This account is just made to express how much I admire that guy from afar. Can’t say it to him in person, so I’ll just dump it here.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
When you see him/her smile, your world stops in between the background noises and sceneries, and you see nothing but him/her. You two fight but never have you ever wish for that other’s demise. Aside from deep mutual understanding, respect and trust are there, and all of these wouldn’t be possible if a romantic relationship embodies no “friendship.” And another thing, when you love, you expose yourself to be hurt because you shouldn’t expect it to be reciprocated. In love, we don’t always win. We are not always the ones chosen. Striking a conversation with myself, I remember what Dostoevsky expressed, and that is, “Above all, do not lie to yourself.” Hence, in my thoughts, I am transparent and honest. In my mind, I hear the verses that my soul sings and those verses are about how my soul feels simply “happy” and “peaceful” with you. That’s it. When my soul feels loved, it’s not complicated, and when my soul feels “love,” it’s also not complicated. Sinasabi niya lang na “komportable ako sa taong toh, masaya ako sakanya, buo ako sakanya.” Bakit? Eh kasi ganon eh. Wala eh. Ganon eh. Sya yun eh. Nakilala ko siya, tas masaya ako, and yun na yon. I’m not good with words of affirmation. But when I love someone, I just know that I that love that someone and that’s it. Being happy, doesn’t only encompass the “joyful” emotions, but I can be happy with someone even if I hate that someone, even if I’m annoyed at that someone, even if I’m angry, and even if he’s not the “perfect” one. I am happy thus, I want to be with that person. And that’s how I know that I love someone. I am happy that I met you during the final years of my college journey, and I can say that without you, maybe this chapter of my life wouldn’t be complete. Thank you for making my soul feel happy, loved, and comfortable. Thank you for making me witness again a “friendship” that is true, that is sincere, whole, and genuine. Thank you for being you. And thank you for everything that you do for me. All the best to your milestones and endeavors!




0 notes
Text
Dearest Kirk,
Thank you for loving me not only because of the specific traits you see in me that you like, but for loving me even when you have nothing to write. I am always afraid for other people to see me “raw.” Each time I ask questions such as “Why me?” “Why do you love me?” “Why do you like me?” The constant answer that I receive is “because you’re this and that,” followed by cliché promises that I will just hear over and over again, to the point that I’ve memorized it and can recite some (if I will be sarcastic as of this moment) yet at the end of the day, they’ll all just be hollow, empty lies. Ilang beses na pumalakpak ang tenga ko sa mga mabubulaklak na salita. At ang puso ko’y muling mabibigo matapos umasa ng kaytagal. Walang mali sa pagsasabi ng kay raming mga kataga, ngunit simple lang ang aking hinihiling. Na sana ang sinasabi ay gawin. Is this too much to ask? No. This is just the bare minimum. In fact, this is within the scope of “common sense.” Yet most people, surprisingly, do not possess this basic skill! (GOOD LORD! 😅) Hence, I find it unfortunately, funny. However, having encountered what you’ve said that “you love me even when you have nothing to write,” you’re actually the first one who had said that to me. That you love me even when you see things that are unlikable in me. At times, I ask myself, will people still love me if they knew how stubborn I am? When I tell them my insecurities? When I show them my inner child? When they hear my ugly laugh? When they witness how I “curse?” When I suffer from my bipolar episodes? When I cry? When I’m sad? When I’m empty? When I have nothing else to give? When I’m stupid? When I’m not presentable? When I’m mad? When I’m odd? When I have no money? When I have not enough patience? When I’m silent? And when I have nothing else to brag about? If none, then who do I run to? Will there be someone whom I can trust? All I have is myself and myself alone. But if all I have is myself, is there someone who will love me just by “knowing” me, the totality of “me,” alone?? Would I still be shining and would I still hear the words I want to hear during the times I feel invisible, when I’m not at my best self? Kapag nagka-leche-leche ang lahat, sinong pipili sakin? Maaasahan ko ba ang mga kaibigan ko sa mga panahong iyon? Ipinagtanggol ko ang aking mga kaibigan sa mga panahong kailangan nila ako, subalit, bakit sa mga sitwasyon na kailangan ko ng kasama, ng magtatanggol sa akin, at ng maniniwala sa akin, bakit lagi akong nag-iisa? Bakit sa tuwing walang-wala ako at luhaan ako, bakit lagi akong nag-iisang inilalabas ang sarili ko sa mga ganong kasidhing sitwasyon? Kaya naisip ko, siguro sa mundong ito, walang tunay na kaibigan. Walang tunay na pagmamahal. Pero with you, I saw what “true” friendship is, kahit hindi naman kita seven years na kilala. That even when I have none, you’re there. When it comes in romantic relationships, there is one thing that I find crucial and that is “friendship.” Even when you two are partners or “more than friends,” “friendship” is a strong foundation for a romantic relationship to thrive. In friendship, you establish a connection between the two of you, you can be vulnerable, you can be eccentric, you can be funny, you can be serious, you can cry, you can be angry, and you can show that you care. Sa bawat tama ay sinusuportahan niyo ang bawat isa at sa pagkakamali ay pinagsasabihan niyo ang bawat isa, ngunit sa hirap at ginhawa, kayo ay magkasama. Hindi niyo kinokontrol ang bawat isa, dahil HINDI niyo pagmamay-ari ang bawat isa, kundi dahil kayong dalawa ay matalik na magkaibigan na NAG-IIBIGAN. You complete each other, your brain shuts off, and you lose grasp of the time, when you are with the other. You understand each other, you both know how to compromise, you work through disagreements, you venture each other’s interests, you have fun together, and you’re happy when the “other” is happy. The other’s happiness becomes your happiness. The other’s tears become your tears.










