Text
Birth month
Usually by August sobrang pumped ako to do things as in, ung tipong over inspired. parang sobrang daming kape nainom ganun. AHAHA
By end of July nakapag declutter na ko and everything. I usually declutter my stuff as in everything.
Ngayon parang wala kong energy or drive to do things. Anong nangyayari.
Dont get me wrong. Nakamove on na ko AHAHAHA i dont know. i mean i dont know bakit wala kong energy. Walang drive to do stuff. Di naman ako malungkot, di rin naman ako ganun kasaya. sakto lang. I dont know if burnout na naman ako sa trabaho.
Ang alam ko lang gusto ko ng magresign. AHAHA
Minsan ang hirap when you do things lang to be alive not to live. You know, working to get the bills get paid, to have money for the groceries and stuff.
Okay, I'll challenge myself to figure out what I really want in life.
0 notes
Text
Risk pa nga.
This will be the last time na babanggitin ko pangalan mo. Letse ka. HAHA
Kaloka ka kase. Sana sinabi mo na lang. Baka sakaling friends pa tayo. Lol
Si Casper ka ghorl? sana nagpakalalaki ka na lang.
Alam mo lahat ng trauma ko sa buhay Karl. Isang step na lang. eto na ko e. Mamahalin na kita forever. Anong nangyari?
Wala naman ako kung ayaw mo magcommit o takot ka. Pero sana sinabi mo na lang. Kasi alam mo lahat ng sakit. Umasa ko. Seryoso. Kasi akala ko finally ikaw na ung pinagdadasal ko.
0 notes
Text
Make it with you na eh.
Ganda ng sinulat ko kahapon eh. Tipong ready na ko mag risk. hahahha okay na eh.
Kaso kausap ko ung kaibigan mo, bakit parang di ka pa sigurado. ayoko mag overthink pero sakin kasi kung ayaw edi wag. edi kung di sigurado wag na.
Ayoko sa lahat ung pakiramdam na parang di ka pinipili. parang laging me kulang sayo. parang wala ka lagi sa choices.
alam ko di ako swerte sa raffle kaya di ako napipili pero putek pati in real life ba talaga AHAHAHHA
kilig na kilig na ko eh. parang everything will fall into place finally!
someone who is f*cking sure about me.
sabi ko sige po kung eto ung regalo mo sakin, thank you Lord! tatanggapin ko na hahahah
pero parang dadaan na naman. parang ayoko na yata magrisk. parang kahit ano ayoko ng subukan. hahaha
0 notes
Text
JKDN
Hi,
So ikaw ang risk that I want to take. The risk, I'm not sure I'm ready to take. hahaha Takot na takot ako. takot na takot ako makita ung sarili ko na umiiyak na naman at pinipilit bumabangon at pulutin ang sarili from the pain. Pero my bets on you. feeling ko di mo naman gagawin sakin un. SANA.
Eto na naman ako, ngumingiti sa mga maliliit na bagay kasi ikaw ung kausap ko. Nagiintay na magising ka at mag message ng Good morning. Di ko masabing mahal na kita. pero masaya kong nandyan ka.
Sorry na agad. Sorry sa mga sumpong, sa mga inis at kung ano man. di ko na alam pano ulit gawin to. di ko na alam pano gawin mga bagay para sa ibang tao.
Please wag ka munang mawawala gang finifigure out ko pano kita mamahalin ng tama. kasi you dont deserve the damaged Camille. She's more than that.
I don't even know how to call you. Is it oppa? hahaha Karl, ikaw ung taong wala sa lahat ng criteria of judging kung magmamahal sana ko ulit. pero eto ko. cannot stop thinking of you. rereading our conversation at kinikilig.
Sana this would be the last time na magmamahal ako ulit. gusto ko ikaw na un.
