Tumgik
keepingphotographs · 7 years
Text
AdCongress 2016!!
November 26-29 2016
BAPR GOES TO BATANGAS!!!
4days & 3nights at La Virginia, Mataas na Kahoy (?), Batangas City! Woooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooh! Thanks AdCongress!
Medyo late post kaya kaunti na lang mailalagay kong feels hahaha. Sobrang enjoy naman, dami learnings but nakalimutan ko na siya, dami freebies, daming pagod, daming dala. :D
Nagseminar, gumala, nagpool party, nagparty, nagswimming, nag-uno, nag-inuman (sila) sorry natulog lang me, kumain ng marami, nag-alahiking sa sobrang tirik ng daan, nagsight-seeing, nagpicture, natulog, napuyat :)
Tumblr media
pers day @ bus
Tumblr media
nagsight-seeing - the view
Tumblr media
nagseminar
Tumblr media
gumala - the view again with us (insert sheala)
Tumblr media
nag-ala hiking sa tirik na daan (tuwing umaga ‘to at tuwing may nakasched na seminar huhu)
Tumblr media
nag-uno
Tumblr media
nagparty
Tumblr media
nagpool party
Tumblr media
kumain (with mah rooomies)
Tumblr media
nagswimming
Tumblr media
nagpicture (with 3-3d fam)
(wala na nareveal na yung course & fes ko haha)
1 note · View note
keepingphotographs · 8 years
Text
Ayala & Ortigas Adventure
Naglibot ng ayala & Ortigas, bow.
Sobrang di ko inakala, ang ganto ka sibilisado, kaayos at kagandang siyudad na ito sa metro manila
Sa BGC, eastwood, ayala at ortigas pala talaga matatagpuan ang mga nagtataasang gusali sa maynila Di ko inakalang ganto pala ang itsura nila Di ko inakalang makakarating ako dito  Sobrang lawak Sobrang daming tao Sobrang daming gusali at sobrang daming oportunidad sa trabaho ang nag-aantay pero hindi yan ang pakay kong italakay sa blog na ito kung hindi ay ang sobrang habang paglalakad namin ng beshy ko sa ayala at ortigas
#SponsorshipPaMore
Una kaming pumunta sa ortigas, na matatagpuan lang pala sa likod ng SM Megamall, ang pakay namin? ang Jollibee Plaza para magpasa ng sponsorship requrest sa kanilang mktg head para sa nalalapit naming event sa aming departamento.
Maraming tao, maraming nag-aalok ng trabaho, maraming gusali, maraming mayayamang tao, maraming sasakyan at ang bu-busy ng mga tao, iba’t-ibang direksyon, pakaliwa, kanan, pahilaga’t kanluran ang iba ibang paroroonan ng tao, tila di maaligaga; sobrang di pangkaraniwan sa paningin at kapaligirang ginagalawan ng isang normal na istudyanteng tulad ko. Maaayos ang pananamit, mababango’t presentable di tulad naming dalawa ng beshy ko nang makarating kami sa gusali ng Jollibee Plaza na mukhang hinabol ng aso sa sobrang pawis at pagod. 
Nag log kami at nagtanong sa guard anong floor matatagpuan ang mktg dept ng jollibee, at itinuro kami sa 10th floor. Ngunit, subalit, datapwat, nagmukha kaming timawa sa aming nakita, lalo na sa akin, na akala ko’y sa korean drama ko lamang makikita ngunit nag-eexist na rin pala siya sa Pilipinas. Ang maraming elevator sa lounge (ngayon alam ko na, ganto pala sa mga matatas na gusali, timawa.) Di namin alam saan kaming elevator sasakay kaya’t nagtanong na kami at sobrang galak kaming sinagot ni ate guard, napaka accomodating HAHA. Pagsakay namin ng elevator, dahil sushunga-shunga kami, di namin napindot ang 10th floor, at bumaba na lamang kami sa 11th floor kasabay ng isang empleyado doon, pagkarating ng 11th floor ay sa fire exit na lamang kami bumaba patungo sa 10th floor (talino namin, diba?) 
