to worry and rush and put pressure on myself that I need to accomplish things right away but I chose to relax, take it easy and slow down.
Whatever we want to get or achieve in life has its own “process.” It might be shorter or longer than you expected but one thing is for sure — the “process” teaches us an important value called Patience. People have different timelines. We all don’t have to rush because we are all just in time.
So remember to keep going, learn from your mistakes and take it easy. Also, always have a grateful heart. Everything happened to you in the past (good or bad), is part of who you are today.
Life knocked me off few times but I learned to get up and continue on with my journey. Thank you, Lord! The best Ka! I am forever grateful to You! I’ve met a lot of amazing people which did change my life forever. I wouldn’t be able to do everything without the help, guidance and support of all the people that God blessed me with. Thanks from every cells of my human being! You are all now part of my success today and in the future.
2019 made me stronger and made me do a lot of firsts. I’ve learned so much from this year and I know there’s more to learn and to experience which I’m really excited about.
Cheers to a new, wonderful and better days ahead! Welcome 2020!
0 notes
Text
Pagkakaibigang nasira ng pag-ibig
Parang kailan lang ang tinatype ko dito ay yung kwento kung paano tayo nagsimulang magmahalan mula sa pagiging magkaibigan lamang. Pero putangina! (Excuse me lang po!) Ngayon, wala na lahat. Ang pagkakaibigan natin at ang pagmamahalan natin. Hindi ko alam kung sino sa ating dalawa ang sumira. Hindi ko alam kung sino sa ating dalawa yung nagtapon ng lahat. Sa totoo lang, ito yung bagay na ayaw ko naman nang pag-usapan pa sa ngayon kaso makulit ako at gusto ko siyang ilathala. At sa totoo lang (ulit), hindi ko pa natatapos ang kwentong sinusulat ko na tungkol sa ating dalawa na mula sa ating pagkabata, naging magkaibigan, nagmahalan at nagkahiwalay. Dahil sa haba non at bawat masasaya at malungkot nating pinagdaanan eh gusto ko maisama sa pagkwento ko, hindi ko talaga siya matatapos kaagad. Aminado ako na, nagkasakitan kami. Aminado ako na, nahirapan akong bumangan at kumalimot. Araw araw parin naiisip ko siya. Ay hindi naman araw araw. Basta minsan bigla ko nalang maiisip. Pero hindi na kagaya nuon na naiiyak ako. Siguro ngayon, wala na yung sakit kasi tanggap ko na. May iba na sya at masaya sya. Wala naman na sa akin yun kasi gusto ko rin naman na sumaya siya. Naiisip ko parin siya dahil nanghihinayang ako. Sa lahat. Lalo na sa pagkakaibigan namin. Bata palang kami, magkaibigan na kami. Palagi siya nandiyan para sa akin. Nung nawala siya sa buhay ko, napatanong ako ng, "paano na?" Yung mga kaibigan ko, hindi nila masabi sa akin ang paborito nilang advice everytime na may broken hearted sa tropa namin na, "Tatlong taon palang kayo magkakilala. Nabuhay ka ng maraming taon na wala siya, makakalimutan mo rin yan." Hindi nila yun masabi sa akin dahil higit sa siyam or sampung taon na kaming magkaibigan. Kalahati ng buhay ko, nandiyan na siya. Kahit kailan hindi nawala, ngayon lang. Bata palang kami. Elementary palang kami, magkaibigan na talaga kami. Ayaw ko naman talaga sakanya nuon. Hanggang friends lang talaga tingin ko sakanya. Normal na magkaibigan lang talaga kami. No more. No less. Hanggang pagkagraduate ko nitong college, hindi ko ba alam kung bakit bigla nalang kaming nagkainlovean. Ay ewan! Wala sa tagal ng panahon talaga. Hindi ko alam what went wrong. Pero hindi yan ung point ko. Malungkot parin ako kasi nawalan ako ng kaibigan. Matalik na kaibigan. Kilala na namin isa't isa. Alam na namin lahat. Kaya akala namin magwowork ang pagrerelasyon namin dahil sa factor na yon. Pero ewan ko ba. Kapag malungkot ako or malungkot siya, clown namin ang isa't isa. At dahil ako yung madrama at emosyonal sa aming dalawa, ako yung mas naghihinga ng problema sakanya. Alam na niya agad kapag may problema ko. Kahit hindi ako