P.S
Camille pag eto talaga ligwak. tumigil ka na huh. love you self! hahaha
0 notes
Text
Risk to take
Kahapon hindi ako makatulog because of my fears. Not the fears of nightmare. but the fear to fall inlove again.
youtube
Oo yan pinapakinggan ko habang sinusulat ko to. ay tinatype ko pala. medyo traumatic kasi ang past experience. but it has been two years. so sabi ng bestfriend kong di rin magaling sa love, maybe now is the time to take the risk.
hirap kasi ung word na risk.
risk /risk/ noun a situation involving exposure to danger.
bat mo naman ilalagay sa panganib ung sarili mo. Pero meron din malaking what if eto na pala ung matagal mo ng dinasal kay Lord. na kaya pala di ka niya pinakinggan noon sa lahat ng iyak mo sa kanya kasi eto pala ung magandang regalo niya.
sarap isipin db? pero putek what if. lesson na naman to. isang lesson na maglalagay sayo sa ilalim ng lupa. ang matatagalan ka na nman hugutin ung buong pagkatao mo.
0 notes
Text
Nahulog ka na agad?
Ay masyadong mabilis. Ganun ka ba nasabik na sa pagkakataong to meron taong sabik sa mga yakap mo.
Na sa pagkakataong to merong taong nangangarap ng habangbuhay kasama mo.
Na pakiramdam mo kaya mo na ulit subukan basta siya kasama mo.
Kabilis mo naman. wala pang isang buwan.
Ganun ka ba natuwa na sa wakas meron ng nagaalala kung kumain ka na ba o bakit hindi ka pa nagpapahinga.
Alam kong matalino ka, ngunit sa pagkakataong to wag ka munang magpasya. Hindi ba't noong una ay ayaw mo na talaga?
Kesyo hindi para sayo ang pagmamahal, dahil ang nagmamahal lamang ay para sa mga tanga.
Hindi ba lubos kang nasaktan nung ikaw ay iniwan. San mo kinukuha ang lakas ng loob para magmahal na naman.
Hinihiling ko lang na sa pagkakataong to, matagpuan mo na ang taong para sayo. Yung taong hindi ka pagiisipin kung meron bang kulang sayo. Yung taong ipagsisigawan sa mundo na kayo. Nakakatakot oo pero alam kong ibibigay din siya sa iyo. wag kang magmadali, wag kang mainip isang araw tatayo din siya sa harap mo itataas ang belo at sisimulan ang habangbuhay niyo sa halik na inaasam asam mo.
1 note
·
View note
Text
Aaminin ko na.
Kinakausap ko parin siya. Kasi nanghihinayang ako sa limang taon. Tinitingnan ko baka sakaling meron pang magbago at umayon din samin ang panahon.
Pero makalipas ng dalawang taon, nganga. Wala talagang growth akong nakikita. Masisisi mo ba ko kung akoy susuko na talaga?
Nung una, kapag meron akong kausap na iba naguguilty pa ko kahit di na tayo. Ngayon wala na. Wala na kong maramdaman puro na lang manghihinayang.
Alam kong panget na sabihing ikaw ang pinakapangit na desisyon sa buhay ko, patawarin mo ko pero oo ikaw. Nagsisi ako na sana noon pa lang tinigil ko. Sinayang ko na ung limang taon ng buhay ko, dinagdagan ko pa ng dalawang taong paghihintay dahil sa walang kwentang pagasa na baka meron pang pagasa sayo.
Baka nga hindi ako ung para sayo. Baka nga hindi ako ung magiging dahilan para baguhin mo buhay mo.
Nalulungkot akong isipin na hindi na tayo tatanda magkasama. Hindi na ikaw makikita ko sa umaga. Pero malay natin eto pala talaga ung tama para makita na natin ung mga tamang taong mabuti para satin. Nalulungkot ako dahil totoong matatapos na to. Nalulungkot ako dahil matatapos na ung storya na pilit kong binubuo. Pero baka nga kagaya ng ibang kwento. Ang happy ending natin ay ung hindi na tayo. :(
0 notes
Text
Reto
Meron akong bagong kwento tungkol sa reto. Pero mamaya na lang kasi aattend na naman ako sa kasal ngayon. Sa kasal na hindi ako magkaron. Gigil na ko ikwento ung tungkol sa reto. Bwisit kasi ung tao, kala mo kung sino. Minsan iniisip ko kung me problema bako pero hindi masyado lang talaga syang presko.