Tumblr media
sa loob ng 10th floor lounge ng jollibee plaza
FAST FORWARD HANGGANG PAGLABAS NG JOLLIBEE PLAZA
Ayon, succcess. 1 down. Next stop: Zagu Foods Corp
Mula sa Jollibee Plaza, halos naikot na namin ang ortigas kahahanap ng pinakamalapit na sakayan pa-pasig kapitolyo, ang ending.. dun pa rin sa shaw na originally, alam ko naman talaga na doon ang sakayan papasig. (sobrang talino talaga)
Nakarating na kami sa Zagu Foods Corp, at kung sinuswerte ka nga naman talaga, ay graduate ng din ng aming unibersidad ang mktg head nila.
SKIP: USAP WITH MKTG HEAD SKIP: BYAHE FROM SHAW TO AYALA
ETO NA, AYALA NA US.
Tinatamad na ako magkwento. Basta, lakd doon, lakad dito kami ang halos naganap samin kahahanap ng Mcdonalds office, Asia Brewery at Coca-cola. Sa kasagsagan ng aming paglalakad, dahil mula pa kami sa ortigas, lalo kami nagmukhang dukha’t timawa sa amoy pawis at dugyot namin. Marami ring nagooffer ng trabaho, maraming gusali, maraming park, maraming sasakyan, maraming tao atbp. Ang pinaka-nakapagbaling saamin ng atensyon ay ang mga underpass ng ayala ANG GAGANDA!!!! 
In the end, ang Asia Brewery lamang ang matagumpay naming nabigyan ng sponsorship letter sa Ayala. 
In summary, 3/7 ng kumpanyang target naming puntahan ngayon ang matagumpay naming nakausap/nnabigyan ng sponsorship letter para sa aming nalalapit na pagdiriwang sa aming departamento (event). Productive day + Communication skills ENHANCED. Pinagsama man kami ni beshy na parehong mahina sa communication skills, ay matagumpay pa rin namin itong naisagawa nang dalawa lamang kami at matagumpay rin kaming nakarating sa aming mga destinasyon ng walang napapahamak/nanghyayaring masama sa aming dalawa, kahit na ang kapalit nito’y sakit ng paa at pagod, nagpapasalamat pa rin kami. Ito’y isa ring nagsilbing bonding namin ni beshy kahit hindi na kami nakapaggala pa para magliwaliw.  THANK YOU LORD! ANOTHER PRODUCTIVE DAY INDEED. ♥
Tumblr media
isa sa napakaraming underpass sa Ayala, Makati
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
EXO’luxion in Manila
YEEEEEES!!!
I thought i couldn’t afford any ticket, atleast at the farthest seat - general ad section - BUT I CAN!!!! ATLEAST!!! I SAW THEM!!!!!!
Haven’t posted for awhile about this but it will still take time. I’m actually excited to post my photos taken @ moa arena the day after the concert but i got busy ‘til i forgot bout this. And i still am busy huhuhuhuhuhu wyyyyy
so yeah. I just came to post that I WENT. I SAW THEM. I HEARD THEM. I SANG ALONG. I FANGIRL (ed *past tense). I CRIED. I SMILED. I LAUGHED. I DANCED. I SHOUTED. I WAITED. ♥♥♥
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
Motivation not found
October 27 2016
Oct 27 2016 Sa kasagsagan ng PANA/ TV Scene/ Adweek prep
PRODUCTIVITY: 0% REASON: Marami. ALIBI: Mas marami.
Gusto ko kaso wala akong motivation. Gusto kong tumulong, maging productive kaso tinatamad ako. Gusto ko na magbayad kaso wala pa rin akong pambayad.
- GUSTO KO KASO WALA AKONG MOTIVATION Alam niyo ba yung feeling na naiinggit ka nalang sa squad ng kaklase mo kasi sobrang productive ng majority sa squad na yon. Yung tipong gusto mo nalang makisquad sakanila kapag mga gantong sitwasyon na. Gusto ko mamotivate nakakawalang gana kapag yung mga kasama mo sa paggawa di mo naman kaclose o baka jinujudge ka pa. Wala kang karamay.
