kainhinyero
kainhinyero
KAINHINYERO
230 posts
Solo Backpacker. Introvert Runner.
Don't wanna be here? Send us removal request.
kainhinyero · 8 months ago
Text
Kumapit sa pag-asa.
Laging may bukas.
Laging may bagong simula.
Sa kabuuan, may apat na bagong probinsya akong napuntahan, maglilimang libong kilometrong natakbo, at hindi mabilang na pagsasabi sa sariling "Huy, kaya 'yan!"
Feeling nasa rock bottom ako lalo na nung sumapit ang kalagitnaan ng taon. That time, hindi pa nauuso ang audio ni armansalon pero napapa-juskupooo juskupooo na ako. Pinilit balansehin ang responsibilidad at mga bagay na gusto kong gawin. Limitado na ang resources. Sagad na sagad. Mabuti't may naiwang running. Nakakagala pa rin ako habang napapayapa ang isip. Ano ba naman 'yung maliliit na problema kung kaya ko ngang tumapos ng 60 km run, nang mag-isa, nang walang tumutulong.
Kaya para sa ating umabot sa ang-mahalaga-buhay-moment ngayong 2024 o kaya'y sa puntong syet-kaya-ko-pa-ba? pero nanatili't ngayo'y tatawid sa susunod na taon--la lungs. Congrats! 🍻
Para sa mas magaang 2025, g? 🎉
0 notes
kainhinyero · 1 year ago
Text
youtube
Sharing my budget travel in Cebu last month:
Mactan Shrine
Fuente Osmeña Circle
Spartan Trail Cebu
Dalaguete-Mantalongon Badian Road
San Guillermo Church Osmeña Peak
Magellan's Cross
Cebu-Cordova Link Expressway
0 notes
kainhinyero · 1 year ago
Text
26 km mula bahay hanggang Unisan, let's go! 💨
Medyo hilly lalo na after ng KM 12 pero goods naman. Dahil first time dumaan (hanggang KM 10 lang kasi ang narating ko nung Mother's Day), puro video-video ang ginawa ko. Ahaha, nasa splits ang ebidensya. At ang pinakamagandang part, at paulit-ulit ko na atang nabanggit, 'yung payapa at magandang view. Ibang iba sa C5 at EDSA, joke! 😂
Isang long weekend ulit, please? Para isang long run ulit, hehe. 🙃
Belated Happy Father's Day!🎉 #TayFeelGood
📍 Atimonan-Unisan Road, Quezon
2 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
MERRY CHRISTMASK!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Simpleng Noche Buena dahil dalawa lang naman kaming magkapatid na kakain. Hindi kami nakauwi ng Quezon dahil nga sa pandemya. Sina Daddy at Nanay, dalawa lang din magse-celebrate ng Christmas sa probinsya. Pero kahit ganon, nagpapasalamat pa rin kami dahil wala sa aming nagkasakit. Biyaya pa rin.
Palaging may dahilan para ipagdiwang ang Pasko. Merry Christmas sa inyo!
Biyernes, 25 Disyembre 2020
13 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
ANIB3RSARYO
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Walang gala pero may lamon.
8 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
DITO KA LANG SAGING PILING
Tumblr media Tumblr media
'Yung gusto mong manakot pero ang cute mo pa rin. Hehehe. Feelingerong saging.
Kasi naman, late na ako nakapag-out sa office kanina. Kailangang maipasa ang mga report dahil walang pasok sa Monday. Eh gusto ko talagang mag-halloween entry kaya nagmadali akong umuwi. Marami akong nakita sa internet na pwedeng gayahin. Pero syempre, yung simple lang ang pinili ko. Kilala niyo naman ako. At akalain mong hindi ko naisip na krimstix ang pwedeng gawing mata at bibig? Buti at nakisama yung flat tops at nabilog-bilog ko kahit paano. Oh, wag mo nang i-connect 'to sa nambilog sa 'yo noon ah. 🤣
Wag mo na ring isipin 'yung mga nang-ghost sa 'yo dati. Pang-entry na sa horror story itong si #RollyPH eh.
