Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Akademikong Sulatin
Sa ating pag-tanda, malaki na ang naging tulong ng pagbabasa sa ating buhay, kung saan ginabayan tayo nito upang bigyan tayo ng kasiyahan, matuto ng mga bagay, at lubusang maintindihan ang mga iba’t ibang bagay. Napapabilang na rito ang mga akademikong sulatin, tulad ng mga abstrak, buod o sistesis, bionete, memorandum, agenda, panukalang proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, posisyong papel, pictorial essay, at lakbay-sanysay. Nakakatulong ang mga sulating ito para sa ating sarili dahil natututo tayo gumawa ng sarili nating akademikong sulatin, na siyang tiyak na magagamit natin para sa hinaharap. Idagdag natin ang ating pamilya at lipunan, natutunan natin ang mga bagay bagay sa simpleng paraan, detalyadong pamamaraan, at sa pamamaraan na tayo ay naaaliw. Aking natutunan sa aralin ay kung ano ang isang akademikong sulatin, ano ano ang mga nilalaman nito, at ano ang iilang mga halimbawa nito sa totoong buhay.
1 note
·
View note
Text

Magandang araw, ang tekstong ito ay nagpapakita ng autobiograpiya ng aking buhay na, isang babae na nag ngangalang Aira Francheska B. Lumpas. Ako ay ipinanganak noong ika-16 ng Hunyo ng taong 2005. Biniyayaan ako ng isang pamilya na mapagmahal, si Ariel Lumpas na aking ama, si Fides Lumpas na aking ina, at si Arabela Faith Lumpas na aking nag-iisang matandang kapatid na babae. Sapagkat nag-aral ang aking ate sa Central Colleges of the Philippines, dito na rin ako nag-aral ng aking sekondaryang edukasyon dahil kilala na ng aming pamilya ang paaralang ito. Noong mas bata pa ako ay hindi talaga ako aktibo sa pag-aaaral ng mabuti, ngunit sa aking pag tanda ay nabuo sa aking puso na magseryoso sa pag-aaral. Sa kadahilanang ito, ako ay nakatanggap na ng maraming parangal, ito man ay sa aming klase o mga extra-curricular na aktibidad.

Dumako naman tayo sa aking mga kagustuhan. Bilang panimula, ako ay mahilig sa musika, at hindi ako mapili pagdating rito. Nais kong banggitin ang isang importanteng punto tungkol sa atin, kung saan ito ay aking hilig ang grupong SEVENTEEN na mula sa bansang South Korea na aking sinusuportahan na mula noong taong 2018 pa lamang, at hanggang ngayon ay aking iniibig parin sila.

Mahilig ako sa iba't ibang uri ng mga sining, pag pinta, pag guhit, pagkuha ng mga litrato at marami pang iba. Isa sa aking mga libangan ay matulog, kumuha ng mga litrato ng iba, manood ng mga pelikula, at mag-bake. Aking binibigay ang mga na-bake ko sa aking mga kaibigan at pamilya, kung saan ako ay kanilang inuudyok na magsimulang ibenta ang mga ito. Sa kabilang banda, iilan sa mga hindi ko gusto ay ang maiinit na lugar, at pag kain ng mga gulay.


Usapang pangarap naman tayo, kung saan nais kong maging isang ganap na lisensyadong Civil Engineer. Ang pangarap kong ito ay nagbunga dahil aking itinitingala ang aking ama na isang Freelance Contractor. Isa sa aking pangarap ay makasama kong makatrabaho ang aking ama, kung maaari pa. Gamit naman ang aking maiipon na pera sa pagtatrabaho, nais kong magtayo ng rest house na pinapangarap ng aking ina para sa aming pamilya. Isa sa probinsya ng aking ina, sa Tacloban, Leyte, at is naman sa probinsya ng aking ama, sa Davao. Aking personal na pangarap naman ay makapag-lakbay sa iba't ibang bansa ng mag-isa o ng may kasama.

