Tumgik
#mga tindera
delfindakila · 1 year
Text
Tumblr media
VICENTE S. MANANSALA Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal-Pagpipinta (1981) Mga Tindera, oleo sa kambas, 1978 artPH
22 notes · View notes
balkanparamo · 7 months
Text
Tumblr media
VICENTE S. MANANSALA
The Vendors
(Mga Tindera, oleo sa kambas, 1978)
245 notes · View notes
definitelyhandsome · 1 month
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ipapako nalang sa krus si ppjiss di pa ako nakapag kwento eto na nga guys, HAHAHAHAHAHA.
MARCH 7 - Shet sobrang pagod ko dito ko may pasok pa ako kasi 7pm out ko tas syempre bilang lowkey excited kahit pagod hindi naman ako nakatulog 12 midnighr prep na kami then 1:30AM dumating kami ng airport tas apakahabang hintayan pa 7am pa kami nakalapag ang hassle tanda ko dyan ako nagbreak out kung kelan magbabakasyon pero oks lang minsan lang magbakasyon lets go.
MARCH 8 (Morning) - Mga 10am kami nakarating ng Capiz then lunch tas meet and greet woth cousins wow as a main character HAHAHAHAHA ayon, nakaidlip naman ako tas nung hapon nag -batchoy hunting kami alam nyo sa 3 days ko Capiz naka 7 bowls ako (syempre iba ibang araw) alam nyo favorite ko talaga sabaw kala ko naman unli sabaw dito tulad ng pares dito samen so sabi ko pa-refill nag usap sila in hiligaynon and it goes like this wow (nakakaintindi ako guys kaso words lang kaya kong banggitin haha or phrases ganyan)
Pinsan ko: Ate magkano pa refill ng sabaw loko tong pinsan ko inubos nya lang yung sabaw eh
Tindera: Nagbabakasyon sya dito?
Pinsan: Oo akala nya daw kasi unli yung sabaw
Tindera; Tumawa sige ibigay ko nalang muna ng free.
Me: Salamat po!
Tindera: Nakakaintindi ka?
Me: Opo hindi lang ako marunong po magsalita hehe.
Tindera: Ah okay next time pagbalik mo may bayad na to ha?
tas sabi nung pinsan ko magpapabreast feed kaba? tumawa nalang kame lahat HAHAHAHAHAHAHA kahit apakainet sabaw yung parang kape ko then nag color game ako nyan kinagabihan kase disperas palang naman ng fiesta non nanalo ako 450 then biglang sibat pinang inom nalang namin ng mga pinsan ko then kinagabihan 7pm may luto na yung auntie ko para bukas tas may freedrinks kaso tanduay kasama yung mga tito ko buti nalang kamo graduate nako sa redhorse at nakapagpractice nako ng matagal mag alfonso tubig guys pang championship yung tagayan dito kalahating baso 8:30pm umuwi na kami tas buti nakapagpahinga ako nakapag gin pa kami 2 tas 2 mojito ng mga pinsan ko siguro mga 11pm narin kami natapos sleep tight talaga ako buti nalang wala namang hangover kahit halo halo na ininom ko hahaha
7 notes · View notes
justcyrinne · 1 month
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
March 23, 2024
We went thrift shopping as a self-reward for surviving what I went through recently and to celebrate the good news that I received yesterday. I didn’t go to the gym yesterday and today so mao na lang gyud ni akong cardio and upper body workout hahaha.
Gin paayo ko sang isa ka tindero ka ukay miski isa lang gin bakal ko pero pulo lang galing haha. Pero ang isa gid ka tindera ya way gid ko ginpaayo miski damo ko gin bakal ka iya mga bayo. Iyawan pa ko to hukay ka iya display kay wala sa sang mga gina hanger na bayo bala haw.. literal gid ya na ukay ang natabo sakon to mung! Pero oks lang a, basta happy man ko sa mga nabakal ko subong. Amo na importante. Pero ang pinaka importante kay nakita ko ang moon 💕
2 notes · View notes
intzue · 8 months
Text
filo!jesse hcs from my filo 4town au :D
JESSE MONREAL na kala mo immigrant kasi di marunong mag tagalog.
‧ Tolentino, most of the time, likes to use this to his advantage. Bullying teasing Jesse by using the deepest filipino words he could possibly muster.
"Dumatal daw kanina yung transferee galing Korea ah?" "Kamustahin natin mamaya." "Teka- what's dumatal?"
‧ Also applies with time, lagi kailangan mag clarify kung ano ung alas nuwebe at alas diyes pag nag paplano ng gala
JESSE MONREAL na laging pinagiinitan ng mga tindera kasi sobra sobra binibigay kahit kinse lang hinihingi.
JESSE MONREAL na napagalitan nung nag transfer kasi inakalang bleach blonde (nasisita parin kahit may proof na natural)
JESSE MONREAL na pag in a rs, magtatanong ng kung ano ano sa kaibigan niya tas mapagtitripan ni Tolentino.
JESSE MONREAL na mahilig manglibre kc lagi sobra sobra bigay sa baon niya + may monthly allowance.
@4townn @inariizaki hi mga baby ko 😚
5 notes · View notes
kathang-iniisip · 1 year
Text
piso
Type: Two-shot Fandom: Alamat
Tumblr media
PUBLISHED: 05/01/2023 WORDS: 1,313
SUMMARY: si Alas kasi yung tipong nagbabayad ng utang
----
EXCERPT: [90 words]
“-miss?” 
“ha?” ayan. naputol ang paglalakbay ng iyong mata sa customer na walang kamuang-muang tungkol sa klase ng mga bagay na tumatakbo sa isip mo. mukhang matagal ka na ring nagmumukhang tanga na nakatayo lamang dahil tila nagmanhid na ang mga labi mo dahil sa ice candy na hanggang ngayon ay subo mo parin. 
“sabi ko, ikaw ba yung tindera dito?” maamo na sana yung mukha nung lalaki, kung hindi lang ito nakangisi dahil napaghahalataan niyang napapatitig ka sakanya. hindi na dapat posible pero parang lalong uminit ang pakiramdam mo. 
10 notes · View notes
nabichuun · 2 years
Text
1,2,3 Catch!