Mag-ingat tayong lahat!
Sabado, 31 Oktubre 2020
6 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
KA1NHINYERO
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Isang taon na tayo!
Isang taon na tayong palpak. Kagaya nitong pancit canton at shanghai na dapat ay itsurang cake pero hindi na-execute nang tama kaya ganyan ang kinahantungan. Nagbaliktad! Nasa labas ang dapat nasa loob at nasa loob ang dapat nasa labas.
Hindi bale, sanay naman na kayo sa ganyang klaseng tagpo. Kung naging kaibigan kita nung kasagsagan ng ECQ, malamang matatawa ka pa rin kapag naaalala mo 'yung adobong pusit na parang nalaglag sa plato at 'yung nakakasukang champorado.
Pero kasi, nadadaan naman sa kwento ang mga bagay-bagay. Siguro, ito 'yung isa sa magagandang naitulong ng ECQ. Nagawa kong magkwento araw-araw tungkol sa ulam naming magkapatid. Kahit madalas palpak at hindi masarap, nakukuha naman sa pagpapatawa kaya lalong nagiging engaging ang post. Syempre, mas lalo niyo rin akong nakilala.
Totoo, dati prito-prito lang alam. Ngayon, prito-prito pa rin. Biro lang. Marunong na 'kong m̶a̶g̶-̶i̶s̶a̶ maggisa ngayon no. Nakakagawa na rin ako ng chicken curry at ang malapit ko nang maperfect na kimchi soup.
Isang taon na tayo! Partida pa 'yan. Wala pa tayong giveaway pero solid pa rin kayo kung magmahal. Magkakagiveaway din tayo, pero sakâ na, kapag nakaluwag-luwag na tayo. Sa ngayon, pagtiisan niyo muna ang instant pancit canton at shanghai.
So 'yun, higit pitong libong salamat at mahigpit na yakap! 🎉
Martes, 27 Oktubre 2020
8 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
NO ONE ELSE COMES CLOSE TUYO
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nagkita kami kahapon ni Aris dahil may ipinaampon siyang succulent sa akin. Nagulat ako kasi may bonus na gourmet tuyo. Tuwang-tuwa ako syempre kasi andami ko nang sinalihan na giveaway ng @jacobs_gourmetfoods pero hindi ako manalo-nalo. Hahaha.
Bumili ako kaagad ng talong, itlog at kamatis pagkauwi para luto [i mean prito, haha] na lang kinaumagahan. Feeling ko kasi, ang perfect ng magiging almusal naming magkapatid. Tapos may drip coffee, ay nako!
The bomb [super spicy] flavor 'yung nakalagay sa label kaya nag-alangan kapatid ko na tikman. Ayaw niya kasi ng sobrang anghang. Pero tolerable naman, at nagustuhan namin 'yung manamis-namis na lasa nung olive oil. Pamatay sa sarap, pramis! Wala kaming masabi.
'Yung breakfast namin ay naging brunch tuloy dahil ninamnam namin nang sobra ang nakahain sa hapag.
Kayo, kumusta ang Linggo niyo?
Linggo, 02 Agosto 2020
11 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
BIYAYA-RASYON
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
May tamang timing sa lahat ng bagay. Tapos minsan, may punto sa buhay na biglang bubuhos ang maraming biyaya. Selebrasyon? Pwede! Pero mas mainam kung ipagpapasalamat muna.
Masasabi kong productive ang naging Sunday ko. Nakapag-jogging ako kaninang umaga sa Arca South. Naka-3km ako ah. Haha. Sobrang layo sa dati kong kakayahan, pero ayos lang. Mahalaga nama'y nakapagsisimula ulit.
