Tumgik
#kabataan magkaisa
Text
youtube
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS - UPDATES APRIL 21, 2024
 "MGA KABATAAN MAGKAISA  AT MAMUHAY NG MATALINO AT MATUWID SA GABAY NG MABUTING BALITA"
VISIT OUR WEBSITE:
1. https://biblelightspromotion.blogspot.com
2. http://biblelightspromotions.webs.com/
3.   https://biblelightspromotion.wixsite.com/home
4.  https://web.facebook.com/BiblelightsPromotions/
5. https://biblelightspromotion.wixsite.com/home
0 notes
wittykahitcorny · 3 years
Text
Tumblr media
NEVER EVER EVER EVER AGAIN.
Bakit ko naman iboboto si BBM?
I. Magnanakaw. Hindi siya mismo pero ang pamilya niya. Means nakikinabang/nakinabang din siya. Meron silang Swiss bank account at dun nila nilagak ang lahat ng nakulimbat nilang salapi.
Madami man silang nagawang infrastructure halos lahat naman yun may kickback or overpriced.
II. Sinungaling. Kapatid daw ng magnanakaw yun pala anak. Pilit na kineclaim na graduate daw ng Oxford University pero Oxford na ang nagsabi na special diploma lang nakuha.
III. Adik. Cocaine user.
IV. Duwag. Hindi umaatend ng debate. Ang reason niya, bias sila.
V. Tamad. Never nagkaroon ng ibang work maliban sa pagiging politician. Nung pandemic nga di man lang siya nagpakita. Mas mainam pa yung Leo Marcos na kahit para lang maka gain ng views ay active nung pandemic.
Sasabihin na naman ng iba na sinisiraan lang ang manok nila. Iba ang paninira sa pagsasabi ng totoo. Hirap kaso senyo mas naniniwala kayo sa napapanood niyo sa tiktok, sa mga influencer. Fact check din.
Bat siya ang iboboto ng mga Pilipino?
Kasi yung 5 na characteristics na yan ay karaniwang taglay ng mga pinoy. You are who you vote for. Nakikita mo sa kandidato mo yung sarili mo.
I were once a Marcos Apologists. May mga post pa ko before na kampi ako sa kanila. Binoto ko pa si BBM nung 2019. Di ko rin natanggap nun na natalo siya. Pero it's never to late na mamulat sa katotohanan at tanggapin. Binoto ko rin si Duterte. Okay naman siya nung una pero nung nagka pandemic sumablay na siya. Wala naman perfect administration pero dami rin siya magandang nagawa.
Okay daw ang buhay nung martial law. By the way, martial law lasted for 14yrs. Okay ang buhay pero di para sa lahat, may areas na maulan merong maaraw. Hindi ko macompared kung okay ba buhay nun kasi wala pa naman ako at di ko naexperienced. Kaya nag ask ako. Mura daw bilihin at simple at masaya pamumuhay. Kahit naman nung kabataan ko masaya ako kahit madalas brownout, laging apektado ng bagyo at baha, kahit wala kaming pagkain na madalas ulam namin ay labay kape, saging na sinasawsaw sa toyo at mantika. Masaya buhay kasi wala kaming pakialam sa Pilipinas, wala kaming pakialam sa politika. Kaya natutuwa ako sa mga kabataan ngayon kasi kahit sa murang edad mulat na sila sa politika. Mura din bilihin nun pero mababa pasahod kasi kokonte pa yung tao sa Pinas.
Hindi lahat ng against kay BBM ay kay Leni. Si Ping Lacson talaga ang gusto kong iboto pero alam natin na dehado siya. Di ako magdadalawang isip na iboto si Leni. Disagree din ako sa lantarang endorsement ng Catholic Church sa kaniya. Katoliko ako. Pati na rin dun sa kung ano anong ritwal na ginagawa sa kanya kasi nagmumukha tuloy siyang tanga. Or hindi ko lang talaga gets yung kultura nung iba.
Si BBM ay walang ibang plataporma kundi UNITY at PAGKAKAISA. Pinag iba ko na para atleast maging dalawa. Paulit ulit. Hindi tayo uunlad ng puro unity lang. Edsa people power nga napagkaisahan sila ng mga Pinoy. Magkaisa at magsama. Kanta yan. Ayun, napatalsik.
Marami sa inyo ang alam ko na nagdadalawang isip na rin sa pagboto kay BBM. Hindi niyo lang magawa kasi di kaya ng ego niyo. Ayaw niyo tanggapin ang katotohanan kasi nahihiya kayong matalo at isipin na mali pala ang pinaniniwalaan at alam niyo. Kaya ang hirit niyo lang palagi ay "respect my opinion". Iba ang tama sa mali at iba ang tama sa gusto. Hindi porket gusto mo ay yun na yung tama. Pero sa mundo hindi na mahalaga kung ano ang tama kundi kung ano lang ang gusto mo.
Hindi pa huli ang lahat. May pag asa pa ang Pilipinas. Kailangan lang nating simulan ng tama. Hindi man tayo ang makatamasa ng pag unlad, isipin na lang sana natin yung mga anak at apo natin, ang kinabukasan nila.
12 notes · View notes
Video
undefined
tumblr
Kailan kaya maibabalik ang dating Kapaligiran? 
Ang katagang 'Kaalaman sa kapaligiran ay naging isang napakahalagang termino dahil hindi lamang ito nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kapaligiran, kundi pati na rin ang ating mga pagpapahalagang moral at kinakailangang edukasyon upang malutas ang mga problemang nauugnay sa kapaligiran. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kapaligiran ay responsibilidad ng bawat mamamayan. 
Nakikita natin at alam nating lahat ang kasalukuyang lagay ng ating kapalagiran,at alam nating ang kondisyo nito ay hindi maganda kumpara sa mga nakaraang taon habang patagal ng patagal ay pasira ng pasira ang ating Kapaligiran.At sa tingin nyo ano o sino dahilan ng pagkasira ng ating pinakamamahal na kapaligiran?Tayong mga Tao din,madami tayong nagagawang di maganda sa ating kapaligiran na kung saan hindi na mabilang bilang sa dami. 
Ngunit,marami namang paraan upang ito’y mapahinto at mabigyan solusyon katulad na lamang ng batas na The National Environmental Awareness and Education Act (R.A. No. 9512) Ang Batas na ito ay nagtatadhana para sa pagtataguyod ng kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng edukasyong pangkalikasan na sumasaklaw sa mga konsepto at prinsipyo ng kapaligiran, mga batas sa kapaligiran, ang estado ng internasyonal at lokal na kapaligiran, mga lokal na pinakamahusay na kasanayan sa kapaligiran, ang mga banta ng pagkasira ng kapaligiran at ang epekto nito sa kapakanan ng tao, ang pananagutan ng mamamayan sa kapaligiran at ang halaga ng konserbasyon, proteksyon at rehabilitasyon ng mga likas na yaman at kapaligiran. 
Tayong mga kabataan at mag – aaral ang pinaka Malaki ang maitutulong sa kapaligiran.Bakit?Dahil bilang isang kabataan at mag – aaral madami na tayong maaring matutunan sa eskwelahan at mahalagang matutunan at malaman nating kung gaano kahalaga ang kapaligiran sa lahat ng nabubuhay sa Daigdig,Dahil ang Kapaligiran ang tanging dahilan kung bakit ay hanggang ngayon ay tayo’y nabubuhay sa Daigdig nato. 
Sa kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran ngayon,sa tingin nyo maganda paba ito,di kagaya ng kalagayan ng kapaligiran noon na kay ganda at kay ganda pagmasdan.Kailan ba natin maibabalik ang kagandahang ito? 
Sa pagreresulba ng kapaligiran at pag unawa dito ng Mabuti kung ano ang dapat at di dapat na gawin,sa pag unawa palang at kapag may gusto ka talagang matutunan sa paaralan ay malakking tulong na sa paaralan.Tayong mga tao din ang nagdudusa at nahihirapan sa pagasira ng kapaligiran at ano padin ang ating ginagawa wala paring aksyon na ginagawa.Oras na siguro upang tayong lahat magkaisa at aksyonan na ang Problemang pangkapaligiran.
