Tumgik
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
lost --wandering around
0 notes
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
REKOMENDASYON
Nais man naming irekomenda na palawakin ang kanilang espasyo, o kumuha ng mas malawak na pwestong hindi nalalayo sa kanilang lokasyon, sa tingin nami'y bukas naman ang kanilang mata sa problemang ito ng kanilang kainan. Kung aabisahan man namin sila, aming sasabihin na maglagay sila ng isteryo at disenyo, upang maging kaaliw-aliw ang paghihintay ng mga tao. Disenyong hindi marami, kundi disenyong katangi-tangi na makakapagsabing ito ay isang simbolo ng Gastronomeats. Sa kabuuan, kahit na maraming bagay ang dapat ayusin at paunlarin rito, may dahilan kung bakit ito'y kilalang kainan, lalo na ng mga magkakaibigan. Masasabi namin na batay sa aming karanasan, ang bagay na nagpapatatak sa Gastronomeats ay ang memorya na ang lugar na ito'y masasabing tahanan ng mga ala-ala at emosyong aming naramdaman habang kami'y magkakasama – isang tatak na mistulang ipinadala at ipinadama ng tatlong magkakaibigan na nagtatag ng nasabing kainan.
part 6 of 6
0 notes
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
Making something marvelous out of the discarded. 
0 notes
tropahang-ewan · 6 years
Note
Ang ganda po ng blog niyo and ang cool ng mga posts. Saan po ba yung Gastronomeats na yan?
thank you~ sa Los Baños 
ps. kilala talaga kita eh ;)
0 notes
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
PLACE REBYU
Hindi mapagkakaila na ang pangunahing layunin ng isang kainan ay tugunan ang pangangailangan ng ating tiyan. Hanap natin ay masasarap na pagkain ngunit kasabay nito ay marapat ring mabigyang kabusugan ang ating mga mata at kalagayan. 
Sa loob ng Gastronomeats, ang kapaligiran ay ordinaryo. Tulad ng wala itong malaking negatibong salik, wala rin itong nakakatawag-pansing elemento. Karamihan ng muwebles rito ay kahoy at wari'y nilalamon ng kasing kulay nitong sahig.  Pati ang kanilang bulletin board ay nagmistulang pintura na lamang, dahil sa mga matatamlay na papel na nakapaskil rito – masasabing, hindi na ito kaiba sa mga nakadikit na patalastas sa kabilang dingding nito. Pangkaraniwan man, ito ang nagbibigay sa lugar ng payak at klasikong pakiramdam na nakapagpapagaan ng kalooban ng mga pumupunta rito. Pagpatak ng pananghalian, dito na mapapansin ang butas ng nasabing lugar. Sa kabila ng magandang lokasyon nito, kakaunti pa rin ang kumakain rito. Hindi dahil sa ayaw nila, ngunit ito'y sapagkat kulang ang Gastronomeats sa akomodasyon. Noong araw na iyon, tatlong group ng tao ang nagbukas ng kanilang pinto, ngunit hindi tumuloy dahil puno na ang lugar. 
part 5 of 6
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
Chillin’ in UPLB
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
FOOD REBYU #3 : Gangnam Chicken
Ang Gangnam Chicken naman na isa sa mga sikat na handog ng Gastronomeats ay aking iminumungkahing magugustuhan ng mga taong mahilig sa mga maanghang na pagkain. Ang sarsa ay hango sa koreanong istilo at inihalo sa pritong manok na inihain kasama ang kanin at mais. Sa aking unang tikim, napansin ko na ang balat ng manok ay malutong at masarap sa panlasa. Ang sarsang ibinabad dito ay may katamtamang anghang na angkop sa lasa ng manok na inihain. Ang rami at lasa ng kanin ay akma sa ulam at kabuuang pagkain ngunit ang natatanging negatibong katangian na aming nalasahan ay patungkol sa tamis ng mais na hindi akma sa anghang ng ulam. Ang ₱95 na nagastos para sa pagkaing ito ay sulit sa aking panlasa dahil ang ulam at kanin na aming natikman ay masarap at maaaring balik-balikan. Sa kabuuan, ang lahat ng pagkaing natikman ay maaring makitaan ng positibo o negatibong rebyu ngunit ang lahat ng ito ay nakadepende pa rin sa iba’t ibang panlasa at kagustuhan ng bawat isa.