Tumblr media
kung saan di lang pala bola ang na-catch mo, feelings din pala.
💭 zhong chenle sa ur summer crush, fluff.
‼️ written in taglish.
🎧 Lintik by Brownman Revival
(This is a spin-off from Ngayong gabi)
“INENG!!” Sigaw ng tita mo mula sa baba ng bahay niyo, napatigil ka naman sa pag scroll sa tiktok mo ng marinig mo ang tawag sayo. Mula sa pag kakahiga ay tumayo ka at dali daling bumaba kahit na mapaakan mo ang mga pinsan mong tulog sa lapag. Pag ka baba mo ay nakita mong nakakagulo ang mga tao. 
“OH! kumain ka na at mag ayos ng gamit mo para mamaya” sabi ng lola mo na naghahalo ng giniling para sa shanghai. Sandali mong tinitigan ang mga pangyayari at kumamot ng ulo. mag ayos ng gamit para mamaya? kumuha ka ng isang piraso ng lutong shanghai at kinain yun. 
Habang nanguya at nakatitig sa kawalan ay narealize mo, may outing pala kami. 
Sabog. Dahil nga pala dumating ang mga tita at pinsan mo na tiga maynila para ngayong bakasyon ay meron kayong outing sa resort ng kamag anak niyo. Tradisyon na ito sa inyo at lagi kayong nag o-outing tuwing umuuwi sila. Dali dali kang kumain ng almusal at umakyat ulit para mag ayos na
“Hoy mga tamad bangon na daw, mag swimming na tayo!” sabi mo sa mga pinsan mo habang niyuyugyug sila para magising. You’re surprised na di pa sila gising dahil ang init init at siksikan pa. patayan ko to ng electric fan eh 
“Gago ngayon ba yun?” sabi ng pinsan mo na kakagising lang at nagtatanggal ng muta. 
“Oo teh kaya bumangon ka na diyan” sabi mo habang kumukuha ka ng damit mula sa drawer mo. sandali ka namang nag isip kung ano ang susuotin mo pang swimming.
Mga 10 am na nung nakarating kayo sa resort kaya naman ramdam na ramdam mo ang init kaya naman napag isipan niyong bumili ng scramble para naman mabawasan ang init. Habang naglalakad kayo ay pinag masdan mo ang resort. Andami na nag bago dito bukod sa nagkaroon na ng events place ay nadagdagan din ang mga cottage at pwede na mag overnight. At nasaksihan mo lahat ang pagbabago. 
Sa totoo lang medyo sawa ka na sa lugar na ito, bilang taga dito ka lang din at bumabalik ka dito sa resort sa kahit anong event o panahon. Na nanawa ka na sa lugar na to kaya naman di ka na nag eexpect ng bago. Swerte na lang kung makakakita ka ng gwapo o may pasabog ang resort. 
“Hi ateng. Andito uli kami today” bati ng pinsan mo kay ate na nag bebenta ng scramble, nginitian mo din ang tindera. 
“Oh? Kakagaling niyo lang dito last last week ah?” sabi ni ate habang nilalagyan ng marshmallows yung scramble. 
“Ate ano meron ngayon? Dami ata tao?” Tanong ng pinsan mo, napatingin ka naman sa paligid. May mga tao nag seset up ng parang stage. sino kaya mga tutugtog ngayon?
“Parang naman hindi ka nandito lagi, anniversary ng resort ngayon. Nag imbita sila ng mga kakanta kaya nag seset up sila ng stage” 
“Ahh ngayon ba yun? Akala ko nung nakaraang araw pa” sabi ng pinsan mo, inabot mo ang bayad para scramble at nagsimulang maglakad lakad lakad bago bumalik ng cottage niyo. Dahil nga anniversary ng resort ay medyo inaasahan mo na may makikita ka man lang gwapo, di ka na aasa na makakalandian mo basta makakita ka lang okay na. 
Napatigil ka naman ng may nahagip kang gwapo sa may entrance ng resort, instinctively sinundan mo sila ng tingin. 
“Kuya mark ano ba yan! Ang bagal mo naman” pucha ang pogi tapos ang pogi din ng boses? sabi nung lalaking gwapo na naka black na hoodie habang dala dala ang mga gamit nila. 
“Sandali lang yung mga pakwan kasi mabigat” sagot nung lalaking blue yung buhok na may bitbit na pakwan sa braso nito. 
Hinila mo ang braso ng pinsan mo at sinenyasan mo na tumingin ito sa may bandang entrance. 
“Beh ang gwapo nung naka shades, bet” sabi mo sa pinsan mo, nabigla ka naman ng itinaas nung lalaking naka black na hoodie ang kanyang shades at sakto nag tama ang mata niyo tapos biglang ngumiti ng bahagya.
Napa iwas ka ng tingin at dali dali mong hinila ang pinsan mo pabalik sa cottage niyo. nakaka bigla naman!
“Gaga ang gwapo nakita mo ba yung ngiti?! jusko!” agad na sabi mo ng makarating kayo sa cottage niyo, tinawanan ka naman ng pinsan mo. 
“Saan kaya cottage nila?” dagdag mo habang lumilingon lingon pa
“Sana malapit lang sa cottage natin” sagot ng pinsan. 
“Gago haha-”
“Hoy mga dalaga tara na at kakain na” sabi ng lola mo, kaya naman sandali natigil ang chikahan niyo para kumain. mahirap lumandi ng gutom!
Parang buong resort yung papakainin niyo sa dami ng pagkain na nakahanda, bonggang bongga ang seafoods at liempo sinamahan pa ng bagoong at manggang hilaw. Fiesta ata napuntahan mo.
Matapos niyong kumain ay inutusan kayo na tumulong sa pagligpit ng pinagkainan, napabuntong ka ng hininga ng nakita mong knock out ang pinsan mo sa may cottage niyo. Mukang ikaw lang mag isa naghuhugas ng pinggan. 
Agad mo namang sinimulan ang paghuhugas dahil medyo marami rami ang kailangan hugasan, medyo abuso na to. buti na lang ay sa likod lang ng cottage niyo ang gripo at yung designated na hugasan ng pinggan. 