2 notes · View notes
kevisuals · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Naaayon”
Sa balita, telebisyon, at sa mga social media, makikita natin ang salitang “Community Pantry”, ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng Community Pantry?
               Ang ideyang ito ay nagsimula sa isang karatula at simpleng ideya na nagsasabing “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan”. Ang konsepto na ito ay umusbong sa Maginhawa street sa Quezon City ay lumaganap na sa iba’t ibang siyudad at lalawigan. Sa loob lamang ng ilang araw ay umabot na ang gawain na ito sa Caloocan, Pasig, at Maynila. Hindi lamang natatapos doon ang paglaganap ng konsepto dahil umabot na rin ito sa lalawigan ng Laguna hanggang Albay, umabot na rin ito sa Visayas at Mindanao.
               Sa aking pagsasaliksik kung ano nga ba talaga ang Community Pantry at kung ano ang pakiramdam ng pagiging isang boluntaryo sa community pantry. Aking nakapanayam ang isa sa mga organizer ng community pantry sa Our Lady of the Holy Rosary Parish, hindi lamang siya organizer sa Community Pantry bagkus siya rin ay isang full-time Youth Minister sa ating parokya.
               Si Mateo Rivera o mas kilala ng kabataan ng simbahan na si Kuya Mat. Siya ay tatlumpung taong gulang (30 years old). Siya ay isang full-time Youth Minister sa parokya ng OLHRP, nagboluntaryo siya bilang isa sa mga kasapi ng Community Pantry.
               Noong umusbong ang Community Pantry ay inamin niya na hindi niya ito gusto dahil iniisip niya ang kalagayan ng mga taong nais kumuha ng kanilang makakain dahil para sa kaniya ay delikado ito. Ang una at pangalawang araw ng pagsasagawa ng community pantry ay hindi siya tumulong dahil hindi siya ganoon kasigurado sa pagsasagawa ng Community Pantry. Sa pagmamasid-masid niya sa pangalawang araw na pagsasagawa ng Community Pantry sa loob ng parokya, kaniyang napansin na habang nagbibigay ang kaniyang mga kasamahan sa parokya ay nakita niyang mayroon din na nagbibigay o nag-aabot ng tulong sa kanila. “This is something good” aniya, namimigay sila at nakikita rin mismo ng mga nakakatanggap na mayroon din na nagbibigay ng tulong sa parokya na ipinamimigay naman sa mga nangangailangan. Hindi politiko ang nagbibigay ng tulong kung hindi katulad din nilang mga normal na tao o minsan pa nga ay kanilang kapitbahay mismo ang nagbibigay ng tulong. Mayroong mga nakapila noong unang araw ngunit sumapit ang pangalawang bigayan ng tulong ay sila naman ang tumutulong para sa kanilang kapwa na higit na mas nangangailangan. Sa katagalan, lumalim ang pang-unawa niya sa salitang “Community Pantry”, hindi lamang siya nagpapakain ng mga tao at nagpapabusog sa sikmura bagkus para sa kaniya pinapakain nito ang espiritwal na aspeto. Hindi ito ang unang beses niyang pagboboluntaryo o pagtulong sa kapwa dahil sa katunayan ay mahilig sila mag-organisa ngunit kapos sila sa pera ngunit mayroong mga tao at kaibigan na agad-agad kung magbigay ng tulong, kaunting hingi ay nagbibigay agad kaya hindi mahirap para sa kanila na mag-organisa at tumulong. Kahit mga estudyante ay nagbibigay at hindi nagdadamot na tumulong. Ang pagsisimula ay mahirap ngunit ang inspirasyon upang magpatuloy ay palaging naroroon.
               Dahil sa pag-usbong ng Community Pantry, minamanmanan na ng gobyerno ang mga nagsasagawa ng Community Pantry at sila ay pinaghihinalaang mga kasapi ng NPA kung saan sila ay nababansagan bilang mga terorista. Hindi siya nababahala na mared-tag. Mula sa kaniyang pahayag, waang nagaganap na red-tag mula dito sa Taguig City at kaniyang laking gulat na pati ang mga barangay tanod at iba pang kawani ng barangay ay nais magbigay ng tulong, hindi man pinansyal na tulong, sila’y nagbibigay ng suporta sa pagsasagawa ng Community Pantry. Sa unang araw ng Community Pantry, akala ng mga organizers na dumating ang mga taga-barangay upang patigilin sila sa halip ang bungad sa kanila ay “Ano po ang pwede namin maitulong”. Sila ang mga nagbubuhat ng bigas araw-araw, itong mga tao sa labas ng simbahan ay mga tauhan ng ating barangay. Itong mga taong ito ay hindi nagsimula ng red-tagging o kahit anong gulo hanggang sa kasalukuyan. Si Kuya Mat ay hindi takot sa pagrered-tagging sa halip siya ay mas nag-aalala siya sa mga taong nagsasabing na iniispoil daw nila ang mga kababayan nating dukha dahil sa Community Pantry. Isang maliit na argumento lamang ito kung tutuusin. May nakikita man tayong magaganda ang suot at ang panlabas na anyo, pero hindi natin alam ang kaniyang pinanggalingan, dagdag niya pa, “’yung judgement kailangan i-suspend” dahil marami siyang kaibigan na malaki kumita na nagtatrabaho bilang call center agent ngunit sa kasamaang-palad na dala ng pandemya ay natanggal sila sa trabaho. Mas kinakatukan niya ang pakikipag-argumento sa mga nagsasabing “iniispoil na mga mahihirap”, hindi spoiling ang tawag sa pagbibigay ng tulong sa mahihirap.
               Sa pagsasagawa ng Community Pantry, mas lalong naunawaan ni Kuya Mat ang salitang Community Pantry lalo na sa salitang “Community”. Ang salitang ay hindi lamang ibig sabihin na tayo-tayo lamang. Pahayag niya na, “We are responsible for each other”. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”, sa liriko na ito sa kanta ay mapagtatanto natin na tayo ay isang pamilya. “We are one human family”, itong limang daang taong nakapila ay siguradong may maiuuwi at makakaing pagkain sa kanilang pangaraw-araw na hapunan. Hindi natin iisipin ang ating konsensiya na hindi kumakain ang kapitbahay natin samantalang tayo naman ay nakakakain ng masarap. Ang totoong kasiyahan ay ang makita ang ating mga kababayan na kapos-palad na mayroong kinakain sa araw-araw.
               Hindi tayo magpapatuoy sa buhay kung wala tayong inspirasyon o motibasyon sa ating buhay. Sa pagsasagawa ng Community Pantry, ang inspirasyon niya sa pagpapatuloy ay hindi sa mga taong pumupuri sa kanila kung hindi ay sa mga taong nagbibigay ng tulong. Dagdag niya rito na wala sila malaking halaga ng pera upang mag-organisa agad-agad. Ang kaniyang mga kaibigan ay parating nariyan upang magbigay ng agad-agad, isang hingian lamang ay mayroon na kaagad maibibigay. Ang kaniyang inspirasyon ay nagmula sa mga taong kayang magbigay ng walang alinlangan. Ang tanging naibibigay niya lamang ay ang kaniyang talento at oras sa pag-oorganisa. Ang isa pang pinaghuhugutan niya ng inspirasyon sa pagtulong ay ang mga kaibigan niya na kapos-palad na umaangat ang pamumuhay. Sila ang mga pumipila dati upang humingi ng tulong ngunit ngayon sila ngayon ay mayroong trabaho at sila naman ang tumutulong sa mga nangangailangan. Pursigido ang mga taong nanggaling sa ibaba at kumayod upang makaakyat sa kanilang kinalalagyan nila ngayon, inspirasyon nila ang kanilang dinaanang paghihirap upang magbigay ng makakain sa mga nangangailangan para sa kanilang pag-uwi ay mayroon silang makakain. Ang inspirasyon ni Kuya Mat ay ang mga taong nakaranas na ng paghihirap sa buhay na kung saan ay nagmula sa humihingi ng tulong ngunit ngayon sila naman ang handing-handa tumulong sa kanilang kapwa.
