Tumgik
#atlis maganda kanta okay lang
pasagip · 1 year
Text
idk kung ano meron sa kantang to basta masarap syang pakinggan lalo na tuwing gabi like mga ganitong oras habang nagawa ka ng gusto mo gawin ganern pero feel ko maganda rin to pag nabyahe ka tas ganito kanta mo, oh diba heaven HAHAHAHAHAH
0 notes
kemerutsstuff · 7 years
Video
undefined
tumblr
Part 3
Eto na yung last part, pero bago yan, I wanna congratulate myself for being able to reach this far. After everything I’ve been through, mga emotional pains na binigay sa akin ng mokong, nakaya ko naman, at kahit papano okay naman na ako..
Kung yung mga last posts ko eh medyo harsh, patawa, bitter tignan or whatever, ngayon medyo madrama naman na. Haha!
Eto yung time na naging LDR tayo kasi nga binisita mo ang parents mo sa Alaska, kahit na wala ka sa graduation ko that time, I understand kasi nga kailangan ka din ng mother mo na may sakit. Nag stop over ka sa Korea, eh alam mo naman na yun ang dream destination ko, kaya nag effort ka para sakin. Gumawa ka ng video at nagtake ka ng pics na meron yung pic na binigay ko sayo. Alam mo bang sobrang inggit ako sayo at that time? Kasi kahit papano nakatapak ka sa Korea, eh grabe kaya ang pagnanasa kong makapunta dun, kung pwede lang dun na rin ako tumira eh. Haha. Bukod sa inggit, nalulungkot din ako, kasi how I really wish magkasama tayong tinutour ang Korea, but because of that nagkaroon din ako ng hope and dreams for the both of us. Hope that someday we will travel Korea, at yung dream ko naman, eh malay ko ba kung dun na maganap yung proposal na pinapangarap ko someday. Charrr. Pero hanggang dreams nalang talaga lahat yun. Wala eh, yan na yung pinakahuling effort mo para sakin. I’m sorry for not watching it the moment you gave it to me, isa na yun sa disappointments na natanggap mo sakin, pinanood ko lang to kung kelan break na tayo.
Hindi ko to nasabi sayo, pero sobrang naappreciate ko yung ginawa mo. Yung inggit at lungkot na naramdaman ko nun, napalitan ng saya pero at the same time sobrang sakit din nito sakin, naisip ko lahat ng pinagdaanan natin, inisip ko lahat ng sweet messages mo sakin noon, mga binigay mong regalo, sulat, poems, at kung ano pa dyan, at napatanong nalang ako kung bakit hinayaan mong mawala lahat ng yun. Sobrang sakit isipin na hanggang salita nalang lahat yun, lalong lalo na yung sinabi mong ayaw mong magaya tayo sa magulang ko na naghiwalay. Naiiyak ako sa thought na yun, kung alam mo lang.
Bakit ganun kadali para sayo na kalimutan lahat ng pinagdaanan natin? Bakit ang dali para sayong iwanan ako na para bang yung pinagsamahan natin ng limang taon eh parang wala lang? Bakit ka sumuko sa atin? Bakit mo ako sinukuan? Eh ako nga kahit sukong suko na ako sayo, pinipilit ko parin kasi iniisip ko na someday magiging worth it din to. Ginawa mo na ba talaga yung best mo para isave yung relasyon natin? Inisip mo ba na worth saving yung TAYO? Bakit di mo pinaglaban? Bakit hinayaan mo lang mawala? Hindi ba talaga ako worth it para sayo?