Habang naghuhugas ka hindi mo maiwasan mag muni muni, naalala mo yung dalawang gwapo sa entrance kanina kaya naman napangiti ka habang sinasabon mo yung mga kutsara at tinidor. Bigla kang ginanahan mag hugas. 
“Pass! Dito kuya!” napukaw naman ang atensyon mo sa mga nag lalaro, dahil nga nasa likod tong hugasan ay tanaw na tanaw mo ang basketball court mula sa pwesto mo. napatingin ka naman sa mga nag lalaro. 
“Ayee! Chenle for three points!” sigaw nung mga lalaki sa may court, shet sila yung mga gwapo kanina!
“Gago apat sila?” sabi mo sa sarili mo ng makita mo apat na gwapo na nag lalaro ng basketball sa may court. Mukang mag trotropa sila. Lumingon lingon ka naman sa paligid mo para hanapin kung saan cottage nila. 
Agad ka naman nagulat ng biglang may lumabas na lalaki sa katabing cottage niyo at sumigaw. 
“Hoy! Tama na yang kakalaro niyo! Mag iihaw pa tayo!” sigaw nung lalaki, agad namang napalingon ito sayo nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. He gave you a small smile at bumalik na din kaagad sa cottage nila. 
soo tiga kabilang cottage lang sila…
“Miss yung gripo, sayang yung tubig” sabi nung isang lalaki, mukhang siya yung naka shades kanina. omg chinito na matangkad!  
“Ay hehe” nanlaki ang mata mo at agad mong pinatay ang gripo. Tumungo ka lang at hindi mo na siya nilingon ulit. Nag focus ka nalang sa paghuhugas pero hindi mo pa din talaga mapigilang mapangiti.
Matapos mo mag hugas ay kinuha mo yung tray na may mga plano at dumaan ka sa kabilang gilid ng cottage niyo para makisilay uli. Pasimple ka namang tumingin sa may kabilang cottage para tingnan kung ano ang ginagawa nila.
Nakita mo naman na nag iihaw sila ng bangus at liempo, tapos yung iba sa kanila ay nagluluto at nag hahain. 
“Chenle! Tara dito paypayan mo nga to” tawag nung poging lalaking naka white na tshirt na may mint hoodie na nakatali sa balikat. Ano daw yung pangalan? Chenle?
Lumapit naman yung lalaking kumausap sayo kanina at pinaypayan yung inihaw, nabigla ka naman ng bigla nitong hinablot pataas ang damit at pinunas ito sa mukha niya. At parang dinaig mo pa ang mga agila sa talas at linaw ng mata mo dahil kitang kita mo ang 6 packs abs niya. Pati bawat tulo ng pawis kita mo 
LORD ANO TO PAGSUBOK BA TO
Agad ka namang umiwas ng tingin at naglakad na papasok sa loob ng cottage niyo. Agad mong nilagay sa lamesa yung mga pinggan at umupo ka sa tapat ng electric fan. Sa hindi malamang ‘dahilan’ ay biglang naging mainit bigla ang pakiramdam mo. 
At dahil nga tulog ang pinsan mong magaling wala kang mapag kwekwentuhan at napag lalabasan ng kilig kaya naman kinuha mo cellphone mo at tumawag sa mga tropa mo. kinuwento mo sa kanila na mayroong gwapo sa may kabilang cottage. 
“MARE ISANG BUONG MAG TROPA SILANG GWAPO”
“De nung una nakita naman sila sa may entrance, shuta ang pogi na shock ako”
“Sana sumama kayo edi sana nakita niyo din ang blessin-” naputol ang pag chichikahan mo sa phone when you noticed someone walking towards sa cottage niyo. 
huy hala bakit siya papunta dito?! Teka lord!?! Agad ka namang umayos sa pagkakaupo mo at nagtago ka ng kaunti para pagmasdan yung papalapit. 
“Uhh hello?” Tawag nung lalaki nang makarating ito sa cottage niyo, at kabang kaba mo namang binati ito. 
“Hi? May kailangan ka ba?” You shyly said while avoiding his gaze, 
“Eto, baka gusto niyo we bought too many eh” he said at may inabot siyang dalawang watermelons. huh, di ko napansin na may bitbit pala siyang pakwan.
“Ay hala salamat, mukha ngang madami kayong dala” sabi mo at kinuha yung dala niyang pakwan. Agad mo naman tong nilagay sa la mesa at binalikan yung lalaking nag dala ng pakwan. 
“Salamat uli hehehe” ANG LANDI
“No prob. Ah, Chenle nga pala” sabi ni Chenle at ngumiti
Lord, I do
Matapos ang magpakilala sa isa’t isa ay nalaman mo na taga maynila sila at nagbabakasyon lang sila dito sa lugar niyo. Habang nag kwekwentuhan kayo ay nililibot niyo na din yung resort, since bago nga lang si chenle sa lugar nato. 
“Ohh so basketball player ka?” Tanong mo kay Chenle na may hawak na ng bola, nasa court kayo ngayon. Dito mo sila nakita kanina nung naghuhugas ka ng pinggan. 
“Yeah” sagot nito at nag shoot ng bola, pinanood mo lang siya maglaro sa may gilid. lumapit siya sayo bigla at binigay ang bola sayo. 
“Try mo” sabi nito, gagi di ako marunong.
“Hindi ako marunong” sagot mo, at binalik sa kanya ang bola. Imbis na kuhunanin ang bola ay hinawakan ni chenle ang braso mo
“Tara turuan kita, ganito lang yan” sabi niyo at pumwesto sa likod mo habang hawak ang dalawang braso mo. TEKA TSANSING TO AH
Inangat ni chenle ang mga braso mo para iguide ka mag shoot. Halos di mo na marinig ang mga sinasabi ni chenle dahil mas naririnig mo ang kabog ng puso mo. 
“ayan tas ishoot mo” sambit nito at ginawa mo naman, muntikan na di pumasok pero hey na shoot mo! Nag apir kayong dalawa and you earned a smile from him. 
“Galing ah, pwede na” pag bibiro nito
“Baliw hindi, ikaw nga yung magaling eh. Parangap mo ba mag laro for uaap?” 