magsabi. Susulpot nalang siya bigla sa chatbox ko. Ako, hilig ko lang siya asarin. Ngayon, wala. Nawalan ako ng kaibigan na sobrang pinagkakatiwalaan ko ng lahat ng kwento sa buhay ko. Nawala ako ng kaibigan na nasasabihan ko ng kahit anong problema ko, sa sarili ko, sa pamilya ko, sa school at sa kahit anong problema ko sa buhay ko. Siya lang din yung nakakapagsabi ng mga bagay na gusto ko marinig kapag nalulungkot ako. Kaya mabilis niya akong nachicheer up. Iba siya sa lahat ng kaibigan ko. Alam niya ako icomfort at pakalmahin. Kasi alam niya yung mga bagay o salita na gusto ko marinig. Masaya lang kami nuon na nagsasabihan ng mga ganap tungkol sa mga karelasyon namin. Nuon, nagkukwentuhan lang kaming ganon. Baka kapag ngayon nagkwentuhan kaming ganon, awkward na. Jusko! Sobrang nakakahinayang yung pagkakaibigan namin. Close talaga kami eh. Kahit iwas or mailap at masungit ako sakanya. Close kami nuon pa man. Palagi may pwesto kami sa puso ng isa't isa kasi parang magbest friends talaga kami. Pero di kami naglagay ng label na magbest friends. Alam na namin yun. Di na kailangan ng label. Enemy nga kami non eh. Well, anyway...
0 notes
Text
060716
Hellooo! The usual, papasok sa review. Pero 10:30am na ako papasok. Sa AFAR. Akala ko pa late na ako pero buti hindi. Palagi lagi lagi ako nabibitin kapag AFAR. Kasi gusto ko pa magdiscuss pero bigla tapos na at ubos na oras. Yun lang pinasukan ko tapos umuwi na ako para makapagsimba ako sa Most Holy Redeemer Church. Ang saya kasi nakapagsimba ako. 1st Sunday din kasi ng buwan. And masaya kasi palagi ako nakakapagsimba. Pagkauwi ko, review para sa exam namin sa Monday sa Theo 1, Salvhis. Nagbasa ako ng Bible para masundan ko yung kwento. That's it for today. Good night!
0 notes
Photo

One of the greatest gifts I've ever received in my entire buhay is true friendship. In life, you cannot change the fact that problems and difficulties exist. But with your true friends, life suddenly becomes easier. We all came from the same family (FEU) but we barely knew each other back then. We decided to continue pursuing our dreams in our second family (LCCM) where we all became close friends and started making memories. We always study hard (yes, char! totoo ba?) and have fun together. We share laughter and tears when you know, time to see exam results (haha!). We learn and enjoy life at the same time. It's really nice to be with people who have the same passion and goals like you. It gives you the courage you need to do whatever it takes to turn your dreams into reality. Surround yourself with passionate people and it will keep you going. For I believed that nothing beats a group of people who help and empower each other. "I'm only the best because I study with the best." I'm forever grateful that I have these people in my life. I love them zo much. 💕 Nothing in this universe can stop us from becoming a CPA.
0 notes
Text
080616
Yes. No. Wait.
That’ how God answers prayers daw. Hmm gang ngayon hindi ko parin alam sagot ni God sa isang bagay na ipinagdasal ko nuon.
Anyway, nakakamiss ang pagiging bata. Yung puro saya lang, walang problemang iniintindi at puro laro lang ang inaatupag.
Kachat ko kasi si Sydel, yung kababata ko. Maliit palang kami talaga magkalaro na kami. Super throwback. Nakakatuwang pagkwentuhan. Lahat ata ng kadungisan naranasan ko nung bata ako.
Pag-uwi ng gabi kasi tumakas kami papunta sa bukid at bakawan na pagkalayo layo. Na kahit mismo ngayon hindi ko na maisip paano kami nakapunta at nakauwi ng hindi man lang naligaw at syempre ang pagswimming sa fishpond kasama ang mga isda. Ni hindi namin alintana ang dumi at lansa. Basta swimming. Haha!
Hmm. Kaninang umaga, nanghingi pa ako ng sign kay Lord. About sa prayer ko nuon na tinigil ko na ngayon. Nakakapagtaka naman kasi lahat ng ganap ngayon. Ewan ko. Tila hanggang ngayon ay naghahanap parin kasi ako ng kasagutan. Hanggang ngayon, hindi ko parin naiintindihan. Pero maayos na ako. Okay na ako. Slowly but surely. Mabubuo na talaga ako.