- GUSTO KONG TUMULONG, MAGING PRODUCTIVE KASO TINATAMAD AKO. Tipong lagi ka nalang pagod kahit nasa bahay ka lang naman buong araw. No further explanations. Ayan na yon.
- GUSTO KO NA MAGBAYAD KASO WALA PA RIN AKONG PAMBAYAD Financial problems you know. Alam ko matagal na 'to sinabi kaso yung iba ba bayad na rin? baka mamaya tapos na yung event, may di pa rin nakakapagbayad tapos hinayaan na lang. wth?! Tsaka wala e, hirap lang talaga. Naaawa na 'ko kay papa, hingi ako ng hingi. Di naman siya tumatae ng pera
Here's more reason: Yung mga taong nakakatrabaho/salamuha mo, yas i know BBE PROFESSIONAL pero di ko na sila mahandle. Nayayamot ako sakanila at the same time MAS NAYAYAMOT AKO SASARILI KO KASI JOCY WAKE UP!!! 3RD YEAR KA NA!! GROW UP!!! BE RESPONSIBLE!!! ANO TUTUNGANGA KA NALANG?!!!
I'm introvert. Di ko mahandle sobrang daming tao kahit matagal ko na silang nakasama (2yrs). I just can't. I hate myself.
Nahihiya na 'ko mag approach. Naiisip ko na kasi agad yung iisipin nila kung mag approach man ako after how many days na di ako nagpakita't nagparamdam. "Kapal naman neto". "Luh, lakas magsuggest di naman umaattend" "Di man lang nahiya"
KAYA BUKAS, MEETING NAMIN. DI KO NA ALAM!! HOW TO SURVIVE :((((((((((((((((((((((((((((((
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
Busy af
October 4 2016
OCTOBER 5 • LAW Finals • Acco 3 & 4 quiz • Survey for case study @ 
OCTOBER 6 • Math in Business quiz • Marketing Product Presentation • Survey for case study pt. 2 • Survey for case study consultation
OCTOBER 7 • Shoot for Challenge 7 & 12 • Same day edit • Case study type type typeeee
OCTOBER 8 • AVP Presentation • Ethics ASC Lesson • Case study deadline! • PR Consultation • Overnight @ pending
OCTOBER 9 • PR Campaign pa rin!! • ANO NA PAHINGA PLEASE
OCTOBER 10 • PR Campaign defense
OCTOBER 11 • Ethics Finals
OCTOBER 12 • Accounting Finals
OCTOBER 13-NOVEMBER 20 • Production/Promotion Practice/Sponsorship Letters/Creatives for DEPTWEEK! (organizer)
NOVEMBER 21-25 • Production/Promotion/Photography/Docu/Usher/Organizer for DEPTWEEK!
# of Academic/Event GC's (Group chat): 9
- for MKTG Group - for AVP Group - for PR Campaign Group - for STATS Case Study Group - for our section Group - for Promotion Committee Group - for Food Committee Group - for Documentation (Photog) Group - for Creatives & Production Group
HI PO SEMBREAK!!!
1 note · View note
keepingphotographs · 8 years
Text
love, jo**y
Para sa babaeng kanyang pinakamamahal
Hi ate girl! Alam kong kilala mo ako. Alam mong naging magkaibigan, matalik na kaibigan at naging magkasintahan kami, tulad ng kung anong meron kayo ngayon. Ngunit, ikaw na ang mahal niya, mahal na nakikita na niyang kasama hanggang sa pagtanda na dapat sana ako. Napakaswerte mo dahil napaka-”boyfriend material” at di kalaunan ay “husband material” niya at sa di pa kalaunan ulit ay “daddy material”. Ngunit, napapansin ko ring maswerte rin siya sayo dahil nakikita kong napakabait, responsable, maalaga, maaalalahanin, mapagmahal mong tao, di lang sakanya ngunit sa lahat ng taong nakapaligid sa’yo. Yan ang wala sa akin. Yan ang wala pa sa akin noong panahong minahal niya ako. Hindi pa ako handa noon at hindi pa rin ako handa hanggang ngayon. Kaya’t napakaswerte niya at nahanap niya ang isang tulad mo, na aagapay sa kanya sa lahat ng bagay. Napakaswerte mo, ikaw ang minahal niya, ikaw na ang mahal niya at ikaw pa ang mamahalin niya. 
