Tumgik
#diwata ng kalangitan
ulapluna · 2 years
Text
Si Tiya Sera
Kinukulayan ng mga bahaghari ang kalangitan. Yumayakap ang mapagkalingang init ng araw sa bawat nasisinagan. Dinadalaw ng kapayapaan ang dinadaanan ng nakikipaghabulang hangin. Nakapaligid ang lahat kay Tiya Sera habang naghahanda sa kuwentong pinagmulan ng lahat. Isang diwata ng kalikasan ang aking Tiya.
Sinimulang ikumpas ang maliit na sanga para magpalabas ng hiwaga.
Isang kumpas, napalitan ang tanghaling-tapat ng buwang nakasipat.
Dalawang kumpas, sumindi sabay-sabay ang pailaw ng mga alitaptap.
Tatlong kumpas, umawit ang mga kuliglig kasabay nang pagpapaliwanag ng buwan. Bumulong ang hangin sa aming mga pisngi. Ito na ang senyales na lahat ay dapat makinig.
Katabi ni Tiya Sera ang pinakamatandang duwende dahil kasama niya ito sa pagkukuwento. Nagmamasid naman sa malaking sanga ng Narra ang tikbalang at katabi nito ang mangkukulam. Tumatayo ang balahibo ko kapag sabay silang tumatawa lalo na kapag masaya ang kuwentuhan. Mabuti na lang at nasa tabi ko ang mga kaibigang sirena ni Tiya Sera. Kapag ako’y natatakot umaawit sila na sobrang nakahahalina. Nasa likod naman namin ang mga siokoy, iba pang engkanto at mga hayop. Sumasayaw naman sa paligid ang mga alitaptap, paro-paro at iba pang insekto. Isang salo-salo para sa napakagandang kuwento mula sa aking Tiya Sera. Lahat ay magkakaibigan at nagkakasiyahan. Pati ang buwan nakikitawa habang kayakap ang mga ulap.
Nagsimula sa pagwasiwas ng maliit na sanga na sa lahat ay nagpahanga. Nahawi ang mga bituin dahil naging isang malaking panoorin ang kalangitan. Sandaling tumabi ang buwan at nakipanood din. Isang mahikang kagila-gilalas. Natapos ang palabas sa pumaligong mga munting tala. Inihatid ng hangin ang bawat isa sa kanilang tahanan. Kumukundap-kundap na ang mga bituin nang kami ay humimbing. Nanatili si Tiya Sera sa kaniyang puwesto at doon nagpahinga.
Kinabukasan ay nasa paborito kong puwesto lang ako habang pinagmamasdan si Tiya Sera. Hindi ko siya malapitan dahil kinakausap niya isa-isa ang kaniyang mga kaibigan. Kapag pinapayuhan niya ang mga ibong nawalan ng tirahan ay nagsasalita rin siya na parang ibon. Kinakampay rin niya ang mga kamay hanggang sila’y magkapalagayan. Nakatatakot naman kapag kausap niya ang mga engkanto lalo na ang mangkukulam. Pinapatinis ni Tiya Sera ang boses niya dahil nasasaktan daw ang mangkukulam kapag ang boses niya ang pinagtatawanan. Kapag naman ang mga insekto ang kausap ay parang silang nagbubulungan. Ayaw raw kasi ng mga insekto na para silang sinisigawan.
Madalas ay hindi ko nakakausap si Tiya Sera dahil napakarami sa kaniya ang nagpapakonsulta. Nagrereklamo na rin siya sa akin dahil lahat na raw ng trabaho sa mundo ay ginagawa niya. Nakatitig lang ako sa napakahabang pila ng mga humihingi ng tulong sa aking Tiya Sera. Hindi naman ito nalalayo sa utos ng aking Inang Reyna, inatasan akong maging tagapag-alaga ng aking diwatang tiya. Pagkatapos ng araw ay hindi mawawala ang yakap sa akin ni Tiya Sera. Pero minsan hindi niya na ako nakikilala, napagkakamalan niya akong duwende, isda, siokoy, kapatid ng tikbalang at minsan pa nga ay isa sa kaniyang mga kaaway — ang mga bungisngis.
Malakas ang buhos ng ulan, umaapaw ang mga ilog at gumagapang ang baha papunta sa trono ni Tiya Sera. Wala ang kaniyang mga kaibigan, ako lang at siya ang magkasama. Bumubulong si Tiya hindi ko sigurado kung may kausap siyang insekto.
“Nariyan na naman ang mga bungisngis. Papalapit na sila sa atin. Mag-iingat ka munting kaibigan.”
Hindi ko muna nilapitan si Tiya. Baka nagkaroon siya ng mga masamang pangitain.
Kinabukasan, may iniutos si Inang Reyna sa akin. Nagpaalam ako upang maagang makaalis. Nagsabi rin ako kay Tiya Sera na mag-iingat habang wala ako.