               Mayroong mensahe si Kuya Mat para sa mga natulungan at mga tumutulong sa Community Pantry. “Things will be better”, ang katagang ito ay nagpapahiwatig sa atin na matatapos din ang kalbaryo na ito. Kaya naman gumawa ng paraan ng mga Pilipino ngunit ang problema ay ang pandemya na ito kung saan naging malaking hadlang lalong lalo na sa mga nasa ibaba. Ang mga dating pangaraw-araw na trabaho ng mga mangangalakal at naglalako ng gulay ay nahadlangan dahil sa ECQ at MECQ na ipinatupad dahil sa pandemyang ito. Sino ang aasahan nila ngayon? Kung hindi ang gobyerno at ang ating komunidad kung saan tayo ay nagkakaisa upang matustusan ang pangangailangan ng bawat isa. Magtulungan tayong magkakapitbahay, magkakapatid, at tayong magkakapamilya na magkaisa upang labanan ang pandemya at bigyan ng tulong ang ating mga kababayan. Muli niyang binanggit ang mga katagang “Things will be better” dahil darating ang panahon kung saan ay makakalaya na tayo sa ating mga kabahayan. Ang kanilang pagbibigay ay hindi lamang dahil ito ay babalik, bagkus nagbibigay dahil ito ang ninanais ng kanilang kalooban at puso. Mahirap magbigay ng tulong kung nais lamang natin ang magpakitang-tao at magpakitang-gilas dahil nakakapagod ang ganoong klase ng tulong. Ang masarap na tulong ay ang tulong na hindi naghihintay ng kapalit, tulong na hindi nakikita ng ibang tao.
               Isang magandang pagkakataon na aking nakapanayam ang isa sa mga nag-oorganisa ng Community Pantry. Talaga naman na magkakaroon tayo ng inspirasyon mula sa kwento na ito ni Mateo Rivera o mas kilala sa tawag na Kuya Mat. Aking napagtanto na hindi lamang ang mga kapos-palad ang natutulungan bagkus natutulungan din nito ang mga nag-oorganisa ng Community Pantry.
               Marami akong napulot na aral sa pakikipagkapanayam ko kay Kuya Mat, nakita ko rin kung paano sila mamigay ng tulong. Namimigay sila ng may kasamang ngiti at paalala sa mga tao na kung ano ang dapat nilang gawin. Ang pagtulong natin sa ating kapwa ay nagdadala sa atin sa pagkakaisa. Matatapos din ang lahat ng itong kaguluhan at makakabalik din tayo sa normal.
“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan”
2 notes · View notes
gmbnlxs · 4 years
Text
Wikang Kinalakihan
Isinulat ni: Ma. Alexis B. Gamban
Tumblr media
https://images.app.goo.gl/b1eyrzTZ62kGNGEC6
Lengguwahe’t kabihasnan ay iiba
Pambansang wika natin di magiiba
Magkakaiba man ating mga ninuno
Bilang isang laki’t dugong Pilipino
Ito’y hindi hadlang sating pagkatao
Pambansang wika ating ipagmalaki
Ito’y mamamayani sating paglaki
Ating sariling wika’y walang katulad
At walang sinumang makakapagbago
Ng ipinamana ng ating mga ninuno
Wikang Filipino ay walang kapalit
Iba pang mga wika ay wag ng ipilit
Wikang Filipino’y wala ng kapantay
Ipagmalaki ng may ingat at gabay
Ating sariling wika’y dapat mahalin
Upang ito ay di na muling maangkin
Magkaisa at wag nating pabayaan
Ipaglaban kasama ang kalayaan
Reflection
Ang tulang aking isinulat ay tungkol sa wikang unti unti ng nakakaligtaan at natatabunan ng modernong panahon, nawa'y ito ay nagbigay ng aral at realisasyon sa mga kabataan. Sa tulang aking ginawa nakatala ang pagmamahal ko sa ating bayan at wika. nakatala dito lahat ang importansya ng ating kultura at paniniwala na ipinamana ng ating mga ninuno.
2 notes · View notes
jethrocelimen · 4 years
Text
Ang Wikang Natatangi
    Hindi natin matatanggihan ang sarili nating wika sapagkat ito ay sumisimbolo ng ating kultura at sa paraan na ito ay makikilala kung sino at ano tayo. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay mahalaga dahil ito ang magagamit na instrumento ng komunikasyon at nagbibigay daan upang tayo ay magkaunawaan at magkaisa. Kung wala tayong wika ay hindi tayo magkakaugnayan.
    Ako’y sumasang-ayon sa ipinaliwanag ng guro sa dokumentaryo dahil ang mga kabataan sa panahon ngayon ay mas binibigyang pokus ang teknolohiya o ang ibang bagay na umaagaw pansin. Naniniwala rin ako na mas hasa ang mga magaaral o mga mamayanan noon sa wikang Filipino dahil sa tingin ko ay hindi pa maunlad ang teknolohiya noon kaya’t sila ay nakikipagsalamuha pa sa isa’t-isa.
    Samakatuwid, ang wikang Filipino ay natatangi dahil ito ang ating sariling wika na ipinasa ng ating mga ninuno at umuunlad bawa’t taon gawa ng mga bagong nabubuong salita. Ang wika din ay ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay upang magkaunawaan ang bawat isa.
1 note · View note
ianmarquez-09 · 4 years
Text
Wikang Filipino: Huwag Talikuran at ating Gamitin
by Ian Kristofer L. Marquez Ang paksang nilahad sa episode ng dokumentaryong Investigative Documentaries: Wikang Filipino, Dapat Paigtingin ay ang paghina kaaalaman ng kabataan sa paggamit ng wikang Filipino. Inilahad din sa episode na ito na kahit ginagamit ang Wikang Filipino sa pangaraw-araw na buhay, maraming mag-aaral pa rin ang hirap at nakakalimot sa tamang paggamit nito. Ako’y sumasang-ayon na dapat pagigtingan at bigyang-pansin ng ating pamahalaan ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga paaralan sapagkat ako mismo ay nahihirapan din sa paggamit ng Wikang Filipino sa mga gawain sa paaralan. Kadalasan, nahihirapan at naguguluhan ako kung paano at kalian gagamitin ang iba’t ibang salita. Hindi ko rin minsan alam ang mga salin ng iba’t ibang salita. Sumasang-ayon din ako na ang paglaganap ng iba’t ibang uri ng pananalita katulad ng jejemon at iba pa, at ang pagsasalin at pagbabaybay ng iba’t ibang salita sa Ingles, ang nagiging dahilan kung bakit naguguluhan ang kabataan kung ano nga ba ang katanggap-tanggap sa ating wika. Kapansin-pansin din na sa paglipas ng panahon, lalong nahihirapan ang mga kabataan sa paggamit ng ating wika. Ang paglaganap ng paggamit ng Internet at teknolohiya ay isa rin sa mga dahilan kung bakit lalong humina ang disiplina ng kabataan sa paggamit ng Wikang Filipino. 
Pero, bakit nga bang mahalaga ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga paaralan? Ang Wikang Filipino ay ang ating pambansang wika. Dahil dito, napapadali ang ating pamumuhay dahil madaling nagkakaunawaan ang bawat isa. Sa kadahilanang maraming kabataan na ang nakakalimot sa tamang paggamit ng Wikang Filipino, itinuturo ito sa mga paaralan upang mahasa ang ating kaalaman at kakayahan sa paggamit nito. Dahil dito, mas magiging madali na ang pakikipag-ugnayan sa kahit kanino man sa ating bansa. Mas mapapahalagahan na rin natin ang mga nakalimbag na akda at kuwento na nakasulat sa Wikang Pilipino, sapagkat madali na natin itong maiintindihan. Ito rin ang paraan natin upang maipakita ang pagmamahal natin sa bayan at ang ating pagka-Pilipino. Ang wasto at mabuting paggamit ng Wikang Filipino ay isang daan sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng matatag na pagkakakilankilan kahit saan man tayo pumunta.