“Hmm oo pero mas maganda pa din if makakapasok ako ng nba” he said with a shy tone, napangiti ka naman dahil bigla itong nahiya
“Makakapasok ka!” Sabi mo sakanya, mas lalo namang lumapad ang ngiti ni Chenle.
“Desisyon ka?” Natatawang sabi nito
“Oo bakit” you said and crossed your arms. Pareha naman kayong natawa ni Chenle sa pag uusap niyo. Ang sarap kabonding at kausap ni Chenle dahil chill lang to at nakikiride sa lahat ng bagay. 
“Oh sige basta aattend ka pag may laro ako ah” dagdag ni chenle. 
“Oo naman. Kahit ako pa tiga abot ng gatorade at taga punas ng pawis mo eh” pabiro mong sabi
“Abagan ko yan ah” sabi nito habang natatawa sa sinabi mo. nako masyado kang masaya sakin.
“LELE!” nagulat ka naman ng may biglang sumigaw sa may likod mo, may matangkad na lalaki na papunta sa direksyon niyo.
Nagtama naman ang mata niyo at agad namang umiwas yung lalaki. Agad tong pumunta sa tabi ni chenle. 
“Ah! Si Jisung nga pala kaibigan ko” pagpapakilala ni chenle sa kaibigan nito. Infairness gwapo din at sobrang tangkad parang model
pero chenle pa din hehe
“Hi! Nice to meet you” masaya mong bati sakanya pero he only gave you a “hello” with a small smile.
“Sa una lang yan mahiyain to, dadaldalin ka na din nito mamaya” sabi ni chenle at hinamapas naman siya ni Jisung sa braso. 
Muli naman kayong nag libot sa resort dahil gusto din daw ni jisung mag explore. Wala din naman masyadong makikita sa resort dahil hindi din naman ito ganun kalaki, habang kumakain kayo ng scramble ay nag aya na sila mag swimming. 
“Tara sama ka na samin” eventually naging comfortable si Jisung sayo kaya naman inaya ka nito sumama mag swimming sakanila. 
“Ahh sige pero balik muna amo sa cottage namin baka hinahanap na ako eh, see you nalang mamaya” 
You declined the offer kasi una sa lahat kailangan mong mag palit sa cute mong pang swimming tsaka para gisingin ang pinsan mong mahimbing ang tulog. 
Chenle pats your head bigla at bumulong ng “see you later” tapos umalis na din sila ni jisung.
Kinikilig kang bumalik sa cottage niyo at nakita mo naman na gising na ang pinsan mo. Nakadungaw ito sa labas at pinagmamasdan ang mga pogi sa katabing cottage na nag vivideoke ngayon
“Hoy gaga gising ka na pala” sabi mo at kinuha ang bag sa gilid para mag palit. Inaya mo ang pinsan mo na mag palit na din para makapag swimming na
After mag palit ay umupo muna kayo sa may gilid ng pool dahil medyo malamig ang tubig kaya di muna kayo lulusong.
Nakita mo naman sa kabilang gilid ng pool si chenle at isa niya pang kaibigan. Nakatingin sila sa inyo at nag nagkwekwentuhan 
“Hoy alam mo ba binigyan nila tayo ng pakwan kanina” you remembered. 
“Ohh? Kailann?” 
“Nung tanghali, masyado daw madami silang dala kaya namigay sila” 
Matapos ang ilang oras ng kwentuhan at onting basaan ay nag cr muna kayo tapos mag swiswiming na kayo. Pag labas niyo ng cr ay agad niyong nakasalubong si chenle at yung isa niyang kaibigan.
“Hi!” bati sainyo nung lalaking naka itim, nakita mo siya kanina nung nadaan mo sila habang nag iihaw
“Hello!” Bati mo naman pabalik
“Haechan nga pala, tas eto si Chenle kaibigan ko. Kami yung naka pwesto sa kabilang cottage niyo” i know pero hehehe ano meron?
“Ahh oo nga, nakita ko kayo kanina hehehe” sagot mo uli kasi mukhang na tameme yung pinsan mo. 
“Baka gusto niyo dumaan sa cottage namin saglit? Madami pa kaming pakwan. Baka gusto niyo ulit?” Biglang aya ni Chele sa inyo. Nakaramdam ka naman ng kilig ng nag tama ang mata niyo. Sandali mong tingnan ang pinsan mo, telepathically mong tinatanong kung sasama ba kayo sakanila
“Sure sige lang, tara” 
Pagkadating niyo sa cottage ay inabutan kayo ng pakwan na nasa plastic cups at nagkwentuhan saglit. Habang nanguya ka sa pakwan mo ay mayroong kumalabit sayo.
“Psst, tara swimming” napalingon ka naman at nakita mo si Chenle at Jisung na handa na tumalon sa pool. Agad mong inubos ang kinakain mo at iniwan ang pinsan mo nakikipag landian pa kay haechan. 
“Ano tara slide tayo” pag hahamon mo sa dalawa, umakyat naman kayo sa may taas para maka slide. Paupo ka na sa slide nang pinigilan ka ng chenle
“Ako muna mag slide para may sasalo sayo sa baba, baka malunod ka” sabi nito at agad na umupo sa slide, sumigaw muna ito at nag slide na pababa.
DI NA AKO MARUNONG LUMANGOY BIGLA
Napalingon ka naman kay Jisung na nasa likod mo, so sinong mauuna sainyo? Tumawa ito at mahina kang tinulak paupo sa slide.
“Ikaw na muna, ready na yung tiga salo mo sa baba oh” pang aasar niyo at tinuro si Chenle na naka abang sa baba ng slide.
You felt adrenaline rush as soon as you pushed your body sa slide, dahil medyo malakas ang pag kakatulak mo sa sarili mo ay ang babilis mo sa pag slide. Ipinikit mo ang mata mo at ilang sandali pa ay naramdaman mo ang pagbagsak mo sa tubig. 
Agad ka naman nakaramdam may sumalo sayo dahil may nakahawak sa bewang mo para di ka malunod. instinctively, you wrapped your arms sa leeg ni chenle to steady yourself. Pag bukas ng mata mo ay nakita mo na sorang lapit ng mukha niyo ni chenle, your noses almost touching.