Naiinggit ako sa’yo dahil ikaw na ngayon ang binigyan ng pagkakataong mahalin at makasama ang isang tulad niya. Wag mo nang palalampasin pa ang pagkakataon, dahil kung hindi, kukunin ko siya sa’yo kapag handa na ako. 
Natutuwa ako’t masaya kayo sa piling ng isa’t -isa ngunit kasabay nun ang hinagpis sa puso kong matagal nang uhaw sa pag-ibig niya, na marahil pati ang aming pagkakaibigan at samahan ay tila naputol na. Subalit, ano pa nga bang magagawa ko kung binihag mo na ang puso niya. 
Mahalin mo siya ate girl, nang higit pa sa pagmamahal na naibigay ko sa kanya. Alagaan mo siya at wag mo siyang pababayaan. ‘yan lamang ang tangi kong hiling.
-love, jo**y
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
Porque
“Porque”
Tulala lang sa 'king kuwarto At nagmumuni-muni Ang tanong sa 'king sarili Sa'n ako nagkamali? Bakit sa'yo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho... Porque contigo yo ya eskuhi? Ahora mi corazon ta supri Bien simple lang iyo ta pidi Era cinti tu el cosa yo ya cinti... Ta pidi milagro Bira'l chempo El mali ase derecho Na dimio reso Ta pi dio Era olvida yo contigo... Ang lahat ay binigay ko Ngayon ay sising-sisi Sobra-sobra ang parusa Di alam kung kaya pa... Bakit sa'yo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho... Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta sufri Bien simple lang I yo tapidi Era cin ti tu el cosa yo ya cin ti 
Ta pidi milagro Bira'l chempo El mali ase derecho Na dimio reso Ta pi dio Era olvida yo contigo... Huwag nang lumapit, o tumawag pa At baka masampal lang kita Di babalikan, magsisi ka man Ako ay lisanin... Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta sufri Bien simple lang I yo tapidi Era cin ti tu el cosa yo ya cin ti... Bakit ikaw pa ang napili? Ngayon ang puso ko ay sawi Kay simple lang ng aking hiling Na madama mo rin ang pait at pighati... Sana'y magmilagro Mabalik ko Mali ay mai-diretso 'Pinagdarasal ko Sa 'king puso Na mabura ka sa isip ko...
-
Ito’y inaalay ko sa huling lalaking aking lubos na minahal. Sa lalaking naging matalik na kaibigan ang aming turingan. #namchin
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
Bakit ngayon lang?
"Bakit ngayon lang?”
Ngayon napagtanto ko na kung bakit at kanino ako nagkakaganito Matagal ng panahon mula ng mangyari iyon mula ng mawala sa akin iyon
Ngunit tila binalik-balikan pa rin ako ng sakit na dapat hindi ko nararamdaman ngayon bakit ngayon ko lang nararanasan ang sakit bakit ngayon ko lang nararamdaman ang pighati ng tuluyan mong pagkawala sa aking piling bakit ngayon lang kung kailan mayroon ka nang iba
Madalas ko nang masilayan ang post ng isa’t-isa sa instagram  Bawat isang larawa’y katumbas ng isang kirot sa aking dibdib At napagtanto ko ngang.. oo, bitter ako Bitter ang pakiramdam ko sa tuwing ito’y masisilayan at ako’y nasasaktan sa bawat matamis na salitang inyong binibitawan
Bakit ngayon lang kung kailan masaya ka na sa piling ng iba?
1 note · View note
keepingphotographs · 8 years
Text
hooraay!!
Tumblr media
Hooray for my babies! Pagkatapos ng aking mahaba-habang pag-iipon at pagtatrabaho bilang isang summer youth sa ilalim ng pamahalaan ng gobyerno ay nakamit ko rin ang aking inaasam-asam. Ang magkaroon ng sariling ‘dslr’ at kumuha ng magaganda at makahulugang mga litrato gamit ito. 