“Huwag kang umalis munting kaibigan, maraming bungisngis sa labas ng ating kaharian.”
“Kaya ko po ang sarili ko, hindi po ba, ako ang tagapag-alaga ninyo?”
Napatitig sa akin si Tiya Sera. Balot ng takot ang kaniyang mukha. Hindi rin niya ako gaanong makilala.
Paglabas ko may malaking pista sa labas ng kaharian. Dumadagundong ang kalabog ng malalaking tambol kasabay ng mga hiyawan. Nakapaligid ang banderitas. Nagkakasiyahan ang mga tao. Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang makarating tapat ng simbahan. Sa rebulto ng malaking anghel may mga sigaw na pumaibabaw.
“Munting kaibigan! Nariyan na sila!” sigaw ng pamilyar na boses. Ang aking Tiya Sera.
Tumatakbo siya papunta sa akin. Sumisigaw at hinahawi ang karamihan ng mga nababangga. Humahangos. Itinutok ang espada sa paligid. Buong tapang makikipaglaban.  
“Mga bungisngis lumayo kayo!”
Ngunit unti-unti, nawala ang kaniyang ganda’t liwanag. Ang kumikislap na kasuotan ay naging nakapalupot na kumot. Ang korona na yari sa mga rosas ay naging pulang balabal na hanggang bewang ang haba. Ang mga umiikot na alitaptap na nagpapaliwanag ng kaniyang paligid ay naging polbo sa mukha at hindi na siya nakakalutang. Lumitaw ang sugatang paa na walang suot-suot na tsinelas. Napahinto ako’t hindi makapagsalita.
            Niyakap niya ako.
“Proprotektahan kita Sariel dahil ako ang iyong diwatang tiya,” bulong niya. Nakilala na ako ni Tiya Sera.
            Hindi nagbago ang kaniyang mapagkalingang yakap pero nagsimula ang hagikgikan hanggang mapunta sa halakhakan.
“Si Serang baliw narito na naman,” sigaw ng isa naming kapitbahay.
            Kilala ko ang mga tumatawa, hindi sila mga bungisngis pero habang tumatagal ay nagbabago ang kanilang itsura. Ang mga kalaro ko, naging bungisngis. Ang mga kapitbahay namin, naging bungingis. Hindi ko na sila makilala dahil sa kanilang tawa. Gusto kong protektahan ang aking tiya pero mahigpit ang yakap niya sa akin. Siya ang pumoprotekta sa akin.
“Huwag kayong lalapit sa amin! Mga bungisngis!” habang winawasiwas ang walis tingting na kanina ay espada.
            Sumaklob ang isang anino sa amin.
“Tumigil na kayo! Walang nakakatawa!” sigaw ni Mang Lito. Sinundan din ito ni Aling Fe. Tinangay ng hangin ang malakas na tawanan. Para silang mga kabalyerong anghel katulad ng malaking rebultong anghel na nilalabanan ang mga halimaw sa tapat ng simbahan. Mainit rin ang kanilang mga yakap at akbay. Mapagkalinga.
            Inakay nila kami papauwi. Sa parada ng pangungutya ay hindi naman lahat nakikisaya.
Hindi naman lahat tumatawa, iilan lang ang bungisngis. May ilang nakatingin lang at nagmamasid parang ang kaibigang tikbalang ni Tiya Sera. May ilan ring nagbabawal at nagtatanggol, mga anghel rin kaya sila?
Naiuwi namin si Tiya Sera. Sa kaniyang silid at paboritong upuan, naglaho ang kaninang takot at pangamba. Nakausap ko si Inang Reyna o ang aking Nanay Celi.
“Sa mundong ito, marami ang mga anghel na nagtatago. Minsan hindi nila alam na anghel pala sila pero alam nila ang misyon nila sa mundo,” paliwanag ni Nanay.
Tulad nila Mang Lito at Aling Fe na kay bubuti. Tulad ni Tiya Sera na sinubok ngunit hindi nagpagapi. Malinis ang puso at hindi gumagawa ng masama. Tulad ng mga may kapansanan sa katawan ngunit pinili paring maging mabuti. Tulad nating buo ang regalo’t hindi nagpapatukso.
“Ituring natin lahat bilang isang biyaya at maging biyaya sa lahat,” dagdag ni Nanay Celi.
Binukadkad ko ang aking kamay, lumapit at yumakap kay Nanay at Tiya Sera.
Ako rin pala ay isang anghel at isang biyaya. Isang anghel na may dalang kabutihan na susupil sa lahat ng uri ng kasamaan.
