patrickmateo
patrickmateo
Patwik Mateo!
550 posts
Patrick Mateo - Other side of me
Don't wanna be here? Send us removal request.
patrickmateo · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Ohana ❤️
5 notes · View notes
patrickmateo · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Happy Mother's Day to my one and only love... 😍😘 ❤️ (at Taytay, Rizal)
1 note · View note
patrickmateo · 7 years ago
Photo
Tumblr media
"Bobo mo naman 6 years sa Engineering"
Yep, 6 years po inabot ko sa isang 5 year course. Bumagsak ako sa ilan kong mga subjects ng paulit-ulit. Lalo na sa Electronics 1 na 3 beses ko syang na-take (wala e ganon talaga. bobo e 😥), kasama na din doon ang mga subjects na dalawang beses kong inulit, yung Integral Calculus, Dynamics of Rigid Bodies, Mechanics of Deformable Bodies, Cisco 2 (Yep Cisco 2 bumagsak ako dun gulat kayo nu? ����) at Signals and Spectra. Nagka-problema ako noon at nangamba na di na makapag aral kasi halos isang taon na nawalan ng trabaho ang tatay ko. Nagkapamilya ako habang nag aaral ako at di ko na lubos na maisip na ituloy pa yung pag-aaral ko.
Pero eto ako ngayon. Naka graduate ng isa na namang kurso. Pangalawang beses na akong nag aral. Noong una ay nakapag tapos ako ng Associate's Degree in Software Development at nakapag trabaho na din ng ilang beses. Pero eto na nga, tinuloy ko sya sa 5 year course na Computer Engineering kasi, wala e. Masipag mag-aral.. 😂
Naalala ko pa noon nung nagpa-credit ako kay Ma'am Cecille Venal at sinabi nya sakin di ma ke-credit ang mga programming subjects ko dahil masyado nang luma at di na in-line sa bagong curriculum. Kaya wala ako nagawa kundi ulitin halos lahat ng programming subjects. Naalala ko din lahat ng mga sermon sa amin ni Ma'am at lahat ng mga "struggle" na inabot namin sa PD. Ika nga "Never forget the struggle" pero syempre worth-it naman lahat yun. Thank you po Ma'am. 😀
Syempre di din papahuli ang inabot namin sa Adviser namin sa PD na si Ma'am Alonica R. Villanueva na halos sigawan na kami sa department o sa klase nya pag nag papa-check, kasi makulit at pasaway kami eh. Pero dahil dun Ma'am, thank you po. Di namin matatapos yung project at docu kundi dahil sa mga pa-ulit ulit na revisions na pinagawa nyo (Bukod pa yung revisions kay Ma'am Venal syempre hehe 😂)
At sa ka-grupo ko sa PD, Robina Anne Yuson, Mark Joash Samson, Joshua Garcera. Pasensya na talaga sa mga lapses ko sa grupo natin. Nagpapasalamat pa din ako kasi kayo yung naging ka grupo ko. Ang lalakas nyo e. Lalo ka na Robs. Sana makapag hanap na tayo lahat ng work hahaha.
Salamat din sa buong CPE Faculty sa pag gabay samin sa klase at pagtuturo. Kay Sir Ariel E. Isidro, sir pasensya na lagi ako late sa klase nyo 😥 pero thank you pa din Sir, kayo halos lahat yung naging foundation ko sa programming subjects sa CPE, promise sir babaguhin ko na habit ko. Salamat po talaga. Kay Sir Chico GarciaHate na nagbigay samin ng mga malulupit na idea at sa mga turo nyo. Sir salamat din po. 
Sa mga naging classmates ko sa TIP thank you din. Dami nyo para isa-isahin. Pasensya na kung meron man ako nasaktan o naka-alitan sa inyo. Ako pa din ang "Hotdogman" nyo.
Syempre sa family ko din lalo na sa parents ko kay Ken Mateo na sobrang tagal nang nag aabroad. Pa, thank you po sa lahat lahat. Hayaan nyo sa susunod dito na lang tayo at sama-sama na. Ma, Gloria Mateo Ü thank you din po sa lahat. Ang dami kong gastos simula nung nag aral ako ulit e.Hayaan nyo magtitipid na ako. Huehuehue.
Sa mga kapatid ko na pasaway: Krizía Jan Mateo, John Rennekien Mateo, Rialyn Mateo. Salamat din kahit pasaway kayo. (ako ata yung pasaway?) Kay Tita Jocelyn Larsson na walang sawang tumutulong samin lalo na nung nawalang ng work si Papa. Thank you po Tita. Ilista nyo na lang muna, hehe.
