Tumgik
#ikalawang kabanata
caraetdeul · 1 year
Text
Saan Ka?
Choi Seungcheol x reader filo!smau
Tumblr media
Paano kung sa paghahanap mo ng true love, ang makakatuluyan mo pala ay hindi ang kasama mong kumain sa date kundi ang naglilista ng order niyong pagkain?
Status: Complete
Unang Kabanata (Chapter 1)
Ikalawang Kabanata (Chapter 2)
Ikatlong Kabanata (Chapter 3)
Ikaapat na Kabanata (Chapter 4)
Ikalimang Kabanata (Chapter 5)
Ikaanim na Kabanata (Chapter 6)
Ikapitong Kabanata (Chapter 7)
Ikawalong Kabanata (Chapter 8)
Ikasiyam na Kabanata (Chapter 9)
Ikasampung Kabanata (Chapter 10)
Ikalabing-isa na Kabanata (Chapter 11)
Ikalabindalawang Kabanata (Chapter 12)
Ikalabintatlong Kabanata (Chapter 13)
Ikalabing-apat na Kabanata (Chapter 14)
Ikalabinlimang Kabanata (Chapter 15)
Ikalabing-anim na Kabanata (Chapter 16)
Ikalabinpitong Kabanata (Chapter 17)
Ikalabinwalong Kabanata (Chapter 18)
Ikalabinsiyam na Kabanata (Chapter 19)
Ikadalawampu na Kabanata (Chapter 20)
Ikadalawampu't Isang Kabanata (Chapter 21)
Ikadalawampu't Dalawang Kabanata (Chapter 22)
Ikadalawampu't Tatlong Kabanata (Chapter 23)
Ikadalawampu't Apat na Kabanata (Chapter 24)
Ikadalawampu't Limang Kabanata (Chapter 25)
Ikadalawampu't Anim na Kabanata (Chapter 26)
Ikadalawampu't Pitong Kabanata (Chapter 27)
Ikadalawampu't Walong Kabanata (Chapter 28)
Ikadalawampu't Siyam na Kabanata (Chapter 29)
Ikatatlumpu na Kabanata (Chapter 30)
Epilogo (Epilogue)
Start: April 26, 2023
End: July 15, 2023
Note:
AnNyEongHasEyO yeOrObUN! First time kong gumawa ng smau and hopefully magawa ko siya nang maayos 🥴 my update schedule will be every Sunday, Wednesday, and Friday. I'll do my best na masunod yan pero if not, I'll try posting the next part sa susunod na araw. The taglist for this au is open so send me an ask if ya'll want to be tagged. MAHAL KO KAYOOO 🫶
~Main masterlist~
122 notes · View notes
komochiii · 8 months
Text
Mount Samat National Shrine  A.K.A Dambana ng Kagitingan
Hindi kumpleto ang bucket list ninyo kapag bumisita ka sa Bataan nang walang Mt. Samat National Shrine sa listahan mo, ang lugar na ito ay nagpapakita sa kabayanihan ng Pilipinas at mga relics ng World War II. 
Tumblr media
Maikling kwento kung paano kami nagpunta sa Mount Samat National Shrine sa halip na Dunsulan Falls noong bakasyon taong 2023. Nagplano kaming pamilya na pumunta sa Dunsulan Falls para sa huling bakasyon namin ngayong Hulyo taong 2023. Ang kaso, sarado ito dahil malakas ang ulan at nililinis ang Talon, nakakatuwang alaala sa amin ito dahil pagdating namin doon, sarado pa sila at huling araw na bago ito muling magbukas sa kasunod na araw. Kaya para hindi masayang ang aming biyahe, dumiretso kami sa Mount Samat National Shrine. 
Kung nagbabalak kayong magpunta ng Mt. Samat ay maaari na rin kayong mag-relax sa Dunsulan Falls na matatagpuan sa paanan ng bundok, ito ay ilang minuto ang layo mula sa Mt. Samat. Gayunpaman, sa blog na ito, tututukan ko ang pagbabahagi ng Mt. Samat. Kaya kung meron pa kayong oras, sulit na daanan na din ang Dunsulan Falls.
Tumblr media
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang makabuluhan at malungkot na kabanata ng kasaysayan ang naganap sa Pilipinas, partikular na malapit sa Mount Samat sa isla ng Luzon. Nasaksihan ng lugar na ito ang isa sa pinakamahalagang labanan sa digmaan. Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay magiting na nakipaglaban sa mabigat na puwersa ng Hapon ngunit nahaharap sa matinding pagkatalo. Sila ay umatras sa Mt.Samat, ngunit napatunayang napakalakas ng mga Hapones. Ang labanang ito ay nagresulta sa pinakamalaking pagsuko ng mga sundalong Amerikano sa kasaysayan ng digmaan. Matapos sumuko, ang mga pagod na pagod at may sugatan na mga sundalo ay sumailalim sa kasumpa-sumpa sa Bataan Death March, isang brutal na sapilitang martsa na nasa mahigit 65 milya upang marating ang Camp O'Donnell. Nakalulungkot, ngunit humigit-kumulang 10,000 sundalo ang nasawi sa nakakapagod na paglalakbay na ito.
Tumblr media
Bagama't hindi maitatanggi ang makasaysayang kahalagahan ng site na ito, ito ay nagsisilbing matinding paalala ng mga paghihirap na dinanas noong panahon ng digmaan. Ngayon, nakatayo ang Mount Samat bilang simbolo ng katatagan at pag-alala, na nag-aalok sa mga manlalakbay ng pagkakataong pagnilayan ang nakaraan at bigyang pugay ang mga sakripisyong ginawa ng mga nakaharap ng ating mga Pilipino sa panahong ito.
Tumblr media
Ang buong paligid ng krus ay napanatili na maayos at malinis ang kapaligiran, nakapaligid ang magandang hardin na puno ng namumulaklak na mga bulaklak sa bawat sulok ng lugar.
Tumblr media
Sa entrance gate, may mga stalls kung saan makakabili ka ng mga souvenir. May nakasalubong kaming sorbetero vendor sa harapan. Tag init pa naman kaya hindi ako nakapagpigil na bumili ng isang cone ng ice cream.
Tumblr media
Bago pumasok ay kailangang mag-oryentasyon ng mga dapat gawin at hindi dapat gawin ang mga pumapasok upang matiyak na ang lugar ay mapapanatiling malinis kaya bawal magdala ng pagkain sa loob at maging maingat ang mga tao kapag nasa loob ng museum. Kaya naman agad rin naming inubos ang sorbeter na kakabili namin bago maglakad. Pagkatapos ng oryentasyon, mamarkahan ang likod ng mga kamay at kung wala ito, hindi ka makakapasok. Ang marka sa likod ng kamay ay nagsisilbing tiket upang makapasok at umakyat sa hagdan patungo sa museum at sa pinakatuktok kung nasaan ang krus. 
Tumblr media
Ang footpath mula sa Memorial Cross sa Mount Samat ay patungo sa Colonnade, bahagi ng Dambana ng Kagitingan (Shrine of Valor). Dito, makikita ang isang grand shrine complex na nakatuon sa pagpupugay sa kabayanihan at sakripisyo ng mga sundalong Amerikano at Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pag-akyat, dito matatagpuan ang bandila ng Pilipinas.
Tumblr media
Sa loob ng Colonnade, mayroong isang eleganteng altar na may mosaic glass mural, isang maliit na WWII museum, at inscribed marble walls kung saan nakasulat na madetalye ang Battle of Bataan. Marami ang nakapalibot na mga armament, eleganteng kanyon, at napakagandang hardin. 
Tumblr media
Katabi nito ang entrance ng museum sa loob, Bawal kumuha ng litrato sa loob kaya ito lang ang mga litrato na nakunan ko pagpasok.
Tumblr media
Bukod sa kung ano ang nasa loob ng museum, mayroon ding mga naglalakihang kanyon sa labas, nasa tabi lang ang mga ito ng kalsada. Ang mga kalsada naman na ito ay hindi pwedeng daanan o pasukan ng kahit na anong sasakyan dahil nasa paradahan ng sasakyan ang mga ito. Kaya naman maglalakad talaga paakyat kung gustong pumunta sa tuktok kung saan nakatayo ang krus.
Tumblr media
Sa kasamaang palad, noong bumisita kami sa krus, hindi na pinapayagan ang pagpasok sa krus dahil posible ang mga aksidente sa loob, mayroon nang kaunting mga bitak na makikita sa mga dingding. Hindi na ligtas para sa mga turista na maglakad-lakad sa loob o gumamit ng elevator kaya naman ipinagbabawal na nilang pumasok dito. Ngunit, maaari ka pa ring kumuha ng litrato at maglakad-lakad sa paligid ng krus. Napakaganda ng tanawin dito at kitang kita ang mga bahay-bahay at bukid na tanaw mula sa taas ng bundok.
Tumblr media
Instagrammable ang kuhanan ng mga litrato dito, lalo na't ang paligid ay may mabuhay na hardin na puno ng mga makukulay na bulaklak.
Ang Mt. Samat ay isang makasaysayang, kultural at pamana ng turism zone na gumugunita sa kabayanihan ng mga Pilipino para sa bansang Pilipinas at mga labi ng World War II, na naglalayong ipakilala ang higit pang mga pag-unlad sa Shrine of Valor at ang locator site na nito upang gawin itong isang umuusbong na world-class na makasaysayang lungsod at turismong destinasyon sa bansa.
0 notes
dearestanne · 1 year
Text
Tumblr media
MGA PUSONG KAILANMA'Y HINDI MAGTATAGPO.
Isang dekada kitang minahal. Akala ko nawala, yun pala ay itinago ko lang ng kaytagal.
Nagkita tayong muli, akala ko'y ikalawang kabanata. Ikalawang pagkakataon ngunit mas masalimuot pa sa kahapon.
Nagpahinga lang pala 'tong puso ko. Pero ikaw pa rin pala ang susi sa kandado.
Akala ko sa pagkakaibigan tayo tatagal. Buong puso ko nang tinanggap na hanggang dun na lang. Ngunit isang araw, iba na ang kilos mo't galaw. Yun pala'y palabas, sapagkat ako'y sa iyo'y may pakinabang.
Pinilit kong iwasan ang mga bagay na hindi dapat maramdaman.
Ngunit lumilipas ang araw, inunti-unti na akong sampalin ng katotohanan. Kahit pagkakaibigan, hindi mo ko pinagbigyan. Pati itong puso ko, kusa nang bumitaw.
Nawala na ang ningning, pagmamahal at pagkasabik. Oo, wala na. Tinanggap ko na itong talaga.
Tadhana pa rin ang nagdikta na hindi tayo para sa isa't isa. Na kahit sa ibang mundo at kabilang buhay, hindi magtatagpo ang puso nating dalawa.
0 notes
heyimurangel · 2 years
Text
KABANATA 2.2
Salitang nais kong sabihin
Pero mas pinili ko nalang itago sa akin
Gustohin ko man pero para bang ang labo
Naghihintay ako sa tamang panahon
Subalit umpisa palang pala, di na ito nakasang-ayon
Nanaisin ko man na ito'y ipaglaban
Ngunit paumanhin at ako ay naduwag sa katotohanan
"Di pa kasi ito ang tamang panahon para saatin"
Yan! Iyan yung paulit-ulit kong isinasambit at sasambitin palagi
Gulong-gulo ang isipan at damdamin
Di alam kung ano ang mas uunahin
Pero patawad at naging makasarili
Hindi na-iklaro ang lahat ng nangyari
Akala ko may karugtong pa na mga kabanata
Subalit ako'y nabigla, yun pala'y huli na
Natapos ang lahat sa ikalawang pahina
Nais ko lang naman pagkatiwalaan ang tadhana
Ngunit di naman pala ito ang nakatadhana
Alam kong huli na, pero nais ko paring sabihin na...
