Tumgik
#umaart
plasticuma · 2 years
Text
Tumblr media
RETURN_TO_THE_TRENCHES.png
10 notes · View notes
aequha · 3 months
Note
That new albedo smau you're cooking, um its giving
"Hindi ikaw si Celine, AND YOU WILL NEVER BE CELINE"🧍
"Celine is dead. Hindi na sya babalik Ely, pero hanggang ngayon umaarte ka pa rin na parang nandito sya" 🧍‍♀️
Eme HAHAHAHHAHAHAHA
I FORGOT ABOUT THAT MOVIE..thank u for giving me an idea 😘
1 note · View note
topherpadre07 · 6 months
Text
Umaarte na pala si darren espanto
0 notes
louvlyyfaith · 9 months
Text
Barcelona:A love Untold
Mia:Ely,I'm sorry Ely:Anong karapatan mo para pagharapin kami nung babaeng yun? Mia:Akala ko makakatulong sa'yo Ely:Sa'kin? Mia:Narinig ko kayo nang tatay mo Ely:Karga ko pamilya ko Mia.Labas ka na dun! Mia:Naisip ko lang it will help you move on Ely:Move on from what?! Mia:Move on from everything that's keeping you from moving on Ely:"Bakit? Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Alam mo ba kung ano mga pinagdaanan ko? Hindi. So Stop acting like you know my pain, stop acting like you own it. Na pwede mong sabihin saakin kung kelan ako mag momove on, kahit si Celine. Kahit si Celine na kasama ko sa lahat na alam ang lahat, hindi pinakialaman ang desisyon ko. Mia:Hindi ako si Celine! So stop comparing me to her! Ely:Tama. Hindi ikaw si Celine, and you will never be Celine! Mia:Celine is dead. Hindi na siya babalik Ely. Pero hanggang ngayon umaarte ka pa din na parang andito siya. Ely: Nandito siya! Dahil nandito siya turo sa puso " Mia:Kung nandiyan siya, nasan ako? Anong lugar naming mga gustong mag mahal sayo?!"
0 notes
dendenmazing · 2 years
Text
Di ko kinakaya gigil ko rito sa putanginang Pangako Sa'yo tangina netong mag inang tooooooo nako talaga tanginang Claudia at Lia yan di manlang marunong lumugar talaga puta ang sarap bigwasan ng mga pagmumukha tas sabay silang sabunutan tangina nyoooooo pasalamat kayo umaarte lang kayo kasi kung totoo yan nako talaga tangina susugod ako diyan at sainyo ko mailalabas lahat ng sama ng loob ko sa buhay ko putangina nyo
0 notes
riyanktechnologies · 3 years
Photo
Tumblr media
Happy Kali Chaudas 🪔 May this auspicious occasion mark an end to all the negativities and threats around you. #riyanktechnologies #kalichaudas #diwali #dhanteras #india #labhpancham #diwalifestival #bhaidooj #newyear #natural #bussiness #jalaramjayanti #vaghbaras #happylabhpancham #homedecor #advertisements #moderndesign #gurunanakjayanti #architect #umaart #eidemilad #children #ceramic #manufacturer #tile #vitrified #gujarat #rajkot #rajkotbusiness #rajkotadvertisement https://www.instagram.com/p/CVzvjHtrj3g/?utm_medium=tumblr
1 note · View note
postaresume · 4 years
Photo
Tumblr media
May the auspicious day of Labh Pancham bring to you good benefits & prosperity. ⠀ .⠀ #labhpancham #diwali #rajkot #newyear #manufacturer #homedecor #bussiness #umaart #rajkotbusiness #rajkotadvertisement #advertisements #moderndesign #architect #vitrified #tile #ceramic #natural #dhanteras #kalichaudas #diwalifestival #bhaidooj #jalaramjayanti #vaghbaras #eidemilad #gurunanakjayanti #happylabhpancham #india #children #gujarat #postaresume https://www.instagram.com/p/CHwtk9yMfgE/?igshid=4yvk7t686uyc
0 notes
galeriauma · 4 years
Photo
Tumblr media
#keeplifesimple #wallpaintings #hearth #lifestyle #artgallery #puertovallarta #umaart (en Galeria uma) https://www.instagram.com/p/CE_GHFYpoKM/?igshid=4lpovh997x0d
0 notes
Photo
Tumblr media
#suppon softshell #turtle #19thcentury #japanese #watercolor (12×15cm, wihtout frame) www.uma-art.com #artandbeautypromoter #umaart #artcollector #originalart #interiordesign #art #painting #canvas  #affordableart #wallart  #instaartcollector  #instaoriginalart #instainteriordesign #instaart #instabeauty #instapainting #instacanvas #instaartist #collector  #antiques #asianart #artwork #gallery #collecting #japanculture https://www.instagram.com/p/B_4lyUMhJXw/?igshid=91zby5kfqgsa