Salamat sa Panginoon sa pagtuturo sa’king maghintay at magtrabaho para makamit ito. Sa aking ama na siyang kasama ko sa pagbili nito at pagdagdag sa pinansyal na pagkukulang upang mabili ito. Sa aking ina na very supportive. Sa aking kuya na nais rin makamit ng gaya nito at sa bunso naming napakamasunurin. :)
Sa wakas talaga! Super saya as in huhuhuhuhu. though may pagdadalawang isip na ‘ko ngayon na sana canon nalang pinili ko, pero dahil nandito na. :) Dapat D5500 kaso mahal pa, to D5300 na hapon pa ang dating (dahil napaaga kami ni papa) kaya naging D5200 nalang na wala naman halos pinagkaiba sa function. #NasaGumagamitYan ♥
So ayon, dahil may dslr na ‘ko, watch out for my ‘photography’ skills kuno ko. :) && hello sa laptop ni kuya (nasa pic), sa kata phone kong kinakaya pa, sa eskwelahan planner na regalo sa akin ng mahal kong kaibigan, at papemelroti na notes ko, sa mga ballpen at sa tablet brought to you by pldt. Haha :)
PS. Ubos na ipon ko pero worth it naman! ♥
Saturday class kit ko talaga yan. Haha :D
‘coz AVP & ethics
1 note · View note
keepingphotographs · 8 years
Text
Summer love
hi to my summer boy you have made my summer a lot memorable than the usual you have made me feel special you have made me happy for a short span of time we both have felt something special we both have shared the same feelings toward each other we both have known each other this summer
i know, and i can feel it we both have loved each other this summer i know this won’t last longer than summer i can feel it ‘coz dating in SD isn’t right
ang SD ay isang laro lamang hindi sigurado kung pati nararamdaman ba’y laro padin hindi alam kung ang nararamdaman ba’y hanggang SD nalang hindi mapakali, hindi matigil isipin kung ikaw ba’y totoo, kung ang nararamdaman mo ba’y totoo
ang puso ko’y unti-unti nang nahuhulog sayo hindi mo ba napapansin ang nadaramang ito? o ikaw lamang ay nagpapakita ng motibo ngunit hindi kayang panindigan ito? ano na nga lang ba ang magagawa ko? kundi ang maghintay ng desisyon mo
ngunit salamat dan salamat sa pagpaparamdam sakin salamat sa pag-alala saakin salamat sa memoryang hanggang chat lamang salamat sa pinagsamahang pangsummer lang salamat sa panandaliang panahong ika’y kausap salamat sa pagbibigay ng pagmamahal na aking hinahanap
tanging hiling ko lamang ay ikaw, tayo nawa’y sa pagtigil mo sa SD, siya namang pagpatuloy nito sa totoo totoong buhay na walang laro at papasukin ako sa puso mo
kung hindi kaya ay, kahit pagkakaibigan lamang ang ibigay nandiyan ka na’t nakilala kita kailangan mo pa bang mawala?
hi again to my summer boy nawa’y magpatuloy pa ang ating pagkakaibigan, mapatag-init man o tag-ulan
- kunyare nababasa mo ‘to. kunyare lang. 
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
just maybe
Nabasa ko ulit yung post ko nung May 09 and i realized something..
Maybe i’ll just go back to that and study since pasukan na tomorrow may mapagbabalingan na ko ng atensyon di na puro sd nasa isip ko
maybe i’ll just stick to that maybe kaya ko kayanin ko umiwas kayanin ko wag mag online
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
ugh. i miss my laptop gusto ko na mag update, magpost ng photos hihi 
HIIIIII sa nakakabasa nito (as if) :)
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
Open letter to the guy i met this summer
June 13, 2016
Sorry kung mahaba.
To DC, March 19 2016, nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon. Nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahon. Tila agad akong nahulog ng di napapansin, pero tadhana ko'y mukhang di tayo pagtatagpuin. Pinili kong lumayo pero pilitin ma'y bumabalik sayo.
