Tumgik
#spokenwords unspokenWords unspokenPoetry neverendinglove
psychotic-hazelnut ยท 8 years
Text
Kakalimutan na kita
Kakalimutan kita Lagi ko itong tatandaan Para rin ito sa ikabubuti ko, at ikabubuti mo na ren naman kakalimutan kita, at di na hahabulin pa diretso ang tingin, nakataas ang ulo, at pormal ang tindig
Pero hindi lang yon ang gagawin ko syempre, Iiwan na kita, gaya ng pag iwan mo sa akin, pero maraming salamat paren Napapaisip tuloy ako bigla kung paano tayo nagsimla kung pano ka naging mabuti, hanggang natapos nalang bigla
tanda mo pa ba nung binangga mo ko, napaka siga mo pa kase, pati naman hanggang ngayon Bumagsak mga gamit ko, at tinulungan mo ko Di pa tayo magkakilala non, pero unti unti rin yon nagbago Nagkakilala tayo, pero dapat pala di kita binigyan ng pagkakataon
dahil lang sa simpleng banggaan na iyon, nagkakilala tayo Dahil lang sa simpleng banggaan na yon, nabuo ang "TAYO" dahil lang sa simpleng banggaan na iyon, naparamdam mo sa akin, na sobrang saya ng mundo pero dahil lang din sa simpleng banggaan sa gawing doon binawi ka agad sa akin ng pagkakataon.
Kakalimutan na kita Ilang ulit ko na ba sinabi ang mga katagang yan kakalimutan na kita! oo, mahirap at masakit, pero gagawin ko yan kakalimutan kita! gagawin ko lahat para lang magawa ko yan kakalimutan kita kakalimutan kita kahit ang sakit sakit na kakalimutan kita, kahit na nakikita kita sa bawat sulok ng aking paningin kakalimutan kita, kahit na palagi ka paren anjan sa aking tabi kakalimutan kita, hindi dahil sa masama ka o dahil sa ayaw ko na kakalimutan kita para sa ikatathimik ng lahat kakalimutan kita, pero patuloy paren kitang mamahalin kakalimutan kita, para matahimik na ang iyong kaluluwa.
0 notes