0 notes
marymons · 3 years
Text
Ang Hirap humarap sa Mga Tao Lalo nat Wala pa akong napapatunayan natatakot na ma husgahan at maliitin ngunit sa bahat Takot na aking Nararamdaman may Luha at Sakit na Pala akong Nararamdaman Ito na pala yung Tinatawag na depression Hindi Alam ng karamihan at Hindi na iintindihan ng karamihan natatakot ako na Baka umaarte lang ako natatakot na Mag Sabi sa Iba Ito Nararamdaman ko Oo Ito ako Ngayon Hindi ko mapigilan yung sarili ko na umiyak gabi gabi Hindi ko Alam Kung anong dahilan gulong Gulo Hindi ko mapaliwanag... sinasabi ko na lang Hindi ako to Ibalik mo na ka Kung Ano at Kung Sino Talaga ako Hindi Kasi ako yung tipong Nagagalit sa maliit na Bagay Hindi ako yung tipong Umiiyak na Walang dahilan minsan sinasabi ko na nababaliw na Ba ako? Minsan sinasabi ko na Na Ayaw ko na! suko na ko! Tama na! Pagod na ko! Nahihirapan na ko! Sa bawat Pag suko ko...Minsan sa pagsuko ko natauhan na ko! Alam Kong Walang akong mararating Kung Hindi ako babangon sa pagkakadapa ko Ang panginoon Hindi tayo susukuan hanggat Hindi ka nakakaalis sa Sakit, lungkot, Takot manamplataya ka! At Mag tiwala sa Kanya at Mag tiwala ka sa Magandang plano niya!
1 note · View note
ugh-tsumu · 3 years
Note
Te napaplastikan ako sayo sorry. Bait baitan masyado sorry
Sist wala naman akong sinabing mabait ako. For all you know, baka nga umaarte lang ako na mahal ko kayong lahat LOL
2 notes · View notes
francisczecil · 4 years
Text
Ah oo, kilala ko siya.
             Kilala mo ba si Lilia Cuntapay? Siya ay isang actress na kilala bilang “Queen of Philippine Horror Movies” dahil sa kanyang pagganap sa maraming mga horror movies tulad ng Shake, Rattle & Roll III (1991), Aswang (1992), Shake, Rattle & Roll IV (1992), Shake, Rattle & Roll V (1994), Bahay ni Lola 2 (2005), Sukob (20016), at marami pang iba. Karamihan ng papel niya sa mga ginampanang pelikula ay bilang isang aswang o multo. Bagaman siya ay gumanap sa maraming mga pelikula, hindi niya parin nakukuha ang pansin o recognition na nararapat sa kanya.
            Ang pelikulang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay, na dinerekta ni Antoinette Jadaone, ay isang Mockumentary o Mock Documentary na inilabas noong 2011. Ang Mockumentary ay tulad ng isang Dokumentaryo ngunit hindi totoo at gawa lamang upang manuya. Kahit na itong pelikula ay ginawa upang magpatawa, mayroon itong pinapakita na totoo sa ating mundo. Ito ay ang hirap ng mga aktor o mga aktress sa industriya na naghihintay ng kanilang oras na maging kilala, ang paghihirap at pagsisikap na kanilang ginagawa upang mapansin, at ang importansya ng isang gantimpala para sa kanila.
            Sa pelikulang Six Degrees, susundan natin ang buhay ni Lilia Cuntapay habang siya ay nagaabang para sa parating AFTAP Awards, dahil siya ay nominado bilang Best Supporting Actress. Noong una ko itong pinapanood, inakala ko na ito ay seryosong dokumentaryo lamang, ngunit sa buong pelikulang ito, mayroong mga eksena na biglang lilipat tayo sa imahinasyon ni Lilia Cuntapay, kung saan siya ay nagbibigay ng talumpati para sa kanyang AFTAP Award. Makikita natin na pinapanahon itong pelikula sa kasalukuyan dahil sa mga nangyayari sa paligid. Ngunit mayroong paputol putol na mga eksena, ang pagkakagawa sa pelikula ay chronological order o sunod-sunod.
            Mahusay ang paghatid ng suspense galing sa direktor, dahil sa pagasa at paghihintay natin sa kung ano man ang mangyayari na susunod para kay Lilia Cuntapay. Mayroong eksena kung saan si Lilia Cuntapay ay naghintay ng matagal para sa kanyang scene ngunit pinagpalit lamang siya para sa ibang aktress, makikita natin ang galing dito ni Direk Antoinette Jadaone kung saan di siyang takot na sirain ang mga inaasahan ng mga manonood. Tingin ko na ang eksenang ito ay isang foreshadowing ng direktor para sa mangyayari sa dulo ng pelikula.