Dumaan rin ako sa AANI Weekend Market para bumili ng almusal naming magkapatid--puto bumbong, fresh lumpia at sapin-sapin. May nabili rin akong maliit na cactus, role niya ay maging extra sa mga pinipicture-an kong pagkain. "Di ka pa pwede sa mature roles kaya extra-extra ka muna ha?" sabi ko sa kanya.
May tinda ring mga gulay, prutas, at isda sa AANI. At nagkataong may nakita akong dilis. Sakto! Isa ito sa mga cravings ko bago ako bumalik sa site noong Mayo. Bikang-bikang for the win! Sa mga taga-Maynila: okoy na dilis ang tawag. May entry ako nito nung kasagsagan ng ECQ eh, kaya alam kong pamilyar na yung ibang IG friends ko dito. Kaway-kaway sa mga nakakamiss sa #KwentongKwarantin dyan! Double-tap nga sa post kung talaga. Haha!
So 'yun, dagdag kwento lang. Wedding anniversary nina daddy at nanay ngayon. 32nd year, ganon! Pangmalakasan. Iba din! Sana all? 😉 Kahapon pa kami nakapag-surprise sa kanila. Cake at saka ilang pagkaing minsan lang din nila matikman dahil mahigpit pa rin sa Atimonan ngayon--hindi palaging nakakapunta sa bayan si Nanay. So yun. Happy anniversary, Nanay at Daddy! Love you! 😘
Nga pala, may apat na mababait na brands na nagpadala ng goodies ngayong araw. Nakakataba lang ng puso kasi may mga nagtitiwala na sa atin. Pasensya na po ah. Medyo made-delay lang nang konti ang pagpo-post natin. ☺️
Pamilya rin ang number one supporter ko pagdating sa ganito. Mga kapatid ko ang unang nakakaalam pag may nagme-message sa akin. Sa parte ko naman, tinatanggap ko para mahasa 'yung skill ko sa food photography [kung meron man] bukod sa makatulong sa pag-promote ng mga produkto nila.
Kaya balik tayo sa unang paragraph: na napakaraming biyaya na dapat ipagpasalamat. Di baaa? ☺️
Muli, salamat!
P.S: Mas masarap kumain nang nakakamay kapag bikang-bikang ang ulam.
Linggo, 26 Hulyo 2020
8 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
EXTENSIYON
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pasensya na kayo kasi baka umabot pa ulit ng isang linggo ang pagpost ko ng mga birthday pagkain. Di dapat tayo magpakabog sa quarantine sa pag-extend-extend na 'yan. Tapos dumagdag pa 'yung pag-action block sa akin ni @instagram kaya ayun.
Kahapon, may pa-korean bbq na naman sa bahay. Share ko lang kung anong meron sa Set A ng @oh_k_house (good for 2-4 persons):
👷🏼‍♂️ 2x plain meat
👷🏼‍♂️ 2x marinated meat
👷🏼‍♂️ 2x lettuce
👷🏼‍♂️ 1x kimchi
👷🏼‍♂️ 1x fish cake
👷🏼‍♂️ 1x crab stick
👷🏼‍♂️ 1x cheese dip
Alam niyo ba, napakalasa ng meat nila. Na-enjoy naming magkakapatid 'yung sweet pork at spicy beef. Hindi na kailangan ng kahit anong sauce. Kulang ang isang cup ng kanin sa akin ih!
DM niyo lang @oh_k_house sa IG para matikman niyo rin!
Lunes, 20 Hulyo 2020
11 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
HABHABANG BUHAY
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa tahanan masarap tapusin ang espesyal na araw gaya nito. Kahit may naka-schedule na kaming ganap sa weekend ay pinilit ko pa ring umuwi dito sa bahay dahil gusto kong makasalong kumain ng pansit ang kapatid ko. La lungs. Gusto ko lang talagang mag-celebrate ngayong araw kahit simple. Kaya naman, Pansit Lucban to the rescue!
May branch ang @buddysph sa The Link sa Makati. Dun na ako dumiretso kanina after work.