“Caught you” Chenle said while looking at you. Ilang segundo kayong nagtitigan ng biglang kayong makarinig ng sigaw mula sa sigaw. 
“HOY TUMABI KAYO!!” sigaw ni Jisung at nag slide pababa. Agad naman kayong umalis ni chele sa may baba ng pool at dinala ka sa may gilid ng pool. binuhat ka naman ni chenle para maka upo ka sa gilid ng pool habang siya ay nasa harap mo nasa tubig pa din
“ang saya mag slide! Isa pa!” Sabi ni Jisung habang lumalangoy papunta sa inyo. 
Matapos yun ay nakailang ulit kayo at ilang ulit ka ding sinalo ni Chenle. Meron pa nga sabay kayong nag slide, nakaupo ka sa pagitan ng hita ni Chenle. mo pero napagalitan kayo ng guard dahil baka daw malunod kayo. okay lang kuya, kaya naman ako saluhin ni Chenle.
Nabagot naman sa inyo si Jisung dahil ang third wheel niya daw, kaya naman inaya niyo na ang iba na mag swimming na din. Tamang tama ay may tumutugtog at nag peperform na. 
Agad kayong pumunta para manood, kayo nila chenle ay nakaupo lang sa may gilid ng pool at yung iba pati yung  pinsan mo naman ay naka lusong sa pool. 
While jamming sa mga reggae songs na pinapatugtog ay nagkwekwentuhan kayo ni Chenle, hindi mo naman mapigilan makaramdam ng kilig dahil ramdam mo ang braso niya sa likod mo at tuwing may sasabihin siya ay inilalapit niya talaga ang mukha niya sayo dahil maingay kaya kailangan lumapit para marinig mo. 
“May boyfriend ka ba?” Bulong ni Chenle sayo, tila nabingi ka naman sa dahil sa tanong at biglang lumakas ang tibok ng puso mo
“Ha ano?” teh narinig mo naman shuta ka. natawa lang si Chenle sayo at umiling
“Wala, sabi ko ang ganda mo. Sobra” mulang bulong sayo ni chenle, agad ka namang namula at hinampas ang binata. 
Bago mo pa masagot si chenle ay narining mong tinatawag ka ng lola mo, you excused yourself kay chenle at pumunta pabalik sa cottage niyo. 
pauwi na kayo
Halata sa mukha mo ang disappointment dahil hindi pala kayo naka overnight ngayon. kung kailan naman may pogi at kalandian ako. hindi ka din nakaalis dahil tumulong ka sa pagliligpit. 
Nang matapos kayo ay tinawag ay hinanap mo ang pinsan mo para sabihin na uuwi na, nang makita mo to na umahon sa may kabilang pool kasama si haechan ay tinapunan mo ang pinsan mo nang mapang asar na ngiti. naka score si gaga
Dali dali kang bumalik sa pwesto niyo kanina pero nakita mo na sila Jisung nalang ang nandoon, tinanong mo siya kung nasaan si Chenle. 
“Baka nasa court” sagot nito. Nag thank you kay Jisung at agad na pumunta sa court. Nakita mo naman si Chenle na mag isang nag lalaro
“Uy, sorry natagalan ako kanina” sabi mo sa kanya at nilapitan mo siya. 
“Okay lang, napadaan ako kanina sa cottage niyo nakita kita nag aayos ng gamit” huh? Di ko siya nakita
“Uuwi na kayo? Oh catch!” Dagdag pa nito. wag mo na ipaalala huhu .nagulat ka naman ng biglang hinagis ni chenle ang bola sa direksyon mo buti nalang marunong kang sumalo. 
“Ah oo kaya nga hinanap kita para mag paalam” nahihiya mong sabi, sa totoo lang di ko alam kung bakit ka pa nagpapaalam pero felt like you just need to say goodbye kahit papano. 
“Nag enjoy ako, thanks for the company i guess?” Sabi nito at nilahad ang kamay niya. Walang ano ano ay tinanggap mo ang kamay ni Chenle
Chenle suddenly pulled you closer to him and placed a small kiss at your temples.
“See you soon” sabi pa nito at ginulo ang buhok mo. Natameme ka naman at nakatitig ka lang kay Chenle hanggang umalis na ito dahil tinawag na siya ni Jisung.
GAGO PARA SAAN YON?!
Unfortunately, nalimutan mong tanungin si chenle about sa socials niya. Bukod sa nahihiya ka ay mas busy kang kiligin at titigan siya para maitanong. Kaya naman umuwi kang nakasimangot. 
ipapa-hanap ko nalang siya sa mga kaibigan ko, magaling naman sila dun
Isinasaalang mo nalang sa universe ang kapalaran mo na makita siya uli, malay mo makita mo siya pag punta mo ng manila.
lord, pati ata feelings nasalo ko.
45 notes · View notes
kasingliitngsiomai · 8 months
Text
"USOG"
Kaninang morning nagyaya silang kumain sa labas, goto'ng batangas daw. Saktong gutom din ako kaya sumama ko. Masarap yung goto and maraming toppings. Open yung place, i mean walang bakod ganon. 😂
After kumain naramdaman ko yung paghilab ng tyan ko so inopen ko butones ng pants ko kasi baka kako busog lang ako hahaha! Nung nagyaya na silang bumalik sa office sunod sunod na paghilab ng tyan ko. Pagbaba ko sa motor dumiretso ako sa cr, kaso di naman ako najebs. Sa labas may upuan, sabi ko sa kasama ko wag syang aalis kasi hihiga ako at di ko na kako kaya yung sakit ng tyan ko tapos pinagpapawisan na ko ng malala. Kinapa nya yung tenga ko tapos sabi nya "gago nausog ka yata".
"Gusto mo bumalik tayo sa kinainan natin magpapindot ka?"
Tangina halfday akong di mapakinabangan kanina, naghanap pa sila ng dahon ng malunggay para daw ihampas sakin. Yung isa bumili ng gamot sa tyan, nandyang pinapainom ako ng maligamgam na tubig tsaka gatorade kasi namumutla na daw ako.