            Sa buong pelikula, makikita natin ang conflict o sularinanin ni Lilia Cuntapay na siya ay hindi parin nabibigyang pansin o recognition kahit marami na siyang ginampanan sa iba’t ibang mga pelikula. Maraming mga eksena ng panayam mula sa iba’t ibang tao, artista at mga tao lamang sa kalye na nagsasabi na hindi kilala ang kanyang pangalan. Kailangan muna siyang ilarawan upang maalala ng mga tao kung sino siya. Mayroon din nangyari kung saan ay sinira ulit ng direktor ang ating inaasahan kung saan si Lilia Cuntapay ay masaya at nasasabik na marinig ang kanyang pangalan sa telebisyon ngunit hindi siya nabanggit. Makikita natin dito ang lungkot sa mukha ni Lilia Cuntapay.
            Kita natin ang galing ng Aktress na si Lilia Cuntapay dahil sa kanyang pagarte. Kitang kita natin ang tunay na emosyon sa kanyang mukha dahil sa tulong ng camera work. Ang simpleng pagiyak at pagtanggal ng microphone sa kanyang tenga ay nagbigay awa sa aking damdamin para sa kanya. Pati sa dulo ng palabas kung saan siya ay napatitig na lamang sa harap ng mga tao, pinapakita dito na parang nagblangko nalang ang kanyang isipan o kaya napaisip kung worth it ba ang mga pinagdaanan niya para lamang makatanggap ng award ng iba. Sa pagsalita, pisikal, at interaksyon ng mga ibang tao kay Lilia Cuntapay maiisip natin na siya ay simpleng tao lamang tulad natin. Tayo, na mayroon ring mga pangarap para sa ating buhay.
            Hindi lamang si Lilia ang magaling dito kundi pati rin ang kanyang mga kasama sa tahanan at ang kanyang mga kapitbahay. Ang mga kasama ni Lilia ay nakatulong sa pagpakita ng kanyang mga emosyon tulad ng kanyang lungkot at saya sa iba’t ibang mga nangyari. Nagpakita sila ng mga tunay na damdamin at hindi nagpahalata na sila lamang ay umaarte. Isa rin ito sa mga rason kung bakit inakala ko na tunay ang palabas na ito at hindi lamang isang mockumentary.
            Walang nagsasalaysay sa kwento kundi ang pagsalaysay ng pelikulang ito ay sa paraang pagtatanong ng ating direktor, hindi lamang kay Lilia, kundi sa iba’t ibang mga tao. Makikita natin ito sa 2nd point-of-view, dahil ang buong ito ay galing sa mata o kamera ng ating direktor.
            Sa isyung teknikal, mahusay ang camera work ng direktor dahil makikita natin, sa mga paglipat ng kamera at pag zoom in, ang mga damdamin ng mga karakter. Ang simpleng pagsunod sa reaksyon ni Lilia ay malaking tulong sa paghatid ng damdamin sa mga manonood. Ang lighting at sound effects na nagamit ay nakatuliong sa pagbigay ng hilaw o raw feeling sa mockumentary na ito. Ang paggamit ng voice over ay nakatulong upang hindi mainip ang mga manonood sa mga nangyayari.
            Dahil sa mga elemento na nabanggit ko sa itaas, Ang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay ay nanalo ng maraming mga parangal. Nanalo ang pelikula sa Best Screenplay, Best Editing, Audience Choice Award, at Special Jury Prize sa Cinema One Originals Digital Film Festival noong 2011, at nabigyan na rin ng pansin o recognition si Lilia Cuntapay matapos siyang ma parangalan bilang Best Actres. Nominado rin ang pelikula sa anim na magkakaibang kategorya sa 35th Gawad URIAN Awards. Nanalo ito Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, at tatlo pang gantimpala na nanggaling sa magkakaibang asosasyon na internasyonal: Udine Far East Film Festival, Neuchâtel International Fantastic Film Festival, at Busan International Film Festival. Nakuha ni Lilia Cuntapay at ng Six Degrees ang pansin o recognition na nararapat para sa kanila.
1 note · View note
euterpelassie · 4 years
Text
Takot ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung pano sabihin na kailangan ko na ng tulong. Hindi ko alam kung paano aaminin na mahina na ako. Hindi ko na kaya tanggapin lahat ng mga salitang naglulubog sa akin. Hindi ko na alam.