Ang ganda rin ng kwentuhan namin ni Reina kanina. Tungkol sa pagdidisiplina ng magulang sa anak. May pagkakahawig din siguro kasi kami ng brought up ng magulang. Parehas namin pinahagalagahan ang pag-aaral at hindi nagmamadali sa pag-ibig.
Nalaman ko na rin yung issue about sa sa officers ng JPIA. May utang daw na 11k. Ang laki no? Ewan ko kung utang or nawawala. Pambayad kasi daw yun sa isang org. Ngayon naging utang kasi nawala pambayad daw? Ewan. San kaya nila dinala yung pera? May kumuha? Bakit may kukuha? Pagmamay-ari ba niya yon? Wala bang sariling pera? Sabagay, kung yung marami ngang pera, kumukuha din ng pera ng iba eh. So kahit ano pa sa dalawa, may pera o wala basta may nawalang pera, may kumuha. Ay ewan! Oh wala ako sinabi na sila ang kumuha. Tinatanong ko kung san dinala or san napunta ung pera?
Akala ko kasi mismong tropa nila Grace ang may sala or may mismong sila nakagawa ng mali or sila mismo yung kumuha ng 11k. Ang sama ko. Kasi hinusgahan ko sila. Ang pagkakakukweno sakin kasi ay “may matindi daw silang panlaban sa grupo nila Grace.” So akala ko naman sila mismo may nagawang mali. Pero hindi naman. Ewan ko kung sino? Mga dating officers daw at mukang naipasa nalang din sakanila. Ewan. Wala ako alam. (Bakit ba ako nakikialam eh wala naman talaga ako alam? Di ako nakikialam. Sinasabi ko lang gusto ko sabihin. Hoy. Bakit ba? Blog ko to.) -baliw.
Sila talaga yung may usap usap sa pera na yan. Basta.
Alam ko, yung pera na hindi sayo, hindi mo dapat kuhanin. Hindi nga kasi sayo. Pwede mo siguro hiramin basta ibabalik mo sa oras na ipinangako mo. Pero hirap sa mga tao ngayon, hindi na marunong manindigan sa mga pinapangako. Hay ewan!
Sa review kanina, proud ako sa sarili ko na nalabanan ko yung antok at somehow talaga naintindihan ko mga inaral kanina. Naisip ko rin na kapag nagformal review ako, gusto ko bumukod. Mag focus, mag-aral mag-isa.
Mahirap ang CPA board exam. Pero KAYA KO YON.
ISANG TAKE LANG AKO AT MAGTOTOP AKO. PERFECT BOARD EXAM RESULT TALAGA ANG GOAL/TARGET KO.
Walang imposible sa mundong ito. Basta mag-aaral ako mabuti. Magdadasal. Magtitiwala sa sarili at sa Diyos. Yun!
Hihihi!!
Pero sige, medyo hirap pa ako sa ibang subjects. Kaya 98% target. Hihi. GO JAEZ! Hindi pa huli lahat! Kaya mo yan!!! GALINGAN MO HA!
Naexcite din akong konti sa kasal ni Tito, ngayon lang magkakaganong ganap sa pamilya namin. Kaya sana maayos ang sched namin sa darating na kasal para kumpleto kaming makakadalo sa kasal bi Tito. Maliit lang kasi ang pamilya namin. Hindi ganon karami kung ikukumpara sa iba na 10-12 na magkakapatid. Sila Tito kasi apat lang sila magkakapatid. Ang dami ko rin nakain ngayon. Haha. Gang ngayon bigat parin ng tyan ko. Haha.
Dami kwento. Wew. Sana talaga mapanindigan ko ang araw araw na pagkukwento ko dito.
Haha!
0 notes
Text
080516
Minsan naisip ko na hindi bale nang hindi ko maintindihan sa ngayon ang mga ganap sa buhay ko, basta maintindihan ko bawat lesson na inaaral namin sa school. Kasi I value education so much kahit tamad akong tao. Hay.
Nakakainis yung pagkatamad ko. Intense at severe.
Anyway. Ang lungkot. Ewan ko kung anong eksaktong dahilan.
Lam mo, ang sensitive kong tao. Sa mga ganitong conversation, naiinis ako.
Ate: Sating tatlo rito, ikaw lang walang lovelife.
Oh diba? Ewan ko. Parang nakakainsulto.
Sinagot ko nga ng, “Di baleng wala muna akong lovelife ngayon. Basta maayos pag-aaral ko.”