Bakit hinayaan mong mawala ako sayo muks, bakit? Handa naman akong ipaglaban ka, wala naman akong pake sa sinasabi ng iba na masyado akong maganda para sayo, na hindi ka naman daw gwapo, like duhh, I don’t care what people say, ako naman nagmamahal hindi sila eh. I know, nung naging tayo mahal mo pa si STAR mo nun, nabasa ko lahat ng posts mo sa inalis mo na tumblr mo. Masakit isipin na parang ginawa mo akong rebound ganerns, kahit di mo aminin alam ko naman na ganun na rin na yun pero nakaabot pa rin naman tayo ng 5 years so okay na rin yun, pero sana di nalang tayo umabot ng 5 years. As in nakakaloka you know, winasak mo pagkatao ko like you know what I mean. Ganun kadali sayo iwan ako na para bang wala lang sayo lahat ng nangyari sating dalawa. 
Ang dami kong tanong, hindi ko alam kung kaya mong sagutin lahat yan. HAHA. Pero ang pinakanakakalokang tanong na gusto kong itanong sayo eh BAKIT ANG DALI MO AKONG PALITAN? It made me questioned my worth so much. Like siguro nga kapalit palit talaga ako, siguro nga wala talaga akong kwenta. Hindi nga siguro ako worth it mahalin, siguro nga pangit talaga ng ugali ko kaya iniiwan ako, at siguro nga di ako deserving para sayo. Hirap ng pinagdaanan ko huh, kunwari masaya kahit sa totoo lang hindi talaga. Yung gusto mong umiyak nalang ng buong araw pero hindi pwede kaya iniiyak mo nalang sa gabi habang pinipilit matulog, habang naliligo umiiyak tapos pinipilit takpan yung namamagang mata para di ka tanungin kung bat ka umiyak. Yung walang kaalam alam pamilya mo sa pinagdadaanan mo, kasi ayaw mong malaman nila mga ginawa mo kasi nga ikaw parin iniisip ko, ayokong magmukha kang masama sa kanila. Kahit tinatanong nila ako tungkol sa mga posts ko noon, hinahayaan ko nalang sila sa kung anong gusto nilang isipin. Sinasabi ko nalang na ako ang nakipagbreak kasi may pinag awayan tayong sobra. Pinapakita ko na strong ako sa harapan nila kahit sa totoo lang eh ang bigat bigat na sa loob ko.
Pero okay lang kasi tapos na ako sa mga araw na yun, I’ve been there done that. Ang sarap sa feeling na napagdaanan ko na yung mga malulungkot na araw at gabi na yun. Nakita ko na rin yung worth ko sa ginawa mo. Sobrang thankful ako sa ginawa mong pang iiwan sakin, atlis ngayon masasabi ko na may darating pa na mas deserving, yung mas deserving pa kesa sayo! Sorry nalang sa lahat ng kasalanan kong ginawa huh, alam ko madami din naman. Pero mas madami kang dapat ipagsorry sakin alam mo ba yun? Alam ko madami ka din namang effort na ginawa sakin, ang hirap lang kasi mas madami ka nang nabigay na sakit sakin kesa sa maganda kaya hirap din hindi maging bitter sayo. Sorry ah? Sorry sa family mo, sorry talaga. Pero thank you din kasi madami kang tinuro sakin na bagay bagay, I swear yung mga natutunan ko sayo, sa dating rel’p natin, iapply ko na kay mr. right. Haha! Sana ikaw rin. Sana wag ka nang maging malandi.. Haha. Oh well…
Naalala ko lang dati, sabi mo ayaw mong magkabalikan muna tayo kasi nga madami ka pang kailangang iprove sa akin, in the end wala din naman? HAHA. Kupal ka talaga. Lagi mo pang sinasabi sakin dati na magiging sobrang busy ka na nyan, na baka nga di mo na ako mabigyan ng oras mo, na baka di na tayo masyadong magkita chorvanels. Narealize ko na kung talagang mahal mo yung isang tao, kahit gano ka pa kabusy gagawan at gagawan mo yan ng paraan. One thing you didn’t think of is that kaya naman kitang intindihin ah, kung sobrang busy ka okay lang sakin kahit di ka masyadong nagttxt or tatawag, kung sobrang pagod ka at the end of the