Ive been down lately. Im very anxious. Nahihirapan huminga sa gabi. Tulala. Umiiyak ng bigla. Sumisikip ang dibdib. Wala sa focus. Maraming iniisip. Sa dami nila hindi na sila umaalis. Palagi nilang sinasabi na mahina ako. Wala akong kwenta. Sana ibang tao nalng ako. Wala akong ginawang tama. Selfish ako sarili ko lang iniisip ko. Hindi ako marunong magsakripisyo.
Napapagod na ako isipin sila pero ayaw nilang umalis. Natatakot na ako sa kanila. Hinahabol nila ako hanggang sa pagtulog ko. Gusto kong umiyak sa takot pero di ko magawa dahil baka makita ng iba. Natatakot akong sabihan ng ibang tao na baliw ako. Baka umaarte lang ako. Na baka negative lang akong tao.
Natatakot sabihin dahil alam kong hindi nila maiintindihan. Alam kong hindi nila ako matatanggap. Alam ko ring hindi nila ako kaya magkaroon ng tulad ko.
Sa dami ng taong natulungan ko, ang sarili ko ngayon ang hindi ko maibangon. Ang hirap. Inuubos niya lahat sa akin. Ang katawan ko, ang isipan ko pati na mga luha ko.
Gusto ko na ng tulong.
😭😭😭
2 notes · View notes
tinykeenbox · 5 years
Text
The Panti Sisters, Open & Lola Igna (OlazoxMartinez)
The Panti Sisters
Nanguna sa takilya ang pelikulang The Panti Sisters na pinamatnugatan ni Jun Lana sa unang araw nito sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong taon. Pinagbidahan ito nina Paolo Ballesteros bilang si Gabriel Panti, Martin del Rosario bilang si Daniel Panti, at Christian Bables bilang si Samuel Panti, kasama ang mga beteranong artista sa industriyang pelikula na sina John Arcilla bilang si Don Emilio y Panti at Carmi Martin bilang si Nora Panti. Kilala si Jun Lana sa paggawa ng mga LGBTQ + -themed films katulad na lamang ng pelikulang ito, Ang Dalawang Mrs. Reyes, at Bakit Lahat ng Gwapo ay may Boyfriend? Ang director din na ito ang pinakabatang nagkamit ng Palanca Hall of Famer at nagwagi ng 11 Palanca Awards for Literature. Pinangalanang crowd favorite ang pelikulang ito na siya ring nagwagi ng the Audience Choice award, Best Production Design at napanalunan naman ni Martin del Rosario ang Best Actor. Ang masasabi namin sa pelikulang ito ay ito yung klase ng pelikulang Pilipino na karapat-dapat ialok at ipanood sa masang Pilipino. Bagaman may mga eksena sa pelikula na hindi kinakailangan ilagay o idagdag pa sapagka’t ito’y hindi na tumutugma o kaya nama’y hindi nakatutulong sa buong istorya ng kwento. Maraming nakakatuwa at mga linyang nakakapanlambot ng puso at nakakapagpasigla ng damdamin. Umusisa ito ng mga napakaraming isyu sa lipunan na talaga namang napapanahon at kailangan bigyan ng pansin gaya ng paglala o tumitinding diskriminasyon at pagkamuhi laban sa mga taong parte ng komunidad ng LGBT, na ang layunin lamang ay matanggap sila ng husto at mapakitunguhan ng nararapat na hindi na dapat pa nilang ipaglaban ang kanilang mga karapatan sapagka’t sila rin ay tao na dapat nirerespeto at tinitignan bilang kapantay lamang o katulad nating lahat. Tinalakay din sa istorya ng pelikula ang mga naging masamang epekto ng patriarchy na binigyan katauhan ni John Arcilla bilang si Don Emilo y Panti na kanilang ama. Mahusay ang kanilang mga pagganap at makikitaan ng postibong character development ang bawat pangunahing karakter. Sa huli ay nakamit ang inaasam na pagtanggap at respeto na kanilang matagal nang hiling mula sa kanilang ama na humantong sa napaka emosyonal o madamdaming pagresolba ng mga isyu sa istorya. Kahit na nahahawig man ito sa mga gawa ni Wenn V. Deramas ngunit makikitaan mo ito ng mas malawak at mas malalim na substance sa kabila ng mga nabanggit na konting deperensiya na aking nakita na maaari namang idebelop pa ng husto para sa mas magadang pagkukwento ng istorya sa pelikula. Hindi man ganoon kabibigat o kilala ang mga pangunahing artista, ang importante ay nabibigyan ng hustiya ang karakter na ginagampanan at buong husay na umaarte ang mga ito. Sana’y maunawaan at maintindihan ng mga tao ang kahalagahan ng pag-aanalisa, na ang pelikula ay hindi lamang para umaliw at manglibang ng isang tao, ito ay may pinahihiwatig kung hindi man para sa sariling katauhan, maaring ito ay nilalan sa lipunan na ating kinabibilangan.
