Tumgik
louisewis Β· 4 months
Text
Oh right
Who did I fool.
Giving enough to keep me hook in.
0 notes
louisewis Β· 4 months
Text
Makakalimutan din kita
Oo, you might have been my best love.
Oo, darating ang araw pagsisihan kita.
Pero darating din yung araw
Kakayanin ko mag-isa.
Kakayanin ko kahit wala ka.
0 notes
louisewis Β· 4 months
Text
Oh. Kaya pala.
Kaya pala parang may mali.
Kahit na sinasabi mo ako ang mahal mo.
Kahit sinasabi mo inaayos mo tayo.
Sukot.
May iba na kasi.
Hindi ka sinungaling na tao.
Pero sa harap ko nagsisinugaling ka para itago sya.
Kaya pala kada selos ko, mas galit ka.
Kaya pala sa twing magtatampo ako, iritable ka.
Kaya pala sa twing magdedemand ako ng rightfully mine, wala ka gana.
Kasi una palang hindi mo na inaayos.
Una palang nung umayaw ka,
Ayaw mo na talaga.
Wala ka na chance na binigay.
Wala ka na inaayos.
0 notes
louisewis Β· 4 months
Text
Hindi ako patatas.
Hindi ako kilalang swiftie.
Hindi ako anak ng pastor
Hindi rin ako guro.
Pero matalino akong tao.
Alam ko kung ano ang tama sa mali.
Hindi ako kagaya mo na ahas.
Hindi ko kailangan mang-agaw at manatili sa relasyon para lang masabi ako ang pinili at tama.
Hindi ako ikaw.
Hindi ako kabit.
0 notes
louisewis Β· 4 months
Text
Tanga ko nagsstay para sa pamilya ko.
Pero ikaw, ikaw na babae.
Anong karapatan mo manatili.
Anong karapatan mo ipaglaban ang mali ninyong relasyon?
Sino ka para ipaglaban ang meron kayo?
Naninira ka ng pamilya.
Naninira ka ng buhay para masabi mo lang masaya ka.
Tanga ka. Mang-aagaw.
Buti sana kung boyfriend lang.
Pamilyadong tao ang inaahas mo.
Mahiya ka naman sa pastor na magulang mo.
0 notes
louisewis Β· 4 months
Text
Sinungaling.
Hindi ako tanga.
Napaka-sinungaling ninyo.
Mang-loloko.
Kilalang kilala kita.
Nag-sisinungaling ka.
Sa lahat ng tao, ikaw na hindi nagsisinungaling niloloko ako para sa isang babae.
Sinungaling. Mga manloloko.
0 notes
louisewis Β· 4 months
Text
BFF PREMIUM EVOLUTION
July
Sabi mo aayusin natin. Tulungan kita, tulungan mo ko.
August
Pakiramdam ko may mali, pero sabi mo praning lang ako. Kaibigan lang, pero iiwanan mo ako para sunduin sya kasi "something's off". BFF ko lang to, kawawa naman nabubully ika mo nga. Kaya maghapon na magkasama sa work, pag-uwi magdamag pa magkatext to the point na hindi ka na makausap.
September
Sabi gusto mo mag-enjoy kasama ng barkada. Bakit kayong dalawa lang? Todo simpatya pa ako sa issue ninyo. Kaya naman pala may issue may pinanggalingan. May ibang mahal si bff grabe ka affected mo, nakakadungis ba ng ego na may umaaligid sa binababae mo. Cake lang yan wag ka OA. Galit ka pa. Yung regalo ko wala ka pakialam, pero ung "cake lang na pang-asar" ni bff inuwi mo pa, buti di mo na kinain nakakahiya naman. BFF lang pero magdededicate ng "pipiliin ka sa araw-araw".
October
Birthday kamo ni bff, todo tulong pa ako pang-gift niloloko na pala ako. Gabi-gabi na lang nalelate ng uwi. Kahit linggo may pasok ka kamo. Sa trabaho nga ba ang pasok o may pasok kay bff mo lang.
November
Sabi ko isama mo si bff. Hwag na kamo ma-issue pa. Hwag na kamo mapraning pa ko. Kaya pala hindi pwede, hindi nya alam na tayo pa.
December
Sabi mo okay tayo, bff lang, praning lang ako. Pero noong pasko may pa merry christmas love kayong dalawa. May uwi ka mga laruan, napanalunan mo kamo, kaya pala vague ang kwento kasi galing sa "mahal ko" pero bff mo lang.
January
May apology letter na sulat kamay mo, hindi kamo galing sayo praning lang ako. Ikaw pa nagalit. Alam mo nakakalungkot don? Ung laman ng sulat, ung lagi mo sinasabi sa akin. Hindi kamo galing sayo, bff lang sya nagpatulong lang.
February
Nakakapagtaka bakit kailangan mo sya ilabas at bigyan ng chocolate kung mag-bff lang kayo at naiissue pa. Kamo pretend play lang pang bwisit sa naninira sayo sa trabaho.
March
Bakit ka ika ginagabi ng uwi. Busy lang kamo sa work. Yun pala busy sa date sa SM, sa Cafes, sa arcade, sa photobooth.
April
Gagala ako kasama ang barkada sabi mo. Bawal ako sumama. Inintindi ko. Excited pa ako para sayo. Kahit yun na lang sana un libreng araw na pwede ka namin makasama. Yun pala mas gusto mo kasama si bff na akala mo asong in heat sa harot. Bakit kako kayo nag-aaway, ayun pala may nakahuling may nangyayari na sainyo ni BFF lang.
May
Wala ka naman trabaho, pero araw-araw nakay bff. Si bff umaattend ng job interview mo? O baka si bff taga gawa ng lahat ng sayo? BFF lang pero ginagabi kakahintay makauwi.
June
Galit ka pa na hindi na kayo makapagkita araw-araw. Sino ba naman uto-uto maliban sakin maniniwalang trabaho ang araw-araw mo dinadayo sa opisina ni bff?
July
Nahuli ko yung chat ninyong dalawa.
"Ipaglalaban kita" "hindi ko kayang mabuhay na wala ka" "mahal ko" "ikaw lang" "date tayo" "i miss you"
Pero sabi mo walang kayo. Sabi mo walang nangyari sa inyo. Sabi mo pinaglalaruan mo lang sya. Libangan kasi nag-eenjoy ka na nakukuha mo sya sa mga da moves mo. Titigil ka na kamo.
August
Galit ka, tatlong buwan simula ng nawalan ka ng trabaho ngangayon ka lang inobliga maging ama, dumalaw araw-araw pero kinasama pa ng loob mo. Nagseselos si side chick. Ginagamit ko daw ang anak mo.
September
Hindi na ba kayo secret? Pinopost ka na nya with face. Very brave. Sabi mo aalis ka mag-isa. Yun pala magccheck in kayong dalawa. Walang nangyayari kasi sagrado sa relihiyon, mabait na babae. TANGINA NINYO! Walang kayo, pero nagccheck in. Hindi kayo pero tinago mo lalabas ka. Nagdahilan ka pa ng kung ano, idedate ka lang pala nya. Sa akin ka pa humingi ng pera.
October
Galit ka pa sa pagpopost ko ng picture nating dalawa kasi nagseselos si kabit samantalang ako ang asawa. Wala na kami sabi mo. Self-love muna. Ginamit mo lang sya pang pa high morale. Wala na pala kayo, pero twing hapon kinikita mo para kumain sa labas, tumambay kung saan, mag stroll hanggang oras na para sunduin ako. Walang kayo, oo nga.
November
Nagagalit ka sa paglabas ko ng emosyon. Ako yung asawa mo pero ung kabit ang biktima? Anong mali sa pagpost ko ng picture natin mag-asawa? Akala ko ba hiwalay na? Bakit nagiging problema? Kawawa naman un kabit, feeling biktima.
December
Hindi ka makausap, nakatutok sa cp, chat ng chat. Oo nga, walang kayo, wala na nga ba? O ginagamit nyo na naman ang salitang BFF para hindi mukhang sulutera ang mala-anghel mong friend. Kinut-off mo ko sa lahat ng means of communication sabi mo hibernation, wala ka na pakialam sa mundo. Pero panay ang chat mo. Kesa magsinungaling, magagalit ka na lang.
At una't una pa lang, walang magiging issue sa trabaho at kahit saan. Kung umasal kang tunay na kaibigan. Hindi sya dapat inilalabas sa gabi ng kayong dalawa lang. Hindi tama kayo lang ang laging magkausap. Hindi magandang tingnan na sya lang ang pwede humawak at yumakap. Hindi pagiging matalik na magkaibigan ang umastang parang bf/gf sa fb at ig. Hindi kayo couple para mag couply things. Hindi ka bf para manghimasok sa relasyon pag-ibig nya. At hindi ako kung sino lang para kailanman hindi ipakilala sa 24/7 mo kausap at kasama na "kaibigan lang". Kung kaibigan lang, ginawa mo sana ang tama nun nalaman mo pinagseselosan ko na sya. Hindi mo lang sya basta lalayuan. Customary na ipakilala mo sya, at ipakilala mo ako sa mundong ginagalawan ninyo. Well, hlndi mo nga malayuan kasi "sya lang ang friend ko".
----
Paulit-ulit ako. Oo. Paulit-ulit, kasi kailanman hindi ka naging tapat. Asawa ako, BFF lang sya. Dapat inilugar mo ang posisyon nya sa tama. Asawa muna bago ang iba. Hindi ka nagkulang, nailaan mo lang sa iba.
Matagal kita minahal.
Ilan beses kitang pinatawad.
Maraming taon kitang inuna, inunawa.
Isang taon lang akong napagod, nagloko ka na.
Wala ako karapatan magalit, kasi napagod ako?
Nasaktan ka, kaya deserve ko to?
Mahabang panahon na ung isang taon? Dalawang taon kung isasama mo yung pangloloko mo. Pangloloko mo na alam mo malaki ang naging epekto sa kondisyon ko. Pero kayo ang biktima kasi ako ang unang napagod. Kayo ang biktima kasi ako ang maingay.
21st century na nga. Mas tama na ang nanggagago.
0 notes
louisewis Β· 5 months
Text
β€œYour relationship with yourself sets the tone for every other relationship you have.”
β€” Robert Holden
647 notes Β· View notes
louisewis Β· 5 months
Text
Tara Kape!
Kasi nakaka putang-inaaaaaaa.....
Ako na inagawan ako pa ang kontrabida.
0 notes
louisewis Β· 5 months
Photo
Tumblr media
6K notes Β· View notes
louisewis Β· 5 months
Text
True. I won't fault the one that got tired.
Tumblr media
Maestro (2023)
489 notes Β· View notes
louisewis Β· 5 months
Text
I was dealing with my own demons, and despite it all I tried my best to be there for you. So you wont have to fave anything alone. I guess you have no patience to give me ample time and chance to understand and be there. And, I guess I don't have enough patience and time to be there for you with all my demons surrounding me.
β€œI can’t promise to solve all your problems but I can promise that you won’t have to face them alone.”
β€” Unknown
480 notes Β· View notes
louisewis Β· 5 months
Text
I just realize I'm no longer that person.
The person worth sharing the pains and the plans.
It's somehow painful to realize.
But I'm fine.
Because I have no energy and emotion left to deal with anything anymore.
0 notes
louisewis Β· 5 months
Text
You were just as amazing because I love you.
Without my love, you were like others you have so much toxic traits, bad habits, and principles.
I just love you and loved even your flaws.
0 notes
louisewis Β· 5 months
Text
The ache of pain become dull over time. Give yourself space.
0 notes
louisewis Β· 5 months
Text
Sorry mahal, sorry kung hindi kita inilaban. Sorry kung napagod na ako magbigay, maghintay at maniwala. Sorry hindi ko na kinaya umintindi. Sorry binitawan na kita kahit sinubukan mo lumaban.
0 notes
louisewis Β· 5 months
Text
You made me feel less important than her.
0 notes