Dami ko pang kinakainisan. Kasi sobrang sensitive ko. Naiisip ko palang naiinis na ako kaya di ko na magagawang itype lahat. At ewan ko rin ba bakit nagsusulat nanaman ako. Sana mapanindigan ko to.
Okay.
0 notes
Text
So many things to do, so little time.
Charot. Hmm. Kasi naman eh. Ilang days nalang Mindoro Trip na namin for outreach program and mangrove tree planting. I am so excited yet stressful. I still don't know where to stay cause meeting place is at Don Bosco College at 3am on April 9. Sobrang excited ako kasi 1st time ko mapunta sa Mindoro and 1st time ko magvolunteer!! Yey! April 9 yung outreach program then mangrove planting is April 10 then uwi na din ng Manila. Saglit lang pero exciting talaga. After Mindoro Trip, start na agad agad bg summer classes ko. Which falls on April 11. Oh diba? Kalerks ang sched ko. Hanggang April 30 yung summer classes ko. Fast faced studying to. Monday to Saturday, 8:00am-6:00pm. Tapos naiisip ko everyday ang Revalidation Exam namin which is on May 23-27. Hindi pa ako nakakapagstart magreview na ikinakastress ko. Kasi parang dami ko inaasikaso. Tapos kakastress talaga kasi ayaw ko magahol sa oras. Ang daming subjects yung cover niya. Hays. Hindi ko alam paano at saan ako magsisimula. Hay. Lord, help po. Please. Thank You po. 😔
1 note
·
View note
Text
Systematic
I don't know why but enrollment days are so stressful for me. "I hate everything that is not systematic." Ayan sabi ko kanina. Hays. Ewan. Pero minsan ako mismo hindi systematic. Ang hirap kasi and hassle plus kain sa oras and panahon. Tapos prone to errors and repetition of work. And it makes everything to be so hard. Hays. Dahil enrollment namin kanina and yun nga daming hassle sa buhay but Thank God, He took over! Yehey! He's always the savior! I Love You, Lord God. Always!!
1 note
·
View note
Text
Future
I really miss my friends back home. And when I say "back home" I mean, my friends in Bataan, my highschool friends. Nakachat ko isang tropa ko nung highschool. Sobrang tagal na since last na usap namin. Grabe nga eh. I could still remember how I sometimes hate her pero scratch that. We're to old para sa mga ganong inisan. Hahaha. Anyway, we did a little catch up. Kasi talaga hindi kami nag uusap or nagkukukwentuhan for the past 4 years (I guess). So ayun. Tanungan ng mga pinag kakaabalahan. Magmemed school pala siya and ako eto mag aaral for my second degree. Then our conversation slightly switched to "Exciting to sa reunion in the future" (non verbatim) Wala lang. Kasi ako talaga ang future palagi ko yan naiisip. Kanya kanya na kami ng buhay at ride ng buhay. Kanya kanya na kami ng mga hinaharap. And I am really happy and proud of them kung ano man naachieves nila ngayon. Pero in all honesty, the pressure is really on. It kicks me really hard. Kasi I've seen talaga yung mga kabatch ko is like beastmode in achieving their dreams. An then there's me, still trying to figure out everything while finding myself to where I really belong. Seryoso yan. Tho alam ko naman tinatahak ko. But alam niyo yun? I still don't know what the future holds. Sila beastmode, ako petiks. (here I go again, compairing myself to others) I just can't avoid it. Ang baba rin kasi ng tingin ko sa sarili ko. Hahaha. I always lack self-esteem and confidence. Naiisip ko na whatever plans/dreams they have in their minds, they're able to fulfill it. Pero ako, may doubts, may takot and everything under the sun. Ewan ko ba. Sa group of friends ko from hs, isa ako sa nauna na grumaduate kasi most of them, 5 years ang course na tinake which is engineering courses. Yung iba ay may other stories to tell like nagshift and transfer, etc. So sa tropa namin. Ilan lang yung grumaduate nung 2015, including me and hindi ko sure kung sino pa iba. Then this year, 2016, medyo marami. So parang pressure kasi, they will start na to work or review for board exams. Ganto ganyan. And there's me again. Still studying for my second degree. Wala lang. Pero tbh, nag-eenjoy ako. Pero on the serious note, I really need to work hard. Gusto ko nanaman may mapatunayan. Hindi ko alam ano, paano. Hindi ko alam. Basta pakiramdam ko I always need to have something to prove to others. Another thing and in all honesty again, ayaw ko syempre mapag-iwanan. Iyon siguro ang isang reason bakit I can feel the pressure and somehow siguro nafifeel ko na I am being left behind kasi sila is graduate na and magtake na ng exams and work. Pero ako graduate na din ako. And konti nalang gagraduate na din ako for my second degree and will also take my boards exam. Kalma kalma lang. The best advice that I could give to myself right now is "Just do your thing. God is always with you. Hindi ka Niya pababayaan and He will help you achieve your dreams. Have faith and Trust God always." Ayan! :) #ParaSaPangarap
1 note
·
View note
Text
What I got for my Birthday?