Open
Ang pelikulang pinamagatang Open sa direksyon ni Andoy Ranay ay isa sa mga pelikulang kasapi sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na kung saan nagtatanghal ang iba’t ibang pelikula na obra ng mga mahuhusay na direktor sa larangan ng Indie Films. Ang producer ng pelikulang ito ay ang Black Sheep Productions. Kung saan pinasikat din ang mga pelikulang  “Alone Together”, “To Love Some Buddy” at ang "Exes Baggage". Ang Direktor ng pelikula na si Andoy Ranay ay walang putol na dinala ang screenplay na isinulat nina Wanggo Gallaga, Dwein Baltazar, at Katherine Labayen na batay sa kuwentong nabuo ni Wanggo. Si  Direktor Andoy ay marami na ring pelikulang ipinalabas katulad ng Diary ng Panget, Sosy Problems, When the Love is Gone, Trophy Wife, Talk Back and You’re Dead, Hopeless Romantic at sa  kasalukuyan ay ang Open.  Nagkakaroon ng pagdiriwang ang Philippine Cinema na kung saan iminumungkahi sa bawat istorya ng pelikula ang bawat karanasan, kultura, kaugalian ng bawat Piipino. Ito ay maaaring mapanood sa bawat sinehan sa buong Pilipinas sa loob ng isang linggo. Ang kaganapang ito ay proyekto ng Film Development Council of the Philippines sa pakikipagtulungan ng National Cinema Association of the Philippines na ang PPP ay lumikha ng isang kultura ng suporta mula sa mga tagapanood at kabilang din ang FDCP na  nagnanais  na ipagpatuloy ang tradisyong makisali ang mga Pilipino sa buong bansa na suportahan ang mga lokal na pelikula. Ang pelikulang ito ay naglalaman ng iba’t ibang damdamin na nakapaloob sa bawat karakter ng mga magigiting na aktor sa ating bansa sa panahon ngayon. Pakay ng pelikulang ito na maging bukas  ang  isipan ng bawat manonood sa malayang pakikipag relasyon. Ang palabas na OPEN ay talagang kakaiba at bago sa takilya dahil malawak ang konsepto at imahinasyon ng mga manunulat kumpara sa mga typikal na romantikong palabas kabilang pa ang mga magagaling na artista sa panahon ngayon na ipinamalas ang kanilang mga karakter sa kwento. Kabilang na rito ang bidang karakter ni Arci Munoz bilang si Rome. Ang karakter ni Rome ay nagpapahayag ng kasiyahan sa pakikipag relasyon sa loob ng labing apat na taon sa kaniyang nobyo na si Ethan. Sa pag oobserba ko sa karakter ni Rome,  masasabi ngang kampante siya  sa kanyang buhay kasama si Ethan. Masyadong focus and buhay ng dalaga sa pag iisip na pakasalan sya ng kanyang minamahal kahit minsa’y naiinip ng  maghintay ngunit patuloy pa rin na umaasa. Ang Karakter ng pangalawang bida ay walang iba kundi si Ethan ang nobyo ni Rome. Tunay ngang magkalayo ang pag uugali ng dalawang magka relasyon ngunit kahit pa maraming pagkakaiba ay nagtagal sila at umabot pa ng maraming taon ang kanila pagsasamahan. Mabalik tayo kay Ethan, maliban sa sya ay nobyo ng unang bida, masasabi ngang  sa karakter ni JC  Santos na talagang kagila gilalas ang kaniyang ipinakitang talento sa pag arte. Ang pag uugali ni Ethan base sa pelikula ay isang “Happy Go Lucky” man. Dito maipapakita ang pagiging kampante nya sa relasyon nila ni Rome. Kung saan sila ay live in sa loob ng ilang taon ngunit sila ay hindi kasal. Ipikikita ng karakter ni Ethan ang kawalang interes nya na pakasalan ang nobyo sa kadahilanang ito raw ay gastos lamang at hindi naman kailangan madaliin. Tunay ngang nauuso ang ganitong uri ng relasyon lalo na sa mga kabataan ngayon. Na mas iniisip na ipagpaliban muna ang pagpapakasal sa karelasyon dahil ito raw naman ay darating sa tamang panahon o kaya naman ay dahil gastos lang ang pagpapakasal. Marami na nga sa Pilipinas ang may ganitong uri ng kasunduan.  