Kaya naman ako’y umaasa na hindi natin tatalikuran ang ating pambansang wika, at nawa’y gamitin natin ito at ipamalas sa buong mundo kung gaano kayaman ang ating wika at kultura. Tayo’y magtulungan at magkaisa, kasama na ang ating pamahalaan, sa pagsusulong sa paggamit ng Wikang Filipino sa mga paaralan. Ang pagkakaisa natin ay makakatulong sa pagpapanatili ng ating wika na bahagi ng mayaman na kasaysayan at kultura ng Pilipinas.
1 note · View note
chelseterrado · 4 years
Text
Wikang Filipino sa Makabagong Panahon
          Isa sa napakahalagang aspeto ng ating buhay ay ang pagkakaroon ng pambansang wika. Ito, bukod sa puso’t damdamin, kaisipang Nasyonalismo at gayundin sa hangaring pagsilbihan ang ating bansa, ang isa sa pinakamalakas na nagbibigay inspirasyon sa ating lahat na magkaisa at magtulungan. Biniyayaan ng Diyos ang mga tao ng higit na nakatataas na pag-iisip kumpara sa iba pang nilalang. Kaugnay nito ang kakayahan nating matuto ng sarili nating wika at mapayabong pa ito sa pagdaan ng panahon. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.  
        Ayon kay Ginang Mila Villanueva hirap pa rin ang mga estudyante sa paggamit ng wikang Filipino dahil mali ang mga salitang ginagamit sa mga parirala, sanaysay, panitikan, parabola at iba pa. Nakikita niya rin kasi ang paghina nang kaalaman ng kanyang mga estudyante sa wikang Filipino. Mula sa episode na napanood ko, sumasang-ayon ako kay Ginang Mila dahil tunay nga naman na humina ang kaalaman namin sa tamang salita at baybay dahil nauso ang mga text messages at mga uso na salita sa internet. Sa panahon ng makabagong teknolohiya ang naiibang paggamit nito ayon na rin sa kagustuhan ng nagbibigay komento sa isang blog o pahayag na maging larawan lamang na ipinost sa facebook. Bagaman naiintindihan naman ng  iba’t-ibang taong nakakabasa ng  kanyang sariling komento sa  kabila ng mali-maling ispeling, gramar, at panuntunan ng paggamit ng salita, naipaparating pa rin ang kanyang menshe. Subalit sa pagtagal ng paggamit ng mga ito na taliwas sa wastong pamantayan at tunay na diwa ng mga salita, unti-unting nawawalan ng malalim na pagmamahal sa ating bayan. Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas, ito rin ay arbitaryo, may kakayahan at binubuo ng mga tunog. Ang wika at kultutra ay magkabuhol at hindi maaring paghiwalayin dahil ito ay bahagi ng karamihang anyo o uri ng komunikasyon. 
       Ang ating wikang Filipino ay isa sa mga mahahalagang bagay na ibinigay ng Diyos sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit ang ating mga pangarap at mithiin sa buhay. Para saakin, ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Sa paglipas ng panahon, umuunlad at nagbabago ang Wikang Filipino na kailangan nating tanggapin at gawin itong benepisyal para sa ekonomiya at sa pagiging Pilipino. Masasabing ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung bakit nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa kabataan ang Wikang Filipino sa kasalukuyan at hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang imporatansya at kahalagahan ng Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na meron sila ay dapat pang lingangin upang mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang Filipino. Kaya tayong mga kabataan ay dapat makita ang importansya at kahalagahan ng wikang Filipino sapagkat tayo ang pag-asa ng bayan at ito ay magsisilbing tulay natin upang mas mapalago ang ekonomiya ng ating bansa. Kaya naman, tayo ay magtulungan upang tayo ay may patutunguhan.
1 note · View note
himig-ng-paslit · 5 years
Text
Kalayaan
Lingid sa ating kaalaman ng mga kabataan na marami sa ating kapwa kabataan na hindi nakikita ang tunay na kulay ng mundo ang mg ganap sa mundo dahil sila ay di pinapayagan ng kanilang magulang na lumabas dahil sa bahalang mapahamak ang mga anak nila.Lahat ng kabataan ay may karapatan tulad ng kanilang kalayaan na gawin ang gusto nila magtanong ng mga di nila alam at sabihin ang gusto nikang sabihin.Lahat ng kabataan ay nararapat na masubukang tumayo sa sarili nilang mga paa at wag umaasa sa mga magulamg para hindi masanay na nariyan sila dahil ayaw man nating isipin pero kilangan tanggapin na mawawala rin din ang ating mga magulang.Sabi nga ni Rizal"Ang kabataan ang pagasa ng bayan"ngunit ginagawa ba natin ang ating tungkulinna mging pagasa ng ating bayan di bat tayo na ngng kabataan ang naninira sa sarili nating bayan,san namn ay palagi natin iiaipin ang paghihirap ng ating mga ninuno na baeiin ang ating bayan sa mga mananakop.May magagawa tayong lahat para mapabuti ang ating bayan ang kailangn lng natin ay magkaisa,magtulungan,at irespeto ang isat isa.Kalayaan ang ating gustong mga kabataan pero wag namn natin itong panghawakan gamit saating mga magulang tayoy may mga limitasyon sa buhay wag tayong maging ibon na lipad lng ng lipad.Paano nga ba nagkakaroon ng kalayaan ang isang kabataan?Nagkakaroon ng kalayaan ang isang kabataan sa bisa ng knilang mga magulang pero wag namn natin itong abusuhin.Paano nawawalan ng kalayaan ang isang kabataan?Nawawalan ng kalayaan ang isang kabataan dahil rin sa sarili nilang kapalpakan dahil maaring naabuso nila ang kalayaan na bigay sa kanila ng kanilang magulang.
—Princess Espinosa.
(Imahe; https://www.unmultimedia.org/photo/detail.jsp?id=312/312170&key=154&query=subject:%22Children%20of%20the%20World%22&sf= )
Tumblr media
30 notes · View notes
Text
youtube
THE BIBLE EVANGELIZATIONS - UPDATES APRIL 21,  2024
TEACHING OFGOSPEL TEACHING OFFAITH SPIRITUAL SALVATION’S MESSAGE OF GOD
 "MGA KABATAAN MAGKAISA AT MAMUHAY NG MATALINO AT MATUWID SA GABAY NG MABUTING BALITA"
VISIT OUR WEBSITE:
1.  http://thebibleevangelism.blogspot.com/
2.  https://www.youtube.com/channel/UCabx7DCbao1gpEInkdaDw7g
3.  https://bibleevangelizations.wixsite.com/home
4.  https://web.facebook.com/THEBIBLEEVANGELISM
0 notes
Text
Disaster Risk Reduction and Management
Ako si Sofia Trinidad mula sa C-SCI-3 ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Ano nga ba ang Disaster Risk Reduction and Management at bakit ito naging importante sa bawat barangay? Ang Disaster Risk Reduction and Management ay may isang layunin, ito ay ang pagbawas ng mga panganib sa kalamidad na dumarating sa isang lugar. Marapat lamang na lahat ng lugar ay mayroong ganito upang mapaghandaan ang darating na mga ‘di inaasahang sakuna. Ipinapunta kami sa mga barangay ng aming NSTP Instructor upang makapanayam at makita ang kanilang kalagayan ukol sa Disaster Risk and Management.