Parehas naming paborito itong Pansit Lucban. Siguro, nagkaroon lang talaga ng lugar sa mga puso namin dahil sa ilang taong pag-aaral namin ng kolehiyo sa Lucban.
Sinamahan ko na rin ng budin, kung sossy ka, cassava cake ang tawag. Ito muna ang magsisilbing cake natin ngayong gabi. Hehehe. Tapos may hardinera rin na talaga nga namang napakalinamnam!
Umorder din ng pizza ang kapatid ko sa @papajohnsphil. Ayun, solb na solb po opo! At napakasaya ng puso! Sa weekend na lang ulit! 🥳
Huwebes, 16 Hulyo 2020
9 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
LAING
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Isa rin ito sa mga dibs naming magkapatid sa AANI Weekend Market. Kung tama pa ang pagkakaalala ko, may nagtitinda rin nito sa bahay-bahay sa lugar namin e.
Tinutô kasi ang paboritong lutuin ni daddy sa bahay kapag umuulan. Naiisip ko lang, baka bagong hugas ng ulan ang mga dahon ng gabi kaya enjoy siyang mamitas.
May pagkakaiba ang tinuto at pinangat pero gusto ko lang talagang sabihin na pareho silang gawa sa dahon ng gabi. Hahaha.
At alam niyo bang mas gusto kong bahaw ang kapartner nito kesa sa bagong saing na kanin? La lungs. Hihi. Geh, bye. Dinner na tayo. 🤭
Miyerkules, 15 Hulyo 2020
13 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
MAC-SARAP
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mukhang advanced birthday celebration ang nangyari dahil sa napanalunan kong cake at baked mac kay @mommmarizkitchen_ph. Kaninang umaga ko lang nabasa 'yung announcement tapos ngayong araw din dineliver. Dalawa lang kami ng kapatid ko ngayon dito sa bahay kaya ayun, pasasa na naman.
Masarap yung cheesy & meaty baked macaroni. Hindi tinipid sa sahog. Hindi rin nakakaumay. Sobrang bango rin niya na para tuloy gusto ko nang sumubo habang nagpi-picture. Hehe.
Sobrang nakaka-happy rin 'yung chocolate indulgence. Napakasarap na panghimagas! [ihihiwalay na post ko na lang 'to]
DM niyo lang si @mommmarizkitchen_ph sa IG kung gusto niyo rin matikman. Salamat ulit, @mommmarizkitchen! ☺️
Sabado, 11 Hulyo 2020
4 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
NAOL, FRESH!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Niyaya ko kapatid ko kanina sa AANI Weekend Market. Matagal ko nang alam na may ganito pero siyempre, hindi ako interesado. Hanggang sa dumating nga itong ECQ at narealize ko na hindi lahat ng pagkain, pwedeng bilhin nang luto na. Kailangan ring matutunan kung paano sila isa-isa inihahanda. Usapin din ng pagiging praktikal ang nararanasan nating pandemya kaya kailangang mag-adjust.
Halatang sariwa ang mga tindang prutas at gulay sa loob. Hindi kagaya ng ilang tinda sa kalapit na talipapa dito sa amin (alam ko dahil ilang beses akong namili sa talipapa para sa isang buong araw naming ulam naming magkapatid noong ECQ), kaya talaga nga namang nakakaengganyong mamili.
Maraming tindang halaman. Maraming iba't ibang pagkain. Ganun din ang mga kakanin. Nga lamang, fresh lumpia at kutsinta lang ang binili naming magkapatid dahil bibisita si ate at marami-rami atang dalang pagkain.
Masarap 'yung fresh lumpia, wala akong ibang masabi. Wala nga lang masyadong lasa 'yung kutsinta kaya di ko masyadong nagustuhan.