Salamat at naging parte ka
Laking pasasalamat na tayong dalawa'y nagkakilala
Kay rami'ng bagay ang aking natutunan
At kahit napakalungkot man tingnan
Ang mga bagay na biglang nawala nalang
Naging masaya ako sa iyong mga iniwan
Paalam ko pa rin sayo'y may ngiti
Dahil alam kong makakapagpahinga ka na jan sa langit
Salamat sa mga magagandang ala-ala,
Mr. Pansamantala ♠️
06/04/22
Pansamantala 1-2.1 -
0 notes
archival-account · 4 years
Text
THE STRANGERS FROM THE CRIMSON TIDES | Ikalawang Kabanta, Ikalawang Bahagi
The campsite surrounded a bonfire that burned brightly and fiercely. The smoldering light of fire created shadows before it - tall men in uniform. Some holding knives, some holding guns, others in deep chatter. They didn’t seem put any much concern to the other men around them when...
“Everyone! Help! Man down! Man down! Commander Tawada got hit!”
Everyone stopped whatever they were doing. Soldiers sitting by the bonfire stood up as others already ran to the men supporting their injured commander. Officers who heard the clamor got out from their tents and joined the circle of soldiers who are carrying their fellow comrade. 
Asako Satoka, a trusted colonel of the general, led the group to the infirmary where Kenzou Yukitou was manning the tent. 
“Doctor Kenzou! Doctor Kenzou!” Asako called out, grabbing the attention of the idle doctor. “Commander Tawada’s been shot!” 
Hideya groaned, disgruntled by the fact he got a wound on his first day, and that he wasn’t able to deter himself from the attacker. He knew it wasn’t entirely his fault, but still. He missed an opportunity to strike. But then again, how would he know whether or not the person is armed? 
“Aiyah...” Kenzou mumbled, clicking his tongue. He walked from the portable surgery table to the group of waiting soldiers. “Put Commander Tawada on the futon. Lay him down and make space for me,” he instructed sternly. With him are his basic surgeon tools with rolls of bandages. 
Asako and the soldiers laid Hideya down, careful not too put strain on his bleeding thigh. Hideya grunted and groaned as the pain of the bullet seared through his flesh. The bleeding hadn’t stopped but it had slowed down while he was being transported from the place where he was shot. Nonetheless, he kept losing blood at a constant rate. Therefore, he would need immediate medical attention before the blood is fully drained from him. 
As the men made way for the military doctor, Kenzou surveyed Hideya first. He was satiated by the fact that there were no extra injuries, other than the bullet wound on his thigh. Without wasting time, Kenzou cut the fabric of Hideya’s pants, right atop of the wound. When he saw the injury, he clicked his tongue once again. 
Whoever shot Commander Twada had a nifty gun himself. It’ll take a while for me to retrieve the bullet from the muscle, Kenzou thought. 
By then, word had got around and it reached the ears of General Mario Kuroba, and his two other commanders, Zaiki Takuma and Spi. All three men made their way to the infirmary tent and asked the soldiers what had happened right away. 
The youngest of the bunch, Sato Wotaru, piped up, saying, “We were scheduled to patrol the area near a valley. We didn’t suspect a trespasser to be around and we got startled. We weren’t able to capture him or see his face, even. Before we knew it, Commander Tawada got shot, so called for help.”
One of the pursuers, Aroki Miuda, continued the narrative. He said, “We heard their cry for help, so me and my friend came around. The trespasser was still around, so we decided to pursue him instead. Unfortunately, we lost track of him in the deeper part of the woods. He knew how to dispose us from his tracks.”
“I see,” Mario said, quite surprised of the kerfuffle that happened on their first day here. (Technically, they are on their second day because it happened in the early hours of the dawn.) “Is he badly injured, Doctor Kenzou?”
Kenzou hunched his shoulders as he exhaled. He said, “It depends, general. The wound seems pretty deep and the bleeding is kind of constant. But there’s nothing pressure and metal can fix. Please excuse yourselves, men. I’d rather work without an audience.”
Within a few minutes, everyone had shuffled out of the infirmary tent, leaving the doctor and patient alone. 
As Kenzou applied alcohol to cotton balls, Hideya couldn’t help but make a small talk. If there’s one thing that could take his mind off from the pain, it would be chattering. He said, “Hey, doc...”
“Not now, commander. Save your energy and saliva for later when I’m done.”
“The trespasser wasn’t a man...”
Yes, and your injury was just ketchup sauce. The next thing I know, this was all a prank, Kenzou thought as he laid his first-aid kit on the ground. He nitpicked all of them until he settled for the longest, thinnest pair of tweezers he could find.
“How would I be inclined to believe that, hmm?” Kenzou asked, hunching his trunk as he held the tweezers. “I thought neither of you four saw his face.”
“I just knew it wasn’t a man... I could tell from the hand that held the revolver.”
“A revolver, you now say. And here I thought you’d never ever even seen the weapon.”
“I... I am a commander, remember?”
“Ah, yes. I forgot about that, because all I’m ever seeing now is a mere patient, not a military officer. Now, hush up and let me work. The sooner I can get the bullet, the faster I can patch you up.”
While the doctor meddled with the patient, the remaining higher-ups held a small meeting in Mario’s tent. 
They were baffled by what happened. They weren’t expecting the occurrence that had happened to Hideya. As much as they were expecting a broil from the Allied Powers, they weren’t ready to deal an early damage on their side.
However, that was highly debatable since it was considered a possibility. 
According to Zaiki, who assumed the worse, it could have been anybody who was siding with the Americans - be it an American himself or a Filipino who could be a mercenary, a spy, an undercover, or a secret agent to the governing colonizer.
Mario, as he was somehow opposed to Zaiki, said, “We cannot immediately assume the worst of the worst. If we go ahead of ourselves, General Hirohito might steam ahead. We can’t let such a force alarm rush the plan.”
Spi interjected, “General Kuroba, is right, commander. We can’t immediately assume it’s the enemy who shot our comrade. Who knows, really. Maybe it was a careless witness.”
Zaiki disagreed and argued, “And if that ‘careless’ witness gets ahold of any men from the nemesis lines-”
Mario raised his hands, silencing the debating commanders. He honestly didn’t want to hear any of it. After all, it was only their first day and something broke out that alarmed their squadron. Figuring only the safest probability, the calm general only said, “Let’s not put our worst foot on this. If word goes out and somehow would reach General Hirohito’s ears, the plan would have a dent and put our respectful leader to a pinch. This was as far as we can all go and yet, I don’t want us to go all in because of a minor inconvenience. Let bygones be bygones and, who knows? Maybe that witness might leave what he sees on the spot.”
Zaiki didn’t allow himself to believe but he relented reluctantly while taking his words with a grain of salt. Spi didn’t fully put his trust on the general’s words, but he understood that he’s just trying to douse the fire that incidentally sparked. 
“Well, I hope he does leave whatever memory he got there on the spot,” Zaiki grunted, standing up from the folding chair and dusting himself. “I’m not fully convinced by that, though. But I’m tired of disputing the matter until we can do something about it.” He took his pouch and his Arisaka. “I’m going back to my tent. Good night, general, commander.”
When he left, Spi didn’t immediately follow him. Instead, he followed up the general with the question, “But what would really happen if that witness testifies what he had seen and done?”
“He won’t.” Mario cocked his own Arisaka. “Because he can try and we will see what will happen to him if he does.”
8 notes · View notes
oikaw-ugh · 4 years
Text
Kabanata 8: Fuckner
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"Sir, let me explain," asik agad ni Tanaka pagbukas niya ng pinto ng faculty office.
Nginiwian siya ni Professor Ukai, teacher nila sa major, "Parang tanga 'to, oh. Umupo ka nga diyan."
Napakamot sa ulo si Tanaka bago umupo sa upuang nakaharap sa mesa ni Professor Ukai.
"Pinatawag kita dito para sabihing..." Huminga ng malalim si Prof Ukai bago nilagay ang Stik-O sa bibig niya.
Stik-O kasi child-friendly ang SMAU. Kahit maraming mura at nomi lol
"Pumasa po ako...?" Tanong ni Tanaka.
"Para sabihing ang bobo mo," sagot ni Prof Ukai, "Alam mo ba ilan kuha mo sa midterm exams?"
"Ilan po...?" Pinagpapawisan na ang bolang kristal, guys.
"69 lang naman."
"Sir, malaki naman ang 69, ah?"
"Oo kaso 1,200 items ang exams, tanga," umirap si Prof Ukai. "Pero dahil mabait ako, sige. Bigyan kita ng chance makabawi."
"Ilang floorwax po ba at lampaso?"
"Ano ka? Public grade school?" Reklamo ni Prof Ukai bago binaba ang Stik-O at bumaga ng hangin na para bang yumuyosi talaga, "Ito ang ipapagawa ko..."
"Eto," pinakita ni Prof Ukai ang isang papel kay Tanaka, "Isang linggo kailangan tapos na 'to."
Tinignan ni Tanaka ang pinakita ni Prof Ukai, litrato ni Prof Takeda, "Si Sir Takeda po 'to, ah? Ipapatumba niyo po sa 'kin si Prof Takeda?"
"Ay, gago shet," tumikhim si Prof Ukai bago binawi ang papel at may binigay siyang ibang papel kay Tanaka, "Ito pala ibig kong sabihin. Mga questions 'yan na galing sa exam natin. Sagutan mo tapos ipasa mo sa 'kin. Next Friday mo ipass."
Kinuha ni Tanaka ang papel, "Thank you, Sir," ngumiti si Tanaka. Lubos na nahahabag sa kabaitang ipinamalas ng kaniyang propesor. Walang pagsisidlan ang kasiyahan ng kalbo na binigyan siya ng ikalawang pagkakataon na makabawi sa kaniyang puchu-puchu na marka.
"Pramis po, babawi ako, Sir!" Masayang sabi ni Tanaka.
"Ay, joke! 'Di ka pala mag-isang gagawa niyan," sabi ni Prof Ukai sa gitna ng drama ni Tanaka.
Natigilan si Tanaka, "Sir, ha?"
"Hatdog. Pair kayong sasagot niyan. Isang student ko rin na ibang section. Bagsak gaya mo."
"Po?" Oya ni Tanaka, "Sino po?"
Bago pa makasagot si Prof Ukai, may biglang nagbukas ng pinto sa likuran ni Tanaka dahilan para mapalingon siya at si Prof Ukai.
"Sir, let me explain," asik agad ni Y/N pagbukas niya ng pinto ng faculty office.
Akmang tutuloy na si Y/N nang natigilan siya nung nakita niya si Tanaka. Gaya ni Y/N, gulat din si Tanaka. Namilog ang kaniyang mga mata bago napabukas ang bibig.
"T-Tanaka-senpai," nahihiyang sinabi ni Y/N na ngayon ay kasingpula na ng kamatis ang cheeks.
"Y-Y/N-chan," asik naman ni Tanaka na namumula din ang pisnge pero 'di dahil sa kilig kung hindi dahil sa nerbyos sa kagaguhang ginawa niya nung isang araw.
"Mga weaboo, ampota," nandidiring sinabi ni Prof Ukai bago dinikdik ang Stik-O sa lalagyan na para bang pinapatay ang apoy, "Pair kayong dalawa, Y/N at Tanaka. Magtulungan kayo na hindi na bumagsak."