#dear diary#thoughts#diary#virtual diary#love#feelings#i love you#true love#in love#journal#my home#inspired#happy heart
4 notes
·
View notes
Text









Moodboard for the name ,,Ann Marie" ♡
(All images found on Pinterest)
186 notes
·
View notes
Text
Hangga’t tayo ay nag-iisip, hindi tayo kailanma’y magiging tunay na malaya. Ang kasiyahan, ay parati’y masusundan ng kalugmokan. Ang bawat pagkilos ay laging may kaakibat na takot, pagkamanhid, pag-aalala, pagmamadali, o kaba na kadalasa’y hindi mo maintindihan. Di ko na gaanong maapreciate yung life in general. Wala na akong excitement, dahil puro nalang takot. Puro nalang inis, galit, pagkairita, pagka-walang gana. Nakakalugmok na. Pero kung tatapusin ko lahat ng toh, worth it ba? Makakalaya ba ako? Anong mangyayari sakin? Tunay ba na kapag namatay ako, wala na akong mararamdaman? This is not because I desert life, but I just want to live so bad that I long to die. Ang ironic noh? Pero parang ganun ko sya maeexplain eh. Kung igigive-up ko toh lahat, final na ba yun? Anong makukuha ko? Makakalaya ba talaga ako sa lahat lahat? Pero parang ang bigat parin sakin, naiiyak parin talaga ako pag naiisip ko kasi ang dami kong mamimiss sa lifetime na toh. Pero at the same time, di rin naman ako natatakot mamatay. Dear universe, kung talagang oras ko na, wag mo na patagalin. Kuhanin mo na ako. I’m barely holding on. Parang hindi ko na kaya. Pasensya na. Ano po bang dapat kong gawin? Kailangan ko bang antayin na mawala lahat ng ito sa tamang panahon? May tamang panahon pa ba? O ang kasalukuyan ay ang bukod-tanging panahon na tama? Pag ba kinaya ko toh lahat at nawala toh, mas magiging malakas ba akong nilalang? Dapat bang pagpasalamatan ko yun, dahil yun ang magiging dahilan kung bat ako nandito sa sitwasyon ngayon? Pinagkaloob ba toh sa akin, dahil alam ng kung sino man na kakayanin ko toh? May dapat pa ba akong abangan sa buhay? Sa sarili ko? Ano pa ba? Ano pa ba… Aasa pa ba ako on what life has to offer for me? Or ititigil ko na ang lahat? Magbabago ba ang lahat ng pagtingin ko sa buhay, at gagaan ba muli ang lahat pag nag-graduate na ako? Sana naman oo, sana naman dun na matapos lahat ng karamdaman kong ito, wag naman itong magtagal masyado, dahil hindi ko yun kakayanin. Hayyy, kung mamamatay ako ngayon na, tatanggapin ko na agad. Hindi na ako natatakot mamatay, kung yun lang talaga ang magpapalaya sakin sa sitwasyon kong toh.
