Text
"Mahal pa rin kita"
Natawa nalang din ako sa kung gaano kadali ko itong nasabi. Siguro dahil hindi mo naman narinig at kailan man ay hindi mo ito maririnig.
Mahal pa rin kita
Sa kabila ng mga katagang ito ay hindi ko naman ninais na ang puso mo ay maging tangan. Siguro ay sapat na sa aking naramdaman ang bigat ng mga salitang ito sa iyo. Sa iyo na tangan ang puso ko.
Mahal pa rin kita
Sa loob ng mahabang panahon ay hindi ito ang pinakamadaling bitbiting pakiramdam. Siguro nga'y masarap pero kaakibat nito ang pagtanggap na mula sa malayo lang kita maaring mahalin at masdan.
Mahal pa rin kita
Habang unti unting pumuputi ang ating mga buhok na hindi magkasama. Siguro'y di matatapos ang pagtanging inukit kong mag isa para sa isang taong inalayan ng libo libong pagmamahal.
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#manunulat#manulat#manunula#makalaya#makata#filipino writer#writers and artists#poetic#poetscommunity
9 notes
·
View notes
Text
Ang ibigan ka ay katulad ng pakikinig sa paborito kong kanta
Mahinahon ang bawat tipa humihila sa aking kamalayan
Na ang tibok ng puso ko'y nag iiba sa tuwing ikaw ang kasama
Habang tila ang bawat letra ay sa iyo papunta
Ang ibigin ka ay katulad ng pakikinig sa paborito kong kanta
Dumuduyan ang himig sa tenga na para bang nanunuksong bata
Kinukumbinsi akong sumabay sa indayog ng pagkahalina
Hanggang sa simula kong awiting minamahal kita
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makata#manunulat#manunula
8 notes
·
View notes
Text
Gusto ko ng mahigpit na yakap
Mula sa taong 'di magsasawang
Hagurin ang likod kong pagod na
Bumuhat ng mabibigat ng responsibilidad
Hindi niya kailangang ibigay ang sagot
Sa lahat ng aking munting tanong
Katulad ng bakit nga pumayag akong
Maging alipin ng mabibigat na mga tao
Gusto ko ng mahigpit na yakap
Ngunit sariling bisig ang natanggap
Dinuduyan ng kalungkutan at pag iisa
Hinahabol ang aking sariling hininga
Hindi ko nakita ang mga sagot
Sa aking sariling mga tanong
Katulad noong minsang nalugmok
Naging alipin pa rin ng sariling mundo
#poetry#tula#spoken word#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#poem#makalaya#makata#manulat#manunula#sulat#liham
3 notes
·
View notes
Text
Ngumingiti pa rin ako sa ating mga ala ala
Dahil natapos man ang kaligayahang pinangarap
Ikaw ay isang pahingang mananatiling masaya
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#manunulat#makata#manunula#poet#tagalog spoken words#tagalog thoughts#poetsandwriters
5 notes
·
View notes
Text
Matagal nang sinagot ang iyong dasal
Hindi mo lang matanggap ang naging katugunan
Dahil ang kinahinatnan ay 'di ang iyong ipininta
Sadyang kumapit ka lang sa maling paniniwala
Na ang maging sapat ay manatili sa piling nya
Na ang pinakamainam ay sa dulo ng altar
Na ang iyong hangganan ay ang ibigin nya
Na ang kahulugan ng buhay ay ang piliin nya
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#manunulat#manunula#makalaya#makata#poets#poets and writers#poetscommunity#poets and poetry
7 notes
·
View notes
Text
Sapat na ang minsan mo siyang minahal
Hindi lahat ng dulo ay naduduktungan
Hindi himala kundi paghilom ang kailangan
Hindi magiting na maituturing ang umasa sa wala
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#poetsandwriters#tagalog spoken poetry#poetscommunity#poets and poetry#poets and writers
3 notes
·
View notes
Text
Ikaw ang pag ibig na kailan ma'y hindi pagsisisihan
Lahat ng ginugol na luha'y 'di panghihinayangan
Bawat minutong minahal ka'y isang karangalan
Dahil ikaw ang aking palagi kahit hindi makamtan
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#poet#malayang tula
4 notes
·
View notes
Text
Kumusta ka?
Payapa na ba ang iyong paghinga?
Nakakatulog ka na ba ng mas aga?
Ang diwa mo ba ay panatag na?
Kumusta ka?
Mga sugat mo ba ay naghilom na?