Ang Akdang ito ay entry para sa Kuwentong Pambata Category ng Saranggola Blog Awards 12. #SBA12
https://culturalcenter.gov.ph/?fbclid=IwAR3P4ZmQIat6becHidrWTjBc9zpz4OEXaYD5zlDamYepjOTMoxNTDTGtJE4
https://culturalcenter.gov.ph/?fbclid=IwAR3P4ZmQIat6becHidrWTjBc9zpz4OEXaYD5zlDamYepjOTMoxNTDTGtJE4
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
countessofwisdom · 3 years
Text
Pahimakas
Tumblr media Tumblr media
ft. XiaoVen/VenXiao
(Pahimakas) – huling paalam o halubilin
o
Ang nilalaman ng itinapong liham ng isang diwata (adeptus) para sa isang musikero.
Tags: Written in Tagalog, Xiao lore spoilers, AU where Venti's music dispersed the entirety of Xiao's karmic debt thus setting him free completely, Xiao is now living in Liyue Harbor
Tumblr media
Kamusta ka na, aking bughaw?
Sa mga naglilipasang araw, tila'y napapadalas ang aking pagkabagot habang naninirahan sa siyudad ng Liyue.
Ha, kung magkataon mang mabasa ng sarili ko mula sa nakaraan ang liham na ito, batid kong ibubulong niya sa himpapawid na baligho ang pinagsusulat ko dito. Ako man, manirahan kasama ang mga tao? Sino ang makakapagsabi na ito pala ang aking magiging pasya sa hinaharap?
Aamin ako, ni minsan ay hindi ko inakala na mayroon pa pala akong pagkakataon na makamtan ang kapayapaan na dala ng katahimikan. Banyagang emosyon ang lumamon sa akin nang mapagtanto kong tahimik ang mundong aking kinagagalawan matapos mamuhay ng matagal, mga boses na nangangakong kamatayan at dalamhati lamang ang nilalaman ng aking landas ang tanging dinig ko noon.
Ramdam ko na para bang kahapon lang ang gabing tumindi ang kapit sa akin ng rehas. Ang gabing ako'y nalasing sa kasinungalingan ng mga boses, nahirapan huminga, mga luha at pakiusap ay nalunod sa kalawakang hindi nakikinig, at ang unang beses na naging klaro ang mukha ni kamatayan sa aking pananaw.
Hanggang sa dumating ka, hanggang sa dumating ang tinig ng plauta mong nagsilbing alpas.
Sa unang pagkakataon, naramdaman ko muli ang pagpasok ng hangin sa aking katawan—tanda na ako'y nabubuhay, na may kakayahan pa din akong dumamdam at masaktan, na para bang tao din ako, at hindi isang bangkay na patuloy ang paggalaw hanggang sa mahanap ang landas pabalik sa libingan.
Natanong ko nalang sa kalagitnaan ng malalalim kong paghinga, subalit walang nahagip na sagot, kung iyon — hindi, ikaw — na ba ang kalayaang matagal ko nang hinangad? At tulad rin ba ng iyong nakakapawing-pagod na musika, mararamdaman ko ang kaginhawaan sa iyong presensya?
Ginusto kitang makilala't mapasalamatan, ninais kong manatili sa tabi mo kahit pansamantala lamang noong gabing iyon, ngunit tulad ng mga bituin sa kalangitan, ang presensya mo'y kay hirap hanapin.
Simula noon, walang gabi ang lumipas na hindi ako umasang dadapat kang muli sa dati nating tagpuan, aking bughaw, ngunit para bang masyadong marangya ang panalangin ko upang ipagkaloob muli ng tadhana kahit ilang libong taon ko itong hintayin.
Hanggang sa napagtanto ko noong isang araw lang na… baka sakali ay sinadya mo iyon, na iwan ako pagkatapos mong iligtas, dahil kahit maliit lamang ang tyansa na kilala mo ako, ang tunay na ako — at alam mo na gagawin kong utang na loob sa iyo ang kaganapang iyon buong buhay ko, at ang utang na loob na iyon ay magbubunga ng panibagong rehas na hahadlang muli sa akin mula sa kalayaan.
Alam mo ba kung anong nangyari nang maisip ko ang posibilidad na iyon, munting musikero? Dinalaw ako ng amihan, subalit hindi ito agresibo. Maihahalintulad ko ang hangin na iyon sa hele ng isang ina, ayon sa talakay ni Binibining Guizhong sa amin noon. Maligamgam, tahanan ang pakiramdam, katulad ng musika mo noong gabing iyon.
Kaya't napagpasya ko na iyon ang senyas mo na tama ang aking naisip, kahit gaano man kabaligho ito.
Napagpasya ko din na… magpapaalam na muna sa iyo. Pansamantala lang, syempre, dahil gusto ko munang tuunan ng pansin ang kasulukuyang buhay ko. Ipagpapahinga ko na muna ang memorya mo sa aking isipan datapwat tunay na utang ko sa iyo ang aking buhay. Sana'y magsilbing katiyakan ang liham na ito sa iyo na ayos lang ako, higit pa nga, dahil sa iyo.