Ito na nga ay resulta ng kawalan ng kamalayan ng bawat tao sa lipunan kung ano ang itinuturo ng batas at bibliya ukol sa pagpapakasal. Masyadong komplikado ang ganitong uri ng set-up dahil  kayo ay mukhang ganap ng mag asawa dahil kayo ay nasa iisang tirahan ngunit ang mga napundar o pag aari ng iyong karelasyon ay hindi mo pwedeng angkinin. Ayon sa batas, ang bawat hindi legal na relasyon ay walang matatawag na conjugal property, kung ano man ang mga napundar nila ng magkasama ay pwede lamang nila itong paghatian sa pamamagitan ng paghahati sa actual contribution. Itinuturo naman ng ng bibliya na bago mo makasiping ang isang tao ay dapat mo muna itong pakasalan sa harap ng Diyos upang masabi na ikaw ay tapat at talagang sya ay mahal mo. Bilang respeto sa mga magulang ng babae at lalong lalo na sa mata ng Panginoon. Sa kasamaang palad ay hindi na nga nasusunod itong mga alituntunin ukol sa pagpapakasal dahil sa modernisasyon ng mundo. Katulad nina Ethan at Rome marami rin sa bansa ang may ganitong kalagayan ukol sa pakikipag relasyon, kaya’t matalino ang lumikha ang pelikula dahil marami sa manonood ang talagang naiugnay ang kalagayan ng dalawalang bida sa kaligayan ng kanilang buhay sa realidad. Ang kwentong ito ay hindi lamang nag popokus sa modernong pagsasama ng magka-relasyon, sapagkat sa kalagitnaan ng pelikula ay may gusto si Ethan na subukan nila ni Rome. Ito na nga ay ang Open -relationship. Masasabing sa pelikula, si Ethan ay nanlalamig na sa kaniyang nobyo marahil siguro ay matagal na rin silang nagsasama kaya hindi na iba si Rome sakaniya kaya dito nya naisipan na gawin nila ang bagay na hindi normal na ginagawa ng bawat magka relasyon. Ang open-relationship ay ang patuloy na pagiging relasyon sa iyong nobyo/nobya ngunit malaya ka ring makipagtalik ng sa iba’t ibang tao. Nakuha ni Ethan ang ideyang ito sa bestfriend nyang si Archie na si Vance Larena sa totoong buhay. Nagsimula ito ng Makita ni Ethan si Monique o si Ivana Alawi sa totoong buhay na nobya ni Archie sa pelikula, nahuli ni Ethan na si Monique ay may kahalikang babae sa baba ng isang condominium at pinagbibintangan na isa itong lesbian. Matapos ang pangyayaring iyon, Dali dali niyang kinita si Archie para sabihin ang nakita nyang nagbigay gulat sakaniya. Ngunit sa pagsambit pa lamang nya ng kanyang sinabi ay agad natawa ang kaniyang matalik na kaibigan. Dugtong ni Archie, “ Dude my girlfriend is not gay, she’s bisexual. She’s not cheating on me. We’re in a open relationship. Where she can entertain anyone she wants, me as well ” Agad namang ikinagulat ito ni Ethan. Dito na naging kaabang abang ang bawat parte ng pelikula. Dito na nagustuhang subukan ni Ethan ang ganitong uri ng set-up kaya naisip nyang gawin din nila to ni Rome marahil sa kadahilanang sya ay naaakit sa katrabaho nyang si Erika na si Ina Reymundo sa tunay na buhay. sinabi niya ito kay Rome at noong simula ay ayaw pa ng kanyang nobya na sumang  ayon sa kagustuhan nya ngunit  nakikita ni Rome na gusto talaga ni Ethan ang ideya ng open-relationship kaya’t sa huli ay pumayag na rin ito. Nararamdaman na ng dalaga ang  pagkawala ng gana ni Ethan sakanya at para na lamang masalba ang kanila relasyon, pumayag na siyang subukan ito. Mayroon kasunduan si Rome at Ethan ito ang makikipagtalik pero sa mga hindi lamang nila kakilala, walang pagmamahal na kasali, iisang beses lamang mangyayare sa iisang tao. Ngunit si Ethan ay binaliwala o hindi agad sinunod ang kanilang usapan nila ni Rome nakipagtalik agad siya sakanyang boss na si Erika at ilang beses nila itong ginawa. Samantalang si Rome ay sinubukan ding  gawin kaya’t nakipag kita siya at nakipag date  sa iba subalit hindi nya ito nagustuhan, hindi niya ito magawa dahil sa labis niyang pagmamahal kay Ethan. Noong nagkaron na siya ng lakas ng loob na makipag talik sa