At syempre sa asawa ko, Razelle Olarte Laudan - Mateo. Thank you kasi andyan ka pa din. Kahit na nung nag aral ako tapos gf pa lang kita at di na tayo nag de-date kasi wala na pang date simula nung nag aral na ako. Andito ka pa din hanggang ngayon.  Thank you sa pag intindi samin ni Zhia Francheska Laudan Mateo at sa walang sawang suporta. 😍 
Thank you po sa lahat lalo na kay Lord. 😍
MATEO, JOHN PATRICK M.1210266 Bachelor of Science in Computer Engineering Technological Institute of the Philippines Quezon City SOLO AWARDS in TIP: Finalist - Cisco Networking Competition (2014)  Asia Pacific (Ranked 1st) - Cisco CCENT Netriders Round 1 (2016) Asia Pacific (Ranked 63rd) - Cisco CCENT Netriders Round 2 Finals (2016) Best Student - Systems Development (2018) 
GROUP AWARDS in TIP: ABS-CBN Management Queueing System - Technocore (2016) GOLD Merit Award (Best Design Project) 1st Place @ Students' Choice Awards (Design Project) 2nd Place @ Special Guests' Choice Awards (Design Project) 3rd Place @ Employees' Choice Awards (Design Project) 4th Place @ Alumni Choice Awards (Design Project)
1 note · View note
patrickmateo · 7 years ago
Text
“ Can you explain to me? What has become of us? With words released We can never take them back Not even pleading can save us”
-Fighting Is Over (Urbandub)
0 notes
patrickmateo · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Before and after shave bwahahahaha
0 notes
patrickmateo · 10 years ago
Audio
0 notes
patrickmateo · 10 years ago
Text
Yun tipong.. Hala anong ginawa ko? Bat ganon na naman..
0 notes
patrickmateo · 10 years ago
Text
Religion?
Ang dami ko nababasa nagbabash ng mga relihiyon ngayon, kasi daw ganito, kasi daw ganyan. Tanong ko lang, ano bang ginawa sa inyo ng relihiyon na yun at ganon ang galit nyo? Na mas maganda relihiyon nyo? Na mas ok sumanib sa relihiyon nyo pero ganon kayo mag husga ng relihiyon ng iba? The f dude. Napakamali naman ata yun. Yan ba yung tinuro sa inyo? Bakit di na lang kaya natin igalang yung paniniwala ng iba dba? Kung yun ang trip nila. Hayaan mo sila. Gusto nila yun e. :P
0 notes
patrickmateo · 11 years ago
Photo
Tumblr media
The good vibe
1K notes · View notes
patrickmateo · 12 years ago
Quote
It's sad to say that our story of us ends like this. How I wish it would last but it's not. You left me here. I don't know where should I start but I will...
0 notes
patrickmateo · 12 years ago
Photo
Tumblr media
5K notes · View notes
patrickmateo · 12 years ago
Text
Ang aking talambuhay..
Sa taong Disyembre 19, 1988 nang ako ay ipinanganak sa bayan ng Taytay, Rizal. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Meron akong kapatid na isang lalaki na si Rennekien at dalawang babae na sila Krizia at Rialyn. Dito din sa bayang ito ako nagkaisip at lumaki.
Bata pa lamang ako ay mahiyain na ako at tahimik. Noong nasa kindergarten at elementarya pa lang ako, ako lagi ang naaatasang maglista ng mga maiingay sa klase. Nag aral ako ng elementarya Paaralan ng Dolores sa Taytay. Noong mga nasa unang baitang pa lang ako, mahina ako sa math. Lagi akong naiiwan sa klase at pinapag papraktis ng guro ko sa larangan ng matematika. Na sa sobrang takot ko sa guro ko dahil di ako makauwi hanggat di ko iyon natatapos. Madalas ay napapa-ihi na ako sa shorts ko, na pag uwi ko naman ng bahay ay napapagalitan din ako ng nanay ko.
Maaga kaming nasanay na wala ang tatay namin. Yun ay dahil nag ibang bansa na sya noong ako ay limang taon pa lamang. Naalala ko pa noon na lagi kami nag papadala ng liham at voice recorder para kamustahin sya. Noong ako ay mga nasa ika-aapat at ika-limang baitang ng elementarya, maaga ako na buyo sa video games. Halos lingo lingo ay napapatawag ang nanay ko sa guidance dahil sa nag cucutting ako. Na galit na galit naman sa akin ang parents ko dahil sa mga ginagawa ko. Pero nung ika-anim na baitang nag tino na ako. Pinatunayan ko na kaya ko at matalino ako sa klase at nagawa ko naman. Sa aking pag aaral ng elementarya, ni isang beses di ako naalis sa “pilot section”.
Gayundin naman nung nag highschool ako. Dahil sa madami ako kalokohan nung elementarya. Ipinitapon ako o inilipat ako sa probinsya. Nag aral ako sa Talim Point National Highschool sa Binangonan, Rizal. Tumira ako sa bahay ng lola ko para daw mag tino ako. Noong una ay ayaw ko doon, pero kinalaunan naman ay nagustuhan ko din. Sariwang hangin, malamig, at maaliwalas dahil tabing dagat lang ang bahay ng lola ko. Sa pag aaral ko doon. Madami ako natutunan, ang punto nila, ang pamumuhay ng mga tao doon at syempre ang pag aaral ko na di ko napabayaan.