Hiraya Manawari, aking bughaw.
Nawa'y magkasalubong ang landas nating dalawa sa hinaharap.
Nagmamahal,
Xiao Alatus Xiao
P.S. Ah, naikwento ko na ba sa iyo na naghahanapbuhay na ako sa Funeraria ng Wangsheng kasama sina Ginoong Zhongli at Binibining Hu Tao? Hindi kanais nais ang kanilang kinaiya, ngunit pasalamat sila't nakakatuwa ang kanilang mga biro.
Tumblr media
A/N: I hate editing on Tumblr with a burning passion HHHHH it ate up the changes I made so I had to do it all over again ༼;´༎ຶ ۝ ༎ຶ༽
Anywho, I'm not very confident that this'll gain many audience since it's written in Tagalog, not to mention that I'm not that great when it comes to writing in this language. But to the Filo peeps who stuck around til the end, you have my utmost gratitude (〒﹏〒)♥️ and love
By the way, notice how I used the word amihan? Which is technically the northeast wind? And LO AND BEHOLD, Mondstadt is located northeast 👀 So slick of you, Venti~
5 notes · View notes
harayaatguniguni · 4 years
Text
Tumblr media
“Si Zero sa Mapanganib na Mundo”
Sa panahon kung kailan ang mga tao ay tuluyan nang nawalan ng amor sa kalikasan, may isang gubat sa lalawigan ng Sinap, na pinangingilagan ng lahat. Binansagan nila itong “Gubat ng Panganib”. Tampulan ito ng mga kwentong kababalaghan dahil bukod sa mayroon itong malalago at nagtataasang mga puno na pumipigil sa pagpasok ng liwanag sa loob ng gubat, sinasabing pugad rin ito ng mga hindi maipaliwanag na nilalang.
“Nang minsan akong mapadpad sa loob ng gubat, nakakita ako ng higanteng gagamba! Aba! Balak ba naman akong kainin. Buti nalang at nabalian ko siya ng isang paa,” mayabang na sabi ng isang lalaki sa kaniyang mga kainuman.
“Balita ko’y may engkanto roon na nangunguha ng kaluluwa,” sabi naman ng isang ale sa kaniyang kapitbahay.
“Sabi ng lola ko, nakapagsasalita raw ang mga hayop sa loob ng gubat na ‘yon,” pagbibida ng isang bata sa kaniyang mga kaklase.
Pinagpasa-pasahan na ang iba’t ibang bersyon ng kwento tungkol sa gubat na ito. Maging ang mga taong ni hindi narating ang bukana ng gubat ay naniwala at ipinakalat ang mga sabi-sabi hanggang sa tuluyang binalot ng takot ang mga mamamayan.
Isang araw, gaya ng tipikal na tagpo sa lalawigan ay abala ang bawat mamamayan sa kani-kaniya nilang mga gawain nang biglang may isang binata ang namataang kumakaripas ng takbo sa kalsada. Kapansin-pansin and punit niyang kamiseta, marungis na pantalon, at hawak niyang isang supot ng tinapay. Nakasunod sa kaniya ang dalawang tanod at isang ale na walang humpay sa pagsigaw ng, “Magnanakaw! Magnanakaw!”
Halos mapatid na ang lumang tsinelas ng binata ngunit tuloy parin siya sa pagtakbo. Hindi na niya matanaw ang kaninang mga humahabol sa kaniya ngunit hindi parin siya humihinto. Gusto niyang makasigurado; mahirap na kapag nahuli dahil tiyak na ang parusang matatanggap niya ay higit pa sa halaga ng ninakaw niyang supot ng tinapay. Mayaman ang may-ari ng bakery, at sa lalawigan ng Sinap, may sariling batas ang mayayaman.
Palubog na ang araw nang mapansin niyang nasa harap na niya ang kinatatakutang “Gubat ng Panganib”. Wala siyang mapuntahan ngayong gabi. Kapag sinubukan niyang bumalik ay siguradong pag-iinitan siya. Kumuha muna siya ng tinapay sa supot at kumagat. Umaasang mapatigil nito ang pangangatog ng tuhod na hindi niya alam kung dahil ba sa gutom o kaba.
Tinanaw niya ang loob ng gubat — masyadong madilim. Totoo ngang natatakpan ng mga puno nito ang liwanag ng kalangitan.
“Totoo rin kaya ang mga nilalang sa loob nito?” naghahalo ang takot at pananabik sa puso ng binata. Nais niyang malaman ang sagot.
Maingat siyang pumasok sa loob ng gubat. Masyadong madilim at malamig ang hangin kaya mabilis siyang napapalingon sa bawat marinig na kaluskos. Tuloy ang kaniyang paglalakad hanggang sa makita niya ang mga munting liwanag. Parang sumasayaw na mga bituin.