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Listen to Stupid Love for aesthetic purposes
"Tanaka-senpai!"
Natigil si Tanaka sa pagtitipa ng shade kay Suga nang nakarinig siya ng boses na tumatawag sa kaniya. Nasa hallway na siya ngayon at wala na sa faculty.
Si Y/N pala ang tumatawag sa kaniya. Pula ang pisnge ni Y/N habang mabilis ang lakad papunta kay Tanaka.
"Y-Y/N, ano 'yun?" Nahihiyang sinabi ni Tanaka. Sa totoo lang, ha? Ayaw niyang makita si Y/N. Natatakot kasi siyang totoo pala ang gayuma at tumalab talaga ito.
Ngumiti si Y/N ngayong ilang hakbang nalang ang layo niya kay Tanaka, "Ano, tungkol sa-AY BULALAKAW NA MUKHANG GAGO!"
At gaya ng clichéng mga Wattpad books o romance films, natapilok si Y/N. Tumilapon ang mga libro niya at matutumba sana siya sa sahig kung hindi dahil kay Tanaka na kaagad siyang nasalo. Naks.
At gaya sa libro at mga pelikula, hawak-hawak ni Tanaka si Y/N at nagkatitigan silang dalawa, parang mga tanga sa gitna ng hallway at slow motion ang paghulog ng mga libro for effects.
CHAROT! 'Di yan ang nangyari, nasalo nga ni Tanaka si Y/N pero tumama naman ang noo ni Y/N sa nguso ni Tanaka kaya na-out balance sila at napaupo sa sahig. Nasa ibabaw ni Tanaka si Y/N at kasalukuyan silang natatamaan ng makakapal na libro ni Y/N.
Parang mga tanga.
STUPID (love. Soft as an easy chair)
STUPID (love. Fresh as the morning air)
STUPID (loveeeeee. Love that is shared by two)
STUPID (loveeee I found in you)
Tumblr media
Masterlist
∆ Kabanata 7 ∆ Kabanata 8 ∆ Kabanata 9 ∆
A/N: TAWANG-TAWA AKO DITOOO NAKIKINIG AKO SA STUPID LOVE HABANG NABABASA GAGOOOO
Also, maling screenshot na upload ko sa isa HAHAHAHAHAH sorry po
TAGLIST
@bokuakadaily @ellechanwrites @toripersonalacc @keiyoomi @thesecondapplepienation @leinnah @churochuu @quirklessidiots-trashdump @koushindreia @katsushimaa @writing2live @rkives-keiji
And also @dinosaurtsukki KASI AMPPPP KAPITBAHAY AU NATIN NAAALALA KO IDK WHYYYY HAHAHAHAH
44 notes · View notes
jjiswann · 3 years
Text
MISFIT, an nct filo au
unang kabanata - https://jjiswann.tumblr.com/post/648465778707922944/misfit
ikalawang kabanata: https://jjiswann.tumblr.com/post/648823207293566976/misfit
ikatlong kabanata: https://jjiswann.tumblr.com/post/656224116848869376/misfit
2 notes · View notes
hayasakaily · 3 years
Text
“It’s More Fun in Zambales”
-Marjorie Ruiz at Angel Mhae G. Manalo
Magandang araw! Heto na naman tayo sa isang panibagong kabanata ng, “Tatlong Araw na Paglalakbay sa mga Natatanging Lungsod at Probinsya sa Pilipinas.” Sa kabanatang ito, kayo ay aming inaanyayahang samahan kaming tuklasin ang ilan sa mga natatanging pook at kaganapang matatagpuan at mararanasan sa kahali-halinang probinsya ng Zambales.
Tumblr media
Ngunit, bago ang lahat, atin munang alamin ang kasaysayan ng probinsiya ng Zambales.
 Kasaysayan
Taong 1572, nang unang nakarating si Juan de Salcedo, isang Espanyol, sa Cape Bolinao, isang lugar sa Zambales. Ang pagdating ng mga Espanyol ng nakapagpalaya sa nasabing probinsiya, kaya naman, madaling napalagay ang loob ng mga Zambal sa kanila. Ang salitang Zambal, ang terminong tumutukoy sa mga taong naninirahan sa Zambales, ay nagmula sa salitang Malay na “Sambali,” na nangangahulugang “pagsamba” sa Ingles. Ito ay dahil sa tradisyon ng mga ninunong-Zambal na pagsamba at paniniwala sa mga espiritong kung tawagin nila ay mga Anito. Kalaunan, bunga ng impluwensiya ng mga Espanyol, ang dating Sambali ay napalitan ng salitang “Zambal.” At dito, mula sa salitang ito, hinango ang salitang Zambales. 
Noong ika-16 na siglo, naitatag at nakilala bilang isang probinsya ang Zambales. Ito ay kabilang sa mga kauna-unahang probinsyang nabuo noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Sa pagkakatatag ng probinsiya, orihinal na kabilang sa sakop nito ang pitong bayan mula sa Cape Bolinao hanggang sa Subic. Karamihan sa mga lugar dito ay sira na nakatuon sa paligid ng Subic na dating kinatatayuan ng isa sa mga pinakamalaking mga baseng pinamamahalaan ng mga Amerikano. Sa malawak na katubigang pumapalibot sa Subic matatagpuan ang  humigit-kumulang dalawampu’t limang barko ng Hapon na nalubog sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagaman karamihan ay nakabatay sa sabi-sabi, pinaniniwalaan na hindi bababa sa sampung mga barko ang nananatiling nasa ilalim ng Subic. 
Sa paglipas ng panahon, ang Zambales ay naging tahanan na rin ng ilang mga pangkat-etniko sa Pilipinas. Isa sa mga kauna-unahang katutubong Pilipinong tumungo sa isla upang mamalagi at manahan ang ay ang tribu ng mga Aeta. Sinasabing sila ay unang nagtungo rito mahigit 10, 000 taon na ang nakalipas.
Sa kabila ng mga naging pagkasira sa probinsya dulot ng mga gera noong unang panahon, nanatili ang natural na kagandahan ng Zambales. Sa katunayan, kilala ang probinsyang ito dahil sa mga naggagandahan nitong mga pasyalan at tanawin.Dahil sa likas na kagandahan ng probinsya, ito ay lubos na tinangkilik mga turista, dagdag pa rito ang masasarap na pagkain na hindi mo malilimutan. 
Tumblr media
Dahil sa mga kahali-halinang pook sa Zambales, maging kami ay naengganyong bisitahin ang probinsya. Kaya, tara! Samahan ninyo kaming balikan ang aming paglalakbay sa napakagandang probinsya ng Zambales.
#1 - Paynauen “Duyan” Festival 
Tumblr media
Sa unang araw ng aming paglalakbay sa Zambales, saktong pagdiriwang ng  Paynauen “Duyan” Festival, isa sa mga pinakakilalang pagdiriwang sa lungsod ng Zambales. Bilang naroon na rin kami, hindi na namin pinalampas ang pagkakataong makilahok sa pagdiriwang ng nasabing kapistahan. 
 Ang Paynauen Festival, na idinaraos sa Iba, Zambales, ay isang pagdiriwang na gumugunita sa araw ng pagkakatatag ng lalawigan noong taong 1611. Ang Paynauen ay isang salitang Sambal na hinango sa salitang “painawawan,” na nangangahulugang “pahinga o pahingahan.” Ito ang sinaunang pangalan ng Iba, bago itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang nayon sa baybayin ng Bancal River noong 1611. Nakilala ang Iba sa pangalang ito sapagkat ito ay nagsilbing pook-pahingahan ng mga Kastila noong unang panahon. Sa kabilang banda, ito rin ay tinatawag na Duyan Festival, sa kadahilanang ang duyan ay itinuturing din bilang simbolo ng pagpapahinga.
 Ang pagdiriwang ay ideya ng dating Bise Alkalde Benjamin Farin, Jr. Nagtatampok ito ng kumpetisyon at eksibit ng larawan o litrato, sand sculpture competition, skateboarding, sabong, karera ng mga kalabaw, pagpapalipad ng mga saranggola, karera ng mga banka, paligsahan sa boksing, street dancing at Duyan Parade, Binibining Paynauen, at iba pang mga aktibidad.
Ang pagdiriwang ay sinimulan sa pamamagitan ng kanilang tradisyunal na Duyan Parade na nagtatampok din ng streetdancing. Dito aming natunghayan ang magagarbo at makukulay na kasuotan na talaga namang pinaghandaan ng mga kalahok ng parada. Kaakibat nito ay ang mga napakasayang tugtugan na lalong bumuhay sa selebrasyon. Isa pa sa mga lalong nagpasaya sa parada ay ang mga ngiting masisilayan sa labi ng bawat tao, hindi lamang sa mga kalahok ng parada, kundi pati na rin sa mga tulad naming manonood. Dagdag pa rito, makikita rin ang ilang nagsasayawan sa saliw ng mga trumpeta at tambol.
Matapos ang parada, nagkaroon naman ng kumpetisyon at eksibit ng mga larawan o litratong nagtatampok sa maksaysayang nakaraan ng Iba, na kung tawagin ay “Balik-Tanaw Exhibit.” Dito ay muling tinuklas ang naging paglago ng bayan sa mga nagdaang taon. Mula rito, aming natunghayan ang pag-unlad at pagbabago ng lugar, mula sa unti-unting pagdami ng mga establisimyento hanggang sa pagpapaganda sa iba’t-ibang mga atraksyon ng pook. Dahil dito, aming napagtanto na talagang napakalaki na ng naging pagbabago sa bayan ng Iba. Dati ay isa lang tradisyunal na lugar na may simpleng pamumuhay, ngayo’y nabago na rin ng sibilisasyon.
Sa pagtatapos ng eksibit, nagsimula na ang iba’t ibang aktibidad at paligsahang parte rin ng selebrasyon. Sa isang banda, makikita ang mga batang masayang nagpapalipad ng kanilang makukulay na mga saranggola. Sa kabila nama’y naroon ang mga kabataang nagpapakitang gilas sa skateboarding. Maririnig din ang umuugong na hiyawan ng mga pumusta sa sabong ng mga manok, o hindi kaya nama’y sa karera ng mga kalabaw. Bukod pa rito, mayroon ding naganap na paligsahan sa tabing-dagat kung saan itinampok ang talento ng mga kalahok sa pag-ukit gamit lamang ang buhangin.
Pagdaan ng maghapon, natapos na din ang ilan sa mga paligsahan at aktibidad. Ngunit, hindi pa rito nagtatapos ang selebrasyon. Buhat dito, sinimulan na ang preparasyon sa pangunahing kaganapan ng selebrasyon—ang Binibining Paynauen. Pagsapit ng dilim, ipinakilala na ang mga nagniningning na mga kalahok. Matapos magpakilala ay nagpatuloy na sa iba pang bahagi ng paligsahan tulad ng swimsuit at evening gown competition. Nagkaroon din ng talent portion, kung saan itinampok ang iba’t ibang talento ng mga kalahok sa pagkanta, pagsayaw, pagguhit, at marami pang iba. Bilang pagtatapos, nagkaroon din ng question and answer portion na sumukat sa talino ng mga binibining kalahok. 
Tunay kahanga-hanga ang selebrasyong ito. Hindi na nakapagtataka na isa ito sa mga pinakakilalang pagdiriwang sa probinsya. Masasabi naming tugmang-tugma ang pangalan ng pagdiriwang na ito. Tila kami ay dinala sa ibang dimensyon na malayo sa nakakapagod na mundo. Sulit na sulit ang unang araw ng aming paglalakbay dahil sa napakasayang pagdiriwang na ito!