Pinuntahan ko ang Barangay West Crame ng San Juan City na nakaapaloob sa Metro Manila. Nakapanayam ko ang kapitan ng barangay, si Kapt. Lino Trinidad. Ayon kay Kapitan Lino, ang madalas daw na mangyaring sakuna sa kanilang barangay ay ang sunog. Dahil karamihan daw ng mga bahay sa barangay ay puro light materials ang gamit kaya iyong mga bahay na magkakatabi, segundo lamang ay kumakalat na agad ang sunog. Bukod pa sa sunog, ipinaghahanda rin nila ang lindol dahil ang mga sakuna na katulad nito ay hindi maiiwasan at nangyayari na lamang nang walang paalam. Nagpapasalamat sila sa DRRM ng San Juan City dahil sila ang nagpapaalam sa mga nakapaloob dito kung may paparating na sakuna. Itinanong ko rin kung saang lugar sa kanilang barangay ang pinakamatindi ang mapipinsala, ang sagot niya ukol sa sunog ay sa may bandang 3rd West at Road 10 sa kadahilanang puro “light materials” ang gamit nila rito at dikit-dikit pa. Kapag naman daw ay sa lindol, ang mapipinsala raw nang matindi ang bandang Santolan Road at Road 7 dahil puro mga matatandang building na ang naroon. Ang maaapektuhan nito ay ang mga mamamayan na malapit sa mga lugar na nabanggit. Ang kanilang mga pangkabuhayan (tindahan, at iba pa.) at ang kanilang mga tirahan ang tiyak na masisira kapag nangyari ang mga ito kaya handa ang mga opisyal ng barangay. Mayroon silang Rescue Site at Evacuation Centers.
Ang mga suliranin na hinaharap ng barangay at pamayanan na humahadlang sa pag-unlad ng tao at pumipigil sa pagbangon ng pagkasalanta sa mga kalamidad ay iyong mga taong hindi nila mapangaralan at ang mga hindi sumusunod sa mga direksyon ng mga opisyal at ng mga mas nakakaalam. Ang Barangay West Crame ay may mga organisasyon na kung saan ang mga kabataan, kalalakihan at lalong-lalo na ang mga kababaihan ay ang namumuno at tumutulong sa mga opisyal na maging maayos ang kumunidad kapag mayroong emergency na nangyari sa nasabing barangay.
Mayroon silang iba’t ibang emergency teams na kung saan may nakatalagang trabaho sa bawat team. Mayroon din ang barangay ng Disaster Preparedness  Plan na kung saan dito nakatalaga ang plano at kung ano ang dapat gawin ng bawat mamamayan kung sakaling may kalamidad na mangyari. Kapag daw may mga kalamidad na dumating, handa raw ang kanilang mga emergency fire truck na kasya sa mga maliliit na daan ng kanilang barangay, at mayroon din silang ipinakalat na mga fire house cabinet para kapag dumating ang mga ‘di inaasahang sunog, maaari nila gamitin ang mga ito. Mula sa aming kwentuhan ni Kapitan Lino ng Barangay West Crame, ang barangay na hawak niya ay talagang may maayos na Disaster Preparedness Plan.
Bilang isang parte ng pamayanan na ito, marapat lamang na ang mga nakatira rito ay may alam ukol sa dapat nilang gawin kapag may kalamidad na tumama sa kanilang lugar. Dapat sila ay magkaisa sa paggawa ng mga desisyon at sa pagtulong ng mga nasalanta. Dahil walang ibang magdadamayan kundi tayong mga Pilipino rin. Nuwa’y sana ang buong bansa ay katulad ng Barangay West Crame. Para sa mga susunod na sakuna, tayo ay laging handa.
1 note · View note
pedropanulat · 2 years
Text
Pagpag
Likha ni: Pedro Pendukot
Dami bangayan sa kaliwa at kanan. Yung kumakain ng pagpag ayun pagpag pa din ang ulam.
Ilang taon na ba?
Mayorya sa atin na gumagamit ng social media hinde nakaranas ng tunay na paghihirap
Kaya huwag silang sisihin kung binuhos ang boto
Sa kandidatong hinde mo kaakibat.
Ilang dekada na naghihirap
Pag-asa ang hinahanap
Ilang taon na ba?
Ngayon tapos na ang botohan
Maging mapag masid na lamang
Ang aking hiling
Huwag maging bulag na tagasunod lamang
Isipin ang bayan
Isipin ang pamilya
Isipin ang kababayan
Isipin ang susunod na henerasyon
Kung may maling nagawa huwag tayong mag pikit-pikitan
Ilang taon na ba?
Ako'y tumatanda na
Masaya ang kabataan
Wala naman naranasang hirap talaga
Madaling magturo
Mangaral at sumulat
Swerte at nakapag-aral
Paano ang katulad ng mga no read no write?
Paano ang mga kumakalam na sikmura
Na ang Jollibee ay parang Vikings o buffet ng five-star hotel na sa kanila?
Maninisi ka pa ba?
Halos lahat naman ay kapayapaan ang hanap
Maayos na buhay
Karamihan naman sa atin ay hinde ganid
Gusto lang may nakahain sa lamesa
Marami din naman sa atin ang simple lang mamuhay
Ang tunay na pag-eduka
Ay pag eduka muna sa atin mga sarile
Baka masyado tayo naging agresibo
Na parang sarile na lang din natin ang naisip
Gusto mo ng pagbabago?
Bakit hinde natin saluhan
Ang mga kumakain ng pagpag
At sa bawat reaksyon
Sa bawat pagduwal
At sa bawat pagkaawa
Ng iyong maramdaman
Isipin mo na lahat ng iyon
Ay sa limang minuto mo lamang naranasan
Paano na lang sila
Na dekada na iyan ang niraranas
Magkaisa
Maging mapag masid
Gaganda ang buhay
Kung tayong botante pa din
Ang mananaig
🇵🇭❤️
Tumblr media
0 notes
Text
Sahod, Trabaho, at Karapatan Ipaglaban.
Tumblr media
Sa nakalipas na halalan, ang kontraktwalisasyon ay mainit na pinaguusapan at nasa pagsasaalang-alang ng mga taong tumakbo sa halalan. Maraming sumalungat at maraming pumabor ukol dito.
Ngunit, ano nga ba ang kontraktwal? O ang mga tinatawag na kontraktwal na manggagawa? Ayon sa aking makatarungang pagaaral at pananaliksik, ang kontraktwal ay nangangahulugang katayuan ng isang mangagawa o isang obrero kung saan ang manggagawa o obrero ay may limitasyon lamang sa kanyang pagpasok sa kaniyang trabaho. Dito rin, ipinagkakait sa mga mangaggawa o obrero ang kanilang pagkakaroon ng lakas-paggawa. At ang pagbibigay pa ng kontrakwal na trabaho sa mga trabahador o piyon ay lalo pang nabuhay at naisulong sa pamamagitan nang pagsasabatas sa Batas Republika 6715 o mas tanyag sa tawag na “Herrera Law”.
Tumblr media
Ano nga ba ang “Herrera Law”?
Para sa inyong kaalaman, ang tinatawag na “Herrera Law” na naisabatas noong 1989 sa pamumuno ng ating yumaong dating Pangulong Cory Aquino ay tumutukoy sa biglaang pagaalis o pagtatanggal sa mga manggagawa o obrero sa kanilang mga trabaho kung kailan nila nais gustong tanggalin. Sa kapanahunang ito, ang mga piyon ay hindi nabibigyang halaga ng batas at benepisyo na dapat ay kanilang natatamasa o natatamo. Sa kabila nang pagsasabatas sa batas na ito, hindi nito binago ang probisyon ng Batas Paggawa kaugnay o ukol ng kontrakwalisasyon lalo pang naging malaganap ang kontrakwaliasyon sa bansa sa panahon nila Ramos, Estrada, at Arroyo. Ngunit ang batas na ito ay nakapangalan kay dating Sen. Ernesto Herrera na dating lider ng TUCP. (Trade Union Congress of the Philippines)
Kung ito ay isasalin sa wikang Ingles, ito ay nangangahulugang, “An act to extend protection to labor, strengthen the constitutional rights of workers to self-organizational, collective bargaining and peaceful concerted activities, foster industrial peace and harmony, promote the preferential use of voluntary modes of settling labor disputes, and reorganize the national labor relations commission, amending for these purposes certain provisions of presidential decree no. 442.” (eight congress)
Tumblr media
Sa panahon ngayon, at mula sa termino ni Dating Pangulong Noynoy Aquino, ang kontraktwalisasyon ay mainit parin na pinaguusapan sa senado at sa iba’t-ibang bahagi ng bansa  sapagkat ito ay napakaimportanteng bagay o isyu lalo na sa mga manggagawa na walang ginawa kundi magtrabaho para may maipakain sa kanilang mga sariling pamilya. Ito ay umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga mamamayan ng Pilipinas. Maraming nagsabing ito ay makatarungan at mayroon namang ibang nagpabatid nang kanilang sama ng loob ukol sa kontraktwalisasyon.