Bukas nang umaga, babalik kaming magkakapatid doon. Baka doon kami bumili ng almusal. Lamnadis. Hehe
Sabado, 04 Hulyo 2020
7 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
SYETE
Tumblr media
'Yun na nga. Tinamad ako pumasok ngayong araw. Andami ko rin kasing pagod nang nagdaang mga linggo. Nagpaalam naman ako kahapon sa boss ko na absent muna ako.
Kaninang umaga ako bumiyahe. Naglaba na lang muna ako sa site kagabi para you know, tipid sa tubig dito sa bahay. Haha.
Pila sa MRT, ganyan. Medyo nakakangalay nang tumayo [tumatanda na, hehe]. Pagkababa sa Ayala, dumaan muna ako sa supermarket. Bili ng konting gamit sa site gaya ng shampoo, asukal, kape at gatas. Tsaka ilang gulay din pala para naman dito sa bahay.
Bago lumabas, napadaan ako sa Turks. Ay, syempre bili agad ako. Namiss ko, eh. Tsaka para may pasalubong rin ako sa kapatid ko.
Alam niyo 'yung feeling na makalipas ang mahabang panahon tapos matitikman niyo ulit ang isang pagkain na para bang nakalimutan niyo na ang lasa tapos nang matikman niyo ulit ay biglang sumabog sa dila niyo 'yung sarap? Hindi naman sa pagiging OA pero parehas kami ng reaksyon ng kapatid ko, "Syete, ang saraaap!" Di baaa? Alam niyo yan, eh. Oo, ganyan ang feeling.
Biyernes, 03 Hulyo 2020
13 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
Hindi na ako masaya. Katahimikan na lang ang kakampi ko. Ang totoo niyan, nasa hangganan na ako. At hindi siguro maling desisyon kung tutulungan ko ang sarili. Hindi ko na makita ang lugar ko doon, wala ng dahilan para manatili. Dinig na dinig ko ang kabi-kabilang halakhak nila. Nakakabingi. May kung anong nawawasak sa akin. Hindi ko hihilinging makabalik pa sa dati. Ang gusto ko ay makawala. Makausad... Magkaroon muli ng kumpiyansa sa sarili at makapaglakbay sa sariling daan, hindi sa lugar na hindi ko talaga kinabibilangan.
Lunes, 29 Hunyo 2020
7 notes · View notes
kainhinyero · 5 years ago
Text
TAGAY
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kaya nasabi ko na noon pa man, katunog na ng salitang 'tagay' ang 'tatay' ay dahil lumaki kaming magkakapatid na hindi lilipas ang isang gabi na hindi mag-iinom ng gin si daddy. La lungs. Haha. Maikonek ko lang sa ginawa kong drawing kanina. Pero syempre, nagbabago ang panahon at tumatanda na kaming lahat kaya nabawas-bawasan na.
Sina daddy at nanay na lang ang nasa Quezon tapos nandito kaming magkakapatid sa Metro Manila. February pa ang huli kong uwi doon. Tapos nangyari nga itong pandemic--napakaimposibleng umuwi para makapag-celebrate kahit gustuhin man namin.
Muntik-muntikan nang hindi matuloy ang mumunting surpresa namin kay daddy para sa father's day pero buti na lang at masigasig ang mga kapatid ko sa paghahanap ng pwedeng magdeliver. Nag-expect na rin kasi si daddy dahil nga sa paandar namin kay nanay nung mother's day.
Masaya daw si daddy sabi ni nanay nang tawagan namin. Ganoon din ang sinabi nung nagdeliver. 'Yun naman ang mahalaga - - ang maging masaya sila. At mabusog rin syempre. 💕
Maiba ako, ulam naman naming magkapatid kaninang lunch ay nilaga. Syempre, katunog din ng salitang 'alaga'. Lomi naman ang dinner ko, sweet and spicy chami naman ang sa kapatid ko. Tapos, may ube with cheese ice cream ng Dan Erics. Solb na solb na naman ako--hindi dad pero dad bod! 🤭
Ayun, Happy Father's Day!
Linggo, 21 Hunyo 2020
8 notes · View notes