#brokenheartpost
Explore tagged Tumblr posts
Text
Sabihan Mo Naman Ako
Hindi mo man lang sinabi na ganito ka din pala mawawala. Sana man lang inorient mo ako para hindi na ako naghihintay sa wala. Wag mo kong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Sabi ko nga sayo, sanay na ako jan. Pero hingin mo nang maayos sakin, ibibigay ko naman sayo eh. Mabilis nga ako kausap diba? Sabihin mo lang na ayaw mo na...hahayaan naman kita eh. Aba oo syempre masakit...sobra. Pero yun ang gusto mo eh. Sana man lang nagsabi ka. Maiintindihan ko naman eh. Ako pa ba ang hindi makakaintindi? Natatakot ka ba? Wag. Hindi kita hahabulin. Hindi ako magagalit. Hindi kita pipigilan. Hindi madali sakin. Pero kakayanin ko. At least nagsabi ka diba? At least di na tayo parehas mag iisip. Respeto mo na lang sana sakin na sabihin mo sakin kung ayaw mo na. Hindi yung para kang duwag na bigla na lang nang-iiwan sa ere. Mas masakit yun eh. Wag kang maawa sakin. Ayokong magstay ka dahil sa awa. Pinakamasakit yun. Please lang. Sabihan mo naman ako. Tapusin mo nang maayos.
1 note
·
View note