Kaakibat din nito ang pagiging kontraktwal ng mga trabahador o piyon sapagkat dito pagkalipas ng lima o anim na buwan, magkakaroon ulit sila ng panibagong kontrata. Wala silang permanenteng trabaho, sila ay palipat-lipat ng pinagtatrabahunan pagkalipas ng lima o anim na buwan at sila ay sinuswelduhan ng minimum wage o sahod. Ito rin ay matatawag na “Endo”
Tumblr media
Ano nga ba ang “Endo”?
Ang “Endo” ay ang Filipino slang para sa terminong “End of Contract” na tinatawag ring “5-5-5.” Ngunit makikita sa ika-281 na Artikulo ng Labor Code dito ay inilalahad at sinasabi na ang kontrakwal na trabahador ay maaaring maging regular na empleyado.
Sa ating kasalukuyang panahon, ang mga kontraktwal na manggagawa ay laganap pa rin sa ating bansa at ito ay hindi natin maipagkakait. Hindi natin maipagkakaila na ang mga mangagagawa natin ay pinagkakaitan ng mga karapatan na dapat ay natatamo nila o nararanasan. Subalit, datapwat, bagamat, at pero sa ilalim ng kontraktwalisasyon sila ay nalilimitahan at napipigilan upang makamit ang mga ito. Ang mga manggagawa na sakop nito ay maaring mawalan ng trabaho o magkaroon na lamang ng minimal na sahod mula sa kanyang pinagtatrabahuhan. Ang mga kontrakwal na mangagawa o piyon ay tumatanggap na lamang ng napakababang sahod, minsan pa nga kahit mas mababa pa sa kanilang minimum na sahod ang kanilang natatanggap kahit ito ay labag sa ating batas.
Tumblr media
Batay sa aking pag-aaral, ang bawat manggagawa sa Republika ng Pilipinas ay kumikita na lamang ng ₱277.81 kada araw. Para sa aking pananaw, ito ay hindi sapat sapagkat kung ang isang pamilya ay may apat o hanggang anim na miyembro, saan sila kukuha nang panggastos para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan katulad ng pagkain, tubig, upa sa tirahan nila, at bayad sa kuryente. Paano kapag ang pamilyang ito ay nagkadanrapa sa mga utang, at hindi mabayad-bayaran? Ngayong sumabay pa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin? Paano na rin kung magkaroon ng sakit ang isa sa kanilang miyembro ng pamilya? Paano nila susustentuhan ang edukasyon ng kanilang anak sa kalagayan nilang ito? Paano nila mapagkakalooban ang kanilang mga anak ng magandang buhay kung ang sinusweldo na lamang nila ay  ₱277.81?
Tumblr media
Ang kontraktwalisasyon ay dapat nang wakasan, sapagkat ito ay walang magandang naidudulot sa mga manggagawa sa ating bansa. Ang mga manggagawa ay lubusang pinagsasamantalahan na lamang ng mga kapitalista sa bansa. Ito ay malubhang nangyayari sa panahong ngayon sapagkat ang mga kapitalista ay nawawalan ng paraan upang mamuhay o makakuha ng pera sa ilalim ng kapitalismo. Kinokontrol na lamang ng mga kapitalista ang mga manggagawa sa paggawa nila ng mga produkto sa isang/buong araw.
Tama bang pababain ang sahod ng mga manggagawa? O karapat-dapat bang tanggalin o iaklas sa kanila ang kanilang benepisyo at seguridad para sa kanilang trabaho? Ang kontraktwalisasyon ba ay makatarungan? Para sa akin ito ay hindi makatarungan, sapagkat ito ay nakakaapekto sa mga manggawang naghahangad lamang ng kanilang pangtustos para sa kanilang mga pamilya. Sila ay nalilimitahan para makapagtrabaho at makakita ng pera. Ang pagtaguyod at pagsuporta ng ating gobyerno sa usaping kontrakwalisasyon ay isang patunay lamang nang isang pagiging kontra manggagawa. Para sa ating gobyerno, ito na ang panahon upang tutukan niyo ang usaping kontrakwalisasyon at itama ang mga pagkakamali ng dating administrasyon.
Tumblr media
Nararapat at wasto lamang na maisaayos ang mga buhay at kalagayan ng ating mga manggagawa upang sila ay mabuhay din ng maginhawa katulad ng mga nakaupo sa puwesto. Ngayon na ang panahon upang labanan ang kontraktwalisasyon, ipaglaban ang karapat dapat na karapatan. Sabay sabay nating isulong na wakasan ang kontraktwalisasyon, upang ang mga manggagawa ay maging regular. Tayong mga kabataan at bilang estudyante ay hindi hiwalay sa labang ito, tayo ay nararapat lamang na makibahagi sa makabuluhang labang ito. Ituloy ang laban, kontraktwalisasyon wakasan.Tayo ay nararapat lamang na makisama, sa pakikibaka upang ang kontraktwalisasyon ay ibasura. Tayo ay sama-samang kumilos, demokrasya ay dapat isabuhay. Ito’y digma laban sa kahirapan at kagutuman. Ito’y digma laban sa pagkakait ng mga karapatan. Tayo ay maghimagsik, dahil ito ay hindi makatarungan. Sama-sama tayong makibaka, sa pagbabasura sa kontraktwalisasyon. Tayo ang gagawa, kabataan ay aabante. At sa mga nais mag boluntaryo sa mga baryo, organisasyon pagiisahin ang mga bituin at lasapin ang tunay na bayanihan, Perlas ng Silangan. 
Tumblr media
Ibasura ang kontraktwalisasyon, itigil ang panloloko sa mga manggagawa o piyon, ibigay ang kanilang mga seguridad at benepisyo na ninanakaw sa kanila. Huwag gawing limitado ang benipisyo na natatanggap ng mga manggagawa, ibigay ang nararapat para sa kanila. Itigil na ang pagbibingi bingihan at pagbubulag bulagan sa ganitong usapin/bagay, gumawa na nang paraan para mabuwag ang kontraktwalisasyon sa bansa. 
Tumblr media
Itigil ang kontraktwalisasyon at ito ay dapat tutulan. Kontraktwalisasyon wakasan! Kontraktwal, gawing regular! Mabuhay ang mga manggagawa na nais parin ipagpatuloy ang kanilang trabaho sa kabila ng kontraktwalisasyon. At tayong mga kabataan ang dapat nating gawin ay huwag tayong magpabusalsal sa bibig, huwag nating hayaang matakpan ang ating mga mata. “Pagmulat ay pagkasa, tayo ang Gatilyo”
Tumblr media
Ako’y humihingi ng atensyon, sa lahat ng taong nais makibaka, sa mga taong gustong maghimagsik para makamtam ang hustisya. Makatarungang maghimagsik. Ipagpatuloy natin ang pagkilos at ang mga pagprotesta. Kung magpapatuloy ang kontraktwalisasyon sa ating bansa, ay patuloy rin na lalaganap ang kahirapan sa ating bansa. Kaya tayo’y magkaisa at lumaban, mag-unyon at makibaka! Ipaglaban ang Sahod Trabaho at Karapatan! Ipaglaban ang pinagkait na Pambansang Demokrasya at Kalayaan! Kaya tayo ay magsama-sama sa Martsa ng mga Manggagawa, upang ang katarungan at hustisya ay makamtam.
G.
credits pics: https://twitter.com/heyitspholop/status/1033937554683260928
2 notes · View notes
Video
undefined
tumblr
Kailan kaya maibabalik ang dating Kapaligiran? 