030116
Aside from materials things I have received for my birthday, I wanna really thank God for another year that was given to me, another hope and another chance to live and be better and stronger. Thank You So Much, Dear Lord! I receive love and happiness always and everyday and I am so blessed and I am forever grateful for that!
Super happy na marami din naggreet sakin, family and friends and in all honesty, everything na nareceived ko this year for my birthday ay hindi ko talaga ineexpect. Inexpect ko lang is yung food na ihahanda sakin and the money from my mom kasi nanghingi ako. Hahaha!
Here are the things I got for my birthday.
1. Scarsdale donuts from Azel, my bestest buddy in school.
Sorry kasi, ang shitty ko magtake ng photos. And nagulo na itsura nung donuts kasi syemore nagbyhae pa ako pauwi. Hindi ko kilala yung tatak ng donut na binigay sakin pero ang sarap niya!
2. Birthday Card and Cute Notebooks from again, Azel.
Super nakakatuwa at nakakatouch yung letter niya sakin sa card and nagulat talaga ako na may food na may separate pa siyang gift. So sweet talaga ni Azeee.
3. Cafe-UK Co. Cake from Conni, Sha and Bea.
Medyo surprising kasi nakatamabay kami sa kubo sa school tapos bigla silang nagshow up holding the cute cake then kumanta sila ng birthday song for me. Sweeet!
4. Contis’ Cheesecake from Ate and Amma.
They know how much I love cheesecakes so they got 2 from me. Blueberry cheesecake and Mango cheesecake, kasi favorite ko.
5. Red Ribbon’s Black Forest Cake from Ralph.
Nagulat ako kasi nagtext nalang siya nung pauwi ako galing school. Magkita daw kami kasi may gift siya sakin, so ayun nga.
6. Blue Magic’s Siberian Husky stuffed toy named Venice, again from Ralph.
May cake na may stuffed toy pa, nakakahiya kasi hindi naman kami masyado close eh. Pero ayun, hinatid pa niya ako pauwi kasi dami ko nang dala nung nagkita kami kasi dami kong gift at food na iuuwi.
Yung stuffed toy na aso, sobrang nagustuhan ni Jiro. Ayaw na niya bitawan, pagka-open ko palang and katabi niya pa magsleep at kasama lagi maglaro. Everytime na lolokohin ko si Jiro na kukuhanin ko na yung aso, iiyak siya. Sobrang cute. Gustong gusto niya yung aso.
Natawa pa ako kasi inaasar ako nila Ate saying, “Sino ba nagbigay sayo niyan?! Hindi niya ba alam na penguin ang gusto mo at hindi aso?! Ekis na yan!”
7. Manila Ocean Park’s Penguin stuffed toy from Zeke and Jerlyn.
Ay eto super natuwa ako! Bukod sa nakakatuwa kasi naalala nila akong bigyan ng gift at alam nilang super love ko ang penguins! Nagpunta daw sila ng Manila Ocean Park kasi monthsary nila and then naalala daw nila na malapit na birthday ko so they got me that stuffed toy penguin! I super love penguins kasi and eto talaga yung gusto ko, yung penguin na stuffed toy sa Manila Ocean Park na super cutie talaga. Kaya kinilig talaga ako pagkakita ko palang!
8. Letters from Ky.
Ang ganda lang ng handwriting/penmanship ni Ky. And since nasa California siya, yung sulat is pinicturan nalang niya then sinend sakin. A for the effort!
So, ayun! Kakatuwa no? Ang daming kong cake and napuno talaga ng food yung fridge namin.
Thank You So Much, family and friends! And above all and everything, Thank You, Lord!
Still secretly waiting for my sister’s gift. Haha!
PS. One photo takes forever to upload, so might as well add pictures when internet connection is not shitty!