0 notes
Text
Walang title toh or anything. Katatapos ko lang mag-aral for midterms kaya wala na akong brain power para mag-ayos ng susulatin. Gusto ko pa naman sanang maging aesthetic or organized tong posts ko, pero wala e, nalungkot si anteh nyo. Anyways, that can wait. Kung ma-overcome ko na siguro lahat ng kabullshitan ko ei, baka mag back to aesthetic gurleh na tayo. Ginawa ko kasi talaga tong account na toh para lang mag kwento ng kilig moments ko sa taong gusto ko, pero titigil ko muna yun dahil ako’y marami biglang iniisip. Ngayon, nakahiga ako, may ilaw na medyo madilim, malamig ang simoy ng hangin, kasama ko yung aso ko na laging sumusunod sakin. Bat gising pako kahit pagod na ako kakaaral for midterms? Gusto ko na nga matulog kaso nyeta di ako pinapatulog ng isip ko. Haysss. Alam niyo, hindi na ako gumagaling. Habang patagal nang patagal, lumalala na tong mga karamdaman ko. Pero I’m proud of myself kasi, sobrang nababagalan ako sa oras nung January, para akong namamanhid na tinutusok sa bawat paghinga ko, pero I’m thankful na mag-a-April na ngayon, ibig sabihin, na survive ko ang January, Feb, and March! Kaya congrats self! Congrats for still being here, congrats kasi kinakaya mo pa rin kahit may mga times na parang gusto mo nalang matapos ang lahat. Minsan pag iniisip ko na parang gusto ko nalang tapusin ang lahat, nakakaluha rin pala, kasi marami rin akong mamimiss sa buhay pag ginawa ko yun eh. Mamimiss ko yung ganda ng night skies na lagi kong tinititigan tuwing malalim iniisip ko or pag sinusubukan kong maglakad-lakas sa labas sa gabi, mamimiss ko yung halakhakan namin ng mga kaibigan ko pag magkakasama kami, mamimiss ko sya (gets nyo na yun), mamimiss ko yung pamilya ko, mamimiss ko yung araw-araw may natututunan akong bago sa mundo, at higit sa lahat, mamimiss ko yung aso kong laging nakadikit sakin. Lahat ng pang-aasar ko sakanya, lahat ng mga road-trips kasama yung kapatid ko, lahat ng mga milestones na naabot ko na sa buhay bunga ng kasipagan ko, mga kantahan sa karaoke hanggang sa malasing, mga pag-rant kasama ang friends (at sya) pag nahirapan sa exam, kabilang na ang bawat pasko’t bagong taon, lahat yan mamimiss ko, aalalahanin at sisimutin ko hanggang sa mga huling sandali, huling oras, at segundo na nakakakaya ko pang maka-alala ng mga nagdaan. Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko, nagset ako ng long term goal, which is mag-graduate itong darating na June, at short term goals every end of the week, be it simpleng/biglaang gala with friends/family, etc.. para lang I have something to look forward every week, and para lang alam ko na kailangan kong kayanin at mabuhay sa bawat linggo, at sa bawat buwan dahil may kailangan akong gawin o may pangyayari na kailangang nandun ako. Pero kahit anong gawin ko, lugmok na lugmok pa rin ako. Nagiging makalimutin na ako. Ang ingay-ingay parin ng isip ko, ang bigat parin ng puso’t sikmura ko, nanlalamig mga batok at pawis ko. Para parin akong hinihila pababa, lalo sa tuwing paggising ko. Lumalala lang ako nang lumalala, at naiinis ako kasi pag nais kong sabihin kung ano ba talaga tong nararamdaman ko, di ko sya masabi nang maayos sa kung ano sya talaga kasi di ko pa rin sya maintindihan. Di ko pa rin maintindihan bakit para akong maloloka, para akong namamanhid, parang ang bagal bagal ng oras na para bang ako’y iniipit/sinasakal. Kakayanin ko pa ba hanggang June?? Matitiis ko pa ba?? Nahihirapan na ako. Hindi ko alam pano toh masosolusyunan dahil di ko rin alam isasagot ko pag kakamustahin ako. Feel ko mauubusan lang ng pasensya magiging kausap ko. Pero kung talaga bang isusuko ko na toh lahat, pero bat parang naiiyak pa rin ako? Bakit parang mahal ko pa rin yung buhay, kahit wala na akong pagpapahalaga rito? Posible bang mangyari yun? Kasi ako, easy answer nalang kung papipiliin ako ngayon san ako tutuloy, at sasabihin ko kagad ay “kamatayan.” Sapagkat para sakin, ang kamatayan ay mapagpalaya. Sa dami ng kabuktutan na ibinabato sa’yo ng buhay, ang kamatayan ay syang magpapalaya sa’tin at magliligtas sa atin mula sa bilangguan, na tinatawag ay ang ating “isip.”
0 notes
Text
For my dog, Cupcake:
Tsaka nga pala, para sa aking alagang aso na si Cupcake, ipahabol ko lang na mahal na mahal kita at napaka espesyal mo sa akin. Ikaw ang kaligayahan ko at dahilan ko sa pagpatuloy pa sa lahat-lahat. Biyaya ng maykapal ang pagdating mo sa aking buhay. 💜
0 notes
Text
Kamatayan 5 (continuation of Kamatayan 4)
Dahil baka doon, may pag-asa pa na maramdaman ko ulit kung ano yung nararamdaman ng “younger self” ko, yung puno ng pag-asa sa magandang bukas at panibagong mga mararanasan. Nakakatakot bang mamatay? Oo, alam kong takot ako dito, pero sa totoo lang, mas nakakatakot ang mabuhay at pagharap muli sa mga bagong karanasan na walang kasiguraduhan. Bawat maririnig mo’y iooverthink mo, bawat iniisip mo na kahit batid mong hindi naman totoo’y nakatitinik parin sa puso mo, at nakalalamig sa mga batok mo, at bawat boses, galing man sa sarili mo, sa ibang tao, o sa kapaligiran mismo, ay nakapagtitindi ng iyong kaba, hanggang sa mawawala ka nanaman sa kasalukuyan mong karanasan at maliligaw ka nanaman sa isip mong nagsisilbing bilangguan. May makakaintindi kaya sa akin? Panigurado pag kinuwento ko ito’y iisipin ng karamihan na ba ako’y OA lang, or nasisiraan na ng bait. Dapat bang manahimik nalang ako at hindi nalang ulit pansinin ito? Pero ang sikip-sikip na ng puso ko!! Pakiramdam ko, onting hinga ko pa’y aatakihin na ako. Mga ugat sa gilid ng ulo ko’y higit na tumitibok na pagmahanginan ay parang bang lolobo o sasabog. Ayoko na, pagod na pagod na ako. Ang sikip-sikip ng pakiramdam ko, nasasaktan na ako. Sobrang sakit na sakin ng lahat-lahat, gusto ko lang mamuhay ng masaya, parang awa niyo na, paano ba mawawala lahat ng toh!? Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, gusto kong manawagan na sagipin ako sa sitwasyong ito dahil ipit na ipit na ako, hingal na hingal na ako, ANG HIRAP!!! NASASAKTAN NA AKO NANG SOBRA-SOBRA. Alam kong marami ng siklo ng kalungkutan ang aking napagdaanan simula sa aking kamusmusan, at masasabi kong lahat ng ito’y nalampasan at kinaya ko. Being bullied sa pareho kong school, pagkamatay ni papa, at iba pang malalalang pagkabigo’t lihim kong mga pag-iyak at pagdududa sa sarili, ayan ang mga panahon na paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na “Ngayon lang yan, kaya natin toh Charlotte, laban lang, strong ka at napakarami mo ng napagdaanan, ngunit never ka nagpatibag, panibagong pagsubok lang yan, malalampasan at makakayanan mo rin naman yan. May bukas pa, wag kang mawalan ng pag-asa.” Pero iba pala pag ang lungkot na nararamdaman mo’y “pamamanhid” na. Mas nakawawalang-gana at nakababaliw pala. Akala ko mas mainam ang mamanhid kaysa sa malungkot, ngunit hindi pala. Mali ako. Ang lala pala nito. Nakakasakal. Nakalalamig. Nakakadidilim ng paningin. Nakakapanghina. Ngayo’y paulit-ulit ng sinasabi sa sarili na “kaya mo pa ba? pagod ka na ba? tigil ka na, para saan pa ba ang lahat? ano ba ako? ano bang role o pakay ko sa mundong ito? maging alikabok? maging anino? ano pa bang meron? kelan ba ako matatahimik? Siguro nga, ayoko na. Suko na ako. Gusto ko ng makalaya at matapos ang lahat.” Kay rami pang mga kwento ang gusto kong marinig at maibahagi, kay rami pang mga awit ang gusto kong masabayan, at kay rami pang mga ngiti ang gusto kong maibigay sa iba’t ibang taong may mabubuting kalooban, ngunit hindi ko na rin batid kung hanggang saan na lamang ang aking makakaya. Nais kong humingi ng pasensya sa sansinukob buhat ng nalalabuan na ako sa lahat-lahat. Wala na rin akong ideya kung ako’y makakatakas pa. Nais ko lamang ipaalam na minahal ko talaga ang buhay, at naging masaya ako. Dahil kung hindi ko to minahal, edi hindi ko iiyakan ang pagsusulat kong ito at mga ala-ala na pinagdaanan ko. Punong-puno pa rin ako ng pasasalamat sa lahat, sapagkat nagkaroon ako ng pagkakataong makaranas, makahinga, magmahal, makapag-aral, at mag-aruga. Lahat ng ito’y mahihiwagang mga karanasan at kakayahan na nag-uugat sa pag-ibig, kabutihan, liwanag, at kaminsanan ng buhay. Ang kasiyahan ay isang espesyal na pakiramdam na nararapat mong sulitin habang ito’y sayo’y nananahan. Ngunit ito’y marupok, madaling mawasak, at mahirap ng matagpuan pa sa oras na dumilim na ang lahat at mamanhid na ang iyong diwa. Lalo na sa mga panahong kamatayan na lamang ang nararamdaman mong tulay tungo sa tunay na kagalakan at kapayapaan.
