Tumgik
will-u-marry-me-if-i · 11 years
Text
Kaya ayoko sa pusa eh
May pumapasok na pusa dito sa room namin sa dorm. At nung isang araw, may naaamoy kaming hindi maganda. Tapos nakita namin sa likod ng cabinet namin na may dumi nga ng pusa. Eh ang laki laki ng cabinet kaya hindi namin mausog para maalis. Kaya hanggang ngayon, nangangamoy pa din sya. YUCK! Kada makita namin yung pusa, pinapalo namin ng tsinelas. Dami dami namang kwarto dito, yung amin pa yung napili. 
0 notes
will-u-marry-me-if-i · 11 years
Text
Astig talaga ng prof ko sa Math :)
Last Friday kasi, nagkaroon kami ng discussion at yung topic namin ay tungkol sa solving triangles na. Madalas kapag ganun yung lesson, may mga word problems. Ang naging way ng prof ko para ituro yung lesson ay magdrawing. Tinawag nya kami isa isa sa harap hindi para magsolve kundi para i-drawing kung ano yung sabi sa problem.  
Tumblr media
Ito yung third problem. Mali dapat pala yung first problem yung una kong nilagay. Ang tanong dyan ay about sa electric post na nag-cast ng shadow dahil may araw. Yung prof ko, ayaw ng simpleng araw kaya pinalagyan nya ng smiley. Tapos ganyan na yung lumabas. pinangalanan namin lahat ng drawings at ang tawag dyan, Finding Mario and The Smiling Sun. Yung electric post kasi mukhang tunnel ni Mario tapos nilagyan nya na lang ng square na may question mark.
Tumblr media
  Ito yung first. Sailboat yan tapos may light house. Hindi talaga sila mukhang saiiboat at lighthouse kaya nagkaroon sila ng pangalan na Floating Tub ang the Basketball Ring. Nandun si  Shaquille O'Neal sa "Tub" tapos nagshoot sya sa dun sa ring. Syempre kapos. 3 miles kaya yan. "Sa freethrow nga lang, hirap na sya eh. Dyan pa kaya eh three miles yan" - Math 17 prof
Tumblr media
Ito naman yung second. May helicopter, may observer sa building dun sa left side at may kotse. Ang pangalan naman neto, The Flying Onion and Jun Kristoffer the Observer. Obvious naman siguro kung bakit flying onion diba? Yung Jun Kristoffer, classmate ko yun na nagdrawing nung building. Innovative nga daw kasi isang pinto, isang bintana. Tipid. Sabi naman ng prof ko, Jun Kristoffer the Observer daw ay parang si Dora the Explorer. Yun nga lang, mas maganda yun kasi hindi siya lakwatsera, nag-oobserve lang sya. After nito, nagbotohan kami para sa kung kaninong drawing yung maganda. May papel kaming sinulatan kung anong gusto namin. Tapos na yung botohan, biglang sinabi ng prof ko na kapag nanalo yung first drawing, may plus kami sa Fifth Exam. Unfortunately, close fight lang sya pero talo. 
Dati naman daw, nakipagpustahan sya sa mga estudyante nya na kapag nanalo ang UP sa Ateneo, may plus sila. Ayaw daw pumayag kasi nga yun yung time na mag-chachampion yung ateneo kaya pinili nila yung assignment na lang. Tapos biglang nanalo yung UP. Sinumpa daw nila bigla yung Ateneo.  
2 notes · View notes
will-u-marry-me-if-i · 11 years
Text
Matatapos na nga lang
Minsan, hindi rin talaga masaya kapag patapos na ang sem. Dami na namang dumadating na exams at requirements. Hindi ko alam sa saril ko kung gagawin ko ba kasi nga, malapit na matapos, tatamarin pa ko gumawa o  lalo lang akong tatamarin kasi nagkasabay sabay sila. 
0 notes
will-u-marry-me-if-i · 11 years
Text
THREE MONTHS na lang 2 years na kami .....
pero madalas siyang nagkakamali sa pagbibilang kung gaano na kami katagal. 19 months pa lang daw kami. HOW SAD -_- 
1 note · View note
will-u-marry-me-if-i · 11 years
Text
YEHEY two weeks na lang sembreak na. Gustong gusto ko na talaga matapos tong semester na to. Naging maganda naman yung first sem ko pero wala lang. Mas gusto ko talagang magpahinga dahil sobrang nakakapagod. BUTI PA YUNG PAGMAMAHAL HINDI.
0 notes
will-u-marry-me-if-i · 11 years
Text
Matagal tagal na din
Grabe. Napag-iwanan na naman ako sa tumblr. Lalo na kapag nawawala ako sa mood magkwento, di na ko nakakapagpost. Ewan ko lang kung magtutuloy-tuloy to. 