part 4 of 6
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
100 steps to forever  ❤ 
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
FOOD REBYU #2 : Gastroburger
Para sa mga taong sawa na sa kanin, angkop sa kanila ang Gastroburger ng Gastronomeats. Ito ay nakabase sa amerikanong istilo ng pagluluto ng burger. May malinamnam itong lasa at masasabi ko na isa ito sa pinakamasarap na burger na aming tinikman. Sa unang tingin ay siguradong magugutom ka na agad dahil sa maganda nitong disenyo at nakakatakam na aroma. Ito ay nagkakahalaga ng ₱90. Masasabing mahal ito kumpara sa mga burger na madalas nating nabibili, at may ibang mga nanghihinayang sa tuwing sila ay bibili ng burger mula sa nasabing kainan. Bagamat may kamahalan, siguradong hindi masasayang ang pera mo dahil mabigat ito sa tiyan. Ito ay mayroong bigat na kalahating kilo na nakaipit sa gitna ng dalawang tostadong tinapay.  
part 2 of 6
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
Full squad habang gumagala para sa grades 😂 
<insert photographer Aila here>
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Having milktea with the people I always love to see 😍 *cool rhyme right?*
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
Someone find this beautiful friend of mine a prince❤️ She is very kind and good with burning papers! Her art is literally 🔥
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
Idk what to put here so just read what’s in the pic 😂
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
A great artist having a great drink after exploring the beauty of UPLB 😂
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
FOOD REBYU #1 : Drowning Burger
Matapos ang paglalakbay sa ilalim ng araw ay oras ng tikman ang mga putaheng ipinagmamalaki ng Gastronomeats. Ang Drowning Burger ay isa sa mga pinaka-mabentang putaheng inihahain ng Gastronomeats. Bagamat "burger" ang tawag dito, ang pagkaing nabangit ay inihahain kasama ang mainit na kanin, isang patty, mais at sandamakmak na gravy. Ang ulam ay sariling gawa ng establishimento mula sa giniling na karne ng baka na pinagtagpi-tagpi. Malambot at malaki ngunit hindi nabigyan ng sapat na pampalasa ang patty na inihaing nalulunod sa gravy na mayroong kaunting alat. Ang kanin ay may karampatang dami at ang mais na kapansin-pansing pinatamis ay hindi bumagay o sumangayon sa lasa ng ulam. Ang ₱105 na nagastos ay masasabihing hindi sulit dahil sa kabuuan, pangkaraniwan o ordinaryo lang ang lasa ng putaheng ito. 
part 2 of 6
2 notes · View notes
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media
Feeling UP student na pagod na sa kakaaral 😂 👌🏼
1 note · View note
tropahang-ewan · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
LOKASYON
Matatagpuan ito sa 74 Lopez Avenue, Los Baños Laguna na sadyang itinayo ng mga may-ari nito na malapit sa UPLB. Ito ay isang madiskarteng estratehiya na ituon ang pokus, prayoridad o pansin patungo sa mga estudyante. Bukod dito, madunong din ang pagkakalugar nito sa tapat ng Centtro mall ng Los Baños. Maaaring pagkatapos mamili ng mga tao ay mapag-isipan nilang tumigil at kumain sa kainang ito na kailangan lang nilang tawirin. Ito rin ay di matatagpuan sa tagong sulok ng munisipalidad ng Los Baños. Madali itong mahanap at madalas nadadaanan ng mga tao o estudyante ng Unibersidad na kalapit nito. Ito ay nagbibigay mg maraming pagkakataon upang matagpuan o madiskubre ang nakatagong natatanging kainan na ito ng mga taong makakakita nito sa daan.
Ang establishimento na Gastronomeats ay napapalibutan ng marami pang iba’t-ibang kainan na naisip rin ang parehong diskarte na pagtatayo ng kainan malapit sa isang unibersidad. Sa dagat ng pagkarami-raming kainan na nakapalibot dito ay sobrang magkakatabi na ang iba. Nakakagulat nga na sa gitna ng dagat ng mga kainang ito sa isang daanan papunta sa Unibersidad ng Pilipinas, makikita natin ang kahanga-hangang kainan katulad ng Gastronomeats.
part 1 of 6
1 note · View note