0 notes
Text
Kamatayan 4
Ngunit ngayon, kung aking iisipin, anong mas masakit at nakalalagot ng hininga? Ang malunod sa tubig? O ang malunod sa mga iniisip at dinaramdam mo? Ang pag-aagaw-buhay sa tubig ay agarang mapupuksa sa pagkakataon na may maghila sa’yo palabas sa ganoong sitwasyon, ngunit ang pag-aagaw-buhay sa araw at sa gabi, sa magulo mong isip at mabigat na karamdaman ay tila ba’y walang hanggan, wala kang takas, na para bang kay dilim ng lahat, nadadama mo ang lahat, kay bagal ng panahon, na nagpupumilit ka nalang sa paghinga. PILIT ANG LAHAT. Pilit na mga ngiti, pilit na mga tawa, pilit na kasiyahan, pilit na paggawa ng mga gawain, pilit na pagbangon, pilit na pag-asa, at pilit na tinutuklas ang mga dahilan ng pagpatuloy sa agos ng buhay. Paano ko ba hihilain ang sarili ko palabas sa sitwasyong ito? Alam kong ako lang ang makakagawa nito dahil ika nga nila, isip KO toh. Pero paano? Wala akong kasagutan. Kung matutulog, ito’y panandalian lamang, at babalik nanaman ang lahat sa oras ng aking paggising, o pagbalik sa katotohanan. Pangalawang paraan ng pagkamatay, ay ang pagkasunog. Linawin ko lamang na wala akong karanasan nito. Ngunit batid ko na hindi biro ang sakit nito. Mabilis ngunit manggagalaiti sa bawat bahagi mo ang hapdi, init, kirot, at pagdurugo. Napakamasalimuot ng ganitong pagkamatay at sa katunayan, ay may hindi magandang konotasyon ito dahil naihahalintulad ang ganitong karanasan sa kaparusahan sa mundong ilalim. Kung ako’y mamamatay, hindi ko nais na maalala sa ganitong paraan. Hindi ko nais mapag-usapan sa kung paano ako nagtitiis sa aking mga huling hininga. Hangga’t maaari, ayokong makapag-iwan ng mapait na ala-ala sa mga taong mahalaga sakin, sapagkat isa sila sa mga dahilan kung bakit ako nakakangiti kahit saglit sa ilang mga sandali ng pamumuhay ko. Pangatlo, ang pagbigti. Isang napakasalimuot rin na paraan ng pagkamatay, ngunit lubos kong nauunawaan kung bakit. Tulad nila, kay rami ko na ring mga sinusubukang paraan upang makalaya sa bilangguan ng aking mga iniisip at karamdaman. Sa mga oras na para bang nauubusan ka na at nauubos ka na, minsan hindi mo ring maiiwasang maisip na paano kung tapusin ko nalang lahat ng ito. Sa mabilisang paraan. Hindi naman sa wala akong ginawa, hindi naman sa hindi ako nagpursigeng makaahon sa sitwasyon ko, sadyang nauubusan nalang talaga kasi ako. Sadyang napapagod lang talaga ako sa bilangguang ito. Sadyang hinihingal nalang talaga ako at para bang nalalabuan na akong makita ang liwanag, na dati’y pinaka-klaro at pinaka-sentro ng aking paningin. Mahirap humalakhak, magsalita, maglakad, matulog, at kumain kung wala ka ng nakikitang rason kung para saan pa lahat ng ito, kung sukong-suko at hirap na hirap ka na, kung wala ka ng maintindihan, at kung hindi mo na masabayan ang lahat. Sarili mong isip, tinatraydor ka, sarili mong pakiramdam, ginagago ka at pinapamuka sa’yo kung gano ka ka-walang kwenta. Minsan matatawa ka nalang eh, sa kung gaano ka kinasusuklaman ng sarili mo. Hindi naman ako ganito dati. Noon, ang alam ko lang ay wala akong pakealam, kikilos ako sa kung papaano ko nais, ngayon hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nagagalit lang ako, kasi bakit ako!? Saan nanggaling ang kidlat na kumuryente sa buong sistema ko’t iniwanan ako ng bakas ng pagkasiphayo’t kabiguan? Panghuli, ay ang tuluyang pagtulog. Minsan ay nag-iisip ako kung ano ba ang pinaka “painless” na paraan ng pagkamatay, or is there such a thing na “painless”? Ang pinaka unang dumadapo sa aking isipan ay mamatay sa pagtulog at hindi nalang magising. Yung habambuhay ka nalang mananaginip at inaasahan mong sana kung mabibilanggo ako sa panaginip, yoon ay sa masayang panaginip, na meron akong “peace of mind” at nasasaksihan kong matupad ang mga pangarap ko para sa pamilya at sarili ko. Kung ganoon siguro ang mangyari at kung papipiliin ako, doon ako sa kung saan ako matatahimik, kung kaya’t pipiliin ko nalang na sumama sa aking nakagagalak na panaginip.