Always with Love,
Jaezel
1 note
·
View note
Text
Laptop
I’m really into the mood of blogging but then yung pc namin ayaw mag-open. Hindi ko pa naman alam paano mag-ayos ng ganon. Hindi ako magaling sa ganon. User lang ako. User lang ako ng computer pero kung about technicalities niya, wag ako. Wala ako alam diyan.
Hmm, atleast user ako ng computer, bagay lang yung ginamit ko. Hindi ako nanggagamit ng tao. Kyaaah! Whatever, Jaez!
Anyway, ayaw ko naman na laptop talaga gamitin pangblog kasi marami akong reasons.
1. Wala dito mga files ko, like pictures and everything.
2. Hindi ako sanay.
3. Mabagal tong laptop, which is also I do not know why. Kasi again, user lang ako.
4. Hindi ko lang feel? Lame!
Four lang pala reasons ko. Nyaha! Pero I really wanted to blog na. Eto talaga agenda ko for today.
Hindi ako aalis ngayon pero iniisip ko pa. Pero baka hindi. Ay ang gulo ko talaga.
Kasi naman eh, pupunta yung family ko sa Batangas kasi ikakasal yung Tita ko. Gusto ko sumama. So, kailangan uuwi na kami ng pinsan ko sa Bataan bukas then alis na paBatangas.
Kung sasama ako, dapat ngayon na ako umalis kasi uuwi na ng Bataan bukas. At hindi ako makakasama sa Chroma Music Fest. Kasi April 2 yon. Yung kasal is April 1. Pauwi palang kami nun. Pero kaya ko ipagpalit yun. Kasi gusto ko magpunta ng Batangas eh! Nyaha! Kahit na VIP yung ticket ko, benta ko nalang.
Pero hindi naman din ata kaya na makasama pa ako and yung pinsan ko sa Batangas kasi wala, mahirap ang sched.
So, ayun. Napakwento pa ako ng medyo magulo.
Yun nga, magblog parin ako kahit laptop gamit ko kasi gusto ko. Ha ha!
0 notes
Text
Hi, Guys!
Finally! I’m blogging again! I’m super daming ginagawa and daming pinupuntahan from the past few days, pero wag kayong mag-alala kasi magkukwento ako sainyo!
Anyway, kamusta naman ang holy week? I hope you all enjoyed the time with your family and ofcourse, to thank God for everything.
I’m back in QC na from my hometown Bataan. And syempre, magkukwento na ako. Dami ko na naipon na blog posts.
Start na tayo! :)
0 notes
Text
Sometimes, you'll realize that you are better off with someone..
.. not because you don’t want to be part of their life but because they prove to you that they don’t need you anymore, that they are better off without you and that they can live a life without you.
Carry on. Move on.
It’s okay. You don’t need to beg for anything to someone but instead learn to love yourself more and eventually you will feel a lot better.
0 notes
Text
Cheers to my 21 years of existence! 🎉
Happiest Birthday to you dear self! No plans and nothing special. Sad but true. I really hope something beautiful and wonderful and amazing will happen to me on this very special day of my life. I will let God surprise me. Thank You, Lord for another wonderful year ahead of me. Thank You for always being there, for all the blessings I am able to receive everyday, for all the hardships I encounter that made me stronger today. Thank You, Lord. I don't really know how will I thank You enough but I really appreciate everything and I am really thankful with all of me and my heart. I pray and I hope to become a better individual, more mature lady, wiser and smarter student, more loving and caring, sister/daugther/friend. Thank You, Lord. I am forever grateful. Blessed. ❤️
0 notes
Text
New Blog
Yey! Finally.
Nagdecide akong gumawa ng bagong blog since 21 years old na ako sa darating na March 1. Gusto ko ng bago. Yung makakapagsimula ulit ako.
January 2010, ako nagstart magblog. At hindi ko naman syempre idedelete yung blog ko na yun, gusto ko lang ng “fresh start” kasi naman this past few months sobrang down and sobrang daming life challenges and struggles akong naencounter.
And happy and blessed talaga ako always na kahit ganon yung nangyari is okay naman ako and still moving in my life.
Naging stronger ako and mature ng konti siguro dahil sa mga nangyari sakin.
Thank You, Lord!
Mas matapang na ako ngayon. And sabay sabay nating tunghayan ang mga susunod pang araw sa buhay ko.
I still don’t know what life would bring but I just have to keep my faith and let God surprise me. Kahit kailan, alam ko hindi Niya ako pababayaan.
I am now more than ready to start again, to face everything confidence and to just be happy with my life.
1 note
·
View note