iba dahil sa lungkot na ipinararamdam ni Ethan pagkatapos non ay diring diri siya sa kanyang sarili. Noong sinabi ni Ethan kay Archie ang tungkol sa nangyayare sakanila ni Erika ay sinabihan agad ni Archie na itigil na dahil mayroon silang usapan at kasunduan ni Rome na hindi sila makikipag talik sakanilang kakilala ngunit hindi nakinig si Ethan. Ngunit ng tumagal, tunay ngang nanawa si Ethan kay Erika dahil hinahanap na nya ang pag aalaga na si Rome lang nakapag papadama. Tumangis ang pagsisisi ni Rome sa Ideya nyang pasukin ito. Kaya naisipan nyang ayain na ng kasal si Rome. Sa kasamaang palad ay tumanggi si Rome sa alok niyang ito. Nagkakaroon na rin si Rome ng duda sa kanilang relasyon kung maibabalik pa ba ito sa dati nilang pinagsamahan. Noong dumayo sila sa isang celebrasyon na andoon si Archie at Monique at nadulas si Archie sa sasasbihin at pinigilan ni Monique ngunit ang susunod na eksena ay galit na galit at makikita sa mata ni ni Rome ang kanyang sakit na nararamdaman kay Ethan. Sa huli ay nagsisi ng sobra si Ethan sakanyang ginawa.Si Rome ay nakipag hiwalay at ang pagtatapos ng pelikula’y punong puno ng aral sa bawat manonood na hindi angkop ang ganitong uri ng pakikipag relasyon para sa lahat, dahil alam naman nating ang relasyon ay para sa dalawang taong nag iibigan lamang. Ang pagibig dapat ay tapat, mabuti, matiisin, matiyaga at mapagpasensiya na dapat ibigay sa iisang tao lamang. Kaya ang pagiging bukas sa isang relasyon ay hindi para sa lahat ng magkasintahan dahil kayo’y dapat may parehong malawak na pagiisip at papang-unawa at higit sa lahat kagustuhan niyong dalawa na magpatuloy ito. Bilang na sa isang relasyon marami kang matututunan sa palabas na ito. Una, Ituturo sa'yo ng pelikula na 'to na hindi porket mahal na mahal ka ng isang tao ay may karapatan kang mag reklamo at humingi ng mga bagay na kulang sa'yo. Pangalawam hindi sagot ang pagsisinungaling at pag gawa ng masama para maging maayos kayo ng partner mo. Pangatlo, pahalagahan mo yung taong laging nandyan at laging gagawin lahat para hindi ka iwan simula sa una pa lang, at yung sasamahan kang gabayan tumanda sa mga gagawin mong tama at mali. Pang apat bago ka magloko, magsinungaling, magtago sa iyong kasintahan isipin mo muna kung ano ang kanyang mararamdaman ng iyong kasintahan, maari itong ikahiwalay niyo o hindi niya pag tanggap sayo at higit sa lahat matauhan siya sayo dahil sa ginawa mo sakanya. Kaya wag na wag kang gagawa ng mga bagay na pagsisihan mo sa huli at alam mong hindi niya magugustuhan dahil sinisira mo lamang ang inyong relasyon at ang tiwala niya sayo. Kailangan nating isaisip na ang bawat relasyon ay isang mabigat na “commitment” sa isang tao na pakareho mo. Dapat nating isipin palagi ang kalalabasan ng bawat desisyon at sa loob ng ating mga desisyon ay dapat na alam ng ating kapareho. Tayo ay nagiging iisa. Sapagkat gusto mong maging kapareho ang isang tao dahil gusto mo rin syang mapangasawa. Yun ang tunay nadepinisyon ng totoong pagibig. Ngunit darating din sa punto ng pag iibigan na ang isa ay mapapagod at magsasawang magbigay ng pagmamahal dahil sa mga pagkakamali at kung ano-anong mabigat na dahilan. Matuto tayo sumuko at mag pahinga. Hindi masamang bumitaw sa mga bagay na pinipigilan kang maging masaya. Mahalin mo ang iyong  sarili at mag simula ng bagong buhay na mayroong pag asa. Maging wais sa mga taong nagpapakita sayo ng admirasyon dahil hindi lahat ng tao ay may sinceridad sayo. Tunay nga na Malaki ang naiambag ng Open sa aking pag iisip na pwede kong magamit. Mga aral na pwede kong ibahagi sa iba at iaplay sa aking sarili upang maging wais sa pagpili ng taong gusto kong makapareha pagdating sa panahong ako’y handa na.