0 notes
will-u-marry-me-if-i · 11 years
Photo
Tumblr media
yeah! May schedule na din ako sa wakas. Natuwa naman ako sa nakuha kong schedule kasi fit sa gusto kong mangyari. maaga ang uwian ko. 3pm na ang pinakalate. Kaya lang, knakabahan ako kasi baka next time, mahirapan naman ako.
0 notes
will-u-marry-me-if-i · 11 years
Text
AYOKO NA >.< NAPAPAGOD NA KO. HINDI KO NA KAYA KUNG GANITO NA LANG TAYO PALAGI :(
2 notes · View notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Text
REPORT CARD
Grabe kamalas ko naman kahapon. Hindi ko kasi natapos yung clearance ko dahil may kulang pa akong isang pirma para sa subject teacher ko. Hindi ko naman naipasa yung mga requirements ko sa kanya dahil umalis na ako agad before 1:30pm para dun sa exam ng city scholarship.
Pagkatapos nung exam, dapat babalik pa ako ulit ng school para humabol kaso umuwi na daw siya. Kaya umuwi na lang din ako. Hindi ko na naabutan. Sa April 3 pa ako babalik para dun sa pirma nya then sa April 12 para sa card. Babalik pa ako samantalang yung iba nakuha na yung card kahapon :( Damn!
0 notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Text
City Scholarship
Nayayabangan talaga ako sa sarili ko pero naiinis kasi ako kapag nakikita ko yung mga errors nila. (Sorry po, hindi ako perpekto. Nagkakamali din po ako. Hilig ko lang mangialam ng mali ng iba) Una na dun yung sa "questioner". Ang alam ko kasi na tamang spelling nito ay questionnaire dahil ang word na questioner ay tao, yung pangalawa, yun yung written.
Pangalawa ay yung sa mga choices. May mga questions kasi dun na naulit yung options. Ok lang siguro kung naulit yung tanong pero dun, yung option yung naulit sa isang number. Ok lang din sana kung once lang pero maraming beses ko kasi siyang napansin.
Pangatlo, yung term na "City Scholarship ENTRANCE EXAM". Nagulat kasi ako dito kasi karaniwan tong ginagamit para sa admission sa mga college or high school na PAPASUKAN mo. Eh hindi naman ako papasok sa city hall para dun mag-aral or what pero ewan.
Pang-apat, may tanong dun na meron daw akong tatlong mansanas, inalis ko yung dalawa. Ilan na lang daw mansanas ang meron ako. Hindi ko alam kung tama ang pagkabasa ko pero parang yun nga ata yun. Baka tuloy nagkamali ako dun kasi baka mamaya logic pala yung tanong na yun.
Medyo nahirapan naman ako sa English part kasi almost vocabulary yun eh dun pa naman ako mahina. Lalo na sa last part kasi puro ganun yung tanong. MAYGAWD >.< Hindi ko tuloy alam kung mapapasa ko yun kasi marami akong hinulaan. Mali na nga ako ng isa dahil dun sa spelling ng flabbergast eh. May H kasi yung sagot ko. Please wag kayo magalit sa akin. Base lang yan sa pananaw ko, so correct me if i am wrong.
5 notes · View notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Text
Ang weird
Kapag holy week kasi, diba ang mga katoliko hindi kumakain ng baboy para mag-sakripisyo. Every year namin to ginagawa pero kapag umaalis ako ng bahay, hindi ko rin nasusunod lalo na kapag wala na akong maisip kainin. Meat pa din yun g kinakain ko so nagagawa ko lang to kapag hapunan na namin. Supposed to be, isda o kaya gulay ang alternative nila sa baboy kapag ganun. Ganito din kami for the previous years o kaya naman basta sea food. Pero ngayong taon na to, IMBA. Hindi kami nagkakanin. Second day na kagabi na wala kaming kanin. Tinapay lang. Tapos ang isa pang weird, pancit canton ang ulam namin. 2 days na kaming ganito. Ewan ko ba. Paborito kasi to ng mga kapatid ko kaya ito lagi pagkain.
Yung Mama ko naman, nagda-diet kaya walang kanin. Nadamay lang kami. Nagreklamo si Papa kagabi, ang sabi nya dinadamay daw kami sa diet ni Mama kaya hindi nakakapagluto ng ulam.
3 notes · View notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Text
Mali naman kasi talaga
Nag-chat kasi kami ng classmate ko nung elementary. Kino-congrats nya lang ako kasi nga naka-graduate na ko then nag-congrats din ako sa kanya hanggang sa napunta na sa usapang "PARE-PAREHAS DAW LAHAT NG LALAKI". Kinontra ko siya agad tapos sinabi kong bitter lang sya although NBSB siya.
Hindi naman kasi talaga pare-parehas eh. Nakakainis kaya sa tuwing maririnig mo yan sa mga babae. Wala namang ebidensya na parehas nga. Sabi ko sa kanya, hindi naman kasi magja-justify na kapag ang isang lalaki eh nanloko ng babae, manloloko na lahat ng lalaki. Kahit na ang paningin ng maraming tao, kapag ginawa ito ng isang member ng isang grupo, ang sisi ay napupunta sa buong grupo kagaya na lang nung may nangunguha ng gamit sa section namin dati tapos ang sinisisi ng guidance coordinator ng school namin, eh kaming lahat. Magnanakaw daw kami. Sa part naman naming mga lalaki, unfair naman yun sa mga taong gumagawa ng mabuti kagaya ko para sa taong mahal nila.
Yun ang disadvantage ng pagiging as a whole. Sabi nga ng teacher namin na bagong Pilipinas, "ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan". Pero sabi ko sa kanya, hindi naman siguro niloloko ng tatay mo ang nanay mo, kaya mali na yung bintang mo na pare-parehas kami. At sa dulo ng pag-uusap namin, nanalo din ako. Hindi naman ako papayag na naaargrabyado ang lahi namin.
6 notes · View notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Note
Thank you koyaa.
Welcome :D
0 notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Text
Sabi kahapon nung nagsimba ako, "kapag naghihintay daw, may kapalit na biyaya"
4 notes · View notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Text
ANG SAYA SAYA KO KAHAPON! SOBRA :D
Kahapon kasi yung family outing namin or blowout na din kasi nga para sa graduation ko at ng kapatid ko. Kasama namin si Joan at nagswimming kami sa resort na malapit lang sa amin. Nung una, medyo awkward pa kasi nakikiramdam pa ko sa kung paano ako kikilos kasi nga first time yun tapos inoobserbahan ko pa kung paano magre-react yung mga kamag-anak at magulang ko. Medyo nahiya pa akong kumilos masyado. Pero nung tumagal, naging ok na.
Nakapagswimming kami tapos nakapag-bonding pero halos kaming dalawa lang yung magkasama. Ok lang, masaya pa din ako. Kapag bumabalik kami sa cottage, nakakapag-usap sila ng mga kamag-anak ko. Di nga lang ako masyadong nag-enjoy sa pagkain kasi wala yung mga paborito ko. Mapili kasi ako sa pagkain eh. Sabi ng kasama namin kahapon sakin, hindi daw ako mag-eenjoy kasi kasama ko yung girlfriend ko. Kasi kapag mga ganun, sila sila mga kasama ko. Pero nag-enjoy nga ako eh. Sobra.
Pag-uwi ko ng bahay, nagpahinga ako saglit. Tapos pagkabrowse ko ng FB, nabalitaan ko na nagrelease na ng result sa scholarship ng DOST. Medyo nalungkot ako kasi walang nagsabi kung pasado ako o hindi. Pagkatingin ko sa site ko, natuwa ako kasi nandun pangalan ko. Yey! :D Sinabi ko agad kina Mama. Sobrang saya ko kahapon XDD
5 notes · View notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Text
Tama nga.
Totoo ang propesiya. Walang kakaibang nangyayari sa akin kapag nasa bahay lang ako pero nung lumabas ako ngayon at kahapon, ito. Madami akong gusto i-post :D
0 notes
will-u-marry-me-if-i · 12 years
Conversation
Si Kuyang Minute Burger
Bumili kasi kami kaninang tanghali ng burger sa minute burger kasama ko si Joan tapos sina Domz at Helen. Pagkatapos namin magsabi ng order namin, tinanong ako ni Kuyang taga-minute burger. (Non-verbatim)
Kuya: Couple couple ba kayo?
Nagtaka kaming lahat. Natawa na lang ako kaya sinabi ko, hindi po. Siya po yung boyfriend ko sabay turo kay Domz. Pagkatapos nun, nagluto na siya ulit. Tapos niya magluto, inabot na niya samin yung order namin.
Kuya: Pero magboyfriend-girlfriend kayo? (sabay turo sa amin ni Joan)
Ako: Hahahaha. Opo.
Kuya: Kasi bagay kayo eh.
Hindi ko na maalala yung sinabi nila Helen at Domz pero nagtinginan kami tapos nangiti. Kami naman ni Joan, hindi namin alam kung matutuwa kami o matatawa dahil si kuya, ine-echos kami.
5 notes · View notes