Tumblr media
#2.1 - Mt. Pinatubo 
Tumblr media
Kinabukasan, nagtungo na kami sa isa sa mga pinakamakasaysayang pook na matatagpuan sa Zambales, ang Mt. Pinatubo. 
 Ang Mt. Pinatubo ay isa sa mga pinakatanyag na bulkan hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo. Nakaukit na sa kasaysayan ang historikal na pagputok nito noong taong 1991, na itinuturing na pangalawang pinakamatinding pagsabog sa ika-20 siglo. Ang naturang pagsabog ay nakapagdulot ng malubhang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas higit lalo na sa Zambales, Pampanga, at mga karatig na lugar. Daan-daang pamilya ang nawalan ng mga kabahayan at mahal sa buhay at milyon-milyong halaga ng pinsala sa mga establisimyento at iba pang kabuhayan ang naitala. Ngunit, sa kabila ng malagim na nakaraan ng Pinatubo, hindi maipagkakaila ang likas na kagandahang taglay ng bulkang ito. Kaya naman, ang nasabing bulkan ay tinaguriang, “beautiful disaster.” 
Hindi na namin pinalampas pa ang pagkakataon upang matunghayan ang kagandahan ng makasaysayang bulkang ito. Kaya naman, aming napagdesisyunang sulitin ang ikalawang araw ng aming paglalakbay sa Pinatubo. Sakay ng isang all-terrain vehicle o ATV, aming tinahak ang mabatong daan tungo sa Pinatubo Crater Lake. Sa pagdating namin sa lawa, kami ay sinalubong ng kamanha-manghang kagandahang humulas sa lahat ng pagod na aming nadama mula sa mabatong paglalakbay. Pagbaba namin ng ATV ay aming nasilayan ang mala-kristal na tubig mula sa lawa. Bukod pa rito, amin ding natunghayan ang kagandahan ng bulkan ng mas malapitan. Mula rin sa itaas, mas lalo naming nakita ang mga magagandang tanawin sa ibang lugar. Dito, aming napatunayan na talagang mayroong kagandahan sa likod ng bawat karimlan. 
Ngunit, maliban sa kagandahang aming natunghayan mula sa bulkang ito, isa pa sa mga tunay na hindi namin malilimutan ay ang aming naging pakikisalamuha sa grupo ng mga Aeta na gumabay sa amin sa aming paglalakbay. Sa kabila ng pagkakaiba ng aming kinagisnan, hindi ito naging hadlang upang kami ay magkaroon ng maayos na samahan. Bukod sa kanilang kabutihang taglay, kami ay lalong napahanga sa kanilang tunay na pagmamahal sa kalikasan. Talagang pinangangalagaan nilang maigi ang mga likas-yaman sa lugar. Dahil sa kanila, mas lalo naming natutunang pahalagahan ang kalikasan at mga natural nitong yaman. 
#2.2 - Botolan Wildlife Farm
Tumblr media
Matapos naming bisitahin ang lawa ng bulkang Pinatubo, sunod naman naming binisita ang mga natatanging hayop na matatagpuan sa Botolan Wild Farm. 
Ang Botolan Wild Farm ay isang ranch o mini zoo na itinatag nina Martin at Juvy Zooler, mga zoologist mula sa Switzerland, noong 2000. Ang 55,000 sqm. na lugar ito ay nagsisilbing isang tirahan para sa malawak na hanay ng mga kakaibang mga hayop at halaman sa buong mundo. 
Sa aming pagpasok, nakita namin ang iba’t ibang uri ng hayop at halamang hindi pa namin nakikita noon. Kabilang sa mga natatanging hayop na nakita namin sa lugar na ito ay ang Heron o Tagak sa Tagalog, Horned Owl, Philippine Eagle Owl, Sun Parakeet, at iba pang mga ibon. Amin ding nakita ang Brahminy Kite, isang uri ng ibong orihinal na matatagpuan sa Pilipinas, na ngayon, sa kasawiang-palad, ay tinuturing na bilang endangered species. Dagdag pa rito, nakilala rin namin ang iba pang mga hayop kabilang na ang Philippine Brown Deer, Siberian Tiger, Iguana, at ang Crab Eating Macaque. 
Kahit na hindi kami gaanong nakakuha ng litrato sa karanasang na ito, nananatili namang sariwa sa aming mga alaala ang mga natatanging hayop na aming nasilayan dito. Hindi na talaga kailangang lumipad pa sa Africa upang makaranas ng isang paglalakbay sa safari. Ngunit, sa kabilang banda, sa karanasan ding ito aming napagtantong tayong mga tao, na naatasang maging tagapangalaga ng kalikasan at ng mga buhay na matatagpuan dito, ay siya pang nagdudulot ng panganib sa mga ito. Kaya naman, inaasahan naming inyo ring matutunang pahalagahan at pangalagaan ang kalikasan, kabilang na ang mga hayop, sapagkat, hindi na natin sila magagawang ibalik o palitan kapag sila ay tuluyan nang naubos at nawala. 
#3 - Ina Poon Bato Chapel
Tumblr media
Sa ikatlo at huling araw, aming tinapos ang paglalakbay sa pamamagitan ng pagbisita sa milagrosang Ina Poon Bato Chapel. 
Ayon sa mga kasabihan sa kasaysayan, ang mga Aeta ay sumasamba sa isang kahoy na estatwa na nakalagay sa isang bato noong ika-17 siglo nang simulan ng Espanya ang kolonisasyon nito ng bansa. Ang imahe ay di-nagtagal na naiugnay sa Birheng Maria, na nagtulak sa Simbahang Katoliko na i-dub ang imahe bilang Ina Poon Bato (Mother of the Lord Rock).
Habang ang kapilya ay nawasak ng pagsabog ng Pinatubo noong 1991, ang imahe ng Ina Poon Bato ay nakaligtas at kalaunan ay inilipat sa isang malapit na kapilya. Dahil sa tila-milagrong pangyayaring ito, dinadagsa ng mga deboto ang kapilya upang magpasalamat o manalangin at humiling ng mga himala sa imahe.
Hindi na namin pinalampas pa ang pagkakataong ipanalangin ang aming mga pansariling kahilingan sa milagrosang imahe ng Ina Poon Bato. Sa aming pagpasok sa kapilya, kami ay binungaran ng napakaraming deboto na nais ding humiling sa Ina Poon Bato. Sa kabila ng matagal na paghihintay upang magkaroon ng tyansang makalapit sa banal na imahe, naging sulit naman ang lahat nang amin na itong nahawakan. Bagaman sandaling panahon lamang ang aming itinagal sa harap ng imahe, nanatili sa aming mga puso ang presensya ng Ina Poon Bato hanggang sa aming pagkawalay dito. Matapos naming manalangin, sunod naming nilibot ang kapilya ng Ina Poon Bato. 
Marahil, kumpara sa mga nauna naming destinasyon, ito ay bahagyang kakaiba. Bagaman wala kaming nasilayang magagandang tanawin o nasubukang kakaibang gawain, ang karanasan namang ito ay nakapagdulot sa amin ng isang kagalakan sa loob na hindi namin matatamo mula sa kahit anong materyal o pisikal na bagay. Tunay na perpektong paraan upang tapusin ang aming paglalakbay.
Konklusyon
Bilang konklusyon, ang pagbisita sa lungsod ng Zambales kahit sa maikling panahon ay nagbigay ng panibagong kaalaman sa amin. Natuklasan namin na hindi na natin kailangan pang dumayo sa ibang bansa para lang makapasyal sa magagandang mga pook o makaranas ng mga kakaibang gawain, sapagkat sa sarili nating bansa ay mayroon tayong maipagmamalaki. Bukod pa rito, amin ding napagtanto na importante ring bisitahin natin ating mga likas na yaman ng sarili natin bansa at tuklasin ang nakaraan nito. Ito ay makakatulong upang mas mapalawak pa natin ang ating kaalaman tungkol sa kasaysayan ng mga iba’t ibang lungsod na mayroon tayo.  Ang bagay na ito ay isang paraan upang mas mahubog ang ating pagiging Pilipino.  Sa paraan na ito, mas makikilala ng sambayanan ang kagandahan na mayroon ang Pilipinas, ang Perlas ng Silangan. 
Mga Sanggunian:
https://playintourist.blogspot.com/2017/08/botolan-wildlife-farm-playing-tourist.html
https://www.google.com/search?safe=active&rlz=1C1CHBF_enPH932PH932&sxsrf=ALeKk02oCH45WZIGPIN93hzEdkZJFQNa2w:1613399525965&source=univ&tbm=isch&q=picture+of+all+destination+in+zambales&sa=X&ved=2ahUKEwi2sIDNjezuAhUUw4sBHc4xBeEQjJkEegQIDRAB&biw=1536&bih=7
https://playintourist.blogspot.com/2017/01/ina-poon-bato-visit-to-miraculous.html
https://www.detourista.com/guide/zambales-attractions/
https://sites.google.com/site/philippinesthebeautywithin/reg-3-central-luzon/zambales
1 note · View note
countryshitposts · 4 years
Text
ultimate countryhumans fanfic masterpost
you’d perhaps need it ;)
from the oldest to most recent:
his lives are one, his lives are in fragments.
- a reflection of Germany’s many lives.
your world is not mine.
- in which two brothers fight and one gains the upper-hand. (tw: death, murder)
how much would you be changing the world for a single life?
- the Deutsches Reich witnesses his son turn to a monster.
compose yourself- you cannot
- the beginning of the voice in Weimar’s head and how he succumbs to it.
Las Islas Filipinas
- the history of the Philippines, from start to pinpoint.
unang kabanata l ikalawang kabanata l ikatlong kabanata l ikaapat na kabanata
the history of us is buried six feet under.
- China and Soviet’s relationship does not revolve from the beginning to the end of the world after all.
the holy land.
- Israel is a historian.
your alternate self will say he hates reliving/the golden ring is still there.
- the Third Reich kills himself/ the Soviet Union dies.
his fingers dig deep to your skin but you cannot scream.
- Korean Empire and his wife.
how much guidance is guidance?
- parents and children.
god bless you please, mrs. robinson
- Nabi overhears two brothers talking.
let’s get these teen hearts beating faster, faster!
- five times Germany shows up on France’s doorstep and one time she shows up in his.
more hate- more hate can lead to your destruction.
- two brothers find out their father has a male lover. (tw: homophobia)
the vulnerability of immortality.
- in which Austria’s life is explained through brief moments coursing through his veins.
don’t threaten me with a good time.
- the Asian Christmas Party.
S H O R T S:
Satsuma & Russian Empire & Soviet Union
Russia/East Germany
you’re not papa.
orient sea.
the end of the empire.
Joseon/Ming
back to where the great dynasties began.
siblings
.ghosts.
to become immortal and unjust.