Ang ending bumalik kami sa kinainan namin para magpapindot, ganon daw yon. Sabi nung tindera "pasensya kana, minsan hindi naman sinasadya yon. Natitigan kita kanina at nag iisa kang babae, kasigla mo kasing tawa ng tawa hindi ko naman alam na mauusog ka"
So ayon, after lunch okay na pakiramdam ko kaso di na ko naka-kain ng lunch. Kung di talaga mababait mga kasama ko baka mag isa kong namimilipit sa sakit ng tyan kanina 😂
3 notes · View notes
thebaronmunchausen · 1 year
Note
hello 👋 what is one thing na pinapahalagahan mo pero tingin mo tinitake for granted lang ng mga tao sa paligid mo?
sa totoo lang wala akong maisip. ang abstract. or nag o-overthink lang ako. hindi rin ako sociable na tao, dumadaan ang isang buong araw na ang nakakausap ko lang ay yung driver ng jeep kapag nagbabayad ako ng pamasahe o kaya yung tindera sa karinderya kaya napakaliit ng mga mga pagkakataon na ma-take for granted ako or ang mga bagay na pinapahalagahan ko.
may paniniwala ako na natural ang pagiging mabuti ng tao, at gumagawa lang ito ng mali kapag hinihingi ng pagkakataon. except mga marcos. hindi mga tao yun. dagdag mo na rin si inday sarah. may conscious effort ako na ingatan ang paniniwala na ito, umiiwas ako sa mga balita o impormasyon na hindi ko naman talaga kailangan o may posibilidad na ikagalit ko o kainisan. hindi naman talaga sa iwas. bawas lang. parang... isang panget na balita lang sa isang araw. at laging may appreciation sa mga pinaka payak na pagpapakita ng kabutihan. at ang kapalit, laging may ilan na pagsasamantalahan ito. ex hindi na magbabayad ng utang, hindi magbabalik ng gamit, minsan nga kahit simpleng pagsabi ng sorry wala na. kasi iniisip nila na mataas naman ang threshold ko sa mga ganitong bagay kaya akala nila ok lang.
kung tutuusin wala naman akong nakukuha dito. pero gusto kong isipin na binababa nito ang loob ko. gusto ko rin isipin na binibigyan ako nito ng palagay na loob sa mga bagay bagay. ex kaya kong lumabas ng dis oras ng gabi at maglakad kahit sa mga kalyeng wala masyadong ilaw kasi iniisip ko na mabuti ang mga tao dito kaya hindi sila gagawa ng masama sakin, tho debatable siguro kung saan ang punta ko. pero ang punto, hindi ako aligaga, at kung sakali mang may hindi magandang mangyayari, mas mahinahon akong makakapag-isip kung anong susunod na gagawin.
hindi ko na alam kung sinasagot ko pa ang TA mo o kung may saysay pa ang pinagsasabi ko dito. kung papaiksiin, pinapahalagahan ko kung ano mang kabutihan meron ako. kung magpagsamantala ang mga tao sa paligid, ex gobyerno, hindi dapat ito dahilan para maging mapagsamantala din.
10 notes · View notes
jdytolentino · 1 year
Text
new challenge
02/08/23
KINAKABAHAN AKO.
Kinakabahan ako kasi ang expected ko rito sa bagong work ko eh, fulltime non voice account ako. Yun pala blended account mapupunta sakin, since expected nila na galing ako ng calls na rin eh ganon na ko ka galing.
Minsan puro talaga tayo akala, naisip ko na lang nandiyan na yan eh tinaggap ko yung work so kailangan gawin ko. Para saan pa ang pag sagot sa interview na flexible ka sa kahit anong work. 2023 na ante, uulitin pa ba kailangan matuto tayo sa mga bagay na kinakatakutan natin at hindi pa natin nasusubukan gawin.
Excited na ko kasi mamaya pagpasok ko totoo na kahit paano ng totoong work sa corporate world. Ang layo na rin pala ng achievements ko from 2016 na tindera sa pandesalan, ngayon nasa international bpo industry na rin ako kung saan unti unti na panay linya na ko regarding sa mga financial.
CLAIMING SA FUTURE NA SA VA- REGARDING SA FINANCIAL OR NASA JP MORGAN COMPANY NA KO. GO SELF TIWALA LANG.
Ngayon kailang pahinga muna ko para di antukin mamaya pagpasok sa work at ngayon muna isipin ko na hindi rin ako worry sa future ng ibang tao nasa paligid ko.
ingat ka palagi self, laban lang ha palagi. malayo na, pero malayo pa. uusad tayo pataas.
4 notes · View notes
fujianvenator · 1 year
Text
GOD i love hayop ka i especially love the specific contrast shown between how nimfa n jerry treat the old lady na nagbebenta ng lumpia like. pareho naman silang (nimfa+jerry) mga mahirap e si nimfa gustong yumaman so she treats her fellow poor people with disdain kase sa isip nya balang araw yayaman din sya so she has no solidarity with them (until the end credits) e si jerry mabait lang talaga na tao hes making conversation pa with the tindera and AGH its just so nice.
3 notes · View notes
the-manunulat-in-me · 2 years
Text
Tumblr media
Oras na lang ang binibilang kasabay ng boto ng mga taong ilang dekada nang gutom at hangad lamang naman ay almusal sa umaga. Tumulo na ang pawis hanggang sa paa pero bahala na sa pananghalian, ang mahalaga ay makapag hapunan bago matapos ang gabi. Sandali lang.
Oras na lang ang binibilang kasabay ng boto ng mga taong nagtatanim ng galit kapag may mga utang sa kanilang hindi binayaran pero bulag ang mga mata sa listahan ng mga dapat nilang sinisingil. Sandali lang.
Oras na lang ang binibilang kasabay ng butil ng bigas sa lalagyan ng pamilya ng magsasakang kuba na ang likod sa pag-ani at umiiyak na ng dugo dahil kapalit ng binentang kalabaw ang uutangin sa kanilang bungo. Sandali lang kasi.
Oras na lang ang binibilang kasabay ng kabog ng mga dibdib ng mga bontanteng nilalamon na ng takot dahil sila mismo ang hahatulan, hindi na mapakali at halos masuka na sa kaba, ang tagal magbilang. Ang sabi ko, sandali.