Lola Igna
Ang pelikulang Lola Igna ay isa sa mga ipinalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong taon. Ito ay pinamatnubayan at isnulat ni Eduardo Roy Jr. na siyang nanalo bilang best film at pinagbidahan ito nina Angie Ferro na siyang nagkamit ng best actress, bilang si Lola Igna, kasama nito sina Yves Flores bilang si Tim, Maria Isabel Lopez bilang si Nida at Meryll Soriano bilang si Ana, mga pangunahing karakter sa pelikula. Payak lamang ang pamumuhay ni lola igna at makikitang mag-isa sa buhay sapagkat siya lamang ang tila nakatira sa simple o pangkaraniwang kubo na iyon na malapit sa isang sakahang kaniyang pagmamay-ari ngunit kalaunan ay ipinakita na mayroon pala itong pamilya, apo na si Nida at kaniyang apo sa tuhod na si Bok na anak ni Nida at si Tim na anaka naman ni Ana. Nakakapukaw ng atensiyon na ito na lamang ang natitira niyang kamag-anak. Sa pagpapatuloy ng kwento, naipabatid sa mga manonood na ang karakter na si Lola Igna ay maaring makapagkamit ng titulo na "the oldest living grandmother in the world." Pinagkaguluhan at nagging sentro ng pansin si Lola Igna na kaniya namang hindi naiintindihan kung bakit nga ba, kung bakit bigla na lamang lahat ay nagbibigay pansin sa kaniya. Sa pag-usad ng istorya, natuklasan namin ang mga saloobin at tinitimping damdamin ni Lola Igna. Sa bawat araw na kaniyang itinatagal sa mundong ito ay lalo siya nahihirapan at nalulungkot. Ang mabuhay ng ganito kahaba o katagal ay maituturing na biyaya o grasya at isang malaking sumpa. Iniisip namin sa mga sandaling iyon na ayaw namin siyang pumanaw muna hindi dahil sa titulong maaari niyang makuha subalit sa kadahilanang minamahal siya sa kanilang baryo. Hindi siya mahirap mahalin o unawain ngunit alam naming sa aming mga sarili na kami ay nagiging makasarili dahil sa kahilingan naming iyon ngunit napagtanto naming sa aming mga sarili na dapat bang mamuhay ka para sa ibang tao? Kung ang gusto mo ay mamahinga na ng mapayapa, magpahinga sa lahat ng sakit na nadarama. Ilang kaibigan at mahal sa buhay na ang kaniyang nasaksihang binawian ng buhay at inilibing, ilang lamay na ang kaniyang pinuntahan, ilang beses pa ba siya makararamdam ng labis na kalungkutan? Kung ilalagay mo ang iyong sarili sa kaniyang katauhan, tunay na nanaisin na lamang na hilingin na sa diyos na ika’y kunin na at pagpahingahin sa pangungulila na kaniyang matagal ng nadarama. Nahihirapan man tanggapin ng kaniyang pamilya ang kaniyang kagustuhan, alam nilang hindi mahirap intindihin ang sitwasyon nito. bakit nga ba hindi na lamang kinuha iyong mga gusto nang mamahinga? Katulad ni Lola Igna. May mga dapat pa ba siyang gawin sa mundong ito kaya hindi pa siya hinahayaang mawala? Ang pinakahuling eksena sa pelikula ay talaga agaw-pansin at epektibong paraan upang magnilay-nilay o mag-isip ng mas malalalim upang unawain ang madamdamin at puno ng emosyon na ekspresyon ni Lola Igna. Siya lamang ay nakatitig sa mga manonood at walang sinasabi ngunit ang mga mata nito’y nangungusap o siyang nagsasalita at nagtatanong para sa kaniya. Hanggang kalian pa ba? Ito ang maaaring tanong niya.
2 notes · View notes
riyanktechnologies · 3 years
Photo
Tumblr media
Wish you all the success on this auspicious day of Labh Pancham. Happy Labh Pancham. #riyanktechnologies #labhpancham #diwali #newyear #happylabhpancham #dhanteras #india #bhaidooj #kalichaudas #bussiness #diwalifestival #gujarat #rajkot #homedecor #advertisements #natural #vaghbaras #architect #jalaramjayanti #gurunanakjayanti #moderndesign #manufacturer #umaart #eidemilad #children #ceramic #tile #vitrified #rajkotbusiness #rajkotadvertisement https://www.instagram.com/p/CWCbqJIKpLS/?utm_medium=tumblr
3 notes · View notes
acsayonara-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Pulp Project now on @teepublic! Check it out at my store Acsayonara Looks really good as a Tapestry! Other options for this print are on the way! . . . @pulpfansfiction @pulpfiction_insta @quentin.tarantino.art #illustration #adobeillustrator #adobe #miawallace #quintintarantino #tarantino #film #movieposter #mockup #pulpfiction #shirtdesigns #teepublicshirts #teepublic #teepublicartist #umathurman #umaart #fanart #vincentvega #royalewithcheese #fakeproduct #moviequotes #smoking #cigarette #cigarettead #advertising #create #realquintintarantinofanclub
0 notes