Germany/France
deleted scenes
34 notes · View notes
Photo
Tumblr media
Unang kabanata
Ang pangalan ko ay Daisy, Ako ay may dalawang kaibigang sina Joy at Ella. Pagkatapos ng mahabang pandemya ay napagkasunduan naming magkita kita sa isang mall, Matagal narin kaming hindi nagkita kita at miss na miss na namin ang isa’t isa. ako ang unang dumating at agad ko nang tinext ang mga kaibigan ko, Maya maya ay dumating na si Ella.“Daisy! Kamusta kana? tumaba ka ha.” Wika ni Ella Talaga namang dumagdag ang aking timbang dahil nasa bahay lang ako. “Oo nga nag babawas na nga ulit ako ng timbang. Kamusta kana? Kamusta na sila tito at tita?” Ang sabi ko naman“Ok lang kami. Buti naman at walang nagkasakit sa aming pamilya, Nasaan na daw ba si Joy? Lagi nalang talagang late yun.” “Hoy! Andito nako. Hahaha” Biglang sigaw ni Joy. Nasa likuran na pala naming sya. Umorder na kami ng pagkain at nag usap ng napakaraming bagay.  Masaya ang aming kwentuhan ng may isang nagsabing kailangan naming magbakasyon, nagisip kami ng mga lugar na pwede naming puntahan. “Aah! sa Isla Pulang Dagat” Wika ni Joy. “Ha? Diba Pinagbabawal ang lugar na yun?” Sagot ko.“Pinagbabawal nga pero marami parin ang pumupuntang patago.” Ang sabi ni Joy.“Alam mo magandang idea yan. Sobrang boring kaya, nakulong lang tayo ng matagal sa bahay. Parang exciting yun.” Wika ni Ella, na biglang na excite sa narinig.Hindi na ako nakatanggi kaya naman Plinano na naming ang lahat at nagtakda ng petsa kung kailan kami aalis.
Ikalawang Kabanata
Dumating ang araw ng aming bakasyon, may nakilala si Joy na magdadala sa amin sa Isla pulang Dagat, medyo may kamahalan nga lang ang aming Binayad ngunit sulit narin ang aming binayad dahil sya na ang nag ayos ng aming sasakyan at tutuluyan pagdating naming sa Isla. Nakapagbook na rin kami ng flight, Isa isa na kaming dumating sa Airport.“Ready na ba kayo? Exciting to.” sabi ni Joy.Si Joy ang Pinaka Adventurous sa Aming Tatlo kaya naman kahit na delikado ang aming pinupuntahan ay Sobra syang nag eenjoy.“Ewan ko Joy kinakabahan ako dahil bawal naman talaga pumunta dun.” Ang sagot ko sa kanya.“Ano ba kayo guys! Walang magiging problema dun at yung kinuha kong guide matagal na syang nag guguide sa lugar na yun kaya kabisadong kabisado nya na un, at isa pa napakaganda ng lugar na yun konti palang ang nakakakita nun at magiging isa na tayo dun.”  Saad ni Joy.“Oo nga Daisy mag relax ka nga lang, Ienjoy nalang natin tong bakasyon okay?” dagdag pa ni Ella.Paglapag ng aming eroplano ay nakita na namin ang aming tour guide na si Kuya Joey, ang sabi ni kuya Joey ay kailangan naming bumyahe ng tatlong oras para marating ang Isla Pulang Dagat.“Mam pag hinanapan kayo ng ID sa check point ipakita nyo lang tong ID, May mga ID kasi para lang sa mga residenteng taga doon. Hindi ho tayo papapasukin pag wala po yang ID na yan.” Sabi ni kuya Joey.“Salamat Kuya Joey, Sabi ko sa inyo maaasahan tong Tour Guide natin e.” Masayang sabi ni Joy.Kami ay nagsimula ng bumyahe, Ewan ko pero kinakabahan parin ako sa aming pupuntahan, napaka ganda daw ng lugar na yun, pero bakit nga ba pinagbabawal, Nag research ako sa internet tungkol sa lugar na yun pero wala akong nakitang malinaw na sagot at puro haka haka lang ang aking mga nabasa. Kesyo pinoprotektahan lang daw nila ang kalikasan at ayaw nilang masira ito ng mga Turista, Kaya ipinagbabawal ang lugar na iyon.
 Ikatlong Kabanata
Pagkalipas ng ilang oras na pagbyahe narating namin ang Check point at hinihingian kami ng ID ng mga nagbabantay.“Magandang hapon! Pahingi nalang ng mga ID nyo.” sabi ng isang taga bantay.Agad naman naming iniabot isa isa ang mga ginawang Pekeng ID, sinuri ito ng taga bantay, Sobrang kinakabahan ako ng mga oras na iyon, pano kung malaman nilang peke iyon at kami ay ikulong. Pagkatapos suriin ng taga bantay ang aming mga ID ay Ibinalik na ito sa amin.“Sige. ingat kayo sa byahe.” sabi ng taga pagbantay.“Salamat Ser.” sagot ni Kuya Joey.Kalmadong kalmado si kuya Joey na para bang sanay na sanay sa kanyang ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag, naka lagpas kami sa Check point at papasok na kami sa Isla Pulang Dagat.Pagkalipas ng tatlong Oras ay nakarating na nga kami sa aming Destinasyon.May mga kubo kaming nadaanan sa tabi ng Dagat, Ngunit mgkakalayo ang mga bahay doon  at sa likod noon ay may isang malaking bundok.Gumawa sila Kuya Joey ng isang kubo kung saan doon nya pinapatuloy ang mga Touristang kanyang ipinupuslit sa Isla Pulang Dagat.“Mam Dito po kayo tutuloy ngayong Gabi at saka Mam paalala lang po wag po kayong lalabas ng kubo, may pagala gala ho ksing baliw dito samin, may mga binili na din ho kaming mga pagkain jan sa kusina.” Sabi ng Kuya Joey.“Salamat po kuya. Pano po kita nalang po tayo bukas ng umaga.” Sabi ni Joy.“Sige ho. Ala sais ho tayo ng umaga dapat umalis dahil mahirap na ho gabihin sa bundok.” Sabi ni kuya Joey.Kinabahan ako ng makita kong ang daanan papuntang bundok na iyon ay puno ng mga harang na yero at barbwires. Kaya naman pagalis nila kuya Joey ay kinausap ko sina Joy at Ella.“Joy, Ella Sigurado ba kayo na safe ang pupuntahan natin? Mukhang wala namang mga pumupunta sa lugar na yan, tignan nyo oh ang daming harang.” Paniniguro ko.“Daisy ano kaba nandito tayo para mag relax, chill, have fun At saka mukha namang mabait si kuya joey tiyak na iingatan tayo nun, Isipin mo nalang ung magandang tanawing makikita natin dun bukas Para hindi ka paranoid jan.” pagalit na sagot ni Ella.Wala nakong lakas makipagtalo sa kanila dahil sa layo ng aming byinahe kaya namannaligo nalang ako at nagpahinga, agad din akong nakatulog dahil sa pagod.
Ikaapat na Kabanata
Nagising ako sa lamig ng aming kwarto, alas kwatro na ng umaga at Nakita kong nghahanda ng pagkain si Ella. “Huuy! Gising na kayo maghahanda pa tayo ng dadalhin.” wika niya. Kami ay nag unat unat na at pag tapos ay bumangon, niligpit naming ang aming hinigaan na banig, mga unan at kumot. Naupo kami sa isang tabi at inilabas ang mga pagkain, meron ding heater doon para makapag timpla kami ng Kape. Pagkatapos naming kumain, naghanda na kami para maligo.“Sino mauuna maligo? Nandun ang banyo sa Likod.” Sabi ni Ella. “Ako nalang” Boluntaryo kong sagot. Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami ng aming susuotin, pumunta na ako sa banyo dala ang aking towalya at mga gamit sa banyo, habang ako ay naliligo nakarinig ako ng gumagalaw sa gilid ng kubo, prang hinahawi ang mga hibla ng pawid. Bigla akong nakarining ng boses galing sa labas. “Umalis na kayo dito papatayin nila kayo. Wag kayong pupunta ng bundok.” Sabi ng boses.“Joy? Ella? Sino yan? Bulalas ko. Agad tumigil ang tunog pagkatapos kong magsalita. Narinig kong naglakad papalayo ang nasa labas ng kubo. Dali dali akong bumalik sa mga kaibigan ko at itinigil ang aking paliligo.“Joy, Ella???” takot kong sabi“Oh Daisy tapos kana ba maligo ba’t ganyan ang mukha mo? Para kang nakakita ng multo” wika ni Ella. “May lumabas ba sa inyo? May naririnig akong boses galing sa labas.” Ang sabi ko.“ha? Nandito lang kaming dalawa kanina pa. anong boses ang narinig mo?” takot na tanong ni Ella.“Papatayin daw nila tayo at wag daw tayong pupunta sa Bundok.” Ang sagot ko.“sarado ba ang bintana at pinto? Sisilipin ko kung may tao sa labas.” tanong ni Joy. “Ano ka ba Joy madilim pa sa labas.” Sabi ko. “ Patayin nyo lahat ng ilaw pra hindi tayo makitang nakasilip.” Sabi ni Joy. Dahang dahang sumilip si Joy sa siwang ng bintana pero wala syang makita dahil masyado pang madilim sa labas at kami lang ang kubong nakatayo roon. Sa takot namin ay sabay sabay na kaming naligo at hinintay ang pagliwanag hanggang sa pagdating nila kuya Joey.
Ikalimang Kabanata
Pagdating ni kuya Joey ay nagpapanik kaming nag kwento sakanya kung anung nangyari,“kuya Joey may narinig kaming lalake sa labas Lumapit sa kubo at nagsabing “Umalis na kami dito at papatayin kami, sinabi nya rin na wag kaming pupunta ng bundok.” Saad ko.“Naku Mam yun nga po ung baliw na sinasabi ko sa inyo, lagi po talagang nanggugulo ng tourista yun, pag nakita nyo po sya ulit umiwas nalang po kayo, Napaka kulit ng baliw na yun e.” Sabi ni kuya Joey. Maya maya pa ay dumating narin ang kapatid ni kuya Joey na makakasama namin sa bundok, May dala itong karit.“Kuya natanggal ko na ang harang pwede na tayo dumaan.” ang sabi nya.kasabay nya pala itong dumating ngunit dumiretso sa bakod ng bundok para alisin ang ilang harang nito.“Tara na po, Umalis na tayo.” Sabi ni kuya Joey.Kami ay sumunod na isa isa saknya, bakas parin sa mukha ko ang takot mula sa nangyari kanina pero kumakalma ang aking loob pag naiisip kong isang araw nalang at uuwi nadin kami kinabukasan,nagsimula na ang aming paglalakad sa bundok na iyon, ang kapatid ni kuya Joey ang abala sa pag gapas ng mga damong naka sagabal sa aming paglalakaran, pagkatapos ng kalahating oras ng paglalakad nakita na namin ang kagandahan ng Bundok, maraming magagandang ligaw na bulaklak sa paligid, maya maya pa nakita rin namin ang munting sapa, Maraming magagandang halaman sa paligid nito.“Naku kung andito ang inay siguro kukuha sya ng halamang yan. Haha” sabi ni Joy.“yan po ay iniingatan ng mga taga dito kaya hindi po nila ginagalaw yan” sabi ni Joey“oo nga po pala bawal pala kumuha ng halaman sa kabundukan” nahihiyang sabi ni Joy.“dito ho ang daan” Sabi ng kapatid ni kuya Joey.Pagliko namin ay nakita namin ang isang malaking kweba, sa paligid nito ay maraming bulaklak at mga kakaibang dahon ng halaman, ako ay namangha sa aking mga nakikita napakaganda ng bundok na ito.