Nawala na ba ang iyong pangamba?
Napatunayan na ba ang mga hinala?
Kumusta ka?
Natapos na ba ang panghihinayang?
Pagsisisi ba'y naging sapat?
May plano ka na bang muling humakbang?
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata
11 notes
·
View notes
Text
Mamahalin nalang kita mula sa malayo
Iibigin kahit hindi kinukulit
Iibigin kahit hindi pinipilit
Kahit hindi na pareho ang mga pintig
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#poetic#poema#poet#filipino writers#filipino words#spoken poetry#poets on tumbler#poetscommunity
4 notes
·
View notes
Text
Masakit ang bawat hakbang
Tila bubog ang nilalakaran
Wala naman akong ibang madaanan
Tanging pasulong nalang ang paraan
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#poetic#poetscommunity
2 notes
·
View notes
Text
May mga tao tayong kailangang palayain para mapalaya rin ang ating mga sarili
May mga hangganan na kailangan natin tanggapin para maipagpatuloy ang ating lakbayin
May mga distansiyang kailangan nating panatiliin para masagip ang natitirang pag ibig
At may mga peklat na hindi kailangang takpan para mabaon ang aral na gustong ipabatid
52 notes
·
View notes
Text
Life has made me so quiet. I just want to listen, no more talking, no more arguing, no more explaining. Just silence.
363 notes
·
View notes
Text
Sana'y makita mo ang iyong ligaya
Magiging sapat sa mga gabi ng pag iisa
Magiging lakas sa tuwing walang makapitan
O sa panahon na mga luha'y nag uunahan
Sana'y makita mo ang iyong ligaya
Yayakap sa kabila ng mga bulong nila
Yayakapin maging ang tunay na ikaw
O hihila sa'yo sa kumunoy ng kalungkutan
Sana'y makita mo ang iyong ligaya
Mananatili kahit ang lahat ay lumisan
Mananatiling nakikinig sa hikbi mong mahina
O magbibigay ng mga tamang salita
Sana'y makita mo ang iyong ligaya
Hindi sa pag ibig ng kung sino man
Hindi sa halina ng mundong sira
Kundi sa sarili mong hindi naman kulang
Sana'y makita mo ang iyong ligaya
9 notes
·
View notes
Text
Ang tanikala'y humihigpit at nagpupumilit
Pinapaalala ang kabiguan sa hatid nitong hapdi
Kailan kaya sisilay ang bukas na may ngiti
Kung ang lumbay ang dumuduyan sa hating gabi
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#manunula#manunulat#poets on tumbler#poetry on tumbler#filipino writers#filipino words
2 notes
·
View notes
Text
Hinawi ko ang kanyang buhok
Humingi ng dispensa dahil sa idinulot
Sadyang nahirap lang talaga ang kahapon
Sumisinghap habang ako'y nasa kumunoy
Gusto man siyang mahalin ng totoo at buo
Hindi na ito maibigay ng wasak na puso
Ilang taon ang lumipas ngunit nakagapos
Pinupulot ko pa rin pala ang aking mga piraso
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#nakaraan#makalaya#makata#poets#poetic#poem on tumblr#tagalog spoken poetry#manunula#manulat#poets on tumbler#poetry on tumbler#filipino writers#filipino words
1 note
·
View note
Text
Nakarinig ka na ba ng taimtim na dasal
Nanghihina't nakiki usap na saglit man ay ibsan
Ang dulot ng sunod sunod na kamalasan
Tila nagtatampong bata "bakit ako nanaman?"
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#manunulat#manunula#writers and artists#filipino writers#filipino poetry#poetry on tumbler#poets on tumbler#filipino words#filipino writer#tagalog spoken words
1 note
·
View note
Text
Sumuko ako nang walang nakakaalam
Habang ang lahat ay tinutulungan
Mag isa akong nahiga sa kalungkutan
Hawak ang pighating hatid nila
Sumuko ako nang walang nakakaalam
Habang nakangiti at nagpapanggap
Kasama nila sa lungkot at ligaya
Ni isang kamay ngayo'y walang hawak
Sumuko ako nang walang nakakaalam
Dahil ito nalang ang natitirang paraan
Yakap ang aking sariling katawan
Sinubukan ko naman, hindi ba?
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#manunulat#makata#makalaya#poetsandwriters#poets on tumbler#filipino writers#filipino words#poetry is not dead#poetry on tumbler#filipino poetry#filipino poem
12 notes
·
View notes