Text
โ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฃ๐ญ๐ฆ๐ฎ๐ข ๐ฌ๐ข, ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ถ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ฌ๐ข๐ณ๐ข.โ
Ewan ko ba kung bakit napaka-sakit ng lyrics na 'yan for me.
Yes, I love collecting beauty products, skin care products, and doing makeup challenges. I wear makeup everyday, using concealer to hide my eyebags from all the sleepless nights to finish my works, light blush to keep my face not pale, a little bit of eyeshadow and eyeliner to show that my eyes are alive, and lipstick to show that I'm not fucking dead. Yet.
I do face challenges in my life, daily. But even if I don't wear any makeup, I don't show it to anyone but my pillow and the posters in my room. I just laugh it off, saying a joke to hide what I was feeling deep inside.
I know that I'm not fine, but I don't wanna go back to my dark era. I don't want my past selfโmy depressed, full of thoughts and anxiety and anger in my heart and mind.
But like Eraserheads just said, "Kung may problema ka, magsuot ng maskara." " 'Di nasasaktan, 'di nasasaktan."
I guess I should just stay that way to avoid being a fucking bother to people. Magsuot nalang ako ng maskara.
faelarfleur, 9:59 pm
0 notes
Text
'di na muli แฏ inspired by itchyworms' 'di na muli.
โช have fun reading, I wrote this in 10 minutes. this doesn't relate to my life, kaya 'wag assumera.
โช bawal nakaw tangina [] โ
"nung araw, kay tamis ng ating buhay. puno ng saya at ng kulay, 'di mauulit muli."
lyric lang naman 'yan ng kanta pero... bakit damang-dama mo?
kung meron mang isang lalaking magpapatibok ng puso mo ng paulit-ulit, si Ezra 'yun. siya high-school sweetheart mo e, malamang. pero ang good news, naging asawa mo!
'di mo nga alam kung bakit ka uniwan nung gagong 'yun e. sabi mo sa sarili mo, "tangina nun ah, sabi niya mahal niya ako.. gago iniwan ako??"
'di mo naman rin siya siguro masisisi kasi masama sainyong dalawa yung tadhana.
araw-araw mong sinisisi sarili mo sa nangyari. wala ka namang ginawa para mawala siya, pero bakit ganun?
naging mabuti kang asawa at girlfriend, kaibigan din. lagi mo siyang binubusog ng pagmamahal, yung sex life niyo wild pero mas okay pa sa okay, committed ka sa kaniya at loyal... pero bakit ganun?
"sorry ma'am, ginawa po namin ang lahat."
tangina. ayaw mong maniwala. hindi totoo yung sinasabi ng doktor, kahit na witness 'yang nanay ni Ezra. bakit ka maniniwala, e kaka-kausap niya lang sa'yo minutes ago?
napatawa ka nalang in disbelief, kumbinsido na hindi totoo yung nangyayari ngayon sa buhay mo. bakit siya pa namatay e puwede naman yung mga gago na may ginawang karumaldumal?
hindi, hindi puwede.
hindi puwede mawala si Ezra sa buhay mo, kahit isang segundo.
pumasok ka sa kwarto niya, kahit pinipigilan ka ng mga nurse. hinalikan mo ang minamahal mong asawa sa noo, sa ilong, sa pisngi, at isang matamis na halik sa labi bago ka lumabas.
nagtaka yung nanay niya, "saan ka papunta?"
hindi ka nakinig, dumeretso ka lang sa elevator mag-isa at dinala ka sa pinaka-mataas na palapag. lumabas ka ng elevator, naglakad, lumabas hanggang sa nandun ka na sa rooftop, at tinitigan ang langit na puno ng mga bituin na nagniningning.
"tangina Ezra, ba't mo naman ako iniwan?" mukha kang tanga, kausap mo sarili mo sa ibabaw ng ospital, pero I can't blame you. it's hard to lose someone you loved for so many years, nagplano pa nga kayong magka-anak e.
malamang sa malamang hindi 'yan magre-respond sa iyak mo, pero wala kang pake.
nag-stay ka dun hanggang sa tuluyan nang lumabas mga luha mo sa mata mo. hindi mo tanggap na wala na siya, at hinding-hindi ka magmo-move on dun.
'di mo namalayan na nakatayo ka na sa dulo, naka-tingin parin sa langit. ang ganda, ano? "siguro isa ka jan sa mga nagniningning na bituin, Ezra."
tumahimik ang mundo saglit.
"mahal kita, Ezra. at hinding-hindi ako papayag na iiwan mo ako mag-isa."
na-alarma ang mga tao sa ibaba nang may biglang nahulog na babae mula sa taas, at nagkada-kagulo na.
0 notes