Dito din ako unang nagka girlfriend. 2nd year highschool pa lang ako nung nagkaroon na ako ng girlfriend. Malandi kasi ako. Pitong buwan at mahigit tumagal din ang relasyon namin. Nagkahiwalay kami dahil sa nagkagusto daw sya sa iba na di naman maiiwasan dahil bata pa naman kami. 3rd year patapos ng taong yun nang sinabi ng nanay ko na lilipat na ako ng school at doon ako mag aaral ulit sa lugar namin. Natuwa naman ako pero di ko pa din malilimutan syempre ang mga naging kaibigan ko sa lugar na iyon.
Nagtapos ako ng Highschool sa Juan Sumulong Memorial Jr. College. Naging maganda naman ang pakikitungo ko sa mga kaklase ko kahit na isang taon lang ako doon. At dahil nga sa malandi ako. Nagkaroon ako ng girlfriend noon na tumagal ng 6 na buwan.
Nag college ako. Nag aral ako sa Ama Computer Learning Center  dito din sa Taytay at sa Shaw Boulevard. Kumuha ako ng kursong Computer System Design and Programming na 2 year program course,  at di kalaunan ay nag shift ako ng Software Development Programming course at lumipat ako ng Shaw Boulevard branch ng nasabing school. Naging maganda naman ang pag aaral ko doon, madami akong nakillala lalo na at nagkaroon din ako ng girlfriend na tumagal sa loob ng 2 taon at nag hiwalay kami dahil sa may nagustuhan din siyang iba. Naka graduate ako. Nagkaroon ako ng timpalak bilang “Most Outstanding Student” sa kurso kong iyon. Madali naman ako nakahanap ng trabaho dahil sa na-absorb ako ng pinapasukan kong OJT noon sa Human Aggregates Philippines Inc. na tumagal din sa loob ng 1 taon.
Pagkatapos ko noon ay naghanap naman ako ng panibagong trabaho at may nakakita naman sa akin na isang Pinoy na doktor na naninirahan sa Canada at kinuha niya ako para magtrabaho sa kanya. Gumawa ako ng mga website para sa kanya na tumagal din ng mga dalawang taon. Sa mga taon na yun nagkaroon din ako ng panibagong relasyon ngunit di din nagtagal ay naghiwalay kami sa loob ng 6 na buwan.
Dahil sa ayokong mabakante, nag hanap ako ng trabaho ulit at mapalad naman akong natanggap sa Dell Computer Philippines. Mapalad din ako ng panahon na iyon dahil dito ko din nakilala ang girlfriend ko ngayon. Tumagal ng halos isang taon at kalahati ang trabaho ko doon. Napilitan ako magresign sa aking trabaho dahil naisip ko na hindi magiging mataas ng posisyon kapag iyon lang ang natapos ko.
Napilitan akong mag aral at pumasok dito sa Technological Institute of the Philippines sa kursong Computer Engineering. Ngayon ay nasa 2nd year level na ako. Ngunit ako ay isang irregular student pero masaya pa din kahit papaano at madami din akong nakakasalamuhang tao. Madam akong natutunan sa buhay ko, na sana wag natin sayangin ang mga pagkakataong dumadating sa atin dahil mahalaga ang bawat oras, minuto at segundo. At sa tingin ko, na ang talambuhay kong ito ay hahaba pa at di pa dito magtatapos ang aking kuwento.. 
0 notes
patrickmateo · 12 years ago
Quote
“He’s not perfect. You aren’t either, and the two of you will never be perfect. But if he can make you laugh at least once, causes you to think twice, and if he admits to being human and making mistakes, hold onto him and give him the most you can. He isn’t going to quote poetry, he’s not thinking about you every moment, but he will give you a part of him that he knows you could break. Don’t hurt him, don’t change him, and don’t expect for more than he can give. Don’t analyze. Smile when he makes you happy, yell when he makes you mad, and miss him when he’s not there. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don’t exist, but there’s always one guy that is perfect for you.”
― Bob Marley (via justbesplendid)
This..
533 notes · View notes
patrickmateo · 12 years ago
Quote
Mistakes are always forgivable, if one has the courage to admit them.
Bruce Lee
0 notes
patrickmateo · 12 years ago
Quote
It is not your fault, when you were born poor, IT IS your fault when you die poor..
Seriously, that was from my professor in Ethics. And that was a very good quote from her. :)
Oh! BTW, Helloo tumblr again! It's been a year since my last post lol :))
0 notes
patrickmateo · 14 years ago
Text
I don't want to be ignored..
I don't and I don't and I don't want seriously.. If you happen to go to sleep without any words noticing your boyfriend / girlfriend that you are now going to bed to sleep or you got home already, may I ask you a question? Are you treating your relationship seriously? 
You want a good relationship. You want to feel how proud you are because you have a relationship that you and your boyfriend / girlfriend love it so much, but then, you ignore him / her..  You forgot that someone worries too much for you if you got home already, had eaten your meals, where were you, who's with you, etc..
I know it may sounds stupid to worry. But hey, didn't he / she worries because he / she loves you? Care for you? And then all you just did is to ignore him / her? That would be worse if you have a long distance relationship right? So again, may I ask you again, are you treating your relationship seriously?  Is it wrong to care too much for him / her? 
0 notes
patrickmateo · 14 years ago
Photo
Tumblr media
There are two rules for success..
0 notes