“Napakaganda,” sambit niya nang hindi namamalayan.
Sinubukan niyang hulihin ang isa ngunit masyado itong mailap. Hinabol niya ang mga munting bituin na tila nakikipaglaro rin sa kaniya.
Hanggang sa hindi na niya namalayan na bangin na pala ang aapakan niya dahilan upang siya’y mahulog. Walang patid ang kaniyang pagsigaw. Ilang sandali pa ay may malasinulid na pilak na bumalot sa kaniyang katawan. Unti-unti siyang iniangat nito hanggang sa muli niyang maiapak ang mga paa sa lupa. Makalipas ang ilang segundong pagtitig sa nilalang ay napagtanto niyang isa itong higanteng gagamba at sa takot ay nawalan siya ng malay.
Maiging ibinalot sa sapot ng gagamba ang binata at dinala ito sa pusod ng gubat kung saan matatagpuan ang pinakamatandang puno sa tabi ng sapa. Nadatnan niya roon ang isang babae na nakikipagkwentuhan sa isang kwago.
“Diyosa Ikapati, nasagip ko ho sa bangin— isang tao,” sabay lahad ng katawan ng lalaki.
“Ano kamo? Isang tao? Nakapagtataka. Napakatagal na mula nang may mapadpad na tao rito,” inusisa ng diwata at ng kwago ang katawan.
“Salamat sa pagsagip sa kaniya. Kami na ang bahala,” dagdag ni Ikapati kasabay ng isang matamis na ngiti.
Pinagtulungan ng Dyosa at kwago na alisin ang nakabalot na sapot sa katawan ng binata. Ilang saglit pa’y nagising na ito.
“Ako si Ikapati, ang dyosa sa gubat na ito,” pakilala ng babae.
“D-dyosa? Bakit napakaputla mo, hindi ka ba isang multo? At tsaka ba-bakit ganyan ang suot mo?” pagtataka ng binata na halos hindi na maipinta ang mukha.
“Ah! Ito ba? Ginagaya ko lamang kung ano ang kasuotan niyong mga tao. Minsan kasi ay binibisita ko ang mundo niyo,” mahinahong sabi ni Ikapati.
Mabilis na bumangon ang binata.
“Sandali, anong pangalan mo?” pahabol niyang tanong.
“Pangalan?” Parang may kumurot sa puso niya. Napakatagal na mula nang may tumawag sa pangalan niya o kahit magtanong man lang kaya kahit siya mismo ay nakalimot na. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
“Zero!” bulalas niya. “Zero ang pangalan ko!” Bakas ang pagkabigla at kasiyahan sa boses ng binata.
“Ikinagagalak kong makilala ka,” sabat ni kwago na ikinagulat ng binata.
“Nakapagsasalita ka nga! Totoo ang mga kwento,” namamanghang sabi ni Zero. “Teka, sasaktan niyo ba ako? Kukunin niyo ba ang kaluluwa ko?” takot naman ang nangibabaw ngayon sa kaniyang puso.
“Hindi lahat ng maririnig mo sa mundo ng tao ay totoo,” natatawang sabi ng kwago. “Hindi rin lahat ng kamangha-mangha ay purong kathang-isip.”
“Hindi totoong nananakit kami. Sa katunayan, mga tao ang unang nanakit sa amin,” malungkot na sabi ni Ikapati. “Sinaktan niyo kami noong unti-unti niyong pinatag ang mga bundok, kinalbo ang ilang gubat, pinatay ang mga ilog at sapa. Sinaktan niyo kami noong tuluyan niyo kaming nilimot — kinatakutan,” dagdag pa niya. “Sa gubat na ito kami nagkaroon ng sariling buhay. Malayo sa tao. Malayo sa pagmamalupit at sa kinatatakutang pagkalaho.”
Hindi na nakapagsalita pa si Zero at sa isang kisapmata’y nakita niya ang kaniyang sarili na nasa labas na ng gubat. Tumimo sa kaniyang isipan ang lahat ng sinabi ng diwata at kwago. Napagtanto niyang hindi pala ang mundo sa loob ng gubat ang mas mapanganib kundi ang nasa labas. Naisip niyang kailangan niyang maging mas matapang hindi lamang para sa sarili niyang buhay kundi para sa buhay ng kalikasan.
Note:
Ito ang piyesang ipinasa ko sa CANVAS nang subukan kong sumali sa Romeo Forbes Children's Story Writing Competition last 2018. First time kong magsulat ng short story at pambata pa haha pero sadyang naengganyo lang ako kasi ang twist ng timpalak ay bubuo ka ng pambatang kuwento na maaaring nakasulat sa Filipino o Ingles at hindi lalagpas sa 1,000 salita base sa napili nilang artwork. 'Yang larawan sa itaas ang artwork na naabutan ko na gawa ni Don Bryan Bunag. Nakakaengganyo rin ang premyo, 45,000php + 3 kopya ng akda mo na ililimbag nila. Nakaeengganyo rin ang layunin, ipamimigay nila ang mga aklat sa mga bata mula sa mahihirap na pamilya na beneficiaries ng kanilang organization.