Ikaanim na Kabanata
 Bago kami pumasok sa kweba ay nagsindi ng mga tuyong dahon ng buko si kuya Joey. Yun ang nagsilbing ilaw naming sa loob, pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa dulo niyon.“Wow!” Manghang bulalas ni Joy.paglabas namin sa dulo ng kweba ay may isang napakagandang Talon.May mga isda ding Lumalangoy.“mam pahinga muna tayo dito at kumain tanghali na po eh,” sabi ni kuya Joey.“Sige po. Pwede po ba kaming maligo sa tubig?” Tanong ni Ella.“Opo Mam. Pwede po.” Sagot naman ni kuya Joey.nagmamadali kaming ngtanggal ng mga sapatos at binaba ang aming mga dalang Bag at tumungo na sa talon, “Ahh! ang lamig. hahaha” sabi ni Ella.“Daisy bilisan mo na, ang sarap ng tubig” sabi naman ni joy“Eto na.” tuwang tuwa kong sabi.ang sarap sa pakiramdam ng tubig na iyon napakalamig at nakakahapo ng pagod, Ilang oras narin kaming naglalakad at pagod na talaga kami, makalipas ang ilang oras ay napansin namin na kaming tatlo nalang pala ang tao doon, wala na sila kuya joey.“Kuya Joey?” Nagpapanik na tawag ni Ella. Agad kaming umahon at hinanap sila kuya Joey, sigaw kami ng sigaw pero walang kuya Joey na lumabas, Nabalutan kami ng takot.“Iniwan ba nila tayo?” takot na tanong ko.“Baka naman kumuha lang ng makakain.” Sabi ni Joy.kinakabahan na kami ng mga oras na yun ng may lumabas na Lalaki, ang Lalaking Baliw!“Sinabi ko na sa inyo wag kayong pumunta sa Bundok na ito mapapahamak kayo!” Galit nyang sabi. Takot na takot kami sakanya at ginawa namin ang lahat para sya’y iwasan ng akmang lalapit na sya sa amin. Kumuha agad si Joy ng bato.“Wag kang lalapit samin kung hindi ibabato ko to sa ulo mo” Sabi ni Joy.“Hindi nyo naiintindihan.” Wika niya habang papalapit parin sa amin. Katapusan  Biglang bumagsak sa sahig ang lalaking Baliw. Nasa likod pala nya si Kuya Joey at pinalo sya ng kahoy sa Ulo.“Kuya Joey! Buti dumating ka.” Takot na sabi ni Joy. Sa takot nya ay napayakap sya kay kuya joey ngunit tinulak sya nito.“Hahaha hindi nyo ba alam na dapat nakinig kayo sa lalaking yan, edi sana tumagal pa ang buhay nyo.” Patawa nitong sabi.“Anung sinasabi mo kuya Joey?” Takot na tanong ni Ella.“Kayo ang Handa namin sa Pyesta ngayong taon, Karne ng tao ang espesyal na putahe namin tuwing Pyesta kaya naman lagi akong nagdadala ng tourista dito kada taon. Ang lalaking ito? Eto ay isa sa aking mga kapatid na laging sumusuway sa akin!” Biglang sipa niya sa nakabulagtang  lalaki. sa sakit ng sipa ay napabaluktot ang lalaki.“Bakit ka ba laging nagtatangkang magligtas ng mga touristang ipinupuslit ko sa bayang ito?” Ang sabi ni Kuya Joey na parang nag iba ng katahuan ng muli naming itong makita.“Ibig mong sabihin ay lahat kayo dito, tao ang kinakain?” Tanong ko.Ngumiti ito ng biglang lumabas ang isa nyang kapatid na aming kasama kanina sa kanyang likuran,Lumabas na rin ang mga taong kanina pa pala nasa sa likuran ng mga Puno at nagaantay ng senyales, Ang pangit ng itsura ng ilan sakanila at sira sira ang iba’t ibang parte ng kanilang katawan.“Kami pala ang mga lihim na residente dito sa taas ng bundok at ang tanging kinakain naming? ay karne ng tao!” Turan ng isa sakanila. hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nagmistulan kaming estatuwa sa aming kinatatayuan ng biglang sumigaw ang isa saknila.“Simulan na ang kapistahan! Patayin sila!” Ang kanyang Sigaw. Patakbong lumapit sa amin ang tatlong taong may hawak na patalim at agad itong itinarak sa aming mga tyan. Ramdam na ramdam ko ang masakit na hiwa ng kutsilyo at sa unti unting pagsara ng aking mga mata at paglagot ng aking hininga ay nakita ko ang pag ngisi ni Kuya Joey.
WAKAS
0 notes
caraetdeul · 1 year
Text
Saan Ka? | Ikalawang Kabanata
Choi Seungcheol x reader filo!smau
Paano kung sa paghahanap mo ng true love, ang makakatuluyan mo pala ay hindi ang kasama mong kumain sa date kundi ang naglilista ng order niyong pagkain?
Note: second chapter is heeeeere! Wag niyo pala pansinin masyado yung timestamps kasi di naman siya relevant sa au hehe. As usual, open po taglist so send lang kayo ng ask if u want to be tagged. Thankies!!! 🫶
Main Masterlist | Saan Ka? Masterlist
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
13 notes · View notes
hinaakawaii · 6 years
Text
Liham Para Sa Iyo
Minahal kita;
Hindi ko na maintindihan kung bakit ako narito, bakit ako naniniwala na kaya mo, bakit ako ngumingiti tuwing nakikita ka, bakit ako naririto para sayo kahit malinaw naman na sinubukan ko pero wala talaga. Alam mo kung ano yung madaya? Kasi maliban sa pamilya at kaibigan mong nandyan para sa'yo simula nung una isa ako sa mga taong hindi ka kayang bitawan at iwanan. Alam mo yung kahit nasaktan mo ako ng sobra nasa likuran mo parin ako para pag natumba ka nandyan ako para tulungan ka at magsisimula ulit ako sa umpisa, umpisa upang kalimutan ka. Nakakalungkot isipin na ikaw nasa gitna na pero ako paulit-ulit na nag sisimula.
Gaya nang gagawin ko ngayon, sisimulan ko nanaman ang istoryang hindi ko maintindihan kung may kahahantungan, saaking simula noong sinabi mo saakin na magiging ayos din ang lahat at sa wakas mong paghakabang patalikod at paglisan. Ito nanaman tayo sa mga panahong kahit ilang beses kong ibaon hindi maalis ang espesyo sa puso ko na nag bibigay halaga sa alaalang ito. Sisimulan ko kung gaano ka espesya ang pagsulat mo ng "I❤U" sa papel maaring tinta lang ng bolpen ang nasayang para sayo, ngunit para saakin mundo ko ay nilindol mo, ang mga oras na pakiramdam ko importante ako ayaw mong ligawan ako kasi natatakot kang masayang ang kinabukasan ko pero bakit ganon? Hindi ko maintindihan ang rason mo? Gusto kitang yakapin ng mahigpit at magbakasakaling marinig ang tibok ng puso mo para lamang patunayang totoo ang sinanasabi mo, pero hindi kakayanin ng puso ko dahil ngiti mo palang tumitigil na ang ikot ng mundo.
Sa ikalawang kabanata ng isyoryang ito at ang unang pag amin ko, lalong gumulo dahil kung pag kakaibigan lang pala ang hanap mo sana wala kang pakealam kung umuuwi akong magisa at sana di ka nag aalala na baka may mangyari saakin sa kalsada dahil hindi ako marunong tumawid! Ano ba? Sana hindi mo ako sinasabayan sa pag-uwi dahil mas gusto kong maglakad mula sa eskwelahan na ating pinapasukan hanggang sa iisang barangay na ating inuuwian, nakakatuwang balikan at nakakalungkot matandaan.
Sa ikatlong kabanata ng istoryang ito hindi ko na maintindihan kung magiging masaya pa ako o matatakot kahahantungan ng agos ng kwento, dinaig pa ng nararamdaman ko ang bawat tula na sinusulat ko at bawat nobelang nababasa ko, natatandaan ko noong pumunta tayo sa ensayo ng buong grupo dahil napaka arte mo kakalong sa sa dulo ng hita ko dahil mahilig sa puting damit at ayaw na ayaw mong narurumihan ang damit mo napaka tagal ng hinihintay na myimbro ng iyong grupo kaya dumiretso tayo sa parke para magikot, para kang babae dahil ikaw pa talaga ang gustong sumakay sa likuran ko pero sa huli ako parin ang binuhat mo, naalala ko pa na nilagyan ko ng lipstick ang mga labi mo dahil wala na akong magawa sa mundo doon ko napagtanto na ayaw ko nang mawala ka sa buhay ko.
Ikaapat na kabanata nag bibilang na ako ng araw dahil pakiramdam ko mawawala ka, nag lalakad tayo pauwi nang sinabi mo saakin na
"paano kaya pag tayo sa huli? Diba mag dodoctor ka? Tambay nalang ako sa bahay no? Joke lang!"
"HA? baliw ka ba? Pwede rin basta ikaw bahala sa business natin"
Pero nakakatawa dahil pagkatapos mo akong isali sa kinabukasan mo sinabi mo ulit na wag akong mahuhulog sayo.
Dito rin pumasok yung mga panahong umuupo tayo sa likod ng mall at matutulog ka sa balikat o sa hita ko, doon ko lang din napag tanto na ikaw lang ang taong ihehele ko hanggang sa pag pikit ng mata mo at kahit mamaos hindi ako titigil hanggang buksan mo muli ang mga ito. Natatanga ako sayo...
Ikalimang kabanata, isa lang naalala ko hinalikan mo yung pisngi ko at nag kunwari akong natutulog kahit gusto kong sumabog.
Ikaanim na kabanata, ang kulit mo kasi, hinalikan ko yung noo mo non akala ko babawi ka sa noo kasi inalis mo yung buhok na nakaharang sa noo ko, pero hinalikan mo ako. Buong gabi akong di nakatulog. Tinanong ka ng kaibigan ko kung anong plano mo pero hindi mo rin alam ang gagawin mo.
Nag Dec 16,2017 nag kalituhan na tayo hinintay mo ako malapit sa bahay namin at pinuntahan kita sa malapit sa inyo, sabi mo may sasabihin ka. Pero hindintayo nag kita.
Habang tumatagal mas nagiging kumplekado, nakakalito at dumating na nga tayo sa puntong malabo at sa iba ka na nag kagusto, ilang buwan parin akong umasa sayo, lagi mo nalang akong nililito minsan nasasaktan na ako kasi hindi mo manlang sinabi na wala na, na tapos na, na wala na akong dapat asahan pa.
Pero ito ka nanaman,hindi na kinakausap, at nag sisimula na akong humkbang paharap. Pero isang sabi mo lang nagsisimula nanaman ko, bumabalik nanaman ako sa umpisa.
Hanggang ngayon, Mahal ka pa.
1 note · View note
historiadefelipinas · 3 years
Text
HISTORIA DE FELIPINAS: IKALAWANG KABANATA
1521 – 1898: Colonial Era / Panahong Kolonyal
Tumblr media
The economy of the Philippines grew in the nineteenth century where natural born leaders created a revolutionary movement called the “Katipunan” that was led by Andres Bonifacio who was inspired by Dr. Jose Rizal. It was a war against the Spaniards who colonized the Philippines for 333 years. 
Tumblr media
The first republican government was formed and was led by General Emilio Aguinaldo on June 12, 1898.
0 notes
Text
Tumblr media
Ang Katotohanan Tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu....
SINASABI ng mga taong naniniwala sa turo ng Trinidad na ang Diyos ay binubuo ng tatlong persona​—ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Sinasabing ang tatlong personang ito ay magkakapantay, makapangyarihan-sa-lahat, at walang pasimula. Kung gayon, ayon sa doktrina ng Trinidad, ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos, ngunit iisa lamang ang Diyos.