0 notes
Text
Kamatayan 3
Minsan ako’y natutulala habang ako’y nasa itaas, at nakatingin sa baba (nakasakay ako nito sa eroplano). Sabi ko in exact words, “i’ve realized that death isn’t so bad at all.” Kung darating man ang oras na wala na akong maaalala at wala na akong agam-agam na hindi ko mapigilan, baka ayun na ang tunay na makapagbibigay sa akin ng ligaya, ng kagalakan, at higit sa lahat, ng “kapayapaan.” Ang dami kong pangarap sa buhay, ngunit sa pagtanda ko, napagtanto ko na “peace of mind” pala ang pinaka-inaasam-asam ko. Ito pala ang biyayang pinaka hindi matatawaran. Do i still want to die ‘cuz i want to live so bad? Sa tingin ko’y iba na ang pananaw ko. I long to die, hindi para sa susunod na habambuhay, but because of “death” itself. Ngunit paano ang aking pagtawa, ang pagiyak at pagpatak ng aking mga luha ngayon habang nagsusulat nito? Paano ang pagsikip ng aking lalamunan sa tuwing pagpigil ko ng aking hagulgol? Paano ang aking paglalakbay kasama ang mga mahal ko sa buhay? Paano ang alaga kong aso? Paano ang mga kaibigan ko? Paano ang mga dati kong pangarap? Paano ang mga taong naniniwala sa akin? Paano ang lahat? Paano na? Kung kaya’t ako’y napipigilan sa kagustuhan kong matahimik dahil habang ako’y humihinga pa, alam kong “mamimiss” ko rin lahat ng ito, lahat ng karanasan ko sa buhay, kung dumating man ang oras na onti-onti na akong mawawalan ng malay. Alam kong sa mga huling sandali ng hininga ko, hahanap-hanapin ko siya, at baka nga magsisi pa ako. Pero sobrang sakit na, ang hirap-hirap na. Araw gabi, lagi na akong pagod. TULOG nalang ang nakakapagligtas sa akin sa lahat ng ito. Hinihingal na ako sa panahon na para bang hindi ko na ito masabayan. Sobrang nabibigatan na ako na parang nahihila na ako pababa sa bawat pagbangon at paglakad ko. Hinang-hina na ako, na para akong nilalagnat. Puno ako ng takot at inis sa sarili ko. Ang masaklap pa rito’y hindi ko pa lubos na naiintindihan ang nagdudulot nito sa akin, pero grabe, pinapatay ako paonti-onti sa araw-araw. Ano bang ginawa ko to deserve this!? Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko ang buhay, ngunit bigla ko nalang naramdaman na ang buhay mismo ay parang sinusuka ako. Pinaramdam sa akin na napaka “insignificant” ko, na wala akong kahalagahan, na mas magiging malago ito kung wala ako. Ang sakit, ang sakit. Ano ba ang kamatayan? Isang misteryosong konsepto na hindi lubos na mauunawaan ng kahit sinong nabubuhay. Hindi ko man alam ang pakiramdam ng karanasang ito, ngunit batid ko ang iba’t-ibang paraan ng pagkamatay. Una ay ang paglunod. Ang pinakakinatatakutan ko. Ito ay dahil naranasan ko ng malunod noong ako’y hayskul pa lamang, ilang minuto rin akong hindi nakaahon sa tubig hanggang sa may sumagip sa akin ng hindi ko inaasahan. Tanda ko pa na habang nalulunod ako, pinipilit ko sumigaw ngunit walang boses na lumalabas. Pinipilit kong magpalutang, subalit lalo lamang akong bumibigat dala ng aking pagkataranta. Gustong-gusto kong mabuhay dahil marami pa akong mga pangarap at alam kong masyado pang maaga. Iba’t-ibang mga ala-ala ang nag-flashback sa akin sa mga oras na iyon. Simula pagkabata ko, ang paghabol ng mabilis na baka sa amin ng tatay ko habang nagmomotor kami, ang pagpunta namin ng pamilya ko noon sa enchanted kingdom, ang pagpuno ko ng mga clip sa buhok ng aking yaya na tinuturing kong second mother dahil sya’y bahagi na rin ng aming pamilya, ang pagiging pabibo ko sa recitation sa school, ang mga biruan namin ng mga kaibigan ko, at paghingi ko ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan, o pagkukulang. Ganun pala pag naghihingalo ka, lahat ng ala-ala at nakaraan, nagpaparamdam sa’yo. Tila ba “automatic” ang experience, na parang kang nanonood ng “post-credits” sa dulo ng pelikula ng buhay mo.
0 notes
Text
Kamatayan 2
Tunay nga na kapag nakulong ka sa mga bulong ng ‘yong isip, siya nang ‘yong pinaka-kahahadlukan at wala ng mas hihigit pa. Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos na maunawaan ang mga bumabagabag sakin, at sa tagal ng panahon ng aking pamumuhay dito sa mundo, batid ko sa sarili ko na kaya ko silang isantabi, kaya ko silang hindi pansinin, kaya ko silang hayaang magparamdam na hindi nakakadena ang kilos ko, ang pananaw ko sa buhay, ang tingin ko sa sarili ko, at ang pakikisalamuha ko sa ibang tao. Subalit sa mga kapanahunang ito, tila ba’y ako’y itinali ng aking isip sa isang madilim na kuweba, na parang wala akong ibang nasasaksihan kundi ang mga anino ng mga bagay na nakakasakit sa akin, na kahit san ako tumingin, pilitin ko mang magsalita’t huminga ng hangin, dama ko ang mga tinik na onti-onti pang mas humahapdi sa paglipas ng aking pakikipagbuno sa sansinukob kung san ako’y itinapon ng kung sino man. Sa aking kamusmusan, parati kong isinasambit na lagi kong pipiliin ang buhay. Kahit anong mangyari, ang makadanas at patuloy na makadanas ay aking nais na namnamin, at kung bibigyan man ako ng pagkakataon na mabiyayaan ng buhay sa susunod na habambuhay, siya’y aking tatanggapin ng walang pagdadalawang-isip. Takot akong mamatay, dahil baka hindi na ako makatawa, makaiyak, makayakap ng mga mahal ko sa buhay, makagawa ng mga bagay na nakakapagpaligaya sakin, makalakbay sa iba’t ibang pook, at madama ang paggalaw ng panahon. Laging ang bilis-bilis ng oras, sa tuwing bababa ang araw, lagi kong sinasabi sa aking isip na “ay bitin naman, de bale may bukas pa.” Odiba, puno ng galak sa kinabukasan, hindi makapag-antay sa mga bagong mararanasan. Pero Charlotte, iha, anong nangyari sa’yo? Nasaan na ang ganitong kagalakan? Nasaan na ang ganitong inspirasyon? Nasaan na ang ganitong gaan at pagiging bitin sa bawat araw na nagdaraan? Ang mabilis na oras, ay para bang bumagal. Ang bawat paghinga ay para bang bumigat, at humapdi pa nga. Ang isip ay lubos na kinatatakutan, sapagkat batid kong habang ako’y nabubuhay, patuloy ako nitong sasaktan at hindi ko ito matatakasan. Sa mga nakaraang linggo, hindi ko alam kung ano nagpapadilim at nagbibigay kakulangan sa aking paghangad ng mga karanasan, ngunit ngayo’y nababatid ko na ako’y nasasaktan. Nasasaktan ako. Pero hindi ko alam kung saan ako nasasaktan. Nakakagago. Dahil hindi ko maipaliwanag kung ano, bakit, at papano. Basta’t alam ko’y ako’y nasasaktan. Tinatanong ang sarili na may nangyari ba? May naranasan ba akong hindi matanggap-tanggap ng sistema ko? Dahil parang meron akong nakakalimutan, meron akong nakakaligtaan sa aking isip, ngunit tanda ng aking puso ang pakiramdam na siyang patuloy na nagpapahirap sa aking tapusin ang bawat pagdaan ng araw. Posible ba na ang matandaan mo lamang ay ang iyong naramdaman sa kung ano mang nangyari at hindi ang mismong pangyayari? Dumagdag ito sa poot ko sa sarili ko. Ang dating Charlotte na puno ng pagmamahal sa sarili, ngayon ay kanya ng kinasusuklaman. Wala na akong ibang naisip kundi puro mali ko at mga hindi ko gusto. Isingit ko lamang metaporang nais kong ipahayag. Alam niyo ba na kapag nahigop ka ng “black hole” sa outer space, ay maaaring maging “time” ang “space” at ang “space” ay “time?” Oo, alam kong mahirap isipin kung papaano, ngunit ito ay para bang sabay-sabay mong masasaksihan ang nakaraan, kasalukuyan, at kinabusakan, samantalang sa pagdagdag mo pa ng iyong mga galaw, ay madaragdagan ang iyong kalituhan sa kung saan o sino ka, sapagkat naiiwan ang bakas ng iyong mga sarili sa lahat ng iyong mga pinag-galawan, at ang mga iyong naiisip ay hindi masusunod ng iyong katawan. Ang dami kong sinabi, ngunit ang gusto ko lang ihalintulad dito’y ang mga pangarap ko’y naging takot, at ang mga takot ko’y naging pangarap ko. Ang pangarap kong makadanas pa, ngayon ay nais kong mahinto na. Hindi na ako takot mamatay, dahil naramdaman kong ito’y mapagpalaya mula sa aking malay na mas higit ko pang kinatatakutan.
0 notes
Text
Kamatayan 1
“Atleast nagawa ko lahat…” Alam kong hindi ito ang pinakamagandang entrada ng isang sulatin. Sulatin? Para kanino ko ba toh sinusulat? Kung laman lang naman ito ng aking pag-iisip, o aking tatawaging “agam-agam?” Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, napasulat talaga ako dito buhat ng ako’y hingal na hingal na. Saan? Sa buhay. Kamatayan? Tunay nga bang ito ang solusyon sa lahat ng di kaaya-aya nating karamdaman habang tayo’y nabuhuhay? Kung gayon, ay bakit takot na takot tayo rito? Dahil ba’t ito ay misteryoso? Isang bagay na di natin lubusang mauunawaan hangga’t di natin nararanasan, at isang bagay na di na maihahalintulad sa iba kapag nadanas ng isa. Ngunit inilahad ni Oscar Wilde na, “Death must be so beautiful. To lie in the soft brown earth, with the grasses waving above one's head, and listen to silence. To have no yesterday, and no tomorrow. To forget time, to forget life, to be at peace.” Dahil dito, napaisip ako, ano ba ang mas kaaya-aya? Ano ba ang mas kakayanin ko? Saan ba ako mas liligaya? Ang pagharap sa bawat hamon na ibinabato sa akin ng buhay? Ang paghanap ng tinatawag nilang “fulfillment” sa tuwing may mga bagay kang nakakamtan? O ang humimlay