EFFORT to CARE
is
EFFORT to LIVE
ICL
0 notes
“Silid-aralan”
Sa loob ng isang kahon
Napakaingay ng paligid
Hindi makakaramdam ng kapayapann
Hindi makakamit ang katahimikan
Sa loob ng isang kahon
Samut-sari ang nagliliparan
Mga banatan ng salita
At di-mawaring parirala
Sa loob ng isang kahon
Iba-ibang katangian, itsura at paniniwala
Maging sukat at haba
Nitong mga tupang nangangarap
Sa loob ng isang kahon
Magkakaiba man ang tayo ng tindig
Magkakapatid at magkasangga
Sa lupit ng aral at hampas ng katotohanan
0 notes
“Pag-ibig na sadyang nakaaliw”
Pag-ibig na handog, sana’y iyong tunghan
Pagbuksan ng puso at ng kaalaman
Mapailalim man, mapaibabaw man
Anumang mangyari hindi susukuan
Pag-ibig, pag-ibig sadyang nakaaliw
Hindi napagtanto buhay sisirain
Pilit mang ibalik ito’y wala pa rin
Kaya ang pag-ibig dapat dakilain
0 notes