 Marami sa mga naniniwala sa Trinidad ang umaamin na hindi nila kayang ipaliwanag ang turong ito. Gayunman, baka inaakala nilang itinuturo ito ng Bibliya. Kapansin-pansin na ang salitang “Trinidad” ay hindi kailanman lumitaw sa Bibliya. Pero masusumpungan ba sa Bibliya ang ideya ng Trinidad? Upang masagot ang tanong na ito, tingnan natin ang isang kasulatan na madalas banggitin ng mga nagtataguyod ng Trinidad.
“ANG SALITA AY DIYOS”
Sinasabi ng Juan 1:1: “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.” (Magandang Balita Biblia) Nang maglaon sa kabanata ring iyon, maliwanag na ipinakita ni apostol Juan na “ang Salita” ay si Jesus. (Juan 1:14) Gayunman, yamang ang Salita ay tinawag na Diyos, sinasabi ng ilan na ang Anak at ang Ama ay walang-alinlangang bahagi ng iisang Diyos.
Tandaan na ang bahaging ito ng Bibliya ay orihinal na isinulat sa wikang Griego. Nang maglaon, isinalin ng mga tagapagsalin ang tekstong Griego sa iba pang mga wika. Gayunman, hindi ginamit ng ilang tagapagsalin ng Bibliya ang pariralang “ang Salita ay Diyos.” Bakit hindi? Salig sa kanilang kaalaman sa wikang Griego na ginamit sa pagsulat ng Bibliya, ipinasiya ng mga tagapagsaling iyon na ang pariralang “ang Salita ay Diyos” ay dapat isalin sa ibang paraan. Paano? Narito ang ilang halimbawa: “Ang Logos [Salita] ay tulad-Diyos.” (A New Translation of the Bible) “Ang Salita ay isang diyos.” (The New Testament in an Improved Version) “Ang Salita ay kasama ng Diyos at nagtataglay sila ng iisang kaurian.” (The Translator’s New Testament) Ayon sa mga saling ito, ang Salita ay hindi ang Diyos mismo. * Sa halip, dahil sa kaniyang mataas na posisyon sa mga nilalang ni Jehova, ang Salita ay tinukoy bilang “isang diyos.” Dito ang salitang “diyos” ay nangangahulugang “makapangyarihang isa.”
KUMUHA NG HIGIT PANG IMPORMASYON
Ang karamihan sa mga tao ay walang kabatiran sa wikang Griego na ginamit sa pagsulat ng Bibliya. Kaya paano mo malalaman kung ano talaga ang ibig sabihin ni apostol Juan? Pag-isipan ang halimbawang ito: Ipinaliwanag ng isang guro sa paaralan ang isang paksa sa kaniyang mga estudyante. Pagkatapos nito, iba-iba ang naging opinyon ng mga estudyante kung paano dapat unawain ang paliwanag.  Paano lulutasin ng mga estudyante ang bagay na ito? Maaari silang humingi sa guro ng higit pang impormasyon. Walang alinlangan, ang pagkuha ng karagdagang impormasyon ay tutulong sa kanila na maunawaan nang higit ang paksa. Sa katulad na paraan, upang maunawaan ang kahulugan ng Juan 1:1, maaari mong tingnan ang Ebanghelyo ni Juan para sa higit pang impormasyon hinggil sa posisyon ni Jesus. Ang pagkuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa paksang ito ay tutulong sa iyo na sumapit sa tamang konklusyon.
Halimbawa, isaalang-alang ang isinulat pa ni Juan sa kabanata 1, talata 18: “Walang taong nakakita sa Diyos [na Makapangyarihan-sa-lahat] kailanman.” Gayunman, nakita ng mga tao si Jesus, ang Anak, sapagkat sinabi ni Juan: “Naging tao ang Salita [si Jesus] at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan.” (Juan 1:14, Mabuting Balita Biblia) Kung gayon, paano magiging bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang Anak? Binanggit din ni Juan na ang Salita ay “kasama ng Diyos.” Pero paano magiging kasama ng isa ang ibang indibiduwal at kasabay nito ay siya rin ang indibiduwal na iyon? Karagdagan pa, gaya ng nakaulat sa Juan 17:3, niliwanag ni Jesus ang pagkakaiba niya at ng kaniyang makalangit na Ama. Tinawag niya ang kaniyang Ama na “ang tanging tunay na Diyos.” At sa pagtatapos ng kaniyang Ebanghelyo, ibinuod ni Juan ang mga bagay-bagay sa pagsasabi: “Ang mga ito ay isinulat upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo na Anak ng Diyos.” (Juan 20:31) Pansinin na si Jesus ay tinawag na Anak ng Diyos, at hindi Diyos. Ipinakikita ng karagdagang impormasyong ito na masusumpungan sa Ebanghelyo ni Juan kung paano dapat unawain ang Juan 1:1. Si Jesus, ang Salita, ay “isang diyos” sa diwa na may mataas siyang posisyon ngunit hindi kapantay ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.
TIYAKIN ANG MGA KATOTOHANAN
Pag-isipang muli ang halimbawa ng guro sa paaralan at ng mga estudyante. Gunigunihin na ang ilan ay nag-aalinlangan pa rin kahit na narinig na nila ang karagdagang paliwanag ng guro. Ano ang maaari nilang gawin? Maaari silang lumapit sa ibang guro para sa karagdagang impormasyon sa paksa ring iyon. Kung binigyang-katiyakan ng ikalawang guro ang paliwanag ng una, mawawala ang pag-aalinlangan ng karamihan sa mga estudyante. Sa katulad na paraan, kung hindi ka nakatitiyak kung ano talaga ang sinasabi ng manunulat ng Bibliya na si Juan hinggil sa kaugnayan ni Jesus at ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, maaari kang bumaling sa ibang manunulat ng Bibliya para sa karagdagang impormasyon. Halimbawa,  isaalang-alang ang isinulat ni Mateo. Hinggil sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay, sinipi niya si Jesus na sinasabi: “May kinalaman sa araw at oras na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa mga langit kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” (Mateo 24:36) Paano pinatutunayan ng mga salitang ito na hindi si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat?
Sinabi ni Jesus na mas maraming nalalaman ang Ama kaysa sa Anak. Gayunman, kung si Jesus ay bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, alam sana niya ang lahat ng impormasyon na alam ng kaniyang Ama. Kung gayon, ang Anak at ang Ama ay hindi maaaring maging magkapantay. Gayunman, sasabihin ng ilan: ‘Si Jesus ay may dalawang kaurian. Dito ay nagsasalita siya bilang isang tao.’ Ngunit kahit na iyan ang kalagayan, kumusta naman ang banal na espiritu? Kung bahagi ito ng iisang Diyos na gaya ng Ama, bakit hindi sinabi ni Jesus na alam nito ang nalalaman ng Ama?
Habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral mo ng Bibliya, magiging pamilyar ka sa marami pang talata ng Bibliya na may kaugnayan sa paksang ito. Pinatutunayan ng mga ito ang katotohanan tungkol sa Ama, sa Anak, at sa banal na espiritu.​—Awit 90:2; Gawa 7:55; Colosas 1:15.
Credits to the owner 😚
0 notes
honoredsage · 7 years
Text
Sablay 2017
Mga halos 3 weeks din akong hindi nag-post dito. Una, dahil wala na naman masyadong ganap sa buhay ko sa mga araw na naghihintay ako ng aking pagtatapos, at pangalawa, tinamad lang talaga ako.
Ayun nga, nung ika-24 at 25 ng Hunyo, taong 2017, ay opisyal nang nagtapos ang aking buhay kolehiyo, at kasama na dun ang pagiging estudyante. Kaakibat na rin nito ang pagkawala ng aking student discount sa jeep, bus, at tricycle. Dalawang araw nga pala yung pagtatapos dahil yung una ay pagkilala ng mga estudyante mula sa kolehiyo naman, at yung ikalawang araw ay ang pagtatapos naman ng buong unibersidad.
Hindi ko na ikukuwento ang mga detalye kung paano ba ako nagsipag-tapos, dahil katulad lang din naman siguro to ng ibang pagtatapos ng mga estudyante. May mga panauhing pangdangal na magsasalita, may aakyat sa entablado para sabitan ng medalya at bigyan ng papel. May mga magulang na ipinagmamalaki ang kanilang mga anak at panay kuha ng litrato. Mga magkakaibigan na puno ng saya at natapos na rin ang isang mahalagang yugto ng kanilang buhay. Siguro kaibahan lang sa amin ay sablay ang simbolo ng pagtatapos, di tulad nang nakagawian na toga.
Isusulat ko na lang dito siguro ang mga pinagdaanan at mga natutunan ko sa apat na taon na yun. Ilalagay ko na rin dito ang mga natutunan ko, at mga taong dapat pasalamatan. Dito ko na lang isusulat kahit malimit na nakalagay to sa caption dapat ng Facebook profile pic kapag nagpalit ka na ng grad pic mo. Pero alam ko naman kasi na hindi lahat babasahin yun, kaya dito ko ilalagay dahil kung nandito ka man sa blog ko, ibig sabihin binabasa mo mga posts ko at pinaka-personal ko na social media site tong blog ko, kaya marapat lamang na dito ko isulat.
Una sa lahat, sobrang daming kong natutunan na hindi ko alam kung saan magsisimula. Pero, isa sa lagi kong naiisip kapag binabalikan ko ang mga alaala ko sa unibersidad ay ang una kong singko. Sobrang laging dagok kasi noon agad sa akin. Bukod sa ilang mga personal na problema, inisip ko sa sarili ko na sa akademikong mga bagay man lang ay makabawi ako, para sa sarili at para sa mga magulang ko na rin. Pero wala eh. Talagang isinampal ng tadhana sa akin ang matabang singko sa unang taon at unang semestre ko sa kolehiyo. Sobrang pagkadismaya at galit sa sarili ang naramdaman ko nuon.
Kung isa akong mananakbo, pakiramdam ko di lang ako nadapa o natalisod, naputulan ako ng paa nang hindi pa nagsisimula ang karera.
Pero gaya nga ng nasabi ko na rati rin dito sa blog, sobrang laking pasasalamat ko na nangyari yun. Nalaman kong kaya kong bumangon. Hindi naman pala ako naputulan ng paa, natalisod lang. Siguro dahil hindi ako nag-ensayo, baka malubak lang ang daan, o kaya ay napagod lang din ako. Pero ang mahalaga, kaya ko pang tumakbo. At mas mahalaga, hanggang ngayon, tumatakbo pa rin ako. Hindi ko alam kung kailan uli ako madadapa, pero ang mahalaga, alam kong nasa akin pa rin ang aking mga paa at binti upang tumayo at tumakbo.
Natutunan ko rin, bilang mananakbo, tutal sinimulan ko na rin naman na ikumpara ang buhay sa unibersidad sa pagtakbo, ituloy ko na rin, na hindi pabilisan ang pagtakbo. Hindi mo kailangan maging si Usain Bolt na makatapos agad ng 100m sa isang iglap. Ang buhay, hindi lamang sa unibersidad, maging ang buhay mismo ay isang marathon. Sobrang habang marathon na matatapos lang sa sandaling napag-desisyunan mong hindi na tumakbo. Sa sobrang dami kong nakilalang mga tao sa unibersidad, di maiiwasan mong ikumpara minsan ang sarili mo sa kanila. Lagi’t laging mayroong mas matalino, mas masipag, mas mabait, at kung ano pang “mas” na maiisip mo.
Pero ok lang yun.