ng payapa, walang iniisip, walang hinahabol na hininga, walang sinasabayang daloy ng panahon, at maging malayang bahagi ng sansinukob na nagbibigay liwanag at kahulugan sa lahat ng di ko na maisa-isa pa. Hayaan niyo muna akong mag-kwento pansamantala. Sa totoo lang, gumising lang talaga ako bigla na para bang masyado kong nararamdaman lahat ng bagay, dumoble lahat ng sakit, ng lungkot, ng galit, ng irita, alam kong may mga nararamdaman ako, ngunit ang pinaka-higit na dumoble sa akin ay ang “kawalan” o “emptiness” sa Ingles, na para bang sinampal ako ng kamanhidan, na sa sobrang manhid ay nakahahapdi sa bawat sandali ng aking paghinga, ng aking pag-iisip, pagkilos, at paggawa. Habang patagal nang patagal, ang mundo’y para bang kumukulimlim, sumisikip, bumibigat, at nakalulunod. Nakakawala na ng gana, wala na akong gana sa hapagkainan, wala na akong gana sa mga bagay na dati’y nakapag-bibigay kagalakan sa akin, wala na akong ganang lumabas, wala na akong ganang makaranas, wala na akong ganang kumilos, wala na akong ganang humarap sa kahit kanino, wala na akong ganang lumakbay, wala na akong gana, wala na akong gana. Lagi ng walang gana. Di ko alam saan nanggagaling toh, di ko mawari ano ba ang pinanghuhugutan ko, napakalabong kawalan at kalungkutan, ngunit ang tanging batid ko’y wala akong kawala sa sitwasyon kong ito. Kung mayroon, ito ay malabo, hindi ko matagpuan. Biruin mo yon, sarili kong isip tinatraydor ako. Binibigyan ako ng mga problemang hindi naman totoo, at hindi naman nangyayari. Binibigyan ako ng sakit, ng galit, ng suklam, at lahat-lahat ng mga bagay na ikinasusuka ng sistema ko. Paano ako hindi magagalit? Paano ako hindi magwawala? Paano ako hindi maiinggit sa mga taong hindi binabagyo ng kanilang saloobin!? Nakakatawang isipin na ang tanging pahinga at kalayaan ko lamang ay pagtulog, at sa mga sandali na walang laman ang aking isip, ako’y nakababalik sa reyalidad, sa mga panahong ako’y nakakalimot mag-isip. Habang ako’y nabubuhay at nag-iisip, alam kong patuloy kong mararamdaman ang kamanhirang nakahahapdi’t nakalulunod sa aking kaluluwa. Kaya sa kasalukuya’y aking nang nauunawaan, kung bakit kay raming yumakap sa kamatayan, sapagkat dito lang nila mararamdaman na sa wakas, nagkaroon na rin ako ng kontrol sa mga bagay-bagay, na sa wakas matatahimik na rin akong tunay, na walang akong nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan, na hindi ako binibilangan ng oras, na hindi ako hinahapo sa mga pangyayari’t isipan ko. Totoo nga na we suffer more in our imagination, than reality. Sa mga pagkakataon na tayo’y nalulumbay, at batid natin ang dahilan, mas nakakaya natin at natutuklasan ang tamang solusyon, ngunit sa mga pagkakataon na tayo’y namamanhid o nalulungkot na di natin malaman ang dahilan, ng di natin maunawaan ang pinanggalingan, na bunga lamang ng pag-imbento ng ating isip, at agam-agam, ay ang hirap palang makawala’t makaahon. O kamatayan, tulungan mo ako.
#death thoughts#peace#inner peace#diary#dear diary#thoughts#virtual diary#letters#reminiscence#peaceofmind#born to die#freedom#life#life lessons#oscar wilde#life quotes#peaceful#a matter of life and death#reflection#philosophy#philosophizing#writing#healing journey
2 notes
·
View notes
Text
To the person I would choose in every lifetime:
Gazing at your eyes makes me feel like I’m counting the stars.
Your voice brings music to my ears and the words you speak sound like poetry.
Among all the smiles I’ve seen, yours is my favorite and your beauty makes me think of all the metaphors I would write up the skies.
Moments of silence with you is always so comforting.
Your presence feels like home, full of warmth and familiarity.
When you’re there, my mind goes blank yet still, I feel the safest.
The further I get to understand you, the more that I discern the version I want of me.
And that’s my most authentic self that blooms when I’m with you. 🥀🖤
~ WhimsicalParadies (11/03/23)
#poetry#original poem#poem#love poem#love letter: my true feelings#love#i love him#i love you#in love#dear diary#thoughts#virtual diary#diary#sentimental#selfless love#kilig#writing#my love#authentic self#true love#feelings#smile#beauty#art#literature#composition#original poetry#happy moments#fulfilled life#inspired
6 notes
·
View notes
Text
HAPPY BIRTHDAY SAYO CRUSH!! SANA MASARAP ULAM MO TODAYY AND ALWAYS REMEMBER NA YOU’RE LOVED AND SPECIAL!! (if alam mo lang na love kita HUHU) I HOPE YOU ENJOY YOUR DAY ESPECIALLY WITH YOUR FAMILY!! ♥️🥹 (09/08/23)
0 notes