Dahil sa contest na ito, napagtanto kong mas mahirap pala gumawa ng children's story haha at sobrang dami ko pang kailangan matutunan sa pagsusulat. Isang masayang karanasan. Talagang naglakbay ang aking imahinasyon. Sa huli, nakatutuwa pa ring isipin na isa ako sa 300+ na sumubok.
Tuloy lang sa pagsulat.
1 note · View note
redofwonderland · 4 years
Text
Magandang Diwata
Sa panahong kulay abo ang iyong kalangitan at asul ang kapaligiran
Sa panahong tinatapakan nila ang iyong pakpak
Sana masagi sa iyong isipan
na balang araw ikaw naman ang siyang pahahalagahan
Katumbas ng iyong bihirang kaluluwa na inaalay sa hindi nakakakita ng iyong ihawaga.
0 notes
medleyofstoriess · 6 years
Text
BLOSSOM
by: Lordwyne Perez
IG: medleyofstories
Tumblr media
PART 1: BELLA'S POV
Enjoy your stay Maam!”  sabi ng masiglang boses ng front desk agent matapos niyang ibigay sa akin ang susi ng aking hotel room. Habang naglalakad ako patungo sa may elevator ay manghang mangha kong pinagmasdan ang bawat detalye ng hotel from wall, to ceiling, to flower arrangements to interior. 
Salamat dahil kahit sa konting saglit ay nag-iba ng atensyon ang aking pag-iisip.
Pagpasok ko sa aking silid ay sumalubong sa akin ang sayaw ng puting kurtina kasabay ang hawi ng maamo at preskong hangin. Nilapitan ko ang bintana at pinagmasdan ang bawat pangyayari sa labas ng hotel. Ulap na kulay asul,  mga nagtataasang gusali, mga sasakyang rumaragasa sa kalye, mga taong tila busy, at nahagilap ng aking mga mata ang makukulay na lobong lumilipad at sumasayaw sa kalangitan. Hindi ko alam kung anong klaseng celebrasyon ang dahilan ng pagrelease ng mga lobong ito pero ...
“Salamat, dahil kahit sa konting saglit ay napangiti ang mga labi ko. 
The next day, nilanghap ko ang malamig at sariwang hangin ng umaga, sinuot ko ang aking sweater at tumungo sa breakfast area. Rinig ko ang bawat ikot at tunog ng kutsaritang tinitimpla ang mainit at matamis na kape. Pinagmamasdan ko ang flower decoration sa tabi ng coffee maker at naaaliw ako sa magandang sibol at kulay nito. Pile of different colors of cosmos flowers na pinagitnaan ng malalaking pink camellia flowers. Habang nakangiti kong pinagmamasdan ang mga bulaklak, rinig ko ang usapan ng dalawang bata sa kabilang table. 
“Why is she wearing a hat? she’s inside the hotel.”
 “I don’t know, maybe she’s cold or something” pabirong sagot ng isa.
Huminga ako ng malalim at tuloy sa paghigop ng mainit kong kape. Tuloy ang takbo ng araw. Ang goal ko sa buong trip na ito ay bumisita sa ilang interesting museums and parks, to taste different cuisines, to be a little bit adventurous and for the rest, bahala na kung saan man ako mapadpad. I visited this flower shop called Los Florecimiento (meaning - blossom) Pagtapak ng aking paa sa loob ng mala harding lugar na ito ay sumalubong sa akin ang smooth and light music. Sa isang sulok ay makikita mo ang bawat paso na may nakalaang matitingkad na berdeng halaman at nakapatong sa isang wooden table. Sa paglakbay ng iyong tingin ay masisilayan mo ang tila isang paraiso na pupukaw sa iyong tingin dahil sa bawat bulaklak na tila tinatawag ang iyong pangalan upang ipamalas ang kanilang natatanging matitingkad na kulay, ganda at mababangong halimuyak. 
Tumblr media
Maliban sa mga bulaklak at halaman ay agaw pansin sa akin ang tila dahan dahang paghawi ng isang matipunong lalaki sa kanyang mahaba at itim na buhok. He is wearing white long sleeve shirt at inaayos ang isang crescent bouquet ng pinaghalong star asparagus fern at soft to hard pink-coloured rose flowers. Ilang minuto ang lumipas, habang pinagmamasdan ko ang ang ilang bulaklak ay naramdaman kong may lumapit sa akin at narinig ko ang boses ng isang maamong boses. 