0 notes
Text
Mga Akademikong Sulatin
~~~~~~~~~~ 1
Anyo: Abstrak
Layunin: Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod o impormasyon ang mga akademikong papel tungkol sa isang paksa, gaya ng thesis/pananaliksik o journals.
Gamit : Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong sulatin o papel para sa thesis,papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Katangian : Ang abstrak ay hindi masyadong mahaba, dapat na hindi lalagpas sa 500 words ang isangabstrak. Isa rin itong organisado ayon sa pagkakasunod- sunod ng nilalaman.
~~~~~~~~~~ 2
Anyo: Buod o Sintesis
Layunin: Layunin ng pagbuo ng buod o sintesis ay paglalahad ng wasto o angkop na impormasyon mula sa mga pinaghanguan o sanggunian at organisadong mailahad ang kabuoang nilalaman ng akda ayon sa maayos na pagkakasunod-sunod nito.
Gamit: Ang sintesis ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay para mabigyan ng buod an mga maiklling kwento, mahabang akademikong sulatin at / o kaya naman iba pang tuluyan o prosa.
Katangian: Ito ay dapat mas malikhaing paraan kung saan ang mga pinaka-importanteng bahagi ay naibabahagi sa sintesis sa pamamagitan ng iba pang mga pahayag, salita o mga kataga. May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto at hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
~~~~~~~~~~ 3
Anyo: Bionete
Layunin: Ito ay may layunin na ipakilala ang manunulat at nagpapahayag ng mga katangian nito bilang isang indibidwal na may kredibilidad. Inilalahad dito ang iba pang impormasyon tungkol sa isang tao na may kaugnayan sa paksang tinatalakay sa papel, trabahong ibig pasukan, o nilalaman ng iyong blog o website.
Gamit: Ang bionete ay ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya katulad ng mga akademikong achievements mga parangal at iba pa.
Katangian: Maikli lamang ang laman nito, gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw o third-person, nagpapakilala sa mambabasa at gumagamit ng baligtad na tatsulok na sistema ng pagpapakita ng impormasyon mula sa pinakamahalaga papunta sa hindi gaano ka halaga.
~~~~~~~~~~ 4
Anyo: Talumpati
Layunin: Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Gamit: Ang talumpati ay ginagamit upang makapag pahayag ng mga salita sa madla na siyang binubuo ng "Tagapagsalita" at "Tagapakinig".
Katangian: Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan na ipinapahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado na may tagapakinig. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na tumatalakay sa isang paksa na sinasalita sa harap ng mga tagapakinig. Masasabi itong sining sa paraang pasalita na may nakikinig.
~~~~~~~~~~ 5
Anyo: Katitikan ng pulong
Layunin: Ang pangunahing layunin nito ay maging pormal na pag-uulat ng mga naging kaganapan sa pormal na pagpupulong.
Gamit: Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o di nakadalo ang mga nangyari dito. Nagsisilbing permanenteng rekord. Sa pamamagitan ng katitikan, maaaring magkaroon ng nahahawakan kopya ng mga nangyaring komunikasyon.
Katangian: Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus na mga pahayag. Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
~~~~~~~~~~ 6
Anyo: Replektibong Sanaysay
Layunin: Magpahayag ng mga pananaw o nararamdaman ng manunulat tungkol sa isang bagay at ipahiwatig ang perspektibo o opinyon ng manunulat magsalaysay ng mga repleksyon at natutunan mula sa sariling karanasan ng manunulat.
Gamit: Ang replektibong sanaysay ay isang akda na naglalahad ng mga aral na natutunan ng sumulat ng akda. Tinatalakay rin dito ang mga nahinuha at mga naging epekto, kung mayroon man, ng isang tao, bagay, o mga pangyayari sa gumawa ng akda.
Katangian: Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring kanyang nasaksihan.
~~~~~~~~~~ 7
Anyo: Posisyong Papel
Layunin: Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na naglalayong ipaglaban ang isang panig ng isang isyu, na waring isang debate.