Siguro hindi ko pa oras na bilisan ang aking takbo, kaya natural na mauuna sila. Ang mahalaga, patuloy akong tumatakbo, kahit minsan lakad na lang ang ginagawa ko. Hindi ka dapat tumingin sa mga kasabayan mo, dahil hindi ka naman sila. Iba kayo ng pinanggalingan at pinagdaanan. Siguro yung isa, mas malaki mga muscles sa binti nya, kaysa sa binti mo. Yung isa naman, baka mas malakas ang baga sayo. Magpatuloy ka lang.
Hindi ko lang alam kung ganito rin sa mga marathon, pero pwede kang magpahinga. Hayaan mong mapagod ang sarili mo dahil tao ka lang. Kung ang mga kotse nga sa karera, kelangan ng pit stop, paano pa ang isang hamak na tao. Nakakapagod mag-aral. Nakakapagod mag-isip ng malalim. Nakakapagod magpuyat. Nakakapagod masaktan. Nakakapagod mag-sipag. Nakakapagod makisalamuha.
Nakakapagod.
Kaya hayaan mong magpahinga ang sarili mo. Kung kailangan mong maging makasarili pansamantala, gawin mo. Mapagod at magpahinga ka, basta wag kang susuko.
Isa pa sa mga mahalaga kong natutunan sa kolehiyo ay ang pakikisalamuha sa tao. Madami akong nakilala na mga tao sa apat na taon na yun. Ang iba sa pangalan lang, na maalala ko na lang dahil Faceboook friend kami. Yung iba naman naging malapit kong kaibigan pansamantala, na nagtagal lang sa kung gaano kahaba kami naging magkaklase. At may mga iilan na hanggang ngayon ay naging malapit kong kaibigan.
Maraming klaseng tao sila. Mayaman, mahirap, lalake, babae, tomboy, bakla, may kinikilalang Diyos, merong wala, galing siyudad, galing probinsya, naka-Apple, naka-Android, naka-Nokia, naka-crop top lagi, naka-shorts, may retainers at kung anu-ano pa. Ang puno’t dulo, natutunan kong huwag manghusga kaagad-agad. Hindi ko masabing huwag mang-husga dahil pakiramdam ko parte yung ng pagkakaroon ng utak ng tao, na mag-isip base sa kung anong nalalaman mo. Pero ayun nga ang problema, hindi lahat, nalalaman mo, lalo na sa isang tao. Sa dami ng mga nakasalamuha kong tao, isa sa una kong iniisip na kapag may hindi ako nagustuhan na ginawa nila o naiinis ako ay dahil may dahilan ang tao na yun.
Hindi ko alam ang istorya nila kaya mas mabuti na lang na ako ang umintindi. Dahil parte rin ng pagiging tao ay ang pagkakaroon ng puso at utak na umintindi. Hindi lang naman sila ang nakakainis minsan, ako rin.
Sa apat na taon na yun, marami pa akong napagdaanan. Maraming pawis ang isinakripisyo ko dahil sobrang init sa QC kapag summer. Maraming oras ang aking inilaan sa pag-aaral dahil ang bagal ng internet minsan na kelangan ko, pero kinaya naman. Nag-alay din ng dugo dahil namatay kuko ko sa NSTP. Napuyat dahil sa mga asignatura, nasaktan ang puso, hindi nakakain dahil malungkot o marami lang talagang ginagawa, natulog sa klase, kumain kasama ang mga kaibigan, at kung anu-ano pa. Marami pa akong natutunan gaya ng paglalaan ng oras sa mga tamang bagay, “magsipag”, magtipid, pero pakiramdam ko halos lahat naman matututunan yan, kaya di ko na ikukwento.
Kaya magpapasalamat na ako sa mga dapat pasalamatan.
Una sa Diyos. Alam Nyo naman po lahat ng pinagdaanan ko, at salamat Po na bukod sa buhay pa ako hanggang ngayon ay di nyo ako pinabayaan. Sobrang salamat talaga. Kahit malimit akong pasaway, di Nyo ako iniwan.
Ikalawa, sa aking mga magulang. Salamat at sila ang naging magulang ko dahil lagi silang sumuporta sa akin kahit minsan parang wala akong patutunguhan. Sa bagsak ko sa Math 17, ang maraming beses na nanakawan ako, nung nalooban yung bahay na tinitirhan namin, hindi nila ibinunton ang sisi sa akin. Oo, pinagsasabihan nila ako, pero alam ko naman na dahil mahal nila ako. Mahal na mahal ko kayo. Kaya sobrang saya ko na nagawa nyo akong i-akyat sa entablado ng may kaakibat na medalya. Babawi pa ako. Abangan nyo na lang.
Ikatlo, espesyal na pagkilala kay Daj. Kasama ko sya ng apat na taon sa tirahan. At nakakatuwa kasi sa apat na taon na yun, hindi kami nag-away. Medyo parehong maluwag ata turnilyo namin sa ulo kaya nagkakasundo kami. Ang dami naming pinagsamahan na hindi ko na siguro maalala ang lahat. Pero espesyal na sa akin yung mga walang kwentang kwentuhan natin hanggang sa usapan natin sa buhay. You always be my cuh.
Ikaapat, sa UP POLSCi. Hinubog mo ako kung sino ako ngayon. Maraming salamat sa mga taong ipinakilala mo sa akin. Ayaw ko na isa-isahin, pero masaya ako na nakilala kita. Kahit na pinahirapan mo ako sa huling taon ko, sulit naman. Salamat.
Ikalima, sa UP. Kahit pinahirapan mo ako ng lubos, marami ka naman naituro sa akin, napakarami. Kahit na marami ka pa rin pintas, minahal na rin kita.
Ikaanim, sa lahat ng mga taong ginawang (o ginagawang) espesyal at makulay ang buhay ko, salamat.
At huli, sa akin. Nakatapos ka rin. Abangan ang susunod na kabanata.
2 notes · View notes
archival-account · 4 years
Text
THE STRANGERS FROM THE CRIMSON TIDES | Ikalawang Kabanta, Unang Bahagi
Cecilia made a mad dash for home. She considered herself lucky that companion of whom she attacked decided to aid his fellow comrade and let her to run. But unfortunately she heard him yell with the similar implication of needing help, and sure enough, two other men stepped out the shadows. Without a moment's waste, they were hot on Cecilia's heels.
However, if there's one thing that Cecilia had that was advantageous, it's that she knew the roads of the forest better than the soldiers. She turned to sharp corners, leaped through fallen trees, and circled one perimeter in order to confuse their sight on her - anything that can make them go off from her tracks.
It was tiring and highly exhausting but she couldn't afford to be captured now. It is already three o'clock in the morning when Cecilia is able to get them lost. With thirty minutes on the clock, the cross-dressing maiden hoped to be home sooner.
"Where is he?" one of the pursuers angrily asked as he surveyed the area with mad eyes.
"No clue. He got us lost. Tch. What a nuisance," his companion scornfully replied, sensing the hopelessness of capturing the cross-dressing maiden.
"If he utters a word about us-"
"He will meet the end of the general's gun, that's for sure."
When Cecilia reached home, Teresa was the first one to greet her by the door. It was not close to a warm welcome, at all.
"Where have you been?" Teresa demanded (in Tagalog) upon seeing her little sister. Cecilia, disgruntled, took off her hood and showed herself wearing Castanor's old clothes - a white button-up shirt, dirty brown slacks, and a pair of worn-out boots. "Goodness!" Teresa exclaimed. "You went out to the woods again, didn't you?"
Cecilia couldn't lie and simply nodded her head. She said, "I did."
"Pepita, you rascal!" Teresa chided. "You're only so lucky you didn't catch up underneath the hooves and tusks of wild boars!" Teresa said, scolding Cecilia as they both got inside. "Auntie Helena nearly had a heart attack earlier because you disappeared yet again! How many times do we have to tell you not to venture out in the middle of the night? And without a companion nonetheless - Naku!"
"I'm sorry, okay? Besides, I didn't find anything much as interesting inside the forest," Cecilia fibbed. Honestly, Cecilia had grown up to be truthful to her sister. But this is one thing she's not going to reveal so easily - about the one where she personally saw foreigners lurking on their land. The secret is too big, the revelation is too heavy. Once Auntie Helena, Auntie Risa, her older sister, and her cousins knew about the reason for her disappearance, she might get caged for a long period of time. Maybe even longer than she could even imagine and she didn't want that. She treasured her independence greatly - something that her aunts highly disproved of her.
"Really? Then why can I still smell faint gun powder?" Teresa asked accusingly. Cecilia gulped. "Pepita..."
"Cecilia Antonia Luna Gueverra, get over here right this instant!" an angry voice yelled from the sala.
Cecilia swallowed the instinct to groan out loud and cursed. Not only she had been caught by Teresa, she's also caught by her strict aunt, Auntie Helena. Cecilia exhaled angrily as she stomped her way to the living room, where two of her aunts are sitting.
"Pepita!" Auntie Risa exclaimed. She hopped out of her seat and hugged her niece tight. Cecilia could just feel the worry radiating off from her and she immediately felt bad. She didn't mean to cause this much trouble but she couldn't help herself. The thought of exploring how far her courage and independence is inevitable inside her head. "You made us worried sick!"
"Where have you been, young lady?" Auntie Helena angrily asked. "If you went into the forest at this ungodly hour, you are in big trouble!"
"She did, Tita Helena," Teresa quipped, her head on her palm, shaking in disappointment. "I could say something interesting had happened because I can smell gun powder from her revolver."
Cecilia turned her head away, pursing her lips together. She didn't dare to say anything else because she just got caught and exposed. If she said anymore, it will definitely be used against her and she would be just digging her own grave deeper than before.
"What?" Auntie Helena screeched. Her eyes are glaring in furious anger and frustration. Her breaths are flared up, her chest heaving up and down. She is obviously not looking forward to the news of her niece using revolver onto something... Or for this case, someone. "You better tell the truth, Pepita, or I will-"
"Look, nothing happened! So what if you smelled the evidence of gun powder? There's a lot of things that could've been done using the aid of my mother’s present! Maybe defending me from a wild warthog from ramming into me!" Cecilia said in a mad outburst. "As far as you're concerned, you might as well just imagine I went out pig hunting." Cecilia huffed and left the room with resentment seeping into her.
"Cecilia, you come back right this instant! We are not through!" Auntie Helena yelled at her retreating form.
But Cecilia was headstrong. Stubborn as a mule. She walked right up the stairs and went inside her room. She slammed the door shut and locked it immediately. She's in no mood to talk.
As she watched her sister’s retreating form, Teresa shook her head in utter disdain. She couldn’t believe that had happened yet again. Ever since Cecilia had learned how to traverse the land on her own, she became more and more stubborn, more and more harder to control.
Auntie Risa clasped Auntie Helena’s shoulder, saying, “Let’s wait until the morning, Helen. Pepita would likely be more agreeable when she’s had a good night’s sleep.”
“It’s already three-thirty in the morning, Risa,” Auntie Helena reminded her exasperatedly. “We have been up since midnight waiting for Pepita.”
Teresa exhaled, feeling the weariness sink into her. She said, “Let’s all just go back, auntie. We can sort everything later when the sun is fully up.”
Both older ladies agreed. In no time at all, they are all back in bed, resting their tired bones and wishing for sleep to come upon them, despite the uneasiness that settled within them earlier.
Teresa was the last one to be back in bed. When she lied down, she couldn’t help but think of what her sister had possibly encountered in the woods. For all she knew, it might not have been a wild animal. And that is what scared her the most. Because of this, she couldn’t get a proper sleep at all. (On the contrary, Cecilia slept almost immediately when she hit the hay.)
2 notes · View notes