“Hi! How are you? Beautiful flowers right? ^^ Do you want me to arrange a bouquet of flowers for you? sambit ng kanyang mga pulang labi at may kasamang matamis na ngiti
“Y...y..yeah! I am beautiful! uhh.. I mean, oh gosh! yeah! the flowers are beautiful! Im doing great, just gotta look around for now, Thanks for asking! ^^ sagot ng aking shy na boses matapos kong masilayan malapitan ang kasing fresh ng flowers na kanyang mukha sabay hawi sa kanyang mahabang buhok
“Alright! just let me know if you need anything” he replied
Tila mas lalong tumingkad ang bawat kulay ng mga bulaklak sa aking paligid. Tila mas naamoy ko ang sigla ng halimuyak na naglalaro sa hangin. Bago ko nilisan ang flower shop ay muling nagkasalubong ang aming mga mata at muli niyang ibinigay sa akin ang ngiting walang kasing lambot ng cotton. Pagkabalik ko sa aking hotel room, napatingin ako sa aking sarili sa salamin. Hindi ko namamalayan ay nakangiti na pala ako ngunit ito ay pansamantala lamang. Dahan dahan kong tinanggal ang suot kong bucket hat and here I show you how I really look like. I am Bella, I don’t have a long, beautiful and shiny hair like a typical woman has. I’ve been suffering from cancer. I am travelling hanggang kaya ko pa, hanggang may chance pa at hanggang tumitibok pa ang karamay ko sa lahat ng pagsubok na ito, ang aking munting puso. 
LAST DAY: Kasama ng umaga ang matingkad na kulay kahel na sikat ng araw at mainit-init na haplos ng liwanag nito sa aking balat. Sinuot ko ang aking soft pink dress. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko, bahala na. While spending my morning sa isang coffee shop ay binabasa ko ang isang pamphlet na hinugot ko sa may entrance. Bumungad sa akin ang “Flourish Spring Garden”, I was about to search it on my phone pero of all days, na-lowbatt ang phone ko and unfortunately, nakalimutan ko pa ang charger ko. Tuloy ang araw at habang naglalakad ako somewhere down the street, unexpectedly, nakasalubong kong muli ang lalaki sa may flower shop with his hair bun. Tila nagcreate ng bubbles ang aking puso at isa-isang lumipad sa hangin at isa isang pumutok na tila mga munting fireworks
“Hey! I think I remember you! Love your dress by the way! (compliment niya sakin) You look like you’re lost or something, are you just visiting?” tanong niya
“H...hi! Yeah you’re the one who works at Los Flo.... I forgot the name ..
“Los Florecimiento, yup yup! That’s me! hehe! I’m Alessandro! dugtong niya 
“I’m Bellal! you are right. I am just here for a vacation”, sagot ng aking shy at kind of kinakabahang boses
“So Bella, what are your plans for today? where are you heading now? tanong muli niya sa akin
“Hmmm, I actually do not have any itinerary for today, just gotta walk and look around and I’ll see where my feet takes me”, sagot ko
“You know what, Perfect! I was actually just looking for some restaurant to eat. It’s my dayoff and I don’t have any plans after. If it’s okay with you, I can accompany you and show you a beaufiful place later but let’s wait for sunset”, sabi ng kanyang excited na boses
I kept myself a little bit distant from him for kaartehan purposes. ^^ (Alam niyo na, babae pa rin ako at lalaki siya) Sa pagtakbo ng oras, we got to know each other. Clock is ticking and the sun is slowly saying its farewell pero bakit ganun? Parang gusto kong bumagal ang takbo ng araw. Paparating na ang sunset at dinala ako ni Alessandro sa nabanggit niyang “beautiful place”. I was quite shocked because it was the Flourish Spring Garden and I felt so excited! Pagpasok namin sa garden ay rinig ko ang salubong ng awit ng mga ibon. Sa bawat gentle na hampas ng hangin ay sinusundan ng mga mahihinhing mga bulaklak. Sa bawat lakad ko sa may garden aisle ay pakiramdam kong isa akong diwata. Nakalayo na si Alessandro mula sa kinaroroonan ko ng narinig ko ang kanyang sigaw, 
“Bellal! come follow me! I’ll show you something! habang siya’y kumakaway
Sinundan ko siya ngunit pawis at hingal ang katumbas ng bawat hakbang namin patungo sa hill. Nangiyak ang aking mga mata, lumundag ang aking puso at tila gusto kong sumigaw sa mangha. Tanaw ko ang ganda ng buong hardin. Ramdam ko ang malamig na yakap ng hangin at higit sa lahat, tanaw ko ang unti unting paglubog ng araw. Sa lakas ng hangin ay lumipad ang suot kong bucket hat. Habang ramdam ni Alessandro ang alon ng kanyang buhok ay bumungad sa kanya ang aking tunay na itsura. Pansin kong sa pagkakatong ito ay pinagmasdan lamang ako ni Alessandro and simply smiled. 