day maiintindihan ko, kahit tulugan mo ako okay lang sakin. All I need is just a little bit of your time, hindi ako demanding sa oras mo, alam ko may priorities ka ding iba, ang akin lang, kahit isang text lang, sabihin mo lang sakin na busy ka this day na babawi ka pag may time ka na, na itetext mo ako pag di ka na busy. Ganun lang muks, kahit ganun lang, pero wala eh, inisip mo agad agad na ang gusto mo eh akin lang oras mo. Di ako ganun. Yung sinabi mong magiging busy ka at mawawalan ng time sakin, di ko akalaing magkakaroon ka ng time para sa iba. Swerte nila. Haha
Assurance, honesty, communication at loyalty. Yan yung mga bagay na hinihingi ko sayo. I hate to say it but you failed to give me those. Masyado mong pinangunahan ang relasyon natin, inisipan mo na agad ng masama, inisip mo agad na hindi kita kayang paniwalaan at pagkatiwalaan, palibhasa malandi ka kasi kaya mahirap ka talagang pagkatiwalaan. Haha. Believe me when I say this pero small efforts lang ang hinihingi ko sayo, kahit gano pa kaliit yan masayang masaya na ako pero wala eh. Walang wala.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pero thank you dito, thank you for giving me a taste of Korea. Someday, when the time is right, makakapunta din ako dito, either with a family member, friends, or malay ko ba kung si mr. right na kasama ko sa pagpunta ko diba? Haha. I’ll just trust and wait for God’s perfect timing.
Commitment - Sana this time alam mo na yung salitang commitment. Sana madami kang natutunan sa past relationship natin at sana iapply mo yun ngayon. Sana nahanap mo na yung sarili mo, sabi mo nga hahanapin mo muna sarili mo diba? Sana magpakalalake ka na, sana gawin mo na yung tama hindi yung alam mong tama kasi mali yung alam mo!!!! HAHA
Good luck and God bless sa inyo ng bago mo. — Happy 1 year of being single to me. 🎉😂♥️
Last words. I hate to say this pero siguro nga hindi ako yung makapagbibigay ng happiness sayo, hindi ko maibibigay yung mga bagay na hinahanap mo sa isang relationship, hindi ko maibibigay yung love na deserve mo. Sorry kung di ako karapat dapat para sayo, sorry kung nagkamali ka ng piniling igirlfriend, sorry kung ang pangit ng ugali ko, sorry kung sa tingin mo eh di kita tanggap, pero believe me or not, tinanggap kita, in the first place tatagal ba tayo kung hindi ko tinanggap lahat sayo? Masyado lang talaga tayong immature noon sa relasyon natin, ako yung walang tiwala, ikaw naman ang hirap pagkatiwalaan, eh kung tutuusin ikaw naman ang mas nakakaalam kung bakit nawala ang tiwala ko sayo. Ang mali nating dalawa eh wala tayong understanding sa isa’t isa. Hindi natin magawang magmeet halfway. Pero muks, mas minahal kita kesa sa sarili ko, binigay ko lahat sayo kasi ikaw na yung inisipan ko na kasama ko sa future. I did my best to save us, to save what we had, because I thought you’re also going to do the same. But then I was wrong, but life moves on and we have to accept that change is the only permanent thing in the world. We we’re meant to be, supposed to be, but we lost it. Sabi nga sa kanta. HAHA. Di bale na, masaya ka naman na sa kanya. Alam ko naiimagine mo na yung future mo na kasama sya, sya na yung para sayo, sya na yung true love mo kasi ako, naging pampalipas oras mo lang ng limang taon. HAHAHA.
 Last na ulit… Sorry muks kung naexpose na ang mukha mo dahil sa video huh? Di ko alam pano iedit eh. Lols. Di bale pogi ka naman kaya keri lang. AHAHHAHAHA. More werpa to you muks! Lodi! Petmalu ka!
MAY OUR 5 YEARS OF RELATIONSHIP REST IN PEACE. 😂
0 notes