Oras na lang naman ang binibilang para sa anim na taon ng bagong administrasyon, animnapu't dalawang buwan ng hindi sana pagtitiis, pagpatay, at pagkagutom. Umaasa na hindi na lamang mayayaman ang mabibigyan ng pekeng hustisya habang ang mahihirap ay didila sa sapatos ng mga taong ibinoto nila. Sandali, huwag kang magmadali.
Oras na lang ang bibilangin para sa mga kabataang magkayapos ang mga palad sa puspusang pagdarasal na sana ang susunod na uupo ay hindi garapal dahil ang kabaong ay mahal, at hindi ko gusto na sa kalsada lamang mamatay. Mga manggagawang piniling ipagpalit ang tatlong daang kita sa isang araw para makiisa sa makasaysayang pag-martsa sa ilalim ng mainit na araw.
Ang tsuper ng taxi. Ang tsuper ng jeep. Ang tindera sa palengke. Ang anak ng magbobote. Kasama ang hindi pa mga botante.
Ang ipinaglalaban ay kayo at sila. At ang karapatan ng mga taong bahaghari ang kulay ng puso, lalayag sakbit ang banderang nagsasabi na karapatdapat sila sa pantay na pagtrato. Para sa mga anak at mga magulang na butas na nga ang bulsa sa boluntaryong paggastos ay lampas labinlimang oras pang titindig para lang tamang tao ang makaupo. Naiintindihan ko na kung bakit ka nagmamadali.
Dahil ang kalaban ng bayan ay ang bayang hindi makapili, sumisigaw na ng saklolo ang Pilipinas sa kanilang gobyernong hindi makarinig. Mga bingi at bulag, mga magnanakaw na dapat sa kabila ng mga rehas yuyuko. Magiging kalawang ang lasa ng tubig at mabubulok ang ginto sa loob ng mga bakal, ngunit hindi kasama ang bansa naming minamahal.
Nandito na tayo.
Iluklok na sa puwesto. Tapusin na ang kaba at haka haka. Kinabukasan ko ang nakataya at ang sugal na ito ay para sa bansa. Magmadali at siguraduhing hindi kalalabanin ng konsensya mo ang kandidatong iyong pinili. Dahil mahirap magkamali sa panahon na pinapatay ang nagrereklamo at binabaon ang tumitindig.
Oras na lang ang bibilangin, Sandali ni Harlene Cambel
7 notes · View notes
nice2meetyouu · 1 year
Text
Nag-attend kami ng Doctors' Symposium sa Makati.
Sa kaklase ko, ang mga tanong eh "Saan ka nagpapractice, doc?" pero sa akin...
Hanggang dito...
"Doktor ka na?"
"Ilang taon ka na?"
...
Kahit noong clerk at noong intern ako sa ospital, kahit naka-white coat ako at may stethoscope sa leeg, hindi ma-process ng mga nakakaharap ko kung ano ako. "Doctor ka ba?" "Doctor ka na?" "Ambata mo naman." "Ilang taon ka na?"
Today, naka-business attire ako, pero ganu'n pa rin...
Madalas napagkakamalang "ate" ko 'yung sister ko na 18 years old (25 na ako).
Sabi ng tindera sa palengke, mukha raw akong high school.
Paano kaya magmukhang professional? LOL. Naka-heels pa ako today.
4 notes · View notes
future-of-features · 1 month
Text
Ang Pagtasa ng Pag-asa - 3/9/24
Nalimutan ko na kung kailan ako huling humawak ng lapis.
Nabura na sa utak ko ang malawak kong imahinasyon. Natusok ng matulis na tingga ang isip kong marupok. Naputol ang kahoy na minsa'y nagsilbing daan sa mga hindi pangkaraniwang sanaysay na noo'y nagmulat ng mga nakakabasa nito. Nawalan na ng sulat ang mga talatang pinilit buksan ang mga matang bulag.
Nalimutan ko na kung pa'no sumulat. At sa pagdaloy ng matagal na panahon, hindi ko na rin natasahan ang lapis kong nagsilbing tagagising ng mga natutulog.
Sa paglipas ng oras, nanatili akong tulala. Nag-iisip kung paano pa nga ba maibabalik ang dating Shakespeare at Rizal sa loob ng kaluluwa ko.
Naging mapurol na. Wala nang kwenta.
Tulad ng diyaryong nakalagay na lamang sa mga bangketa at hindi na binibili. Hindi na binabasa. Naghihintay na lamang ng mga tindera sa talipapa kung saan kukuha lamang upang maging lalagyan ng mga tinapa. O di kaya'y bibilhin ng mga estudyanteng kailangan para sa project nila.
Pero hindi para basahin...hindi para magmulat.
Natutuwa ang mga manunulat ng diyaryong "Ang Lapis" sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya na nagpapadali ng pagdadala ng mga balitang nangyayari sa mundong ginagalawan natin. Nagiging mas maayos na nga raw dahil sa "millennials," na nagpapakalat ng impormasyong dapat malaman ng lahat. Ngunit sa isang banda, nakakalungkot din pala.
Dati, makikita mo ang mga tao sa labas na nag-aabang ng balita sa mga pumasa sa board exam dahil nakalagay ito sa diyaryo. Naglalakihang mga papel kung saa'y tinitignan din nila ang maaaring pasukan ng trabaho. Mga komiks na nagbibigay aliw sa mga bata at pati rin sa mga feeling bata. Ang laman ng orbitwaryo kung saa'y makikita mo ang mga kilala ng mga kakilala mo. Mga tsismis tungkol sa mga artistang wala namang pakialam sa'yo. Mga nanalo sa ibang bansa sa basketball, volleyball, at iba pa. Mga numerong nanalo sa Lotto. At higit sa lahat, ang pangunahing balita na minsan nakakagulat at minsan nakakatindig balahibo.
Parang lapis nga ang diyaryo. Simula nung umusbong ang mga ballpen, hindi ka na muling gumamit pa nito, o di kaya'y madalang nalang. Pero alalahanin mo, dati'y iyan ang nagdala sa iyo kung ano bang kaya mong gawin ngayon. Tulad ng lapis, ang diyaryo rin ang siyang dahilan kung bakit ka naging manunulat ng diyaryo ng paaralan mo, isang bagay na kailanma'y hindi matatawaran ng modernong panahon.