Ang katagang 'Kaalaman sa kapaligiran ay naging isang napakahalagang termino dahil hindi lamang ito nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kapaligiran, kundi pati na rin ang ating mga pagpapahalagang moral at kinakailangang edukasyon upang malutas ang mga problemang nauugnay sa kapaligiran. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kapaligiran ay responsibilidad ng bawat mamamayan.
Kailan kaya maibabalik ang dating Kapaligiran? Ang katagang 'Kaalaman sa kapaligiran ay naging isang napakahalagang termino dahil hindi lamang ito nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kapaligiran, kundi pati na rin ang ating mga pagpapahalagang moral at kinakailangang edukasyon upang malutas ang mga problemang nauugnay sa kapaligiran. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kapaligiran ay responsibilidad ng bawat mamamayan.
Ngunit,marami namang paraan upang ito’y mapahinto at mabigyan solusyon katulad na lamang ng batas na The National Environmental Awareness and Education Act (R.A. No. 9512) Ang Batas na ito ay nagtatadhana para sa pagtataguyod ng kamalayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng edukasyong pangkalikasan na sumasaklaw sa mga konsepto at prinsipyo ng kapaligiran, mga batas sa kapaligiran, ang estado ng internasyonal at lokal na kapaligiran, mga lokal na pinakamahusay na kasanayan sa kapaligiran, ang mga banta ng pagkasira ng kapaligiran at ang epekto nito sa kapakanan ng tao, ang pananagutan ng mamamayan sa kapaligiran at ang halaga ng konserbasyon, proteksyon at rehabilitasyon ng mga likas na yaman at kapaligiran.
Tayong mga kabataan at mag – aaral ang pinaka Malaki ang maitutulong sa kapaligiran.Bakit?Dahil bilang isang kabataan at mag – aaral madami na tayong maaring matutunan sa eskwelahan at mahalagang matutunan at malaman nating kung gaano kahalaga ang kapaligiran sa lahat ng nabubuhay sa Daigdig,Dahil ang Kapaligiran ang tanging dahilan kung bakit ay hanggang ngayon ay tayo’y nabubuhay sa Daigdig nato.
Sa kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran ngayon,sa tingin nyo maganda paba ito,di kagaya ng kalagayan ng kapaligiran noon na kay ganda at kay ganda pagmasdan.Kailan ba natin maibabalik ang kagandahang ito? 
Sa pagreresulba ng kapaligiran at pag unawa dito ng Mabuti kung ano ang dapat at di dapat na gawin,sa pag unawa palang at kapag may gusto ka talagang matutunan sa paaralan ay malakking tulong na sa paaralan.Tayong mga tao din ang nagdudusa at nahihirapan sa pagasira ng kapaligiran at ano padin ang ating ginagawa wala paring aksyon na ginagawa.Oras na siguro upang tayong lahat magkaisa at aksyonan na ang Problemang pangkapaligiran.
0 notes
beed-1e · 3 years
Text
Minsan sa Aking Buhay
Tumblr media
Isa sa mga hindi natin makakalimutang pangyayari sa ating buhay ay ang mga panahon kung saan marami tayong masasayang ala-ala tungkol rito. Ito ang mga pangyayaring nakakapag pangiti sa atin sa tuwing naaalala natin at nais na lamang natin itong ulit ulitin kung maaari lamang.
Noong ako'y nasa hayskul pa lamang at miyembro ng mga kabataang nag sisilbi sa aming simbahan, ako ay nabigyan ng isang magandang oportunidad. Isa ako sa mga nakapunta sa Balamban, Cebu upang makilahok sa LWYD o Local World Youth Day kung saan nag tipon-tipon ang napakaraming kabataan upang magkaisa sa pag serbisyo at pag papatibay ng pananampalataya sa Panginoo. Ito ay isang pagtitipon ng mga kabataan mula sa iba't ibang parte ng Cebu kung kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon na makihalubilo sa iba't ibang tao ngunit kapareho ko ng tungkulin na mag lingkod. Namalagi kami doon ng apat na araw at pansamantalang nakitira sa aming foster family. Noong una'y hindi ko kilala ang aking mga kasama subalit nag mula kami sa iba't ibang parte ng Cebu ngunit kalaunay nagkaroon ako ng pagkakataong mas makilala pa sila. Napakaganda ng pagturing sa amin ng pamilyang pumili sa amin ng aking mga kasama. Hindi nila kami itinuring na iba at naramdaman namin ang kanilang mainit na pag tanggap. Nagkaroon ako ng napakaraming masasayang ala-ala at karanasan doon. Mula sa unang araw kung saan nag tipon-tipon ang lahat para sa paunang selebrasyon, sa ikalawa at ikatlong araw kung saan may naganap na iba't ibang aktibidad na nagbigay sa amin ng aral at nag patibay ng aming tiwala sa Panginoon, hanggang sa huling araw kung saan binigyan kami ng pagkakataong makapaglakbay sa lugar at libutin ang lugar kung saan ito kilala bago namin lisanin ito. Hindi matutumbasan ng anumang salapi ang aking mga napagdaanan mula sa paglalakbay na iyon. Nagkaroon ako ng bagong pamilya at kaibigan at baon ko hanggang ngayon ang aking mga natutunan. Malaki ang naitulong nito upang mahubog ang aking sarili at lalong mas mapalapit sa Diyos. Mahaba ang biyahe at nang makauwi na kami ng aking mga kasama, puno ng pagod ang aking katawan ngunit wala akong pinagsisihan dahil minsan lamang ito sa aking buhay.
-Ricardel, Charles S.
0 notes
kevisuals · 3 years
Text
“Things will be better”
Sa balita, telebisyon, at sa mga social media, makikita natin ang salitang “Community Pantry”, ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng Community Pantry?
               Ang ideyang ito ay nagsimula sa isang karatula at simpleng ideya na nagsasabing “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan”. Ang konsepto na ito ay umusbong sa Maginhawa street sa Quezon City ay lumaganap na sa iba’t ibang siyudad at lalawigan. Sa loob lamang ng ilang araw ay umabot na ang gawain na ito sa Caloocan, Pasig, at Maynila. Hindi lamang natatapos doon ang paglaganap ng konsepto dahil umabot na rin ito sa lalawigan ng Laguna hanggang Albay, umabot na rin ito sa Visayas at Mindanao.
               Sa aking pagsasaliksik kung ano nga ba talaga ang Community Pantry at kung ano ang pakiramdam ng pagiging isang boluntaryo sa community pantry. Aking nakapanayam ang isa sa mga organizer ng community pantry sa Our Lady of the Holy Rosary Parish, hindi lamang siya organizer sa Community Pantry bagkus siya rin ay isang full-time Youth Minister sa ating parokya.
               Si Mateo Rivera o mas kilala ng kabataan ng simbahan na si Kuya Mat. Siya ay tatlumpung taong gulang (30 years old). Siya ay isang full-time Youth Minister sa parokya ng OLHRP, nagboluntaryo siya bilang isa sa mga kasapi ng Community Pantry.
               Noong umusbong ang Community Pantry ay inamin niya na hindi niya ito gusto dahil iniisip niya ang kalagayan ng mga taong nais kumuha ng kanilang makakain dahil para sa kaniya ay delikado ito. Ang una at pangalawang araw ng pagsasagawa ng community pantry ay hindi siya tumulong dahil hindi siya ganoon kasigurado sa pagsasagawa ng Community Pantry. Sa pagmamasid-masid niya sa pangalawang araw na pagsasagawa ng Community Pantry sa loob ng parokya, kaniyang napansin na habang nagbibigay ang kaniyang mga kasamahan sa parokya ay nakita niyang mayroon din na nagbibigay o nag-aabot ng tulong sa kanila. “This is something good” aniya, namimigay sila at nakikita rin mismo ng mga nakakatanggap na mayroon din na nagbibigay ng tulong sa parokya na ipinamimigay naman sa mga nangangailangan. Hindi politiko ang nagbibigay ng tulong kung hindi katulad din nilang mga normal na tao o minsan pa nga ay kanilang kapitbahay mismo ang nagbibigay ng tulong. Mayroong mga nakapila noong unang araw ngunit sumapit ang pangalawang bigayan ng tulong ay sila naman ang tumutulong para sa kanilang kapwa na higit na mas nangangailangan. Sa katagalan, lumalim ang pang-unawa niya sa salitang “Community Pantry”, hindi lamang siya nagpapakain ng mga tao at nagpapabusog sa sikmura bagkus para sa kaniya pinapakain nito ang espiritwal na aspeto. Hindi ito ang unang beses niyang pagboboluntaryo o pagtulong sa kapwa dahil sa katunayan ay mahilig sila mag-organisa ngunit kapos sila sa pera ngunit mayroong mga tao at kaibigan na agad-agad kung magbigay ng tulong, kaunting hingi ay nagbibigay agad kaya hindi mahirap para sa kanila na mag-organisa at tumulong. Kahit mga estudyante ay nagbibigay at hindi nagdadamot na tumulong. Ang pagsisimula ay mahirap ngunit ang inspirasyon upang magpatuloy ay palaging naroroon.