Holy week, halos buong araw tayo magkachat Ang gaan gaan mo lang kausap. Ginawa mo kong 'bespren' mo kasi kaugali ko bespren mo sa outside world, at ayaw mo kong umasa. Nakaramdam ako ng something special, ng sparks between us pero kinimkim ko lang yun dahil isa kang hokage. maraming babae ang nahuhulog sa patibong mo. maraming babae ang unti-unting nahuhumaling sayo. Lahat yun, sinuportahan kita. Lahat yun, dinamayan kita. Kinausap mo fam ni queer, fam ni prunce, fam ni miiyu, andun lahat ako, kapm mo. Labasan mo ng rants mo. Sabi mo, buti nalang andito ako, kasi sakin you feel safe. I stayed, kahit nagseselos ako ng wala sa lugar.
Takot akong umamin, kasi una palang sinabi mo "iba mundo ko dito, iba rin mundo ko sa labas". Naisip ko baka hanggang pangsd lang din tong nararamdaman ko sayo, kaso hindi. Ilang weeks kang di active, pagbalik mo umamin ka. Sabi mo, "kase yung totoo? Kala ko joke mo lang to, kala ko wala lang lahat to sayo". Dahil dun, nakaramdam ako ng pag-asa. Pag-asa na baka di na pang-sd yang nararamdaman mo. Nireplyan kita "akala ko rin, akala ko joke time mo lang ako".
Akala ko hanggang bespren nalang ako sayo. Akala ko past time mo lang 'to Akala ko one sided lang ako Matagal na ko napapaisip na magquit sa sd, kaso di ko magawa dahil sayo. Nag oopen ako ng sd para sayo, para i-check ka, para i-check kung nagpm ka naba, kung nagonline ka na ba. Tuwing umaga bago pumasok sa summer job, sd agad binubuksan ko. Swerte nalang kung sabay tayong online. Good morning messages, tsaka ingat. Gabi-gabi naman, pag-uwing paguwi ko, sd padin. Iccheck kung nagpm ka na. Minsan, swerte nalang din kung matyempohan kitang online. Kaya gabi-gabi rin, simula pag-uwi hanggang abutan ng antok, online lang yung sd ko , umaasa na baka maabutan kitang online.
Kaso minsan, nakakasawa. Umaasa nalang ako palagi. Habang nakaonline, chinecheck ko fb account mo, inistalk. Pati ig mo ininvade ko na. Hanggang sa naging hobby ko na ang pagsstalk sa social media accounts mo. Pati twitter na ang jeje mo pa magtype, nahanap ko.
Di pa man kita nakikita sa personal, pagchinecheck ko fb, ig mo, pakiramdam ko magkalapit lang tayo. Pakiramdam ko kausap kita harap-harapan. Yung ngiti mo, dimples mo, dalawa mong ngipin sa harap, at yung mata mong chinito. Dahil dun, lalo lang ako nafall.
Nafall kahit walang kasiguraduhan. Pinaramdam mo naman sakin na may feelings ka rin, pero bakit ganun? pakiramdam ko hanggang SD nalang 'tong feelings mo, natin. Tinanong mo pa ako kung pwede manligaw (oo, nagets ko na) kaso parang di mo ata kaya panindigan, tsaka di ko alam kung san ka nanliligaw, sa SD ko, o sa outside world na?
June 13, paggising ko, tulad ng nakagawian, nagopen agad ako. "FD mo ko" "May iba ka naman na" "Sorry for not being here always" "Quit nako" Masakit. Sobra. "Quit nako" means quit sa sd, quit sa feelings, quit. Unang-una, wala ka ng dapat ikaselos kasi wala naman talaga. Pangalawa, sorry kung nakaramdam, pinaramdaman kita ng selos. Pangatlo, hindi kita ie-fd. Pang-apat, kahit magquit ka, kahit kalimutan mo ko, THANK YOU & di kita iqquit.
May aaminin pala ako, di ko inaasahang.. nakita na kita. Personal. Sideview & backview. Malayo. Gusto nga rin pala kitang i-add sa fb, kaso di kita maadd at baka magmukhang desperada, ayoko naman nun. Ako nalang add mo, char.
Sorry kung mahaba. Isahang message nalang 'to. Tila agad akong nahulog ng di napapansin, sa paghulog ko umaasa akong sasaluhin mo ko, kaso mukhang huli na ang lahat.