Sabi nga ni Gat Jose Rizal, tayo ang pag-asa ng bayan. Kaya't sa pagsulat huwag kang mawawalan ng sipag, pagmamahal, at higit sa lahat, ang mulat mong isip. Marami pang hindi gising sa katotohanan. Sa giyera ng mundong walang katiyakan, tanging sandata mo ang lapis at diyaryo.
'Wag na 'wag mong kakalimutan kung paano magsulat.
Darating ang araw na lahat ay nakadukdok sa kanilang mga iskrin, ngunit maaalala mo na sa iyong mga balita ay babalik din sila.
Darating ang susunod na henerasyon, at ikaw ang inaasahan nila. Ang pahayagan mo. Ang lapis mo.
Ikaw ang magtatasa ng pag-asa.
0 notes
alyyy-12 · 2 months
Text
Ang Simbahan sa Pagitan ng Langit at Lupa: Paglalakbay sa Mapayapang Monasterio de Tarlac
Naging tradisyon na ng aming pamilya ang paglalakbay bilang paraan ng pagsasama-sama, lalo na ngayon na medyo nagkakahiwalay na kami dahil sa iba't ibang landas na gusto naming tahakin sa aming mga buhay, sinisiguro naming maglaan ng oras para sa aming pamilya kahit na minsan na lamang. Dahil dito, pinaplano namin na magkaroon ng kahit na maikling bakasyon upang mapanatili ang aming samahan kahit na madalang na lang. Isa sa mga hindi ko malilimutang alaala ng aming paglalakbay ay ang pagpunta namin sa isa sa mga pinakamagandang simbahan sa Pilipinas. Sa Monasterio de Tarlac.
Medyo may kalayuan ang aming pinagmulan sa Monasterio de Tarlac. Dalawang oras din ang aming ginugol ng nakaupo sa aming sasakyan hanggang sa makarating kami sa simbahan. Dahil ang Monasterio de Tarlac ay matatagpuan sa tuktok ng Mount Resurrection sa San Jose, Zambales, naging nakakahilo ang biyahe paakyat ng bundok. Ngunit gayunpaman, masasabi kong sulit ang tagal ng byahe sa kagandahang taglay ng Monasterio de Tarlac.
Tumblr media
Pagbaba pa lamang ng aming sasakyan, ramdam na ang pagkamapayapa ng lugar. Tahimik dito at maririnig ang huni ng mga ibon na hindi na namin nakasanayang marinig sa siyudad. Pinagbabawal ang pag-iingay rito bilang respeto sa Monasterio kaya naman magandang lugar ito kung nais mo ng tahimik na pahinga mula sa kaguluhan ng siyudad.
Tumblr media
Malaki ang simbahan dito, hindi rin matao. Ang sabi ng mga lokal dito, marami raw ang bumibisita sa Monasterio tuwing Semana Santa, ngunit sa karaniwang araw, hindi naman marami ang mga taong pumupunta at bumibisita rito. Payapa kaming nakapaglakad-lakad at nakaikot sa buong lugar dahil halos iilan lang ang mga kasabay naming pumunta rito. Tahimik na nagdadasal ang ilan sa loob ng simbahan habang maririnig ang malamlam na awitin ng mga ibon sa labas. Ang bawat sulok ng Monasterio ay puno ng kagandahan at katahimikan na animo'y hinihila ka patungo sa langit.
Sikat dito ang relic ng pinaniniwalaang parte ng totoong krus ni Hesus. Sa kasamaang palad, hindi namin ito napagmasdan ng mapunta kami rito. Maaari naman itong makita ng mga bibisita kung kanilang nanaisin sapagkat ito ay nasa simbahan lang din naman.
Tumblr media
Isa ring pinagkakaguluhan dito ay ang napakalaking estatwa ni Hesus na nakaharap sa napakagandang tanawin mula sa taas ng bundok. Maganda itong kuhanan ng litrato at talaga namang kamangha-mangha ang taas nitong umaabot ng 30 talampakan. Mahangin din sa parteng ito ng Monasterio at kitang-kita ang magandang tanawin ng siyudad mula rito. Marami akong nakuhang magagandang litrato sa parteng ito ng lugar at tiyak kong tatatak ito sa isip ko, pati na rin sa isip ng mga nagnanais bumisita rito. Kailangan niyo lamang maging handa mula sa masakit sa balat na init ng araw lalo na kung bandang tanghali kayo lilibot sa lugar.
Tumblr media
Kumpleto rin ang mga kailangan dito, maraming tindahan at nasubukan pa naming bumili ng ice cream dito bilang pampalamig sa mainit na tirik ng araw. Mura lang din naman ang mga kainan dito at maaari kang makapili mula sa maliliit na tindahan dito. Mayroon ding sari-sari store at mga nagtitinda ng handmade na alkansya sa tabi ng simbahan, kung saan bumili pa kami ng iba't ibang sukat. Nakabili kami ng anim na alkansya, at dalawa rito ay kasing laki ko pa. Masasabi kong matibay ang kanilang mga binebenta dahil hanggang ngayon nasa akin pa ang mga nabili naming souvenir mula roon. Mabait naman ang mga lokal na tindera rito, at kung nais mo, maaari mong tawaran ang kanilang mga produkto.
Tumblr media
Masasabi kong isang magandang destinasyon ang Monasterio de Tarlac. Talagang nakapagpahinga ang aming pamilya mula sa kaguluhan ng siyudad at mula sa mga stress na aming dala. Sa aming sandaling pagbisita sa lugar, panandaliang nawala ang mga problema ng bawat isa at nagkaroon ng katahimikan ang aming mga isipan. Tunay ngang kay gandang puntahan nito at nakakawala ng pagod ang kagandahang taglay ng lugar.
1 note · View note
thebizworld · 4 months
Text
UH Quiz Bee, palengke edition with San G | Unang Hirit
UH Quiz B goes to palengke! Mga tindero, tindera at mga kargador ng Pasay City Mall and Public Market ang magtatagisan ng talino! Ang kanilang galing, may ‘sukli’ na instant P3,000 at golden bayong na may lamang appliance. Hosted by the country’s top anchors and hosts, ‘Unang Hirit’ is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes