Tumgik
#at ako ay si luna
sxmjxkxz · 2 years
Text
— Yosi Nights
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
lee heeseung x jake sim | heejake | wc: 923 words | taglish | fluff | established relationship | cw/ smoking | 
a/n: may contain grammatical mistakes | lowercase intended | renamed characters (not affiliated with the real people)
Tumblr media
noah sim loved kale lee.
since when? since they were kids. why? noah could list a number of reasons. best friend niya since diapers si kale. kahit isang taon lang ang pinagkaiba nila sa edad, they’ve been inseparable since their moms were best friends as well.
the height difference. kale was always the taller one sa kanilang dalawa, and although madalas pinipikon ni kale si noah dahil dito, noah had to admit that the height difference had its perks. from protection from flying balls in the school covered courts, to pang-apak at buhat tuwing late nakakauwi at nakakandado na ang gate nila noah sa loob. and most importantly, ang mga yakap. he loed being enveloped in kale’s warm embraces, he loved it whenever napapatingkayad siya to wrap his arms around the other.
so when he learned that kale felt the same way, he was ecstatic and couldn’t be any more happier.
pero kung magmahal ka ng isang tao, hindi lang karapatdapat mahalin lamang ang kanilang mga kabutihang pinapakita. kailangan mo rin matutunang mahalin ang mga kapintasan ng iyong sinta.
noah loves kale. he really does.
but one part of kale he always hesitates to love . . . is that small stick of rolled up nicotine held nesting between his fingers.
lahat naman ay may sari-sariling paraan para lutasin ang kanilang mga kahirapang hinaharap. and for kale, that was smoking.
ilang beses na nilang pinagusapan ang mga panganib ng pagyoyosi ngunit palagi itong natatapos sa away kaya hindi nalang siya nagpaparinig.
so when noah heard a ping from his phone and read the chat preview from his favorite notification, all he could do was sigh and pick out the thickest sweater in his closet.
“you up for a drive babe?”
“always, ingat papunta :)”
it was quiet. the only sound that could be heard was the soft music from the radio. nakatingin lang si noah sa labas ng bintana, watching other cara passing them by. it was late so not so many cars were out with them that night.
bigla niyang naramdaman ang kamay ni kale na dahan-dahang pinipisil ang kaniyang kamay, softly intertwining their fingers.
they were cold.
‘if only i could take your troubles away.’
noah memorized kale’s habits. at alam niya na ang maingat at marahang paghahawak niya ng kamay ng iba ay ibig sabihing may nagpapabigat sa loob ng ito.
and a troubled kale meant another night to endure the cloud of nicotine that surrounds the two lovers at each exhale.
dumating sila sa abandonadong gusi na madalas nilang pinupuntahan nung high school pa sila. as usual, no one was around so they could freely roam around the area as they pleased, but they never did. they always went straight to one spot where luna always shone her light along with the stars that decorate the night sky.
the rooftop
nakaupi yung dalawa sa pinakagilid ng kongkretong lapag ng gusali habang nakalawit ang kanilang mga binti.
as usual, well, whenever kale felt the need for a smoke, noah stared up at the night sky. he never was able to understand the idea of connecting the glowing white dots, but he did admire the fact that amidst all the darkness embracing, there was still light, no matter how small it may be.
pinikit niya ang kaniyang mga mata nang maamoy ang binugang hangin ni kale sa kaniyang pagyoyosi.
marahan niyang hinawakan ang kamay ng kaniyang nobyo at dahan-dahang pinisil pisil upang paalamin na magiging okay lang ang lahat.
narinig niyang bumuntong-hininga ang isa, ngunit hindi niya ito tinignan.
“tala”
“hmm?”, napatingin si noah kay kale ma ngayong nakatingala sa langit.
“sa lahat ng kadilimang nararanasan ko sa buhay ko . . . ikaw yung hindi nawawala-wala kong kaliwanagan.”
umirap si noah as he gently nudges the other’s shoulder.
“pero seryoso ako noah.”
nakita niyang tinapon ni kale yung kaniyang yosi sa lupa sa ilalim ng kanilang mga paa. kale gives him a small smile.
“thank you for being patient with me. alam ko sabi ko hindi ko na uulitin . . . pero hindi ko alam! paulit-ulit na sila jeng, sila sho . . . pati nga ikaw eh . . . i’m sorry you have to love such a flawed person.” rinig niyang mahinang paghikbi ni kale.
noah sighs. it was not the first time he heard kale express his guilt for not being perfect. pero sa mata ni noah, noong bata pa sila hanggang ngayon na nag aaral na sila sa kolehiyo.
kale was imperfectly perfect.
sumandal si noah sa balikat ni kale. malakas ang amoy ng marlboro red sa isa, ngunit binalewala niya lang ito. kailangan siya ni kale, hindi yung kaniyang pagbabanta.
“at uulitin ko ng uulitin hanggang sa magsawa tayo isang araw . . . which hopefully won’t happen right now.”, tawa niya.
“i chose to love you, and choosing to love you doesn’t only mean loving all the good about you. walang perfect sa mundo kale because we were made to grow.”
tumingala siya sa kaniyang nobyo na ang atensyon rin ay nasa kanya.
“at kahit potentially magkakasakit tayo sa pagyoyosi mo . . . i will always choose to love the imperfectly perfect you to grow along with.”
palapit ng palapit ang kanilang mga mukha sa isa’t-isa. humahalo na rin ang paghingang red ni kale at paghingang mint ni noah.
“sakin na yung lahat ng kahirapan at mga alaala mo . . .”
the tips of their noses were touching.
“tutal ako naman yung tala sa iyong mga kadiliman.”
kadiliman ang kanilang nakikita, ngunit ang kanilang pagsama ng gabing iyon ay masasabing nagbibigay liwanag sa kadiliman ng isa nanamang yosi night.
Tumblr media
by. atchi 🚬
25 notes · View notes
8wabisabi8 · 2 years
Text
Sunki one shot "Last Sunset" taglish
.
Reminder!!!!
this is a fanfictional story only
Be a responsible reader!
.
Playlist
≧ Sa susunod na habang buhay - Ben&Ben
"tap Play"
.
.
Sunoo said✿
" the place is so cold, i can see people swimming in the ocean, naingit ako, gusto korin mag swimming, nang kasama ka of course but, how?, i know you cheated, yes I'm angry, but i forgive you, because i trust you so badly, i forgive you because your my first boyfriend, hindi ko alam na mangyayari to sa relationship natin, because, it's so hard na paniwalaan na mangyayari yung ganong problem, like napaka tibay nung relationship natin, you didn't even turn into a cold person, you didn't even hurt me, until you confess na your cheating with my bestfriend, nung una di ako naniniwala so I laugh..."
Sunoo's thought 💭
unti unting humihina ang boses ko I don't know what is happening, is god taking me now?, but I'm not ready yet, hindi pa ako nag papaalam kela mama, sa pamilya ko, kela jungwon at jake, naramdaman ko na umiinit yung katawan ko naka upo kami sa bench ni ni-ki, we're waiting sa sunset, because sunset reminds me of use before we break up.
Ni-ki pov.
i thought...
I look at him, i can see his eyes getting tired, "do you wanna go inside na?" i ask him but he refuse, "i, wan na wait the sun-s-set" sabi nya sobrang nanghihina na he's also wearing coat at sumbrero, i can rarely see his hair, taklob na taklob yung ulo nya, i slowly put my right hand to his head but he avoids it, "why?" hes teary eyes look at me, red nose at namumutlang labi, "i just wanna hold you he-" , sumandal sya saken, saktong palubog na ng araw, "love ang ganda ng paglubog ng araw, gusto ko ulit makita yung pag lubog ng araw ng paulit ulit, pero pagod na ako, pagod na pagod, I don't know if i deserve this or what, but i really wanna rest, for intire life, forever..." hinigpitan nya ang yakap nya kabod kong tinignan ang mga mata nya unti unti itong pumipikit.
"l-love?" "hmm?" "i-im sorry, i-im so afraid that you'll get angry at me pag sinabi ko to, but i have a c-cancer, i-im so afraid to die mahal... ayoko pa, gusto ko pang maging nurse, gusto ko pang gumraduate, papagawa pa ako ng bahay nila mama at papa..., pero I'm so tired, if i rest, can you always visit me?, and watch the sunset with Rhian?" umiiyak na sya i can feel his body shaking, "h-hindi ka mamamatay okay?, hindi mo ko iiwan huh?, you'll stay here" i hug him very tight, "m-mahal, the sunset i-is bea-autiful i-isn't it?" blood slowly dripping in his nose, i immediately take my phone and call jungwon, "h-hyung, si s-sunoo, as-sa bench kami sa labas, please tumawag kayo ng ambulansya, bilisan mo!!!".
"s-sunoo, sun, s-sunshine, luna!!!, gising na please!!"
Third pov.
Mahigpit na mga yakap, tubig na patak ng patak mula sa mga mata, mga matang namumula, tunog ng humahagulgol na iyak, yan lamang ang na abutan ni jungwon at jay.
habang lumalapit sila, unti unti nilang naaninagan ang muka ni sunoo, namumutla at may pagid ng dugo sa ilong, tila wala na talang pag asa.
Bawat hakbang, may bawat pagpatak ng luha, unti unting hinawakan ni jungwon ang likod ni ni-ki, "niks?", "w-wala na s-si s-sunoo ko" nanghihinang boses na lumabas sa bibig ni ni-ki, "beh?, b-beh, gising jan, to naman wag kang mag biro ng ganyan, huy!!, attend kapa sa kasal nila mama at papa, huy!!!" sabay yakap ng mahigpit sa pinakaunang kaibigan nya, sya lang ang laging kasama ni jungwon since g7, hindi rin sila nag hihiwalay pati sa section.
kitang kita sa mata ni Jay yung nangyayari ngayon, sa lamig ng paligid at simoy ng hangin, mga taong nanunuod sa nangyayari, hangang may apat na taong tumatakbo kasama ang tatlong rescuers, may hawak rescue bed, unti unting binuhat ang katawan na namumutla at tila wala ng pagasang mabuhay pa.
lahat sila ay sumunod sa ambulansya nakasakay sa itim na van,hawak hawak ni ni-ki ang kamay nito hangang sa makaratung sila sa emergency room, still,,, reviving him, putting oxygen, at dextrose, but they remove the dextrose too, because the blood is not functioning already.
lumabas ang doctor at hinarap si ni-ki na nag mamakaawang buhayin ulit ang hanyang minamahal, ngunut malungkot na umiling ang doctor, "sorry sir Nishimura, but we failed to rescue him" he tap ni-ki right elbow at pumasok ulit sa room kung saan asa loob si sunoo, napa lingon sila nang maabutan nila ang magulang ni sunoo, "a-anak ni-ki asan si sunoo ko?" mga luhang pumapatak sa mata ng mga magulang nito, ang kaunaunahang anak nila, ang pinaka mabait sa apat na mag kakapatid, ay wala na.
"s-sunoo, a-anak, gising na, look dala ko pa yung favorite mong adobo na may nilagang itlog, o, susubuan pa kita, kakain pa tayo ni daddy mo ng sabay," sabay yakap sa knyang anak.
apat na worker ng morgue ang kumatok at pumasok may hawak na papeles para sa death title ni Sunoo, finillup ng daddy nya ito, then "mam sir, kelangan nyo po muna mag intay sa labas habang inaasikaso po namin ang bangkay ng anak nyo", tumango sila at lumabas, huling halik ng mag asawa sa noo ng kanilang anak.
At Sunoo's Funeral
everyone is crying, they lost their sunshine too, lalo na si ni-ki.
6 days after, saktong linggo ililibing na si sunoo, lahat ay nakasuot ng puti ka hit hindi kaano ano nakaputi rin basta kilala, hawak hawak ni ni-ki ang litratong naka frame
Tumblr media
this photo is from Pinterest
Ni-ki is standing at his grave, all people leave already, si jungwon, jake, hee, jay, at sunghoon ay pumunta sa garden na madalas nilang pagtambayan nung buhay pa si Sunoo, hindi na sya sumama, he want to cherish every moment kahit wala na si Sunoo.
"it's hurt, but i know you hurts more, sana mapatawad mo pa ako, i know it's too late to regret, pero still, sana mapatawad moko, because niloko kita at iniwan kita, at lalo kitang sinaktan ng palihim, hindi ko inaakalang may sakit ka, nagulat lang ako bigla nung sinabi mo sakin yon nung nasa resort tayo, that's also our last Sunset watching right?, also our last hug and last conversation, sana sa bawat yugto ng buhay ko ay kapiling parin kita, yung sinabi mo..? yung manood kami ng sunset kasama si Rhian, heh, mhmhmmh, ayoko nga, kasi gusto ko ikaw lang ang kasama kong manood ng sunset, hahaha pinaglololoko mo ba ako mahal?, kahit multo ko pa or anything, tatangapin parin kita, your always welcome to me, basta mag paramdam ka na kasama kita, kahit nakakatakot, feeling ko babangungutin ako mamayang gabi hahaha, yung bracelet ngapala na binigay mo saken, na color pink, i really love it, tataka mga bestfriend ko sabi ko bigay mo yon saken, hindi ko parin inaalis,,, look o, nangingitim nanga yung mismong garter e, ikaw mga yung nag suot neto saken e, bat ko aalisin"
dahan dahan na humilata si ni-ki sa araw at sa puntod ni Sunoo
"love?, pano kung... i let go kita?, kaso ayoko, ayokong sayangin yung time, gusto kopang habang buhay to"
sabay ng pagpikit ng mga mata
...
An imaginary dreams
"ni-ki ano baman yan, mag luluto kanangalang nasusunog pa, tong bata nato talaga oo" sbai ni sunoo, "suri suri, ganon kasi oag expert nakakasunog ng uniqe na pagkain" sabay ng mga malalakas na sigawan sa kitchen nanonood ang mga magulang nilang pareho, nakangiti at tumatawa ng mahina.
(ni-ki hoy gising anteh nananaginip ka bayan natawa mag isa habang natutulog)
minulat ni ni-ki ang kanyang mga mata.
bungad ang killer smile ni Jungwon "anteh sarap ng tawa mo ah alasdose na kaya"
oo nga three weeks na akong walang gana kumain at maligo medyo magaho narin ako, last nakain ko is yung asa grave pa ako ni sunoo, natulog panga ako e, binuhal lang ako nila.
"kumain narin sawakas" sabi ni sunghoon "maligo ka at aalis tayo" sabi ni jake, "k" sagot nya.
minutes later
humiwalay saglit si ni-ki para bumili ng donuts.
suddenly
"uy sorry po" inangat nya ang mga mata nya at nakita ang nakakabighaning muka ng babae
Tumblr media
"sorry kuya ah nag aapora lang!" kinuha ang gamit na nahulog nya at tumakbo.
naninigas si ni-ki sa pwesto nya, then nag pop out si sunoo sa knyang isipan, "s-sunoo?"
-The end-
ewan ko kung oneshot ba itu or hindi HAHAHHAHA.
overthink ako kung gawin kosyang full story madami pa akong naiisip e.
4 notes · View notes
0813file · 2 years
Text
Isa Pang Araw
Tumblr media
jaemin x oc ; tags: angst, mcd
“Sigurado ka ba diyan? Na-double check mo na ba ‘yan?”
Halos mapaigtad ako sa aking inuupuan nang biglang magsalita ang katabi ko. Umalis siya sa pagkakasandal at inilapit ng bahagya ang katawan sa lamesa na nasa harapan namin upang ituon ang kaniyang braso roon.
“Love,” awat ko bago pa siya makapag-simulang manggulo. Sa lalim ng kunot ng noo at talim ng tingin niya, sigurado akong maya-maya lamang ay kukwelyuhan na niya ang doktor na kaharap namin, kahit pa kaibigan niya itong doktor na ‘to.
Hinawakan ko ang braso niya at marahang pinisil ito nung hindi pa rin niya ako pinapansin. Agad naman siyang kumalma at sumandal muli sa kaniyang upuan.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.
“’Sensiya na, ‘tol. Nadala lang,” bawi niya matapos ang ilang segundo.
Tumango si Jeno bilang sagot at binigyan kami ng malungkot na ngiti. “Wala ‘yon. Naiintindihan kita. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka ganiyan din ang naging reaksyon ko.”
“Talaga bang hindi na magagawan ng paraan ‘yan? Ikaw ang pinakamagaling na cardiac surgeon sa ospital na ‘to, Jeno. Imposibleng wala kang lunas para sa kaniya.”
“Sana nga meron akong magagawa para kay Jieun. Maniwala ka sa’kin, gustong-gusto ko siyang tulungan...,” huminto sa pagsasalita si Jeno at bahagya akong tinignan bago niya ibinalik ang tingin sa kausap, “...pero wala talaga, e. Masyado ng delikado para sumailalim pa siya sa operasyon.”
Saglit akong napapikit nang makaramdam ng pagkirot sa dibdib. Medyo tumagal ‘yon at mas masakit kumpara noong mga nakaraang araw pero nagawa kong itago ang lahat nang ngumiti ako sa kaniya.
Hindi niya ako pwedeng makitang nasasaktan.
“Okay lang, Jeno. Alam ko naman ‘yon.”
Alam ko dahil parehas kami ng sakit ni Mama.
Hypertrophic Cardiomyopathy o HCM. Madalas, ang mga taong may ganitong sakit ay hindi na-da-diagnose na meron nito. Tahimik kasi ‘to kung tumrabaho. Kakaunti ang sintomas at kadalasan hindi pa nagpaparamdam sa pasyente. Malalaman mo na lang na may HCM ka kapag malala na.
At ‘yon ang nararanasan ko ngayon.
“Nakausap ko na si Tito. May kaibigan daw siyang magaling na doktor at saktong kararating lang niya sa Manila galing New York. Magpa-pa-sched na ako ng check-up mo bukas,” imik niya na nakapagpabalik ng diwa ko sa kasalukuyan. Kanina pa kaming tahimik mula ng matapos ang check-up ko hanggang sa pagpunta namin sa parking lot ng ospital. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa loob ng kotse at may tinitipa siya sa kaniyang cellphone. Akmang ilalapit na niya iyon sa kaniyang tainga nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
“Jaemin,” mahinang tawag ko sa kaniya. “Tama na, please. Tigilan na natin ‘to.”
Napakurap siya bago sumimangot. “Tigilan ang alin?”
“Ito, lahat ng ‘to. Tama na, Jaemin, please. Tanggapin na natin ‘to, okay? Tatlong doktor na ang napuntahan natin at lahat sila iisa ang sagot at hindi na ‘yan mababago pa ng kaibigan ng tito mo o ng kahit na sino pang doktor.”
Umiling si Jaemin. Nasa kalagitnaan pa nga lang ako ng pagsasalita ay umiiling na siya na para bang hindi niya tatanggapin kahit kailan ang katotohanan.
“Hindi, hindi ako titigil, Jieun. Hahanap ako ng doktor na makapagpapagaling sa’yo-“
“Jaemin,” pagmamakaawa ko at hinawakan ko ang kamay niya. “Matagal ko ng tanggap ‘to pero sa bawat doktor na pinupuntahan natin hindi ko pa rin maiwasan na umasa kahit konti na gagaling pa ako. At lahat ng ‘yon binigo lang ako at ganiyan din ang mangyayari sa mga susunod. Pagod na ‘ko. Pagod na pagod na ‘ko.”
Tinignan niya ‘ko at halos mapaluha ako ng makitang ang dating ningning at tuwa sa kaniyang mga mata ay napalitan na ng pagod at lungkot magmula ng malaman niya ang tungkol sa sakit ko.
Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko lahat ng nangyayari, kahit na ‘di ko naman ginusto ito.
“Napapagod din naman ako, Jieun. Pero hindi ko pwedeng basta na lang tanggapin na mawawala ka sa’kin sa isang iglap. Hindi ko kakayanin ‘yon. Kung ikaw tanggap mo na, pwes ako kahit kailan hindi matatanggap ‘yon.”
“Wala na tayong choice kundi tanggapin ang lahat. Ano pa bang hindi mo maintindihan do’n, ha? Tsaka mo lang matatanggap kapag namatay na ‘ko? Gano’n ba?” Hindi ko sinasadya pero hindi ko na napigilan ang maging sarkastiko. Sa tuwing mapag-uusapan kasi namin itong sakit ko, lagi na lang kaming nauuwi sa ganitong away at sawang-sawa na ‘kong marinig ang mga linyahan niyang ‘yan.
Nag-iwas siya ng tingin at binitawan ang kamay ko. Isinandal niya ang kaniyang ulo at napapikit ng mariin, pagkatapos ay umimik sa mahinang boses pero sapat na para marinig ko at maramdaman kung gaano siya nasasaktan sa sitwasyon namin. “Pasensiya ka na ha. Hindi kasi ikaw ‘yung maiiwan. Madali para sa’yong sabihin ‘yan kasi ikaw naman ‘yung aalis, kasi ‘pag nawala ka na hindi mo na naman mararamdaman ‘yung sakit. Ako kasi, habang nabubuhay pa ako, palagi kong dadalhin ‘yung sakit na idudulot ng pagkawala mo. At hindi pa ako handa para do’n. Hindi pa ako handang mawala ka sa’kin.”
At dun ko napagtanto kung gaano nga pala kahirap nito para sa parte ni Jaemin. Simula ng mamatay si Mama, sinabihan niya na ako noon na malaki ang posibilidad na makuha ko ‘yung sakit niya. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko na maikli lang ang buhay ko. Pero si Jaemin, hindi.
Wala naman kasi sa plano ko si Jaemin. Ang plano ko, live my life to the fullest and alone until my last breath. Ayaw kong may maiiwan ako kasi alam ko ang pakiramdam ng maiwan, but then he suddenly came in the picture. Pinigilan ko naman kasi alam ko na ang mangyayari sa huli pero mapilit siya.
And it’s not like it was hard to love him, because he is a selfless person who wears his heart on his sleeves. So I let myself love for the first and last time, as a gift to myself, and it was the best thing that happened to me.
Kaya hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. I brought him into this mess. Kung pinigilan ko na lang sana ang sarili ko, edi sana baka masaya siya sa piling ng iba na hindi siya iiwan at kaya siyang samahan sa pagtanda.
He could’ve been with anyone, someone who’s not me.
“I’m sorry, Nana. I’m really sorry.”
Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko. Muli kong kinuha ang kamay niya, hinagkan ito ng mahigpit at hinalikan habang paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kaniya, na para bang iyon ang makakapagpawala ng sakit na nararamdaman niya.
“Shhh, huwag kang humingi ng tawad sa’kin. Wala ka namang kasalanan at walang may gusto sa lahat ng nangyayari,” marahan niyang sambit habang kinakalas ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ko upang maipulupot ang kaniyang mga braso sa’kin para sa isang mahigpit na yakap. ‘Yung tipo ng yakap na parang wala na siyang balak bumitaw.
We stayed like that for a while – hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit habang dahan-dahang hinahaplos ng isa niyang kamay ang buhok ko. It’s after a few more minutes of silence when he finally spoke again.
“I guess, I really have no choice but to accept this, but you can’t expect me to accept everything in an instant. It’ll probably take some time...” he paused, as if he’s having a hard time in speaking the words out, “...but I think I can do that.”
Nagpakawala ako ng buntong-hininga habang hinihigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
“We’ll be okay, right?” tanong ko sa isang mahinang boses at hinanap sa kaniyang mga mata ang maliit na liwanag ng pag-asa.
“Of course, love. We’ll be okay.”
Nanatili kami sa ganoong posisyon, mahigpit na yakap ang isa’t isa na para bang wala ng makakapaghiwalay sa’min, kahit pa ang kamatayan. And for some reason, amidst everything that’s been happening, I believed that we will be alright.
 
Isa pang araw, please?
 
 
 
 
“Iniinom mo pa ba ang mga gamot mo?”
Tumango ako ng marahan sa kaniya at muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Hindi mo na ba talaga pwedeng taasan ang dosage ko?”
“Sagad na ‘yan, Jieun,” wika ni Jeno. Nandito ako ngayon sa office niya habang hinihintay na matapos ni Jaemin ang kaniyang pag-iimpake. He’s clearing all his things out from his office after submitting his resignation letter yesterday. It’s gonna take some time, so I decided to pay Jeno a visit and also to talk about some things. “We cannot take the risk of overdosing you. Sobrang sakit na ba?”
“Oo,” mahinang sagot ko. “At dumadalas na rin. Nahihirapan na ‘kong magpanggap sa harapan ni Jaemin na hindi ako nasasaktan.”
“Hindi mo naman kailangang magpanggap sa kaniya, e. Alam kong ayaw mong makita niya na nahihirapan ka pero kung gusto mo talaga na matanggap niya ng buo itong sitwasyon na ‘to, kailangan mo ding magpakatotoo sa kaniya.” He gave me a disappointed look, but then there’s also pity swimming in his orbs. And I hate it. I hate how people look at me in the eye with pity after founding out my condition. That’s why I preferred living alone, but that was only possible until I met Jaemin.
“I don’t want him to overreact. Nag-resign na nga siya sa trabaho niya dahil sa’kin, e. Hangga’t maaari, gusto kong manatili sa normal ang lahat.”
“Hindi mo siya masisisi. Mahal ka nung tao, you can’t expect him to act like everything is still fine after knowing that the girl he decided to spend the rest of his life with is dying. This is his way of coping with the truth. Alam mo namang gagawin no’n ang lahat para sa’yo, so don’t act so surprised.”
Iniwas ko ang aking tingin mula kay Jeno at ipinako na lamang ito sa labas ng bintana. Maganda ang sikat ng araw ngayon pero mas maganda kung masisilayan ko pa rin ang tanawing ito kinabukasan at sa mga susunod pang araw kasama ang mahal ko.
“Pa’no na siya ‘pag nawala ako? Wala na siyang trabaho ngayon,” banggit ko ng wala sa sarili.
I think I heard Jeno snorted lightly. “Para namang hindi na siya tatanggapin pa ng ospital na ‘to, e, pamilya nga niya ang may-ari nito, diba?”
“I’m not worried about that, and you know it, Jeno.” Ibinalik ko ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko na siya ring matalik na kaibigan ni Jaemin, at hindi nakatakas sa’kin ang kalungkutan na namumutawi sa kaniyang mga mata. I held back the tears that are slowly forming in my eyes and cleared my throat. “Promise me, you’ll take care of him when I’m gone. That’s all I’m asking.”
“I will, Ji. We all will, I promise,” he said while giving me an encouraging smile.
“Thank you.”
Somehow, the smile that Jeno gave me almost brought me to tears. Kung hindi lamang dahil ng pagbukas ng pinto ng opisina ni Jeno ay baka tuluyan na akong napahagulhol dito ng wala sa oras.
“Jaemin,” bati ng kaharap ko at nilakhan ang kaniyang ngiti para itago ang malungkot na atmospera na dulot ng pag-uusap namin. “Naayos mo na ba lahat?”
“Oo. I also did my rounds for the last time pero kailangan ko pa ring bumalik sa mga susunod na araw para sa pagpapasa ng mga pasyente ko kay Dr. Lee.” Naupo si Jaemin sa tabi ko, inilapit sa’kin ang mukha para mahalikan ako sa sentido at pagkatapos ay bumulong. “You okay?”
I hummed and nodded then gave him a reassuring smile but the frown on his lips only deepened. “Pagod lang siguro. Can we go home?”
“Yes, of course,” he smiled at me before looking back at his best friend who was looking at us with a sad smile on his lips. “Una na kami, Jeno.”
“Sige, ingat kayo.”
Jaemin held my hand the whole time we were walking towards the parking lot but after a few minutes, he lightly gave my hand a squeeze, earning my attention.
“Tahimik ka ata. Something wrong?” malambing na tanong niya at agad akong umiling para sana mawala na ang pag-aalala niya pero mukhang lumala lang ata. “Tell me what’s on your mind, Jiji.”
I gave him an assuring smile, telling him that everything’s okay but he’s not having it because he suddenly made us stopped walking in the middle of the parking lot. “I just thought about your patients. The kids love you so much, Nana, and I’m sure you’ll also miss them as much as they’ll miss you. Nag-aalala lang ako na baka ‘di nila magustuhan ‘yung bago nilang doktor.”
Hindi ako nagsisinungaling dahil kanina ko pa ring iniisip ang mga pasyente niya na puro bata. But my statement was also not the truth, it’s not what I was currently thinking about. Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng takot ko – hindi ng takot na mamatay kundi ang takot na maiiwan ko si Jaemin dito. But I also have to trust Jeno and his friends. Alam kong hindi nila pababayaan si Jaemin.
“The kids are gonna be in good hands. Kilala ko si Dr. Lee. Matagal ko na rin siyang kasa-kasama sa trabaho at napamahal na rin ang mga bata sa kaniya, so you don’t need to worry about them, okay?”
“But are you okay leaving them and your dream job?” Natigilan siya sa tanong ko.
He became a pediatric surgeon because of his dream and love for kids. Alam kong mahirap din para sa kaniya ang umalis sa trabahong minahal niya ng lubusan at pinaglaanan niya ng pagod at mahabang panahon para lang makamit ‘yon.
“No, but I will be,” sagot niya matapos ang ilang minuto na mas lalong ikinalungkot ko.
 “Do you really have to do-”
“Just let me do this, Jieun. Unti-unti ko ng tinatanggap ang lahat kaya ‘wag ka ng umasa na simula ngayon ay magiging normal pa rin ang lahat at ayokong sayangin ang natitirang mga sandali natin na hindi ka kasama. Alam kong hindi na sapat ‘yung natitira so I have to make the most out of it.”
His eyes blinked numerous times before his gaze steadied on mine. But even though he managed to stop that, I know that he’s about to cry. He wants to cry but he’s trying so hard to be the stronger one between us two, even if everything is starting to fall apart.
Hear him out, please. Pahinging isa pang araw.
 
Tinotohanan ni Jaemin ang sinabi niya sa’kin sa parking lot noong nakaraang linggo. He’s really keen on making the most out of the remaining days we have together.
Simula nung nalaman niya ang sakit ko two months ago, hindi na siya nagdalawang-isip na palipatin ako sa apartment niya. Pati ‘yung studio at recording room ko ay pinagpagawan pa niya ng sariling espasyo sa kaniyang lugar. On a normal day, I could get mad at him for overexaggerating and caging me inside his place. But what he did actually helped me. Mas madali na akong mapagod ngayon kaya pabor sa akin ang dito na lang magtrabaho sa loob ng apartment niya. Isa pa, araw-araw ko ng nakakasama si Jaemin, araw-araw na nakakatabi sa pagtulog at nagigising na siya pa rin ang kapiling. Nothing could make me feel happier than that.
Before, we only used to see each other during his day offs. Producer ako sa isang entertainment company habang si Jaemin ay doktor kaya natural lamang na maging busy kami parehas. Hindi ko tuluyang binitawan ang trabaho ko kahit hanggang ngayon. I still write some songs whenever I feel like it. Pero dahil full-time ng nandito si Jaemin sa apartment namin, nagagawa na namin ang mga bagay na di namin magawa noon.
We can now cook together, eat together, and have movie marathons with our legs tangled under the sheets. I can always feel his warmth whenever I feel cold or have him by my side immediately whenever I feel scared. And this time, I don’t have to feel alone while waiting for death to fetch me.
Siguro ang hindi lang namin magawa ay ang bisitahin ang mga lugar na nasa bucket list namin. Hindi na kasi ako pinayagan ni Jeno na bumiyahe ng malayo o kaya ay sumakay ng eroplano dahil baka raw hindi kayanin ng puso ko. So we stick with going to pretty places near our apartment – sa park, sa isang mini zoo, kahit ang playground pinatos na namin.
At ngayon, nandito kami sa kaniyang pribadong yate na regalo ng mga magulang niya nung nakatapos siya ng pagdodoktor. Tatlong beses pa lang akong nakasakay dito – una nung 1st anniversary namin, pangalawa ay noong birthday ko last year at ngayon ang pangatlo. And it’s not like he rides this often because of his busy career. But during these rare times I see him sail this yatch makes me fall for him even more.
Naalala ko nung unang beses akong nakasakay dito at nasaksihan kung paano niya maniubrahin ang malaking bagay na ‘to. I was admiring him so much – I think it was too much that I ended up drooling. Yes, that’s how hot he is as he manuevers this luxurious thing.
“Gwapong-gwapo ka na naman sa’kin, baka mamaya niyan mag-laway ka na naman.”
Bahagya akong napaigtad sa biglaan niyang pagsasalita at hinampas siya sa braso nang mapagtanto ang sinabi niya.
“Napakayabang mo talaga,” saad ko habang nangunguso dahil sa patuloy niyang pangungutya habang bahagyang natatawa.
Tinalikuran ko siya at lumabas papuntang deck upang tanawin ang malawak na karagatan at ang papalubog na araw. It looks so peaceful with the cold breeze hugging my skin perfectly.
But the cold feeling was suddenly replaced by the familiar warmth as I felt Jaemin wrapping his arms around me.
“I wish I could’ve taken you to more dates like this before. Masyado kasi akong naging abala sa career ko.” He let out a deep sigh as he placed his chin on my shoulder.
I leaned back, letting him support more than half of my weight and focused my gaze on the setting sun. “’s okay. Parehas naman tayong naging busy no’n at kahit pa anong gawin mong pagsisisi, hindi na naman natin maibabalik pa ang nakaraan. What’s important is the present and how we will live the future.”
“And I promise to be by your side on every single day of the future we have left together,” he replied with a soft kiss on my temple.
Pinanood namin ang napakagandang paglubog ng araw habang nanatili sa ganoong posisyon. Makatapos ang may kalahating oras, bumalik kami sa gitna ng deck kung saan naghihintay ang aming hapunan. It was a simple dinner that he prepared for the both of us with string lights lining above us, giving a cozy and romantic ambience.
Pagkatapos kumain ay nahiga kami sa inilatag niyang comforter sa lapag upang pagmasdan ang mga bituing nagpapaliwanag sa madilim na kalangitan. I’ve always loved stargazing. It gives me peace and serves as my healing time whenever I feel like the world is against me.
 “I wonder what it feels like...” I mumbled to myself.
“Hmm? Anong sabi mo?”
I tilted my head to look at him only to see him looking intently at me. I draped my left arm and leg over his body and laid my head on his chest, listening to the peaceful beat of his heart.
“I wonder what it feels like,” I repeated, but this time with a louder voice, “to be up there with the stars. It looks peaceful to be up there. Masaya siguro do’n kasi kitang-kita nila lahat ng tao dito sa mundo. Mainit kaya do’n o malamig? O baka sobrang ganda ng kinang ng mga bituin kapag malapitan, ‘no?”
Nakangiti akong tumingala para tignan si Jaemin pero agad nawala ang ngiting ‘yon nang makita ang seryoso niyang tingin sa’kin.
“B-Bakit?”
“Do you badly want to go there?” tanong niya sa isang mahinang boses na para bang mayroon siyang kinatatakutang malaman. “Up there with the stars, I mean.”
 And with that sadness and fear swallowing his deep orbs, we both know that it’s not about the stars he’s really talking about.
Itinaas ko ang aking kamay at dahan-dahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Panandalian siyang pumikit at dinama ang haplos ko bago niya muling ipinako ang kaniyang nagmamakaawang titig sa’kin. He badly wanted to know my answer.
Naisip kong magsinungaling pero walang saysay ‘yon dahil sigurado akong alam naman niya kung ano talaga ang sagot ko. Kaya dahan-dahan akong tumango at nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.
“I want to, Nana,” I answered with shaky voice. “I want to go up there with the stars, but not today. Maybe when I’m finally ready.”
Pumikit siya sandali at pagdilat ng kaniyang mga mata ay kita ang panunubig ng mga ito. Pero nagawa pa rin niya akong bigyan ng isang malapad na ngiti habang inaayos ang iilang mga takas na buhok ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya kasabay ang pagpatak ng isang halik sa aking buhok.
“Tama. ‘Wag muna ngayon, Jiji, ‘wag muna.”
Hindi pa siya handa. Kailangan ko pa ng isa pang araw.
 
 
We spent the next month doing travelling nearby towns, exploring places we haven’t been before. Nasimulan ko na rin ‘yung isang kantang matagal ko ng gustong gawin para kay Jaemin. I just really hoped na matapos ko ‘yon bago ako mawala.
Nando’n pa rin ‘yung pananakit ng dibdib ko at minsanang pangangapos ng hininga pero tiniis ko lalo na tuwing magkasama kami ni Jaem. Halos araw-araw namang tumatawag si Jeno sa’kin para kamustahin ako at paalalahanang uminom ng gamot. Minsan na rin siyang bumisita rito sa apartment kasama ang iba pa nilang kaibigan and I could never be more than thankful for them for always being here for us, for me. Kahit na si Jaemin naman talaga ang kaibigan nila, magmula ng maging kasintahan ko siya, hindi nila pinaramdam sa’kin na iba ako.
Para sa araw na ‘to, may hinanda raw na sorpresa para sa’kin si Jaemin pero dahil inaraw-araw na niya ata ang mga pakulo niyang ganto ay hindi na ako nagtaka pa at hinayaan na lang siyang sabik na sabik sa mangyayari ngayong araw na ‘to. Akala mo nga e siya ang makakatanggap ng surprise sa sobrang excited niya.
And for the past two months that we spent together, I can see how happier he has been despite of the future that awaits us. I just wish I can witness that for one more day and I won’t get tired of wishing the same thing everyday. Dahil ‘yon na lang ang tanging pinanghahawakan ko, ang patuloy na humiling sa Kaniya na bigyan ako ng isa pang araw para makasama si Jaemin.
I was brought back from my thoughts when I felt it again – the pain in my chest that seems like wouldn’t end. Sinubukan kong kumalma at huminga ng malalim sa paraang hindi mahahalata na Jaemin. Mabuti na lang din at abala siya sa pagmamaneho.
Tumagal ng halos dalawang minuto ang pagsakit at pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko. I closed my eyes tightly and silently pleaded.
Please, please, let it stop. It hurts so much so, please, let this pain stop. I don’t want him to see me hurting.
“Love?”
Idinilat ko ang aking mga mata at ang una kong napansin ay ang nag-aalala at maluha-luhang mga mata ni Jaemin.
“B-Bakit? Anong nangyari?” Umayos ako ng upo at itinuon ng buo ang atensyon sa kaniya.
“Kanina pa kitang hindi magising,” sagot niya at halos marinig ko ang takot sa tono ng boses niya. “You got me worried there, I thought I lost you.”
Nakatulugan ko pala ang pananakit ng dibdib ko. I wonder if that’s dangerous, if what I did almost cost my death. But then, I remembered my prayer before I fell asleep and thought that maybe, there is really someone up there who actually heard my prayers. Halos wala na akong maramdamam ng bakas ng sakit sa dibdib ko, as if I wasn’t dying in pain a while ago.
Itinigil ko pansamantala ang mga iniisip nang makita ang nag-aalalang mukha ni Jaemin at itinuon ang pansin sa kaniya.
“Hey,” I called as I placed my hands on his cheeks, giving them a light caress. “I’m here now. Napasarap lang siguro ako ng tulog. I’m sorry I got you worried.”
He doesn’t seem convinced as the crease on his forehead deepened. “Masyado ka bang napagod sa biyahe? Gusto mong umuwi na muna tayo?”
“Nah, I’m fine. Malapit na ba tayo?” Lilingon na sana ako sa paligid pero hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko upang ipirmi ang tingin ko sa kaniya na ikinagulat ko.
“Actually, we’re already here,” he anwsered while lightly nibbling his lower lip – a sign that he’s nervous.
“Then, let’s go?”
“Uhm, nasa labas na ‘yung sorpresa ko so I need you to close your eyes first.”
I raised my eyebrows at his request but decided to comply and let him do what he wants. Inalalayan niya ako sa pagbaba sa kotse at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan man. Because my eyes were covered, my other senses became sensitive, thus immediately picking up the faint sound of waves and smell of sea from afar.
Teka, dinala ba niya ako sa beach?
“Almost there,” bulong niya habang hawak hawak ng mahigpit ang dalawa kong kamay.
 “Ano ba kasi ‘yan, love?”
“Malalaman mo rin mamaya.”
Matapos ang ilan pang segundong paglalakad ay tumigil na rin kami. Binitawan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang paglapit niya sa’kin at pumwesto sa likod ko.
“Pwede mo ng buksan.”
The first thing I saw as my eyes slowly adjusted to the bright surroundings is a two-storey modern house standing in front of me. The next thing I noticed was the sight of white sand and emerald sea peeking behind the house.
“You always wanted to live near the sea because you always loved watching sunsets and you said that watching the stars with the sound of calm waves at the background every night would be a great way to end your day every day, so I thought, why not build our house near the sea? So you could do it every single night.”
“Jaemin,” tawag ko subalit hindi ko na masundan pa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko para malaman niya kung anong nararamdaman ko. Kaya tumalikod na lamang ako upang maharap siya at mabigyan ng isang mahigpit na yakap. “You didn’t have to do this.”
“I want to. And dami nating plano para sa kinabukasan natin pero hindi naman matuloy dahil masyado akong naging abala sa career ko. Ang magagawa ko na lang ngayon ay matupad ang kahit isa o dalawa man lang sa mga ‘yon habang nandiyan ka pa.”
Umiling ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. “Wala kang kasalanan, love. Naiintindihan ko naman, e.”
“Pero hayaan mo na lang akong gawin ‘to para sa’yo.”
“Okay,” I breathed out as I start to feel the burning of my eyes. “And thank you so much for this, for everything. Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya. I love you so much, Jaemin.”
Tumingkayad ako at ginawaran siya ng isang halik na agad naman niyang sinuklian.
“Mahal na mahal din kita, Jieun. Higit pa sa inaakala mo,” sagot niya na mas lalong naging dahilan upang manubig ng husto ang mga mata ko. “Pero bago ka umiyak, tapusin muna natin ang surprise ko para sa’yo.”
Napakunot ako ng noo sa kaniyang tinuran at nagpatianod na lamang sa kaniya nang magsimula siyang maglakad papunta sa likod ng bahay. Magrereklamo na sana ako na gusto ko munang makita ang loob ng bahay bago dumiretso sa dagat nang makita ko kung ano ang naghihintay sa’min doon.
Or should I say who because the first ones I saw were Jaemin’s closest friends with their partners, and his parents waiting for us, smiling widely and wearing white clothes – beach dresses for the girls while plain white shirt and brown pants for the boys. There are string lights everywhere, white curtains lined above and a white carpet on the small makeshift aisle between their seats. I looked at Jaemin only to realize that he was wearing the same dress code as them – and so am I upon noticing my white simple dress.
Gusto ko sanang kausapin si Jaemin pero hinila na siya nila Jeno habang ako naman ay pinalibutan na ng mga kaibigan naming babae – may nag-aayos ng buhok ko, mayroong nagdadampi ng kung anong kolorete sa mukha ko at ang iba ay panay ang paypay sa akin para raw hindi ako pagpawisan.
Afterwards, Yeji, Jeno’s finacee stood forward and handed me a white bouquet consisting of white orchids, peonies and freesia with their stems wrapped in white silk. Hyunji, Donghyuck’s new girl friend, grabbed something from her paper bag which turns out to be a white short veil. The rest of the girls hurried arranging the veil on my head, putting on clips to prevent the veil from falling.
And then it hits me. I’m getting married.
Ikakasal ako kay Jaemin, sa lalaking pinakamamahal ko.
The girls scrambled their way back to their respective seats when the faint violin sound started playing in the background. And I was left there alone on the end of the white carpet with my man standing on the other end, waiting for me to reach him.
Hindi ko na halos namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Parang tumigil ang oras, bumagal ang ikot ng mundo at kaming dalawa lamang ang tao. And with an encouraging smile from him, I bravely took one step forward, and another one, and another one, and another one until I reached him.
He held out his hand for me which I gladly took and when I looked at his eyes, the sparkles are back and they are twinkling at me, telling me how happy he is at the moment. And I could never be happier than this.
Ni minsan hindi ko naisip na maikakasal pa ako sa lalaking mamahalin ko ng lubos, pero simula ng dumating si Jaemin sa buhay ko, parang wala ng imposible.
He’s the miracle in my life – a gift.
Naging madali lang ang seremonya and before I knew it, we were already wearing our rings as we exchange our vows.
“Alam ko namang kakaunti na lang ang oras na meron tayo, kaya hayaan mo akong mahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na ibinibigay ko sa’yo ngayon. Hindi ko akalain na darating ang araw na matatanggap ko ang pag-alis mo pero wala na rin naman akong magagawa para mapigilan ‘yun, e. I promise to love you with all my heart and my all and even if death do us part, I will still love you, Jiji. It’ll probably take long, but please wait for me. When the right time comes, I’ll follow you up there and be with you along with the stars. I love you so much, Na Jieun.”
“Wala akong hinandang kahit anong speech kaya ang tanging masasabi ko lang ay sobra akong nagpapasalamat sa taas dahil binigay ka Niya sa’kin. You’re the best thing that happened to me, Jaemin. You gave my life a miracle, a gift, and I’ll forever treasure that with me. And I promise to wait for you, no matter how long it takes, so take your time, okay? And when the right time comes, I’ll welcome you with open arms.” Tumigil ako sandali dahil hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na paghikbi at paglabas ng mga luha ko. “Mahal na mahal kita, Na Jaemin. Sobra.”
Hindi ko na halos nasundan ang mga sunod pang sinabi ng pari dahil sa patuloy na pagpatak ng mga luha ko. And sunod ko na lang na nalaman ay itinataas na ni Jaemin ang aking belo upang magawaran ako ng isang matamis at punong-puno ng pagmamahal na halik habang nagpapalakpakan ang mga tao sa likod namin.
Nagkaro’n ng salu-salo matapos ang seremonya at munting sayawan. Isinayaw ako ng lahat ng kaibigan ni Jaemin at maging ang kaniyang Daddy. And of course, he was my last dance.
Higit sa isang kanta ata ang naisayaw namin, hindi ko na masundan dahil ang atensyon ko ay nasa lalaking kasayaw ko, ang aking asawa.
“Mahal na mahal kita, Jiji. Hinding-hindi ako magsasawang ipaalala sa’yo ‘yan,” bulong niya sa aking tainga habang mahigpit na hawak ang aking baywang. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kaniyang balikat at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
At that moment, I almost forgot everything. All I know is that I’m really happy and that nothing could ever take this unforgettable moment away from me. Until it happened.
Kung kailan sobrang saya ko na ay bigla naman siyang nagparamdam, tila ba pinapaalala sa’kin kung ano ang naghihintay sa akin sa mga susunod na bawat segundo ng buhay ko. At habang nalulunod ako sa kalawakang bumubuo sa mga mata ni Jaemin ay naramdaman ko ang masakit na pagkadurog ng aking puso. Sa sobrang sakit ay halos mamanhid na ako hanggang sa tuluyan na talaga akong mawalan ng pakiramdam dahil unti-unti ng binabalot ng kadiliman ang aking paningin.
Pero sa mga huling sandali, habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit at binabalot ako ng init na dala niya ay hindi ko inalintana ang lamig ng kawalan na nag-iintay sa akin.
 
 
 
 
“Isa pang araw. Bigyan mo pa ako ng isang araw kasama siya. Akala ko tanggap ko na, akala ko handa na ako pero hindi pa pala. Kaya, please, humihingi ako ng isa pang araw.”
 
Sabi nga nila, kapag sobrang saya mo, asahan mo na may kapalit ‘yan.
Nung gabing ikinasal kami ni Jieun ang pinakamasayang araw ng buhay ko ngunit ito rin ang naging simula ng aking bangungungot, ang simula ng aming pagtatapos.
Inatake siya at dinala sa ospital, ilang araw din siyang nagtagal do’n. At dumating na rin ang pinakakinatatakutan ko – binigyan na ng taning ang buhay niya. Akala ko tanggap ko na, pero iba pa rin talaga kapag nandiyan na.
Ayaw ko sana siyang palabasin sa ospital, kahit si Jeno hindi sang-ayon do’n, subalit iyon ang gusto ni Jieun.
“Gusto ko ng umuwi, love. Iuwi mo na ‘ko sa bahay natin.”
And who am I to say no, when it feels like she’s begging for it with her life? Kaya inuwi ko siya sa bagong bahay namin, where we spent her remaining days together. Halos araw-araw na rin siyang binisita ng mga kaibigan namin pero saglit lang dahil mas mabilis na siyang nakakaramdam ng pagod kumpara noon. Kaya madalas na lamang kaming nakahiga sa labas – sa sun lounger o kaya sa buhanginan – habang pinagmamasdan ang tahimik na karagatan.
Halos araw-araw na rin ang pagkirot ng dibdib niya at habang tumatagal ay unti-unti ng nawawalan ng bisa ang mga gamot niya hanggang sa tuluyan na siyang tumigil sa pag-inom no’n. Minsan maaabutan ko siyang umiiyak sa sulok ng kwarto namin o ‘di kaya ay magkukulong sa banyo habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib na para bang dinudurog ng husto ang puso niya. At wala akong magawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit habang pinakikinggan ang kaniyang pagsusumamo.
“Pagod na ko, Jaemin. Pagod na pagod na ko. Patigilin mo na ‘tong sakit, hindi ko na kaya. Ayaw ko na, gusto ko ng mawala ‘to, parang awa mo na.”
Pero siguro talagang likas na sa tao ang pagiging makasarili, dahil sa pagpatak ng gabi, habang binabantayan ko siyang payapang natutulog ay ang aking paghiling ng isa pang araw na makapiling siya. Halos ilang araw na rin akong walang tulog dahil natatakot ako na baka sa kalagitnaan ng pagtulog niya ay tumigil ang kaniyang paghinga at paggising ko ay wala na siya sa’kin.
“May regalo pala ako sa’yo,” basag niya sa katahimikan habang inilalapit ang kaniyang mukha sa aking leeg. Kanina pa kaming nakahiga dito sa deck ng aking yate matapos panuorin ang sunset at ngayon ay pinagmamasdan naman ang mga bituin. “Hindi naman pwedeng palagi na lang ikaw ang may sorpresa sa’ting dalawa.”
“Ano ‘yon?”
Imbes na sumagot ay inilabas niya ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa at pagkatapos ang iilang pagpindot ay may narinig akong mahinang pagtugtog ng piano kasunod ang pamilyar na boses niya.
  
On the road that shines exceptionally Standing there, I am waiting for you It's not cold When you are in my arms, I can feel the warmth
“I’ve been working on it for quite some time. Akala ko nga ‘di ko matatapos pero buti na lang nagawa ko,” she chuckled softly. How I wish I could get to hear more of it in the future. “I hope you liked it, love. I poured my everything into that song so whenever you miss me, you can just listen to it as if I’m right here beside you.”
You're my everything I want to protect your days and nights You are a miracle to me, I wish you could see it Spreading all over me, a gift called you You’re my night and day Waiting for you in this street, drawing you again
“Just like what the song says and like what I told you on the day of our wedding, you are my miracle and you are the best gift I ever had. I lived alone for more than half of my life but He decided to give you to me and I’ll forever be thankful for that. You are all that I have, Jaemin. I love you, my husband, my everything. I love you so much that I think my love for you is like these burning stars because it will forever burn even in our next afterlife.”
An unusually long day But it's not too bad because you're warm Just like that, with nothing to do I can live just like that You're my everything I want to protect your days and nights You are a miracle to me, I wish you could see it Spreading all over me, a gift called you You're my night and day Waiting for you in this street, drawing you again
“Love? You still there?” banggit ko sa mahinang boses. May ilang minuto na ata ang nakalipas na parehas kaming tahimik, tanging ang malambing na boses na lamang niya mula sa kaniyang cellphone ang maririnig. Kung hindi lang dahil sa nararamdaman ko ang mahinang pagtibok ng puso niya ay baka kung ano na ang naisip ko.
 “Hmmm,” she hummed in an equally weak voice. “Inaantok na ko, Jaemin. Gusto ko ng magpahinga.”
Pagod ka na ba talaga, Jieun? Hindi mo na ba talaga kaya? Kasi kung oo, hahayaan na kitang magpahinga. Ayoko na ring makita kang nahihirapan. Handa na akong pakawalan ka.
“Of course, love...,” tumigil ako saglit at nilabanan ang namumuong bara sa aking lalamunan. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang nagbabadyang pagpatak ng aking mga luha. “Gusto mo na bang magpunta do’n? Gusto mo na bang makasama ang mga bituin?” 
“P-pwede na ba? Parang tinatawag na nila ako, e.”
Humigpit ang yakap ko sa kaniya habang tuloy-tuloy na ang pag-agos ng aking mga luha. Pero hangga’t maaari ay pinigilan ko ang paghikbi.
“Whenever you’re ready, Jiji, whenever you’re ready,” bulong ko habang ginagawaran ang gilid ng kaniyang ulo ng halik.
She tilted her head and looked at me in the eyes. Umiiyak din siya. Umiiyak ang babaeng mahal ko pero mayroong ngiti sa kaniyang mga labi at sa unang beses sa loob ng halos kalahating taong paghihirap niya ay nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga mata.
She’s happy because she knows it’s gonna end soon and she’ll finally be with the stars. And that’s all that matters to me – that she’s happy.
“Goodnight, Nana. I love you so much,” malambing na banggit niya at pagkatapos ay inilapit sa akin ang mukha upang mahalikan ako na akin namang sinuklian.
“Sweet dreams, Jiji, at mahal na mahal kita ng higit pa sa lawak ng karagatang ito o sa dami ng mga bituin sa langit.”
It seemed to be never-ending At the end of the long wait You're the one
You're my everything I want to protect your days and nights You are a miracle to me, I wish you could see it Spreading all over me, a gift called you You're my night and day Waiting for you in this street, drawing you again
 
Hi, love!
If you’re reading this, it means I’m finally with the stars now. Just to let you know, I’m doing great and happy here, kaya sana ikaw din masaya diyan. Sana binabantayan ka ng ayos nina Jeno, kundi naku, malilintikan sa’kin ang mga ‘yon. >< Tsaka ‘di naman kita pababayaan, e. I’m patiently waiting for you here, Nana, so take your precious time, hihi. You probably don’t know, but I’m currently looking down after you, my love. So whenever you miss me, all you have to do is listen to my song, look up, and remember, I love you.
Your loving wife,
Jiji
 
 
I am also doing great, Jiji. Syempre, mahirap sa una pero tinulungan naman nila ako, tsaka tinulungan ko rin ang sarili ko para maibalik sa normal ang lahat. And I’m currently listening to your song and looking up at the stars, hoping to see a glance of your face. Ang daya mo, ako nakikita mo pero ikaw hindi ko makita. At sobrang miss na miss na kita, araw-araw ‘yon, walang palya. Pero ‘di bale, magkikita rin naman tayo, e. Diba sabi ko naman sa’yo, intayin mo lang ako dahil susunod ako diyan sa mga bituin? Hindi na ako makapaghintay, Jiji. 
Isa pang araw at magkakasama na tayong muli. See you soon, my love.
4 notes · View notes
keisoule · 2 years
Text
ESKINITA
Ang tanikalang nakagapos sa magkabilang paa
Walang susi, walang makakaresolba
Bakit ka tumakbo?
Sino ka nga ba?
"Ate, ate tulong" 
Huling wika ko
Umiiyak, walang tigil ang luha
Aakalain mong si birheng maria nang pinapako si Hesus sa Krus
Makakatakas ba ko rito? 
Hindi na nga ba? Maaari, oo, siguro, baka, pwede— Walang kasiguraduhan
Kita ko pa rin ang bakas ng nakaraan
Sinusundan ako kahit ako'y mahimbing na natutulog
Mahimbing? Hindi
Hindi na ko nakatulog nang mahimbing matapos ang nangyari
Naglalakad ako, galing sa eskwela
Normal na araw para sa akin
Gumising, pumasok, naubos ang enerhiya sa tao, at nangyari nga
Nangyari nga ang kagimbal gimbal na sinaryong pilit akong minumulto 
Minumulto pikit man o dilat, araw man o gabi, walang pinipiling oras
May araw pa, pa-dapit hapon
Ang mga tao ay mulat 
May nag k-kwentuhan, may nag-iinom, nag-iintay ng masasakyan
Malalakas na busina galing sa mga sasakyang natigil dahil sa trapiko
"tangina" ani ko sa loob ng aking isipan
Ramdam kong may sumusunod
Ramdam ko ang presensya 
Hindi ako nagkakamali, eto na nga ata 
May demonyo sa likuran 
Syang pumalit kay satanas, syang papalit kay satanas at sya ring sumira sa pagkatao ko nang wagas.
Hindi ko alam ang gagawin
Sisigaw ba? Ilalabas ko ba ang maliit na panaksak? Tatadyakan ko ba sa bayag? 
Tama nga sila, kapag andon ka na sa sitwasyon na akala mo’y handa ka, titigil ang utak mo, at mapapatanong, "Putcha, anong gagawin ko?" 
Nakakatawa dahil naisingit ko pang isipin na maililigtas ako
Ng isang superhero
Si Darna, Victor Magtanggol pa nga.
Ngunit wala, walang ganoon sa reyalidad. 
Tatanggapin ko na lang ba? Baka, siguro, ewan
May pamimilian ba?
Ngunit, sapagkat, datapwat
Nakakita ako ng pag-asa
Nanlalabo na ang paningin
Ngunit kita ko pa rin ang syang mga paa
Syang mga paa na akala ko ay ang tutulong sa akin
Hindi ako maka sigaw, pero ramdam ko ang boses ko sa utak
Sobrang bilis, sobrang kabado, asaan yung boses ko
Umimik ka, ilakas mo! Isigaw mo!
Binigo ako.
Nagkatinginan kami
Dama ko ang takot sa kanyang mata 
Nagdadalawang isip kung lalapit o lalayo ba 
Humakbang sya!
Humakbang sya, palayo,
Kung saan ako naroroon 
Nakita ko na lang ang sarili ko
Luhaan, hinihingal, gusot ang saplot.
Pagod at Pandidiri at Panghihina at Galit. 
"Panginoon, tunay ka ba?" 
"Diyos ko, diyos ko, anong rason?" 
"Karapat dapat ba sakin to?" 
“BAKIT?!” sa paanong paraan? Bakit?
Paulit ulit na tinatanong sa Maykapal
Kung hindi ka ba tumakbo,
Maililigtas ba ko? 
Kung ako’y natulungan mo,
May magbabago kaya sa sitwasyong kinaharap ko?
Nawalan na ko ng gana sa lahat
Tumigil sa pag-aaral
Tulog at tulala at tulala at tulog ang gawain
Para akong sasakyang natambak na lang sa budega
Hindi maayos, walang kwenta
Sa apat na sulok ng kwarto 
Ramdam ko pa rin ang nangyari
Binabangungot
Gusto ng hininga ay malagot
"TAMA NA!, TAMA NA! Tama na!" paulit ulit na sigaw
Nakita ko na naman ang sarili ko sa daang walang poste ng ilaw
Madilim, nakakatakot, nakakapangilabot
"tama na!, tama na…" 
Hindi ko na alam saan na nga ba ako tutungo
Pasaherong hindi alam kung saan ang pupuntahan
Naliligaw, walang palatandaang nakikita
Daang disyerto ang buhay ko
Kahit ako mismo hindi ko na saulo 
Luna, alam kong pagod ka na nakikita ako naghihirap tuwing gabi
Huwag kang mag-alala, malapit na ko, papunta na ko sa piling mo 
Makakasama mo na ko kasama ang mga bituing nakapaligid sa langit
Eto na, eto na ang huling talim na hahagkan sa palapulsuhang madalas na duguan. 
ESKINITA.
6 notes · View notes
esbisimp · 12 days
Text
Pablo
There are so many rant-worthy thoughts running around in my head: trolls, irresponsible reporting, malicious agenda, toxic OT1s. But I need to get my priorities straight.
I have to talk about Pinuno’s body of released solo work before he overwhelms me with his musical and lyrical mastery on his upcoming albums.
Even before this highly anticipated news came out, it was already my opinion that Pablo’s lyrics need to be studied. In universities. By literary experts. Just one example: he incorporated astrophysics in the song Liham. Astrophysics in a PPop song of a “boy group”? Yeah, Pablo did that.
So, apologies in advance for this loooong yet woefully deficient rambling that no one asked for✌🏼:
LA LUNA
In La Luna, #Pablo introduces his vulpine alter-ego, someone who lets his dark side out in the open, with his rap skills on full display. Initially, he seems to be expressing conflicting emotions about the duality he needs to maintain as the leader of a highly visible and representative PPop group, while keeping his seething rage at bay - rage at the disrespect he and his group is getting for staying true to their art. Towards the middle of the song, the duality is abandoned and the wolf emerges howling.
I think of it this way: in #SB19, he claps back at haters in a PG manner, but no longer holds back in La Luna: “Dugo'y dadanak na sa mga kaluluwang mapanghusga
Ito'y hinding-hindi magtitimpi”.
In this song, the Alpha was born.
DETERMINADO
Pablo continues unleashing on Determinado, where, with his brother Josue, he threatens those who doubt his commitment to his craft with a skull bashing, though by his verses.
Oh, the bars! The bars in this track are dizzying! Let’s take one example:
“Katumbas ako ng dalawa na ipo
Bawat suntok ay may bigat na mala-hippo
Kahit si Aeolus, hindi ako mahipo
'Pag nag-dempsey roll, bira mo'y sa anino”
This verse has alternating references to wind and boxing. Dalawang ipo is IPOIPO, which is whirlwind or tornado in English. The second line translates to “Every punch has the weight of a hippo”. The third line goes back to the wind reference, saying, even Aeolus (the ruler of wind in Greek mythology) can’t touch him. The final line in the verse roughly translates to: “if I do the Dempsey roll (a boxing move), you’ll be punching at a shadow”. Guess who is supposedly known for using the Dempsey Roll as a signature technique in boxing? IPPO Makunouchi, a Japanese slugger. If that’s not a full circle of bars, I don’t know what is.
Need I mention the fire bars? (Yes, they ARE 🔥). A whole verse of references to fire: matchstick, toasting, burning, Prometheus, blazing cities, ignite, heat.
Schools probably need to dedicate several sessions just for this song.
AKALA
Akala, or“assumption “ in English, is a song that, from its first line, may make you think that it’s just straight up (pun intended) about drinking. “Paabot naman ng alak, halika pare walwalan”
It is, and it isn’t. It did popularize “Shat!” even more as the go-to invitation to drink. It cautions against the pitfalls of turning to alcohol as a means to deal life’s realities. “Alak akala ko mawawala lahat ng aking problema”.
But that word play on alak and akala is not gratuitous witticism: it lays the groundwork for the song’s transition to its more central theme - the struggle against assumptions that could imprison a person in doubt and insecurities while trying to live an authentic life:
“Di ko na malaman ang gusto niyo
Gusto ko lang subukan na maging ako
Ng walang panghuhusga sa mga mata niyo”
EDSA
Leave it to Pablo to discuss the travails of survival without losing sight of your goals under the guise of an upbeat plaint against traffic and the usual mishaps traversing EDSA.
He even humorously brings up holding back the call of nature while dealing with EDSA’s usual congestion.
But in its heart, the song is really about not giving up on your dreams despite the roadblocks.
“Marami ma'ng aberyang hadlang sa 'yong daan
Patuloy lang ang andar sa 'yong pupuntahan”
With Pablo, there’s always something more than meets the eye. So everyone, gird up and prepare your brains for ALON and LAON. For sure, Pinuno will be testing our emotional and intellectual limits in these albums.
1 note · View note
aliceinwonderland028 · 3 months
Text
Sa isang maliit na bayan sa tabing dagat, may isang dalagang nagngangalang Alena. Simple lamang ang kanyang pamumuhay, ngunit puno ng mga pangarap at lihim na damdamin. Sa bawat araw na lumilipas, tinitingnan niya si Marco, ang lalaking matagal na niyang minamahal nang palihim.Si Marco ay masipag na mangingisda. Lagi siyang nakangiti at puno ng saya, ngunit hindi niya alam na may isang pusong patuloy na nabibighani sa kanya. Sa tuwing siya'y dadaan sa harap ng tindahan ni Alena, nagkakaroon siya ng pagkakataong masilayan ang kanyang mukha.Isang araw, nagpasya si Alena na sumulat ng liham. Sa liham na iyon, inilagay niya ang lahat ng kanyang nararamdaman, mga salitang matagal na niyang nais ipahayag. Ngunit sa bawat letra na kanyang isinusulat, naramdaman niyang baka hindi pa siya handa."Minamahal kong Marco," ang simula ng liham, "Hindi mo man ako napapansin, nais kong malaman mo na matagal na kitang iniibig. Sa bawat araw na tayo'y magkakasama sa ating munting bayan, lalo akong humahanga sa'yo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo nang harap-harapan, kaya isinulat ko na lamang ang liham na ito. Sana'y magtagpo ang ating mga puso balang araw."Matapos niyang isulat ang liham, inilagay niya ito sa isang maliit na bote at itinago sa kanyang aparador. Nagpasya siyang maghintay ng tamang panahon, ng tamang pagkakataon. Hindi pa man niya masabi kay Marco ang kanyang nararamdaman, ang mahalaga ay may pag-asa siyang pinanghahawakan.Lumipas ang mga araw at buwan, patuloy pa rin ang lihim na pagmamahal ni Alena. Isang umaga, habang papunta si Marco sa dagat, nakita niya si Alena sa harap ng kanyang tindahan. Ngumiti siya at kumaway, at sa isang iglap, nagbago ang lahat.Napagtanto ni Marco na sa lahat ng ngiti at simpleng pagkaway, naroon ang pag-ibig na matagal na ring umusbong sa kanyang puso. Hindi lamang si Alena ang may lihim na damdamin, kundi pati siya. Hindi nila ito agad sinabi sa isa't isa, ngunit sa bawat araw na lumilipas, alam nilang darating ang tamang panahon.At sa araw na iyon, habang lumulubog ang araw sa dagat, si Marco ang unang gumawa ng hakbang. "Alena," sabi niya, "may nais akong sabihin sa'yo."Ngumiti si Alena, may halong kaba at saya. "Ano iyon, Marco?" tanong niya."Matagal na kitang minamahal," sagot ni Marco. "Ngunit hindi ko alam kung paano sasabihin. Sa bawat araw na kasama kita, lalo kitang napapamahal sa akin."Naluha si Alena, hindi sa kalungkutan kundi sa kasiyahan. "Matagal na rin kitang minamahal, Marco. Akala ko'y hindi mo ako mapapansin."At sa wakas, nagtagpo ang kanilang mga puso, hindi na kailangan ng lihim o takot. Ang kanilang pag-ibig ay naging bukas, at nagsimula silang maglakbay sa bagong yugto ng kanilang buhay nang magkasama.
-May Alice Morada De Luna
0 notes
littleinfinitiy · 6 months
Text
"Ang taong reason kung bat ka nasasaktan ay yung tao din na mag aalis ng sakit na nararamdaman mo"
I just saw this video on tiktok na ganyan nga sinasabi. Na kahit itanggi man daw natin eh yung tao na reason nga nung pain ay sya din daw yung lunas dun sa sakit na nararamdaman mo. I saw this vid the other day pa and di ko man lang din gano pinansin not until last night. Actually yesterday was so painful. Like from morning till nung gabi nga. Kumalma lang ako nung nakausap ko si td but after din nun breakdown malala nanaman. I was literally crying for a couple of minutes dahil sobrang sakit at bigat nung nararamdaman ko. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko di ko alam pano ieexpress to kasi wala naman nakikinig. Kaya ang tendency nakakapagsalita ako ng mga bagay na di ko din alam bat ko nasasabi yun basta gusto ko lang sabihin kasi nga gusto ko mawala yung pain kahit papano. Not until i decided na nga na kausapin ka. Na tawagan ka. At first wala naman nagsabi lang ako ng mga gusto kong sabihin but u were just listening tapos u asked if tapos na ba ko sa mga sasabihin ko and binaba mo na nga yung call kaya ako ayun maktol nanaman. Maghapon na kong umiiyak pero wala e. Di ko alam pano ba mawawala yung pain. Nanuod na ko maghapon nilibang ko na sarili ko maghapon pero wala talaga e. Sobrang bigat pa din talaga. Tapos nagdeactivate ka pa ng facebook mo which was may fault din naman talaga. Kaya di ko nanaman alam gagawin nag iisip nanaman ako. Gantong ganto talaga ako everytime na im at the verge of you leaving me. Sobrang di ko kinakaya din. Ewan ko ba. Sobrang mahal na mahal kita e kaya siguro ganun. Di ko kinakaya na iiwan mo ko. Di ko nakikita sarili ko na di ka kasama sa buhay. Alam ko it may sound oa pero ganun talaga nararamdaman ko satin e. Handa akong magmakaawa na mag stay ka kasi di talaga kaya e. Sabi ko nga sayo kung iiwan mo man ako saksakin mo nalang ako. Alam ko di ka pa okay ngayon. I saw it in ur eyes na alam ko same tayo ng nararamdaman. Nasasaktan ka din. Sabi mo pa masakit ulo mo tsaka mata mo kaya nakapikit ka habang magkausap tayo sa discord kagabi and that confirms it. Sabi mo pa namimiss mo na ko. And sabi ko nga na everytime namimiss natin isat isa lagi tayong nag aaway. Pansin ko lang naman yun ewan baka ako lang nag iisip nun. Simpleng bagay napapalaki natin e. Ganto pala talaga yun no? Di palaging masaya. Di palaging puro pagmamahal lang. Susubukin talaga tayo e. The moment na magkausap na tayo sa discord kagabi was the point where i can tell na nakakapagpahinga na ko from pain. Although naiiyak pa din ako seing you on the screen kahit natutulog ka na. Nung di ka na nagsasalita i decided to go upstairs para din magpahinga na. You wouldn't want me to stay late up all night kasi kahit naman gustuhin ko di ko din kaya kasi nga nag gatas ako. Buti nalang din at pinagbigyan mo ko na buksan yung camera mo kahit natutulog ka. Sabi mo pa na napakademanding ko naman ang dami kong demand sa buhay. Wala e. Ikaw lang din nagpakalma sakin e. Yung boses mo. Yung ikaw mismo. Kahit di ko nakitang ngumiti ka okay lang naiintindihan kita. Alam ko may pinagdadaanan tayo kaya ganun. And im sorry. For not being perfect sa relationship natin. Sobrang dami kong flaws. Gusto kong mas matuto pa pero sana nasa tabi lang kita habang winoworkout ko yung sarili ko para sakin at para satin. Pasensya ka na sakin ha? Kung di ko kayang wala ka. Kung di ko kaya kapag di mo ko kinakausap. Kung di ko matanggap pag gusto mo na kong iwan. Sobrang mahal na mahal lang talaga kita e. Alam ko na sasabihin mo, ngayon lang yan. Hayaan mo na lang sana akong mahalin ka sa kung pano ko gusto kahit ngayon lang at sa mga susunod pang bukas sa madami pang bukas rather. I know gising ka na but take your time may mga gagawin pa naman din ako so okay lang na di ka magchat or what. Pero sana wag mo tagalan masyado ha? Im waiting. Sorryyyyyyyyy i love you soooo much!
0 notes
lacklusterverve · 1 year
Text
Tumblr media
Sa Mata ni Sidapa
ni Justin Minoru Leachon Luna
24-Aug-15
"Ako lamang ang tunay na gabay sa hanay—lahat ay pawang diyos-diyosang likha lamang upang maikubli ang pighati pati pait-pait ng katotohanan." tinuran ni Sidapa—tanging tinuran niya habang ako ay naka-upo sa kan'yang harapan. Ngunit nagbago ang lahat matapos kong itanong kung paano niya ito nasabi. Nagbago ang lahat matapos niyang kantahin ang sagot sa aking katanungan.
"Ako lamang ang tunay sa buhay na bigay—ang gabay; ang malay; ang silay sa kulay ng buhay, 'to'y alay ko nawa'y ika'y—mata'y mamulat, iyong damhin at ako'y kilalanin bilang salamin ng buhay ang tunay na diyos—ang katotohanan." kanta ni Sidapa kaagapay ang boses niyang sadyang kay lamig, tila ba isang panaghoy na sinundan pa nito:
"Nawari ni Mayari ang nais ni Bathala.
Bitbit ang Bagong Buwan para sa kalangitan,
dala niya'y bagong buhay—ang umpisa ng buhay.
Ito'y wala pang kulay, wala pang kaalaman,
ang umpisa ng kulay—nasa sinapupunan,
sinapupunan na para rito ay kanlungan.
Isang binhi sa lupa... lupa—mayamang lupa,
isang binhi na sa kalauna'y tutubo na,
maglalakbay na buhay magmumula sa hukay,
ang regalo na buhay—susulyap sa bintana,
bintana na bukas—isang sulyap sa tadhana,
isang buhay na sadyang hawak ko ang tadhana.
At sa kan'yang pag-usbong, susunod ay pagyabong—
sa dala ni Hanan na bagong umaga't kulay,
maghahabol sa sinag—s'ya'y gutom sa liwanag.
Ihahain sa hapag ang liwanag at gabay—
ni Apolaki na Araw na magiging gabay—
sa kan'yang paglago at pundasyon sa pagtibay.
Hinati ni Mayari sa tig-kapat na yari—
ang Buwan bilang buhay na may kinakatawan.
Dito na nag-umpisa ang tunay na umpisa,
ang iba't-ibang paksa-paksa ng katuparan,
ang iba't-ibang paksa na naging katunayan,
katunayang hinati sa apat na larawan.
Sa isang isang-kapat na gasuklay natapat,
ang puntong pag-usbong, pagtubo at pagyabong n'ya,
Unang Gasuklay—Buwan na mula sa kawalan,
kawalan—Bagong Buwan—kadiliman sa tant'ya,
sa malayong distansya ay makikita mo s'ya,
ang distansyang lalakbayin na may importansya.
Ang dalisay na agos ng buhay na may gapos,
gapos ng hangin na dalisay na umiihip,
kasama na ang ulan na pumapatak minsan,
tubig upang maibsan ang uhaw na kalakip—
ng paglalakbay na animo ay tahing lilip;
ito ang alay ni Anitun Tabu na sagip.
Dumating na ang punto kung sa'n ito'y eksakto,
ang pinakamataas na antas ng liwanag,
Kabilugan ng Buwan—ang estado kung saan—
lahat ng karanasan nito'y may paliwanag.
Sa pagbuka ng bulaklak na sadyang panatag,
namumukadkad na ang mga kulay at liwanag.
Kagandahan na dala—binabandera tila,
simbolo ng tagumpay sa mga pinagdaanan,
simbolo s'ya ng buhay—maraming nakatunghay,
mula pagsibol niya'y ukit na ang daanan,
ang mga paru-paro ngayon ay nagliliparan,
mahalikan lang ang talulot ng kagandahan.
Ngunit siya'y pinitas—katapusan ng landas,
ini-alay s'ya kay Maganda bilang regalo,
simbolo ng pag-ibig—siya'y kaibig-ibig,
bulaklak ng pag-ibig na 'sing pula ng dugo,
naglalagablab na pula ang laman ng puso,
matingkad—pula na emosyon—dama ng puso.
Palapit na ang Buwan do'n sa huling pagsagwan,
nag-umpisa na... nalalanta na ang talulot,
mula sa kulay pula ito ay tila lila,
kasabay ng kandila—bumitaw ang talulot,
nauupos na kandila patungo sa limot;
buhay ay nalalanta katulad ng talulot.
Ang apat na mukha ng Buwan—parang buhay lang,
isang ikot mula umpisa hanggang mawala,
simula pagsibol n'ya, hanggang mamukadkad s'ya,
lahat nama'y pantasya, lahat ay mawawala,
dilim—liwanag na unti-unting nawawala—
hanggang sa tuluyang lamunin ni Bakunawa.
Wala nang matitira, tanging ang aking obra,
kadiliman, kalungkutan, at ang kamatayan,
wala nang matitira wala 'kong ititira,
dadalhin ko lahat sa landas ng kamatayan,
tanging kamatayan sa landas ng kamatayan,
ang 'di maiiwasang landas ng kamatayan.
Ako si Sidapa, lahat ay haharap sa akin sa huli, lahat ng bagay ay walang katuturan at kahulugan, tandaan mo 'yan, kamatayan lamang ang nag-iisang totoo, balang araw, ikaw ay mamamatay, sisikat ang pulang Araw, uulan ng luha ng pighati, ang buhay at kasiyahan ay maskara lamang ng tunay na kulay—ang kulay ng kamatayan, lahat ay mamamatay, kahit ang mundo na ito o kahit ang mga tala, walang kahulugan ang lahat maliban sa kamatayan; sa simboryo... sa saliw ng agunyas, ika'y kakantahan ko at kanta ko lamang ang aalingawngaw, lahat ay magbabalik sa hukay kung saan lahat ay nararapat, hayaan mo at makakalimutan ka rin, ang mga alaala mo, ang memorya; lahat ng tungkol sa'yo ay walang kahulugan sa oras na mamatay na rin sila na mga nakakakilala sa'yo, lahat ay magbabalik sa abo, lahat ay malilimutan, lahat ay mawawala, lahat ng konsepto ay gawa-gawa lamang, kahit ang mga diyos o ang buhay matapos ang kamatayan, tumayo ka na riyan, ika'y aking dadalhin sa kawalan—sa landas ng kamatayan, ang tanging katotohanan—ang katotohanan sa likod ng kamatayan—ang katotohanan—kamatayan; ang aking panaghoy, ang awit para sa lahat ng bagay na sa huli ay mamamatay rin naman, hindi totoo na walang walang-hanggan, dahil ang kawalan ay walang-hanggan, sa aking mata lahat ay pantay-pantay."
1 note · View note
missunget · 1 year
Text
PETER PAN
Pumatak nanaman ang alas tres ng tanghali, bubuksan ko na ang telebisyon para mapanuod ang aking paboritong palabas, "Peter Pan".
Ang tahimik ng paligid, wala masyadong ingay sa paligid, ang tanging maririnig mo lang ay ang ingay mula sa palabas na aking pinanunuod, habang hinihintay ang aking nanay na matapos sa kanyang gawain.
Maya-maya pa'y tumabi na ang nanay sa higaan para samahan akong manuod at patulugin ng tanghali.
Nanay: Pagkatapos mong manuod, matulog ka na ha. Pagkagising mo andyan na ang tatay mo may dalang balot.
Anak: Sige, Nay.
Natapos na silang manuod at tuluyan na ngang nakatulog.
Sumapit ang hapon at magdidilim na, nagising ako at pagmulat ko nakita ko ang aking tatay na nakaupo sa aking tabi at gumagawa ng parol. Sabi ng tatay, "anak, ito na yung balot na paborito mo, kumain ka na." At kinain ko naman na ito habang pinagmamasdan siyang gawin ang parol na proyekto ng akin kapatid.
Sina kuya naman ay nagdatingan na mula sa paglalaro ng basketball, pawisan at gutom. Nagalit si tatay dahil may nakitang pasa sa mata ang isa kong kapatid, wari nami'y nasuntok ito. Agad agad namang kumuha ng bimpo si nanay para bigyan ng paunang lunas ang mga pasa.
Tatay: Wala na talaga kayong ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko at bigyan kami ng kunsomisyon ng nanay niyo.
Nanay: Ano bang nangyari? Bakit ka may pasa sa mata mo? Tanong ng nanay sa kuya ko.
Kuya: Nasiko lang, nay. Malayo sa bituka ito.
Tatay: Hindi ako naniniwalang nasiko lang yan, napaaway yan!
Ramdam ko sa tono ng pananalita ng tatay na nagagalit na siya kaya nanahimik na ang lahat habang si nanay ay patuloy na ginagamot ang pasa ng aking kapatid.
Bukod sa mga eksenang yan tuwing hapon, "Peter Pan" ang inaabangan ko dahil alam kong pagkatapos non ay matutulog na ako ng tanghali at paggising ko, kumpleto na ang pamilya.
Kayo? Anong kwentong "Peter Pan" niyo?
0 notes
upismediacenter · 2 years
Text
LITERARY: unsent
Tumblr media
Date: September 27, 2003 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Pst, musta ka na? Malamig ba diyan sa Amerika? Ilang buwan na pala ang nakalipas mula noong nag-migrate kayo. Sorry na kung ngayon lang ulit ako nag-send ng email para kumustahin ka. Ang daming pinapagawa ng mga prof ko, ngayon ko lang din na-realize na napakahirap pala maging isang college student. Kung akala natin dati na ang hirap maging isang high school student, iba pala talaga ang level ng stress dito. Alam mo ba muntikan na akong bumagsak noong isang araw? Paano ba naman kasi nakalimutan kong may exam pala kami, buti na lang at kahit papaano, may naalala ako sa lesson kaya sa awa ng Diyos, ayun, nai-survive ko naman. Onti na lang talaga’t magd-dropout na ako sa course ko at maghahanap ng gwapo at mayaman na lalaki para pakasalan! Joke lang pero pwede rin naman, hmm. Oo nga pala, noong nakaraang linggo lang, nakita ko sina Peter at Angela na magkasama’t magkahawak ang mga kamay habang naglalakad. Nalaman ko magjowa na pala sila since last year pa. Akalain mo nga naman ang tadhana, ‘yong mga ex natin ang nagkatuluyan. Tsaka nga pala, naaalala mo pa ba si Tina? Maliit na medyo maputi at masayahin? Kung hindi mo na siya maalala, siya ‘yong naging kaibigan natin noong elementary kaya lang, bago tayo mag high school, lumipat sila sa probinsya kasi nagkasakit ‘yong Lola niya. Pero ‘yon, nag-email siya sa akin kahapon, nangangamusta. Nasabi niya sa akin na nasa Amerika siya kaya sabi ko, “Uy! Si Marcus nasa Amerika rin! Baka magkalapit lang kayo diyan at makita niyo ang isa’t isa.” Kung oo, pasabi naman sa kanya na namiss ko siya :( Huli pa tayong nagkita mga bata pa tayo. Hala! Napahaba na pala ang kwento ko sa’yo, sobra kasi kitang na-miss bilang naging biglaan ang inyong pag-alis. Hindi man lang tayo nakapag-bonding bago ka lumipad papunta sa ibang bansa para may masaya tayong alaala na babaunin mo. Hihintayin ko ang iyong long sweet email para sa’kin kahit gaano pa ‘yan katagal. Mag-iingat ka palagi.
Nagmamahal, Luna
_____________________________________________________
Date: October 19, 2003 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Ang tagal na pala noong huli tayong nakapag-usap, personal man o kahit ngayon na sa email na lang ang ating komunikasyon. Katulad mo, naging busy rin ako rito. Ngayon ko lang na-realize na napakahirap pala mag-adjust sa isang lugar na hindi mo pa masyadong gamay lalo na’t wala kang kakila na pwedeng masandalan. Minsan kailangan mong ilihim ‘yong mga nararamdaman mo dahil wala kang mapagkwentuhan para makahingi ng advice. Hanggang ngayon, wala pa rin akong nagiging kaibigan paano ba naman kasi wala akong mapagkatiwalaan dito. Alam mo na, parang mga plastik kasi ang mga tao rito, wala akong makitang genuine sa pakikipagkaibigan. Uunahan na kita, hindi sa hinuhusgahan ko sila pero iba kasi ang tingin nila sa amin na hindi nila kauri. Nakita ko na may tinulak silang kapwa nila estudyante sa banyo last month dahil lang sa iba ang kulay ng kanyang kutis. Mayroon pa, last week naman ay may binully sila na babae dahil lang sa iba ang kanyang nasyonalidad kumpara sa kanila. Maswerte na nga ata ako’t may lahing Amerikano si Papa kaya kahit papaano ay may pagkakahawig ako sa kanila. Kailan kaya natin makakamit ang lipunan kung saan lahat tayo ay pantay-pantay? ‘Yong tipong walang nasa taas at wala ring nasa baba. Kaya lang naman kasi nagkakaganito ang ibang mga tao dahil gusto nilang umangat at magkaroon ng pera’t kapangyarihan. Teka, medyo napalayo na pala ang usapin natin, hind ko pa nasasagot ang iyong mga katanungan. Malamig dito, pero hindi pa masyadong ramdam bilang hindi pa nagsisimula ang winter season. Isang malaking plot twist sila Peter at Angela, hindi ko ine-expect bilang parang aso’t pusa sila kung mag-away dati.
Baka tama nga ang kasabihan na, “The more you hate, the more you love!” Kaya bumabagsak ka eh, mag-aral ka! Wala na ako diyan para tulungan kang mag-review. Tsaka, walang papatol sa’yo na gwapo at mayaman, hindi ka naman maganda. Sadyang masyadong mataas lang talaga ang iyong self-confidence. Paano ba yan, mauuna na ako’t gabi na, baka ma-late pa ako bukas. Magpakabait ka!
Cute bestfriend, Marcus
_____________________________________________________
Date: November 3, 2003 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Grabe talaga ‘no? Akala ng lahat na kapag nagpunta ka na sa ibang bansa ay uunlad ka na’t hindi mo na mararanasan ang mga kasamaan na nararanasan mo sa Pilipinas. Kakatapos lang ng Halloween, balita ko ay bongga kayo maghanda diyan. Masaya ba? Ano ang pagkakaiba nila sa paraan ng pagdiriwang dito? Pero saglit lang, anong mataas lang talaga ang self-confidence ko?! Hello? Maganda talaga ako ‘no! Ang daming nagkakandarapa para pansinin ko kaya swerte ka’t kausap at kaibigan kita. Bago ko nga pala makalimutan, malapit na mag-Pasko. Uuwi ba kayo o diyan din kayo maghahanda? Bibigay ko kasi sana ang regalo ko para sa’yong kaarawan tsaka ngayong Pasko kaya tinatanong ko. Ipapadala ko na nga lang sana diyan sa inyo, kaya lang pagkatapos kong malaman na napakamahal pala magpadala diyan, napa- “Aray! Nako po!” na lang talaga ako dahil ubos ang allowance ko para sa isang buwan kung sakali. Naalala ko rin na hindi ko nga pala alam ang address niyo. Pangit naman kung tatanungin ko sa’yo dahil obvious naman na hindi na ‘yon magiging suprise para sa’yo kaya ibibigay ko na lang kapag umuwi kayo para na rin may rason na magkita tayo sa personal. Huwag kang masyadong kiligin na gusto kong magkita tayo, baka lalong lumaki ang ulo mo at i-assume mong type kita. Oh siya, alis na ako’t may field trip kami mamaya. Ingatan ang puso.
Nagmamahal, Luna
_____________________________________________________
Date: December 23, 2003 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Huwag mo akong pagtawanan pero na-culture shock ako. Iba pala talaga sila mag celebrate, masyadong ma-effort at all out. Mula sa mga decorations hanggang sa costume na suot nila pang trick-or-treat. Ang dami ring parties dito, parang bawat bahay ata may laman at ang lakas nung music na pinapatugtog nila. Maraming mga nalalasing na tao sa parties kasi naghahanda rin sila ng alak, hindi lang pagkain ang meron sila. May mga classmates nga ako na nag-invite sa akin bilang “new kid” daw ako, kaya lang hindi ako sumama kasi I don’t drink at baka may mangyari sa akin. Alam mo na, it’s better to be safe than sorry. Tungkol nga pala sa mga regalo mo for me, huwag ka na mag-abala pa. Ikaw naman, feeling ko tuloy ang special kong tao. Napagastos ka na sa pagbili ng regalo, huwag ka na gumastos sa pagpapa-deliver niyan dito sa akin. Mamamahalan ka talaga dahil akala ata nila lahat ng tao ay mayaman. Tinanong ko sina Mama kanina kung uuwi ba kami sa Pilipinas, ang sabi nila ay baka next year pa. Hawakan mo muna ang mga iyan at kukunin ko sila sa’yo kapag nakabalik na kami. Malapit na ang Christmas at New Year kaya advance Merry Christmas at Happy New Year! Huwag kang magpapabaya.
Cute bestfriend, Marcus
_____________________________________________________
Date: January 18, 2004 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Sobrang late na pala nitong reply ko sa’yo, ang mahalaga ay bumati rin ako sa’yo. Belated Merry Christmas at Happy New Year. Ano nga pala ang nasa New Years’ resolution mo? Ang sa’kin, sana hindi na ako masyadong magtiwala sa mga taong alam ko sa huli ay sasaktan lang din ako. Mahirap din pala kapag masyado kang mabait, sinasamantala nila kasi marunong kang magpatawad at magbigay ng isa pang pagkakataon. Ayan tuloy, napa-hugot ako nang wala sa oras, wala naman akong pinagdadaanan. Ay, bago nga pala tuluyang mawala sa isipan ko, may nag-aya sa akin makipag-date bukas kaya wish me luck. Hindi ako mapakali dahil ito ang una kong date pagkatapos ni Peter. Hindi dapat ito puro tungkol lang sa akin, patawad kung napupunta na sa akin ang pokus nitong email na ito. Hindi rin pwedeng matapos ang email na ito na hindi kita binabati, Happy Birthday! Huwag mo akong kakalimutan.
Nagmamahal, Luna
_____________________________________________________
Date: February 11, 2004 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Maraming salamat dahil naalala mo ang birthday ko’t bumati. Kamusta ang date? Naging successful ba? May second date? Sakto, ilang araw na lang ay Valentine’s na, baka he’ll ask you to go sa isang mamahalin na resto o kaya manood ng movie. Malapit na ang bakasyon, anong plano? Uuwi ba kayong province? Pupunta sa beach? O kagaya noong mga nakaraang summer ay sa house ka lang, naglalaro? Kaya hindi ka nagkakajowa eh dahil puro paglalaro ang inaatupag mo ;) Oo nga pala, tinanong ko si Papa kung okay lang if umuwi kami sa Mayo kahit isang buwan lang para makasama ka, sabi niya pag-iisipan pa raw niya. Sana pumayag, I want to tell you something kasi. Laging titingin sa kaliwa’t kanan bago at habang tumatawid.
Cute bestfriend, Marcus
_____________________________________________________
Date: March 16, 2004 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Ano ‘yang Valentine’s date na sinasabi mo? Sakalin kaya kita diyan, hindi ko gusto ‘yong tao, hello?! Naawa lang ako sa kanya at nakakahiya mag-no kaya pumayag ako makipag-date. Buti nga’t ‘yon na ang huli eh, kung may isa pa hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay. Sana payagan ka, baka kasi pumunta kaming Boracay sa Mayo at sigurado namang papayag sila Mama na isama ka kung sakali na uuwi kayo. Teka lang, ano ‘yong sasabihin mo at kailangan sa personal pa para sabihin? Pwede mo naman na sabihin dito kasi may gusto rin akong sabihin sa’yo. Parang ang tagal kasi kung hihintayin pa natin na magkita tayo kung sa tingin ko ay pwede naman na natin sabihin sa email. Huwag mong kalimutan na magpakasaya.
Nagmamahal, Luna
_____________________________________________________
Date: March 31, 2004 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Mas maganda kung harap-harapan ko siya sasabihin pero dahil hindi na ako mapakali ay sasabihin ko na rito. I met someone. Naalala mo si Tina? If I remember, in-email ka niya last year, at in-email niya rin ako to catch up. After I found out na one hour lang ang layo namin sa isa’t isa kaya I decided na puntahan siya. And then, naging close kami sa isa’t isa na ‘di namin na-realize na we fell for each other. I admitted my feelings for her bago sumapit ang Pasko at sinabi niya sa akin na she likes me too. Hindi ako makapaniwala na magugustuhan niya ang taong kagaya ko, simple at hindi niya ka-level. Ilang weeks ko siyang niligawan at pagsapit ng Valentine's, I asked her kung pwede na ba maging kami, at sinagot niya ako na kami na. By the way, ano ‘yong sasabihin mo sa akin?
Cute bestfriend (hindi na single), Marcus
_____________________________________________________
Date: April 1, 2004 To: [email protected] From: [email protected] Subject: kamustahan with bff
Sasabihin ko sana na gusto kita as an April Fools’ joke, hahaha ! Kaya lang may jowa ka na pala. Baka magselos at awayin pa ako, girl bestfriend ko pa naman na siya. Baka mamaya kalimutan niyo na ako dahil busy kayo sa isa’t isa. Pero, congrats sa inyong dalawa! Opisyal na naka-move on ka na mula kay Angela. Bagay kayong dalawa :)
Nagmamahal, Luna
_____________________________________________________
Date: April 1, 2004 To: [email protected] From: [email protected] Subject: unsent
Hindi ko alam kung paano ko ‘to ngayon sasabihin bilang masyadong awkward pero kasi, gusto kita. Kaya lang mukhang wala na akong pag-asa dahil naunahan na pala ako. Kung tutuusin, matagal na kitang gusto. Bago ka pa pumuntang Amerika ay gusto na kita kaya lang ay natatakot akong umamin sa’yo. Kaya ko lang naman sinagot si Peter noon dahil sinagot ka ni Angela, at siyempre ayaw kong masaktan kaya gumamit ako ng iba para kalimutan ka. Mali ako sa ginawa kong ‘yon pero wala, ang hirap mong kalimutan. Sabi ko pa dati, “Baka ikaw na talaga ang tao na para sa akin dahil kahit anong gawin ko, ikaw pa rin talaga ang tinitibok ng puso ko.”
Huli na nga siguro ang lahat. O baka, sa simula pa lamang, hanggang magkaibigan lang talaga ang magiging role natin sa buhay ng isa’t isa. Wala naman na akong ibang pwedeng gawin kung hindi tanggapin na may nagmamay-ari na sa puso mo, at hindi ako iyon. Siyempre, wala akong balak na ipadala sa’yo ang email na ‘to, kaya habang buhay na ‘to sa drafts ko.
Mahal kita, Marcus. Lagi mong tatandaan ‘yan.
Nagmamahal, Luna
_____________________________________________________
0 notes
shs-dbti-carreon · 2 years
Text
DBTI: Saan Na Ako Papunta? (Naratibo)
ni Emmanuel de Lunas
Minsan, mahirap gumawa ng mga desisyon, lalo na kung ang mga desisyon na iyon ay maaaring nagpabago sa iyong buhay magpakailanman. Kailangan mong tiyakin na gagawin mo ang tamang desisyon para sa iyong sarili, isang desisyon na hindi mo pagsisihan sa hinaharap. Katulad ng katulad ng salaysay na pagkukuwento ko. Narito ang isang binata na nagngangalang si Luis. Siya ay may katamtamang mga marka at laging masunurin. Hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan ngunit palagi siyang sumasama sa mga kaniyang kaibigan na mayroon siya. Hindi siya naging isang ambisyosong tao. Lagi na lang ginagaya ang mga gawain ng mga kasama niya. At dumating ang araw ng pagtatapos ng aral niya. “Magiging isang senior high na ako”, sinabi niya sa sarili. Naglalakad na siya papuntang sa kwarto niya at may narinig siyang nagsasalita sa koridor. Yung mga kaibigan lang pala niya ang narinig niyang nag-uusap. Sumali siya sa usapan nila. Natanong ng isa kung saan sila susunod na mag-aaral, dahil hanggang sa ika-10 Baitang lang ang kaya ng kanilang kasalukuyang paaralan.  Ang sabi ng isa niyang kaibigan ay mag-aaral siya sa isang pang mayaman na paaralan, ang isa naman ay mag-aaral sa ibang bansa dahil lilipat ang kanilang pamilya sa US. Tuwang-tuwa ang lahat sa kanilang kinabukasan, lahat maliban kay Luis. Akala niya na parang Junior High lang pero mas mahirap lang ang mga aaralin at hindi niya nakala na lilipst ng ibang paaralan ang mga kaibigan. Maya-maya, nagtanong ang isa niyang kaibigan kung nakapili na siyang pag-aaralan. Sabi ni Luis, “Hindi ako sigurado, baka sasabay ako sa isa sa inyo pero ayoko lumayo sa bahay”. Tinanong si Luis na kung may gustong siyang paaralan o unibersidad makapasok. “Wala”, ang nasabi lang ni Luis. Naakala niya na kasama pa din sila sa susunod na taon. Nalungkot ang mga kaibigan niya para sa kaniya at nangako na magkikita naman ulit sila. Lumipas ang araw at umuwi na ang lahat. Nakarating na si Luis sa kaniyang bahay, binuksan ang pinto at binati siya ng kaniyang pamilya sa pagtatapos ng ika-10 baitang. Natahimik ang lahat nang makita ang mukha nito na malapit nang umiyak. Tinanong ng kanyang ina kung ano nangyari at naikuwento. Niyakap siya ng ina niya. Sa mukha na malapit nang umiyak, sinabi niya "Sana tumigil ang oras ng mundo”. Tinapik-tapik siya ng kanyang ama at sinabihan si Luis na ganyan siya noon. Ikinuwento ng kanyang ama kay Luis kung gaano niya na-miss ang kanyang Junior High days at nais niyang maramdam ang kasiyahan ng naramdam niya noon. Ipinagpatuloy niya ang kuwento at sinabi kay Luis masaya din ang yung senior high siya dati. Tinanong ni Luis sa ang kanyang ama, “Eh, paano ka naging masaya kung walang kang kasabay noon?”. Ipinaliwanag ng kaniyang ama na nagkaroon lamang siya ng mga bagong kaibigan doon na kahit ngayon panahon nagkikita pa sila. Pinunas ni Luis ang kaninyang luha at nagtanong siya sa ama niya, "Kung ganon, eh saan ka nag-aral?", at ang sagot ng kanyang ama, "Don Bosco Technical Institute". Nagmamadaling tinanong ni Luis ang kanyang ama kung maaari siyang mag-aral doon, na sinang-ayunan naman ng kanyang mga magulang. Lumipas ang mga buwan at sa wakas ay unang araw na ng senior year ni Luis. Tulad ng bawat bagong estudyante, nakaramdam siya ng kaba at kitang-kita ang panginginig. Medyo gumaan ang loob niya dahil hindi naman siya nakatira sa malayo. Pumunta siya sa kanyang itinalagang silid-aralan at umupo, napapaligiran ng mga estudyanteng hindi pa niya nakikilala. Kinabahan siya sa puntong hindi siya makapag pahinga ng maayos sa unang linggo niya. Maya-maya, may mga estudyanteng nakipag-usap sa kanya. Pagkalipas ng ilang linggo, nakakapag-usap na siya sa mga kaklase niya. Ang saya niya sa pag-aaral, sobrang saya na lagi na siya sumasagot sa mayroong tanong ang guro. Makalipas ang mga buwan, nakipaglaro sa mga kaganapan kasama ang kaniyang mga kaklase. Bagama't nami-miss niya ang mga dati niyang kaibigan, natutuwa naman siya sa pagkakaroon ng madaming kaibigan sa bagong niyang pinag-aaralan.  
0 notes
moonwonuu · 2 years
Note
AWWWWW wait tsundere era jeonghan pero naudlot bigla grabeeeeee ako ay: nanghihinayang. Hehe tampo yharn hannie ko???
Pero omg ang wholesome talaga ng 95z masyado silang mabait and ughhhhhh parang usto ko tuloy maging tropa nila. Pwede pa ba? Hehe char.
Also ATE XU! AAAAAAAAAAAA 🥹🥹 grabe talaga yung character development niya omg. To the point na kaya na nyang makipagsabayan sa tatlo and maging friendly sa iba. 🤭 I am proud.
Lei, parang usto mo ata talagang mahampas ng law books ni wons. Kasya ka sa puso ni shua di ba nga nagstay ka dun for who knows how long din? Ikaw lang naman yung umalis di ba? 🤨🥺
At ikaw naman shua, baka naman gusto mo din mag nido dyan? Check check din ng label uy.
- 🌸
ang totoo niyan tinry lang talaga ni hannie maging maldito pero ‘di kaya kasi si lele yan eh AHAHAHA (siya yung bunso sa kanilang 5) 🤪
pwede pa vebs, join ka na! basta handa ka lang sa mga pang babarda ni jeonghan, oks ka na 😤 (pero alam ko trained tayo dito kasi tingnan mo naman si luna bebe natin AHAHAHA)
wag mo daw siya hamapsin nang law book, baka daw mas masakit yun sa stethoscope niya AHAHAAH. lugi ka diyan le AHAHAH
omsim, importante ang label 😭🤪🫵🏼 kaya hoy shuale uso rin lagyan 😅 na ii-stress ako sakanila amp *nag dabog*
0 notes
lunartemisx · 2 years
Text
49 Days
1979 Days: Luna
August 5, 2017
Putcha, late na ako. Muli kong tinignan yung wrist watch ko na kahit ano namang tingin ko dito ay hindi titigil ang oras, ni maibalik ito ay hindi ko magagawa. Ang malas naman, pagdating ko sa school kaka-akyat lang ng elevator, hindi ko na kaya maghintay kahit na may 15mins. pa naman ako bago magsimula yung next subject. 4th floor lang naman eh, tinahak ko na yung hagdan kahit na tamad na tamad ako. Putchang hangover to, alak na alak kasi ako to the point na kahit may pasok o kahit araw-araw basta may inom go ako.
"Oh, buhay ka pa pala! Akala ko di kana papasok eh" bati sakin ng bestfriend ko na si Anika (Nika) pagpasok ko ng classroom. I immediately scan the room, not actually scan it but look at my 2 usual spot. My first usual spot, which is at the very back was occupied by my other friend, Charmaine (CM). I looked at my 2nd usual spot, next to my bestfriend which is 2nd row before the very back, some random guy was... not just sitting but sleeping on that. Napag-desisyunan ko na yung random guy nalang yung aagawan ko ng spot, since tago yung spot na yun unlike sa first spot ko kasi kahit nasa pinaka likod yun nasa center naman, yung 2nd spot ko is natatakpan ng mga classmate ko kaya pag natulog ako hindi ako kita. I walk in front of the random guy and pushed him hard on the back. Inangat nya yung ulo nya, naniniwala ba kayo sa slowmo? Because now I do, everything became slow motion to me, tinignan nya ako sa mapupungay nyang mata dahil kakagising nya lang at nginitian nya ako and boy oh boy, he looked so fine as fuck.
"Bakit?" I was stunned, nakatitig lang ako sa kanya, examining his whole face, not uttering a single word and just staring at his face not minding if I'm looking stupid in front of this random guy.
"Okay class settle down now, Ms. Cruz please take a sit" nung na special mention, ako dun lang ako natauhan.
"That's my seat" ngumiti lang sya sakin at tumayo, he motioned for me to sit, so I did. Nagulat lang ako dahil he carried another empty chair and sat next to me. Nagsimula ang klase at nagsimula na din akong pasimpleng natulog habang nag le-lecture yung teacher namin. Nagising lang ako dahil may tumatapik sakin.
"Be, gising! Be! Gising..." someone was also aggressively whispering to me. I looked at my bestfriend and saw the urgency in her face.
"May quiz recitation kay ma'am!" nagsimula na syang magtingin sa notes nya and me? I was left dumbfounded... inom pa Luna! You'll definitely fail this class... for sure! I was frantic because I didn't even listen to today's lecture because I was sleeping! And I can't rely on my bestfriend's notes because it was incomplete. She was lucky because when it was her turn, the answer was still on her notes. And now, it was my turn. Nung tinawag ako halata sa mukha ko yung panic. Nagtanong na yung teacher namin and hindi pa din ako tumatayo.
"Ms. Cruz" I was about to stand up and just tell her na I am sorry I didn't know the answer when that random guy held my wrist that was resting in my table and because of that he caught my attention and I looked at him, inangat nya ang ulo nya and uttered "July 04, 1946" my faces says it all. I was doubtful. Hindi ako naniniwala sa sagot nya.
"Ms. Cruz for the last time, kung wala kang sagot magtatawag na ako ng next" hindi ko maibaling ang tingin ko sa iba, tanging sa mukha nya lang na nagsasabi saking pagkatiwalaan ko sya.
"Ms. Cruz" tumango sya sakin at ngumiti uli. "Ma'am M, may sagot po sya" yung random guy na yung sumagot para sakin, that left me no choice but to stood up at binitawan nya ang pagkakahawak sakin.
"The Philippines gained independence from America on July 4th of 1946" "Correct, you may now sit down" at nagtawag na uli yung teacher namin. Muli akong tumingin kay random guy and he was now sleeping again.
Hindi na ako nakatulog at nakatulala nalang sa kawalan, nabalik lang ako sa katinuan nung tinapik ako ng bestfriend ko dahil tapos na ang klase namin at lunch time na. Tinignan ko din si Random guy and next to me was just an empty seat. I grabbed my wallet and followed my bestfriend to the cafeteria.
"Be, sino yun?" tanong ko kay Nika na busy-ing busy sa pagtingin ng mga pagpipilian na pagkain sa cafeteria at habang ngumangata.
"Hmm?? Sino?" tanong nya pabalik sakin  habang nasa bibig pa nya ang turon na kinakain nya.
"Yung lalaking katabi ko kanina" she looked at me puzzled, actually I can see ghost, she knows it pero yung lalaki kanina I was sure na hindi sya multo because when he touched me he was warm, plus, nung sinagot nya si ma'am M tumango si ma'am M. it took minutes pero na realize din ng bestfriend ko kung sino yung tinutukoy ko.
"Ah, si Altair?" I looked at her confused. Kasi kung tignan nya ako ngayon parang, supposedly kilala ko yung random guy na yon.
"Seriously?" yung tingin talaga sakin nitong si Nika eh parang tinutubuan ako ng mushroom sa noo. Tumango nalang ako
"Si Altair! Friend ng mga kaklase natin ngayon! Classmate nila ng grade 11! Supposedly kaklase din natin na late lang ng enroll kaya naiba ng section, laging nasa classroom natin, kilala na nga ng lahat eh and actually close na din ng lahat kahit yung mga hindi nya naging kaklase nung grade 11" sagot nya naman sakin kahit na busy-ing busy ako sa pagpili ng kakainin ko.
"Dun ka mali, hindi mo pwedeng sabihin na kilala sya ng lahat dahil di ko sya kilala. Would I ask you if I know him? Kung kilala ko sya?" she looked at me dead in the eye, iniwas ko yung tingin ko at binayaran na ang pagkain na napili ko.
"Pano mo nga naman kasi sya makikilala? Eh laging kang tulog dahil lagi kang lasing pag pumapasok!" She rolled her eyes to me and we both walk back to our classroom. That's actually touche, how would I know the person kung lagi nga akong tulog? Nagpatuloy na yung araw namin and the whole time, nag re-replay sa utak ko yung mata at ngiti nya.
0 notes
marinoblog · 2 years
Text
11/10/22
Ang saya ko kahapon.
Ang dali ng trabaho ko
Masaya pa ako't may gamot na si mama na iniinum na tyak daw ay mawawala na ang kanyang kidney stone after 10 days of taking.
Ngunit kanina lamang ay nasira agad ang araw koo.
Una nung napahiya nman ako dulot ng kawalan ko ng tiwala sa sarili ko.
Uutusan sana ako ni Sir butch sabi nya pumunta ako sa McDonald, bumili ng meryenda. E wala ako tiwala sa sarili koo. Kahit alam ko na, tinanong ko pa sya "sa macdo yun sir ha?.. e medyu iba ung dating sa kanya kaya si Mia nlng yung inutusan. Sabi hindi alam ni **** na pareho lng yun. Ayun nag self pitty nnmn ako ng saglit..
And ang hindi ko pa matanggap.. After ko mag bigay ng ID sa isang studyante. Tinanong nya ako kung tinitinggnan ko sa reports sa SIAS kung enroll na ba ung studyante bago mag print , sabi ko hindi ko na tinitingnan kasi kapag may matching record id application. Ibig sabihon enroll na yun. Sabi nya "hindii, dapat tinitinggnan mo pa". Ibig sabihin mali ung pag manage koo.. sabi nya mag kaiba yun.. Hayy .pinagalitan akoo.. Eh andami nang inprint ko na bumabase lang ako sa matching records, kahit na ung katrabaho ko, at sina Sir Ryan ganon din ginagawa. Bat parang ako ung naiipit ako ngmumukhang malii.. Sana matanong nya sina Sir Ryan about that matter.. para malaman na tama akoo.. na ok lang kahit sa matching records lang bumabase kapag mag pprint ng ID.. hayy.. i will find a way na ma realize nya na tam akoo.. na ok lng kahit ganing yung gawin .. so ayun. Lumipas na.. ako nnmn ung mukhang may mali
At pag uwi koo.. ang lunggkot koo. Napahiya na akoo, nag mukha pa akong malii..
At pag dating ko sa bahayy..
Sabi ni mama.. "**** hindi ata akoo hiyang nang gamot, umiiba pag hinga koo.. at nakita ko nga sya mukhang nag hubag nnmn bayhon nyaa.. natatakot na syang ipagpatuloy gamot nya.. Andami kasing pinapainom sa kanya.. baka hindi tlga nya kaya.. So, kala namin un na ung lunas.. eh mukhang masasayng lng ung binayad naming mahal para sa mga gamot na yunn..
Ang hirapp.. sa ngayon hindi namin alam kung ano nmn gagawin namin.. mukhang mag tatry nmn kami sa mga herbal at prutas para gumaling kasi hindi pa si mama handa sa operasyon..
0 notes
greenteaanon · 2 years
Text
Tumblr media
Historical figures:Chapter 1
Heneral Luna
My idol~...ahem..anyways...
Disclaimer: Reader will not be Heneral Luna, But will have characteristics of said person, And The Actual Heneral Luna will be related to Reader
Warnings: GN!Reader, Mentions of War, Death, Imposter AU(cause yes), angst/comfort,Good End, Mentions of Blood, Alot of Swearing Both Tagalog and English.....as expected
Enjou gets a Cameo cause I love him
As for the translations....you figure it out
————————————————————————
"Hay Potcha Where the Fuck am I?" Was the first thing you say when you woke up in the middle of a grassy field. "Nahulog ba ako Sa Duyan?" Did you fall of a hammock? who knows. Turning around to see no hammock one tree. 'Ay pak shet this isn't our property' you thought finally standing up the Sun in the middle of the sky. Glad your mother wasnt there or whe would've whooped your ass and nagged you for sleeping in.
Getting up and trying not to fall down. When someone tried to shoot an arrow barely missing. "HOY WHAT THE FUCK"
"BY THE ORDERS OF THE CREATOR, SEIZE THE IMPOSTER AT ONCE" the person screamed and a familiar figure walks from behind of the archer....fuck it's Kaeya.
"....Putangina Yoko na.....I think I should run" Son of a bitch You've had enough,you just woke up but that's besides the point. "Look I don't know what you mean Mr. Cavalry Captain...but I'm gonna go"
And then you BOLT. You ran and ran your abdomen started to hurt you reached a forest and took a breather. "Mga Yawaaaaaaa" Assholes, Demons, Ruthless you breathed out. "Your Holiness?"
"AY PUTANGINA MO" you shreiked you Son of a bitch A tall Figure appeared before you. "Your Holiness!" The tall Figure beamed in delight.
"Wait a minute...ENJOU!?"
"They Know my nameee" he squealed like a high school girl. "Uhhh Yea...Anyways I gotta go before Kaeya Catches up to me with Back up"
"Why would he chase you anyways" he asked "Something about being an imposter, Di ko Sigurado" You weren't sure to be honest.
"PREPOSTEROUS! HUMANS CANT EVEN RECOGNIZE THEIR CREATOR" He Gasped. Honestly you didn't give a flying fuck about being called an imposter, It's the Shooting you was the concerning part.
"It's fine it's fine...Anyways Can I stay with you and the abyss? cause I really don't have anywhere to stay at" you asked making doe eyes you probably didn't need to do that and he'd still say yes.
"Well of course your Holiness! One moment.." Enjou said Opening a portal.
Him pulling you in the portal and a moments you were in a ruin like castle. 'so this is what the Abyss looks like inside'
"Enjou...Is that..." A voice called out it was the traveller's twin. After a couple days later in the abyss you got comfortable.
Your now seated in a Library well you guessed it was..you were trying to teach Enjou Tagalog(properly..no jokes) so he can Translate you for Other people. Well it's mostly curses and simple phrases
"so...If I want to introduce myself in the holy la— Tagalog..I Say 'Ako si Enjou, Nalulugod ako makilala ka' right?" He asked God he was Adorable "Mmhm It Means My Name is Enjou, Its a pleasure meeting you" You were proud you also taught him a couple curse words just incase you want to cuss out someone which you wanted to...but no one.......yet.
"Maglakad kaya tayo sa Labas ng Abyss?" You suggested
"Walk outside the abyss? Just us?" He asked happily.
"Yep! I want to go walk around the grass again..and maybe find some of my things...maybe"
~
You and Enjou Were walking...well he was floating..You were walking around Gallesong Hill.
Near the tree you originally woke up at you found a satchel with a book, a thick ass Journal, A modern pen, a random pistol with no bullets, and...YOUR PHONE
"AY PANGINOON CELLPHONE KO" You cried in happiness.
"you just swore...to yourself"
"Hah?" Hotdog.
"You're God?"
"Oh Yea....Anyways"
You open the journal first a photo fell out it was old around the 18 century maybe.
"Oh it's my photo of my lolo...well Great Grandfather actually...well uncle, My Family says I have an uncanny resemblance to him" you held up a photo of Heneral Luna. You looked alike, to the nose, the eyes, the jawline, even at the eyebrows.
"You two do look alike, although you look younger" You nod in agreement, Flipping a page it was a article that at Heneral Luna used. Artikulo Uno. Who ever wrote this journal must look up to him...Like you are...
Then something caught your eye
"Dear Myself, You may doubt it now But you are truly a god, Makinig ka Na tanga ka Ikaw yoong totoo na Diyos. Your Gonna need the Artikulo Uno thing Later probably after reading this. P. s. The book is in Baybayin Have fun Studying it again From (y/n) Luna"
You just started at the last bit "FIRST OF ALL MYSELF JUST TOLD ME TO LISTEN...THEN PROCEEDED TO CALL NE AN IDIOT THEN MAKES ME STUDY BAYBAYIN AGAIN WHAT THE FUCK" you angrliy shouted. Until you heard footsteps.
You and Enjou swung your head to where it came from. "YOU." Someone snarled. They looked like you..just in very flowy clothing....Well crap.
Kaeya and the Knights followed behind them. Then you said
"Hay Panginoon! Eto ba Yoong Walang Hiyang Punyeta na May Kasalanan kung bakit ako ipapapatay!?" Oh Lord, This was the bitch that ordered to hunt you down
"They are, Your Actual. Holiness"Enjou replied with full confidence, The Person Froze.
"Gague Pangit niya, Masakit Makumpara Sakin, Parang Insulte" God Damn, They were a lesser version of you, It felt Gross being compared to them, An Insult.
Everyone froze when you started talking in Tagalog.
"Enjou, Sinusunod ba dito yoong Artikulo Uno" Did they Follow the Artikulo Uno principle here, they did so Enjou nodded.
"Hey You do you know what meaning of Artikulo Uno is, I'm sure you have been abusing that" you asked your poser. They looked terrified.
"Artikulo Uno, Ang hindi sumunod sa utos ng punong heneral ng digmaan ay tatangalan ng rango at ipapatay ng walang paglilitis sa Husgadong Militar" You looked at Enjou after saying it signaling to fully translate.
"Artikulo Uno or Article One, People who disobeyed the Head General of War, will be removed from the ranks and be killed with no proceedings from the Court, or in this case, Their Grace" he smirked under the abyssal Form.
Your imposter started sobbing and apologizing on their knees.
"Shuta Dali matakot, Ano ba yan?" Enjou said almost laughing Well shit They get scared easily What was that
You couldn't hold your laughter. "AHAHahaha— oh that was a good Laugh, then you Guys, You believed Their Words Blindly. PARA KAYONG MGA BIRHEN NA NINIWALA SA PAG-IBIG NG ISANG PUTA" you shouted the quote with full emotional
"Should I translate" Enjou Wispered to you. "Go, I Dare you"
He breathed in trying not to laugh " Directly translated, What their Grace said was....oh dear Your like a bunch of Virgins That believes in loving words of a Whore"
You both Laughed while the knights also apologized profusely.
"Alright Get your Asses together we have Six other nations to convince"
~
It has been a week, a week of studying baybayin now you can read the book fucking finally.
It's also the time where you have to set of the 6 different nations to redirect their belief in their God.
Convincing Liyue was Easy, with the Help of Venti Bring the Anemo Archon He got to Zhongli Alot faster, then to the Adepti then to the Qixing, They handed us Milleleth soldiers to help us, But was had to cut the troops in half when reaching Inazuma and Back, Again Easy with the the Shogun to the Tricomissions, and you came back with more troops and the Electro archon.
It was going great. You were already in the mainland and you guys well some rested in Carts pulled by Horses. You stopped to buy food for everyone, Being a god gave you privlages Free food. You see your troops switching places some to rest and some to guard. You saw Enjou about to fall over in his sleep. You patted his Leg and asked.
"Nakapagpahinga ka na ba?" Has he rested? Judging by his groggy State he has... a little.
"I'm sorry your Grace are we about to head home?"
"May tatlong bansa pa tayong pupuntahan" 3 nations to go to, and you were only half way to Sumeru
"With all due respect it's midnight" He said Groggily.
"Kaya bilisan pa natin" You said giggling. Guess we should speed up
Maybe this life wasn't too bad.
____________________________________________
GOOD LORD FINALLY IM FINISHED
Hope you guys enjoy
Enjou Cameo my ass this is a Reader and Enjou Duo fic
231 notes · View notes
poi-son-ous · 3 years
Video
youtube
Título:  Ang Cariñosa / La Cariñosa Arte: Eleanor  Vídeo: Elbo  Letra: Kabudelz  Música: Steampianist  Guitarra: Panic Car y Ginoplaysguitar  Guitarras adicionales: Steampianist Vídeo original: https://youtu.be/viQJGUrBg3c Letra:
Sabi mo ako'y ang tanging iibigin Salungat ang aking nadama Patuloy-tuloy pa rin ang aking puso Naniwala sa ating sumpaan Me dijiste que sería la única a la que amarías Pero lo que siento es lo opuesto Aún así mi corazón continúa creyendo en nuestras promesas Bathala bakit nagkaganyan Ako bang may sala Parang ako'y pinagtampuhan Panalangin ng aking katinuan Nawa ay hinding siphayo ang aking mapala Oh Dios, ¿Cómo llegamos a esto? ¿Acaso es culpa mía? Es como si estuviera siendo resentida Por el bien de mi cordura rezo  Para no ser decepcionada nunca Nais ko sanang itanong kung sino ba ang totoo Panalangin ko sana na walang iba Nais ko sanang itanong kahit alam ko ang sagot Itigil na ang duda Tiwala na ako ang sinisinta mo Tan solo quiero preguntar, ¿a quién quieres realmente? Aunque rezo para que no haya nadie más Tan solo quiero preguntar, incluso si ya sé la respuesta Detener la duda Confío en que soy la única que amas Paparating na silakbo ay napigil Nitong lila sa mukha kong gigil Mula sayo na minsan magkamali  Nahingin ang iyong pagtangi El próxima estallido de emociones es detenido por este morado floreciente en mi cara que tú me diste cuando cometí el error de pedir ser la única para ti Sa ilalim ng buwan nasaksihan ko ang lahat pati... Ang dahilan ng dalas mong paglisan Dibale, O aking sinta ika'y pinatawad 'Di na kailangan magpaliwanag pa Mahal pa din kita Bajo la luna lo vi todo, y... La razón de tus frecuentes escapadas No importa, querido, estás perdonado No necesitas explicarlo Aún sigo amándote Nais ko sanang itanong kung sino ba ang totoo Panalangin ko sana na walang iba Nais ko sanang itanong sinong hitad ba ito Tigil na ang duda Tiwalang iningatang iyong pinatay Tan solo quiero preguntar, ¿a quién quieres realmente? Aunque rezo para que no haya nadie más Solo quiero preguntar quien es esa coqueta Detener la duda Acabaste con la confianza que albergaba Bahay kubo dahil maliit Ang nagtipon doon ay hindi mag-ari Katawan, Ulo, Bisig ng Ina ay wala nang paglagyan para kay kuya Una cabaña nipa y como es pequeña Aquellos que se encuentran allí apenas caben Un cuerpo, una cabeza y el brazo de la madre no queda espacio para el hermano Tingnan ang tampalasang bruha 'Di karapat dapat sa kanya Habang ako'y nangungulila bawa't araw 'Di na hahayaan ang langit ang humusga Mira a la perversa bruja Ella no te merece Mientras estoy sufriendo aquí todos los días No esperaré al juicio divino Diba, pangako mo Tayong dalawa Magsasama hanggang wakas Recuerda, me prometiste que seríamos nosotros dos los que estaríamos juntos hasta el final Nais ko sanang itanong kung pagmamahal ba ito Kung 'di ka lang din sa akin walang pwedeng makatamo Tan solo quiero preguntar si esto es amor Si no eres mío entonces no serás de nadie Dugong nagpatibok sa puso  Dating nagmahal sa akin Ngayon ay sumaboy sa kisame, pader at sahig Puso mong pinangako sa akin Minarapat lang na bawiin  Sa aking mga kamay ay pipintig magpakailanman La sangre que hacía que tu corazón latiera, la que antes me amaba Ahora está esparcida por todo el techo, las paredes y el suelo Merecidamente recuperé tu corazón que fue el que hizo la promesa En mis manos latirá para siempre
7 notes · View notes