Kung disisyon mo na talagang magquit.. Thank you, zanjo. Sa pagbibigay ng kulay ng black&white kong mundo sa sd, sa pagbibigay ng liwanag sa nagdidilim kong summer. Wala akong pinagsisihang ginugol ko yung free time ko sa sd, di ko pinagsisihang nakilala kita. Kapalit kasi nun ay ang magagandang ala-ala habang kausap kita at ang malinaw na pagtingin sa pagdaan ng araw. Meeting and having someone like you is one of the best thing ever happened to me. Umaasa parin akong magkkrus yung landas natin, di man ngayon, pero malay mo. Di man as alam mo na, baka as besprens sa outside world, pwede pa. Gusto kitang maging kaibigan. :) Nakilala na kita, wag ka ng umalis sa buhay ko.
HAPPY 3RD MONTHSARY simula ng makilala kita. :) Codename mo lang nilagay ko, baka mapagalitan ka. Sana nakilala mo sarili mo na ikaw ang tinutukoy ko dito by clues. Babe, miss na kita.
Ps. Magqquit ka na pero yung secret nyo ni mama di ko padin alam.
Bespren mong babe, perv, abno, cute, dyosa JC
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
Going back to what I used to do before
May 09, 2016
Watching kdrama Stopping by in super dancer game sleeping Eating lying on my bed no guys just friends and family Were much happier than waiting for a guy to talk to me than expecting to his reply than being sad just thinking of him
mas okay pa maging malungkot para sa characters ng drama na pinapanood ko kesa sa pagiging malungkot dahil di padin sya nagpaparamdam.
Yes, ginulo mo tahimik kong buhay. Yes, you gave me happiness and again I felt excited just by knowing you'd reply back Yes,, I felt special but that was just in a short span of time
So I guess I'll just go back to what I used to do before. :)) I'll be okay. As if were dating for real duh. I'll be okay :))
It isn't the right time that God has planned for us.
1 note · View note
keepingphotographs · 8 years
Text
I changed
May 04, 2016
Nagbago ako in terms of showing affection towards my friends. How? Bcoz of my failed relationships. and ayoko naman na ako lang nagpapakita ng care tapos baliwala lang sa isa. Ganern.
Mas prefer ko pag mutual Mas masarap sa feeling Kasi baka masaktan lang ako. Na kala ko tinuturing mo din akong kaibigan or what while I cared for you pero hindi naman pala. That's why.
That's why I've always been cold and selfish and cold again towards my friendships.
Kasi kahit sa pagkakaibigan lang, may tendency paring masaktan ka. Actually mas masakit pa sa breakup ng magjowa ang sakit ng mawalan ng kaibigan.
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
Umasa
May 03, 2016
Sa muling pagbukas ko ng laro Umaasa ng iyong sagot Ngunit nabigo dahil Hindi pangkaraniwang reply ang isinagot
Maikli, walang damdamin Masakit at ramdam kong nilalamig kana Pambihira no? Sa init ng panahon ngayon, nakuha mo pang maging cold
Ngunit sino ba naman ako? Ako lang naman tong taong umasa sa may girlfriend na Ako lang naman tong naniwala sa lahat ng matatamis mong kasinungalingan Ako lang naman tong naniniwalang baka may pag-asa
Umasa akong sa katapusan pa ng init ng panahon matatapos ang init ng ating pagkakaibigan Makachat ka lamang ay masaya na ako Ngunit tila maaga mong tinuldukan sa maikling reply mo Napaparanoid na ko, Pero ramdam kong sa sagot na yon ang kawalang interes mo
Kaibigan na ang turing ko sayo, Sana ganun ka din Ngunit minsan, oo unti unti may lihim na pagtingin, Sana ganun ka din Masakit bh3 e :((
Naiinis ako sa sarili ko dahil umasa ako. Ngayon nasasaktan ako.
0 notes
keepingphotographs · 8 years
Text
ei-ffel
sa unti-unti kong pagkahulog sayo sana mapansin mo itong nararamdaman ko sana may sumalo sa puso kong ito umaasa parin ako ngunit sa totoo lang, ayoko ng ganito napaparanoid ako ayokong umasa, wag kang magpaasa kung hindi mo lang din pala pananagutan itong damdamin ko
0 notes