0 notes
Photo

Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin Sa susunod na habang-buhay. Wala lang akong ma caption sa eclipse. Hahaha nagpplay ung kanta sa isip ko rn. #sasusunodnahabangbuhay #benandben https://www.instagram.com/p/CPWDhpRDTlJSs_Gi4ckztX_J8GsKeM_mKz_Tc00/?utm_medium=tumblr
0 notes
Text
Kasal.jpeg
Attend na naman AKO ng kasal. Alalay ng ate as usual. Kaso sa panget na kasal na naman. Sa kasal na ang babae lang nagaasikaso. Sa kasal kung saan una pa lang sinabi ng magulang ng groom na. "Dapat hindi parin matigil ung sustento namin galing sa kanya"
Gaano ba talaga kaimportante ang kasal? Alam kong importante magpakasal lalo sa mata ng Diyos. Pero itutuloy mo ba kung sa umpisa pa lang ganyan na?
0 notes
Text
Naniwala kasi tayo kay Popoy at Basha. 😅
Naniwala kasi tayo sa one more chance. Lalo na lumakas ang standing natin na magbigay ng second chance.
Kulit no. Hahaha Lagi nating iniisip na magiging okay lang ang lahat. Magiging swak din. Maaayos din parang ung kay Popoy at Basha.
Nakakahiya man naniwala din naman talaga ko. Limang taon din kasi kami. Lumipas na rin ngayon ung dalawang taon simula nung nagkahiwalay kami.
Ano nasa isip ko? Oo. Putek na yan. A second chance dzai!! Iyak ako ng iyak nung pinanood namin un kasi ganun ung nagiging problema namin. Tiwala at mga nasayang na panahon.
Hi Popoy ng buhay ko. :) Wala mang second chance. Masaya parin naman ako. Isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Tho nakakalungkot. Malay mo sa susunod na buhay para satin na.
0 notes
Text
Ngayon ko lang narealize na hindi pala babae ang pumipili sa lalake. Ang totoo pala ang lalake ang pumipili sa babae. Baket? Una, mas maraming babae statistically sa mundo. So masasabi kong konti lang species nila. At pangalawa, sa dami ng nakita ko na. Kahit gano pa mahalin ng babae ang isang lalake, kung ayaw niyang suklian ung pagmamahal na yun wala rin.
1 note
·
View note
Text
Bakit nga kase?
Bakit nga kasi laging ganun?
Laging mong pinipili kahit masakit. Kahit kakarampot lang naman na saya ang kaya ibigay sayo. Kahit sa totoo naman mas marami ung lungkot at iyak pero sa kakarampot na saya tila nabawi na lahat.
Hindi ko talaga maintindihan.
0 notes
Text
Bakit ba kase?
Bakit lagi nating pinipili yung taong hindi naman tayo ang pinipili?
11 notes
·
View notes
Text
Bestfriend
Ano nga ba ang extent ng pagiging kaibigan. Eto ba ung susuporta ka na lang kahit anong mangyari kasi dun siya masaya o gagawa ka ng paraan para matauhan siya sa bagay na wala naman talaga.
Pinangaralan ko naman. Oo syempre bukod sa ate na ko, bestfriend pa ko at higit sa lahat naranasan ko na ung bagay na yun. Alam ko namang di tayo pareparehas ng karanasan sa buhay. Pero paano mo maatim na walang gawin kung alam mong mali na? Eto ba ung part na makikielam ka all the way o titigil ka na lang at magiging takbuhan pag nasaktan ulit siya.
Mahirap tingnan na lang na meron na naman isang taong inuubos niya ung sarili niya sa isang taong hindi naman ganun sa kanya. Paano ko manonood na lang? Syempre, manonood lang ako at magiintay. Bakit? e kaibigan lang ako, isa pa matanda na siya.
Ako ba ang merong problema?
1 note
·
View note