Gamit: Itong akademikong sulatin ay kalimitang ginagamit bilang ebidensya ukol sa isang panig sa isang isyu.
Katangian: Ang akademikong sulatin na ito ay nakaayos sa organisadong paraan at ginagamitan ng pormal na pananalita, upang magbigay linaw sa mga mambabasa.
(https://philnews.ph/2020/05/09/posisyong-papel-kahulugan-at-ang-halimbawa-nito/)
~~~~~~~~~~ 8
Anyo: Pictorial Essay
Layunin: Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na may layuning pukawin ang interes ng mga tao, sapagkat hindi lamang ang teksto ang nilalaman nito kundi naglalaman rin ng larawan na siyang naglalayon na lubusang maintindihan ang teksto.
Gamit: Kalimitang ginagamit ang uri ng akademikong sulatin na ito sa mga libro o sulatin na ginagamit sa pagtuturo.
Katangian: Ang akademikong sulation na ito ay nakaayos sa organisado at detalyadong paraan, sapagkat ang teksto sa sulatin ay konektado sa kung ano ang makikita na litrato.
(https://www.panitikan.com.ph/ano-ano-ang-layunin-ng-pictorial-essay)
~~~~~~~~~~ 9
Anyo: Lakbay-Sanaysay
Layunin: Ang akademikong sulatin na ito ay may layuning ibahagi ang naging karanasan at nalaman sa naging paglalakbay ng may-akda sa isang lugar.
Gamit: Kalimitang ginagamit ito sa mga travel blogs o di kaya sa mga iba’t ibang nilimbag tulad ng mga magasin.
Katangian: Itong akademikong sulatin ay nakaayos sa pamamaraan na kung saan tila hinihikayat ng may-akda ang mga mambabasa ukol sa lugar na minamalas rito, gayundin ay naglalaman ito ng mga litrato ng mga lugar na napuntahan ng may-akda.
(https://proudpinoy.ph/sanaysay/lakbay-sanaysay-kahulugan-kahulugan-layunin-at-halimbawa/#google_vignette)
~~~~~~~~~~ 10
Anyo: Memorandum
Layunin: Mapabilis ang pakikipagtalastasan sa mga paraang iposyal upang mabigyang pansin, aksyon at katugunan.
Gamit: Ito ay opisyal at tanging ang pinakamataas na posisyong namamahala ang maaaring magpalabas ng isang memorandum. Minsan ay makikita rin sa isang memo kung may nilabag na batas o alituntunin ng isang miyembro. O di kaya naman rin ay ipakalat ang layunin para sa linggong iyon.
Katangian: Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.
~~~~~~~~~~ 11
Anyo: Agenda
Layunin: Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na may layuning itala ang mga paksang tinalakay o tatalakayin sa isang pagsasama o pagpupulong.
Gamit: Ang akademyang sulatin na ito ay ginagamit bilang kopya, talaan o gumawa ng listahan ng mga pinag usapan sa isang pagpupulong.
Katangian: Ang agenda ay nakasulat sa pormal ngunit organisadong pamamaraan na kung saan nakasaad rito ang sunod sunod na pangyayari ng isang pagpupulong.
~~~~~~~~~~ 12
Anyo: Panukalang Proyekto
Layunin: Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na isang uri rin ng dokumento, upang maging listahan ng mga kinakailangan para sa isang proyekto at kung ano ang nais makamtan gamit ang proyektong ito, at gamitin bilang proposal para sa mga potensyal na sponsors.
Gamit: Ang panukalang proyekto ay ginagamit sa pagpaplano ng isang proyekto bago pa man simulan ito.
Katangian: Ito ay nakaayos sa pormal na pamamaraan at binabanggit lamang ang mga importanteng detalye lamang.