Tumblr media
“It’s just weird that you’re the one who has the long hair and not me! (sabay ng cute kong tawa) You just don’t know how I miss my hair so badly. I miss playing my hair. Curling it. Straightening it ....
Tumingin sa akin si Alessando at binanggit ang mga katagang ...
“Eres Hermosa! 
What does it mean? tanong ko
“You’re beautiful” 
Napahawi ako sa aking invisible hair then ...
“Can I ask you something? tanong ko
“Go ahead”, sabi ni Alessandro kasabay ng alon ng kanyang buhok habang pinapanood namin pareho ang unti unting paglaho ng liwanag
“Is there any reason why you grow your hair like that? tanong ko.
Matagal na tumahimik ang aming paligid at hindi ako nakarinig ng kahit anong sagot mula sa kanya. Huminga lang ng malalim si Alessandro at niyaya na niya akong umalis. Sa paglubog ng araw ay naiwan sa akin ang curiosity sa maaaring sagot niya sa aking katanungan. Bilang pasasalamat ay niyaya ko si Alessandro na kumain sa restaurant sa aking hotel. Pinagpatuloy namin ang kwentuhan at nangangati man akong magtanong muli ay pinabayaan ko nalang lumipad ito sa hangin. 
Unconsciously, I asked him if he wanna stay for a little while sa aking hotel room. Nanlaki ang mga mata ko sa sarili kong mga salita at humingi ng paumanhin ngunit,
“Bella, it’s okay! We are both adults and we know how to handle things, right? It’s okay! it’s just a friendly stay. Don’t blame yourself for asking me that! sagot ni Alessandro
Medyo siksikan sa elevator at unti unting nagdikit ang aming mga katawan. Bigla akong nakaramdam ng kaba at bigla kong nilayo ang katawan ko pero sige na nga! napangiti ang aking mga labi. ^^ Pero it seems like its just nothing for him. Being with a stranger in one room. Risky? maybe. Safe? I don’t know. Pero so far with all his gestures and the way he talk to me, I just feel comfortable and safe with him. Umupo kami sa may couch sa tabi ng malaking window tanaw ang city lights. In this moment, I am confidently talking to him with my bare head and he just didn’t care at all. Kasabay ng paglalim ng gabi habang naaaliw akong pinagmamasdan ang kanyang mukha at pinapakinggan ang kanyang malalim at maamong boses ay ang paglalim din ng loob ko sa kanya. 
Ngunit hindi ito tama! Hindi ito maaari! - sabi ko aking sarili. Habang pinapakinggan ko ang kanyang mga kwento ay unti unti kong pinikit ang aking mga mata at sinambit ang pangalan niya,
“Alessandro ...
“Yah? Sorry if I talk too much, he he .. sagot niya.
“Oh no! I’d love to hear more of your stories. I’d love to hear more of your voice, but .. ugh** I will count 1 to 5 and as I open my eyes, I want to see myself sitting here alone. I won't ever forget this day and I think It's time for me to say my sweet goodbye! Thank you and please... go... sniff* sniff* 1 .. 2 .. 3 .. 4 .. 5 “ habang unti unting dumadaloy ang luha sa aking mukha.
Rinig ko ang dahan dahang pagtayo ni Alessandro, ramdam ang bawat yapak niya patungong pintuan at ang dahan dahan niyang pagsarado nito. Hindi ko alam kung darating pang muli ang panahon or chances na makita kong muli siya pero,
“Salamat, dahil kahit sa konting saglit, ay naramdaman kong nagsibol at nagkakulay muli ang aking puso”
Next day came and it’s time to go back home bitbit ang munting masasayang memories. Bago ko lisanin ang hotel ay may inabot sa akin ang front desk agent. Isang bouquet of flowers with a note,
“You’ll bloom soon :)” - Alessandro 
:)
After 3 years . . . 
I survived! at wala na atang mas sasaya pa sa aking nararamdaman.
I went back to visit Alessandro. Sinalubong ako ng ulan na tila dumidilig sa bawat halamang nagnanais ding bumukadkad. Pagpasok ko sa Los Florecimiento ay bumungad sa akin ang bagong itsura ni Alessandro. Clean cut at mas lalong nagpakita ang masarap titigang pumupungay niyang mga mata at matatamis niyang ngiti na walang kasing fresh ng rain ...
At sa muli naming pagkikita, dun ko nga nalaman ang sagot sa aking katanungan. 
Tumblr media
0 notes
pinoyepikofanart · 7 years
Photo
Tumblr media
mga puno'y yumuyuko sa Diwata ng Kagubatan,
habang ang kaharian ni Alunsina'y nasa kaitasaan.
magkaiba man ang mga kapangyarihan,
hindi mapagkakaila,
kagubata't kalangitan ay isang mundo lang. 
0 notes
ado-mi · 6 years
Photo
Tumblr media
diwata ng kalangitan <3
122 notes · View notes