               Dahil sa pag-usbong ng Community Pantry, minamanmanan na ng gobyerno ang mga nagsasagawa ng Community Pantry at sila ay pinaghihinalaang mga kasapi ng NPA kung saan sila ay nababansagan bilang mga terorista. Hindi siya nababahala na mared-tag. Mula sa kaniyang pahayag, waang nagaganap na red-tag mula dito sa Taguig City at kaniyang laking gulat na pati ang mga barangay tanod at iba pang kawani ng barangay ay nais magbigay ng tulong, hindi man pinansyal na tulong, sila’y nagbibigay ng suporta sa pagsasagawa ng Community Pantry. Sa unang araw ng Community Pantry, akala ng mga organizers na dumating ang mga taga-barangay upang patigilin sila sa halip ang bungad sa kanila ay “Ano po ang pwede namin maitulong”. Sila ang mga nagbubuhat ng bigas araw-araw, itong mga tao sa labas ng simbahan ay mga tauhan ng ating barangay. Itong mga taong ito ay hindi nagsimula ng red-tagging o kahit anong gulo hanggang sa kasalukuyan. Si Kuya Mat ay hindi takot sa pagrered-tagging sa halip siya ay mas nag-aalala siya sa mga taong nagsasabing na iniispoil daw nila ang mga kababayan nating dukha dahil sa Community Pantry. Isang maliit na argumento lamang ito kung tutuusin. May nakikita man tayong magaganda ang suot at ang panlabas na anyo, pero hindi natin alam ang kaniyang pinanggalingan, dagdag niya pa, “’yung judgement kailangan i-suspend” dahil marami siyang kaibigan na malaki kumita na nagtatrabaho bilang call center agent ngunit sa kasamaang-palad na dala ng pandemya ay natanggal sila sa trabaho. Mas kinakatukan niya ang pakikipag-argumento sa mga nagsasabing “iniispoil na mga mahihirap”, hindi spoiling ang tawag sa pagbibigay ng tulong sa mahihirap.
               Sa pagsasagawa ng Community Pantry, mas lalong naunawaan ni Kuya Mat ang salitang Community Pantry lalo na sa salitang “Community”. Ang salitang ay hindi lamang ibig sabihin na tayo-tayo lamang. Pahayag niya na, “We are responsible for each other”. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”, sa liriko na ito sa kanta ay mapagtatanto natin na tayo ay isang pamilya. “We are one human family”, itong limang daang taong nakapila ay siguradong may maiuuwi at makakaing pagkain sa kanilang pangaraw-araw na hapunan. Hindi natin iisipin ang ating konsensiya na hindi kumakain ang kapitbahay natin samantalang tayo naman ay nakakakain ng masarap. Ang totoong kasiyahan ay ang makita ang ating mga kababayan na kapos-palad na mayroong kinakain sa araw-araw.
               Hindi tayo magpapatuoy sa buhay kung wala tayong inspirasyon o motibasyon sa ating buhay. Sa pagsasagawa ng Community Pantry, ang inspirasyon niya sa pagpapatuloy ay hindi sa mga taong pumupuri sa kanila kung hindi ay sa mga taong nagbibigay ng tulong. Dagdag niya rito na wala sila malaking halaga ng pera upang mag-organisa agad-agad. Ang kaniyang mga kaibigan ay parating nariyan upang magbigay ng agad-agad, isang hingian lamang ay mayroon na kaagad maibibigay. Ang kaniyang inspirasyon ay nagmula sa mga taong kayang magbigay ng walang alinlangan. Ang tanging naibibigay niya lamang ay ang kaniyang talento at oras sa pag-oorganisa. Ang isa pang pinaghuhugutan niya ng inspirasyon sa pagtulong ay ang mga kaibigan niya na kapos-palad na umaangat ang pamumuhay. Sila ang mga pumipila dati upang humingi ng tulong ngunit ngayon sila ngayon ay mayroong trabaho at sila naman ang tumutulong sa mga nangangailangan. Pursigido ang mga taong nanggaling sa ibaba at kumayod upang makaakyat sa kanilang kinalalagyan nila ngayon, inspirasyon nila ang kanilang dinaanang paghihirap upang magbigay ng makakain sa mga nangangailangan para sa kanilang pag-uwi ay mayroon silang makakain. Ang inspirasyon ni Kuya Mat ay ang mga taong nakaranas na ng paghihirap sa buhay na kung saan ay nagmula sa humihingi ng tulong ngunit ngayon sila naman ang handing-handa tumulong sa kanilang kapwa.
               Mayroong mensahe si Kuya Mat para sa mga natulungan at mga tumutulong sa Community Pantry. “Things will be better”, ang katagang ito ay nagpapahiwatig sa atin na matatapos din ang kalbaryo na ito. Kaya naman gumawa ng paraan ng mga Pilipino ngunit ang problema ay ang pandemya na ito kung saan naging malaking hadlang lalong lalo na sa mga nasa ibaba. Ang mga dating pangaraw-araw na trabaho ng mga mangangalakal at naglalako ng gulay ay nahadlangan dahil sa ECQ at MECQ na ipinatupad dahil sa pandemyang ito. Sino ang aasahan nila ngayon? Kung hindi ang gobyerno at ang ating komunidad kung saan tayo ay nagkakaisa upang matustusan ang pangangailangan ng bawat isa. Magtulungan tayong magkakapitbahay, magkakapatid, at tayong magkakapamilya na magkaisa upang labanan ang pandemya at bigyan ng tulong ang ating mga kababayan. Muli niyang binanggit ang mga katagang “Things will be better” dahil darating ang panahon kung saan ay makakalaya na tayo sa ating mga kabahayan. Ang kanilang pagbibigay ay hindi lamang dahil ito ay babalik, bagkus nagbibigay dahil ito ang ninanais ng kanilang kalooban at puso. Mahirap magbigay ng tulong kung nais lamang natin ang magpakitang-tao at magpakitang-gilas dahil nakakapagod ang ganoong klase ng tulong. Ang masarap na tulong ay ang tulong na hindi naghihintay ng kapalit, tulong na hindi nakikita ng ibang tao.
               Isang magandang pagkakataon na aking nakapanayam ang isa sa mga nag-oorganisa ng Community Pantry. Talaga naman na magkakaroon tayo ng inspirasyon mula sa kwento na ito ni Mateo Rivera o mas kilala sa tawag na Kuya Mat. Aking napagtanto na hindi lamang ang mga kapos-palad ang natutulungan bagkus natutulungan din nito ang mga nag-oorganisa ng Community Pantry.
            Mula sa pagbabasa sa karanasan na ibinahagi ni Kuya Mat, nawa’y marami tayong napulot na aral at mga inspirasyon na makakatulong upang magpatuloy tayo na tumulong sa ating kapwa. Ang pagiging isang boluntaryo ay hindi madali kung wala siyang pinaghuhugutan motibasyon o inspirasyon sa buhay. Lagi natin natandaan na walang tao ang nabubuhay para sa kaniyang sarili lamang.
“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan”
0 notes