0 notes
Text
〖 ❝ 𝕸𝖚𝖘𝖎𝖈 𝖍𝖆𝖘 𝖓𝖔 𝖑𝖆𝖓𝖌𝖚𝖆𝖌𝖊 ❞ 〗
✦ ➸ Pag laki sa isang tahanan na bukas sa pagsasagawa at pagtuto ng mga gawain na hindi lamang pang Pilipino, kundi mga pandayuhang kultura na rin, hindi katanggi-tanggi para sa akin kung bakit napakaraming bagay ang aking nakakahiligang gawin at tangkilikin. Hindi ako agad agad nahuhumaling sa isang bagay ng basta basta... kailangan may sapat na dahilan upang magustuhan ko ito, dahil ang pagkakaroon ng hilig ay ang ating pampalipas oras at nasasakop nito ang karamihan sa ating iniisp kahit sa isang araw lamang.
✦ ➸ Ako ay isang KPOP Fan o ang tao na umiidolo, nagsusuporta at nagmamahal sa mga grupo o tao na nagpeperform mula sa bansang, Korea. Isang dahilan nito, ay maliban sa mga itsura, kanta, at ano mang performance nila ay naging fan ako ng KPOP ay dahil sa atensyon na nabibigay nila sa humahanga sa kanila, ano man ang lahi, ano mang pagkakaiba ng oras sa kanilang lugar at sa umiidolo sa kanila, kung paano sila kasayang pagmasdan at panoorin, at pagkatuto ng kanilang kuwento tungo sa kanilang mga pangarap.
Sa daan daang grupo na mayroon ngayon, karamihan dito ay sinusuportahan ko, ngunit isang grupo at isang soloist ang aking isinasapusong suportahan.
✦ ➸ Isa na rito ay ang SEVENTEEN...
Sila ay ibinubuo ng labing tatlong miyembro, na may napakagandang boses, napaka angas na rappers at lahat sila ay magagaling na mananayaw. Ang unang beses kong hangaan sila ay noong 2018, nang nanonood ako ng isang palabas sa Youtube ay naging ad ang music video ng kanta nila na " Thanks ", at sa umpisa pa lamang ay natuwa na ako sa kanta at napakaganda ng pagkakakuha ng music video nito. Ito ay hindi katulad ng ibang nakikita ko na kapag sa panlalaking grupo ay dark, powerful, at maskulado ang tema na ipinapakita, hindi tulad ng sa music video na ito ay tama lang at nakakalambot sa puso ang ipinapakita. Nang matapos ko panoorin ito ay naghanap pa ako ng maraming palabas na tungkol sa kanila, at isa isa ay napa-ibig ako sa kanilang lahat. Kung ako man ay mabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng mensahe sa kanila, ang ipapahatid ko ay labis na pagpapasalamat sa saya na ibinigay nila sa akin, labis na kaba at lungkot kapag sila ay napapahamak, sa kilig na pinaparamdam nila, at lalo na sa halo halong emosyon noong nakita ko sila mula sa sarili kong mga mata at nasa harap ko. Sana ay panatilihin nila ang pagkakaroon ng pamilya ang turingan sa isa't isa at kahit sa mga humahanga sa kanila... na susuportahan ko sila hanggang sa makakaya ko, kung darating man ang panahon na kakailanganin kong bitawan ang pagiging fangirl ay nagpapasalamat ako sa kanila sa pagiging malaking parte ng aking kabataan. At dahil bata pa lamang ako at iilang taon pa lamang sila na grupo, inaasahan kong mahaba habang panahon pa ang pagsasamahan namin, at lulubusin ko ang bawat sandali nito.
youtube
✦ ➸ Ang isa ko pang hinahangaan ay si Chungha na isang KPOP soloist...
Siya ay isang napaka talentadong babae, mabait, maalalahanin, nakakatuwa, at masayahin. Dati siyang miyembro ng isang grupo na IOI, ngunit ito ay nawala rin matapos ng ilang taon, dahil sa kanilang kontrata sa kumpanya na napapailalim ng grupo. Matapos ang iilang buwan ay nagsimula siya muli at sunod sunod ang paghahakot ng iba't ibang karangalan. Hindi mapagkakait na karapat dapat itong mapa sa kamay niya ito, dahil halata naman sa mga kakayanan nito. Kaya niyang tumayo... magningning mag-isa, at nakukuha ang atensyon ng mga tao. Maliban sa kanyang mga talento ay may mabuti siyang puso, hindi niya nakakalimutan makipag kamustahan sa dati niyang miyembro at ipinapahalagahan niya ang bawat tao na sumusuporta sa kanya. Binibigyan niya ang mgasumusuporta sa kanya ng atensyon ng mga tao, mga backup dancers at iba pang staffs bilang pagbibigay pugay na sila rin ay may malaking ambag sa kanyang karera. Kung ako naman ay mabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng mensahe kay Chungha, gusto ko magpasalamat rin sa pagpapasaya, performances na nakakapagpahanga sa akin, at pagpapalambot ng puso ko mula sa mga magagandang bagay na nasagawa niya na. Gusto kong makita siya kahit isang beses lamang sa buong buhay ko at paulanan siya ng magagandang bagay.
youtube
✦ ➸ Maliban sa KPOP, mahilig rin ako makinig ng mga American na mang-aawit, pero ang aking pinaka paborito ay si Taylor Swift. Kahit ang karamihan sa kaniyang mga kanta ay tungkol sa mga na- " sawi ", niloko o kahit ano pang termino na nasaktan sa pag-ibig, ay marami rin siyang kanta na naghihikayat sa mga tao tulad ng " Change " at " The Man ". Madami nang nangyari sa kaniyang buhay, ilang beses nang nakaranas ng pampublikong pambabatikos, pero nanatili siyang matatag sa mga mata ng mga tao at bumabawi na lamang sa paraan ng pagsusulat ng mga kanta. At ang mga kantang ito ay kaniya ring nakakamit ng karangalan... napakarami at napakalaking karangalan kaysa sa mga ibang mang-aawit. Ito ang hinahangaan ko sa kaniya, hindi lang sa mga kanta na isinusulat niya, hindi lang sa pag-aawit niya at mas lalong hindi lamang dahil maganda siya... kundi sa tibay ng loob niya para ipamukha sa mga nanakit sa kaniya ang kaniyang nakakamit sa buhay, na siya ay karapat dapat sa mga karangalan na nakukuha niya.
Ang mga bagay na nababanggit at nagagawa nilang mga iniidolo ko ay kadalasang nasasanay ko na ring gawin sa sarili kong pang araw araw na gawain, pero hindi ibig sabihin nito ay nakakalimutan ko na ang pagtatangkilik ng mga tao rito sa aking sariling bansa.
youtube
✦ ➸ Ang aking paboritong Pilipinong mang-aawit ay si Sarah Geronimo, kung saan bata pa lamang ako ay napapanood ko na siya sa iba't ibang pelikula, pero hindi ko agad nalaman na siya ay isang mang-aawit. Saka ko nalang nalaman na siya ay kumakanta noong nakita ko ito sa isang programa sa isang channel sa telebisyon. Matapos noon ay tinangkilik ko na ang mga kanta niya, kung saan marami rito ay iba iba ang ramdam. Mayroong pop, ballad, dance at marami pang iba na tiyak magugustuhan ng nakakarami lalo na sa napaka gandang boses nito. Naaalala ko pa noong dumalo ako sa concert niya at unang beses ko narinig ang kaniyang boses ng live. Lalong naghalo ang aking emosyon ng ang una pa niyang kinanta ay ang paborito kong kanta niya, ang " Dulo " na rearranged version napakaganda ng panibagong bersyon ng kanta na kung saan ako pa ay napaluha. Sa bagong yugto ng kaniyang buhay ay sana panatilihin niya ang pagiging masayahin, kwela at positibo kasama ng kaniyang pamilya.
youtube
" Music has no language ", ibig sabihin ay walang kinakailangang wika sa musika. Hangga't nasusuportahan ng awit ang nararamdaman natin ay mananatili parin itong musika ❣
- Smiley💛
2 notes
·
View notes